Kabanata 32 : BP
Kabanata 32
El Casa
"Maam sorry po. Hindi talaga puwedeng pumasok."sabi ng security guard kay Chhaya na kanina pa naroroon at nakikipag-usap sa mga guard.
"Kuya, alam kong kilala mo ako kaya papasukin mo na ako dahil kung ayaw mo sasagasan ko kayo." sabi ni Chhaya sa guard
"Maam Cha, kilala kita. Pero hindi ka na konektado sa kung sinuman sa loob." mahinahong sabi ng guard na tila pati ito ay nagtataka sa ugali ng kaharap.
Kanina pa kasi si Chhaya sa gate, at ayaw nitong umalis. Bumubusina pa nga ito kapag inuulit ang sinasabi nito na halatang naiinis na ang dalaga, na hindi naman alam ng mga guard kung bakit. Dahil alam naman nila na alam ni Chhaya ang patakaran sa loob ng Valiente Empire.
"Papasukin niyo ako o hindi?" inis na tanong ni Chhaya sa mga guard.
"Hindi po talaga puwede." sabi ng guard na kung hindi lang dating nobya ito ni Autumn o anak ni Malic na kaibigan ni Orion Valiente malamang nasagot na nila ang babaeng kaharap o kaya naman hinuli at kinulong sa bilangguan sa loob ng malapalasyong lugar na iyon.
"Ah ganoon." sabi ni Chhaya.
Bumusina ito ng paulit-ulit at binuksan ang hazard light. Nang akmang isasara ng mga guard ang gate kahit na may mga kasunod pang papasok si Chhaya. Agad na pinaharurot ni Chhaya ang kotse na ikinatunog ng malakas at ikinailaw ng mga signal red light sa loob ng Emperyo.
...............
Napatingin si Autumn ng pumasok ang secretary niya.
"Ano nangyayari?" tanong ni Autumn ng mag alarm ang buong gusali sa pagtunog na signal alarm.
"Sir, si Mang Toby tumawag dahil pilit daw na pumasok si Maam Cha." sabi ng secretary ni Autumn
"Sabihin mo sa mga bantay. Hayaan lang nila makapasok." seryosong sabi ni Autumn
"Yes Sir." sabi ng secretary ni Autumn.
.................
"Huh! Akala nila hindi ako makakapasok. Puwede ba 'no? Kakausapin ko lang ang lalaking iyon. Masama ba 'yon?" sabi ni Chhaya sa sarili.
Nasa vicinity na siya ng Emperyo at ipinarada ang sasakyan niya sa likuran ng building kung saan madalas siya magpark dati.
Bumaba si Chhaya sa kotse niya. Nakuha pa nitong luminga-linga sa paligid ng bigla itong mapangiti ng makita ang sasakyan niyang kinuha ni Autumn. Lumapit si Chhaya sa naturang sasakyan at hinaplos ng dalaga ang kotse nito.
"Mahal ito. Makukuha na kita." nakangiting sabi ni Chhaya habang hinahaplos ang kotse niya.
Lumapit si Chhaya sa kotse niya at binuksan iyon pero nagulat siya ng mag-alarm iyon.
"Ayyyy! Grabe, akin ka tapos galit ka ng hawakan kita." inis na sabi ni Chhaya sa kotse niya.
Ilang segundo din ng huminto ang alarm ng naturang kotse niya.
"Aisssst, babalikan kita may meeting lang ako." sabi ni Chhaya sa kotse niya.
Tinalikuran ni Chhaya ang kotse niya at lumakad patungo sa loob ng building. Pagdating sa entrance ng gusali ng El Casa na nasa kaliwang bahagi ng building papasok. Nagtaka siya at hindi niya sinita ng mga guard. Binati pa siya ng mga ito at nginitian kaya napangiti siya.
Naglakad si Chhaya sa loob ng gusali, marami din nagbago roon mas lalong gumanda at halatang kumikita ng malaki ang negosyo na iyon.
Nang makita ang elevator inilahad ni Chhaya ang daliri sa detector sa pribadong elevator at napangiti muli siya dahil naroroon pa rin ang fingerprints niya na tanging mga may ari lamang ang nakakagamit ng naturang elevator na iyon.
"I belong pa rin." nakangiting sabi ni Chhaya ng magsara ang elevator at tumaas na iyon.
Nang makarating sa palapag kung saan nag-oopisina si Autumn agad na dumeretso si Chhaya papunta roon.
................
Autumn's Office.
"Sir, okay na po ba?" tanong ni Honey ng mailapag ang papeles sa mesa ni Autumn.
Nakatingin lang si Autumn kay Honey, isa ito sa empleyada niya na nakabase sa training department.
Napaiwas ng tingin si Honey, minsan na niya nakatalik si Autumn pero kakaiba tumingin ito ngayon na tila hindi pa ito kumakain. At kapag ganoon, umiiwas siya hanggat maaari dahil usap-usapan na sa training department kung gaano ito ka-wild sa sex. Na ayos naman sa lahat ng nakatalik nito na proud pa nga kung isa ka sa matitipuhan ng guwapong amo nila.
