Kabanata 36 : Bibitaw
Weeks later
"Muddy, pasok ka." sabi ni Run kay Muddy.
"Salamat. May dala pala ako sayo." sabi ni Muddy.
"Ano iyon?" sabi ni Run.
"Naisip ko kasi ayaw mo ng street foods kasi bawal nga sayo. Kaya bumili ako ng saging." sabi ni Muddy na ikinangiti ni Run.
"Nag-abala ka pa. Pero thank you na rin." nakangiting sabi ni Run.
"Kunin mo na." sabi ni Muddy kay Run.
Kinuha ni Run ang saging at hinawakan nito si Muddy.
"Sa taas na tayo." sabi ni Run at iginiya nito sa taas si Muddy.
Pagdating sa kuwarto ni Run agad umupo ang dalawa sa study table. Ang akala ni Muddy magsisimula na sila ni Run pero nagulat siya ng ilabas ni Run ang play station nito.
"Ano ito?" nagtatakang sabi ni Muddy.
"Maglaro muna tayo. Last day na natin na tutorial session ngayon." sabi ni Run.
"Ay oo nga pala mabilis ang araw at hindi ko napansin" sabi ni Muddy.
"Galingan mo, sana makapag-aral ka ng dere-deretso." sabi ni Run.
"Oo para sayo." Nakangiting sabi ni Muddy.
"Laro muna tayo." sabi ni Run at naglaro ang mga ito.
Nang nasa kama na sila, nagsimula maglaro sila Run at Muddy. Nagtatawanan pa ang dalawa ng biglang magsalita si Run.
"Muddy." sabi ni Run.
"Bakit?" sabi ni Muddy.
"Maging mabait ka, kahit hindi mabait ang lahat sayo." sabi ni Run kay Muddy habang nakatutok ang batang lalaki sa screen.
"Oo ba." sabi ni Muddy.
"Huwag kang iiyak kapag may nawala kasi ang ibig sabihin nun, may magandang pang darating sayo." sabi ni Run kay Muddy.
"Alam ko iyon. Kagaya noong nawala ang tatay ko. Biglang dumating ang tiyo ko at siya ang tumayong tatay ko, at mabait siya na parang anak niya ako." sabi ni Muddy.
"Mabuti." nakangiting sabi ni Run.
"Salamat Run. Sana makapasa ako." nakangiting sabi ni Muddy.
"Makakapasa ka. At dapat sa high school natin makikita kita sa University." sabi ni Run.
Napatingin si Muddy kay Run at nagtaka ito.
"Hindi ka ba mag-aaral ngayong taon sa St Therese?" nagtatakang tanong ni Muddy.
"Baka hindi." sabi ni Run.
"Bakit?" nalungkot na sabi ni Muddy, na kaya nga siya nagnais din makapag aral doon dahil naroon si Run.
"Mag ho-home school ako." sabi ni Run
"Pero bakit nga?" sabi ni Muddy.
"Para mas maganda, sa paghahanda ko." sabi ni Run.
"Akala ko makakasama kita sa University kapag nakapasa ako" nalungkot na sabi ni Muddy.
"Oo, makakasama mo naman ako. Hindi nga lang ngayon at sana naroroon ka kapag bumalik ako." sabi ni Run.
"Sige. Hihintayin kita." sabi ni Muddy na ikinatingin ni Run sa batang babae at napangiti ito.
"Magpakilala ka lang ha" sabi ni Run na ikinangiti ni Muddy.
"Oo at sana mabait ka pa rin kapag dumating ka sa University." sabi ni Muddy na ikinangiti lang ni Run.
.....................
Isla Traquilo
Days later
"Ayos ba?" tanong ni Damian kay Winter ng ibigay nito ang magarang sasakyan kay Winter.
"Grabe ka naman. Hindi ko naman inaasahan ito, sa ikalawa pa ang party ko." sabi ni Winter habang nasa Isla Traquilo sila ng araw na iyon ni Damian para mag-date.
Madalas sila Damian at Winter sa lugar na iyon simula ng opisyal sila ipakilala sa pamilya ni Winter.
"May gift din ako sa grad party mo." nakangiting sabi ni Damian.
"Grabe naman. Baka masanay ako." sabi ni Winter.
