Kabanata 36 : Gone
Cheung Hotel
"Maam may naghahanap po sa inyo. Pinapasok ko na po dahil isa po siya sa sinabi niyo na papasukin ko sa opisina niyo kapag pumunta." sabi ng secretary ni Chhaya.
"Sino?" tanong ni Chhaya na dali-daling pumunta sa opisina niya.
"Chhaya." sabi ni Kier ng bumungad si Chhaya sa pintuan.
Isinara ni Chhaya ang pintuan ng opisina niya at napaiyak itong tumakbo kay Kier. Niyakap ng may katandaang lalaki si Chhaya at muli itong nagsalita.
"Gumuho lahat, umalis ako agad ng may mga dumating na pulis at inspector." naluhang sabi ni Kier kay Chhaya.
"Hindi ko pa siya nakakausap ni hindi ko pa siya nayayakap." naiyak na sabi ni Chhaya.
"Kausap niya si Autumn bago gumuho ang minahan. Tatawagan niya sana si Atlas pero may sumabog na sa loob, nasa pinakadulo siya at nasa gawing bukana lang kami. Gusto ko siya tulungan pero tila naging usok ang lahat sa loob." naluhang sabi ni Kier.
Napatingin si Chhaya kay Kier. Ito ang tumayong ama ng kapatid niya sa mahabang panahon. Walang alam si Chhaya dati, pero ng sabihin ni Ralph bago ito mamatay na may kapatid siya at iyon ang anak nito para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Si Autumn." sabi ni Chhaya.
"Hindi ko alam kung siya nga ba ang may gawa, dahil mas nauna pa niyang nalaman na lolo niya si Damian at hindi ko alam kung bakit hindi niya sinasabi kay Winter. Kahit si Run hindi niya sinasabi sa kapatid niya ng malaman nito ng huli lang." sabi ni Kier.
"Dahil naghihiganti sila sa amin ni Atlas." sabi ni Chhaya.
"Ikaw bakit hindi mo sabihin? At kung paano namatay si Ralph?" tanong ni Kier kay Chhaya.
Napatitig si Chhaya kay Kier, sa dami ng sanga ng buhay niya hindi na niya alam kung sino pa ang kamag-anak niya. At nang malaman ni Chhaya na hindi siya ang anak ni Ralph kasal na siya kay Atlas.
Walang alam si Atlas o hindi alam ni Chhaya kung may alam ba ang ex husband niya sa katauhan ni Damian. Dahil sigurado naman si Chhaya kung may alam nga si Atlas kukunin nito si Winter mula sa lolo nitong si Damian.
"Paano ko sasabihin sa lahat na hindi sa bala ng mga tulisan siya namatay kundi sa kaalaman na nanganak si Damian kay Winter?
Paano ko masasabi sa lahat na ang tinitingala ng lahat na si Ralph Cheung ay katulad din ng ibang Adan na kinama ang lola ko, ang mama ko at muntikan na ako." naiyak na sabi ni Chhaya.
Napatiim ng bagang si Kier. Kung tutuusin tulad ng anak ni Ralph na si Rod masasabi pa ngang mas matindi ang kamandag ni Ralph sa mga babae dahil pailalim o lihim ito nambabae. Pero wala nga naman maniniwala at baka kung may sumulpot pang anak si Ralph baka ikulong lang ito ng mga kilalang anak at apo ng matanda.
'Walang maniniwala sa akin. Ang akala ko dati kaya ako sinama ni Ralph Cheung sa New York dahil ako ang balak niya ipakasal kay Atlas o kaya kay Autumn. Hindi pala, may balak din siya sa akin at natigil lang iyon ng akalain niyang ako ang anak niya kay Bien, na sinabi sa kanya ilang linggo bago siya namatay." sabi ni Chhaya.
"Huminge ba siya ng patawad bago siya lagutan ng hininga?" napatiim na bagang na sabi ni Kier.
"Oo. Pero hanggang sa huli sinabi niya sa akin may gusto siya sa akin at nagpapasalamat siya hindi niya ako anak." naiyak na sabi ni Chhaya.
"Ang ugat ng lahat ng kamanyakan ng sumunod na lahi niya ay galing sa kanya." galit na sabi ni Kier.
