Kabanata 28 : 2 by 2

Ikalawang Bayan

"Hi Ate Louise. Hello ate Althea." malambing na nakangiting bungad ni Elle ng makita ang mga pinsan nito.

Napangisi si Wine ng lihim ng makitang may balat din sa likod ang kambal na hugis puso. Nakasuot kasi ang dalawa ng sando na hapit sa mga katawan nito at naka-ponytail ang mga mahahabang buhok na tila pinapakita ng mga ito ang magandang birthmark na meron din si Elle, Winter at Adira.

"Hello baby." nakangiting sabi ni Loiuse sa pinsan.

"Puwede po akong umupo?" nakangiting sabi ni Elle sa kambal.

"Oo naman." sabi ni Althea kay Elle.

Nang maupo si Elle nanatiling nakatayo si Wine habang nakangiti ito. Kaya napabaling ang tingin ng kambal kay Wine at napangiti ang mga ito ng makita ang kakaibang ngiti ng bata lalo na at napansin nilang hawak nito ang kamay ni Elle kahit nakatayo pa rin ito at nakaupo si Elle.

Napatingin si Elle sa kambal niyang pinsan at napakunot ang noo niya ng tingnan ng dalawa si Wine, alam niyang guwapo si Wine o matatawag na boy next door ang dating nito. Kaya nga alam ni Elle na madaling lapitan ng mga babae si Wine.

"Ahhhmmmm." malakas ng tikhim ni Elle na ikinatingin ng kambal kay Elle.

Nagulat ang kambal ng makitang hindi maipinta ang mukha ni Elle habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sino siya?" sabi na lang ni Louise kahit alam nilang si Wine Lopez ang kasama ni Elle ang itinuturing na poor and rich in one sa University dahil kahit mayaman ang bata, ang pananamit nito ay tulad sa simpleng tao.

"Siya ang nobyo ko.... si Wine." seryosong sabi ni Elle na pabulol pang nagsalita kaya natawa ang kambal na lalong ikinakunot ni Elle at ikinangiti ni Wine ng makita ang selos sa mukha ni Elle at ang paghanga sa kanya ng dalawang babae sa harapan niya.

"Hahaha, ang bata mo pa baby." sabi ni Althea kay Elle.

"Lalaki din ako. Saka mag gaganito na ako." sabi ni Elle sabay lahad ng walong daliri nito.

"Hahaha, wala pa sa kalahati ang edad mo sa edad namin." sabi ni Loiuse kay Elle.

"Lalapit din iyon kapag nag twenty na ako, parang magkakasing edad na tayo nun." sabi ni Elle na ayaw niyang sasabihin siyang bata kapag sinabi niyang nobyo niya si Wine dahil pakiramdam ni Elle aagawin sa kanya si Wine.

"Hahahaha." natawang sabi ng kambal.

Napatingin si Wine kay Elle dahil alam niya kapag nagdere-deretso ang pagtawa ng kambal, magwawala na si Elle. Kaya yumuko si Wine at binulungan si Elle.

"Magtrabaho na tayo para makaalis na tayo at makapag date." bulong na sabi ni Wine kay Elle.

Napatingin si Elle kay Wine at tila nawala ang inis na unti-unting umuusbong sa kanya para sa mga pinsan na nasa harapan niya ng makita ang mukha ng batang lalaki.

"Okay." sabi ni Elle.

Tumingin si Elle sa mga pinsan at ngumiti ito ng ubod ng tamis na tinatawag nilang Ellie's smile dahil namana nila ni Winter ang ganoong ngiti sa ina nila, na namana naman nito sa lola nilang si Ella.

Napangisi si Wine ng ngumiti si Elle, isa sa nagustuhan niya sa batang kasama ay ang pagngiti nito na tila nang-aakit samahan pa na maganda ang mata ni Elle dahil kasing itim iyon ng gabi na tila hinihipnotismo ka nito.

