Kabanata 25 : No Heredero
"Hala! Wala na tayo masakyan." sabi ni Kim kay Muddy.
Rush hour ng oras na iyon at dahil natagalan sila ubusin ang cake na pinabili ni Kim kay Ion kaya ayon pina-take out na nga lang nila ang iba para makaiwas sa rush hour pero naabutan pa rin sila.
"Kung mauna ka ng sumakay, tapos sasakay na lang ako kapag meron na uli tricycle." sabi ni Muddy.
"Okay lang sayo?" tanong ni Kim.
"Oo." sabi ni Muddy
"Hindi na ako mag-aatubili sundin ka dahil alam mo naman baka pagalitan ako ni Tatay." sabi ni Kim.
"Oo." sabi ni Muddy. Na sunod-sunod naman ang dating ng tricycle kaso nga lang marami talagang pasahero kapag ganoong oras ng uwian.
"Oh heto na paparating na ang tricycle, oras ng makipagbalyahan." natawang sabi ni Kim at natawa si Muddy ng makipag-unahan nga si Kim sumakay ng tricycle.
Wala pa kasi pamapasaherong jeep sa isla, iniiwasan din kasi ng mga nakaupong politiko na masira ang hangin ng isla dala ng mauusok na tambutso.
"Hahaha, hoy Kim baka maipit ka naman." natatawang sabi ni Muddy sa kaibigan ng sumiksik at sumingit talaga si Kim makasakay lang ito.
"Hahaha, nakasakay na ako." natawang sabi ni Kim ng makasingit ito at nakasakay sa likuran ng driver ng tricycle.
"Ingat." sigaw ni Muddy.
"Oo, ikaw din." sigaw ni Kim bago pa man humarurot ang tricycle na sinakyan ni Kim.
Napatingin si Muddy sa paligid, maraming pasahero at mukhang mas dumami pa iyon dahil nagsabay-sabay na ang uwian.
"Grabe, maglalakad na lang ako baka gabihin ako kapag hinintay ko pa humupa ang dagsa ng mga pasahero," sabi ni Muddy sa sarili.
Nagsimula maglakad si Muddy, malayo-layo din ang bahay niya pero mas malapit naman ang bahay niya sa Mall kaysa sa bahay nila Kim.
"Sana huwag umulan." sabi ni Muddy sa isip habang naglalakad na ito sa gilid ng daan.
Mabilis naman siya maglakad kaya wala iyon problema sa kanya. Sanay siya maglakad dahil tindera siya dati. Naglalako ng mga palamig at may side car din siya kung minsan.
................
"Aisssst, ang dami naman tao." sabi ni Dash ng makita ang dagsa ng tao.
Tiningnan ni Dash ang relo niya alas singko na ng hapon. Uwian ng mga empleyado. Maliwanag pa naman kaya siguro nagmamadali rin ang lahat makauwi ng may liwanag pa sa mga bahay ng mga ito.
"Aissst, makauwi na nga." sabi ni Dash.
Nakamotor lang si Dash at pinauna siya ni Francis umuwi dahil may dadaanan pa itong kaibigan. Hindi naman sumama si Dash kahit niyayaya siya ni Francis.
Pero inihatid ni Dash si Francis sa lugar ng pagkikitaan ni Francis at ng kaibigan nito, saka si Dash umalis.
"Malayo pa ako sa Isla Verde." napabuntung hiningang sabi ni Dash.
Napadaan siya muli sa mall dahil iyon lang ang way pabalik sa isla Verde. Isinuot ni Dash ang helmet nito at pinaandar ang motor niya.
.................
"Aissst, nakakapagod maglakad kapag meron. Baka bumaba ang matris ko nito." sabi ni Muddy sa sarili habang tinatahak ang pauwing daan papunta sa bahay nila.
"Makaupo nga muna." sabi ni Muddy at naupo nga ito sa sidewalk kung saan marami namang mga tricycle na dumadaan, iyon nga lang mga punuan dahil galing iyon sa mall.
