Kabanata 25 : Kapalit

Kabanata 25
Ikalawang Bayan
Cheung Hospital

"Lolo, sa labas lang po ako." sabi ni Run sa lolo nitong si Ralph.

"Okay, huwag kang lalayo. Tatawagan ka ni Joel kapag paalis na tayo." sabi ni Ralph kay Run.

Nasa Cheung Hospital sila ng araw na iyon para sa monthly check up ni Run at dalawang matanda kung saan may private doctor ang mga ito na nagmula pa sa Amerika.

"Opo lolo Ralph o kaya ako na lang po ang tatawag kay Kuya Joel. Madali na lang naman po ako." sabi ni Run sa lolo nito.

Si Joel ang bodyguard ng mag-lolo mula pa ng makuha ni Ralph si Run sa mga magulang nito.

"Sige apo." nakangiting sabi ni Ralph kay Run.

Tumango si Run bago ito lumabas ng naturang Clinic. Pagkasarado ni Run ng pintuan napangiti ito at nagmamadaling tumakbo palabas ng hospital.

................

"Gusto niyo po ng palamig?" tanong ni Muddy.

Nasa labas si Muddy ng naturang Hospital sa bayan dahil sentro iyon ng lahat ng establisyemento ng ikalawang bayan.

Katulad ng dati maaga si Muddy lumalabas ng bahay nila para magtinda, at makauwi ng maaga. Pang-hapon din kasi ang pasok niya sa isang pampublikong paaralan. At ayaw naman niyang lumiban sa klase o ma-late.

"Palamig po kayo!" sigaw ni Muddy.

Napatingin si Muddy sa Cheung Hospital wala pa siya sa mundo, naroroon na ang hospital na iyon. Naaalala pa niya ang kuwento ng nanay niya, ang apo ng may-ari ng hospital ang nagpaanak sa Nanay niya kung saan siya ang sanggol na iniluwal.

Wala daw silang ginastos ng manganak ang nanay niya sa kanya. Sinagot daw kasi lahat iyon ng apo ni may-ari.... na si Dra. Cheung ang alcalde na nakaupo ngayon sa isla. Na minsan na niyang nayakap. Kung tutuusin crush iyon ng tiyuhin niya, na hindi na nagawang mag-asawa.

"Palamig!" sigaw ni Muddy.

"Pagbilan." nakangiting sabi ni Run.

Kanina pa ni Run napansin si Muddy buhat ng dumating sila ng lolo niya sa hospital nasa kabilang side lang kasi ng kalsada ang sidecar ni Muddy na puro gulaman na ang tinda at mga tinapay.

Napangiti pa si Run dahil hindi na nagtitinda si Muddy ng mga pagkaing niluluto nito na ginagamit ng kalan de gasul na tinatawag.

"Hi Run." nakangiting sabi ni Muddy ng makita muli si Run.

"Pagbilan ako kaso ibibigay ko sayo." sabi ni Run.

"Bakit naman?" sabi ni Muddy na tila na-offend siya sa sinabi ni Run pero alam naman ni Muddy na malabong kumakain si Run ng pagkaing kalye kasi halatang mayaman ito.

"Bawal kasi sa akin. Pero okay lang ba bumili tapos ibibigay ko sayo?" sabi ni Run na ikinatitig lang ni Muddy sa kanya.

"Huwag ka sana magalit, wala akong intesyon na ma-offend ka." sabi ni Run na nabasa ang mukha ni Muddy.

"Okay lang." sabi ni Muddy.

"Hindi ka galit?" tanong ni Run.

"Hindi naman." sabi ni Muddy na hindi naman siya umaasa na kumakain nga si Run ng paninda niya.

"Sige pabili ako. Worth 100 pesos." sabi ni Run.

"Ang dami nun, baka maihi naman ako." sabi ni Muddy.

"Hahaha. Mamaya mo ang iba kapag nauhaw ka." sabi ni Run na kahit gusto niya sana kumain ng tinitinda ni Muddy hindi talaga siya puwede dahil nagpapagaling pa siya.

"Sige." sabi ni Muddy.

Nagsandok si Muudy sa plastic at ipinakita nito kay Run.

"Inumin mo na. Ito ang bayad ko." sabi ni Run kay Muddy

"Salamat ha. Malaking tulong ito.

Nahihiya man ako, kailangan ko kapalan ang mukha ko. Kasi papasok pa ako sa school mamayang hapon." sabi ni Muddy.

"Okay lang iyon. Teka, saan ka ba nag-aaral?" tanong ni Run.

"Sa public school malapit sa amin." sabi ni Muddy.

Napatitig si Run kay Muddy, mukha naman matalino ang batang kaharap niya sa edad nito. Mukha nga sila magkasing edad kahit alam niyang mas bata ito sa kanya. Nang biglang may naisip si Run.

