Kabanata 31 : Valiente's Kids Hearts


Ellie's Cottage

"Kumain muna tayo saka tayo umakyat sa kuwarto. Naroroon iyong ibang files." sabi ni Autumn kay Chhaya ng makauwi ang mga ito sa cottage ni Ellie.

Pero akmang pupunta ang mga ito sa dining ng mapatigil sa paglalakad si Autumn ng mabungaran sa sala si Wine at Elle na nasa sofa natutulog.

Nakahiga si Wine habang nakaunan si Elle sa braso nito. Nakayakap naman ang mga hita at kamay ng bunsong kapatid sa katawan ni Wine at nakasiksik ang mukha nito sa katawan ng batang lalaki.

Halatang mahimbing ang tulog ng dalawa dahil halos magkasabay humilik ang mga ito na tila galing ito sa paglalaro.

Napakunot ang noo ni Autumn ng makita niya ang suot ng dalawang bata. Hindi siya nagtaka kay Wine na nakasuot ng kupas na maong na shorts at t-shirt na maluwag ang kuwelyo. Pero si Elle, madungis ito na halatang kumain ito dahil puro mantsa ang damit na umabot pa sa likuran.

Nilapitan ni Autumn ang dalawang bata, at napatiim ng bagang ito ng makitang madungis ang mukha ni Elle na para itong namalimos sa kalsada.

Pinagmamasdan lang ni Chhaya si Autumn at mga batang nakahiga, nakita niya ang galit na bumalatay sa mukha ni Autumn. Alam ni Chhaya na ayaw ni Autumn na makita ang mga kapatid nito sa ganoong ayos at kalagayan.

Istrikto si Autumn sa mga kapatid nito at maalaga. Pinapagalitan nga ni Autumn lagi ang mga yaya ng mga kapatid nito kapag nakikita ang kaunting mantsa sa damit ng mga ito. Partikular na kapag ang mga babaeng kapatid nito ang nakikita ng binata sa ganoong kalagayan.

"Hayaan mo muna, nasa sala naman." sabi ni Chhaya kay Autumn ng makitang tinititigan ni Autumn si Wine. At halos i-check ni Autumn ang katawan ni Elle kahit magkayakap ang dalawang bata sa isa't isa.

"Akap, huwag mo iwan Elle." nakapikit na sabi ni Elle na halatang nananaginip pa ito na ikinatitig lalo ni Autumn sa kapatid lalo na ng yakapin ito ni Wine ng mahigpit.

"Kakain tayo ng ice cream kapag nakapagtinda ako ng mangga. Maraming icecream." sagot ni Wine na halatang nananaginip din ito.

"Nag-uusap sila sa panaginip, puwede pala iyon." sabi ni Chhaya na ikinatingin ni Autumn sa nobya.

"Nobya... Huh pasalamat ka Wine bukod sa kagrupo ka kapatid mo ang nobya ko." sabi ni Autumn sa isip.

"....dahil kung hindi matagal na kitang pinatapon sa kung saan." dugtong pang sabi ni Autumn sa isip.

"Kuya." tawag ni Run ng makita si Autumn.

Napatingin si Autumn at nagulat ito ng makita rin si Run at may kasama din itong batang babae.

"Langya, ano bang nangyayari? Ako, nakapagnobya ako bente ako, at nagkaroon ako ng crush dose anyos lang ako. Ang mga kapatid ko syete pa lang may partner na." sabi ni Autumn sa isip na talagang nagulat siya dahil magkahawak pa sa kamay si Run at ang kasama nitong batang babae.

"Hello po. Good afternoon." magalang na sabi ni Muddy.

"Ang cute ng pilikmata niya saka ng mata niya parang manika." sabi ni Chhaya na halatang nagandahan ito sa batang babae dahil para nga itong manika, isama pa na maliit lang ang batang babae na parang masarap yakapin.

Napatitig si Autumn sa bata, namumukhaan niya ito. At nang ilang sandali napangisi siya ng maalala. Ito ang batang nasa bookstore ng hanapin niya si Run dati sa mall.

Napatitig si Run kay Autumn, sa magkakapatid si Autumn ang kaparehas niya mag-isip, matured mag-isip simula noong bata pa. At tulad niya lahat ng tinuro ni Ralph Cheung kay Autumn tinuro din sa kanya, iyon nga lang advance ang kapatid niya dahil bukod sa mas matanda si Autumn, alam ni Run na tinuruan din ito ng Papa nila.