"Puwede po ba siyang umupo sa tabi ko?" tanong ni Elle sa kambal.

"Oo naman," napangiting sabi ni Althea ng makitang ngumiti si Elle.

Bukod sa mga mata at ngiti ni Elle, isama pa ang maamong mukha. Prominente sa mga Cheung ang dimples ng mga ito.

Kung ang mga Valiente na babae ay may birthmark na puso, ang mga Cheung naman ay hindi nawawalan ng dimples na siyang nakakadagdag sa karisma ng mga ito.

"Salamat." sabi ni Wine at naupo ito katapat ng kambal at katabi si Elle.

"Ate Louise, may nobyo ka na?" tanong ni Elle na ikinatingin ni Wine kay Elle at ng kambal.

"Wala." sabi ni Louise.

"Ikaw po ate Althea?" tanong ni Elle habang hinihimas nito ang pagong na ikinangiti ng kambal dahil kahit may kalakihan na ang pagong ang cute nun sa pagpikit na tila relax ito sa kamay ni Elle.

"Wala na rin." nakangiting sabi ni Althea.

"Magaling gusto niyo ng ka-date. Bibigyan ko kayo." sabi ni Elle.

"Ha?" sabi ng kambal.

"Madami akong boys." pilyang sabi ni Elle na ikinakunot ng noo ni Wine habang nakatitig kay Elle dahil hindi iyon ang balak niyang gawin para paamuin ang kambal para makuha ang loob ng mga ito nila Aqua at Blaze.

"Hahaha, madami kang boys?" napatawang sabi ni Althea,

Ang totoo natutuwa silang kausap si Elle, bunso rin ito sa mga Valiente na magpipinsan at ito ang stress reliever nila dahil kahit selosa at mataray ito nailalabas nito ng natural na sweetness nito sa pagsasalita, na nagpapasaya sa kanila.

"Opo, gusto niyo po? Bigyan ko po kayo ang dami na po kasi nila." sabi ni Elle pero nahinto ito ng bulungan ni Wine.

"Sinong boys mo?" bulong na tanong ni Wine kay Elle, na tila si Wine naman ang nagselos na ikinatitig ni Elle sa batang lalaki dahil ngayon lang niya nakitang seryoso ng ganoon si Wine na tila gusto nito manapak o di kaya buhatin siya at paluin sa puwet.

"Nagtatrabaho ako." sabi ni Elle kay Wine.

"Ano?" inis na bulong na tanong ni Wine kay Elle

"Huwag kang maingay, irereto ko ang kambal sa dalawang pasaway kong pinsan." bulong ni Elle habang sumsasayad ang labi nito sa tenga ni Wine na ikinapula ng mukha ni Wine pero parang wala lang iyon kay Elle.

"Shit, minor. Child abuse." sabi ni Wine sa isip na tila nagrereact siya sa pagsayad ng labi ni Elle sa tenga niya.

"Okay." sabi na lang ni Wine para itigil ni Elle ang pagbulong sa kanya.

"Okay lang kayo?" sabi ni Louise kay Elle at Wine na nagbubulungan.

"Opo, gusto ko kasi dede kasi wala rito." sabi ni Elle na ikinangiti ng kambal. Alam ng kambal na nagdedede pa si Elle at mahilig pa rin itong uminom ng gatas.

"Gusto niyo kumain ililibre namin kayo." sabi ni Althea kay Elle at Wine.

"Okay." nakangiting sabi ni Elle na tila umaayon ang nangyayari sa plano niya.

"Anong gusto mo?" tanong ni Louise kay Elle.

Nakatingin lang si Wine sa ginagawa ni Elle at napangiti ito ng magpabili ng napakadaming pagkain si Elle.

"Okay na ba iyan?" tanong ni Althea ng maorder ang sinabi ni Elle.

"Opo." nakangiting sabi ni Elle.