"Okay lang kahit masanay ka. Basta bibigyan kita dahil deserved mo ang lahat na maganda." sabi ni Damian.
"Baka sabihin mo materialistic ako." mahinang sabi ni Winter.
"Alam kong hindi ka ganoon. Mayaman ka rin tulad ko at sawa ka na sa mga ganyang bagay. Siguro hindi mo lang inaasahan ngayon, na manggagaling sa hindi mo kadugo kaya nagugulat ka. Pero don't worry kapag ikinasal na tayo magiging isa na tayo." sabi ni Damian.
"Oo magiging isa na tayo." napangiting sabi ni Winter.
"Gusto ko maging masaya ka, at ibibigay ko sayo ang lahat pati buhay ko." sabi ni Damian kay Winter na habang tumatagal umuusbong lalo ang nararamdaman niya sa babaeng kaharap.
"Salamat. Ako din gusto ko maging masaya ka sa akin." nakangiting sabi ni Winter.
"Oo nga pala. Kahit alam natin na reto na tayo sa isa't isa gusto ko maging romantic at memorable sayo ang lahat." sabi ni Damian.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Winter.
Lagi si Winter sinasama ni Damian sa Isla Traquilo at mula doon nasimulan niyang nalaman na mayaman nga ang binata at ang yaman nito ay katumbas ng yaman ng lolo Steven niya. Pero kahit kailan wala itong pinakilalang kamag-anak kaya nagtataka si Winter.
"Hindi ko alam kong mahal kita.... pero siguro ngayon masasagot ko na. Oo mahal nga kita. At aaminin ko sayo, nagkagusto ako sa mama mo, pero hindi malalim ang nararamdaman ko tulad ng sayo. Bawat araw na nakakasama kita nag-iiba ang lahat sa akin. Siguro pagmamahal na nga iyon maitatawag. At magandang simula para..." udlot na sabi ni Damian at inilabas nito ang singsing at ibinigay kay Winter.
"Ahh... wa.. wala akong masabi." sabi ni Winter ng makita ang diamond ring na may malaking bato sa gitna nito.
"Will you marry me?" sabi ni Damian na ikinalunok ni Winter dahil ngayon lang siya nakaramdam na parang kinilig siya ng tumibok ng mabilis ang puso niya na hindi niya maipaliwanag.
"Oo naman. Magpapakasal ako sayo. Hindi ba iyon naman ang sabi ko." napaluhana sabi ni Winter sa halo-halong emosyon nadarama na ikinangiti ni Damian.
Isinuot ni Damian ang singsing kay Winter at niyakap nito ang dalaga.
"Salamat." sabi ni Damian kay Winter na tinugunan ng mahigpit na yakap ng dalaga.
"Saan tayo after dito?" tanong ni Winter kay Damian.
"Sa bahay ko." sabi ni Damian.
Napatitig si Winter kay Damian, sa lahat ng ayaw niya ang pumupunta sa bahay ng isang lalaki at kung tutuusin isang bahay pa lang ang napuntahan niya at iyon ang bahay ni Atlas.
"Sa bahay mo?" sabi ni Winter na hindi naitago ang kaba.
"Hahaha, huwag kang mag alala. Magiging mabait ako sayo." sabi ni Damian.
"Okay." napangiting sabi ni Winter ng makita na mukhang totoo naman ang sinasabi ni Damian.
Matapos mag date ng dalawa nagtungo ang mga ito sa bahay ni Damian, tahimik lang si Winter sa kotse ng binata kaya napangiti si Damian at tiningnan nito si Winter.
"Natatakot ka na ba sa akin?" tanong ni Damian.
"Hindi." sabi ni Winter.
"Iyong totoo?" sabi ni Damian.
"Kinakabahan lang ako." sabi ni Winter sabay tingin kay Damian.
Hinawakan ni Damian ang kamay ni Winter at hinalikan iyon saka ito nagsalita.
"Huwag mo na sana iwala ang pagtitiwala mo sa akin." sabi ni Damian,
Napatitig si Witer kay Damian at napangiti ito.
"Oo naman. Pasensya ka na, kasi wala pa akong ibang napupuntahan na bahay maliban sa mga kamag-anak at kagrupo ko" sabi ni Winter
"Alam ko." sabi ni Damian, hinalikan nito sa kamay si Winter at napangiti sa dalaga.
