Kabanata 30 : Sofa

Private Cottages, Unang bayan

"Wine!" sigaw na tawag ni Elle ng pumunta ito sa cottage ng lola ni Wine kung saan niya ito huling nakita nagtungo

"Wine!" sigaw ni Elle pero wala pa rin sumasagot.

"Ano ba iyan? Kanina pa ako dito." sabi ni Elle sa isip ng wala pa rin sumagot.

"Wine, hayop ka. Ang lupit mo." sabi ni Ion.

Napatingin si Elle at ng makita na kasama ni Wine ang grupo at bukod doon may kasama ang mga ito na babae kaya agad siya nagkubli sa gilid ng cottage.

"Ang dali lang naman." sabi ni Wine.

"Hindi mo man lang pinatakam."sabi ni Shadow.

"Bakit mo pa patatakimin kung hayok na hayok na." natawang sabi ni Wine.

"Alam mo, parang may kakaiba sayo. Saan ka ba nanggaling?" sabi ni Ciao kay Wine.

Na kanina pa nila napapansin na kahit tumatawa si Wine hindi abot sa mga mata ang saya nito.

"Hindi ba kasama mo sila Aqua?" sabi ni Rhythm kay Wine.

"Oo iniwan ko ang dalawang lokong iyon sa kambal, at ngayon kumakain sila sa karinderia... ahmmm nag de-date pala." natawang sabi ni Wine.

"Iniwan mo?" sabi ni Ion.

"Oo." sabi ni Wine.

"Eh kanina pa iyon ha." sabi ni Shadow.

"Oo nga kanina pa iyon. So bakit ngayon ka lang?" sabi ni Ciao kay Wine.

"Wala lang." sabi ni Wine na biglang nagbago ang timpla nito ng maalala na naman ang nangyari sa sa Ice Cream Parlor kanina.

"Wine isa pa." sabi ng babae na ikinatingin ng mga batang lalaki dito.

"Wine kami naman." sabi ni Ion kay Wine na kanina pa hinaharot ang babae.

"Lambingin niyo lang kasi, bibigay din iyan." sabi ni Wine.

"Sample uli." sabi ni Rhythm kay Wine.

"Oo sample naman." sabi ni Shadow kay Wine.

"Anong klaseng sample?" sabi ni Wine.

"I-hang mo uli sa paghalik para matakam." sabi ni Shadow.

"Hahaha. Sige hindi ko hahalikan, pero kapag sumenyas ako at nakapikit na si Tisha, lumapit ang isa sa inyo para halikan siya." pilyong sabi ni Wine.

"Oo ba." sabi ng mga batang lalaki.

"Ako muna." sabi ni Rhythm.

"Matanda muna, so ako muna." sabi ni Ciao.

"Sunod ako." sabi ni Ion.

"Aiisssst, dinadaan sa edad."sabi ni Shadow.

"Isang halik lang naman at mabilisan lang."sabi ni Ciao.

"Kaya nga pumayag ka na." sabi ni Ion kay Shadow

"Ako papayag na, madampian lang ang labi ko ng labi ng babae. Okay na sa akin." sabi ni Rhythm na ikinatawa ng mga ito.

"Game na?"tanong ni Wine kay Shadow.

"O sige na nga." sabi ni Shadow.

Lumapit si Wine sa babae at ngumiti ito. Kung kanina binitin niya ito sa halik ng pumikit ito at nagkunwari siyang may pinulot sa buhangin. Kaya alam ni Wine na takam na takam ito ngayon na halikan niya.

"Marunong ka mag volleyball di ba? Sali ka sa amin." sabi ng babae.

"Sure, puwede ba silang sumali?" sabi ni Wine sa babae na nagpakilalang si Tisha.

"Oo naman."sabi ng babae na ngumiti sa mga kaibigan ni Wine.

Napangisi si Wine nakaupo lang siya kanina sa dalampasigan ng lapitan siya ni Tisha, nainis kasi siya sa inasal ni Elle at hindi naman niya masisi dahil alam naman ni Wine na bata pa si Elle.

"Game na." sabi ni Wine sa mga kaibigan na nagsipuntahan din kung saan naglalaro ang mga ito ng volleyball.

"Magkakampi tayo." sabi ni Tisha sabay hawak sa kamay ni Wine.

Anim na babae ang kasama ni Tisha sa naturang volleyball beach na sinadyang itinayo.

Napatingin ang magkakaibigan at senenyasan ni Wine sila Ciao at Ion na siyang unang hahalik sa babae kapag pumikit na ito.

"Game na." sabi ni Wine.

Nakamasid lang ang magkakaibigan sa ginagawa ni Wine.

Mga sexy na babae ang mga nasa harapan nilang babae. Na nakasuot ng two piece swimsuit, na nasa edad kinse hanggang disi syete.

