Kabanata 27 : Mine
El Paradiso
"Saan ka pupunta?" tanong ni Cathy kay Atlas ng makitang naghahanda ito ng mga damit sa bag nito.
Nasa Forest house sila Cathy at Atlas nakatira, ang bahay na ibinigay ni Kenneth kay Atlas.
"Sa Isla Traquilo." sabi ni Atlas.
"Akala ko ba hindi ka na babalik doon?" sabi ni Cathy.
Tiningnan ni Atlas si Cathy, ilang taon na rin silang live-in partner ng babaeng nasa harapan niya. Nakilala niya ito sa isang bar kung saan lasing siya ng panahon na iyon.
Mga panahon na iniisip ni Atlas si Winter. Si Cathy ang ginawa ni Atlas na pamalit. Hiwalay na sil Atlas at Chhaya ng mga panahong iyon. At ngayon si Cathy ang nasa tabi niya na hindi siya iniiwan kahit alam nitong may gusto siya kay Winter.
"Trabaho ko iyon." sabi ni Atlas kay Cathy.
"Okay." nakangiting sabi ni Cathy.
Napangiti si Atlas, mabait si Cathy kahit kailan hindi niya ito naringgan ng masama tungkol kay Winter. Hindi ito nagselos o hindi sila nag-away. Kung tutuusin hindi mahirap mahalin ang babaeng nasa harap niya. Kung papalitan nga niya si Winter sa buhay, si Cathy ang una niyang naiisip.
"Dito ka lang kapag may kailangan tawagan mo lang ako." nakangiting sabi ni Atlas.
"Oo. Basta mag-ingat ka." nakangiting sabi ni Cathy.
Niyakap ni Atlas si Cathy sabay halik sa noo nito. Napangiti naman si Cathy, nakilala niya si Atlas sa panahong langong-lango ito sa kalasingan sa bar. Kung saan dancer siya sa Emperyo Bar. Ang batch ni Cathy ang unang sumalang para sa special number sa bar na iyon na pag-aari ng mga Valiente.
Iyon ang panahon na nagpaplano pa lang si Orion Valiente na kung puwedeng magkaroon ng performance ang mga babae sa bar na pag-aari nito. Pero dahil tutol ang asawa nitong si Ellie na siyang Alkalde na noon kaya inihinto ni Orion ang plano.
Pero ngayon nabalitaan ni Cathy na ang anak ni Orion na si Autumn ang nagtuloy ng plano. At nabalitaan niya mula sa loob ng Casa na mas matindi pa ang ginawa ng anak ni Orion Valiente sa mga babae.
"Ikaw din mag-iingat ka." sabi ni Atlas habang yakap si Cathy.
Napangiti muli si Cathy, kung tutuusin Knight in shining armour niyang maitatawag si Atlas dahil sinagip siya nito sa isang lugar na alam niyang pagdating sa ibang bansa puwedeng iba ang trabaho niya.
Kinuha si Cathy ni Atlas at binahay ng binata ang babae na sa una ang akala ni Cathy gagawin lang siyang katulong ni Atlas. Pero nagkamali siya dahil tinuring siyang asawa nito, iyon nga lang hindi sila kasal at wala pa silang anak.
"Sige na baka hinahanap ka na rin doon mahigit isang buwan kang hindi nagtrabaho kay Damian." sabi ni Cathy.
Kilala ni Cathy si Damian dahil taga Isla Traquilo din siya. Mayaman at nag iisang tagapagmana pero bukod doon wala ng alam si Cathy tungkol sa pinakamayamang tao sa isla Traquilo.
"Sige." sabi ni Atlas sabay bitaw sa pagkakayakap kay Cathy.
Napangiti si Atlas, mula ng nagsama sila ni Cathy wala na siyang babaeng kinama. Satisfied siya kay Cathy pagdating sa kama. Magaling ito at kung tutuusin, bakit hindi ? Nakuha niya ito na hindi na birhen. Isa pa ang virginity ni Cathy ay pinagbenta nito kapalit ng pagpapagamot sa anak nitong may sakit na namatay din kalaunan.
"Ingat ka. I love you." nakangiting sabi ni Cathy kay Atlas.