"Tapos na siya, wala na siya. At ngayon si Damian naman ang nawala. Bakit hindi man lang ako kinausap ni Damian? Hinihintay ko lang siya lapitan ako." sabi ni Chhaya.
"Aalamin ko ang totoong dahilan ng pagkamatay niya, pero positive ang lahat ng kayamanan na naiwan niya ay nakapangalan kay Winter." sabi ni Kier na lalo napatiim ng bagang.
"Asawa niya si Winter at iyon ang kasunduan nila ni Ralph." sabi ni Chhaya.
"Hindi iyon dapat mapunta kay Winter dahil para iyon sa ugat ni Leila, para sa akin, sayo at kay Atlas." sabi ni Kier.
"Okay na ako kahit wala ako makuha, pero sana naman kinausap muna niya ako bago siya mawala." sabi ni Chhaya.
"Hindi okay sa akin, dahil hanggang sa huli kinamkam ni Ralph ang lahat." sabi ni Kier na ikinatingin ni Chhaya sa lalaki.
.................
El Casa
"Ikaw ba ang gumawa?" tanong ni Run kay Autumn ng puntahan nito ang nakakatandang kapatid na si Autumn.
Napatingin si Autumn sa kapatid, hanggang ngayon nasa Isla Verde pa rin si Run nanunuluyan at nagpapanggap na mahirap o pinaninindigan ng kapatid na naghirap ito dahil lahat ng yaman nito ay binigay nito sa iba kaya ang turing ni Run sa sarili ay mahirap.
"Alin?" tanong ni Autumn sa kapatid.
"Patay na si Damian." sabi ni Run.
"Hindi ako ang pumatay sa kanya. At alam mo, na alam ko na kamag-anak natin siya." sabi ni Autumn.
Tinitigan ni Run si Autumn, habang nakaupo ang kuya nito sa silya nito at tulad ng dati ang laptop nito ang kaharap nito ngayon.
"Naniniguro lang ako." sabi ni Run.
"Sabihin natin na pinutol na ng kapalaran ang maling ginawa ni Damian." sabi ni Autumn.
"Hindi alam ni Ate na kamag-anak natin si Damian." sabi ni Run.
"Alam ko at wala akong balak sabihin. Hahayaan kong kusa niyang malaman at magising siya sa katotohanan na katangahan at hindi pagmamahal ang naramdaman niya kay Damian." sabi ni Autumn.
Napabuntung hininga si Run kahit kasi siya wala siyang balak sabihin kay Winter ang lahat o kahit na kanino. Ni hindi nga rin alam ni Run kung may iba pa bang nakakaalam bukod sa kanila ni Autumn. Mukha kasi na sa palagay niya na wala pa ring alam sila Atlas at Chhaya.
"Nabalitaan mo na rin ba?" tanong ni Run.
"Ang alin?" tanong ni Autumn.
"Kay Ate napunta ang lahat ng kayamanan ni Damian." sabi ni Run.
"Maganda, ang plano ni lolo ay nasunod ayon sa kagustuhan niya. At siguradong masaya si lolo Ralph." seryosong sabi ni Autumn.
"Delikado si Ate." sabi ni Run.
"Bakit mo naman nasabi?" tanong ni Autumn.
"Si Damian ay kamag-anak nila Lexa at Kenneth at hindi natin alam kung may ibang kamag-anak pa silang nabuo para gantihan si lolo." sabi ni Run.
"Wala na si lolo." sabi ni Autumn.
"Alam ko, pero ang kayamanan na dapat na sa parte ng kamag-anak nila Lexa at Kenneth ay nasa atin na din. Hindi ka ba natatakot na baka ang minahan na iyon ay hudyat ng pagbabago ng plano ni Damian kaya siya pinatay. Baka si ate na ang isunod nila." sabi ni Run.
"Hindi ako nag-aalala, kasi matagal ang buhay ng ate mo. Huwag kang mag-alala kaya niya iyan." sabi ni Autumn.
"Aiisssst, parang kampante ka sa nagaganap na hindi mo naisip na nag-iisa na siya ngayon sa bahay ni Damian habang nasa wheelchair siya." sabi ni Run pero nagulat ito ng tumawa ng malakas si Autumn.
