Kabanata 26 : Laguman

El Paradiso Island

"Ayyyyyyy!" sigaw ni Kim ng ma-flat ang gulong ng sinasakyan niyang tricycle pauwi sa bahay nila mula sa Mall kung saan iniwan pa naman niya si Muddy para makauwi.

"Kuya! Mababangga tayooooo!!!!!" sigaw pa ni Kim habang nakasakay siya sa likuran ng driver ng tricycle.

"Ahhhhhh!!!!" sigaw ni Kim habang nakayakap sa likuran ng drayber.

Overloaded kasi ang tricycle na imbes apat lang ang pasahero naging sampu ito na pati sa bubong ay may sakay. Nagsitalunan na nga ang ibang sakay dahil sa hindi makontrol ng drayber ang tricycle nito.

"Tulongggggggg!" sigaw ni Kim na halos sa takot niya at kaba hindi siya makatalon pero ang katabi niyang pasahero ay tumalon na rin.

Samantalang mula sa malayo nakita ni Ion ang isang tricycle na sumabog ang gulong at sa lakas nun halos ang metal na lamang ng gulong ang natira at ngayon gumegewang gewang na ang naturang tricycle sa daan.

"Tulonggggg!!!!!" sigaw ni Kim na hindi na alam kung paano bibitaw habang yakap nito ang drayber na hindi niya alam kung sa kanya ba o sa mismong drayber ang naririnig niyang kalabog ng puso.

"Kapit!!!" sigaw ng drayber at nakuha naman nitong imenor ang tricycle iyon nga lang tumaob na ito.

"Aray." sabi ni Kim na makuha niyang tumalon dala ng adrenaline niya sa katawan.

"Masakit?"

Napatingin si Kim sa nagsalita at ng tumingin ito sa gilid niya may isang kotse na nakahinto sa tabi niya. Pagtingala ni Kim nakita niya ang isang lalaki na naka-shades sa papadilim na kalangitan

Nakaupo si Kim sa kalsada na lupa pa ang daan, madumi na siya dahil basa ang lupa. Nakatayo naman na ang ibang pasahero at drayber bukod sa kanya na pakiramdam niya nasa action movies siya at gumawa ng action scenes.

"Masakit ba?" nakangising tanong ng lalaki, na binuksan ng malaki ang bintana ng kotse nito.

Nakatitig lang si Kim at ng masiguro kung sino ang lalaki. Mabilis na tumayo si Kim at lumusot sa bintana ng kotse ng binata.

Nagulat si Ion ng sumiksik si Kim sa bintana ng kotse niya. Maputik ang dalagita at sabog ang buhok nito na ikinairita ni Ion.

"Aisssst, bawal ka dito." sabi ni Ion

Nang makapasok si Kim sa loob ng kotse ni Ion umupo ito ng maayos at nakuha pang mag-unat ng mga kamay saka tiningnan si Ion.

"Sa bahay tayo, cutie pie." nakangiting sabi ni Kim.

"Ano?" kunot noo na sabi ni Ion.

"Ihatid mo ako sa bahay, muchacho." sabi ni Kim.

"Mukha mo. Bumaba ka." sabi ni Ion.

"Aisssst." sabi ni Kim sabay kuskus ng putik sa katawan nito sa silya ng kotse.

"Bumaba ka, ang dumi mo." sabi ni Ion.

Tumingin si Kim kay Ion at ngumiti ito. Lumapit ang dalagita sa binata at hinawakan nito ang mukha ni Ion saka muli nagsalita.

"Nawala ang takot ko ng makita kita. Pati ang kaba ko at pagluha ko biglang nawala mula ng masilayan ko ang guwapo mong mukha. Aisssst pakiss nga muna, cutiepie." sabi ni Kim sabay ngudngud ng labi ng dalagita kay Ion na ikinanlaki ng mga mata ni Ion.

Humiwalay si Kim sa labi ni Ion pero nakahawak pa rin ang kamay nito sa mukha ng binata. Ngumiti si Kim at muli itong nagsaita.

