Kabanata 28 : Immortal Sin : re-edited
El Casa, El Paradiso
Days later
"May alam ka ba dito?" seryosong tanong ni Orion kay Autumn sabay lapag ng larawan ni Winter sa Isla Traquilo.
Nasa opisina niya ng araw na iyon si Autumn ng dumating ang ama niyang si Orion at dere-deretso itong pumasok na halatang galit ang ama.
"Ano iyan?" tanong ni Autumn na hindi man lang tiningnan ang inilapag na envelope ng ama.
"Buksan mo ng malaman mo." seryosong sabi ni Orion.
Kinuha ni Autumn ang envelope at napakunot ang noo niya dahil ang lugar na iyon ay sa minahan ni Damian sa Isla Traquilo.
Pinasadahan ni Autumn ang mga larawan pero nakaagaw ng atensyon niya ang kakambal na si Winter habang hawak ito sa braso ni Damian at sa larawan pa lang halatang hinahatak ni Damian ang kapatid kaya napatiim ng bagang ang binata.
"Wala akong alam." seryosong sabi ni Autumn.
"Sa ating lahat, ikaw lang ang pinagsasabihan ni Winter ng lahat-lahat. Alam mo iyon, magkasama kayo simula bata, kaya imposibleng wala kang alam." sabi ni Orion.
Mula sa isang espiya niya sa minahan, ipinadala kay Orion ang mga larawan na iyon ilang araw ang nakalipas. Ngayon lang ito natanggap ni Orion dahil napatungan ito ng mga papeles sa opisina niya.
Napatingin si Autumn sa ama, alam niya kahit saan lupalop basta kinalala kang kalaban sa negosyo ng ama niya siguraduhin mo maglalagay ito ng espiya sa mga negosyong hawak mo.
"Ang alam ko lang hindi sila magkasundo ni Damian. Pero ang tungkol sa pananakit na nakikita ko sa larawang ito. Wala akong alam." sabi ni Autumn.
"Hindi mo man lang inaalam ang kalagayan ni Winter. Kung alam mo na pala na hindi sila magkasundo." nagtatakang sabi ni Orion sa anak.
"Sabi mo nga kilala ko si Winter at base sa pagkakaalam ko, si Winter ang tipo ng tao na kapag kaya niya hindi siya hihinge ng tulong. Kapag gusto niya, ipagpapatuloy niya. At sa konklusyon ko. Mahal niya si Damian kaya hindi niya maiwan ang lalaking iyon." sabi ni Autumn.
"Huh! Alam mong may mali, pero wala kang ginagawa. Alam mo kung bakit, parang wala lang sayo ang nangyayari sa mga kapatid mo?" sabi ni Orion.
Nakatitig lang si Autumn sa ama kaya muling nagsalita si Orion.
"Dahil sa babaeng nanloko sayo na hanggang ngayon hindi ka makapag move on kaya nakalimutan mo ang pagiging kuya mo sa kakambal mo." sarkastikong sabi ni Orion.
Napangisi si Autumn sa pahayag ng ama. Kung tutuusin para siyang nananalamin, iyon nga lang mahahalata na mas matanda ang lalaking kaharap pero kahit ganoon. Alam na ni Autumn ang magiging mukha niya kapag tumanda siya.
"Wala na akong pakialam kay Cha." sabi ni Autumn.
"Wala?!
Huh! Pero halos pumunta ka sa Cheung Hotel para hantingin siya. Ang tanga mo!
Ginago ka na sinusundan mo pa. Kung talagang matino ka, bantayan mo ang kapatid mo o ang mga kapatid mo kaysa maghabol ka sa bababeng pera mo lang ang habol sayo.
Hindi ako magtataka kung habulin ka uli ni Chhaya. Dahil ang balita ko palugi na ang Cheung Hotel at sa isang pitik ko lang babagsak iyon ng tuluyan. At kapag nagkataon.... Lalapit uli sayo ang mukhang perang ex mo." sabi ni Orion.
