Kabanata 31 : Diez
El Casa, Valiente Empire
Gitnang Bayan, El Paradiso
"Hello."
Napakunot ang noo ni Autumn sa tinig na narinig mula sa kabilang linya.
"Sino 'to?" kunot noo na tanong ni Autumn.
Nasa El Casa siya ng araw na iyon ng mag ring ang cellphone niya, at ng tingnan niya ang number unregistered iyon.
"Kamusta?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Sino nga 'to?" tanong muli ni Autumn.
"Aisssst, si Chhaya ito." sabi ni Chhaya na lalo ikinakunot ng noo ni Autumn.
"Bakit ka napatawag?" tanong ni Autumn na hindi na siya nagtaka kung saan nakuha ng dating nobya ang numero niya.
"May business proposal ako sayo." sabi ni Chhaya kay Autumn.
"Anong proposal?" tanong ni Autumn.
"Alam kong galit ka, pero matagal na iyon kaya siguro naman nakapag move on ka na sa alindog ko." sabi ni Chhaya na todo ang ginagawa niyang pagdarasal para gawin ang bagay na ito.
"Ako ba ginagago mo?" tanong ni Autumn.
"Dati oo pero ngayon, hindi. Kasi kailangan ko ang tulong mo." sabi ni Chhaya.
Natahimik si Autumn sa kabilang linya. Ibang Chhaya ang kausap niya at alam niyang may iniluluto ito sa kanya para mahulog siya sa bitag.
"Business proposal? Huh! Na kailangan mo ako?" sarkastikong sabi ni Autumn.
"Oo isang business proposal, so puwede bang huminge ng meeting sayo kahit isang oras lang?" tanong ni Chhaya na pilit niya nilalabanan ang kaba na kanina pa lumulukob sa pagkatao niya.
Natahimik si Autumn sa kabilang linya habang naiisip nito ang lahat mula simula ng makilala niya si Chhaya hanggang sa lokohin siya nito.
"....lalapit sayo ang mukhang pera na babaeng iyon dahil alam niyang kailangan ka niya sa papalubog na hotel." umaalingawngaw na sabi ni Orion sa utak ni Autumn.
"Autumn, puwede ba makisingit sa hectic mong sked kahit isang oras na meeting lang?" malambing na sabi ni Chhaya, na naiihi na siya sa katahimikan dahil pinagpapawisan siya sa takot dahil sa lahat talaga ng ayaw niya ang tahimik na Autumn.
"Pag-iisipan ko." seryosong sabi ni Autumn.
"Okay, sana mabilis mong mapag-isipan kasi..." putol na sabi ni Chhaya pero pinatayan na ito ng tawag ni Autumn.
"Business proposal? Huh!" napangising sabi ni Autumn ng putulin ang tawag kahit nagsasalita pa si Chhaya.
"Ayos ha? PInatayan ako ng tawag. Hahaha! Pero papayag siya, sigurado ako at maipapakita ko sa lahat na babangon ang Cheung Hotel mula sa kumunoy." nakangising sabi ni Chhaya.
................
El Paradiso
Atlas House
"Good morning." bati ni Atlas kay Cathy ng makita ito palabas ng kuwarto nila.
"Good morning." nakangiting sabi ni Cathy sabay baling sa mesa na lalo nitong ikinangiti.
May handa ng umagahan sa mesa na madalas si Cathy ang naghahanda ng almusalan nila ni Atlas.
"Kain na tayo bago ako pumasok." sabi ni Atlas kay Cathy.
"Wow, mukhang ganado ka ngayon." sabi ni Cathy na sinalubong si Atlas at niyakap.
"Oo, naman dahil sabi ko naman sayo bagong buhay tayo." sabi ni Atlas kay Cathy.
"Seryoso ka talaga." nakangiting sabi ni Cathy.
"Oo naman." nakangiting sabi ni Atlas sabay halik sa labi ni Cathy.
"Hmmnn, sandali. Saan ka pala papasok ngayon?" sabi ni Cathy.
Napakibit balikat si Atlas saka ito ngumiting nagsalita.
"Sa Isla Traquilo, alam mo naman na mas kailangan ko bantayan si Winter ngayon dahil baka may kasabwat pa ang apat na bumaril sa kanya, sa minahan." sabi ni Atlas.
Napatitig si Cathy kay Atlas alam naman niya na mahihirapan kalimutan ni Atlas si Winter kaya napangiti na lang siya.