Ang pakikipagtalik kasi ni Honey dati kay Autumn ay smooth lang ang dating pero magaling ang binata sa kama.
"Tungkol saan ba iyan?" tanong ni Autumn sabay kuha sa mesa niya ng papeles at binuklat iyon habang nakaupo sa silya niya.
"Sa new batch po na isasalang." sabi ni Honey.
"Okay."sabi ni Autumn sabay titig muli kay Honey.
Napalunok si Honey, iba tumingin ang batang Valiente. Kung ang ama kasi nito na si Orion ay ilap na sa kanila kahit grabe din makatingin. Ang kaharap niya ngayon ay pakiramdam mo ay hinuhubaran ka at nakakatigas iyon ng....
"Aissst, grabe makatingin. Ang nipples ko ay nagrereact." sabi ni Honey sa isip habang pilit iniiwas ang tingin kay Autumn.
Napangisi si Autumn at tumayo ito. Napaatras naman si Honey ng tumayo si Autumn. At ng papalapit na ito sa kanya umatras pa lalo si Honey.
"Mukhang ngayon ka na lang ulit nagdala ng papeles, busy ka ba?" tanong ni Autumn kay Honey.
"Ngayon lang po ako inutusan ni Maam." nakangiting sabi ni Honey.
Umupo si Autumn sa mesa niya habang nakatitig kay Honey ng muli itong nagsalita.
"Hmmnnn." sabi ni Autumn na napangiti kay Honey na ikinatitig ng empleyada sa amo.
"Okay na po ba umalis?" tanong ni Honey.
"....at baka mawala ako sa sarili ko." dugtong na sabi ni Honey sa isip habang nakatitig si Autumn sa kanya.
"Ikaw." sabi ni Autumn habang titig na titig kay Honey.
"Okay sir." sabi ni Honey at akmang tatalikod ito ng bigla itong napahinto na ikinangiti ni Autumn.
Napabuntung hininga si Honey at humarap muli kay Autumn.
"Bakit?" tanong ni Autumn.
"Isa lang." sabi ni Honey at sa isang iglap nasa harapan na niya si Autumn.
"Sure." nakangiting sabi ni Autumn at napaungol si Honey ng itaas ni Autumn ang skirt niya at ipasok agad nito ang kamay sa loob ng panty niya.
"Ohhh Autumn." ungol ni Honey sabay yakap kay Autumn sa panginginig ng kalamnan niya. Tuwing nakikipagtalik siya sa binata tinatawag niya ito sa pangalan nito dahil masarap iyon bigkasin sa bibig tuwing umuungol si Honey.
Napangisi si Autumn na agad nito nakuha ang kiliti ni Honey sa parteng iyon. Iginiya nito ang empleyada at pinatuwad nito sa mesa niya.
"Ugghh." sigaw ni ungol ni Honey ng bilisan ni Autumn ang paglabas masok ng daliri nito.
Dumukwang pa si Autumn at mula sa cabinet nito nakuha nito ang pakay at napaungol ng malakas si Honey ng idikit ni Autumn ang vibrator sa kaselanan niya na halos maglawa sa ginagawa nito.
"Ang sarap ba?" nakangiting sabi ni Autumn kay Honey.
"Oo, please iyong sayo naman. Ipasok mo." ungol na sabi ni Honey na halos tumirik ang mga mata nito.
Mabilis na ibinaba ng bahagya ni Autumn ang pantalon nito at inilabas ang pagkalalaki nito saka ikiniskis sa pagkababae ni Honey.
"Please ipasok mo na." sigaw ng nabibiting ungol ni Cathy ng maramdaman niya ang ikalawang pagbulusok ng maramdaman ang pagkiskis ni Autumn sa kanya.
"Agghh." ungol ni Honey.
....................
"Si Autumn." sabi ni Chhaya sa secretary ni Autumn pero imbes na huminto ito nilagpasan lamang nito ang empleyada.
"Maam sandali lang po, may kausap pa si Sir." sabi ng secretary ni Autumn pero tinabig lang ito ni Chhaya saka ito walang pakundangan na pumasok sa opisina ni Autumn.
"Aissst talaga naman." sabi ng secretary ni Autumn na hinayaan na si Chhaya pumasok.
......................
"Good morning." nakangiting sabi ni Chhaya pero nagulantang ito sa eksenang naabutan na halos humihiyaw sa ungol si Honey habang nakatuwad ito sa mesa ni Autumn at naglalabas masok ang binata sa sentro nito.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Autumn ng makita si Chhaya pero imbes na tumigil ang binata sa pakikipagtalik mas lalo nitong binilisan ang ginagawa na ikinatulala ni Chhaya.
"More, Autumn ughhh." ungol ni Honey na liyong liyo sa pag-ulos ni Autumn.
"Okay Hon." sabi ni Autumn at nagulat si Chhaya ng tanggalin ni Autumn ang pagkalalaki nito sabay luhod ng binata.
Ibinuka pa lalo ni Autumn ang mga hita ni Honey at nasinghap si Chhaya ng halos higupin ni Autumn ang pagkababae ni Honey at hindi pa ito nakuntento ng muli itong ipasok ang daliri habang hinahalikan si Honey sa sentro nito.
