Kabanata 34 : Winter's Life
Private Room
Ellie's Cottage
"Babantayan mo siya at ibabalik ko sayo ang Cheung Hotel." seryosong sabi ni Ralph kay Atlas
"Ano?" sabi ni Atlas na tila nalito siya sa pahayag ni Ralph.
"Ikaw ang magiging bodyguard niya sa oras na ikasal si Winter kay Damian." sabi ni Ralph kay Atlas.
"Hindi kita maintindihan, hindi mo ako ipinakasal sa apo mo tapos pababantayan mo siya sa akin." mapanuyang sabi ni Atlas
Matapos ang dinner ng pamilya ni Rod at Ella, pinatawag si Atlas ni Ralph. At isang magandang pagkakataon iyon para kay Atlas para makausap ng solo ang matandang Cheung.
"Matanda na ako Atlas, at gusto ko maging maganda ang buhay ng mga apo ko." sabi ni Ralph.
"Huh! Sa unang pagkakataon ba nagsisisi ka sa pakikipag deal sa isang tao... at iyon ang pakikipag deal mo kay Damian?" nakangising sabi ni Atlas sa matandang Cheung.
"Hindi. Wala akong pinagsisisihan sa kahit na anong desisyon ko. Binibigyan lang kita ng option, para maibalik ko sayo ang pangako ko sayo dati.... ang Cheung Hotel." sabi ni Ralph.
"Bakit mo naman ginagawa ito?" sabi ni Atlas.
"Alam ko galit ka at ang tatay mo sa hindi mo pagkuha ng ibibigay ko dapat sayo, ng piliin mo si Winter. Pero hindi mor in nakuha si Winter, kaya ang kinalabasan nawalan ka ng kahit na ano o wala ka nakuha kahit isa." sabi ni Ralph.
"And?" sabi ni Atlas.
"May binabalak kayong mag ama sa pamilya ko. At para mapigilan ko kayo dederetsahin kita, pero sa isang kondisyon papalitan mo ang ibibigay ko at iyon ang maging bodyguard ni Winter." sabi ni Ralph.
"Hanggang kailan?" sabi ni Atlas.
"Kapag nanganak na si Winter sa anak nila ni Damian, puwede mo na siyang bitawan bilang babantayan mo." sabi ni Ralph.
"Hahaha, mautak ka gusto mo maniguradong magkakaanak ang dalawa at mapunta pa rin sa kadugo mo ang lahat." mapanuyang sabi ni Atlas.
"Sabihin natin... tama ka." sabi ni Ralph pero napangisi ito sa sinabi ni Atlas.
"Paano kung ayoko?" sabi ni Atlas.
"Hindi mo makukuha ang Cheung Hotel at sa oras na mawala si Run, kay Winter iyon mapupunta at automatic ang asawa niyang si Damian ang hahawak ng hotel." sabi ni Ralph.
"Hindi mo gagawin iyan." sabi ni Atlas.
"Isa sa napagkasunduan namin ni Damian ang pamamahala niya sa Cheung hotel na alam mong kumikita ng bilyones.
Ang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ko ang siyang pinakamatibay na negosyo sa tatlong isla. Hindi ito kaya pabagsakin ninuman kaya marami naghahangad dito." sabi ni Ralph.
"Bakit hindi na lang ako ang ipinakasal mo kay Winter?" sabi ni Atlas na halata ang hinanakit sa boses nito.
"Dahil tulad ng nasa isip niyo lumapit si Damian sa akin, at siya ang pagkakataon ko para makuha ng mga apo ko ang islang matagal ng balak kunin ni Rain, pero hindi niya magawa dahil naroroon si Damian.
Alam mong wala kang asset Atlas, umaasa ka lang sa mamanahin mo sa akin. At kung sayo ko ipapakasal si Winter iikot lang ang lahat pero, kung kay Damian ko siya ipapakasal, lalawak ang yaman ng pamilya ko." sabi ni Ralph.
