Kabanata 33 : Kapalit
"Ipapahatid na kita." sabi ni Run at hinawakan nito ang kamay ni Muddy pero nahinto ito sa paglalakad ng makitang nakatingin sa kanya si Ralph.
"Ako na lang ang lalabas." sabi ni Muddy na nauutal ng makitang sa kanila na nakatingin ang lolo Ralph ni Run. Kilala ito ni Muddy dahil ang picture nito ay nasa Cheung Hospital at St Therese nasa Cheung Museum din ito at higit sa lahat kamukha ito ni Run.
"Sasamahan kita at baka hindi ka magpahatid." sabi ni Run kay Muddy.
Tumalikod ito at hinila si Muddy para sa likod bahay dumaan.
"Uyyy, Run magpapaalam muna dapat ako sa pamilya mo." sabi ni Muddy.
"Nagpaalam ka na kanina." sabi ni Run.
"Nandoon ang mga lolo at lola mo." sabi ni Muddy.
"Alam na nila iyon, ako ng bahala. At saka aaluin pa ng mga iyon si Elle at hindi ganoon kadali ang patahanin ang kapatid ko." sabi ni Run.
"Okay, so bukas na lang uli." sabi ni Muddy.
"Oo ipasusundo kita." sabi ni Run.
"Okay, salamat ha marami akong natutunan ngayong araw." sabi ni Muddy.
"Okay." sabi ni Run.
Tinawag ni Run si Glenn at kinausap. Nakatingin lang si Muddy kay Run habang nag-uusap ang dalawa. Ilang sandali lang ng magpaalam muli si Run at Muddy sa isa't isa.
"Salamat uli." nakangiting sabi ni Muddy.
"Walang anuman. Oo nga pala. Tanggapin mo ito." sabi ni Run sabay abot ng sobre kay Muddy
"Ano ito?" tanong ni Muddy.
"Sa bahay mo na lang buksan." sabi ni Run.
"Sige." sabi ni Muddy.
Inihatid pa ito ni Run sa kotse at pinaalis muna bago ito pumasok sa loob ng cottage ng Mama nitong si Ellie.
Nang makaalis ang kotse sakay si Muddy, pasimpleng binuksan ni Muddy ang sobre na binigay ni Run.
"Pera. Ang laki nito." sabi ni Muddy sa isip ng makita ang limang libong piso sa sobre.
"May nakasulat." sabi ni Muddy at binasan iyon ng batang babae.
"The Prince loves the Mud Princess." napangiting basa ni Muddy.
.................
Ellie's Cottage
"Ayoko nga!" umiiyak na sabi ni Elle habang nakahawak na ito sa binti ni Malic.
Nakuha kasi gumapang ni Elle ng akmang aalis na si Malic buhat si Wine. Mabilis ni Elle niyakap ang isang binti ni Malic at lumambiin doon.
"Hindi ka bibitaw?" seryoso ng sabi ni Ralph na ikinatigil ni Elle pero humihikbi pa rin ito na tila hindi na makahinga.
'Ayoko po!" umiiyak na sabi ni Elle kay Ralph at mas lalo ng batang babae hinigpitan ang kapit kay Malic, na ikinangisi ni Malic habang nakatingin kay Elle na tila batang pulubi na ang itsura nito.
"Kapag hindi mo siya binitawan, babalik ka sa Amerika at... Ikaw lang mag-isa." sabi ni Ralph kay Elle.
Napatingin ang lahat kay Elle, mukha naman natauhan ito. At isama pa na naroroon na rin at nakatingin sa kanya ang mga pinsan nila at tiyuhin.
Bumitaw si Elle sa hita ni Malic habang buhat pa rin nito si Wine na natutulog pa rin.
"Aiisssst, bumitaw din. Uuwi na kami ng baby ko. Lagot ako kay Venus at mukhang pinaglakad mo ito ng malayong-malayo." sabi ni Malic na hindi man lang nagising si Wine.
At mabuti na lang malakas at malaki din si Malic na tao kaya nabuhat pa rin niya ang anak kahit malaking bulas ito.