"Okay." sabi ni Cathy.
"Magpakasal na tayo." sabi ni Atlas kay Cathy.
Nanlaki ang mga mata ni Cathy hindi niya inaasahan ang biglaang pahayag na iyon ni Atlas.
"....gusto ko magsimula na mas maganda at sisimulan natin iyon sa isang kasal natin." sabi ni Atlas.
"Gusto ko, pero." sabi ni Cathy.
"Ano?" sabi ni Atlas.
"....gusto ko kapag yayayain mo na ako. Iyong tipong hindi ka na bodyguard kala Damian." sabi ni Cathy.
"Alam mong hindi puwede iyon." sabi ni Atlas.
"Puwede iyon, nasa iyo na ang lahat. Naiisip ko kasi kaya ayaw mo rin pakawalan ang trabaho mo bilang bodyguard dahil may nararamdaman ka pa kay Winter." sabi ni Cathy.
"Wala na akong nararamdaman kay Winter at sigurado na ako doon." sabi ni Atlas.
"Kung wala na, umalis ka sa trabahong iyon para tuluyan kang makapagbagong buhay at makapagsimula tayo uli." sabi ni Cathy.
"Nasa kontrata ko ang pagiging bodyguard, kapag hindi ko siya binantayan mahahati ang minana ko sa hotel at ayoko mahati iyon." sabi ni Atlas.
"Mahahati? Pero ang unang kontrata kapag nagkaanak sila Damian at Winter tapos na ang kontrata, pero hindi ka bumitaw. Namatay na si Errol nandiyan ka pa rin sa kanila." sabi ni Cathy.
"Dahil binago ni Ralph ang lahat." sabi ni Atlas.
"Kanino naman mapupunta kung mahahati ang hotel na halos palubog na?" sabi ni Cathy.
"Kay..." sabi ni Atlas.
"Kay?" nagtatakang tanong ni Cathy.
Napatitig si Atlas kay Cathy, hindi niya puwede sabihin kahit kanino. Dahil ang pagkawala ni Ralph ay may huling kontrata iyon ay paghahati ng hotel kay Atlas at sa mapapangasawa ni Winter kung aatras na siya sa pagiging bodyguard ni Winter. At ayaw ni Atlas ng may kahati lalo na kay Damian.
"Basta hindi puwede." sabi ni Atlas.
"So hindi rin ako papayag na kasal tayo pero nagtatrabaho ka sa gusto mong babae." sabi ni Cathy.
"Hindi ko na gusto si Winter." sabi ni Atlas.
"Patunayan mo." sabi ni Cathy.
"Cathy." sabi ni Atlas.
"Hindi naman kita pinipilit na gawin ang pag-alis mo bilang bodyguard pero sana galangin mo ang kagustuhan ko. At kung ayaw mo man ng sinabi ko. Maghihintay ang kasal at ako, hanggang bumitaw ka sa kanila bilang bodyguard." sabi ni Cathy na ikinabungtung hininga ni Atlas.
.................
Cheung Hotel
Days later
"Aissst, ilang araw na hindi pa siya komokontak." inis na sabi ni Chhaya.
Ilang araw din ang lumipas ng tawagan niya si Autumn pero mukhang wala na itong balak mag return call sa kanya.
"Asar na lalaking iyon." sabi ni Chhaya sa sarili.
Tiningnan ni Chhaya ang oras, alas otso na ng umaga at nakaupo lang siya sa silya sa loob ng opisina niya. Tambak ang papeles sa mesa niya. Inuuwi na nga niya ang iba. Isama pa na kahit nagtatrabaho si Atlas sa hotel para tulungan siya. Pakiramdam ni Chhaya kulang ang pagtatrabaho nila.
"Aisssst, experience. Napapagod na ako sa kakaisip kung paano makakahanap ng matitinong kliyente at mabalik ang ningning ng hotel na ito." inis na sabi ni Chhaya na kahit kape yata wala na silang pambili.
Napatingin si Chhaya sa cellphone niya na nasa mesa, kinuha niya iyon at tinipa ang number ni Autumn.
"Kailangan kita, Autumn. Hindi naman siguro masama kung gagawa ako ng paraan para umangat kami. Nakakahiya naman kay Ralph Cheung at sa mga ninuno niyang bumuhay ng hotel na ito." sabi ni Chhaya.
Pagkatipa ng numero ni Autumn pinindot ni Chhaya ang call saka idinikit sa tenga niya.