"Bakit ka nga pala nandito? Kayo lang bang dalawa at wala kayong kasama?" tanong ni Louise kay Elle at Wine.

"Ang totoo, may gustong makipagdate sa inyo kasi crush nila kayo. At patay na patay sila sa inyo." sabi ni Elle na ikinangisi ni Wine sa nakuhang naiisip na nila Elle na gagawin.

"Ganoon ba?" sabi ni Althea.

"Opo.' pilyang sabi ni Elle.

Hinintay ni Elle mailapag ang lahat ng inorder niya sa mesa nila, na kahit marami mura lang naman ang mga iyon.

"Kumain muna kayo" sabi ni Althea kay Wine at Elle.

"Wait may kasama kami." sabi ni Elle at siniko nito si Wine para senyasan sila Aqua at Blaze. Na agad senenyasan ang dalawa.

"Sino?" nakangiting sabi ni Althea.

Nakatalikod ang kambal kaya hindi napansin ng mga ito ang paglapit ni Aqua at Blaze na hindi maipinta ang mukha dahil sa lugar na halatang nandidiri ang mga ito lalo na ng makita ang mga nagkakamay pang kumakain sa naturang karinderia.

"Aalis na kami kasi nadedede na ako." sabi ni Elle sabay kandong kay Wine na ikinagulat ng kambal.

"Uuwi na kami.' sabi ni Wine ng yumakap si Elle sa leeg niya habang pinuwesto nito ang mga hita payakap sa baywang niya.

"Kakargahin mo siya ng ganyan? Teka, alam ba iyan ni tito Orion?" nanlalaking mata na sabi ni Althea ng makitang literal na karga ang gagawin ni Wine kay Elle.

"Oo at wala naman masama kasi magiging asawa ko rin naman si Elle, pagdating ng tamang oras." nakangiting sabi ni Wine na ikinatingin ng kambal sa isa't isa dahil parang siguradong-sigurado si Wine sa sinasabi nito.

Inayos ni Wine si Elle at tumayo itong karga si Elle.

"Hindi mo siya puwedeng kargahin ng ganyan dahil hindi ka naman niya kamag-anak." sabi ni Louise.

Napangisi si Wine halatang conservative ang kambal kaya napatingin siya kay Aqua at Blaze na masama ding nakatingin sa kanya sa pagkakarga niya kay Elle.

"Ate, nandiyan na ang patay na patay sa inyo. Enjoy your date." sabi ni Elle na ikinalingon ng kambal at ikinanlaki ng mga mata nila Aqua at Blaze sa sinabi ni Elle.

"Bye lovers, aalis na kami ng Cheesecake ko dahil baka magwala ito." nakangiting sabi ni Wine sa apat na nagulat ng makita ang isa't isa.

"Magdedate din kami ni Grape Wine, halo-halo." excited na sabi ni Elle na nakuha pang panggigilan si Wine ng yakapin ito ng mahigpit.

"Bye!" nakangiting sabi ni Wine bago ito tuluyang talikuran ang apat.

"Ang kapal niyo, nagpakita talaga kayo. Hindi ba may utos ang korte na bawal kayo lumapit sa amin." sabi ni Althea na nakatingin kay Blaze.

Napangisi si Blaze kahit magkamukha ang dalawa alam niyang si Althea ang nagsalita dahil may maliit na nunal ito sa gitna ng noo. Isabay pa na mas malumanay ito magsalita kaysa kay Louise.

"Wala naman ang korte dito." sabi ni Blaze at kahit hindi sinabi umupo ito sa tabi ni Althea na ikinaurong ng dalaga.

"Nagkita rin tayo ng personal." sabi ni Aqua ng makita ang matapang na mukha ng Valiente sa mukha ni Louise. Mas strong kasi ang feature ni Loiuse kaysa kay Althea.

"Bakit kayo nandito?" sabi ni Louise kay Aqua.

