Kabanata 29 : Replika

El Paradiso

"Biruin mo hindi ko akalain na makakasosyo din ako ng isang Cheung na matagal ko ng pinangarap." sabi ni Gary kay Damian.

"Fuck! Tumabi ka diyan!" galit na sigaw ni Damian habang nakatingin ito sa duguang asawa na hindi na nagising o hindi niya alam kung magigising pa ito.

"Mula sa mga ninuno mo hanggang kay Ralph Cheung iisa ang ikinamatay nila ang walang habas na pagbabaril sa kanila ng mga hindi kilalang salarin. Pero tatanungin kita iyon nga ba ang ikinamatay ni Ralph o may iba pa?" sabi ni Gary.

"Tangna ka." sabi ni Damian at akmang bubunot ito ng baril na nakatago sa kotse nito ng biglang bumulagta si Gary at ang tatlo nitong kasamahan na ikinanlaki ng mga mata ni Damian.

.....................

"Ash bilisan mo." malakas na sigaw sabi ni Run kay Ash ng marinig ang putukan malapit kung saan nila sinundan ang kotseng humagibis ng arangkada sa gilid nila habang patungo sila sa gubat.

"Aissst, mabilis na ako." sabi ni Ash na halos paliparin niya ang motor.

Nagkita sila ni Run sa gubat kung saan sinabi nito ang plano ng tauhan ni Damian sa pagtambang sa kotse nito lulan ng kapatid nilang si Winter at ang anak ng mag-asawa.

"Ayon sila." sabi ni Run sabay kuha ng baril nito na galing kay Ash kung saan kinuha ito ni Ash sa kuwarto ng mga baril ng lolo nitong si Ramon.

"Hindi na iyan pinapatagal. Asintahin mo na." sabi ni Ash at bumunot ito ng baril sabay tutok sa dibdib ni Gary sabay pinaputok iyon.

Napatingin si Run kay Ash hindi niya akalain na asintado ang kapatid tumira, dahil dati bunubully lang ito ng mga pinsan nila.

"Aiisssst, bilisan mo at baka maunahan tayo." sabi ni Ash at ng aasintahin pa lang ang mga ito ni Run ng tapusin ni Ash ang tatlo pang lalaki na ikinatingin ni Run uli sa kapatid.

"Tapos." nakangising sabi ni Ash ng tumumba ang lahat ng binaril nito at ang lahat ng iyon sa dibdib ang tama.

Lumapit si Ash sa kotse ni Damian at agad nitong tiningnan ang kapatid ng biglang nanlaki ang mga mata ni Ash sa nabungaran.

"Shit!" sigaw ni Ash ng makita ang duguang si Winter na tadtad ng bala ng baril.

"Run?" nagulat na sabi ni Damian ng makita ang lalaking kasama ni Ash. Ang inakala niyang namatay ng sunugin niya ito sa isang kubo na pinagtaguan nito.

"Ate!" sigaw ni Run at mabilis nitong binuksan ang pintuan ng kotse ni Damian saka mabilis na binuhat si Winter.

"Run dito." sigaw ni Ash ng makuha ang susi ng kotse ng pinatay nito.

Mabilis na binuksan ni Ash ang sasakyan at agad na isinakay ni Run ang kapatid roon. Natulala lang si Damian ng makita si Run na kamukhang-kamukha ni Ralph Cheung.

Nakuha pang sumigaw ni Run ng makita si Damian.

"Inulit mo lang ang pagkakamali nila at ngayon ang anak mo ang nagdusa." sigaw ni Run at mabilis pinaharurot ni Ash ang kotse palayo sa lugar.

"Errol." umiiyak na sabi ni Damian at mabilis nitong pinaandar ang kotse at tinahak ang daan na binaybay nila Ash at Run.

...............

Tres Island Municipality

"Mayor, may engkuwetro nangyari sa ikalawang bayan malapit sa bangin." sabi ng secretary ni Ellie.

Napatingin si Orion na noo'y nasa opisina ni Ellie.