Mga anak mayaman panigurado dahil nasa private cottages ang mga ito nakapisan, na hindi ka naman basta-basta makakapasok sa naturang lugar kung hindi mo afford ang renta doon.

"Ready." sabi ni Tisha at una itong pumalo sa bola.

Nagsimula ang laro na halos magsigawan ang lahat ng tumira si Wine, dahil magaling ito sa larong iyon na hindi alam ng mga kaibigan nito. Ang nilalaro lang kasi nila ay basketball, football at minsan ay baseball.

"Wine, pambaklang laro ito. Marunong ka pala?" sigaw ni Shadow na kalaban nila Wine.

Napatawa ang lahat sa sinabi ni Shadow na halos habulin nito ang bola na hindi nito matamaan.

"Pare, galingan mo." sabi ni Wine habang tumatawa pa ito.

Ilang sandali lang ng manalo ang koponan nila Wine, lumapit si Tisha kay Wine.

"Ang galing mo maglaro, sabi ko na nga ba hindi ako nagkamali. Nasa mukha mo kasi." sabi ni Tisha.

"Nasa mukha ko na.... magaling ako?" pilyong tanong ni Wine.

"Oo. Bakit hindi ba?" pilyang tanong ni Tisha.

Niyakap ni Wine ang baywang ni Tisha sabay sa paglapit niya sa mukha nito.

"Magaling ako, kahit saan." sabi ni Wine sabay lapit ng labi nito sa labi ni Tisha.

Napapikit si Tisha na agad sumenyas si Wine kay Ciao. Lumapit si Ciao at saktong paglapit nito ng biglang iniwas ni Wine ang mukha kay Tisha para mahalikan ito ni Ciao na nagawa pang kagatin ng bahagya ang labi ni Tisha.

Umalis kaagad si Ciao at nagkunwari si Wine na siya ang humalik sa babae. Samantalang ang ibang kaibigan nila ay kausap ang ibang babaeng kasama ni Tisha para hindi ito makahalata.

Napangiti si Wine na tila hindi naman nakahalata si Tisha na iba ang humalik dito.

Hinaplos ni Wine ang mukha ni Tisha at idinikit nito ang mukha sa leeg ng babae.

Pinaglandas ni Wine ang labi sa leeg ni Tisha sabay senyas nito kay Ion na agad lumapit.

At akmang malapit na sa labi ni Tisha ang labi ni Wine mabilis itong umalis at napangiti ito ng mabilis na nahalikan ito ni Ion na mabilis din na umalis ng biglang dumilat si Tisha.

"Pumipikit kasi." sabi ni Elle na kanina pa pinagmamasdan ang kalokohan ng mga batang lalaki.

".....ako di ako pipikit." sabi ni Elle.

"Doon tayo." sabi ni Tisha kay Wine sabay hawak dito.

"Wine!!!" sigaw ni Elle na ikinatingin ni Wine.

Napatingin ang lahat kay Elle, madumi ang damit nito at ang mukha nito ay madungis. Napakunot lalo ang noo ni Wine, iniwan niya sa harap ng cottage nito si Elle ng mapagtanto na hindi pa rin ito nagpapalit ng damit.

"Bati na tayo." sabi ni Elle kay Wine.

"Magkakagalit kayo?" sabi ni Shadow kay Wine.

Nakatitig lang si Wine kay Elle, naluluha ito at halatang nagseselos na naman.

"Bati na tayo. Hindi na ako hihinge ng Cheese ice cream. Bitawan mo na siya." sabi ni Elle kay Wine.

"Umuwi ka muna, baka makita ka ng Papa mo ang dumi mo." sabi ni Wine kay Elle.

"Samahan mo ako umuwi." sabi ni Elle na halatang napapahiya na ito.

"Umuwi ka na." sabi ni Wine.

"Ako na lang ang sasama sayo." sabi ni Shadow kay Elle na ikinatingin ng lahat.

"Hindi." sabi ni Wine sabay matalim na tiningnan nito si Shadow.

"Uwi mo na ako." sabi ni Elle kay Wine.

"Aiisssst." sabi ni Wine.

Binitawan nito si Tisha at pinuntahan nito si Elle bago pa man samahan ni Shadow.

"Sorry na." sabi ni Elle sabay yakap kay Wine.

"Lagot ka Wine, pinaiyak mo na naman." sabi ni Ion kay Wine.

"Aiisssst, hindi ko siya pinaiyak." sabi ni Wine habang nakayakap si Elle sa kanya.

"Uwi mo na ako. Karga na." sabi ni Elle kay Wine.

"Subukan mong kargahin lagot ka na sa amin."

Napatingin si Wine ng makita sila Aqua at Blaze na hindi maipinta ang mga mukha.

"Pagod na ako. Tumakbo ako mula doon." sabi ni Elle sa mga pinsan, sabay nguso sa cottage ng momy nito na may kalayuan.