Pagdating sa bahay ni Damian, napahanga si Winter malaki iyon sa inaasahan niya. Dalawang palapag na bahay at salamin ang buong pader nito kaya kita mo ang kagandahan ng loob ng bahay.
"Pumasok tayo." sabi ni Damian kay Winter.
"Nice house." sabi ni Winter.
"Thanks." nakangiting sabi ni Damian.
"Dito ba tayo titira kapag naikasal na tayo?" nakangiting sabi ni Winter.
"Oo." sabi ni Damian.
"Maganda, mukhang matutuwa ako dito." sabi ni Winter habang pinagmamasdan ang bahay na maaliwalas tingnan.
"Talaga?" sabi ni Damian.
"Oo, gusto ko kasi ang ambiance ng isla, kaya ng namalagi ang pamilya at buong grupo sa El Paradiso, natuwa ako." sabi ni Winter.
"Pareho tayo, gusto ko rin tumira sa isla" sabi ni Damian.
"One point." nakangiting sabi ni Winter.
"One point? Para saan?" nakangiting sabi ni Damian.
"Sa pagkakapareho natin." nakangiting sabi ni Winter.
"Hahaha, ikaw talaga." sabi ni Damian at niyakap nito si Winter.
"Mahal na yata kita." nakangiting sabi ni Winter.
"Ako din yata." nakangiting sabi ni Damian na ikinangiti ni Winter.
....................
Days later
Ikalawang Bayan
"Nagkita din tayo?"
"Sino ka?" tanong ni Chhaya sa lalaki ng hawakan siya nito sa balikat.
Pauwi na sana si Chhaya sa Factory House ng hapon na iyon, at nasa parking lot siya ng palengke ng bayan para kunin ang kotse niya, kung saan namili lang siya ng lulutuin para sa hapunan nila maamayang gabi.
"Hindi mo ako nakikilala?" tanong ng lalaki kay Chhaya.
"Hindi." sabi ni Chhaya pero nagtataka din siya dahil hindi siya nakaramdam ng kaba sa lalaking nasa harap niya.
"Ako si Kier Cheung ang tatay ni Atlas." sabi ng lalaking nagpakilalang Kier.
"Kier? Pero patay na ang Kier na naririnig ko kay Mama." sabi ni Chhaya.
"Tama nga, nakakaalala ka ng mga kamag anak mo. Ayaw mo lang ungkatin sa utak mo." sabi ni Kier kay Chhaya.
Napatingin si Chhaya sa lalaki, bata pa ito at mapagkakamalan ngang parang kapatid lang ni Atlas. At bata pa siya ng huling nakita ito at ipinakilala ng Mama niyang si Bien.
"Anong kailangan mo?" tanong ni Chhaya.
"Alam ko nagdadalawang isip ka sinabi sayo ng Mama mo, at kaya ako nandito para ipaalala sayo" sabi ni Kier.
"Hindi ko nalilimutan, pero wala na akong balak gawin." sabi ni Chhaya.
"Gagawin mo na kasi kapag nalaman ni Autumn ang lahat, mas lalo kang mawawalan." sabi ni Kier.
"Anong ibig mong sabihin?" sabi ni Chhaya.
"Alam mo ang ibig kong sabihin," sabi ni Kier
"Hindi." sabi ni Chhaya.
"Si Ralph ang pinuntahan ni Bien sa emperyo ng ginagawa pa lang ito bago siya mamatay.... at hindi si Orion. Alam mo iyon." sabi ni Kier.
"Oo pero wala naman sinabi si Mama..." udlot na sabi ni Chhaya.
"Alam mong pinatay ni Ralph si Bien dahil magsasalita na ito, at kaya ka nakadikit kay Ralph dahil gaganti ka." sabi ni Kier.
"Hindi totoo iyan." sabi ni Chhaya.
"Naudlot lang iyon ng makita mo ang masayang pamilya ni Orion at Ellie na hindi mo natikman sa buhay mo." sabi ni Kier,
"Masaya kami ni Mama." sabi ni Chhaya na totoo naman na kahit sila lang ng mama niya at wala silang pera masaya sila.