"Rebelde ba?" tanong ni Ellie.

"Mayor, sabi ni Inspecter Montemayor iyong anak niyo po daw na si Winter pinagbabaril ng wanted na mga tao na illegal miners sa Isla Traquilo." sabi ng secretary ni Ellie.

"Si Winter?" nagtatakang sabi ni Ellie.

"Oh my God! Nasaan ang anak namin?" tanong ni Orion na mula ng ibigay niya kay Autumn ang pamamahala ng Valiente Empire, nanatili na lamang siya sa tabi ng asawa at tinutulungan ito sa trabaho nito bilang Alkalde.

"Nasa Cheung Hospital po sabi ni Run." sabi ng secretary ni Ellie.

"Run baka Ash?" sabi ni Ellie na kahit gusto na niya mahimatay nakuha pa niyang marinig ng malinaw ang pangalan ng anak niyang matagal ng wala at matagal niyang inuluksa na halos mabaliw siya.

"Mayor, Run daw po. Iyon ang paulit-ulit sinabi ng tumawag." sabi ng secretary ni Ellie.

"Halika puntahan na natin." sabi ni Orion kay Ellie.

Inalalayan nito si Ellie na halos hindi makatayo sa panginginig ng katawan nito.

...................

Cheung Hotel

"Anong nangyari?" sabi ni Autumn kay Ash pero nagulat si Autumn ng makita ang isang lalaking naroroon din at duguan ang damit.

"Si Ate, pinagbabaril ng minero ni Damian." sabi ni Ash kay Autumn.

Hindi pinansin ni Autumn ang sinabi ni Ash dahil nakatitig siya sa lalaking naroroon na nakatitig din sa kanya.

"Teka, sino ka?" naguguluhang sabi ni Autumn ng makita ang isang lalaki na kaedaran ni Ash pero kamukha ito ng larawan ng lolo niya na nasa Cheung Museum.

"Kuya, aisssst!

... Si Run ako." sabi ni Run na ikinanlaki ng mga mata ni Autumn.

"Fuck, uminom naman ako ng gamot ko." sabi ni Autumn habang titig na titig sa lalaking nasa harap niya.

Nakatitig lang si Run kay Autumn kaya nagsalita muli si Autumn.

"Oh shit. Baka mababa ang dosage ng gamot ko, kaya hindi effective." sabi ni Autumn na sinapo ang ulo niya na tila sumakit iyon dahil parang sa kauna-unahang pagkakataon may hindi siya alam sa pamilya niya. Na kung dati, noong bata siya ultimo mga kaaway ng pamilya niya ay kilala niya.

"Aissst, aalis muna ako." sabi ni Run pero akmang tatalikuran nito si Autumn, ng hawakan ito ni Autumn sa braso.

"Sandali. Paano ka nabuhay? Nacheck at tama ang autopsy, ikaw ang batang namatay." sabi ni Autumn.

Nalilito si Autumn dahil hindi niya alam kung ano ang unang aalamin. Ang kalagayan ni Winter, ang nangyari sa kakambal o ang kapatid na naglaho at muling nabuhay.

At mukhang wala na itong sakit dahil may taning ang buhay ni Run dati sa pagkakaalam ni Autumn. Kaya nga hindi na siya masyadong nasaktan noon dahil hinanda na niya ang posibleng pagkawala ni Run dahil sa leukemia.

Iyon nga lang hindi inaasahan ni Autumn na sa sunog mawawala si Run ng magtago ito sa isang kubo kasama ng isang bodyguard nila na nasunog din habang yakap nito ang kapatid.

"Hindi ako iyon." sabi ni Run.

"Sino iyon?" sabi ni Autumn.

"Ang anak ni Damian, na tito natin." sabi ni Run na ikinatitig ni Autumn sa kapatid.

"Alam mo?" nagtatakang tanong ni Autumn kay Run.

"Oo, at alam ko, na alam mo rin pero wala kang ginawa." sabi ni Run kay Autumn.