"Gahaman kayo sa kapangyarihan." sarkastikong sabi ni Atlas.
"Ipinanganak kaming mayaman kaya dapat lang. Isang pagkatalo sa amin kapag bumaba ang assets namin or hindi namin mapalaki at mapalawak." sabi ni Ralph.
"Sabagay lahat naman ng tulad mong mayaman ay gahaman, iyon nga lang nasobrahan ka at ang pamilya mo" sarkastikong sabi ni Atlas.
"Kahit anong sabihin mo, ang nasa isip ko ang susunod na henerasyon ko at ayokong maghirap ang lahi ko." sabi ni Ralph.
"Hahaha, kakaiba ka. Ginagawa mong Diyos ang sarili mo." sabi ni Atlas.
"Pag-isipan mo ang sinabi ko. Isa kang Cheung, Atlas....
.... at bilang kabayaran sa pagbibigay ng kapatid ko sa apelyedo namin sa inyo. Babantayan mo ang apo ko hanggang magsilang siya ng anak. At ang kabayaran ko naman sayo ay ang pagbibigay sayo ng Cheung Hotel." sabi ni Ralph.
"Kailan ikakasal ang dalawa?" nakatiim na bagang na sabi ni Atlas.
"Dalawang buwan matapos ang party, gaganapin ito sa isla Traquilo." sabi ni Ralph.
Napabuntung hininga si Atlas, hindi niya akalain na magiging bantay siya ng babaeng mahal niya na ikakasal na sa iba.
..................
Dalampasigan
"Masaya ka ba na nireto ka lang ng lolo mo sa akin?" tanong ni Damian kay Winter.
"Oo, naman. Hindi naman pipili si lolo ng hindi ako magiging masaya. Saka kilala ka niya kaya tiwala ako sa kanya." nakangiting sabi ni Winter.
Napatingin si Damian kay Winter, matagal na niya gusto ang dalaga pero bata pa ito noon kaya hindi niya malapitan. Una niya ito nakita sa isla Traquilo dahil madalas ito magbakasyon sa tiyuhin nitong si Rain Cheung.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ni Damian kay Winter.
"Saan naman ako matatakot?" sabi ni Winter.
"Sa akin, na baka masama akong tao? Dahil hindi rin ako kilala ng pamilya mo?" sabi ni Damian.
Napatingin si Winter sa karagatan, habang naglalakad sila ni Damian sa dalampasigan saka ito napangiti at sinagot ang binata.
"Hindi ako natatakot sayo, dahil ang tiwala ko sa lolo ko ang nagbibigay sa akin ng lakas na pagkatiwalaan ka rin." nakangiting sabi ni Winter na ikinatitig ni Damian sa dalaga.
"Kaya mo ba akong mahalin?" tanong ni Damian.
"Hindi lang tayo ang nasa ganitong sitwasyon, marami tayo. At kung kaya nila na mahalin ang bawat isa sa pagkakareto lang. Kaya ko rin.
Ang tita Emerald ko at ang mga anak ni Lolo Rico ay mga reto lang sa kani-kanila nilang asawa at sa pagsasama nila natutunan nila mahalin ang isa't isa. Kaya kung nagawa nila, magagawa ko rin iyon." nakangiting sabi ni Winter na ikinangiti ni Damian.
"Paano kung hindi mo ako makuhang mahalin?" tanong ni Damian.
"Huwag mong pangunahan ang puso ko. Ang totoo ng makita kita kanina sa una nag doubt ako kasi iba ka tumingin sa Mama ko. Pero ng sabihin mong gusto mo ako, isa iyong way para simulan natin ang lahat." nakangiting sabi ni Winter.
"Hindi ka nangangamba na baka may gusto nga ako sa Mama mo?" tanong ni Damian.
".....bata pa ako, pero mula noong nagkaisip ako nilagay ko na sa utak ko. Na ang lolo ko ang gagawa ng kapalaran ko sa lahat.