"Si Muddy." sabi ni Run habang nakatitig kay Autumn.

"Muddy." napangising sabi ni Autumn ng titigan si Run.

Sa magkakapatid si Run ang tinuturing niyang pangalawang panganay, mabilis ito mag-isip iyon nga lang mas malusog siya dito. Kaya binabantayan niya rin ito dahil anytime baka bumigay ito.

Napangiti ng lihim si Run, ilan sa natutunan niya kay Ralph ay magbasa ng isip ng tao kaya alam niya ang iniisip ni Autumn.

Napakunot ang noo ni Autumn ng makita ang pagngiti ni Run, marunong siya magbasa ng facial expression ng tao o kahit ang mga kilos nito. At iba ang nabasa niya kay Run sa sinasabi ng natuklasan niya.

"Nagrereview kami sa taas, kuya. A month after ng graduation niyo ni Ate Winter mag-bubukas ang entrance examination test sa elementary at tutulungan ko si Muddy para makapasok sa scholarship at makapag-aral ng libre sa St Therese.' sabi ni Run.

Napangiti si Chhaya, isa sa magkakaparehas ng mga magkakapatid matulungin ang mga ito na alam niyang nagmula sa mother ng mga ito o sa lola ng mga itong si Ella. Alam ni Chhaya ang kuwento mula sa lola ng mga bata dahil kinukuwento iyon sa kanya ni Bien... ang Mama niya.

"Nag-alcohol ba iyan?" nakangising sabi ni Autumn na ikinapula ng mukha ng batang babae sa pagkapahiya.

"Autumn." sabi ni Chhaya sa sinabi ni Autumn.

Napangisi si Run, alam niya ang tinutukoy ni Autumn. Tiningnan ni Run si Muddy, napayuko ito sa hiya kaya binulungan niya.

"Nagbibiro lang siya, ganyan siya magbiro seryoso pa rin. Masanay ka na, kasi kapag hindi mo sanayin ang sarili mo... hahaha duduguin ang puso mo sa sakit ng talim ng dila niya." bulong na sabi ni Run kay Muddy na ikinatingin ni Muddy kay Run.

"Oo." napangiting sabi ni Muddy ng mapanatag siya ng makita ang mukha ni Run.

Tiningnan ni Autumn si Muddy, at naipailing ito. Nakasuot ang bata ng terno shirt at sando, na halatang singkwenta pesos lang yata ang halaga. Nakapaa lang ito na tipikal sa mga mahihirap na walang tsinelas sa loob ng bahay. Nakaponytail ang buhok na may kahabaan at morena ito pero halatang sunog sa araw.

"Aakyat na kami." sabi ni Run kay Autumn ng makitang sinusuri ni Autumn si Muddy.

Napakunot ang noo ni Autumn ng makita ang kamay ni Muddy magalaw ito at kahit ang tingin ng bata ay malikot din kaya napangisi siya lalo, dahil alam niya ang ganoong tipong tao.

"Okay. May cctv naman sa kuwarto mo at buong bahay kaya makikita ang lahat ng kilos ng tulad niyan." sabi ni Autumn sabay turo kay Wine at Elle na tila walang pakiramdam kahit may nag-uusap na sa harapan ng mga ito.

"Hala, natutulog sila magkayakap." nanlalaking mata na gulat na sabi ni Muddy na ngayon lang nakita sila Wine at Elle dahil naharang ito kanina nila Chhaya at Autumn.

"Oo, gagawin mo?" nakangising sabi ni Autumn kay Muddy na ikinapula uli ng mukha ng batang babae.

"Autumn, bata pa iyan huwag ka naman ganyan makipag-usap sa kanya." sabi ni Chhaya kay Autumn.

"Wala naman akong sinasabing masama. Tinatanong ko lang naman siya." sabi ni Autumn kay Chhaya pero nakatitig ito kay Muddy.

"Langya, ang mga kapatid ko nagdadala ng pulubi sa pamilya namin." sabi ni Autumn sa isip.

"Umakyat muna tayo, Onion." sabi ni Ellie ng bumungad ito sa pintuan kayakap si Orion.

Napatingin ang lahat sa mag-asawa na ikinatigil sa paglalambingan nila Orion at Ellie. Napangiti si Ellie pero nagulat ito ng makita ang itsura ng tatlong anak na may mga kapareha.