"Ano iyon?" naguguluhang tanong ni Ash na hindi siya makasunod sa pinag-uusapan ng dalawang kapatid.

"Hindi mo pa sinasabi kay Ash?" tanong ni Autumn kay Run.

"Hindi ba ikaw ang dapat magsabi? Pero mukhang nalimutan mo ang pagiging kuya mo." sabi ni Run na napangisi pa kay Autumn.

Napatingin si Ash kay Autumn at Run, na wala talaga siyang alam at nagsisimula na siya mainis.

"Saan mo siya nakita?" pagbabagong tanong ni Autumn na bumaling kay Ash.

"Sa Isla Verde, nagtatrabaho siya sa construction site at nakita na rin siya ni Elle at Wine. Pati ni Muddy at nung Kim na kaibigan ni Muddy.' sabi ni Ash kay Autumn.

"Nagtrabaho ka? Anong nangyari sayo?" tanong ni Autumn kay Run, na tila ang dami niyang katanungan na gusto masagot na dati ay madali lang sagutan para kay Autumn.

"Marami kang lapses sa trabaho mo bilang apo, bilang anak at bilang kuya. Nasaan na ang Autumn na tinuruan ni Ralph Cheung bilang magaling na kahalili nito? Nalimutan mo ang lahat ng dahil sa babaeng iyon." sabi ni Run.

Napatingin lang si Autumn kay Run, dahil tama ito. May mga katanungan siya sa pamilya niya na hindi niya hinanapan ng kasagutan kahit ang kamatayan ng lolo niya ay tila malaking katanungan sa kanya.

"Aalis na ako." sabi ni Run sabay talikod kay Autumn.

"Saan ka pupunta?" sigaw ni Ash kay Run.

"Sa lolo natin." sabi ni Run.

"...nandito si Damian?" sabi ni Autumn na ikinatingin ni Ash sa kuya niya.

"Oo, kasama siya ni Winter at Errol pero hindi binaril si Kuya Damian nung minero niya na ipinagtataka ko.

Dahil si Errol dead on arrival ng sinugod dito." sabi ni Ash ng biglang napapikit si Autumn ng maalala si Winter.

"Si Winter?" tanong ni Autumn.

"Okay na siya at malakas siya." sabi ni Ash na nagtaka din dahil malakas ang tibok ng puso ng kapatid niya ng isugod iyon kahit maraming dugo ang nawala dito.

..................

Morque

"Run." sabi ni Damian ng makita si Run.

Tinitigan lang ni Run si Damian habang papalapit ito sa binata. Seryoso ang mukha nito pero bakas ang galit na naging kamukha pa lalo ni Ralph Cheung.

"Anong pakiramdam?" tanong ni Run kay Damian.

Napabuntung hininga si Damian sa katanungang iyon. Na kahit siya ay matagal na niyang tinatanong sa kanya kung ano nga ba ang pakiramdam niya sa buhay niya.

"Masakit." sabi ni Damian at napatingin ito sa morque ng hospital kung saan inaasikaso ang labi ni Errol.

"...kamusta si Winter?" tanong ni Damian.

"Okay na siya, sa ngayon." sabi ni Run.

Napangiti si Damian pero ilang sandali lang ng bigla itong umiyak na ikinatitig ni Run sa lalaki.

Pero muling nagsalita si Damian.

"Sino iyong bata?" tanong ni Damian kay Run.

"Hindi mo pa rin alam?" seryosong tanong ni Run.

Napailing si Damian, siniguro niyang mamamatay si Run at ayon sa imbestigasyon si Run nga ang namatay.

"Ang anak mo." sabi ni Run na ikinatingin ni Damian kay Run.

"Wala akong anak." sabi ni Damian.

"Alam mong meron hindi mo lang tinanggap." sabi ni Run.

"Hindi totoo iyan." sabi ni Damian.

"Tinapon mo ang anak mo tulad ng pagtapon sayo ni lolo... na kung tutuusin hindi ka naman talaga niya itinapon." sabi ni Run at ng nanatiling tahimik na nakatingin sa kanya si Damian muli siya nagsalita.