Magkamukha ang dalawang lalaki na nasa harapan nila, pero may balat ang mga ito sa braso na tila maliit na mapa. Nasa kanan ang kay Aqua at kaliwa kay Blaze.

Kilala ng kambal ang magpinsan dahil minsan na ito nailathala sa Rich Kids in Town na magazine kung saan sa isla kinuhanan ang pictorial at interview ng mga ito na nagkaroon ng biggest sale na issue ng magazine.

"Magkano?" sabi ni Blaze habang nakatitig ito kay Althea na umiiws ng tingin at halatang hindi ito sanay titigan.

"Aba't." sabi ni Louise sa sinabi ni Blaze.

"Magkano para iurong niyo ang demanda?" sabi ni Aqua habang nakikipagtitigan ito kay Louise na matapang na nakatitig din sa kanya.

Napangisi si Louise ng may napansin sa magpinsan, hindi ang mga ito dumidikit sa mesa at nakaderetso lang ito ng upo na kahit hindi sabihin halatang nandidiri ang mga ito.

Kahit nakayuko at iwas sa pagtingin ni Althea napansin niya ang bahagyang pangangati ni Blaze at napangisi siya ng lihim ng makitang tila may allergy ito sa ganoong lugar.

Nagkatinginan ang kambal at nag-usap ang mga ito sa mga mata. Samantalang nasenyasan sila Aqua at Blaze sa pagtataka sa tinginan ng kambal na nasa harapan.

"Papayag kami iurong ang demanda kung..." nakangiting sabi ni Louise.

"Ano?" tanong ni Aqua.

"Kakainin niyo lahat ng inorder ng pinsan niyong si Elle." sabi ni Louise kay Aqua.

Napatingin si Aqua at Blaze sa mga pagkain, may lumilipad pang langaw kaya nailing ang mga ito sa pandidiri.

"Ano kami pulubi? Tanga ba kami sa tingin niyo?" sabi ni Blaze na ikinatingin ni Althea dito.

"Tama, so ano rin ang akala niyo sa amin tanga din?" sabi ni Althea kay Blaze.

TImitigan ni Blaze si Althea at umiwas uli ng tingin ang dalaga na ikinangisi ni Blaze.

"Tingnan natin kung makatitig ka." pilyong sabi ni Blaze. Bahagya pa itong umusog sa upuan at dinikit ang katawan kay Althea na ikinalunok ng dalaga.

Napangiti si Aqua sa ginagawa ni Blaze at sa reaksyon ni Althea, simula pa lang ng makita ni Blaze ang mukha ni Althea, sa cellphone ng dalaga lagi na siyang kinukulit nito. Kaya naisipan nilang baguhin o iedit ang katawan ng kambal dahil kinulungan ang mga ito sa katawan. Siguro dahil nagdadalaga pa lang pero maganda ang morenang mukha ng mga ito.

Ang balak nila, ikalat lang sa university ang nasabing larawan pero nagbago ang lahat ng pagnasaan ng pinsan niyang si Blaze si Althea kaya imbes sa University sa Advertising ng El Casa nila nilagay ang mukha ng mga ito.

"Umurong ka nga." sabi ni Althea sabay usog nito palayo kay Blaze.

"Kakainin ko iyan kung matatalo mo ako sa titigan plus iuurong niyo ang demanda sa amin." sabi ni Blaze kay Althea na ikinangiti ni Aqua sa ginagawang pang-aakit ni Blaze sa dalaga.

Napalunok si Althea hindi siya nakikipagtitigan kahit kanino hindi dahil gusto niya ang tao kundi dahil takot siya mabudol-budol.

Napangisi naman si Louise isa sa nami-misinterpret ng mga tao sa kakambal ang pag-iwas lagi ng tingin nito. Minsan na kasi itong nanakawan at nabudol-budol sa Manila ng tumingin ito sa mata ng kausap.

"Ano? Takot kang matalo?" sabi ni Blaze lay Althea.