Bumaling din si Malic kay Chhaya at muling nagsalita.
"Ikaw iha umuwi na tayo dahil hindi ka pa kaisa sa kanila. Kaya lalayas na tayo." sabi ni Malic kay Chhaya.
"Tatay alam ko. Nakakahiya." namumulang nahihiyang sabi ni Chhaya at nauna itong lumabas ng cottage na hindi na nakapagpaalam kahit kay Autumn sa pagkapahiya nito sa turan ni Malic.
"Isa kaming abala sa pamilya niyo, kaya aalis na kami ng mga anak ko." nakangiting sabi ni Malic na ikinangiti nila Ice at Rain na nakuha pang magbabay ni Malic sa pamamagitan ng paa, ng itaas ito ni Malic dahil hawak nito ang anak.
Pagkadaan ni Malic kay Orion, nagsalita si Orion kaya napatigil si Malic.
"Pasalamat ka ayaw bumitaw dahil kung bumitaw, kanina ko pa dinala ang anak mo sa kulungan ni Stone.' sabi ni Orion kay Malic.
"Hahaha, matindi ang anak mo... kaya goodluck." sabi ni Malic kay Orion.
Napatingin lang si Orion kay Malic at napailing sa sinabi nito.
"Aiisssst, pinagpawisan ako doon." sabi ni Malic bago ito lumabas
"Halika na magbihis na tayo baby." sabi ni Ellie sa anak.
"Balik Wine?" umiiyak na sabi ni Elle.
"Oo.' sabi ni Ellie at kinarga nito si Elle na hindi niya alam kung anong itsura meron ito.
"Bakit di siya gising? Sleeping prince siya?" tanong ni Elle.
"Pagod kasi siya, pinaglakad mo habang buhat ka." sabi ni Ellie.
"Wala kasi siya pera, wala kami pamasahe kanina." umiiyak na sabi ni Elle habang karga na ito ni Ellie.
"Bata pa kasi siya kaya wala pa siyang pera." sabi ni Ellie kay Elle.
"Paglaki niya yaman na siya?" sumisinghot na sabi ni Elle.
"Puwede." sabi ni Ellie.
"Magbihis ka na." sabi ni Orion kay Elle.
"Opo." umiiyak na sabi ni Elle at dinala ito ni Ellie sa ikalawang palapag para bihisan.
"Aisssst, natapos din." sabi ni Bullet sabay upo nito sa sofa kung saan nagwala si Elle.
"Langyang Wine iyon hindi tuloy tayo nakaganti." sabi ni Blaze kay Aquila ng umupo na ang tatlo sa sofa.
"Bukas lagot siya sa atin.' sabi ni Aqua.
"Hahahaha, balita ko kumain kayo sa kural." natawang sabi ni Bullet habang nakamasid ang pamilya ng mga ito sa tatlo.
Nakatingin si Ralph sa tatlong apo na kahit hindi nagsusumbong ang mga magulang nito sa kanya alam niya na pasaway ang tatlong apo na nakaupo sa sofa. At ang latest na issue ay ang demanda kay Aqua at Blaze.
"Nakakadiri iyong kutsara sa kural na iyon, na isinubo ko. Aissst naiisip ko lagi kung bad breath ang gumamit ng kutsara. Asar." inis na sabi ni Blaze.
"Hahaha, mabuti pala ako. Kasi mukhang natakot na sa akin ang isa sa kanila." sabi ni Bullet.
Napangisi si Ralph sa tatlo at hindi ito nagkomento na ipinagtaka ng mga magulang ng batang nag-uusap.
"Late again." sabi ni Winter ng bumungad ito sa pintuan.
"Sakto lang.' sabi ni Autumn sa kakambal pero napakunot ang noo nito ng makitang kasunod nito si Atlas.
Napatingin si Winter sa buong pamilya at napangiti siya ng nakatingin ang mga ito kay Atlas na nakasuot pa ng pangsundalo.