"Pero kulang.... kaya nga pumunta ang Mama mo sa isla para ibigay ka kay Ralph pero ayaw nito na tanggapin ka." sabi ni Kier.
"Pumunta si Mama dito para hanapin ang tatay ko... si Malic." sabi ni Chhaya.
"Hindi kita masisisi kung nalilito ka, bata ka pa noon at nagulat sa mga naganap. Pero papayuhan kita bilang tiyuhin mo. Sundin mo ang sinabi ng mama mo bago pa man malaman ni Autumn na iisa ang dugo niyo." sabi ni Kier kay Chhaya.
"Huwag mo akong guluhin." sabi ni Chhaya
"Pareho kayo ni Atlas, kaya tingnan mo ang nangyari sa kanya. Nawalan siya ng tuluyan.
Huh! Naulit lang sa inyong dalawa ang nangyari kay Kenneth at Lexa." sabi ni Kier.
"Ikaw bakit ka nandito at bakit mo pinalabas na patay ka na?" sabi ni Chhaya.
"Para hindi ako mapatay, pinatay ko ang sarili ko. Hinayaan ko si Atlas na mamuhay mag-isa para hindi rin siya patayin pero magaling si Ralph Cheung at nakita niya ang anak ko.... At pinaikot sa kamay niya." sabi ni Kier.
"Kaya ako ang gagamitin mo?" tanong ni Chhaya.
"Hindi kita gagamitin, itatama ko lang.' sabi ni Kier.
"Masaya na ako, sa kung ano ako ngayon." sabi ni Chhaya.
"Ngayon... eh bukas? Sasaya ka pa ba tingin mo?" sarkstikong sabi ni Kier.
"Ako ng bahala sa sarili ko.' sabi ni Chhaya.
"Sige, tulad ni Atlas pababayaan kita magdesisyon sa sarili mo. Pero mag-isip ka, kapag nalaman ng mga Lopez na hindi ka talaga Lopez itatapon ka din nila.
At kapag nalaman ng mga Cheung na anak ka sa labas ni Ralph Cheung mas lalo kang kawawa lalo na kapag nakialam na ang anak ni Ralph na si Rico at ang mga anak nito.' sabi ni Kier na ikinalunok ni Chhaya.
"Mag-isip ka. Mawawalan ka sa kakasunod mo kay Autumn na alam mong hindi naman tatagal." sabi ni Kier.
Napatitig si Chhaya sa lalaki at ng hindi siya sumagot tumalikod ito at umalis na naiiling lamang.
...................
Dalampasigan
"Ano iyan?" sabi ni Elle kay Wine ng makita ang batang lalaki sa dalampasigan ng hapon na iyon.
"Alimango, gusto mo alagaan?" natawang sabi ni Wine.
"Ayoko, ipitin ako niyan." takot na namimilog na mata na sabi ni Elle sabay atras nito na ikinatawa ni Wine.
"Hahaha! Ayaw mo talaga?" natatawang sabi ni Wine.
"Ayaw." sabi ni Elle.
Nakaupo si Wine sa buhanginan habang pinaglalaruan nito ang alimango na nakuha nito sa kakabungkal ng buhangin malapit sa dalampasigan.
"Lagyan mo ng tali." sabi ni Elle.
"Hahaha, mapuputol." natawang birong sabi ni Wine.
Lumapit si Elle at napangiti si Wine ng yumakap si Elle sa likuran niya.
"Lagyan mo alambre." inosenteng sabi ni Elle habang nasa likuran ito ni Wine nakayakap. Nagawa pa ni Elle ilagay ang baba nito sa balikat ni Wine na ikinatingin ni Wine kay Elle.
"Alambre?" sabi ni Wine habang pinagmamasdan si Elle.
"Oo, para hindi maputol. Tapos hawak ko." sabi ni Elle habang nasa balikat pa rin nakapatong ang baba nito na tinititigan ni Wine.
"Masasaktan siya." sabi ni Wine sabay halik sa pisnge ni Elle na ikinangiti ng batang babae sa kanya.
"Ano gawin natin?" sabi ni Elle.
"Panoorin lang natin siya kung paano siya maglakad." nakangiting sabi ni Wine habang nakatitig kay Elle na nasa likuran niya nakayakap pa rin.
"Sige." sabi ni Elle.