Napakunot noo si Orion ng makita si Run na hawak ang kamay ng isang bata. Si Autumn na nakaakbay pa kay Chhaya, at ng dumako ang tingin niya sa sofa.

"Damn it! Bakit ganyan ang ayos nila." galit na sigaw na sabi ni Orion na ikinatakot ni Muddy at tila napaluha ito sa takot at gulat sa galit ni Orion.

Samantalang napalunok at napaatras naman si Chhaya sa sigaw ni Orion na tila mangangain ito ng tao. Pero ang dalawang nakahiga sa sofa ay walang pakialam na hindi man lang nagising at nagyakapan pa lalo habang natutulog. Nakuha pa ni Wine takpan ng mga mukha nila ni Elle ng unan na nasa sofa, na ikinangiti ni Ellie at ikinagalit lalo ni Orion.

"Asar!" inis na sabi ni Orion.

"Akala niya hindi ko siya makukuhanan ng video marunong kang gumiling ha. Tingnan natin ang galing mo." malakas na sabi ni Ash ng papasok ito sa cottage pero naudlot ang pagpindot nito sa cellphone ng makitang nasa kanya ang atensyon ng lahat.

"Saan ka na naman galing?" sabi ni Orion sa bunsong anak na lalaki.

"Naglaro." sabi ni Ash sabay tago sa cellphone nito.

Napatingin si Ash sa paligid ng bigla itong mapangiti.

"Whoah! Family reunion ba ito. Wait kulang ng isa. Nasaan si Ate Winter?" nakangiting sabi ni Ash na tila wala lang dito ang galit na nasa mukha ni Orion.

Pero napawi ang ngiti ni Ash ng makita sila Wine at Elle na natutulog na magkayakap at walang pakialam.

"Ayos ha." nakangising sabi ni Ash at nagulat ang lahat ng biglang lumapit si Ash sa sofa kung saan natutulog sila Wine at Elle saka nito hinila ang paa ni Wine.

"Ash!" sigaw ni Ellie ng mahulog si Wine pero yakap pa rin nito si Elle.

"Tayo!!!!" galit na sigaw ni Ash kay Wine.

Napamulat ang mata ni Wine na tila naalimpungatan ito pero mahigpit pa rin nitong yakap si Elle na naluluha ang mga mata dahil naistorbo ang tulog nito.

"Hala, nakakatakot naman ang pamilya mo." bulong ni Muddy kay Run na ikinangisi lang ni Run.

"Lubayan mo ang kapatid ko." inis na sabi ni Ash at pinagsisipa nito si Wine.

"Aiisssst, Ash itigil mo." sabi ni Ellie sabay hila sa Junior nila ni Orion.

Tiningnan ni Ellie ang mag-aama niya at pare-pareho ng reaksyon ang mga ito. Nakangisi lang sa ginawa ni Ash na tila gusto ng mga ito ang ginawa ng barumbado niyang anak na si Ash.

"Lumayas ka sa bahay ko." sabi ni Ash kay Wine.

"Huawahhhhhhh!" malakas na palahaw ni Elle at niyakap nito si Wine na nakatingin lang at tila nananaginip pa ito.

Nakuha pa ni Wine yakapin si Elle at humiga sa lapag ang mga ito. Tumigil sa pag-iyak si Elle ng sabay sila nahiga ni Wine.

"Ayos talaga." sabi ni Ash.

Nang humiga pa ang dalawa sa lapag at nagyakapan saka pinagpatuloy ang pagtulog.

"Isasako kita kapag hindi ka gumising diyan." sabi ni Orion kay Wine habang yakap nito si Elle na babalik pa sa pagtulog, ng higpitan pa lalo ni Wine ang pagkakayakap dito na tila unan ang anak ni Orion at Ellie.

"Wine, gumising ka na." mahinang sabi ni Chhaya na natatakot siya sa mga lalaking nakapaligid sa kanila.

"Ayaw gumising Papa. Sandali akong bahala." sabi ni Ash.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Ellie kay Ash.

"Sandali lang, Mama.' sabi ni Ash at pumunta ito sa kusina na sinundan ng tingin ng lahat.

Paglabas ni Ash may dala itong isang basong tubig na may icecube pa.

"Sakto! Wine ang pangalan niya at lalamig siya sa yelong ito." nakangising sabi ni Ash.

"Aiiisssst, magkakasakit iyan.' sabi ni Ellie sabay kuha ng baso kay Ash.

