Kabanata 30 : This Time

Isla Traquilo

"Atlas, sila Sir." sabi ni Yumi na nagmamadali itong puntahan si Atlas sa likod bahay.

"Bakit?" sabi ni Atlas.

"Tinambangan sila sa El Paradiso. SI Errol patay na, si Maam Winter nasa hospital ngayon." sabi ni Yumi na ikinagulat ni Atlas.

"Pupuntahan ko." sabi ni Atlas at nagmamadali itong umalis ng bahay na iyon.

..................

Cheung Hospital

"Nasaan ka ng pagtangkaan patayin ang anak ko?" sabi ni Orion kay Atlas ng makita ito sa hospital.

Napatingin si Atlas sa pamilya ni Winter. Nasa labas ang mga ito ng ICU kung saan naroroon si Winter.

"Nasa bahay lang ako ni Damian. Anniversary nila kaya hindi ako pinasama ni Damian sa lakad nila pamilya." sabi ni Atlas sa mapanuring tingin ng mga lalaking Valiente na nakatingin sa kanya.

"Ang sabi sayo babantayan mo siya. Pero mukhang kahit isa hindi mo natupad. Ang tamang pamamalakad sa hotel at ang trabaho mo bilang bodyguard ng kapatid ko." sabi ni Run kay Atlas.

Napatingin si Atlas kay Run at bahagya itong nagulat ng makita si Run.

"Paano ka nabuhay?" sabi ni Atlas kay Run.

"Ikaw paano ka rin nabuhay?" nakangising sabi ni Run kay Atlas.

"May sakit ka, at kahit nakaligtas ka sunog dapat patay ka na." sabi ni Atlas na ikinatingin nila Orion at Ellie kay Run.

"Lahat ng nakakaalam na may sakit ako umasang mamamatay ako. Pero sa pagkamatay ni Ralph pakiramdam ko lumakas ako." mapanuyang sabi ni Run.

"Matibay ka nga." nakangising sabi ni Atlas kay Run.

"Nasa dugo yata namin ang mahirap mamatay.

Kaya pasalamat ka, na kahit alam mong sinasaktan ni Damian ang kapatid ko buhay pa rin siya at ngayon nakaligtas pa rin siya sa tama ng baril mula sa hayop na minerong iyon." sabi ni Run.

Napatitig lang si Atlas kay Run, malakas ito at halatang magaling na nga ito. Pero nagtataka siya sa pagkakaligtas nito at kung paano ito nabuhay ganoong may sakit ito.

Pero ngayon ang kapatid naman ni Run ang nasa bingit ng kamatayan, na nasa dugo na yata ng mga ito ang mga trahedya sa buhay na nakukuha nilang makaligtas.

"Puwede ko bang makita si Winter?" tanong ni Atlas sa pamilya ni Winter.

"Hindi." sabay-sabay na sabi ng mga lalaking Valiente.

Napatingin si Elle sa ama at mga kuya nito saka ito nagsalita

"Titingnan lang naman ni Kuya Atlas si Ate. Bakit hindi puwede?" sabi ni Elle sa mga lalaki sa pamilya.

"Kasi hindi puwede." sabi ni Autumn.

"Sisilip lang siya hindi naman siya ang bumaril kay Ate. Wala naman siya ginagawang masama, saka pinagkatiwalaan siya ni lolo sa hotel. Ibig sabihin okay siya. Tama ba ako?" sabi ni Elle.

"Hindi!" sabay sabay na sabi nila Orion, Autumn, Run at Ash.

"Ayyy, huwag kayong ganyan. Ayaw ni Ate Winter ng ganyan. Saka patay na nga ang pamangkin ko aawayin niyo pa ang bodyguard ng mommy niya." sabi ni Elle.

Napatingin ang lahat kay Elle, kanina pa ito positibo sa lahat. Hindi nga ito umiyak na ipinagtataka nila.