"Nakakagigil ang kaguwapuhan mo. Bakit ba ang lakas ng dating mo kahit madali kang utuin?" sabi ni Kim sabay halik nito muli kay Ion na halos pugpugin nito ng maliliit na halik ang mukha ng binata.

Nakangisi si Ion sa ginagawa ni Kim, mukhang hindi nga ito takot sa kanya at kampante sa ginagawa sa kanya. Kaya hinayaan niya si Kim pagsawain ang labi nito na halikan ang mukha niya.

Huminto si Kim ng hindi kumikilos at nagrereact si Ion. Tinitigan nito ang binata at muling nagsalita.

"Ihatid mo ako, dahil lagot ako sa tatay ko. Gabi na." sabi ni Kim sabay tanggal ng kamay niya sa mukha ni Ion.

Nakuha pa ni Kim ikabit ang seatbelt sa katawan niya at ngumiti kay Ion.

"Halika na... sa Laguman tayo." sabi ni Kim.

Napakunot ang noo ni Ion squatters area ang lugar na iyon, ang pinakamahirap na lugar sa ikalawang bayan ng El Paradiso. Negative area ngang matatawag iyon, dahil kung tutuusin doon nagtago dati ang ibang tulisan na pumuga sa kabilang probinsiya papunta sa isla nila.

"Ayoko." sabi ni Ion.

"Ihatid mo na ako para mabilis ako makauwi." sabi ni Kim.

"Aiisssst, ayoko." sabi ni Ion.

Ang ikalawang bayan ang pinakamahirap na lugar sa islang iyon at ang lugar nila Kim ang siyang binabantayan ng munisipyo at otoridad ngayon dahil sa talamak na illegal na sugalan, bentahan ng illegal na baril at mainit sa pamahalaan dahil sa illegal na bentahan ng illegal drugs.

"Bawal ako doon." sabi ni Ion habang nakatingin kay Kim.

Ang lugar ni Kim ay liblib, malapit kasi ito sa gubat at bundok. Magandang taguan ng mga taong nagtatago sa batas at mga taong may masamang balak.

"Akong bahala sayo. Kilala naman ako doon." sabi ni Kim, na bigla siyang nalungkot.

Bakit ba naman hindi? Wala naman kasi dumadayo sa lugar nila, iyon nga ang lugar na tinatawag na limot na bayan. Negatibo ang tingin sa lugar nila, may katotohanan pero sa kabilang banda wala naman kasi kusang pumupunta roon para malaman ang kondisyon ng mga tao doon.

Minsan ng pumunta ang alcalde doon pero muntikan na itong ma-ambush kaya mula noon wala ng pumupunta doon na... mayayaman.

"Hindi puwede, so bumaba ka na." sabi ni Ion.

"Kahit sa labasan lang, sa may highway." sabi ni Kim.

Napatingin si Ion kay Kim malayo ang highway sa mismong laguman kaya nagtataka siya kung paano nakakapasok ng paaralan si Kim dahil ang pagkakaalam ni Ion wala naman jeep, tricycle na pampasahero sa lugar na iyon.

"Hindi nga ako puwede.' sabi ni Ion.

"Wala na akong masasakyan, sira na ang tricycle at lahat ng dumadaan ay punuan. Aissst, magagalit ang tatay ko." sabi ni Kim

"Kasalanan mo, bakit kasi naglalakwatsa ka." sabi ni Ion.

"Walang mall sa amin, wala ngang palengke doon. Ang kinakain lang ng mga tao doon kadalasan ay kamote at mga tanim na gulay." sabi ni Kim.

Tiningnan ni Ion si Kim at natawa ito.

"Hahaha, kaya pala bibo ka at madaldal ka dahil sagana ka sa gulay." sabi ni Ion.

"Oo at malakas ako. Kaya nga kita buhatin kahit magsuntukan tayo kaya kitang patumbahin." mayabang na sabi ni Kim.

"Hahaha. Ang dami mong daldal. Nakakairita." sabi ni Ion.