"Tatawagan ko si Malic para kunin niya ang anak niya at baka itapon ko iyan sa dagat." sabi ni Orion ng bigla itong napatingin kay Run na hawak pa rin sa kamay ang batang babae at nagbubulungan ang mga ito.

"Ikaw? Sino naman iyan?" sabi ni Orion kay Run sabay turo kay Muddy.

Napatingin ang lahat kay Muddy na nagulat ng magsalita si Orion at ituro siya.

"Papa, tuturuan ko po siya para sa entrance exam sa St Therese." sabi ni Run.

"Hello po. Ako si Muddy." sabi ni Muddy na ikinakunot ng noo ni Orion at ikinatitg ni Ellie sa bata ng biglang may maalala.

"Muddy? Ikaw iyong bata sa bayan dati na lumapit sa akin." sabi ni Ellie kay Muddy.

"Ako nga po iyon Mayor." sabi ni Muddy kay Ellie.

"Hindi ka lumaki, at kung lumaki ka man.

Hala! Hindi ka ba pumupunta sa center?" sabi ni Ellie sa bata ng tantyahin niya na hindi nga ito halos lumaki.

"Hindi po, kasi marami po laging tao at mahaba po ang pila." sabi ni Muddy.

"Bakit ikaw ang nagtuturo sa kanya?" sabi ni Orion kay Run.

"Naisip ko po kasi na mas may pag-asa po siya makapasa kapag may magtuturo sa kanya. Wala po kasi nagtuturo sa kanya, nagtitinda po kasi siya at busy ang nanay at tiyo niya." sabi n Run.

"Ayos, kabisado mo ang buhay niya. Baka ang oras ng pagtae niya alam mo din?" sabi ni Ash kay Run na ikinatawa ni Ellie at Chhaya.

"Malapit na, kapag nakasama ko siya ng isang buwan." nakangising sabi ni Run kay Ash.

"Nag alcohol ba iyan?" tanong ni Ash na ikinangisi nila Orion at Autumn.

Napangiti si Run. Alam niyang sa kanila, si Ash ang maselan sa mga nakakasalamuhang tao at maarte ito sa pananamit.

"Wala akong pambili ng alcohol." sabi ni Muddy.

"Asar para kang iyong ex ko, kaso mukhang mas okay naman iyon sayo. Mukha lang iyon dugyot pero maliksi iyon at matangkad.

Ikaw ang liit mo, halatang kahit piso wala ka." sabi ni Ash kay Muddy na ikinatawa ni Autumn.

"Sa kakasama mo sa mga pinsan mong teenager pakiramdam mo teens ka na rin." sabi bigla ni Orion kay Ash.

"Hindi niya kailangan ng piso." sabi ni bigla ni Run kay Ash.

"Owwssss! Hahaha! pinagtanggol ka ni Run mukhang M.U na kayo. Ingat ka kasi baka mabroken hearted ka. Ikaw din maiiwan kang hindi lang luhaan kundi duguan." sabi ni Ash na ikinatingin nila Orion at Ellie kay Ash.

"Aiisssst, aalis na ako." sabi ni Ash ng makitang tumahimik ang lahat.

Pero bago ito umalis, binalingan muli ni Ash si Wine at Elle at napasigaw ang mga babae ng sipain ni Ash si Wine sa puwetan nito.

"Langya ka, talagang niyakap mo pa uli." sabi ni Ash sabay sipa uli kay Wine.

"Ahhhh!" sigaw nila Ellie, Chhaya at Muddy na ikinangisi lang ng mga lalaki sa pamilya.

"Tama na." sabi ni Ellie sabay hila kay Ash.

Tiningnan ni Ellie si Wine na tila wala naman dito ang sipa ni Ash, dahil siguro hindi pa naman ganoon kasakit manipa ang anak. Bata pa kasi at hindi naman ito sanay makipagsuntukan. Asaran lang.

"Aiisssst, doon muna ako sa kuwarto ko, dahil ang baho ko na." sabi ni Ash na ikinakunot ng noo nila Chhaya at Muddy dahil mukhang bagong bihis nga lang si Ash sa puti at linis ng damit nito na tila bagong bili. Isama pa na hindi ito amoy araw kahit mukhang nasa labas ito maghapon.

"Kami din aakyat muna." sabi ni Run sabay tingin nito kay Muddy na napatango.