"Ahhmmm, narinig mo na ba ang St Therese University?" tanong ni Run.

"Oo." sabi ni Muddy.

"Gusto mo ba makapasok at makapag-aral sa St Therese University?" tanong ni Run.

Napaisip si Muddy, alam niyang pribadong paaralan iyon at kung may mahirap man doon siguradong iskolar ang mga iyon at tiyak na matatalino. May examination sa naturang paaralan na pag -aari din ng mga Cheung at alam ni Muddy na di biro ang test na binibigay sa mga gustong pumasok sa kilalang paaralan sa buong isla.

"Try mo lang kumuha ng entrance exam, malaking opportunity iyon para sayo." sabi ni Run.

"Ayoko." nahihiyang sabi ni Muddy.

"Bakit naman?" sabi ni Run.

"Nakakahiya naman sayo kapag hindi ako nakapasa, at saka wala akong time mag review." sabi ni Muddy

"Tuturuan kita." sabi ni Run.

"Ha?" di makapaniwalang tanong ni Muddy.

"May isang buwan ka pa sa pagkuha ng exam. Willing akong turuan ka." nakangiting sabi ni Run.

Napatingin si Muddy kay Run, tulad niya matanda na ito gumalaw, kumilos at mag-isip mga bagay na kakaunting bata lang ang nakakagawa.

"Nakakahiya sayo, lagi mo akong tinutulungan." sabi ni Muddy.

"Marami akong tinutulungan at hindi lang ikaw. Kaya huwag kang mahiya." napangiting sabi ni Run.

Namula ang mukha ni Muddy sa sinabi ni Run, ang akala niya kasi nakuha niya ang atensyon ni Run.

"Ambisyosa ka Muddy." sabi ni Muddy sa isip.

"Bakit ka namumula? Mainit ba?" tanong ni Run na lalong ikinapula ng mukha ni Muddy,

"Hindi. Nahihiya lang ako sayo." sabi ni Muddy.

"Huwag kang mahiya, kapag may opportunidad na lumapit sayo. Kuhanin mo agad dahil minsan lang iyon mangyari. Lalo na kung alam mong makakatulong ng malaki sa pag-unlad mo." sabi ni Run.

"Sige. Kukunin ko ang chance, pero saan mo ako tuturuan. Maliit ang bahay namin at saka wala akong pera pambayad sayo, kahit pangkain sayo wala ako maibibigay." nahihiyang sabi ni Muddy.

Napangiti si Run at kinuha nito ang wallet. Napatingin si Muddy sa wallet ni Run, napangisi siya dahil hindi talaga siya makapaniwala na kahit bata pa ang kaharap ang laman ng pitaka nito ay marami at lilibuhin iyon.

Napangisi si Run, alam niyang nanlalaki ang mga mata ni Muddy sa pitaka niya. Na kung tutuusin bukod kay Autumn na kapatid niya. Siya lang ang nakakadala ng pera na ganoon kalaki.

Ang kapatid ni Run na si Ash ay hindi pinahihintulatan na humawak ng pera o kahit debit card at credit card ay hindi pa ito binibigyan. Binibigyan lamang si Ash kapag humihinge.

Ang kapatid naman ni Run na si Winter ay cc at dc lang at wala naman itong cash na hawak dahil magastos si Winter kapag may cash na hawak.

At ang kapatid niyang bunso ay nagbabaon pa sa school at tanging ube o isandaan lang ang laman lagi ng pitaka nitong maliit na hindi naman ni Elle ginagastos dahil marami itong baon sa lunchbox nito.

"Ito." sabi ni Run na ikinaiwas ng tingin ni Muddy.

"Ano ito?" tanong ni Muddy.

Tiningnan ni Muddy ang tarheta, isa iyong calling card na ikinanlaki ng mga mata niya. Dahil sa ganoong edad may calling card na si Run nakalagay ang address nito.

Sigrun "Run" Cheung Valiente,
OWNER
Cheung Hotel, El Paradiso Island

"Cottage iyan ni Mama sa Unang bayan malapit sa Cheung hotel. Ipakita mo lang iyan sa guard papasukin ka na. Ang cottage kasi ni Mama ay pribado at kapag pinakita mo iyan sa isa sa mga guard ng Cheung Hotel, dadalhin ka niya sa cottage na sinasabi ko." nakangiting sabi ni Run.

"Susubukan kong pumunta." sabi ni Muddy.

"Huwag mong subukan. Dahil kapag gusto mo umunlad maraming paraan at kapag ayaw mo maraming dahilan." sabi ni Run.

"Okay." sabi ni Muddy.