"Hindi ah." sabi ni Althea.

"So game na." sabi ni Blaze.

"Sige game ako." sabi ni Althea at tumingin ito kay Blaze.

Pero sa pagtingin ni Althea kay Blaze tila kinilig ang dalaga dahil maganda ang mata ng kaharap niya at ng ngumiti ang binata may dimples din ito.

Ilang sandali lang ng mawala ang kilig ni Althea ng biglang magsalita si Blaze.

"Alam kong guwapo ako, pero hindi ko type ang mga pangit na katawan dahil pakiramdam ko kumakain lang ako ng lollipop. Kain ulo tapon katawan." sabi ni Blaze na ikinapula ng mukha ni Althea.

"Ang yabang nito. Ganoon ka rin naman, guwapo ka pero mukhang mas macho pa sayo si Wine na kung tutuusin mas bata iyon sayo." sabi ni Althea habang nakikipagtitigan na kay Blaze dahil sa inis nito sa lantarang pagsabi na hindi siya sexy.

"Huh! Ganoon ba?" sabi ni Blaze.

Tumayo ito at napasinghap si Althea ng naghubad ng t-shirt si Blaze at kahit disisyete pa lang ito may abs ito at malapad na ang dibdib nito.

"Ano? Pangit ba?" mayabang na sabi ni Blaze na ikinatawa ni Aqua.

"Langya ang hangin mo." sabi ni Althea pero natikom nito ang bibig ng ilapit ni Blaze ang mukha sa mukha ng dalaga.

"Hindi ako mahangin, mayabang oo. Dahil halata namang may ipagyayabang ako." maangas na sabi ni Blaze at nagulat si Althea ng mabilis siyang halikan ni Blaze sa labi na ikinatawa ni Aqua. Dahil ang totoo may usapan silang apat na magkakaibigan ang halikan sa labi ang apat na babae na nasa photo gallery sa cellphone ni Althea.

"Bastos." sabi ni Althea.

"Talo ka, so ito na lang mga pagkain sa harap naming at kapag nakain namin iuurong niyo ang kaso. Iyan ay usapang matino." sabi ni Blaze at ng tingnan nito ang pagkain napangiwi ito dahil pakiramdam niya nagtampisaw na ang langaw sa sinigang na baboy na nakahain.

"Kung kaya mong kainin." inis na sabi ni Althea kay Blaze habang pinupunasan nito ang labi.

"Ikaw kumain ka na rin." sabi ni Louise kay Aqua.

"Sure pero bago iyon." sabi ni Aqua at mabilis itong dumukwang at hinalikan sa labi si Louise na ikinasigaw nito.

"Ahhhhh, bastos!" sigaw ni Louise na ikinatawa lang ni Aqua at Blaze.

"Panghimagas muna. Hahaha! Kakain na kami."sabi ni Aqua na nag sign of the cross pa dahil takot ito magkasakit.

"Ubusin niyo." inis na sabi ni Louise kay Aqua.

"Oo ba.' sabi ni Aqua at tiningnan nito si Blaze na nasa mukha ang pandidiri.

"Kaya?" nakangising tanong ni Althea kay Blaze na nakatitig lang sa pagkain.

"Oo naman, ako pa." sabi ni Blaze.

Pinunasan muna nito ang kutsara at tinidor at nandidiri itong sumubo.

"Damn it. Bakit mo iyan sinubo maraming gumamit ng kutsarang iyan." nandidiring sabi ni Aqua kay Blaze.

"Aiissssst, huwag mo ng sabihin." sabi ni Blaze kay Aqua na ikinatawa naman nila Althea at Louise.

"Hahaha! Ubusin niyo ha." sabi ni Louise.

"Wala kayong ititira." sabi ni Althea at nakuha pang mag-appear ng dalawa ng makita ang nandidiring mukha ng magpinsan.

✍️✍️✍️✍️✍️✍️

May 5, 2021 9.08am
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top