"Run, hawakan mo iyan baka tangayin iyan ng hangin. Hahaha." natawa pang sabi ni Ash na nauna ng umakyat sa ikalawang palapag.

"Loko." sabi ni Run sa kapatid.

"Pa, sa kusina lang kami." sabi ni Autumn kay Orion na ikinatango nito habang nakatitig kay Chhaya na umiwas ng tingin kaya napangisi si Orion dahil alam niyang takot sa kanya si Chhaya mula noong bata pa ito.

"Onion, paano ang dalawang iyan?" sabi ni Ellie.

"Hayaan mo lang diyan. Nagbago ang isip ko at hindi ko na tatawagan si Malic....

... dahil once na maghiwalay sa yakapan ang dalawang iyan, hihilahin ko si Wine at ilalagay ko sa kulungan ng kabayo." sabi ni Orion na ikinailing na lamang ni Ellie dahil alam niyang malabo iyon maghiwalay sa pagkakayakap ng mga ito sa isa't isa.

"Akap, Grape Wine." mahinang sabi ni Elle na halatang nananaginip ito na ikinatingin nila Ellie at Orion.

"Kulang pa ba Cheesecake." mahinang sabi ni Wine sabay paghigpit sa yakap nito kay Elle.

"Ayos talaga, maghintay ka lang at paggising mo si Stone na ang kayakap mo." Inis na sabi ni Orion na ikinatawa ni Ellie.

.....................

Island Mall

"Hala! Naubusan ako ng gas." sabi ni Winter.

Nasa parking siya ng mall ng araw na iyon at pauwi na sana pero ngayon lang niya nakita na wala na pala siyang gas.

"Ano ba iyan? Anong oras na?" sabi ni Winter.

Tiningnan ni Winter ang relo alas kuwatro na ng hapon at kapag ganoong araw siguradong nasa bahay na ang pamilya niya.

"Aiisssst, nahuli na naman ako." sabi ni Winter.

Nasa mall kasi siya para ayusin ang graduation party nila ni Autumn, pumunta pa siya kanina ng University para kunin ang graduation program nila.

"Asar naman." naiiyak na sabi ni Winter.

Lumabas siya ng kotse at tiningnan ito.

"Ayoko pa naman mag-commute." inis na sabi ni Winter na sa lahat ng ayaw niya maglakad at magcommute.

Napayuko si Winter sa kotse niya habang nag-iisip ng puwedeng gawin. Malayo din kasi ang sakayan ng tricycle isama pa na maalog kapag iyon ang sinakyan niya pauwi.

"Ano bang puwede?" sabi n Winter.

"Aiisssst, hindi ano... sino ba?" sabi ni Winter.

Ilang minuto rin siya sa ganoong sitwasyon ng may tumawag kay Winter, at paglingon nito nakita niya ang mga ka-schoolmate na lalaki na nasa van kaya napangiti siya sa naisip.

"May problema?" sabi ni Xian kay Winter.

"Naubusan ako ng gas." sabi ni Winter.

"Ihahatid ka na namin." sabi ni Xian sabay tingin nito sa mga kasama na nagngitian sa isa't isa.

"Naku naman! Kung may ibang choice ako hindi ako sasakay sa mga manyak na ito." sabi ni Winter sa isip ng makita na hindi lang tatlo ang kasama ni Xian sa van nito dahil mukhang buong tropa nito kasama ng binata.

"Okay." sabi ni Winter dahil ayaw niya talaga mag-commute.

"Halika na." nakagiting sabi ni Xian.

Bumaba si Xian at ang kasama nito sa driver's seat. Umupo iyon sa likuran at si Winter ang katabi ni Xian sa driver's seat.

"Kumain ka na?" tanong ni Xian kay Winter ng makaupo na ang lahat sa loob ng van.

"Oo, uuwi na sana ako." sabi ni Winter na bigla siyang kinabahan ng isara ni Xian ang salamin ng van nito.

Pinagmasdan ni Winter ang van, mamahalin iyon at may automatic na lock. Tinted at halatang may pupuntahan ang mga ito sa porma at ayos ng mga lalaki sakay ng van.

"Okay." nakangiting ssabi ni Xian at pinaharurot nito ang sasakyan.

✍️✍️✍️✍️

May 6, 2021 10.12
FifthStreet1883

Hinabaan ko na kasi malalate ako sa nxt chapter
Magtuturo pa ako ng module

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top