"....dahil kusa kang umalis ng panahon na ipapakilala ka na sana sa kanya ni Bien." sabi ni Run.

"May buhay na ako at hindi ko na siya kailangan." sabi ni Damian.

"Tama, pero lumapit ka pa rin at tinarget mo ang kapatid ko. Kahit alam mong apo mo na si Ate Winter.." sabi ni Run.

"Mahal ko si Winter." sabi ni Damian.

"Tama, alam ko naman na mahal mo ang ate ko. Pero ang pagganti mo sa lolo ko sa pamamagitan ng pagpatay sa akin ay hindi mo nakuha. Nang tambangan kami sa kalsada." sabi ni Run.

"...kaya ipinagpatuloy mo iyon sa pananakit sa ate ko." galit na sabi ni Run.

"Ayokong iwan niya ako." sabi ni Damian.

"Lahat ng binalak mong masama ay hindi nagtugma sa plano mo. Ang hindi mo alam kasabay ng paglabas ko sa sasakyan ng panahon na iyon ay ang isa pang bata na ibinigay sa amin ni George ang tiyuhin ni Muddy na siyang nag-alaga sa bata ng hindi mo iyon tanggapin ng ilapit niya sayo." sabi ni Run.

"Ang gagong iyon, peneperahan ako sa batang iyon." sabi ni Damian.

"Hindi ka peneperahan ni George, kinukuha lang niya sayo ang responsibilidad mo, na itinapon mo." sabi ni Run.

"Si George ba ang nagligtas sayo?" tanong ni Damian.

"Oo, napahiwalay ako sa gubat at ang nakasama ng bodyguard ay ang anak mo. Hinatak ako ni George ng makita niya ang mga tauhan mo na hinahabol ako sa gubat.

Dahil ang totoong plano mo ay narinig ni George sa minahan kung saan minero mo siya. Ang plano mo ay pagtatambang sa kotse namin nila lolo at ako lang ang papatayin mo.

Pero nagbago ang lahat ng may nasalubong kaming mga rebelde at pinagbabaril ang kotse ni lolo kung saan ako nakasakay." sabi ni Run.

"Tama ka, ikaw lang ang gusto kong mawala. Pero mautak ka, dahil imbes na kay Winter mo ibigay ang Cheung Hotel kay Atlas mo ibinigay. At ang ibang mana mo ay ibinahagi mo ng lihim kay Ash." sabi ni Damian.

"Huh, alam ko na ang Mama ko ang gusto mo at ginamit mo ang ate ko para maging replica ng Mama ko na pinagnanasaan mo.

Kaya lumapit ka kay lolo Ralph para makipag deal sa pagpapakasal ni Ate sayo, dahil bukod na gagawin mo si Ate na parausan habang iniisip ang Mama ko...

... ang akala mo mapapasaiyo ang Cheung Hotel. Pero nahuli ka sa balita dahil naibigay ko iyon kay Atlas.

Panahon ang nagdesisyon, at naulit ang kamatayan ni lolo tulad sa mga ninuno natin. Kung saan ambush ang lahat ng ikinamatay ng nasa trono. Pasalamat ka binuhay ka ni Gary." sabi muli ni Run

"Run."

Nahinto sa pag-uusap ang sila Run at Damian ng may tumawag kay Run.

"Mama, si lolo Ralph iyan." sabi ni Elle kay Ellie ng lumingon si Run.

Napatingin si Orion sa bunsong anak, hindi niya akalain na nagkita na pala si Elle at Run. Iyon nga lang naniniwala si Elle na si Reincarnation si Run ni Ralph Cheung.

"Si Kuya Run mo iyan anak." naluluhang sabi ni Ellie.

Sinalubong ni Run si Ellie na halos bumalon ng luha ang mga mata nito sa luhang bumubuhos dito.

"Mama." napaluhang sabi ni Run sabay yakap sa ina na matagal na niyang hindi nakikita.