"So hihintayin kita. Every Saturday and Sunday 7am to 4pm ang review natin. Huwag kang mag-alala hatid-sundo ka ng driver ko." sabi ni Run.

"Sandali, bakit mo ginagawa ito sa akin?" nagtatakang sabi ni Muddy.

"Kasi gusto kita at alam kong gusto mo rin ako." sabi ni Run na ikinapula ng mukha ni Muddy.

"Ha?" nahihiya at namumulang sabi ni Muddy.

"Nakita ko ang mga librong binigay ko sayo at sabi mo doon mahal mo ang nagbigay ng mga iyon sayo. Ako ang nagbigay ng mga libro mo, kaya gusto mo ako." deretsahang pahayag ni Run.

"Grabe ka. Ang mabilis mo naman mag-isip." sabi ni Muddy.

"Hahaha, ayoko ng mabagal. Mabilis ako kumilos at mag-isip. Mahalaga sa akin ang oras kaya ginagawa ko na ang lahat bago pa mahuli ang lahat." sabi ni Run.

"Sandali." sabi ni Muddy.

"Aalis na ako kasi tumatawag na si Kuya Joel. Aasahan kita sa sabado sa cottage." sabi ni Run at nagmamadali itong umalis.

"Sandali lang." sabi ni Muddy.

"Hayaan mo darating ang araw lahat ng benebenta mo kakainin ko. Pangako." nakangiting sigaw ni Run ng makalayo na ito kay Muddy.

"Run!" sabi ni Muddy pero naglakad na si Run ng mabilis habang may kausap sa cellphone nito.

"Aisssst, ang pangalan niya ay bagay sa kanya. Ang bilis niyang dumating at ang bilis din niya maglaho." sabi ni Muddy sa sarili.

Napabungtung hininga si Muddy at napatingin ito sa calling card.

"Huh! Mayaman siya at sigurado na ako ngayon." sabi ni Muddy ng mabasa ang buong pangalan ni Run.

...................

Private Cottages, Unang Bayan

"Ash tingnan mo." sabi ni Rhythm kay Ash

Nasa private cottages sila ng umagang iyon kung saan madalas nilang pagtambayan magkakaibigan.

"Ano naman iyan?" sabi ni Ash na kanina pa nakikipagkulitan kay Ion at Shadow.

"May sinend si Momy na program para sa party nila Autumn at Winter at tingnan mo. May kids dance... "kids" ibig sabihin baka kasing edad natin.' sabi ni Rhythm habang nakatingin sa cellphone nito.

"Hahaha, ano naman sa tingin mo ang mangyayari sa party nila kuya Autumn. Mala-infinity room sa Emperio." sabi ni Ash na ikinatawa rin nila Shadow at Ion.

"Aiissst, tingnan niyo kasi. Ang theme ng party nila Autumn ay tila school program kung saan may mga batang sasayaw at kakanta at isa ako sa kakanta." sabi ni Rhythm

"Wait wait, kasama mo si Harmony?" tanong ni Ion kay Rhythm

"Oo lagi ko naman kasama iyon sa mga gig." sabi ni Rhythm.

"Aiissst, marunong rin ako kumanta puwedeng sumali sa inyo o kahit na maggigitara lang ako. Marunong ako." sabi ni Ion.

"Ikaw Ion, aiisssst! Crush mo talaga ang babaeng iyon. Sabi ko naman sayo tipikal lang ang itsura niya at boses niya." sabi ni Ciao na kanina pa nakahiga sa duyan.

"Nandiyan ka pala." natawang sabi ni Ion kay Ciao na kanina pa nasa duyan.

"Hahaha, may pagkamaligno kasi si Ciao sumusulpot na lang bigla." sabi ni Shadow.

"Wala sila momy sa bahay kaya lumabas ako." sabi ni Ciao.

"Hahaha, naboboring ka na sa buhay mo. Ikaw kasi, lagi ka nasa loob ng bahay niyo." sabi ni Ion.

"Mas maganda naman kasi doon.' sabi ni Ciao ng bigla itong nahulog sa duyan.

"Hahaha." tawanan ng lahat ng mahulog si Ciao.

"Aray! Ikaw kararating mo lang ang gulo mo na naman." sabi ni Ciao sa kararating lang na si Wine.

Hinulog ni Wine si Ciao sa duyan ng makitang relax ito at tila nasa bahay lang ito.

"Naglaro pa kasi ako, kasama ko si Dim sa gubat at hinanap namin ang mga kalapati niya." sabi ni Wine.

"Nasaan si Dim?" sabi ni Ash na lumingon lingon.

"Nagpaiwan sa gubat. Alam niyo naman na taong gubat iyon.hahahah." natawang sabi ni Wine.

May bahay kasi sa gubat ang pamilya ni Dim, at secured naman ang bahaging iyon dahil pribadong parte iyon na may mga bodyguard ng mga Lopez.