"Hahahaha." natawang sabi ni Autumn habang nakatingin kay Run.
"Bakit? May nasabi ba akong mali?" tanong ni Run.
"Sa ilang taon na hindi mo kami nakasama mula ng bata ka pa. Marami kang hindi alam sa mga ugali ng kapatid natin."natawang sabi ni Autumn.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Run.
"Tingin mo si Winter ang tipo ng tao na uupo maghapon sa wheelchair na iyon.
Hahaha! Kilala ko si Winter dahil kakambal ko siya at mula pagkabata kaming dalawa na ang magkasama ng ate mo. Makikita mo, baka kinakausap pa nun ang wheelchair niya na makisama sa kanya." natatawang sabi ni Autumn.
Napatitig si Run kay Autumn. Mukha ngang kampante ito sa lahat, na kailangan ni Run magtiwala dahil kung tutuusin matagal na ni Autumn alam na kamag-anak nila si Damian pero tahimik lang si Autumn na nagmamasid sa lahat.
"So sa tingin mo hindi siya...." udlot na sabi ni Run.
"Huwag kang maingay dahil sa lahat ng ayaw ng Ate Winter mo ay binubuko ang kalokohan niya." sabi ni Autumn na natatawa na lamang.
Napailing si Run, malamang tama si Autumn at kung tutuusin si Winter ang tipo ng taong kapag nasagad sa limitasyon ang lahat nag-iiba ito.
...................
Isla Traquilo.
"Wala pa ba si Damian?" tanong ni Winter kay Yumi.
Napatingin si Yumi sa wall clock alas nueve na ng gabi at wala pa si Atlas kaya tahimik lang silang lahat at kung tutuusin iniiwasan nila si Winter para hindi sila tanungin
"Wala pa po." sabi ni Yumi na hindi nakaligtas dahil hahatiran niya ng gatas si Winter ng ganoong oras
"Si Atlas?" tanong ni Winter na ngayon lang nangyari na late si Damian at hindi ito tumawag, na kahit si Atlas walang tawag sa kanya regarding sa asawa niya.
"Wala pa rin po." sabi ni Yumi.
"Pakisabi sa driver aalis kami, at pupuntahan namin si Damian."sabi ni Winter.
"Maam magagalit si Sir Damian." sabi ni Yumi.
"Wala pa siya at nag-aalala na ako." sabi ni Winter.
"Maam baka parating na rin naman si Sir Damian. Hintayin na lang po natin." sabi ni Yumi.
"Ayoko, aalis ako at ako mismo ang titingin kung nasaan ang asawa ko." sabi ni Winter.
"Maam, delikado ang magbiyahe na kayo lang at hindi kasama si Sir Damian o Atlas." sabi ni Yumi.
"Hindi niyo masagot ang tanong ko. Na nasaan na si Damian kahit tawag hindi niya magawa na napakaimposible naman." inis na sabi ni Winter.
"Kasi nga Maam baka busy pa sila sa minahan." sabi ni Yumi.
"Busy? Okay. Kaya nga ako ang pupunta." sabi ni Winter.
"Maam.." sabi ni Yumi.
"Ayaw mo sumunod na patawagin ang driver?" sabi ni Winter kay Yumi.
"Hindi na kailangan."
Napatingin si Winter sa pintuan ng kuwarto nila ni Damian at nakita niya si Atlas na bumungad roon.
"Bakit naman?" sabi ni Winter.
"Magpahinga ka muna kasi hindi pa siya makakauwi." sabi ni Atlas na hindi alam kung paano sasabihin kay Winter ang nangyari kay Damian.
"Gusto ko siya makausap." sabi ni Winter .
"Hindi puwede busy siya." sabi ni Atlas.
"Kakausapin ko siya ngayon na." diin na sabi ni Winter.
"Bilin niya bawal siya maistorbo." sabi ni Atlas.
Napatitig si Winter kay Atlas na ikinalunok ng binata ng biglang gumaralgal na nagsalita si Winter.
"May nangyari ba?" sabi ni Winter habang nakatitig kay Atlas
Nakatitig lang si Atlas kay Winter at hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy si Winter sa pagsasalita.