"Kuya?" namimilog na mata na sabi ni Elle sabay titig sa mukha ni Run habang yakap ito ni Ellie.

"Si kuya siya anak." sabi ni Orion kay Elle.

"Hindi ah." sabi ni Elle kay Orion.

"Ako ito Elle, si Kuya Run" nakangiting sabi ni Run kay Elle.

"Hala! Pusa ka ba?" namimilog na mata na tanong ni Elle.

"Bakit naman?" tanong ni Run kay Elle.

"Ang dami mo naman buhay." sabi ni Elle na ikinangiti ni Run.

"Ikaw talaga." sabi ni Run kay Elle.

Napatingin si Elle kay Damian na nakatingin sa kanila, kaya napangiti si Elle.

Napatitig si Damian kay Elle, ganito si Winter ng kunin niya. Parang si Elle, masaya, pilya, maloko, sweet at inosente na tila wala itong problema sa buhay.

"Hi Kuya." nakangiting sabi ni Elle kay Damian.

Napatitig si Orion kay Damian, at naaptiim ng bagang ito. Walang alam si Ellie at Elle sa dinanas ni Winter sa kamay ni Damian at wala si Orion balak ipaalam iyon sa mag-ina niya.

"Nabuhay si Run pero ngayon ang apo ko naman ang nawala." napaiyak na sabi ni Ellie habang nakatingin ito kay Damian.

Napatingin si Damian kay Ellie, ang unang babaeng nakaagaw ng atensyon niya na inireplika niya kay Winter.

"....hindi mo siya ipinakita sa amin. Hindi ko man lang nayakap si Errol ng buhay. Hindi ko man lang naramdaman ang pagiging lola ko sa unang apo ko." umiiyak na sabi ni Ellie habang nakatitig kay Damian.

Napayuko si Damian at napaluha ito. Wala itong nasabi na kahit ano sa mga pahayag ni Ellie.

"Sana mayakap ko si Errol kahit malamig na ang apo ko. Puwede ba?" lumuluhang sabi ni Ellie kay Damian.

Napatingin si Damian sa pamilya ni Winter walang alam ang mga ito tungkol kay Errol at wala siyang balak ipaalam dahil ang gusto niya bigyan ng kasiyahan ang anak nila ni Winter sa huling sandali ng katawan nito sa lupa.

"Oo." sabi ni Damian na hindi napigilang lumuha.

"Sana pinaranas mo man lang si Errol na maging isang bata kasama ng mga kagrupo ng mommy niya." sabi ni Orion kay Damian.

"....tulad ka rin ni Ralph, ginagawa niyong matanda ang isang bata." seryosong sabi ni Orion na ikinatitig ni Run sa ama.

"Baka kamag-anak niya si lolo kaya ganoon." mahinang nakangusong sabi ni Elle na tila hindi pa tumatagos sa utak nito ang mga nagaganap.

Napatingin si Run kay Elle at nagsalita ito.

"Saan ka galing kanina?" seryosong tanong ni Run kay Elle.

Nang hanapin ni Run si Elle kay Ash kanina ang sabi lang ni Ash kasama ni Elle ang nobyo nito at hindi naman na nakapagtanong si Run dahil nagmamadali sila sundan ang mabilis na kotse na dumaan sa gilid nila ni Ash.

"Kay Grape Wine, nagswimming kami sa ilalim ng dagat kanina tapos....

.... nag-kiss kami." napabungisngis pang sabi ni Elle na ikinatingin ni Orion kay Elle.

"Kiss lang iyon." sabi ni Elle ng tingnan siya ng seryoso ng ama.

Nakuha pang ngumuso ni Elle at idikit ang labi nito sa palad niya sabay sabing.....

"Kiss lang naman. Wala pa kami sa lovemaking kasi...

matagal pa iyon sabi ni Grape Wine." mahinang sabi ni Elle ng tingnan siya ng ama at kuya niya.

.....

May 25, 2021 9.41pm
FifthStreet1883

Good night

Bukas ko na iedit kapag may mali
😪😴😴😴

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top