Kabanata 35 : The end is near


Isla Traquilo

"Hello." sagot ni Atlas ng may tumawag mula sa telephone. Napadaan lang siya sa sala kung saan nasa bahay siya nila Damian.

"Hello, hello nandiyan ba si Maam Winter?" nagmamadaling sabi ng nasa kabilang linya na tila ito aligaga at takot.

"Sino ito?" tanong ni Atlas. Nang maulinigan pa sa kabilang linya ang ingay kung nasaan ang tumatawag.

"Tauhan ni Sir Damian sa minahan." sabi ng nasa kabilang linya.

"Bakit ka napatawag?" tanong ni Atlas sa kausap.

"Si sir Damian natabunan ng gumuhong lupa sa loob ng minahan." sabi ng nasa kabilang linya na napaiyak pa sa sinabi nito.

Nagulat si Atlas. Ilang oras pa lang mula ng umalis si Damian, ang among lalaki pa nga nag-akyat kay Winter sa kuwarto ng mga ito.

"Sino ka?" sabi ni Atlas na hindi makapaniwala sa naririnig pero base sa naririnig niya sa background ng tumawag, mga tunog ng ambulansya at sirena ng mga pulis ang mga naririnig niya.

"Si Felipe ang assistant ni Sir Damian dito sa minahan." sabi ng lalaking nagpakilalang Felipe.

"Okay pupunta ako agad." sabi ni Atlas.

"Sandali." sabi ni Felipe.

"Bakit?" tanong ni Atlas.

"Si Atlas ba ito?" tanong ni Felipe.

"Oo. Bakit mo naitanong?" sabi ni Atlas.

"Bilisan mo dahil bago siya natabunan sa minahan ikaw ang huli niyang hinanap sa akin na papuntahin dito. Baka kasi sa laki ng pinsala ng pagguho hindi mo na siya maabutan." sabi ni Felipe.

"Okay sige pupunta na ako." sabi ni Atlas.

"Pakibilisan." sabi ni Felipe bago nito putulin ang tawag.

Binaba ng kausap ni Atlas ang tawag na ikinabuntung hininga ni Atlas kung paano sasabihin kay Winter ang lahat.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Winter mula sa taas ng hagdan ng makitang papaalis ng bahay si Atlas.

Napatingin si Atlas kay Winter. Mula ng hindi na ito nakalakad dala ng pananambang dito, hindi na niya nakita itong malungkot. Para ngang ninais ni Winter na maging preso ng wheelchair na iyon.

Bakit nga ba hindi? Lubos na pagmamahal at pag-aasikaso ang ibinibigay ni Damian sa asawa. Ngayon nga lang ni Atlas nakita si Winter na masaya at payapa.

"Sa minahan." sabi ni Atlas.

"Bakit? Pinasunod ka ba ni Damian?" tanong ni Winter.

"Oo." sabi ni Atlas.

"Okay, sabihin mo umuwi siya ng maaga." nakangiting sabi ni Winter.

Napatingin si Atlas kay Winter, hindi pa nga sigurado ni Atlas kung okay ba si Damian o kung aabutan pa niya na buhay ang among lalaki.

"Sige." sabi ni Atlas.

"Salamat." nakangiting sabi ni Winter.

......................

Cheung Hotel

"Nakita mo ang resulta ng ginawa mo?" galit na sabi ni Matias sa pamangkin na si Chhaya.

"Ang kliyente na iyon ay gago. Alam mo iyon, gusto niyang maging kabit ako para hindi daw siya umalis sa atin. Tangna di ba?" inis na sabi ni Chhaya kay Matias

Nasa conference room sila ng araw na iyon para pag-aralan ang mga nagsisialisang mga kliyente at ang huli nga ang kliyente na minura, sinampal at sinipa ni Chhaya.

Napatingin ang lahat kay Chhaya kung hindi nga lang ito ang itinalaga ni Atlas sa position na iyon matagal na nilang tinanggal ito. Pero iba ang patakaran ngayon ang may-ari mismo ang mag-aalis at magtatanggal ng Karapatan sa itinalaga nito.

"May pinag-aralan ka, nag-aral ka, nakapagtapos sa kolehiyo, isa kang CEO. Ano ba naman na kausapin mo pa rin ng maayos ang kliyente. Kasi baka sinusubukan ka lang niya kung karapat dapat kang.." udlot na sabi ni Aquila.

"...maging kabit niya?" sarkastikong dugtong ni Chhaya.

"Aiissst." inis na sabi ni Aquila na sa tanang buhay niya ngayon lang siya nainis sa isang meeting.