"May nangyari kasi, nawalan ng gas ang kotse ko. Iniwan ko sa mall nakita ko sila Xian. Tapos nakisakay ako. Eh, nandoon pala ang tropa niya sa loob. Bababa sana ako kaso nakasakay na ako kaya hindi na ako makababa. Tapos nun, sa ibang way ako dinaan kasi ang mga hinayupak na iyon gusto ako gahasain." sabi ni Winter na ikiansinghap nila Ella, Ellie at Isaiah at ikiantingin ni SatA, Orion at Rod kay Winter.
Hindi iyon napansin ni Winter dahil ganito talaga ito magkuwento dere-deretso.
"...tapos noong nasa van ako naamoy ko iyong isang kaibigan ni Xian amoy gamot. Tapos ilang sandali lang may nagpaputok ng baril kaya huminto iyong van. Sa paghinto ng van sinakal ako ni Xian tapos hinalikan niya ako kaso tinulak ko siya kasi..." sabi ni Winter at napatingin ito sa lahat na nakatingin pala sa kanya.
"Kasi?" tanong ni Autumn habang nakatingin ang lahat sa kuwento ni Winter.
Napatitig si Atlas kay Winter, ngayon lang niya nalaman ang side o kuwento nito, dahil hindi naman niya kinakausap si Winter kanina, kaya nainis ito sa nalaman.
"Dapat pala pinuruhan ko na." sabi ni Atlas sa isip dahil binaril niya sa binti ang mga kaibigan ni Xian bukod sa lalaki na hindi na niya nagawang paputukan sa takot na gumanti ang mga ito doon mismo at madamay si Winter.
"....kasi amoy marijuana ang bibig niya." sabi ni Winter na tila nangilabot siya.
"Nasaan sila?" sabi ni SatA kay Winter.
"Iniwan namin sa tulay ng isla Traquilo, hindi ko na nilingon eh." sabi ni Winter.
"Hayaan mo hindi na iyon mauulit."
Napatingin ang lahat ng may nagsalita mula sa likuran nila Winter dahil nasa malapit pa rin ang mga ito sa pintuan.
"Sorry sa pagsali sa usapan. Ako nga pala si Damian Salvador." sabi ni Damian na ikinatingin ni Orion kay Ralph ng tumingin si Damian sa matandang Cheung.
"Damian, hindi kita inaasahan ngayon. Pero salamat at dumating ka." sabi ni Ralph habang nakaupo sa wheelchair nito.
"Lolo." sabi ni Winter habang nakatingin sa lalaking nagngangalang Damian.
"Pasensya na, ang balak ko sana sa party niyo ni Autumn ipapakilala si Damian kaso naisip ko mas maganda kung ipakilala ko siya sa inyo na tayo-tayo lang muna." sabi ni Ralph.
Napatingin si Rain kay Damian, kilala niya ito dahil ito ang nagmamay-ari ng malaking lupa sa isla Traquilo. Mayaman pero malihim ito dahil walang nakakaalam ng personal na buhay nito.
Binalak ni Rain na palihim na bilhin ang maliliit na lupa sa isla Traquilo para mapasakanya ang isla. Pero nalaman niyang si Damian ang may pinakamalaking lupa roon o kung susumahin tila pag-aari nito ang Isla Traquilo tulad ng lolo ni Winter na si Steven Tuazon na nagmamay-ari naman ng Isla Verde.
"Magandang gabi sa inyo" nakangiting sabi ni Damian sa lahat.
Nakatitig ang mga lalaki kay Damian, nasa edad trenta. At walong taon ang tanda nito kay Winter, guwapo, matangkad, maputi. Iyon nga lang may pagkamisteryoso ito dahil hindi nila ito nakakasalamuha sa mga mayayamang gathering.
"Hi Winter." nakangiting sabi ni Damian kay Winter.
Napangiti si Winter, matanda sa kanya ang kaharap pero okay lang dahil uso iyon ngayon saka parang Mama at Papa lang niya na age gap kung susuriin.
"Hello." sabi ni Winter na tila kinilig siya ng nginitian siya ni Damian.