Pinagmasdan ni Muddy ang kalsada habang inilagay niya ang bag sa hita nito. Binuksan ni Muddy ang bag at tiningnan ang kubyertos na kinuha niya sa Ice Cream Resto.
Inilabas iyon ni Muddy mula sa bag at napangiti ng makita ang itsura ng naturang kutsara at tinidor.
"Ang ganda mo talaga. Ngayon lang ako nakakita ng hawakan na hugis apa. Hindi ko pinagsisisihan na kinuha kita." napangiting sabi ni Muddy habang hawak nito ang kutsara at tinidor at pinagmamasdan ang pagakakayari nun.
"Kapag nakakakita ako ng kutsara at tinidor, natutuwa ako kasi sa mundo kayo ang magandang halimbawa na may kapartner ang bawat isa." nakangiting sabi ni Muddy sa sarili.
Pero naputol ang pakikipag-usap ni Muddysa mga kubyertos ng may magsalita.
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Dash ng makita si Muddy sa gilid ng daan na nakaupo at ng tingnan nito ang hawak ng dalaga napakunot ang noo ni Dash.
Napatingin si Muddy sa nakamotor at napangiti siya ng makilala ang motor kaya alam niyang si Dash iyon.
"Nagpapahinga." sabi ni Muddy na hawak pa rin ang kubyertos sa mga palad nito.
"Sumakay ka na, ihahatid kita sa bahay niyo." sabi ni Dash.
Napatitig si Muddy kay Dash at napangiti ang dalaga
"Naaalala mo ang bahay ko?" sabi ni Muddy.
"Hindi. Bakit ko naman maaalala? Hindi pa nga ako nakakapunta doon, at saka siyempre ituturo mo sa akin kung saan para maihatid kita." sabi ni Dash.
"Ganoon ba? Sorry akala ko naaalala mo na ako." sabi ni Muddy na tila napahiya siya.
"Sumakay ka na at baka gabihin pa tayo lalo." sabi ni Dash na hindi umalis sa motor nito.
"Sige, hindi ako tatanggi kasi mahirap maglakad kapag may buwanang dalaw." sabi ni Muddy.
Tumayo si Muddy at pumuwesto ito sa likuran ni Dash.
"Gamitin mo itong helmet ko. Akin na itong gamit na helmet ni Francis." sabi ni Dash.
"Okay." sabi ni Muddy.
Isinuot ni Dash ang helmet ni Francis at ang helmet niya ay isinuot niya kay Muddy. Nakatingin lang si Muddy habang sinusuot ni Dash ang helmet sa ulo niya.
Naiilang si Muddy dahil bukas ang helmet at malaya niyang napagmamasdan ang mukha ng binata.
"Ang laki ng pinagbago mo, pero ang cute mo pa rin." biglang sabi ni Muddy na ikinatingin ni Dash kay Muddy,
"Thank you," sabi ni Dash at inilapit nito ang mukha kay Muddy na ikinalunok ni Muddy
".....huwag kang magsasabi ng ganoon sa iba o kahit na kaninong lalaki dahil baka iba ang ipakahulugan nila.
Tandaan mo. Hindi mo mananakaw ang kahit na sino tulad ng ginagawa mong pagnanakaw." makahulugang sabi ni Dash an ikinapula ng mukha ni Muddy.
"Oo." sabi ni Muddy na ikinayuko nito sa pagkapahiya sa tinuran ni Dash.
Napatingin si Dash kay Muddy. Hindi niya akalain na makakatagpo siya ng kleptomaniac na tulad ni Muddy at sa lahat pa naman ng ayaw niya ang magnanakaw.
"Umalis na tayo." sabi ni Dash, ng muling magsalita si Muddy.
"May sakit kasi ako. Pinipigilan ko naman kaso kapag nagustuhan ko hindi ko na maawat.
At kapag pinigilan ko hindi ako mapakali. Pero huwag kang mag-alala. Susubukan ko pigilan... para sayo." sabi ni Muddy.
"Hindi para sa akin.... Para sayo.