"Ginagago ka na, magiging matino ka pa? Aba parang ang tanga mo naman nun." sabi ni Chhaya.

"Tama na." seryosong diin na sabi ni Malic na ikinatingin ng lahat dito.

"Tama na talaga dahil ang gagong katulad niya ay ginagamit ang kahinaan ng Cheung Hotel para maging kabit ako." sabi ni Chhaya.

"Okay, hindi ka naging kabit. Period. Pero ngayon ipakita mong kaya mo nga kasi nakakapikon ka na. Kapag hindi mo inayos, aalis na ako bilang stockholder at kahit kailan wala kang mana na makukuha mula sa akin." seryosong sabi ni Malic kay Chhaya na ikinatahimik ng lahat.

"Aisssst, inaayos ko. Kaso ano magagawa ko ayaw nila sa amin ni Atlas." inis na sabi ni Chhaya sa ama.

"Ayaw nila SAYO hindi kay Atlas. Kasi kung tutuusin, IKAW ang may hawak at humahawak ng responsibilidad ni Atlas. IKAW ang may problema hindi ang kliyente, hindi ang stockholders, hindi ang empleyado kundi IKAW." seryosong sabi ni Malic kay Chhaya.

"Anak mo ako pero kung magsalita ka parang iba ako." sabi ni Chhaya kay Malic.

"Nakikita ko naman na anak kita, hindi ko nga maitatwa ang bagay na iyon. Mula sa mukha mo hanggang sa ugali mo. Iyon nga lang ako paahon ang ugali ko, ikaw paatras." seryosong sabi ni Malic kay Chhaya.

"At least ako naging CEO eh ikaw isang hamak na Sales Manager lang." sabi ni Chhaya Kay Malic

"Punyeta! Mas maganda pa yata na sumayaw ka na lang sa cabaret na parang ina mo baka umasenso ka pa." di napigilang galit na sabi ni Malic kay Chhaya.

"Malic." saway ni Matias at ng iba pa sa sinabi ni Malic.

"Ganoon ba? Huwag kang mag-alala, ibabangon ko ang dangal ng Lopez. At ako mismo ang gagawa ng paraan para umangat tayo ng sabay-sabay. At huwag din kayong mag-alala paghihirapan ko ang pag-angat at pagbuhat sa inyo pataas ng sabay-sabay." seryosong sabi ni Chhaya na nasaktan siya sa sinabi ng ama niya.

"Mabuti." sabi ni Malic.

"Salamat sayo, pasalamat ka mabilis ang semilya mo dahil kung tutuusin sa buong grupo mo. Ikaw ang huling naisip ko na maging ama ko." sabi ni Chhaya kay Malic.

"Chhaya tama na." saway ni Matias sa pamangkin.

"Tama na talaga dahil tapos na ang huling meeting na nakalugmok tayo. Ang susunod na meeting ay mga papuri ang maririnig ko galing sa inyong lahat." sarkastikong sabi ni Chhaya.

Tumayo si Chhaya at tiningnan ang mga nasa mesa na kung tutuusin iilan na lamang ang natirang stockholders

".. umasa kayo na ibibigay ko ang Cheung Hotel kay Atlas ng pulido at walang problema." sabi ni Chhaya bago ito tuluyang lumabas ng conference room.

.............

Isla Traquilo

Hours Later

"Si Damian dumating na ba?" tanong ni Winter sa mga katulong.

"Hindi pa po maam." sabi ng mga katulong.

"Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Nakauwi na ba si Atlas?" tanong muli ni Winter sa mga katulong.

"Hindi pa po maam." sabi muli ng mga katulong.

"Yumi, pakitawagan nga si Atlas." sabi ni Winter kay Yumi.

"Yes maam." sabi ni Yumi.

Napatingin si Winter sa relo, hapon na ng mga oras na iyon. Hindi umuwi si Damian ng tanghalian na lagi ng ginagawa ng asawa niya mula ng hindi siya makalakad.

"Yumi, tawagin mo ako sa kuwarto kapag nakausap mo si Atlas at sabihin mo kay Atlas kakausapin ko din siya." sabi ni Winter.

"Yes maam." sabi ni Yumi.

"Okay salamat. At oo nga pala, maghanda ka ng masarap na hapunan para sa amin ni Damian." sabi ni Winter kay Yumi.

Nagkatinginan ang mga katulong, hindi pa alam ni Winter ang lahat at hinihintay nila si Atlas para sabihin dito ang mga nagaganap, kaya pilit na ngumiti si Yumi.