"Nagriring." mahinang sabi ni Chhaya ng magring ang kabilang line pero walang sumasagot.
"Aiisssst, sagutin mo na." sabi ni Chhaya.
..................
El Casa
"Paano Autumn hihinge ako ng sampung entertainer going to Japan." sabi ng kliyente kay Autumn.
"Oo, umasa kang maibibigay ko sayo. At mga highly recommended entertainers ng Casa." sabi ni Autumn.
"Okay pero sandali. Puwede bang mag-request." sabi ng kliyente.
"Puwede." sabi ni Autumn.
"Gusto ko si Diez." sabi ng kliyente.
Napatingin si Autumn sa kliyente. Regular client niya si Mr Takuya. Fil-Japanese, may-ari ng isang bar sa Japan na dinadagsa ng mga mayayamang negosyante roon. Mag Yakuza, leader ng Mafia, Politiko mga hari st prinsipe. Kaya hindi niya ito mapaghindian.
"Si Diez?" napangiting sabi ni Autumn.
May pangalan ang babae nila sa bar at si Autumn ang nakaisip na pangalanan ng iba ang mga babae at lalaki para may pagkamisteryoso ang dating ng mga ito. Isa iyong paraan para makahikayat na mas madaming kliyente.
Nakuha niya ang ideya na iyon sa tita ni Autumn na si Isaiah kung saan gumamit ito ng panglan sa isang bar noong dalaga pa ito, ang RAB. At mula naman sa tita niyang si Athena nakuha niya ang titulo na ginagamit niya sa mga babae at lalaki sa bar para mas kaaya-aya ang dating ng lahat ng entertainers niya.
Temptress Athena naman ang tawag sa asawa ng tito ni Autumn na si Aquila. At ngayon patok sa Casa ang mga tinitingalang may titulo na ang ibig sabihin ay mabenta.
"Oo sana mahiram ko siya. Maganda si Diez gusto ko siya at ng mga parokyano ko. Bukod doon magaling siya sumayaw kakaiba sa lahat." sabi ni Mr Takuya.
Napangiti si Autumn, si Diez ang babaeng unang napili ng kapatid niyang si Ash na hanggang ngayon hindi pa nakikita ng kapatid niya dahil busy ang dalaga. Kung tutuusin kumikita ng malaki ang Casa at Bar dahil kay Diez.
Diez... ang numero na sinabi ng kapatid ni Autumn na si Ash, na siyang ipinangalan ni Autumn sa babae.
"Triple ang ibabayad ko basta pahiram si Diez, kahit isang buwan lang. May darating akong kliyente sa bar ko sa Japan at mga bigatin iyon. Ayokong mapahiya kaya ang balak ko si Diez ang isasalang ko." sabi ni Mr Takuya.
"Limang patong." sabi ni Autumn.
"Call." agarang sabi ni Mr Takuya na ikinangiti ni Autumn.
Mabenta si Diez, at ito ang highest grosser niya sa bar. Hindi niya ito pinapakawalan at sa lahat ng babae roon ito ang hindi niya magalaw. Dahil ayaw niya masira ang dalaga, inaalagaan niya ito na tila isang kayamanan.
Si Diez ang asset ng bar, mula ng makuha nila ito. Malaki ang pinapasok na kita nito sa kanila.
"Okay, may kontrata tungkol kay Diez at alam mo iyon." sabi ni Autumn.
"Oo, makakaasa ka. Tutupad ako, at aalagaan ko siya dahil tulad mo na itinuring na asset si Diez...
... Asset ko rin siya." sabi ni Mr Takuya.
"Okay, deal." sabi ni Autumn.
"Maraming salamat." sabi ni Mr Takuya.
Tumayo ito at kinamayan si Autumn. Napangiti si Autumn, tulad ng inaasahan bilyon ang kita ng Emperyong binuo niya sa isip simula ng bata siya. Ang negosyong tumalo sa lahat ng negosyo ng Tres Islas.
"Aalis na ako. Sa uulitin Autumn, maganda ang makipagnegosyo sayo dahil di tulad ng iba. Ikaw ang negosyante na kumikita ka at pinapakita mo rin kami." nakangiting sabi ni Mr Takuya.
Napangiti si Autumn, nasa late forties na ang lalaking kaharap, mabait na negosyante pero mahigpit din ito sa pagpapalago ng Negosyo.
"Sige. Salamat din." nakangiting sabi ni Autumn at muling kinamayan ang lalaki.