"Kapag tahimik bumabaho ang bunganga kaya dapat magsalita para fresh breath lagi." sabi ni Kim.

"Hahaha, dapat magsipilyo ka at iyon ang sagot sa mabahong hininga hindi pagdadaldal." sabi ni Ion.

"Sige susundin kita pero ihatid mo muna ako." sabi ni Kim.

"Ayoko nga." sabi ni Ion.

"AIssst, ang sarap dito sa loob ng kotse mo. Ngayon lang ako nakasakay sa magara at magandang kotse." sabi ni Kim

"Sige limang minuto ka pang umupo tapos lumayas ka na" sabi ni Ion.

"Hatid mo na ako." sabi ni Kim sabay titig kay Ion.

"Ayoko" sabi ni Ion.

Lumapit si Kim kay Ion at hinawakan nito muli ang mukha ng binata.

"Hahalikan kita. Kahit ilan pa ibibigay ko sayo." sabi ni Kim

"Hahaha, anong palagay mo sa halik mo ganoon kamahal at kaimportante?" nakangising sabi ni Ion.

Niyakap ni Kim si Ion at hinigpitan iyon ng dalagita saka ito nanggigil.

"Aissst, hindi ako makahinga." sabi ni Ion ng halos pipiin siya ni Kim sa yakap.

"Yakapin mo ako." sabi ni Kim.

"Ano?" sabi ni Ion.

"Dali na." sabi ni Kim.

"Bakit ko gagawin iyon?" tanong ni Ion.

"Para masaya.' sabi ni Kim.

"Hahaha ikaw lang ang masaya dahil minamanyak mo ako." sabi ni Ion

"Aissst, hindi kita minamanyak." sabi ni Kim.

"Ayoko nga. Hay naku naman! Bumaba ka na kasi." sabi ni Ion.

"Sige ganito na lang babayaran kita basta ihatid mo ako." sabi ni Kim.

Napangisi si Ion ng may maisip ito.

"Limang daang piso." sabi ni Ion. Limangdaang piso ang nakuha ni Kim sa kanyang perang cash ngayong araw kaya alam niya nasa dalagita pa rin iyon dahil pinakain naman niya ito.

"Sige." sabi ni Kim at kinuha nito ang pera na nakuha niya kay Ion kanina. May take out naman siya ng cake at marami naman iyon, kaya okay na rin kahit wala na siyang cash na nakuha, nautakan niya pa rin ito kung tutuusin.

Inilahad ni Ion ang palad at ibinigay naman ni Kim ang limandaang piso sa binata.

"Halika na." sabi ni Kim kay Ion.

"Okay." nakangiting sabi ni Ion ng makuha niya ang pera niya kay Kim.

Tumingin muna si Ion sa labas ng bintana naroroon pa rin ang ibang pasahero, at ang driver habang tinitingnan nito ang sirang tricycle.

"Halika na." sabi ni Ion sabay paandar nito ng kotse paalis sa lugar.

Binaybay ng dalawa ang daan sa Laguman kung saan nakatira sila Kim, panaka nakang sasakyan lamang ang kasabay nila sa daan na iyon kaya tila tahimik ang kapaligiran para sa dalawa.

Tumingin si Kim kay Ion, seryoso lang ito nagmamaneho. Guwapo ang binata, at halo ang mukha nito mula sa parents ni Ion. Maganda nga ang kombinasyon ng mga magulang nito kay Ion. Mataray ang dating ng mommy ni Ion na nakita na ni Kim ng bumibisita si Athena sa University. Ang tatay naman ni Ion ay mabait ang dating na siya naman pangulo ng St Therese.

Kaya si Ion ay pinaghalong strong at soft feature at hindi nakakasawa tingnan ang mukha ng binata. Hindi kasi ito kasing strong feature ng mga pinsan nitong sila Autumn at Ash na kung titingnan ang mga iyon maaangas at nakakatakot kapag tinitigan ka.

Si Ion ang tipo ng lalaking magaan kasama iyong tila nakakarelax at hindi ka stress.