Lumaki ako sa kanya, nagkaisip..... at lahat ng ginawa niya nakita ko na maganda ang kinalabasan. Mula sa Negosyo hanggang sa pamilya niya. Alam kong isa ka sa magandang kapalaran ko." nakangiting sabi ni Winter.
"Paano kung hindi?" sabi ni Damian.
"Hahaha, gagawin kitang isang magandang kapalaran ko." nakangiting sabi ni Winter.
"Tama si Lolo Ralph, iba ka rin mag-isip. Positibo lang, at nakakagana sa buhay." nakangiting sabi ni Damian.
"Oo naman kaya nga marami nagkakagusto sa akin." nakangiting sabi ni Winter.
"Marami? So marami ka na rin naging nobyo?" sabi ni Damian habang nakatitig kay Winter.
"Wala akong naging nobyo na seryoso. Fling lang ang tawag ko sa kanila at sa maniwala ka man o hindi, hindi ko pa nararamdaman magmahal kahit kanino." sabi ni Winter habang nakatitih kay Damian.
"Talaga?" sabi ni Damian na tila natuwa siya sa sinabi ni Winter.
"Oo." nakangiting sabi ni Winter.
"Ang suwerte ko naman." sabi ni Damian.
"Masuwerte din ako sayo, hindi dahil sa kayamanan mo kundi dahil nakikita kong kahit may itinatago ka mabait kang tao." nakangiting sabi ni Winter.
"Tingin mo may itinatago ako?" natawang sabi ni Damina.
"Oo. Hindi ba halata. Ang pamilya ko ay nakatitig sayo kanina pa at binabasa ka nila, at kapag ganoon ang awra ng mga lalaki sa pamilya ko.... Sigurado may naaamoy sila sayo na kakaiba." natawang sabi ni Winter
"Hindi ka pa rin natatakot sa akin kahit may nararamdaman na pala ang pamilya mo sa akin na kakaiba?" nagtatakang sabi ni Damian na tila kampante at panatag si Winter sa kanya.
"Sabi ko naman sayo hindi ako takot na may gagawin ka sa akin. Madali akong mahalin at mabait naman ako.
Isa pa wala naman akong ginagawa sayo, mukha ka naman matalino na siguro hindi ka naman maghihiganti tulad ng ibang kaaway ng pamilya ko. Naniniwala ako na wala kang gagawing masama sa akin." sabi ni Winter.
Nagulat si Damian ng biglang huminto sa paglalakad si Winter at niyakap siya nito, saka tinitigan.
"Mamahalin kita at pangako kung hindi mo ako mahal ngayon. Dadating ang oras na mamahalin mo rin ako." nakangiting sabi ni Winter na ikinatitig ni Damian sa dalaga.
Napangiti si Damian, mabait ang babaeng kaharap niya. Positibo ang pananaw nito sa sarili at sa mga taong nakikilala nito.
"Hindi kita kailangan pag aralan mahalin. Gusto nga kita, at ang kagustuhan pagmamahal ang susunod." nakangiting sabi ni Damian at niyakap nito si Winter.
Mula sa malayo nakamasid lang si Atlas, nahihirapan siya sa sitwasyon pero kailangan niya makuha ang para sa kanya at para na rin sa kaligtasan ni Winter.
"Kakalimutan na kita, at mukhang nahanap mo na ang matagal mo ng gusto makita." sabi ni Atlas sa isip habang nakatingin kay Winter na nakayakap kay Damian.
......................
Ellie's Cottage
"Lolo, sabi ng kambal na iyon iuurong na nila ang demanda matapos naming kumain ng kaning baboy." inis na sabi ni Blaze kay Ralph ng nasa isang mesa sila at nakamasid lamang ang pamilya ng mga ito.
"Anong iuurong? May hearing na." sabi ni Rod sa apong si Blaze.