"May iniinom ka bang gamot na pampakalma?" tanong ni Ash kay Elle na nagtataka na kay Elle kanina pa.

"Wala naman, pero meron akong love... galing kay Wine. At saka buhay si Ate at kung mamatay man siya saka na ako iiyak.

Ang luha na ibubuhos ko ay dahilan kung nawala siya sa atin. Pero magiging masaya pa rin ako sa maaaring pagkawala ni Ate Winter dahil na kay God na siya at hindi na siya mahihirapan." sabi ni Elle.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Run kay Elle.

"Okay ako. At kayo ang hindi. Papasukin niyo na si Kuya Atlas, para maunawaan niya ang trabaho niya, na dapat hindi niya iniiwan si Ate kasi iyon ang responsibilidad niya bilang bodyguard." sabi ni Elle.

"Hindi nga puwede." sabi ni Autumn.

"Ipakita niyo ang kalagayan ni Ate kay Kuya Atlas, para maramdaman niya ang kakulangan at kapabayaan niya bilang bodyguard na dapat nasa likuran siya ni Ate anumang oras." sabi ni Elle sa pamilya.

Tumingin si Elle kay Atlas at muli ito nagsalita.

"Kung ako lang puwede kitang payagan para maramdaman mo iyong sakit ng puwede kang mawalan ng mahal sa buhay. Para makita mo ang maraming tubong nakakabit kay Ate para lang mabuhay.

Hayaan mo hindi ako galit sayo, kasi lahat naman tayo may pagkukulang.

Pero sana huwag mo naman hayaan ang ate ko, pero mukhang tulad ng hindi mo mahawakan ang Hotel, hindi mo rin mahawakan ang trabaho mo sa ate ko." sabi ni Elle.

"Papasukin na natin siya." sabi ni Ellie kay Orion.

"Kita mo, pumayag si Mama. Siya ang reyna, ang masusunod kaya makakapasok ka." nakangiting sabi ni Elle.

"Salamat." sabi ni Atlas.

".....patay na ang anak ni ate. Gusto ko umiyak pero sa nalaman ko sa naging buhay niya, mas natutuwa akong nawala na si Errol. Masaya na siya at nakakapaglaro kung nasaan man siya ngayon." sabi ni Elle.

"Condolence." mahinang sabi ni Atlas bago ito pumasok sa ICU.

Pinagsuot muna si Atlas ng hospital suit sa ICU matapos nun, pinayagan na siya makalapit kay Winter.

Tinitigan ni Atlas si Winter, maraming tubo ang nakakabit dito. Ang sabi sa report na nakalap niya, tulog si Winter ng pinagbabaril ito. Pero sa kabutihang palad hindi ito natamaan sa puso nito dahil nahila daw ito ni Damian kung saan tinakpan ng asawa nito ang ulo at dibdib ni Winter.

"Mahal ka niya. At alam ko mahal na mahal mo rin siya." sabi ni Atlas habang pinagmamasdan si Winter.

"Naiinggit ako sa pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya, pero nagdesisyon na ako na pakawalan ka na. At ngayong tinititigan kita siguro nga hindi pagmamahal ang nararamdaman ko sayo ngayon, kundi awa." sabi ni Atlas.

Hinawakan nito ang kamay ni Winter at muli ito nagsalita.

"Magpagaling ka, wala na si Errol. Alam ko makakaya mo." sabi ni Atlas at dinampian nito ng halik sa pisnge si Winter.

.......................

Months later

"Nagising na siya." sabi Ash ng makitang nagmulat na ang mga mata ni Winter ilang buwan matapos ito mabaril.

Lumapit ang pamilya ni Winter sa kanya. Nakatitig lang si Winter sa mga ito habang tinititigan isa-isa ang mga tao sa paligid, ng biglang hindi niya nakita ang nais masilayan.

"Si Damian." tanong ni Winter na ikinatingin ni Ellie kay Orion.