Napatitig si Cathy sa mga mata ni Atlas, mahal niya ang binatang nasa harap niya pero alam niyang hindi siya mahal nito. Kahit ganoon sapat na kay Cathy na importante siya sa kinakasama. Mabait si Atlas, responsable, at kahit kailan hindi siya nito sinaktan o pinabayaan. Kahit alam ni Cathy na mahal ni Atlas si Winter, ginalang siya nito.
Kahit kailan hindi nagkukuwento o nagsasabi si Atlas ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin niya. Kahit nagtatalik sila, ramdam ni Cathy na siya ang iniisip ni Atlas. Perfect nga sila sa kama, nasa-satisfy nila ang bawat isa.
"I love you." sabi ni Atlas.
Nanlaki ang mga mata ni Cathy sa sinabi ni Atlas.
"Hahaha, bakit ganyan ang itsura mo." sabi ni Atlas.
Tipikal na pinay si Cathy, morena, maliit na babae, maganda pero iyong tipong sapat lang. Pero tulad ng lahat may namumukod tanging katangian ang isang tao at ang kay Cathy ang pagiging mabait nito na makikita sa maaliwalas nitong mukha.
"Ano ulit?" tanong ni Cathy.
Ngayon lang tumugon si Atlas kay Cathy ng salitang pagmamahal mula ng magsama sila at iba ang dating nun na parang natuwa siya at gusto ni Cathy na magpaparty.
"Mahal kita, oras na para ituon ko sayo lahat ng atensyon ko at magsimula tayo ng bago." sabi ni Atlas.
"Owsss? Sure ka.
May sakit ka ba?
Uyyy! huwag kang mamamatay ha." birong sabi ni Cathy kay Atlas.
"Hahaha, loka ka. Seryoso ako. Sa isang buwan na pagbabakasyon ko bilang bodyguard naisip ko na ibahin ang path ng buhay ko at baka sakali may liwanag na akong makikita sa future ko na.... kasama ka." sabi ni Atlas na ikinangiti ni Cathy.
"Uyyyy, hindi kita pinilit ha." sabi ni Cathy kay Atlas.
"Hindi. Hahaha." natawang sabi ni Atlas sabay yakap muli kay Cathy.
"Masaya ako, pero okay lang kahit one year mo lang ako mahalin. Hahaha." natawang sabi ni Cathy.
Napatitig si Atlas kay Cathy. Isa sa nagustuhan niya kay Cathy may pagkakahawig sila ng ugali, hindi ito mapilit na mahalin ng iba. Hindi ito ang tipo ng babae na sapilitan kang kukunin. Kaya nagustuhan rin niya ang babaeng kayakap.
"Hindi ito sapilitan, at magsisimula tayo uli." sabi ni Atlas.
"Okay." nakangiting sabi ni Cathy sabay yakap kay Atlas.
..................
Isla Traquilo
"Aalis tayo." sabi ni Damian kay Winter habang kumakain sila.
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Winter kay Damian.
"Sa minahan." sabi ni Damian.
"Sige." sabi ni Winter kahit ang totoo allergic si Winter sa alikabok ng lupa na alam niyang meron sa minahan.
"Sir, nandiyan na po si Atlas." sabi ni Yumi kay Damian.
"Huh! Naisipan niya pang pumasok." sarkastikong sabi ni Damian.
Nakayuko lang si Winter at hindi siya nagrereact dahil baka iba na naman ang ipakahulugan ni Damian.
"Papupuntahin ko po ba sa inyo ngayon?" tanong ni Yumi kay Damian.
"Hindi na. Sabihin mo na lang aalis kami." sabi ni Damian.
"Sige po." sabi ni Yumi.
"Isasama mo siya?" hindi napigilan na tanong ni Winter.
"Oo. Bakit masama? Naiilang ka?" tanong ni Damian kay Winter.
"Hindi naman." sabi ni Winter.
"May asawa na si Atlas, si Cathy. At mas di hamak naman na mas okay siya.... mas mainit." sabi ni Damian.
Alam ni Winter ang ibig sabihin ni Damian pero hindi siya kumibo. Ayaw niyang dugtungan ang binubuo ng asawang init sa ulo nito.