Napatiim ng bagang si Autumn, may katotohanan ang sinabi ng ama. Alam niyang kapit sa patalim na ang Cheung Hotel isama pa na wala naman talagang experience sila Atlas at Chhaya sa pamamahala nun.
Pero ang ipinagtataka ni Autumn, hanggang ngayon bakit kay Atlas ibinigay ng lolo niya ang Hotel at hindi sa kanya o sa mga pinsan niya. Kung Cheung lang naman na apelyedo ang habol ni Ralph na siyang hahawak ng hotel.
"Anong gusto mong gawin ko para mapatunyan na wala na akong pakialam kay Cha?" sabi ni Autumn kay Orion.
"Solusyunan mo ang problema ni Winter. Na tulad mo na may pagkahibang at ang kapatid mo sa lalaking iyon. Gumawa ka ng paraan para mawala sa landas niya si Damian." sabi ni Orion.
"Gusto mo patayin ko na lang si Damian, para matapos na?" nakangising sabi ni Autumn habang nakatitig kay Orion na nakatayo sa harapan niya habang nakaupo si Autumn sa silya niya.
Napangisi si Orion kay Autumn, alam niyang dati pa na ganito na ang ugali ni Autumn. Napigilan lang ng dumating si Chhaya sa buhay nito. Pero ang pagkakamali lumala ang anak niya sa totoong ugali nito ng niloko ito ni Chhaya, kaya ganito ang mag-isip si Autumn ngayon.
"Sige, kung kaya mo. Basta kunin mo ang kapatid mo at ang pamangkin mo." nakangising sabi ni Orion kay Autumn.
"Hahaha, hindi ko kayang patayin si Damian. Pero sige, gagawa ako ng paraan para magising si Winter sa bangungot niya." sabi ni Autumn.
"Dapat lang dahil pareho kayong dalawa, mali ang taong sinamahan niyo kaya nauwi sa ganyan ang buhay niyo." sabi ni Orion.
"Hahaha, nagmana lang kami sayo sa pagkahibang. Iyon nga lang nasuwertahan mo ang Mama ko. Pasalamat ka at mabait si Mama na minana namin ng kakambal ko. Kasi kung hindi baka hiniwalayan ka niya sa mga kinakalantari mong babae sa Casa" nanlilisik na mata na sabi ni Autumn na ikinatitig ni Orion sa anak.
"Alam mong hindi ako ang lumalapit kundi ang mga babaeng iyon. At alam mo rin wala akong kinakama sa kanila. At mas alam mong kaya ibinigay ko sayo ang lahat ng pamamahala ng Emperyo para iwasan silang lahat.
Masaya ako sa Mama mo, at sana makahanap ka ng babaeng magiging masaya ka rin. Para hindi ka maging bitter sa buhay mo, anak. Makinig ka sa payo ko, huwag mo ng pagnasaan ang babaeng napagnasaan at nakuha mo na dati." sabi ni Orion kay Autumn.
Nakatitig lang si Autumn kay Orion, tama ang ama niya. Ngayong papalugi na ang Hotel kaya may posibilidad na puntiryahin siya uli ni Chhaya.
"Ayusin mo ang buhay ng kapatid mo, dahil kapag hindi mo ginawa baka ako mismo ang papatay sa lalaking iyon, at alam mong ayaw mo iyon.
Ayaw mong masaktan ng tuluyan ang kapatid mo sa kahibangan niya sa mapanakit niyang asawa." sabi ni Orion kay Autumn.
"Ako ng bahala." sabi ni Autumn.
"Mabuti naman.
Wala pang alam ang Mama mo kaya huwag mong hayaan na may malaman siya dahil siguradong magagalit siya sayo. Mas ayaw mo naman sigurong mawala ang mama mo kaysa kay Cha." seryosong sabi ni Orion.
"Oo." napabuntung hiningang sabi ni Autumn.
......................
Isla Traquilo
"Pupunta lang ako sa mall." sabi ni Winter kay Damian.