Umalis ito sa likuran ni Wine na ikinatingin ng batang lalaki kay Elle.
"Upo." sabi ni Elle at kahit hindi pa sinasabi ni Wine kumandong na si Elle sa kanya na ikinagulat ni Wine.
"Makita ka ng Papa mo." sabi ni Wine kay Elle.
"Kandong lang naman. Masama ba iyon? Bakit? Ano ba meron sa pagkandong? Bawal ba iyon? May batas ba? Ano parusa? May kulong ba iyon?" sunod-sunod na tanong ni Elle na ikinangisi ni Wine.
"Wala." sabi ni Wine.
"Wala naman pala. Hayaan mo hindi na kita papagurin maglakad habang karga ako, kasi hindi ka naman nagigising. Hindi naman kita makiss kasi kinukuha ka ng tatay mo." sabi ni Elle na ikinatawa ni Wine.
"Hahaha. Matagal na iyon. Pagod kasi ako ng araw na iyon." sabi ni Wine.
"Kaya nga hindi ko na uulitin." sabi ni Elle habang nakakandong na ito kay Wine.
"Okay lang ulitin natin maglakad kapag lumaki na ako ng unti saka kapag lumakas pa ako." sabi ni Wine.
"Malaki na rin ako nun." inosenteng sabi ni Elle.
"Hayaan mo, lalaki pa ako at bubuhatin kita kahit mabigat ka pa." sabi ni Wine at niyakap nito si Elle.
"Wala ka kotse. Lakad lang tayo?" tanong ni Elle.
"Hahaha, para humaba ang buhay natin. Maglakad tayo." sabi ni Wine.
"Love mo pa rin ako nun kahit puti na buhok ko parang kay lola Menchie?" tanong ni Elle habang yakap nito ang braso ni Wine na nakayakap sa kanya.
"Oo naman kahit hindi ka na amoy gatas." sabi ni Wine sabay amoy sa bibig ni Elle.
"Hindi ka mambababae? Hindi ka na halik dede nila saka lips?" sabi ni Elle.
"Hahaha, hindi." sabi ni Wine.
"Okay, tulog tayo." sabi ni Elle.
Nagulat si Wine ng biglang malakas na gumalaw si Elle na ikinahiga niya at ng batang babae sa buhanginan.
"Sleep, habang bata." sabi ni Elle.
"Paano iyong alimango?' sabi ni Wine ng nakahiga na sila ni Elle sa buhanginan.
Napatingin si Wine ng bahagyang umupo si Elle at tinakpan nito ng tsinelas ang alimango na nasa hukay na ginawa niya.
"Hindi na iyan alis, patay siya kapag alis siya.' sabi ni Elle sabay higa nito at yumakap kay Wine.
"Sleep tayo, hapon pa lang?" sabi ni Wine.
"Oo, habang walang istorbo.' sabi ni Elle at niyakap nito ng mahigpit si Wine.
"Hahaha, lagot na naman ako sa Papa mo." natawang sabi ni Wine na hindi na pinansin ni Elle dahil halatang nasasarapan na ito sa pagyakap sa kanya.
"Wala sila sa bahay, kasi busy sila sa party." sabi ni Elle.
Inayos ni Wine si Elle at inilagay nito ang braso sa ulo ni Elle para unanan ng batang babae. Yumakap si Elle kay Wine at pumikit ito.
"Sige sleep muna tayo, habang bata pa tayo." sabi ni Wine sabay ganti ng yakap kay Elle na nakapikit na.
"...at walang istorbo." naaantok na sabi ni Elle na ikinatawa ni Wine.
"Hahaha, ang kulit mo." sabi ni Wine at niyakap nito ng mahigpit si Elle.
"Kapag inanod tayo ng tubig yakap pa rin tayo. Walang bibitaw." nakangiting sabi ni Elle ng yakapin siya ni Wine ng mahigpit
"Hahaha, hindi talaga kita bibitawan." natawang sabi ni Wine habang yakap si Elle na nakuha pa ni Wine halikan sa buhok si Elle.
✍️✍️✍️✍️✍️
May 7, 2021 10.00pm
FifthStreet1883
Good night....
Plagiarism is a CRIME
Do NOT Copy
Salamat sa mga votes...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top