"Bakit nga ba hindi ka mainit?" mapanuyang sabi ni Damian.
Nakatikom lang ang bibig ni Winter, hanggat maaari ayaw niya ganoong usapan o iwas siya sa ganoong topic kaya pigil ang bibig niyang magsalita.
"Mas maganda kasi sa babae wild sa kama. At ang balita ko, si Cathy galing ng Casa niyo, at magalin.
Kaya nga binahay ni Atlas kasi satisfied siya sa babaeng iyon." nakangising sabi ni Damian.
"Bakit ikaw hindi ka ba satisfy?" hindi napigilang sabi ni Winter ng biglang hampasin ni Damian ang mesa na ikinabuhos ng mainit na sabaw sa bisig ni Winter kaya napatayo siya at naumid ang dila niya.
Napatingin si Damian sa asawa, namula agad ang bisig nito sa mainit na sabaw na natapon sa bisig ni Winter, pero nanatili si Damian na nakaupo habang pinagmamasdan ang asawa.
"Mainit." napangiting sabi ni Winter na ikinatitig ni Damian kay Winter.
"....sana ganito kainit ang lahat. Pasensya ka na hindi ko maibigay." sabi ni Winter kay Damian.
Mula sa entrance ng dining narinig ni Atlas ang pag-uusap ng mag-asawa mula sa pagbagsak ng salita ni Damian tungkol kay Cathy.
"Tumigil ka na." sabi ni Damian kay Winter.
"Mainit ang sabaw.
Sabaw.
Hahaha. Hindi kita mabigyan ng mainit na sabaw." natawang sabi ni Winter pero nagulat ito ng tumayo si Damian at sabunutan siya patalikod.
"Puwede naman dito natin idadaan," sabi ni Damian.
Mapusok ni Damian hinalikan si Winter na ikinapikit ni Winter sa sakit ng paghalik ni Damian na halos mamula ang labi niya sa marahas na paghalik nito.
Nang makita ni Damian na nasasaktan si Winter binago nito ang halik niya. Inilagay niya ang kamay sa batok ni Winter at inalis ang pagkakasabunot sa asawa patalikod.
Nagbago ang halik ni Damian kaya napahawak si Winter sa batok nito at gumanti ng halik na ikinangiti ni Damian.
Ipinasok ni Winter ang dila sa loob ng bibig ni Damian na siya ring ginawa ng lalaki. Kinarga nito si Winter na agad ikinawit ang mga paa sa baywang niya.
"Grabe sila. Sabi nila kapag nagkakasakitan ang mag-asawa siguradong mas maalab ang pagtatalik nila sa kama o kung saan sila abutan." sabi ni Yumi kay Atlas habang nakatitig sila sa mag-asawa na halos magtalik na dining area.
Hinawakan ni Damian ang puwetan ni Winter para hindi ito mahulog mula sa pagkakarga niya. Hinigpitan naman ni Winter ang yakap kay Damian habang naghahalikan pa rin ang mag-asawa.
Lumakad si Damian at ng akmang lalabas ito ng dining area, agad nagkubli sila Yumi at Atlas para hindi sila makita ng mag-asawa.
Naglakad si Damian paakyat ng ikalawang palapag habang kahalikan pa rin nito si Winter na halos uhaw ang dalawa sa halikang iyon. Na tila walang katapusang ang pananabik kahit magkasama naman ang mga ito araw-araw.
"Makakakain ka pa, matagal iyan sa taas siguro makakailang round din ang mga iyan." sabi ni Yumi kay Atlas na hindi umimik habang nakatitig lang sa dinaanan ni Winter at Damian.
..........................
Hours later
"Saan tayo Sir?" tanong ni Atlas kay Damian na kanina pa nakatingin kay Winter.
"Sa minahan." sabi ni Damian kay Atlas.
"Okay." sabi ni Atlas. Ilang oras din siya naghintay sa mag-asawa at iniiwasan na nga ni Atlas isipin kung ano ang ginagawa ng dalawa sa kuwarto ng mga ito.
"Gusto mo pumunta sa bayan?" tanong ni Damian kay Winter.
"Ayoko." sabi ni Winter.