"Kami kakarga sayo." sabi ni Aqua kay Elle.

"Ayoko." sabi ni Elle sabay yakap kay Wine.

"Ang kulit mo ha. Mainit ang ulo namin kaya hindi uubra sa amin ang pagwawala mo." sabi ni Blaze sabay kuha nito kay Elle pero mahgpit itong yumakap kay Wine.

"Mamaya niyo na ako huntingin. Iuuwi ko lang siya." sabi ni Wine at kinarga nito si Elle na agad iniyakap ang mga paa sa baywang niya at mga kamay sa leeg ni Wine. Nakuha pa ni Elle ihilig ang ulo nito sa balikat ni Wine.

"Lagot ka sa amin, pinakain mo kami ng kaning baboy." inis na sabi ni Blaze kay Wine na ikinatawa lang ng batang lalaki.

...................

Ellie' Cottage

"Late ako." sabi ni Muddy kay Run.

"Okay lang ang importante dumating ka pa rin." nakangiting sabi ni Run kay Muddy.

Nasa kuwarto ni Run si Muddy at talagang hinihintay ito ni Run.

Napangiti si Muddy dahil ngayon lang siya nakapasok sa ganoong kagandang bahay. Partikular sa magandang kuwarto kung saan malaki iyon at talagang may espasyo para sa study table na may kalakihan.

"Ano bang pag-aaralan natin?" tanong ni Muddy.

"Grade one ka na this coming school year kaya ang ituturo ko sayo ay pang grade 1 at advance lesson, kumbaga pahapyaw na pang grade two."sabi ni Run.

"Sige." sabi ni Muddy pero ang mata nito ay hindi mapakali na lihim na pinagmamasdan ni Run sa katabing bata.

"Mag Math muna tayo, ako kasi inuuna ko talaga ang mahirap bago madali. "sabi ni Run.

"Ganoon ba? Ako kasi madali muna para may matapos ako kahit paano." sabi ni Muddy na ikinangiti ni Run.

Nagsimula mag review ang dalawa na halos seryoso ang mga ito. Nagpalitan ng mga nalalaman ang dalawang bata at napangiti si Muddy dahil matalino ang batang kaharap niya.

Ilang sandali pa ng tumigil si Run at tiningnan nito si Muddy habang nagsosolve ito ng math problems.

Napatigil si Muddy ng tingnan siya ni Run kaya tinitigan niya ito at nagsalita.

"May problema ba?" tanong ni Muddy kay Run.

"Kumain muna tayo. Nagugutom na ako at alam ko ganoon ka rin." sabi ni Run kay Muddy.

"Nakakahiya naman, tinutulungan mo na nga ako." sabi ni Muddy.

"Sulitin na natin habang may oras." sabi ni Run.

Tumayo si Run at nginitian nito si Muddy.

"Halika na." sabi ni Run sabay hawak sa kamay ni Muddy.

"Sige." nakangiting sabi ni Muddy.

Pagbaba ng dalawa mula sa ikalawang palapag kung nasaan ang kuwarto ni Run. Nagulat ang mga ito ng makita si Wine na karga si Elle. Tulog na si Elle habang naglalaway pa sa balikat ni Wine.

"Aiissst, huwag niyo akong tingnan. At tulungan niyo akong alisin ang pagkakayakap ni Elle sa akin." sabi ni Wine ng makita si Run at batang kasama nito.

"Hindi ko siya matatanggal." sabi ni Run.

"Ha? Kanina pa ako nakatayo dito." sabi ni Wine na ilang minuto na siya nasa sala at wala naman lumalabas na katulong. Ayaw naman ni Wine na magising sa pagkakatulog si Elle.

"Aalis lang iyan kapag humiga ka rin sa kama." seryosong sabi ni Run kay Wine.

"Aiisssst, hindi puwede iyon dahil magagalit ang magulang niyo at baka anong sabihin ng mga iyon.." sabi ni Wine kay Run.

"Mabuti alam mo. So magtiis ka diyan." nakangising sabi ni Run at iginiya nito si Muddy papuntang kusina.

"Aissssst, talaga naman." sabi ni Wine at tiningnan nito si Elle na mahimbing na natutulog dala ng pagod nito.

"Kung hindi tayo puwede sa kuwarto mo...

Huh! Dito tayo sa sala niyo dahil naaantok na rin ako." sabi ni Wine at umupo ito sa sofa habang yakap si Elle.

"Aissst, nakaupo din. Ang bigat mo, kailangan ko pa magpalakas pa lalo." sabi ni Wine.

Sumandal si Wine sa sofa at umayos saka ito humilig para makatulog.

✍️✍️✍️✍️

May 5, 2021 9.20 pm

FifthStreet1883

Good night 😴😴😴😴

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top