"Ang dalawang manlolokong iyon, naisahan kami." inis na sabi ni Aqua.
"Hindi nila puwede iurong iyon dahil iba si Aica, hindi siya basta-basta magpapatalo lalo na at nasa private porn sites pa rin ang mukha ng kambal niya." sabi ni Rain sa dalawang binatilyo.
"Aiisssst, iyon ang sabi nila." inis na sabi ni Blaze.
"Kung hindi mo kasi inedit ang larawan nila at pinakalat iyon, wala ka sanang problema." sabi ni Ice sa anak na si Blaze.
"Mabuti na lang wala ako sa kaso." sabi ni Bullet.
"Anong wala ka? Matapos mong bugbugin ang dukhang lalaki sa munisipyo. Naghain ng legal complaint laban sayo. Nilagay kita sa munisipyo para makaiwas sa gulo pero gumawa ka ng sarili mong gulo." sabi ni SatA kay Bullet.
"Ha?" gulat na sabi ni Bullet.
"Kinasuhan ka ng lalaking binugbog mo." sabi ni SatA kay Bullet.
"Alam mong pinagtanggol ko lang ang pamilya natin. Ang sabi kasi ng gagong iyon, corrupt ka daw at si Tita Ellie." sabi ni Bullet sa amang si SatA.
"May ebidensya ka ba na sinabi niya ang bagay na iyon?" sabi ni SatA kay Bullet.
"Meron iyong teller sa munisipyo, iyong mga tao doon at saka iyong... iyong babaeng bibo." sabi ni Bullet.
"Tingin mo tetestigo iyong sinasabi mong babaeng bibo?" nakangising sabi ni SatA.
"Oo naman, kapag hindi siya tumestigo..." udlot na sabi ni Bullet at napangisi ito.
"Ano?" sabi ni SatA.
"Wala lang." pilyong sabi ni Bullet.
"Madali lang ang kaso ni Bullet dahil marami naman tao sa insidente, kontra demanda lang ang sagot doon at uurong panigurado ang lalaking nagsampa sa kanya ng kaso.
Ang kay Blaze at Aqua.... Kakausapin ko na lang si Aica o kaya si Adri...." udlot na sabi ni Ellie ng sumingit si Orion.
"Hindi mo kakausapin si Adrian." sabi ni Orion.
"Para maurong na ang kaso sa mga pamangkin ko." sabi ni Ellie na ikinatingin ng lahat sa mag-asawa.
"Aiissst, may gusto sayo ang doctor na iyon." sabi ni Orion kay Ellie.
"Hahaha, para kang timang. Asawa na siya ng pinsan mo." sabi ni Ellie.
"Kahit na." sabi ni Orion.
"Kakausapin ko siya, kasi hindi naman ako papayag na makulong ang mga pamangkin ko." sabi ni Ellie na ikinangiti nila Blaze at Aqua.
"Ako na lang ang kakausap, pero hindi ko masisigurong mauurong nga nila, dahil ang ginawa ng dalawang iyan ay nakakaasar para sa magulang na makita ang anak nilang babae na nasa porn site." nakangising sabi ni Orion.
"Kaya nga ako na ang kakausap." sabi ni Ellie
"Ayoko nga." napasigaw na sabi ni Orion.
"Ayoko nga."
Nagulat ang lahat ng gayahin ni Elle ang ama nito at ilang sandali lang nagtawanan ang lahat.
"Hahaha. Sabi ko na nga ba? Sayo nagmana si Elle." sabi ni Ellie kay Orion habang bumubungingis si Elle na tila nalimutan na nito ang pagwawala nito kanina.
"Aiisssst, basta ako ang kakausap." sabi ni Orion at ng tingnan nito si Elle tumatawa ito na tila nakakaloko.
"I love you Papa." nakangiting sabi ni Elle ng makitang nakatingin sa kanya si Orion na ikinatawa lalo ng lahat.
....................
May 7, 2021 12.02pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top