Mula ng nailibing si Errol, hindi na nila nakakausap si Damian. Pumupunta na lamang ito sa hospital tuwing gabi kung saan ito ang nagbabantay kay Winter.

"Umuwi lang sandali." sabi ni Ellie sa anak.

Tumingin si Winter sa paligid, may nakakabit pa sa mga kamay niya. Ang labi niya ay tila uhaw, namamanhid ang buong katawan niya at nanghihina pa siya. Masakit pa din ang ulo niya pero hindi niya alam kung anong nangyari.

"Bakit ako nandito?" sabi ni Winter na pilit inaalala ang lahat.

Napalunok si Ellie dahil siya ang nasasaktan sa nakikita kay Winter, hindi sila puwede magsinungaling dahil hahanapin nito si Errol.

"Pinagbabaril kayo sa highway sa ikalawang bayan." sabi ni Ellie.

Napapikit si Winter habang inaalala ang lahat ng biglang masabi niya ang pangalan ni Errol habang kinakapa ang dibdib nito kung saan naaalala niyang suot niya ang t-shirt na gawa ng anak.

"Si Errol?" tanong ni Winter.

Nagkatinginan sila Ellie at Orion at muli tumingin ang mga ito kay Winter.

"Wala na siya." sabi ni Ellie.

Napakunot ang noo ni Winter, habang nakatitig kay Ellie.

"Anak, napuruhan si Errol sa mga tama ng baril sa kanya. Wala na siya." napaluhang sabi ni Ellie na ikinatitig lang ni Winter kay Ellie.

"Ate?" naluluhang sabi ni Elle habang nakatitig lang sa kanila si Winter.

"Wala na siya?" naluhang tanong ni Winter.

"Magpahinga ka muna." sabi ni Autumn na hindi makatingin sa mukha ng kakambal.

"Wala na ang anak ko." naluhang sabi ni Winter na pinipigilan nito ang sakit na nararamdaman.

"Tulog kayong dalawa ni Errol ng tambangan kayo ng mga minero ni Damian." sabi ni Ellie.

"Si Damian?" lumuluhang sabi ni Winter.

"Hindi siya binaril. Iyon daw ang ganti ng mga minero niya sa kanya ng pagbabarilin kayo ni Errol sa harap ni Damian." sabi ni Ellie.

Napaluha si Winter at hindi na ito nagsalita.

"Magpahinga ka muna baka mapaano ka lalo." sabi ni Orion kay Winter.

Tumango lang si Winter pero bakas ang lungkot sa mukha nito na hindi na nagsalita at wala man lang itong isinumbong kahit na ano tungkol kay Damian.

......................

Weeks later

"Gusto mo ng pagkain?" tanong ni Damian kay Winter.

Kauuwi lang ni Winter galing hospital at dumeretso agad sila sa bahay nila ni Damian. Mula ng malaman ni Winter ang pagkawala ni Errol hindi na ito nagsalita tungkol sa insidente. Nanatili itong tahimik at sumasagot na lamang kapag kinakausap.

"Oo." nakangiting sabi ni Winter.

Nakaupo si Winter sa wheelchair habang tulak ito ni Damian.

"Ipaghahanda kita, doon tayo sa kusina." nakangiting sabi ni Damian sa asawa.

"Gagawa uli tayo ng baby kapag nakalakad at gumaling na ako ng tuluyan?" sabi ni Winter kay Damian.

Napatingin si Damian sa asawa, hindi niya alam ang isasagot kaya nanatili siyang tahimik.

"Gagawa tayo ng baby?" ulit na tanong ni Winter.

"Oo." sabi ni Damian kay Winter.

"I love you." nakangiting sabi ni Winter.

Lumuhod si Damian habang nakaupo si Winter sa wheelchair at ngumiti ito.

"Mahal kita. At salamat sa pagmamahal na ibinibigay mo sa akin." sabi ni Damian.