Gawin mo para sayo, dahil hindi kita kaano-ano. Buhay mo iyan at malaki ang magiging epekto ng maling ginagawa mo sa magiging tadhana mo." sabi ni Dash.
Natahimik si Muddy at hindi na ito nagsalita kaya pinaandar na ni Dash ang motor.
"Yumakap ka at baka mahulog ka." sabi ni Dash ng hindi humawak sa likod niya si Muddy ng umandar ang motor niya.
"Matagal na akong nahulog...." sabi ni Muddy.
"Saan?" kunot noon a tanong ni Dash.
".... Sayo." sabi ni Muddy.
"Huh! Wala kang mananakaw sa akin." sabi ni Dash.
"Alam ko dahil, ikaw ang may ninakaw sa akin..." sabi ni Muddy.
"Huh! Ano naman ang nanakawin ko sa isang tulad mong magnanakaw?" sabi ni Dash.
"....ang puso ko." sabi ni Muddy.
"Hahahaha, ang corny mo." sabi ni Dash pero hindi umimik si Muddy kaya tumahimik din si Dash.
Makalipas ng ilang segundo naramdaman ni Dash na unti-unting pagyakap sa kanya ni Muddy kaya napabagal ito ng pagtakbo ng motor.
"Sana maulit iyong pagbabasa natin ng book ikaw ang prince at ako ang magsasalita sa princess. Iyon ang pinakamagandang pangyayari na nakasama kita. At ang panahong tinuturuan mo ako para sa entrance exam ng St Therese University." sabi ni Muddy kay Dash.
Hindi umimik si Dash pero ang pagpapatakbo nito ng motor ay nanatiling mabagal.
"Alam kong si Run ka. Hindi mo man ako maalala dahil siguro, hindi ako importante sayo....
.... okay lang basta huwag ka lang magalit sa akin. Dahil nawala si Run na okay kami at sana maging okay din tayo." sabi ni Muddy sabay yakap nito sa likuran ni Dash.
Hindi umimik si Dash habang nakayakap si Muddy sa kanya ng biglang halikan ni Muddy ang likuran niya.
"Ang bango mo, alam mo bang hindi nagbabago ang amoy mo." nakangiting sabi ni Muddy kay Dash.
"Saan ang bahay mo?" sabi ni Dash na hindi pinansin ang sinabi ni Muddy.
"Hmmnn, sa silungan." sabi ni Muddy habang inaamoy pa rin ang likuran ni Dash.
Kabisado ni Dash ang isla at alam niya ang Silungan na sinasabi ni Muddy ay lugar ng mahihirap sa ikalawang bayan. Malapit sa palayan, maputik at ilang metro din ang nilalakad bago marating ang sakayan. Kaya suwerte ka na lang kung may motor ka. Motor.
"Marunong ka bang magmotor? I mean mag-maneho ng motor?" tanong ni Dash kay Muddy.
"Oo, sinubukan ko dati ang motor ni Dave at dahil scooter lang daw ang motor niya kaya madali ko natutunan. Ang galing nga ni Dave kasi isang araw lang niya ako tinuruan. Magaling siya magturo." nakangiting sabi ni Muddy.
"Talaga?" seryosong tanong ni Dash.
"Oo, kababata ko si Dave. Mahirap din siya at hindi na nag-aaral. Matanda siya sa akin ng dalawang taon, mabait iyon." sabi ni Muddy na hindi nito pansin ang pag-iiba ng awra ni Dash.
"Ang sabi mo tinuturuan ka ni Run dati." sabi ni Dash na tila siya nainis ng lumuwag ang yakap ni Muddy habang kinukuwento ang kababata nitong si Dave.
Oo." sabi ni Muddy.
"So sino sa kanila ang magaling magturo?" seryosong tanong ni Dash.
"Pareho." nakangiting sabi ni Muddy na hindi alintana na nakabitaw na siya sa yakap kay Dash na ikinainis ng binata.
"Pareho?" tanong ni Dash.
"Oo, kasi si Run magaling sa academics at si Dave naman magaling sa technical o iyon tinatawag na by experience." sabi ni Muddy.