"May bayad ang pagtitig sa akin." nakangiting sabi ni Ion habang tinititigan siya ng dalagita.

"Ang cute mo kasi." sabi ni Kim.

"Hahaha, wala bang cute sa lugar niyo." natawang sabi ni Ion na tila hindi nga nahihiya si Kim sa kanya.

"Meron naman kaso mukhang mababaho." sabi ni Kim na ikinatawa ni Ion.

"Hahaha, ayos ka talaga bata ka." sabi ni Ion.

"Oo mababaho tingnan. Hindi tulad mo mukha kang mabango at..." sabi ni Kim sabay lapit kay Ion at inamoy nito ang binata.

"Mabango ka." sabi ni Kim.

"Hahaha, alam ko. At ikaw bata fourteen ka pa lang kumilos ka nga sa edad mo. Dapat sayo bata pa kumilos pero sa asta mo para ka ng dalaga na nakikipag-flirt sa lalaki." sabi ni Ion.

"Mabango ka, at inamoy lang naman kita kaya hindi flirting iyon." sabi ni Kim habang nakatitig kay Ion.

Napailing si Ion, bata pa ang kaharap niya at mukha ngang naglalaro pa ito. Pero hindi naman siya nagtataka kung ganito kumilos si Kim dahil sa lugar ng dalagita siguradong ang mga bata ay dalaga na kumilos. Tipong bata pa lang may asawa na.

"Aissst, malapit na tayo." sabi ni Ion.

"Pahingeng pera." biglang sabi ni Kim na ikinatawa ni Ion.

"Hahaha, bakit ka naman hihinge sa akin?" tanong ni Ion.

"Pambili ng ulam." sabi ni Kim.

"Hahaha, ano ako tatay mo?" natawang sabi ni Ion pero hindi siya pinansin ni Kim na nakatitig lang sa kanya.

"May dumi ka sa mukha." sabi ni Kim sabay punas sa mukha ni Ion.

"Hindi ako madadala sa ganyan." sabi ni Ion.

"Okay, pahingeng pera." sabi ni Kim.

"Hahaha, malapit na tayo." sabi ni Ion ng madaanan ang kalye na hindi niya inaasahaan na para iyon squuater site sa Manila.

"Pangit ba?" tanong ni Kim ng natahimik si Ion at nakatitig sa lugar.

"May ganitong lugar pala dito." sabi ni Ion

Hindi daanan ang lugar na iyon bukod sa liblib. Nasa bandang dulo kasi iyon o dead end ng ikalawang bayan.

"Bungad pa lang iyan, at doon pa ako sa looban papasok." sabi ni Kim.

Napatingin si Ion kay Kim, delikado sa tulad ni Kim ang ganitong lugar. Pero mukhang gamay ng dalagita ang tumira sa ganito.

"Sanay ako dito dahil ito na ang nakamulatan ko." sabi ni Kim.

Hindi umimik si Ion, hindi pa siya nakakapunta sa ganoong lugar. Never nga siyang sumama kay Wine kapag pumupunta ito sa mga kaibigan nitong mahihirap.

Kung tutuusin ang ugali ni Ion ay tulad sa mga Valiente, ayaw niya ng madumi at makakakita ng dugyot na lugar dahil nandidiri siya. Isama pa na maselan siya sa amoy

"Dito na lang." sabi ni Kim at inihinto nga ni Ion ang kotse nito.

Tinanggal ni Kim ang seatbelt. Napatingin si Ion sa paligid, nakatingin ang lahat ng tao na parang ngayon lang nakakita ng kotse na pumarada doon. Kinakabahan nga si Ion pero ayaw niyang ipahalata kay Kim.

"Salamat ha." sabi ni Kim at ng buksan ni Kim ang kotse ni Ion.

Napahawak si Ion sa ilong nito ng maamoy ang hindi kanais nais na amoy. Mas matindi pa sa amoy ng pampublikong palengke na kung tutuusin wala naman siyang nakikitang palengke doon.