"Imposible ang sinabi mo, na bawal siya maistorbo. Kasi kapag ako, kahit pa na sinasaktan niya ako kung gusto ko siya kausapin na may kausap siya isinisingit niya ako.
Kahit galit pa siya habang kinakausap ako may oras siya para kausapin ako." sabi ni Winter habang namumuo ang luha sa mga mata niya.
Umiwas ng tingin sila Atlas at Yumi kaya tumulo ang luha sa mga mata ni Winter.
"Anong nangyari?" tanong ni Winter.
"Magpahinga ka muna, bukas nandito na iyon." sabi ni Atlas.
"Nagsisinungaling ka.
....kasi never na hindi ako inuwian ni Damian. At kung gagabihin naman siya o bukas uuwi. Pinasusundo niya ako para magkasama kami." sabi ni Winter habang lumuluha ito.
"Iwan mo kami." sabi ni Atlas kay Yumi.
"Okay." sabi ni Yumi at nagmamadaling umalis ng kuwarto si Yumi.
"Gusto ko makausap si Damian." sabi ni Winter.
"Wala na siya." sabi ni Atlas.
"Hindi, sabi niya kanina uuwi siya ng maaga." sabi ni Winter.
"Gumuho iyong minahan habang nasa loob siya." sabi ni Atlas.
"Hindi rin kasi never siyang pupunta sa loob ng minahan ng walang gamit at hindi alam ang kalagayan ng lugar." sabi ni Winter
Napatitig si Atlas kay Winter halatang kilala nga ni Winter ang asawa nitong si Damian. Kaya muling napabuntung hininga si Atlas.
"Nasaan siya? Tatawagan ko dahil namimiss ko na siya." naluluhang sabi ni Winter kay Atlas.
"Sorry pero hindi mo na siya makakausap kahit kailan." sabi ni Atlas.
Napatitig si Winter kay Atlas at bumalon ang luha sa mga mata ni Winter saka muli nagsalita.
"Hindi totoo iyon." sabi ni Winter sabay titig niya sa mga binti at napahagulhol ito ng malakas.
"Sorry." sabi ni Atlas na iniiwas ang tingin sa sakit na nadarama ni Winter.
"Iwan mo ako." seryosong sabi ni Winter.
"Hindi puwede." tiim bagang na sabi ni Atlas.
"Umalis ka muna." siin na sabi ni Winter.
"Wala na siya, mahirap tanggapin pero iyon ang totoo." seryosong sabi ni Atlas.
"Iwan mo na ako!!" umiiyak na sigaw na sabi ni Winter.
"Okay, pero babalikan kita." seryosong sabi ni Atlas saka nito iniwan si Winter.
Nang makaalis si Atlas, napaluha lalo si Winter habang nakatingin sa mga binti niya.
"Sorry, kung hindi ako nagsinungaling sana kasama mo ako." umiiyak na sabi ni Winter sa sarili
Inalapag nito ang paa sa sahig at unti-unti itong tumayo.
"Umiwas kasi ako sa pananakit mo, at umokey naman ang plano ko. Bumalik ang dating ikaw sa panahong mahina ako. Pero mali pala ako, kasi sa ginawa ko nawala ka lalo." umiiyak na sabi ni Winter habang nakatayo ito at humagolhol ng malakas.
"Damian, bumalik ka!!!!" sigaw ni Winter na ikinarinig ni Atlas dahil hindi nito naisara ng maayos ang pintuan sa pangambang may gawin si Winter sa sarili nito.
Nanghinang napaupo sa sahig si Winter na saktong bumalik si Atlas at inakala nitong natumba si Winter sa wheelchair nito.
"Bakit ka nagpumilit tumayo? Baka hindi ka na tuluyang makatayo sa ginagawa mo." nag-aalalang sabi ni Atlas na ikinatitig ni Winter kay Atlas.
Dinaluhan ni Atlas si Winter at binuhat saka inilapag sa kama. Pagkalapag sa kama tinitigan ni Atlas si Winter na nakatitig lang sa kanya habang lumuluha.
"Ang galing ko pala, lahat sila naniwalang imbalido ako. Ang galing ko talaga magtago sa lahat." sabi ni Winter sa isip habang umiiyak itong nakatitig kay Atlas.
May 28, 2021 10.54pm
FifthStreet1883
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top