"So dederetso na tayo sa minahan?" tanong ni Damian kay Winter.
"Oo, para matapos tayo agad. Mag-iinspeksyon ka lang naman di ba?" sabi ni Winter habang nakayakap ito kay Damian na kanina pa nakatingin sa kanya.
"Oo, uuwi din tayo agad." sabi ni Damian.
"Sige, ipagluto mo ako." nakangiting sabi ni Winter sa asawa.
Hindi naiwasan ni Atlas na hindi mapatingin sa salamin ng sasakyan at ng mapatingin siya sa mag-asawa nagtititigan ang mga ito na tila walang sakitang pisikal na nangyayari sa dalawa.
"Ano bang gusto mo?" tanong ni Damian kay Winter
"Kahit anong maisipan mo." nakangiting sabi ni Winter kay Damian.
"Sige, mamaya sa bahay." sabi ni Damian.
Isang oras din ng makarating sila Atlas sa minahan. Ibinaba ng binata ang mag-asawa sa mismong harapan ng minahan kung saan naroroon ang mga tauhan ni Damian.
Pagkahinto ng sasakyan, pinagmasdan ni Atlas ang lugar. Hindi niya akalain na ang islang iyon ay may minahan ng ginto at napakalaki ng lawak nito. Na sinasabing pagmamay-ari iyon o legal na minamaniobra ni Damian sa mahabang panahon.
Bumaba si Winter ng pagbuksan siya ni Atlas ng pintuan kasunod niya si Damian. Pinagmasdan ni Winter ang lugar, maayos ang operasyon. Iyon ay sa palagay niya dahil hindi iyon tulad ng inaasahan niya na magulo, maputik at tulad ng madalas niyang mapanood sa telebisyon o pelikula na magulo.
May bahay opisina pa ngang nakatayo sa labas ng minahan. Marami pang puno sa paligid kaya mahangin at sariwa iyon. Amoy pa nga roon ang dagat na malapit lang sa minahan.
Sa pagmamasid ni Winter sa paligid natuon ang pansin niya sa mga tao. At ilang sandali lang ng biglang napahawak siya sa braso, at hindi kay Damian kundi kay Atlas ng makita niya ang mga lalaking kausap ni Damian sa Emperyo Bar.
Napatiim ng bagang si Damian sa ginawa ni Winter at sa selos nito hindi nito nakita ang takot na bumadya habang nakatitig si Winter sa mga lalaki na noo'y nakatingin din sa kanya.
Nagulat naman si Atlas sa ginawa ni Winter ng hawakan siya nito sa braso pero napakunot ang noo niya ng makita ang takot sa mukha nito.
Pero mas nagulat sila Winter at Atlas ng biglang hatakin ni Damian si Winter na ikinatalisod ng babae.
"Damian." gulat na sabi ni Winter.
Napatingin ang lahat sa mag-asawa. Hindi naman nakuhang daluhan ni Atlas si Winter dahil hinatak na iyon ni Damian patayo.
"Malandi ka talaga 'no." nagtitimping galit na sabi ni Damian na ikinanlaki ng mga mata ni Winter sa tahasang sabi sa kanya ng asawa sa mismong harap ng mga tauhan nito.
"Damian, bakit sila nandito?" nanginginig sa takot na sabi ni Winter. Na hindi na niya pinansin ang sinabi ni Damian sa kanya dahil mas natuon ang atensyon niya sa mga lalaking kasama ni Damian sa bar.
Napatitig si Atlas kay Winter hindi niya alam kung para saan ang takot na bumadya sa mukha ng babae kung para sa selos at galit ni Damian o sa hindi niya nakitang tinitingnan ni Winter kanina na tao o mga tao.
"Sino? Magtuturo ka na naman ng irarason mo para makalusot ka sa kalandian mo?" nagtitimping galit na sabi ni Damian kay Winter.
"Hindi... iyong mga lalaking kasama mo sa bar bakit sila nandito?" mahinang sabi ni Winter kay Damian.
"Ano naman ngayon?" sabi ni Damian.
"Damian, hindi ko sila gusto." sabi ni Winter pero napaigik ito ng higpitan ni Damian ang pagkakahawak sa braso niya.