Hindi umimik si Dash habang binabaybay nito ang lugar nila Muddy na halatang mahirap na lugar. Lugar na kahit anong gawin ng munisipyo hindi mapaunlad dahil talamak ang squatter sa lugar na iyon.
"Alam mo ba na ang ikalawang bayan ay mahirap na lugar pero umunlad ito ng umupo sa puwesto ang dating alcalde na ngayon ay Gobernador na si Valencia na sinundan ni Alkalde Valiente.
Pero itong lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip, mukhang wala ng pag-asa. Ang mga tao kasi dito mga tamad o di naman kaya mga dayo na walang alam gawin kundi tumambay at magpakarami." sabi ni Muddy.
Pinagmasdan ni Dash ang lugar, marami ngang tambay at hindi ito nalalayo sa napuntahan niyang lugar sa Manila kung saan siya nagpatuloy lumaki at nagkaisip. Lugar na akala ni Dash ay hindi siya mabubuhay pero lahat ay pumanig sa kanya na mas lumakas pa siya lalo sa lugar na tulad nitong nakikita niya.
"Mag-ingat ka pag-uwi mo kasi laging may away dito. Hindi ito nalalayo sa lugar nila Kim. Pero mas okay naman itong sa amin. Kasi kala Kim, bundok na, liblib pa kaya hindi talaga nakikita at nababantayan ng munisipyo." sabi ni Muddy.
"Sanay ako sa ganitong lugar kaya huwag mo akong alalahanin." sabi ni Dash.
"Mabuti, kasi sabi nila kapag tumira ka sa ganitong lugar matagal ang buhay mo. Alam mo ba kung bakit?" tanong ni Muddy.
Bakit?" tanong ni Dash.
"Kasi masasanay ka sa mga bagay na mahirap o maiimune ka sa mikrobyo at sakit. In-short hindi ka tatablan ng anumang sakit." sabi ni Muddy.
"Sabagay, hindi ko rin akalain na sa ganitong lugar ako gagaling." nakangising sabi ni Dash.
"Ano?" tanong ni Muddy.
"Wala." sabi ni Dash.
"Hmmnnn. Ay! iyan na ang bahay namin. Iyong may tindahan na maliit. Si Run ang nagbigay ng puhunan ni nanay pinadala niya dati kay Kuya Glenn." nakangiting sabi ni Muddy.
Pinagmasdan ni Dash ang tindahan malaki-laki na rin iyon kung tutuusin at maraming laman na paninda. Mukha ngang napalago iyon ng nanay ni Muddy,
"Dito na." nakangiting sabi ni Muddy.
"Mads, kinagabi ka."
Napatingin si Muddy at Dash sa nagsalita ng biglang ngumiti si Muddy at akmang bababa ito ng motor ni Dash ng biglang hawakan ito ni Dash sa kamay.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Dash kay Muddy.
Na kung tutuusin alam ni Dash ang gagawin ni Muddy dahil sa ganoong lugar tulad ng nakalakihan niya tropa ang mga tao lalo na ang mga magkakababata at ang batian ng mga iyon ay....
"Yayakapin ko si Dave saka mag aapir kami sabay halik sa pisnge. Beso beso tulad sa mga mayayaman." nakangiting sabi ni Muddy
"Hindi." sabi ni Dash na tila nakaramdam siya ng inis sa gagawin ni Muddy.
"Ha?" nagugulumihang tanong ni Muddy sa inaasta ni Dash.
"Dalaga ka na at binata na iyan, puwede kang gahasain niyan anytime kapag nagpakita ka ng motibo at kung mamalasin ka pa... gang rape ang gagawin nila sayo." bulong na sabi ni Dash.
"Hindi. Kababata ko si Dave at siya ang sinasabi kong nagturo sa akin magmotor." sabi ni Muddy.
"Hindi. Kahit na. Ibig kong sabihin, sa panahon ngayon bawal ka magtiwala." sabi ni Dash.
Napatingin si Muddy kay Dash at napangiti ang dalagita.