Inihatid ni Autumn si Mr Takuya palabas ng opisina niya at ng makaalis ito muling tumungo si Autumn sa mesa niya.
Sa pag-upo ni Autumn, nang biglang mapakunot ang noo nito sa nagriring na cellphone niya na nagvi-vibrate lamang dahil naka-silent mode iyon.
KInuha ni Autumn ang cellphone at napangisi ito ng makilala ang numero. Pinatay niya iyon at umupo ng maayos sa silya niya saka nagtrabaho.
...............
Cheung Hotel
"Uyyyy ang tindi matapos ko iparing ng napakarami ang cellphone niya kinansel lang niya." asar na sabi ni Chhaya sa sarili ng ikansel ni Autumn ang tawag niya.
Ilang minuto na siya dumadayal at nagriring lamang iyon halos malobat na nga siya sa kakaulit na tawagan ito.
"Isa pa." inis na sabi ni Chhaya at dinayal muli ang numero ni Autumn at tinawagan pero muling kinansel ang tawag niya.
"Aiisssst, nakakaasar. Isa pa." sabi ni Chhaya at muli itong nagtipa pero muli ring kinansel ang tawag niya
"Asar." inis na sabi ni Chhaya at paulit-ulit siyang sumubok tumawag pero puro kansel lang.
"Arrgghhhh!" inis na sabi ni Chhaya.
..............
El Casa
Napangisi si Autumn ng ilang beses paulit-ulit na tumawag si Chhaya. Nakatingin lang siya sa cellphone at patuloy lang niya pinipindot ang cancel o end call.
"Ikaw ang may kailangan... ikaw ang lumapit." nakangising sabi ni Autumn sa sarili habang nakatingin sa cellphone nito na walang tigil sa kakaring.
"Pero sa paglapit mo, ikaw naman ang paglalaruan ko." sabi ni Autumn na napatiim ng bagang habang patuloy na nagriring ang cellphone niya at patuloy niya pa rin pinipindot ang cancel button sa tawag ng dating nobya.
.................
Cheung Hotel
"Isa pa." sabi ni Chhaya at dinayal nito ang numero ni Autumn ng biglang....
"Arrghhhhhh! Bakit naka-off na!!!!" inis na sabi ni Chhaya ng hindi na niya makontak ang numero.
"Ayaw mong sagutin. Pupuntahan kita." inis na sabi ni Chhaya na tila nalimutan nito ang galit ni Autumn sa kanya sa ginawa niya dito, dahil sa frustrations na nararamdaman niya na pinatayan siya nito ng tawag.
Tumayo si Chhaya at pahablot pa nitong kinuha ang bag at padabog na luamabs ng opisina nito.
"Saan ka pupunta?" sabi ni Malic sa anak ng nakabusangot itong lumabas ng opisina nito.
"Ibabalik ko ang kinang ng Cheung Hotel. Maghintay lang kayong lahat." sabi ni Chhaya ng masalubong niya ang ama at ang grupo nito na tila tumanda yata sa kunsumisyon sa pagmamaniobra niya sa hotel.
"Asa." sabi ni Matias sa pamangkin.
"Tama umasa kayo sa akin." sabi ni Chhaya at nagulat ang lahat ng magsalita ito ng pasigaw.
".... At sa lahat ng gusto umalis. Lumayas kayo.
Pero tandaan niyo... WALA NG BALIKAN!" malakas na sigaw ni Chhaya na tila sinasapian ito.
Napatingin sila Malic, Aquila at Matias kay Chhaya, habang tumatagal lumalala ang dalaga at paurong ang ugali nito na ikinababahala nila.
"Uulitin ko sa lahat ng empleyadong aalis at nagresign, magreresign at magbabalak mag-AWOL. Wala ng balikan kapag lumayas na kayo!" sigaw na dagdag pa ni Chhaya sabay talikod at nagmamadali itong sumakay ng elevator.
"Ganoon ba talaga ako dati? Sure kayo?" di makapaniwalang sabi ni Malic kay Matias at Aquila ng tila iba talaga si Chhaya habang tumatanda ito.
"Oo." kibit balikat na sabay na sabi ng dalawa.
"Aisssst, parang hindi naman. Malamang sa iba namana ng batang iyon ang ganyang ugali.
Grabe ang pangit ng kombinasyon namin ni Bien." naiiling na sabi ni Malic na ikinatingin nila Matias at Aquila kay Malic.
.....
May 25, 2021 6.05pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top