"Fuck, Autumn. Sige pa." ungol ni Honey na wala na itong pakialam kung magmukha itong nagla-live show sa harapan ni Chhaya.
Tumayo si Autumn at ipinatihaya nito si Honey sabay ibinuka ang mga hita ng dalaga at muling pumasok dito.
"Agghhhh, Autumn shit." naliliyong ungol ni Honey.
Itinaas ni Autumn ang mga binti ni Honey at mabilis na umulos sa sentro nito na lalo ikinaliyo ng empleyada.
Nakatitig lang si Chhaya at napalunok siya sa paraan ng pakikipagtalik ni Autumn na halos mabutas at mawarak ang babae na kaulayaw nito. Pero halata naman sa babae na nagugustuhan nito ang ginagawa ni Autumn dito.
"Ohhhh!" sigaw ni Honey na halatang nilabasan muli ito dahil nakikita ni Chhaya ang maraming likido mula sasentro at sa nakabukang mga hita nito na nakaangat sa ere ang mga binti.
"Baka mabuntis mo siya." mahinang sabi ni Chhaya na natakot siya sa naisip.
Akmang pipigilan ni Chhaya si Autumn ng biglang tanggalin ni Autumn ang pagkalalaki nito kay Honey at nanlaki ang mga mata ni Chhaya ng tumalsik ang llikido ni Autumn mula sa sandata nito at binuhos iyon sa katawan ni Honey na nakuha pang lasahan ang tumalsik na likido ni Autumn.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" seryosong sabi ni Autumn kay Chhaya.
"May business proposal ako sayo." mahinang natutulalang sabi ni Chhaya habang nakatingin sa babae at sa pagkalalaki ni Autumn na di hamak nga na lumaki pa iyon kumpara sa dati at mukhang galit at buhay pa iyon ngayon.
"Kalahating oras, pagbibigyan kita." sabi ni Autumn.
Na tila wala lang dito ang pakikipagtalik ng kumuha ito ng wipes at maglinis ito ng katawan. Ibinigay nito ang wipes sa kaulayaw na nakangiti pa habang nakatingin kay Autumn.
Tumayo ang babae na nakuha pang maglinis muna ng mesa ni Autumn saka nagtungo ng banyo na nasa opisina ng binata.
Umupo si Autumn sa silya nito na tila walang naganap sa mesa nito kani-kanina lang. Nakuha pa nito kunin ang mga folders at ilagay sa tabi nito. Binuksan ang laptop na halatang nagsisimula na itong magtrabaho.
"Puwedeng umupo?" tanong ni Chhaya na tila nawala ang tapang na baon niya dahil naumid ang dila niya na hindi niya alam kung saan magsisimula.
"Umupo ka, dahil ang oras ay nagsisimula na." sabi ni Autumn at nagulat siya ng may timer nga si Autumn at limang minuto na ang mabilis na nawala..
"Sandali..." natarantang sabi ni Chhaya pero hindi siya tiningnan ni Autumn habang nakatutok lang ang mata nito sa laptop.
"Busy ako kaya bilisan mo." sabi ni Autumn.
Mabilis na inilapag ni Chhaya ang folder sa mesa ni Autumn at akmang uupo ito ng tumingin ito kay Autumn.
"Pahinge ako ng wipes kasi may tilamsik ng mantika." sabi ni Chhaya ng makitang may likido pa ng dalawa sa uupuan niya na nasa harap ng mesa ni Autumn.
Hindi kumibo si Autumn kahit ang buklatin ang folder na inilapag ni Chhaya ay hindi nito ginawa. Kaya kumuha si Chhaya ng wipes nan akala[ag sa mesa ng binata saka iyon pinunas sa upuan.
"Pahinge pa ha. Ang dami niyo namang wetwet. Parang Fiesta lang... basaan. Hahaha Araw ba ni San Juan Bautista ngayon?" sabi ni Chhaya na kinuha pa ang wipes habang pinupunasan ang silya niya.
"Twenty minutes na lang." seryosong sabi ni Autumn na ikinatingin ni Chhaya sa timer.
"Asar, ayoko ng timer!" sigaw na sabi ni Chhaya at sa inis nito dahil sa lahat ng ayaw niya ang kumakalabog ang puso niya sa pagmamadali sa kanya.
Kinuha ni Chhaya ang timer at itinapon iyon sa malayo na ikinatingin ng matalim ni Autumn sa dating nobya.
"Ayoko ng timer. Ayoko ng inoorasan ako nakakapikon." inis na sabi ni Chhaya at naupo ito ng maayos sa silya na ikinakunot ng noo ni Autumn sa ugali meron ang kaharap.
Nang makita ni Chhaya na nasira ang timer at hindi na iyon umaandar napangiti ito at muling nagsalita saka tumingin kay Autumn.
"Ready na ako. Tutulungan mo ako umangat ang Cheung Hotel at iyon ang pinunta ko dito." nakangiting na sabi ni Chhaya na tila kampante ito sa proposal nito na maisasara niya agad.
May 26, 2021 9.43am
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top