"Hahaha, ikaw nga pinagkatiwalaan ko. Siya pa kaya na kababata ko." sabi ni Muddy.
Tinitigan ni Dash si Muddy at napatiim ng bagang ang binata, tumalim ang mga mata ni Dash na ikinanlaki ng mga mata ni Muddy.
"Hindi ako siya, huwag mo akong ihambing sa isang tulad niya. Ako si Dash at siya si Dave kahit pareho kaming D, di kami magkapareho dahil ako'y isang ash at siya ay ave.. Okay?" sabi ni Dash.
"Hahaha, para kang si Elle magkapatid nga kayo pareho kayo ng sense of humor. Payakap nga" sabi ni Muddy sabay yakap kay Dash.
"Muddy, sino iyan kasama mo?" bungad na sabi ng nanay ni Muddy ng makita ang nakapark na motor sa harap ng tindahan nito.
"Nobyo niya po." biglang sabi ni Dash na ikinatingin ni Muddy kay Dash at ikinangiti ni Dash sa dalaga.
"Bakit mo sinabi iyon?" mahinang sabi ni Muddy.
Tumingin si Muddy sa paligid at nakita niyang nagbulungan ang mga tsismosa niyang kapitbahay.
"Para alam nila na bawal kang hawakan, dahil ang tulad mong dalagita ay maraming nakatingin na mga manyak. Lalo na sa ganitong lugar." bulong na sabi ni Dash.
"So nobyo kita?" mahinang tanong ni Muddy na itinatago ang ngiti na gustong sumilay sa labi niya.
"Oo pero dito lang sa vicinity niyo kumabaga may lugar lang na saklaw." bulong na sabi ni Dash.
Sige." napangiting sabi ni Muddy.
"Oh anak, nobyo mo pala iyan. Bakit..." udlot na sabi ng nanay ni Muddy ng tumingin kay Dash at bigla itong napangiti.
"....Run." gulat na sabi ng nanay ni Muddy at niyakap nito si Dash.
"Dash po." sabi ni Dash na pilit niya kinukubli ang sarili.
"Si Run ka.
Aisssst ikaw bata ka, akala ko patay ka na. Susmiyo. Iniyakan ka namin ng anak ko. Ilang araw na hindi nakakain si Muddy noong nabalitaan namin na nasunog ka." sabi ng nanay ni Muddy,
"Nanay, nakakahiya." sabi ni Muddy.
Napatingin si Dash kay Muddy na namumula sa hiya.
"Aisssst, nobyo mo siya dati pa. Hahaha." natawang sabi ng nanay ni Muddy,
"Nanay, bata pa ako noon." sabi ni Muddy.
"Oo at ngayon dalaga ka na at binata na siya. Bagay na kayo lalo." sabi ng nanay ni Muddy,
"Nay naman nakakahiya." sabi ni Muddy.
"Crush ka nitong anak ko dati pa." natawang sabi ng nanay ni Muddy kay Dash.
"'nay tama na." sabi ni Muddy sa ina.
"Hahaha, pumasok ka Run." sabi ng nanay ni Muddy.
"Hindi na po." sabi ni Dash na hindi niya alam ang sasabihin.
"AIssst nanay ang itawag mo sa akin tutal magkasintahan na kayo ng anak ko. Sa kasal din ang tuloy nun." sabi ng nanay ni Muddy.
"Nay." sabi ni Muddy.
"Tuloy ka." sabi ng nanay ni Muddy.
"Sino iyan?"
Napatingin si Dash sa lalaki at ng makita siya nito nagulat ito na ikinangisi niya.
"Dash po. Magandang gabi po." diin na sabi ni Dash.
"Dash?" sabi ng tiyuhin ni Muddy.
"Tiyo, si Dash po." sabi ni Muddy
"Aisssst, si Run iyan." sabi ng nanay ni Muddy na ikinatitig lalo ng tiyuhin ni Muddy kay Dash.
"Patay na si Run." sabi ng tiyuhin ni Muddy.
"Tama at ako si Dash." sabi ni Dash habang nakatitig sa tiyuhin ni Muddy.