"Hindi ako makakasama kaya hindi puwede." sabi ni Damian habang may ginagawa ito sa laptop nito.
Nasa garden sila Damian at Winter ng araw na iyon ng magpaalam ang huli para makalabas man lang ng bahay na iyon
"Ako na lang mag-isa." sabi ni Winter na kanina pa siya naroroon at tulad ng dati katabi lang siya ni Damian na kahit cellphone at anumang gadgets ay wala siyang hawak.
"Sino na naman ang kasama mo? Ang mga pinsan mo?" tanong ni Damian kay Winter.
"Ako lang mag-isa." sabi ni Winter habang nakaupo lang siya sa silya kaharap sa Damian.
"Hindi puwede." sabi ni Damian na patuloy lang sa ginagawa nito.
"Isasama ko si Errol." sabi ni Winter.
"Mas lalong hindi puwede.' sabi ni Damian.
"Ngayon lang, gusto ko lang makapunta sa mall." sabi ni Winter.
"Kapag sinabi kong hindi puwede, hindi puwede." seryosong sabi ni Damian.
"Ngayon lang." sabi ni Winter.
"Bakit ba ang kulit mo?" galit na sigaw ni Damian na ikinagulat ni Winter.
"Anniversary natin, bibili lang sana ako ng cake natin." mahinang sabi ni Winter na ikinatitig ni Damian kay Winter.
"....kung ayaw mong mag-celebrate. Ako na lang, kasama si Errol." mahinang sabi ni Winter.
Napabuntung hininga si Damian, nalimutan niya pati ang araw na iyon. Ang araw na ikinasal sila ni Winter, ang araw na akala niya magiging okay ang lahat.
"Happy anniversary." nakangiting sabi ni Winter kahit namumuo ang luha sa mga mata nito.
Nakatitig lang si Damian sa asawa, mabait naman si Winter. Iyon nga lang hindi tumatagal ang minuto na may tila bell na kumakalembang sa utak niya para magising kung sino ang kaharap niya.
"I love you, babe." sabi ni Winter na hindi napigilan ang luha sa mga mata niya.
"...payakap naman." napaiyak na tuluyan na sabi ni Winter.
Nakatingin lang si Damian kay Winter, nasaktan niya ito noong nakaraan linggo at sa kauna-unahang pagkakataon nahimatay ito. Kaya mula, noong araw na iyon, iniiwasan na ni Damian pagbuhatan ng kamay si Winter at baka mamatay ito sa mga kamay niya.
"Hindi na ako tatakas at magpapakita sa mga pinsan ko. Promise." sabi ni Winter.
Nahimatay siya, noong huling beses siyang saktan ni Damian, iyon ang pinakamasakit na pananakit na dinanas niya dito pero siguro bumibigay na rin ang katawan niya kasi kung tutuusin. Lahat naman ng pananakit ni Damian ay masakit lalo na lalaki ito at babae siya.
"....mag celebrate naman tayo." umiiyak na sabi ni Winter habang ang kamay nito ay nakahawak sa isa't isa at tila kinakabahan ito na baka pagbuhatan ng kamay ni Damian.
"Okay." sabi ni Damian at nilapitan nito si Winter at niyakap.
"I love you." sabi ni Winter pero hindi sumagot si Damian.
"......Sagutin mo naman ako." sabi ni Winter ng gumanti ito ng yakap kay Damian.
"Mahal kita." sabi ni Damian at hindi nakita ni Winter ang luha na tumulo sa mga mata ni Damian na agad ni Damian pinunasan.
"Salamat." sabi ni Winter at niyakap nito ng mahigpit si Damian.
"Maghanda na tayo, aalis na tayo. Isasama natin si Errol." sabi ni Damian kay Winter.
Napatingin si Winter kay Damian at napangiti ito.
"Talaga, tatlo tayo magde-date?" nakangiting sabi ni Winter.
"Oo." sabi ni Damian na napangiti ng makita ang mukha ng asawa.