"Okay ka lang?" sabi ni Kim habang nakabukas ang pintuan ng kotse ni Ion.

"Isara mo." sabi ni Ion.

Isinara ni Kim ang pintuan ng kotse at tumingin kay Ion.

"Mabaho?" tanong ni Kim.

"Aissst oo. Pumasok sa kotse ko ang amoy." sabi ni Ion.

Kinuha ni Ion ang mamahaling pabango nito at alcohol saka ito nag spray.

"Grabe ang arte mo. Wala naman amoy." sabi ni Kim.

"Kaya pala nagsisimula ng ma-pollute ang hangin sa isla dahil sa lugar mo." sabi ni Ion.

"Grabe ha." sabi ni Kim.

"Aiissst, masabi nga ito kay Tita Ellie. Ang bantot ng lugar mo." sabi ni Ion.

"Dito lang iyon at hindi iyon mula sa amin. Sa factory iyon sa bandang dulo. Tago para hindi makita ng munisipyo." sabi ni Kim.

"Factory?" sabi ni Ion.

"Oo matagal na namin inirereklamo iyan kay Kap kaso sabi niya nasabi na daw niya sa Tita mo. Pero hindi naman kami naniniwala. Kasi kapag may nag iinspeksyon dito kunwari nakasara ang factory, tapos tinatanggal din ni Kap kapag wala ng inspector." sabi ni Kim

"Ganoon ba." sabi ni Ion.

"Sa amin, mabango. Sariwa ang hangin kasi maraming puno. Malayo pa ako dito. Sa looban pa ang bahay ko. Gusto mo sumama kasya naman ang kotse mo sa kalsada papaunta sa amin. Iyon nga lang hindi pa sementado ang daan." sabi ni Kim.

"Ayoko." sabi ni Ion.

"Ayaw mo." sabi ni Kim.

"Ayoko. Aissst nakakadiri." sabi ni Ion.

"Ah ganoon ha." nakangising sabi ni Kim sabay bukas ng kotse ni Ion at pumasok ang mabahong amoy na ikinatakip ng ilong ni Ion.

"Isara mo." pangungung sabi ni Ion.

"Ihatid mo ako, kung hindi mamamatay ka sa baho." nakangising sabi ni Kim.

"Aissst, ang kulit mo talaga." sabi ni Ion.

"Hatid mo na ako. Ngayon na, kundi hindi ko ito isasara." sabi ni Kim

"Shit, oo na. Isara mo iyan." sabi ni Ion na kung hindi lang babae si kim tinadyakan na niya ito palabas ng kotse niya.

"Okay, halika na.' sabi ni Kim sabay sara ng kotse ni Ion.

"Grabe, ang baho mo." sabi ni Ion.

"Okay lang maliligo naman ako mamaya." sabi ni Kim sabay kabit ng seatbelt nito.

Pinatakbo ni Ion ang kotse nito papasok sa lugar nila Kim. Habang pinagtitinginan sila ng mga tao sa lugar na iyon.

"Huwag ka masyado titingin kasi baka barilin ka na lang bigla." Natawnang birong sabi ni Kim kay Ion na ikinaiwas ng tingin ni Ion sa mga tao.

"Hahaha, ganyan nga. Para umuwi kang buhay." natawa pang sabi ni Kim na ikinalunok ni Ion.

"Aiissst, nauto na naman ako ng babaeng ito." sabi ni Ion sa isip.

"Ion." sabi ni Kim.

"Bakit?" inis na sabi ni Ion.

Dumukwang si Kim at hinalikan nito sa pisnge si Ion.

"Ang bango mo talaga, sana akin ka na lang. May hahalikan ako lagi at may pera pa ako." nakangiting sabi ni Kim na ikinatingin ni Ion sa dalagita.

"Bakit ka nakatingin may gusto ka sa akin 'no?" biglang sabi ni Kim na ikinailing ni Ion.

"Alam mo ang bastos mo." sabi pa ni Kim na ikinangisi ni Ion.

......

May 23, 2021 11.42am
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top