"Si Run ka. Hay nakung bata ka." sabi ng nanay ni Muddy kay Dash.
"Nay uuwi na siya." sabi ni Muddy dahil sa isip ni Muddy baka pagpiyestahan pa sila ng mga kapitabahay kapag pinilit ng nanay niya na si Run Cheung ang nasa bahay nila at nobyo niya.
"Huwag muna." sabi ng nanay ni Muddy.
"Sa susunod na lang po." sabi ni Dash.
"Nay uuwi na siya dahil malayo pa ang bahay niya." sabi ni Muddy.
"Aisssst, sige na nga. Pero sa susunod kumain ka dito." sabi ng nanay ni Muddy kay Dash.
"Opo." sabi ni Dash sa nanay ni Muddy.
"Sumakay ka na at baka pagpiyestahan ka ng mga kapitbahay namin." sabi ni Muddy kay Dash.
"Oo pero..." sabi ni Dash.
At dahil nasa labas pa sila ng tindahan nila Muddy kaya napatingin si Dash sa paligid at nakita niya ang umpukan ng mga lalaking nag iinuman kung saan naroroon ang Dave na sinasabi ni Muddy.
"Ano?" sabi ni Muddy.
Tiningnan ni Dash si Muddy at hinapit nito ang baywang ng dalaga saka mahinang nagsalita.
"....tatatakan muna kita para malaman nila na akin ka." mahinang sabi ni Dash kay Muddy.
Namula ang mukha ni Muddy alam niya ang ibig sabihin ni Dash dahil ganoon sa lugar nila kapag may pag-aari ang isang grupo.
Inilapit ni Dash ang mukha kay Muddy at inilagay ng binata ang kamay nito sa batok ni Muddy saka ito hinalikan.
"Whoah, kasal na ang susunod sa anak ko." sabi ng nanay ni Muddy,
Napapikit si Muddy ng ibuka agad ni Dash ang bibig nito, ng halikan ang dalaga. Napahawak pa ang mga kamay ni Muddy sa batok ni Dash na ikinangiti ng binata.
"Whoaaahhh. May nobyo na ang pamangkin mo." sabi ng nanay ni Muddy sa tiyuhin ni Muddy na nakatitig kay Dash.
Tumigil si Dash sa paghalik ng hindi maitugma ni Muddy ang pagsabay sa halik niya.
"Akin ka, at alam na nila iyon." bulong na nakangiting sabi ni Dash na ikinapula nang mukha ni Muddy.
"Sige po aalis na ako." nakangiting paalam ni Dash sa nanay ni Muddy at napabaling ang paningin nito sa tiyuhin ni Muddy saka muling nagsalita.
"Nice to see you again, Mister." nakangiting sabi ni Dash na ikinatitig ng lalaki kay Dash.
Bumaling muli ang tingin ni Dash kay Muddy na nakatitig pa rin sa kanya.
"Bye. Kumain ka ng marami para may kaunting hirap naman ako, kapag binuhat kita dahil ang gaan mo pa rin." nakangiting sabi ni Dash na ikinalunok ni Muddy.
"Run." mahinang sabi ni Muddy.
"Yes, princess. Ako ang prince sa fairytale books mo. Iyon nga lang Poor Prince na ako.
Hindi ako kabilang sa mga herederos, dahil wala na ang lahat ng mana ko mula kay Ralph Cheung." nakangiting mahinang sabi ni Run sa dalaga na ikinanlaki ng mga mata ni Muddy.
Pero nagulat si Run ng biglang nawalan ng malay si Muddy na mabuti na lang yakap niya pa ito at magaan lang talaga ang dalaga.
"Buntis siya." nanlalaking mata na sabi ng nanay ni Muddy na ikinalunok ni Run, dahil siya yata ang nagulat at nagulantang sa ginawang pag amin kay Muddy.
"Welcome back Run." nakangising sabi ng lalaki kay Run, na ikinangisi ni Run sa tiyuhin ni Muddy.
....
May 22, 2021 9.08pm
FifthStreet1883
Good night 😴
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top