"Yes Maam." sabi ni Yumi.

"Salamat." nakangiting sabi ni Winter.

.......................

El Casa

Hours later

"So pumapayag ka?" seryosong tanong ni Autumn habang kaharap si Chhaya na nasa opisina niya ngayon

"Oo, madali lang naman iyon sa akin dahil nasa dugo ko rin ang pagiging entertainer." sabi ni Chhaya

Napatingin si Autumn kay Chhaya nasa harapan niya ito nakaupo at kanina pa seryoso ang dalaga hindi nga nito nakuhang magmaasim na ugali.

"Kailan mo nais simulan?" sabi ni Autumn.

"Mamayang gabi agad." sabi ni Chhaya.

"Okay, so makakaasa ka rin na ibabangon ang Cheung Hotel sa ngalan mo." sabi ni Autumn.

"Salamat." sabi ni Chhaya na nanatiling seryoso na nakatitig kay Autumn.

"Makakaalis ka na." sabi ni Autumn.

"Okay." sabi ni Chhaya.

Napatingin na si Autumn sa laptop nito at nagsimula na uli magtrabaho. Sinadya ito ni Chhaya para maging mabilis ang pag-angat ng Cheung Hotel sa tulong ng isang apo ng Cheung at dati niyang nobyo.

Tumayo na si Chhaya na hindi na nagsalita. Tumalikod ito at lumakad papuntang pintuan ng biglang mag-vibrate ang cellphone niya na agad naman niya sinagot.

"Hello?" sabi ni Chhaya sa kabilang linya.

Napatingin si Autumn kay Chhaya ng biglang magsalita ang dalaga ng sagutin ang tawag nito.

"Hello." sabi muli ni Chhaya.

"Cha, wala na si Damian." sabi sa kabilang linya na ikinatulos ni Chhaya sa kinatatayuan.

"Paano?" napaluhang sabi ni Chhaya at nagmamadali itong lumabas ng kuwarto ni Autumn.

Nakita ni Autumn ang luhang tumulo sa mga mata ni Chhaya at akmang tatayo siya ng biglang magring ang cellphone niya.

"Hello." sabi ni Autumn sa tumawag.

"Sir, wala na si Damian." sabi sa kabilang linya na ikinatingin ni Autumn sa pintuan na nilabasan ni Chhaya.

......................

Tres Islas Municipality

El Paradiso

"Mayor, may gumuhong minahan sa Isla Traquilo at kompirmado po si Damian ang isa sa natabunan." sabi ni Inspector kay Ellie ng puntahan nito ang Alkalde ng Isla para sa ulat na iyon.

Napatingin si Ellie kay Orion, na nakatingin lamang sa kanya. Halatang nagulat din ito sa nalaman.

"Si Winter kamusta?" tanong ni Ellie sa inspector.

"Wala pa siyang alam Mayor." sabi ng inspector.

"Anong dahilan ng pagguho?" tanong ni Orion.

"Ayon sa imbestigasyon, may nagpasabog sa loob ng minahan kaya nag-collapse ang ilalim nito at tuluyang gumuho." sabi ng inspector.

"Sinong suspect?" tanong ni Orion.

"Isa po sa tauhan ni Damian." sabi ng inspector.'

"Nasaan? May pangalan na ba?" tanong ni Orion.

"Wala pa po sir pangalan." sabi ng inspector.

"Sige, kapag may kompletong detalye na sa suspect ibigay mo sa amin agad." sabi ni Orion.

"Yes Sir." sabi ng inspector na may hawak ng kaso.

"Makakaalis ka na." sabi ni Ellie sa inspector.

Tumango ang inspector na agad umalis ng opisina ni Ellie sa munisipyo.

"Si Autumn." sabi ni Orion ng makaalis ang inspector.

"Imposible, hindi niya magagawa sa bayaw niya iyon." sabi ni Ellie.

"Tanungin natin para sigurado." sabi ni Orion na si Autumn lang ang nasa isip niya gumawa ng ganoon kabilis na plano dahil kung may naiwan si Gary na tauhan sa minahan para pagtangkaan si Damian mahihirapan iyon o di naman kaya malalaman agad ni Damian.

Napatitig si Ellie sa asawa, may punto ito. Iba mag-isip si Autumn nitong mga nakaraang taon at alam niyang labis itong nagalit sa dinanas ni Winter mula kay Damian.

.....

May 28, 2021 3.12pm
FifthStreet1883

Malapit na patapos
Sensya na birthday ng pangalawang kong anak. 🎂🍰
Marami akong anak eh 😂🤣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top