"Sorry, nawala si Errol. Pero promise ko hindi na ako matutulog para kapag naulit ang lahat gagawin ko ang lahat para ako na lang ang mawala." napaluhang sabi ni Winter.

Niyakap ni Damian si Winter at napaluha ito.

"Nawala si Errol dahil tapos ang tungkulin niya bilang anak niya sa atin. At nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay natin." sabi ni Damian.

"Huwag kang mag-alala kapag may baby na tayo uli. Hindi na ako lalabas at susunod na ako sayo. Sa bahay lang ako, at sasamahan ko na lang iyong anak natin sa school niya." sabi ni Winter.

"Hindi na kailangan. Pangako, magiging masaya ka na." sabi ni Damian sa asawa.

"Masaya ako sa piling mo at kahit nawala si Errol, mananatili akong masaya na kasama ka." sabi ni Winter.

Wala pang alam si Winter, at ang akala ni Damian sasabihin ni Run ang lahat ng tungkol sa relasyon niya sa pamilya Cheung pero nanatiling tahimik ang lahat sa katotohanan. At ang katahimikang iyon ay tila punyal na tumatagos sa puso niya. Sa sakit na kahit mahal niya ang asawa niya, hindi iyon puwede.

"Salamat. At sana patawarin mo ako sa pananakit ko sayo." sabi ni Damian na wari'y nagkakapira-piraso siya sa nararamdaman.

Niyakap ni Winter si Damian ng mahigpit at napangiti ito.

"Masaya ako, at mukhang bumalik na ang pagmamahal mo sa akin. Matutuwa si Errol sa nakikita niya o sabihin natin nakikita na niya tayo. Wala na siya sa school at dadaluhang activities, at nakapokus na siya sa atin." nakangiting sabi ni Winter na ikinatango ni Damian.

......................

Cheung Hotel

"Babagsak tayo sa isang pihit pa ng pagkakamali mo." sigaw ni Matias kay Chhaya ng halos sa buong buwan na iyon tatlo ang umatras na kliyente sa hotel.

"Kahit billings hindi na natin mabayaran. Baka maputulan na tayo ng kuryente sa ginagawa mo." sabi ni Aquila kay Chhaya.

Napatingin si Chhaya sa mga may-ari ng hotel at kung titingnan nangalahati iyon dahil ang ibang stockholders ay ipinagbenta na ang shares sa mga lalaking nasa harap niya na nagsisilbing tungkod ng hotel.

"Ano ba Cha? Kung may problema, sabihin mo." nahihirapang sabi ni Malic na siya ang naiipit sa patuloy na pagguho ng Hotel.

"Kaya ko, pero pakiramdam ko may humihila sa atin pababa. At alam niyo ang ibig kung sabihin." sabi ni Chhaya.

Nasa conference room sila ng araw na iyon dahil sa patuloy na pagbulusok sa pagsadsad ng kinikita ng Hotel.

"Sino naman ang tingin mo ang hihila sa atin pababa?" tanong ni Aquila.

"Aisssst, tanungin niyo po kaya ang kapatid niyo." sabi ni Chhaya na hindi napigilan sagutin si Aquila na halos tatay na niya.

"Aba't." sabi ni Aquila sa sinabi ni Chhaya.

"Aissst, Cha. Imposible iyon, hindi gagawin ni Orion iyon o kahit ang mga Cheung. Kasi kahit na nasa inyo na ni Atlas ang Hotel hindi nila hahayaan bumagsak ito sa pamamagitan nila." sabi ni Malic.

"Puwede iyon ha. Pababagsakin nila ito at sasaluin nila uli kapag umayaw na si Atlas." sabi ni Chhaya.

Napatingin si Malic sa anak, lumalaki itong paurong at mula ng mapangasawa nito si Atlas at tuluyang bumukod sa kanila nagbago ito ng ugali. Kung dati nga tahimik lang ito pero ngayon halos sagutin nito lahat ng tao na may tanong dito.