"Sige. Buhatin mo na ako." sabi ni Winter na ikinangiti ni Damian.
Binuhat nito si Winter na agad yumakap ang mga kamay sa batok niya saka nagtungo ang dalawa sa kuwarto ng mga ito.
..................
El Paradiso
Hours later
"Saan tayo daddy?" tanong ni Errol sa amang si Damian.
"Sa Resto Grill." nakangiting tugon ni Damian sa anak.
Nasa kahabaan na sila ng tulay na nagdurugtong sa El Paradiso at Isla Traquilo. Patungo ang pamilya ni Damian sa El Paradiso kung saan magdiriwang ang pamilya ng Wedding anniversary ng mag-asawa.
"Sa tuktok iyon ng bundok di ba? Katabi ng Peak Resto." sabi ni Errol.
"Oo." sabi ni Damian.
"Wow, nakikita ko iyon sa internet at sa wakas makakapunta na rin ako doon." sabi ni Errol na halata ang saya sa mukha nito.
Napangiti si Winter sa anak, wala itong alam sa nangyayari sa kanila ni Damian. O hindi niya rin sigurado, wala naman kasi itinatanong si Errol. Lagi ito sa kuwarto nito o di kaya sa school, nasa taekwando class din ito. Busy ang anak nila ni Damian.
O sabihin natin na talagang gumawa ng paraan si Damian para maging busy si Errol para hindi nito mapansin at makita ang nangyayari sa kanila mag-asawa. Kahit noong nasa Amerika pa sila, ganoon na ang routine ni Errol, school, art class, taekwando class at umuuwi lang ng bahay kapag gabi na.
Mga bagay na nakasanayan ni Errol mula ng magkaisip siya. Na halos ikinalungkot ni Winter dahil hindi niya masyado nakakasama ang anak niya dahil madalas ito sa ibat ibang klase nito.
"Ay oo nga po pala may regalo ako sa inyo ni Mommy, daddy." sabi ni Errol kay Damian.
"Talaga?" nakangiting sabi ni Damian.
Nasa harapan ng kotse nito si Damian na siyang nagmamaneho ng sasakyan kung saan katabi nito si Winter. Nasa likuran naman si Errol habang may kinukuha ito sa bag.
"Ito po." nakangiting sabi ni Errol at binigay nito kay Damian ang isang t-shirt at ganoon din kay Winter.
"Salamat." sabi ni Winter.
"Isuot niyo ni daddy." nakangiting sabi ni Errol.
Iniladlad ni Winter ang t-shirt para makita, ng bigla siyang mapangiti ng makita ang mukha nilang tatlo ni Damian at Errol.
"Maganda po ba?" tanong ni Errol.
"Oo naman."sabi ni Winter.
"Ako po ang gumawa niyan, alam ko kasi na malapit na ang anniversary niyo ni Daddy." sabi ni Errol.
"Salamat uli, anak. Susuutin ko ito pagkapunta ng resto. Bababa ako agad at pupunta sa restroom para maisuot ito agad." sabi ni Winter.
"Sige po. Ako meron din at suot ko na po." nakangiting sabi ni Errol at inalis nito ang polo at napangiti si Winter na nakailalim na pala sa polo ng anak ang t-shirt na gawa nito.
Nakatingin lang si Damian sa mag-ina niya. Mabait si Errol tulad ni Winter, kamukha din ito ni Winter o sabihin sa kanilang dalawa dahil mukha rin namang Chinese si Damian.
"Dady ikaw din po suutin niyo." sabi ni Errol.
"Oo mamaya." nakangiting sabi ni Damian kay Errol.
"Matulog ka muna anak. Malayo pa tayo." sabi ni Winter kay Errol.
"Sige po, huwag kayo magde-date ni daddy at iwan ako mag-isa dito." nakangiting sabi ni Errol kay Winter.
"Oo naman." nakangiting sabi ni Winter kay Errol na tinanguan ni Damian.