"Patingin nga niyan." sabi ni Wine sabay hablot na kanina binabasa ni Rhythm.

"Aiisssst, may tinitingnan pa ako." sabi ni Rhythm.

"Sandali lang." sabi ni Wine sabay basa ng mabilis at malakas sa mga nakasulat.

"Akin na iyan at titingnan ko kung pang-ilan ako sa kakanta." sabi ni Rhythm.

"Whoah! May dance group... sana maikli ang palda. At uupo tayo sa unahan. Yuyuko at titingala kapag humangin." pilyong sabi ni Wine na ikinatawa ng lahat.

"Langya, baka puro peklat naman ang mga iyan. Mas magaganda pa ang babae sa casa namin." sabi ni Ash.

Napatingin si Wine kay Ash at napangisi ito.

"Himala bakit ka nandito sa amin? Hindi ba sila Heaven ang madalas mo kasama." sabi ni Wine kay Ash.

"Hahaha, ang apat na iyon hinahunting ako dahil sa cellphone na ninakaw ko." natawang sabi ni Ash.

"Bakit?" tanong ni Ciao.

"Dahil ang may-ari ng naturang cellphone ay malayong pinsan ko. Si Aica Valiente na asawa ni Doctor Adrian Samuel ay pinsan ni Papa, at ang anak nun ang nagmamay-ari ng cellphone." tumatawang sabi ni Ash.

"And so?" sabi ni Shadow.

"...si Aica Valiente ay namamahala ng Private investigation agency ng mga Valiente at ang asawa niya ay kilalang doctor sa Amerika. Doctor din ito sa Cheung Hotel." sabi ni Ion.

"Private investigator?" sabi ni Rhythm.

"Oo, kaya lagot si Blaze dahil hinahunting siya ngayon ni Althea na siyang may ari ng cellphone." sabi ni Ash.

"Ibigay niya para tapos ang problema." sabi ni Ciao na nakasakay na uli sa duyan.

"Hindi puwede. Hahaha." natawang sabi ni Ash.

"Bakit?" tanong ni Shadow.

"Kasi inedit nila ni Aqua ang pictures ng kambal na naroroon sa photos ng cellphone at ginawang babae sa El Casa. Hahahahaa." tumatawang sabi ni Ash.

"Tapos?" sabi ni Rhtyhm.

"Sila Louise at Althea ang ngayong modelo na nasa flyers na inimprinta ni Blaze at Aqua na siyang binibigay sa mga clients at mga turista sa isla." sabi ni Ash.

"Talaga." sabi ni Shadow.

"Bakit wala kaming flyers?" sabi ni Rhythm.

"Kasi pina pull-out na ni Papa ng makita niya ang flyers na pinamimigay, ng makilala niya ang mga pamangkin niya. Kung saan iba ang katawan sa mukha nito." sabi ni Ash.

"Lokong mga iyon." sabi ni Ciao.

"Hahaha, ito pa hindi halata na ang katawan ay edit lang dahil si Bullet ang may gawa na alam naman natin na marunong siya sa mga ganoong bagay." sabi ni Ash.

"May sample ka ba diyan?" pilyong sabi ni Wine.

"Meron.... ako pa." sabi ni Ash sabay kuha ng papel sa bulsa nito.

"Hahaha, dala-dala mo talaga ha." natawang sabi ni Shadow.

"Ang ganda kasi." pilyong sabi ni Ash at pinakita nito sa grupo ang inimprintang larawan

"Whoah, ayos ito." sabi ni Rhythm kay Ash.

"Ang galing ni Bullet." sabi ni Ash.

"Akin na nga." sabi ni Wine at hinablot nito ang flyers saka iyon tinitigan.

"Wine pahiram.' sabi nila Ion ng itaas iyon sa ere ni Wine at titigan.

"Ang laki ng dib---." udlot na pilyong sabi ni Wine.

"Wine. Ano iyan?" tanong ni Elle at sa gulat ni Wine pinunit nito ang papel ng pira-piraso at tinapon sa hangin.

"Asar ka Wine." sabi nila Shadow at pinag-pupulot ng mga ito ang papel.

Binalingan ni Wine si Elle at ngumiti ito.

"Anong malaki?" inosenteng tanong ni Elle habang buhat na naman nito ang pagong.

"Malaki? Iyong... ahmmmm. Iyong sulat malalaki at ang panget." sabi ni Wine na ikinatingin ng grupo kay Wine.

"Patingin." sabi ni Elle.

"Hindi na, doon tayo paliguan natin si Uno." sabi ni Wine, na bago pa magreact ang grupo binuhat na niya si Elle at dinala sa malayo.

..................

May 4, 2021 1.47pm

FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top