Hindi lumayo si Atlas kay Winter ng lumapit si Damian kay Winter kaya nakita niya ang reaksyon ng dalaga sa lalaki na ngayon lang niya nakita. Na tila gusto ni Winter si Damian kahit kakakilala lang nito sa lalaki.
"Kumain muna tayo." sabi ni Ella sa lahat na halos nakatingin lang kay Damian na tila sinusuri ng mga lalaki sa pamilya si Damian.
"Malinis na ang baby ko." nakangiting sabi ni Ellie ng papalapit kay Orion, habang karga nito si Elle na nakangiti na kahit namumula ang ilong nito.
Napangiti si Damian ng makita si Ellie. Napansin ni Orion ang tingin ni Damian kay Ellie kaya agad na niyakap ni Orion si Ellie na ikinatingin ng lahat kay Orion.
"Onion." sabi ni Ellie.
Tiningnan ni Ellie ang tinitingnan ni Orion at nakita niya ang isang lalaki na nakilala na niya minsan sa munisipyo habang nag-aaply ito ng business permit.
"Kilala mo siya?" tanong ni Orion kay Ellie na halatang nagseselos si Orion.
"Oo, si Mr Damian Salvador, businessman. Kilala din malamang siya ni SatA dahil madalas si Damian sa munisipyo." sabi ni Ellie sa lahat.
"Hindi ko siya kilala." kunot noo na sabi ni SatA na ikinatingin ng lahat dito.
"Ha? Imposible kasi malaki ang lupa niya sa isla Traquilo at marami siyang negosyo." sabi ni Ellie.
"Hindi ako pumupunta sa munisipyo sa panahon ng panunungkulan ni Gov Valencia dahil mga tauhan ko ang inuutusan ko." sabi ni Damian ng makita ang nagtatakang mukha ni SatA.
"So bakit ngayon ang asawa ko ang nakaupo, naisipan mong pumunta?" sabi ni Orion na hindi naitago ang mapanuyang tono.
"Hahaha, magiging mother-in-law ko siya, kaya paggalang iyon para sa kanya." sabi ni Damian.
Napatingin si Orion kay Damian sampung taon lang ang bata nito kay Ellie at hindi malayong may gusto ito kay Ellie na nasa edad na forty.
"Gusto mo ba ang Mama ko?" deretsahang tanong ni Winter na ikinatingin ng lahat kay Winter sa tanong nito.
"Hahaha, hindi ko siya gusto. Ikaw ang gusto ko at pakakasalan ko." sabi ni Damian kay Winter
"Paano ako nakakasiguro?" tanong ni Winter na ayaw naman niyang makapag-asawa na may gusto sa Mama niya.
"Dahil ikaw ang hiningi ko kay Ralph Cheung." sabi ni Damian na ikinatiim ng bagang ni Atlas.
"Para saan? Anong kapalit?" sabi ni Orion na tila wala naman reaksyon si Ralph na lalo niyang kinainis na tila benenta nito ang anak niya sa lalaking kaharap.
"Ang paglalagay ng kayamanan ko kay Winter at sa anak naming, dahil nag-iisa na lang ako sa buhay." sabi ni Damian.
"Bakit ako?" nagtatakang sabi ni Winter.
"Gusto kita dati pa." sabi ni Damian na ikinatitig ni Winter kay Damian.
Nakatingin si Run sa lolo Ralph niya, wala itong reaksyon kumpara sa halo-halong emosyon ng mga nakapaligid dito.
"Halika na muna kayo. Nakahain na ang mesa." nakangiting sabi ni Ella.
"Salamat." nakangiting sabi ni Damian kay Ella na ikinakunot noo ni Rod dahil iba ang dating ng lalaking nasa harap nila, na hindi niya mawari kung bakit hindi naramdaman ng kanyang ama.
"Mama, akap." sabi ni Elle kay Ellie na agad niyakap ang anak.
"Hi Elle." nakangiting sabi ni Damian pero hindi ito pinansin ni Elle.
"May sumpong." sabi ni Ellie na ikinangiti lang ni Damian.
✍️✍️✍️✍️✍️
May 6, 2021 9.25pm
FifthStreet1883
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top