....................
El Paradiso
"Saan na naman ba tayo pupunta pare?" tanong ni Francis kay Dash.
"May dadaanan lang ako." sabi ni Dash.
"Pagubat na ito ha." sabi ni Francis ng mapansin ang tinatahak nilang daan ni Dash.
"Kung gusto mo, iiwan muna kita sa mall. Babalikan na lang kita." sabi ni Dash.
"Sige. Pero okay lang ba sayo?" tanong ni Francis na mukhang ayaw naman siya talaga isama ni Dash pero dahil gusto rin niya gumala kaya sumama siya dito paluwas ng isla Verde.
Si Dash lang kasi ang may motor kaya nakakaluwas din si Francis ng isla Verde, kapag umaalis si Dash. Nakikisabay siya dito at hindi naman siya nito iniiwan kapag may pinupuntahan siyang iba. Nagkikita na lamang sila ni Dash kapag babalik na sa isla Verde.
"Oo naman." nakangiting sabi ni Dash.
Ang totoo magkikita sila Dash at Ash at sa bandang gubat iyon, kung saan walang nakakakilala sa kanila o walang tao sa parteng iyon.
"Okay." sabi ni Francis.
Inihatid nga ni Dash si Francis sa Island mall at muli itong umalis upang makipagkita kay Ash.
....................
Ikalawang Bayan El Paradiso
"Ano ba iyon?" sabi ni Winter ng may humagibis na kotse sa gilid ng kotse nila.
Ilang oras na si Damian at ang pamilya nito sa biyahe ng mapansin niya ang kanina pa nakasunod na kotse sa kanila ng makalabas sila ng isla Traquilo.
Magara ang sasakyan at tinted iyon kaya sigurado si Damian na may sinasabi ang sumusunod sa kanila o ang nag-utos dito na pasundan sila.
"Lasing siguro. Pero ano ba iyan umagang-umaga lasing." mahinang sabi ni Winter na hindi naman siya kinakausap ni Damian mula pa kanina.
Tinapunan ni Damian si Winter ng tingin, ng matulog si Errol agad na nagpalit ng pang itaas si Winter at ngayon suot na nito ang ginawang t-shirt ni Errol na nakaimprinta ang mukha nilang tatlo.
"Hindi ka ba matutulog?" sabi ni Damian na ayaw naman niya matakot si Winter dahil mukhang wala pa itong alam sa sumusunod sa kanila mula pa kanina.
"Puwede ba?" mahinang tanong ni Winter.
Napatingin si Damian kay Winter, lahat ng kilos nito kailangan ng pang sang ayon niya kaya napangisi siya dahil halatang naaantok na nga ang asawa dahil namumungay na ang mga mata nito na tila babagsak pero pinipigilan nito sa takot na baka magalit siya.
"OO naman." sabi ni Damian.
Napangiti si Winter kay Damian at nagsalita ito.
"Salamat, mahal kita. Huwag mong kalilimutan iyon. Ikaw ang taong una kong minahal at hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita at sinunod ko si lolo." nakangiting sabi ni Winter.
"Matulog ka na." sabi ni Damian na hindi niya pinansin ang sinabi ni Winter na paulit-ulit na lang nitong binibigkas kapag magkasama sila.
Pumuwesto si Winter saka ito pumikit. Pero muli ito nagsalita.
"Mahal kita Damian. Sana maramdaman ko uli ang pagmamahal mo, na hindi mo pinipigilan dahil alam ko naman na, mahal na mahal mo ako." sabi ni Winter pero hindi ito sinagot ni Damian.
Nanatiling tahimik si Damian, habang binabaybay nito ang daan papunta sa Peak Resto. Puwesto si Winter ng pagtulog at napangiti ito habang nakatitig sa asawa. Sa gilid ng mga mat ani Damian nakita niya ang ngiting iyon na may pagmamahal mula sa asawa.
Ilang minuto rin ang lumipas ng tiningnan ni Damian ang asawa na halatang sa pagod ni Winter agad itong nakatulog.