"Wow. Talagang may type ka pang gugustuhin." sarkastikong sabi ni Damian kay Winter.
"Damian, ang ibig ko sabihin masama sila tumingin sa akin. Natatakot ako sa paraan ng tingin nila sa akin." sabi ni Winter kay Damian, na ikinatingin ni Atlas sa paligid para hanapin ang sinasabi ni Winter pero sa dami ng tao hindi niya masabi at malaman kung sino sa mga iyon.
"Kasosyo ko sila at malaking pera sila sa negosyo." sabi ni Damian kay Winter.
"Mayaman ka na. Hindi mo sila kailangan kasi masama sila makatingin sa akin." sabi ni Winter kay Damian.
"Huh! Ang arte mo. Umayos ka papasok tayo sa loob ng minahan." sabi ni Damian kay Winter.
"Hindi ako puwede sa loob." sabi ni Winter na ikinatitig ni Damian kay Winter.
"Bakit?" tanong ni Damian kay Winter.
"Takot ako sa madilim, hindi ako makahinga kapag madilim at masikip." sabi ni Winter.
"Hahaha, nandito ako kaya.. kaya mo yan." sabi ni Damian sabay hawak sa braso ni Winter.
Napatingin si Winter kay Atlas pero tila wala itong narinig sa sinabi niya kaya nagpatianod siya kay Damian.
Naglakad ang mag-asawa papuntang minahan habang mahigpit na hawak ni Damian si Winter. Naiwan naman si Atlas sa labas ng minahan at pinagmamasdan ang mga tauhan at nagbabakasakaling makita niya ang tinutukoy ni Winter na mga tao.
"Suutin mo ito, papasok tayo." sabi ni Damian kay Winter, sabay bigay ng protective miner helmet kay Winter.
"Damian." sabi ni Winter.
"Aissst." sabi ni Damian at sapilitan nitong isinuot ang helmet kay Winter.
Pumasok ang dalawa sa loob ng minahan, kaya napahawak si Winter ng mahigpit kay Damian. Nang makapasok ng minahan napatingin si Winter kay Damian ng makita ang madilim at kakapiranggot na daanan.
"Damian hindi ko kaya." namumutlang sabi ni Winter na ikinagulat ni Damian ng dumaosdos si Winter at tumama ang likuran nito sa mga batong nakausli sa loob ng minahan.
"Shit." sabi ni Damian na hindi niya agad naagapan si Winter dahil madilim na ang bahaging iyon ng minahan.
Nagkagulo sa loob ng minahan ng makita si Winter. Agad naman binuhat ni Damian ang asawa at inilabas ng minahan.
Napatingin si Atlas ng makitang palabas ng minahan si Damian habang buhat nito ang asawa. Agad na sinalubong ni Atlas ang dalawa pero hindi ito nag-atubiling magtanong dahil halata naman ang nangyari.
"Umuwi na tayo." sabi ni Damian.
"Okay." sabi ni Atlas.
Sumakay ang tatlo sa kotse ni Damian. Napatingin si Atlas sa likuran at hindi sinasadya nakita niya ang pag taas ni Damian ng pang itaas na blouse ni Winter at nakita niya ang sugat ni Winter sa likuran at may kalakihan iyon.
"Sa hospital tayo." biglang sabi ni Atlas na ikinatingin ng matalim ni Damian kay Atlas.
"Tumingin ka sa harapan dahil wala kang karapatan tingnan ang katawan ng asawa ko." sabi ni Damian.
Napatiim ng bagang si Atlas at tumingin ito sa harapan.
"Magmaneho ka at ideretso mo sa bahay." sabi ni Damian.
Napabuntung hininga si Atlas at deneretso nito sa bahay ni Damian ang mag-asawa. Pagkarating doon agad na pinatawag ni Damian kay Yumi ang Private doctor ng lalaki.
Buhat si Winter dumeretso si Damian sa kuwarto ng mga ito at iniwan si Atlas na nakatingin lang sa mag-asawa.
"Ang dalawang iyan hindi titigil hanggat walang nawawala." sabi ni Yumi kay Atlas.
......................
May 23, 2021 8.43 pm
FifthStreet1883
Good night!!
Soon
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top