"Hindi nila gagawin iyon dahil may natira sa hotel na kagrupo nila. At hindi mo ba nakikita lagas na tayo. Langya, halos binili ko na ang ibang shares ng kumawalang mga stockholders." sabi ni Matias.

"Iyon naman po ang gusto niyo di ba, Tito Matias? Ang mabili ang shares ng lahat. Pagkakataon niyo na ngayon. Pero...

...hahaha, si Atlas pa rin ang may pinakamalaki na shares." sabi ni Chhaya na nakuha pang tumawa.

"Ay sus, anak ka nga ni Malic." inis na sabi ni Matias sabay tingin kay Malic na nakatingin lang kay Chhaya.

"Grabe ganyan ba ako dati? Hindi naman." sabi ni Malic sa kapatid na si Matias.

"Babaeng version, hindi ko lubos maisip na ang dugo mo lumabas kay Chhaya ngayon matanda na siya." sabi ni Matias.

"Aisssst, pag-usapan niyo ang problema dahil guguho tayo lahat at magiging hunted hotel ang Cheung hotel. At baka ang manirahan dito ang mga chekwang kalahi ni Ralph Cheung." sabi ni Athena na kanina pa nakikinig sa pagtatalo.

"Aissst, kung nandito lang sana kahit si Ice o isang Cheung hindi tayo magkakaganito." sabi ni Aquila.

"Cheung naman si Atlas, kaya no need na ang ibang Cheung." sabi ni Chhaya habang nakaupo lang ito at tila wala itong nararamdamang tensyon at stress sa papalubog na barko.

"Asar." sabi ni Matias ng makita na ngumiti pa si Chhaya.

"Nakakaasar nga ako dati dahil habang tinitingnan kita. Aiisssst. Malapit na akong mabuweset." seryosong sabi ni Malic habang nakatingin kay Chhaya at nakikita nga niya ang sarili niya.

"Trenta anyos ka na at umayos ka." sigaw sa galit ni Matias kay Chhaya.

"Aisssst, hindi babagsak ang Cheung Hotel. Nasa sitwasyon lang tayo tulad ng isang malaking kompanya na nakakadanas ng krisis. Lahat ng malalaking kompanya nakakaranas ng ganoon. Kaya easy lang, bubulusok din tayo pataas at lahat ng nang-iwan sa atin,..." sabi ni Chhaya saka ito tumingin sa lahat.

"Neknek nila, wala ng balikan." nakangising sabi ni Chhaya.

"Umayos ka!!!!" galit na sigaw ni Malic na ikinagulat ng lahat.

"Grabe ka naman 'tay." sabi ni Chhaya na napaatras sa upuan nito.

"Ayusin mo, at baka alisin ko ang dugo ko sayo. Ipapahigop ko iyan sa Cheung Hospital." sabi ni Malic.

"Hahahaha, tatay mamamatay ako kasi ang nanay ko ay Lopez din at kung may matitira man galing sa ibang dugo ni Mama aiissst ang kaunti nun." natawang sabi ni Chhaya na ikinatitig lang ng lahat dito.

"Tapos na ang meeting. Ayoko na!" prolemadong sabi ni Matias. Tumayo ito at nauna ng lumabas ng conference room.

"Relax lang kayo, nasa katandaan na ang age niyo. Kawawa ang mga anak niyo kapag maaga kayo mamatay." sabi muli ni Chhaya.

Tumayo ang lahat at naiiling na iniwan si Chhaya na mag-isang nakaupo sa Conference Room.

"Aissst, isa lang naman ang kailangan ko para mapataas ko uli ito... si Autumn." nakangising sabi ni Chhaya.

"....pero galit siya sa akin. Amuin ko kaya tulad ng dati." nakangising sabi ni Chhaya.

......
May 25, 2021 11.19am
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top