Sinilip din ni Damian si Errol sa likuran, tulog na rin ito na halatang pagod din ito sa araw-araw na activities na pinapagawa niya dito. Na tulad ni Winter sinusunod ng anak niya ang kahit anong sabihin niya, kahit alam niyang nakakapagod sa isang pitong taong gulang ang ganoong karaming sinasalihang grupo.
Napatingin si Damian sa daan nasa Ikalawang Bayan na sila ng El Paradiso, ang bayan kung saan una niyang nakita si Winter, na hindi pa niya alam noon na apo ito ni Ralph.
Nang biglang napangisi si Damian dahil hindi pala si Winter ang una niyang nakita kundi si Ellie, ang babaeng una niyang nagustuhan pero dahil kay Orion.
Natuon ang pansin niya sa replica ni Ellie... si Winter.
"Shit." biglang sabi ni Damian at napatingin ito kay Winter at Errol na natutulog.
Nasa daan sila kung saan bangin ang nasa gilid at kung liliko siya gubat ang nandoon pero hindi niya kabisado roon at siguradong mas maraming nagbabantay sa lugar na iyon.
Pinaharurot ni Damian ang kotse, at halatang nasa kahimbingan ng pagtulog ang mag-ina niya kaya hindi alam ng mga ito ang panganib na susunod na mangyayari.
"Tangna ka Damian, niloko mo kami. Ngayon isama mo ang ginto mo at ang pamilya mo sa hukay mo." sigaw ni Gary habang nasa labas ito ng kotse at may hawak itong baril.
Hindi huminto si Damian sa pagmamaneho, hanggang masanggi nito ang kotse na nakaharang kaya umikot ang kotse niya hanggang kusang huminto na lamang iyon ng makuha niya pang kumambiyo at magbreak.
Tiningnan ni Damian ang mag-ina niya tulog pa rin ang mga ito... sa pagod.
Nilapitan ng apat na lalaki ang kotse ni Damian at napangisi ang mga ito ng makita ang natutulog na si Winter.
"Okay ng bayad iyan." sabi ni Gary na nakatingin kay Winter at akmang bubuksan nito ang kotse ng suntukin ito ni Damian.
"Shit ka." sigaw na galit ni Gary sa pagsuntok ni Damian.
"Lubayan mo ang pamilya ko." sabi ni Damian.
"Okay, ipaparanas ko na lang sayo ang bagay na nasa tadhana na ng mga Cheung. Ang mamatay na lang biglaan sa tama ng baril." sabi ni Gary kay Damian.
"Huwagggggg!!!!" sigaw ni Damian ng pagbabarilin ni Gary ang katawan ni Winter habang ang kasama nito ay pinagbabaril naman si Errol na nakuha pang magmulat ng mga mata habang nakatingin kay Damian.
"Sabi ko sayo huwag mo kaming lolokohin sa hatian. Ngayon hindi kita papatayin para maalala mo ang kasalanan mo sa amin." sabi ni Gary kay Damian.
"Anakkkkkk!!" sigaw ni Damian ng biglang lumuwa ng dugo si Errol habang nakatingin sa kanya.Nakuha pa ng bata tingnan si Winter na puro tama na ng baril at hindi ito nagising.
"Dad." huling sabi ni Errol ng bigla itong nawalan ng malay o lagutan ng hininga.
"Ahhhhhh!!!!!" sigaw ni Damian.
"Ano? Anong pakiramdam na naulit ng maaga ang nangyari sa mga ninuno mo. Ang saklap di ba? Mula sa mga lolo mong Cheung na namatay sa ambush.
Ngayon, babaguhin natin ng kaunti... bubuhayin kita at papatayin ko ang anak mo at ang....
.... pamangkin mo ay hindi pala kundi
.... apo mo.
Damian Cheung." sabi ni Gary na ikinatingin ni Damian kay Gary.
...............
May 24, 2021 11.58am
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top