Kabanata 24 : Tag

Plagiarism is a CRIME
Do NOT Copy

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

Munisipyo
Hours later

"Ang tagal ni Wine ha, baka napano na iyon." nag-aalalang sabi ni Ellie kay Orion.

Dalawang oras na ang nakakaraan mula ng umalis si Wine at hindi pa rin bumabalik ang batang lalaki.

At ng tingnan naman ni Ellie si Elle, tahimik lang nito nilalaro ang pagong na tila baby iyon na inuugoy ng bunsong anak.

"Baka nahihirapan hatakin ang baboy damo." natatawang sabi ni Orion habang nakaupo lang ito sa sofa at nagbabasa naglalaptop.

"Hindi ba baboy ramo iyon at hindi baboy damo?" natatawa pa ring sabi ni Ellie na kanina pa sila nanghuhula ni Orion kung ano ang dadalhin ni Wine na pansuyo kay Elle.

"Baboy damo iyon kasi damo ang kinakain ng ganoong baboy." sabi ni Orion kay Ellie.

"Loko ka talaga. Hanapin mo na kaya." sabi ni Ellie kay Orion na natatawa pa rin ngayon.

"Hahaha, mas maalam pa iyon sa akin pagdating sa kalye at huwag kang mag-alala sa itsura ni Wine hindi mapagkakamalang mayaman iyon." natawang sabi ni Orion.

"Grabe ka. Mukha pa rin naman mayaman si Wine ang ganda kaya ng kutis." sabi ni Ellie.

"Hahahaha, sunog." natatawang sabi ni Orion ng batuhin pa ito ni Ellie ng papel na nilamukos.

"Sa araw lang iyon kaya nasunog." sabi ni Ellie.

Na totoo naman na maganda ang balat ni Wine kahit nasunog ito sa araw dahil alam naman ni Ellie na may pinapahid si Malic sa balat ni Wine para hindi iyon masira sa araw dahil gala ang anak nito sa kalye.

"Si Wine ang kabaliktaran ni Malic. Langyang lalaking iyon hinayaan ang anak maging dugyot sa katawan." nakangising sabi ni Orion.

"Tumahimik ka nga at baka anong isipin ng anak mo." sabi ni Ellie kay Orion na natatawa pa rin.

"Siguro sumama siya sa babae niya, Uno. Anong petsa na? Wala pa." mahinang sabi ni Elle sa pagong na ikinatahimik nila Orion at Ellie pero ang mga mata ng dalawa ay natatawa sa itsura ni Elle.

"Kamukha mo kapag nagseselos." mahinang sabi ni Ellie kay Orion.

Nasa sofa din kasi si Ellie nakaupo katabi ni Orion habang gumagawa ng papeles nito dahil nasa upuan niya si Elle na kanina pa bumubulong sa pagong.

At ngayon lang nila narinig ang sinasabi ng bunsong anak dahil mukhang mainit na ang ulo nito kaya napapalakas na ang boses.

"Talaga!" nakangising sabi ni Orion kay Ellie, dahil babaeng Valiente nga ang mukha ni Elle pero cute ito sa singkit nitong mga mata kahit morena ang balat nito.

"Sabi niya, madali lang siya. Siguro kiss niya dede nun." inis na sabi ni Elle na ikinatawa ng malakas ni Ellie, na hindi naman ito tiningnan ni Elle dahil mukhang gumawa ng sariling mundo si Elle sa nararamdamang inis nito sa hindi pa pagdating ni Wine.

"Hahaha, lokong bata ito." sabi ni Ellie.

"Mana sayo." sabi ni Orion.

"Hindi kaya, sayo kaya. Hindi naman ako nagseselos." sabi ni Ellie.

"Talaga?" nakangising sabi ni Orion.

"Oo 'no? At saka iyong anak mo parang nakuha sa inyo na may kausap lagi." natawang sabi ni Ellie.

"Hahaha, mas maganda ang ganoon para alam niya ang pagdedesisyon, na kapag ayaw ng isa ibig sabihin may mali." sabi ni Orion.

Ang anak kasi nilang si Autumn ay recently lang nila nalaman na may multiple personality disorder, na bigla na lang nag-appear sa binatang anak. Okay lang naman kay Ellie iyon dahil hindi naman iyon sakit sa utak at may ganoon ang tatay ni Orion na si Ramon na gumaling din naman sa nakalipas na taon.

"Asar Uno! Kapag hindi siya dumating break na kami." inis na umiiyak na sabi ni Elle na ikinatingin nila Orion at Ellie sa isa't isa.

...................

Mango Farm, Ikalawang Bayan

"Ano ba iyang ginagawa mo anak?" tanong ni Malic ng makita sa Farm House si Wine.

Kanina pa ni Malic hinahanap ang anak wala na kasi ito sa dalampasigan kanina sa may private cottages kaya hinanap na niya. At napag-alaman din agad ni Malic mula kay Ion na isinama ito ni Orion sa munisipyo dahil nagwala si Elle.

"Ibibigay ko po kay Elle." nakangiting sabi ni Wine sa amang si Malic.

Napangisi si Malic, nasa likod bahay kasi si Wine kung saan may maliit na bodega na pagawaan ng mga sirang gamit. At ngayon nagmamartilyo si Wine at gumagawa ito ng gawa sa kahoy na stroller.

"Para saan naman iyan?" tanong pa rin ni Malic. Kahit nakita na niya sa gilid ang malaking manika na alam niyang binili ni Wine galing sa ipon nito mula sa baon sa eskuwelahan.

"Binili ko po si Elle sa mall kanina ng manika. Boy at girl.

Tapos po ayoko kasi ng stroller na benebenta sa mall, maliit at nakayuko si Elle kapag nilaro niya. Kaya gumagawa po ako ng stroller na parang totoong baby ang nasa loob dahil nakatayo siya kapag tulak niya po." sabi ni Wine na pawis na pawis na sa kakapukpok sa kahoy.

"Effort talaga?" nakangising sabi ni Malic.

"Lahat gagawin ko kay Elle, tatay. Kahit ang selosa niya." sabi ni Wine.

"Ano bang ginawa niya o mo?" sabi ni Malic sa anak. Na kapag nag-iisa si Wine at may kinakalikot ito kinakausap agad ito ni Malic dahil ayaw niyang maramdaman ni Wine na nag-iisa ito kapag may problema.

"Kanina... haist! biruin niyo kinausap ko lang naman si Layla ng biglang hindi na niya ako kinausap.

Kaya susuyuin ko siya at dapat hindi ako maubusan ng maibibigay sa kanya para hindi niya ako kalimutan." sabi ni Wine kay Malic.

"Hindi malilimutan ng isang tao ang isang bagay o tao kung mahalaga talaga ito sa kanya." sabi ni Malic.

"Ayoko makampante dahil lang mahalaga ako sa kanya ngayon lalo na at lumalaki siya." sabi ni Wine.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Malic sa anak.

"Babantayan ko siya tulad ng pagbabantay niya sa akin. At kapag may lalaking tumabi sa kanya ako naman ang magseselos." sabi ni Wine na ikinatawa ng malakas ni Malic.

"Hahaha, maganda si Elle at darating ang araw aaligid ang lahat sa kanya isama pa na mayaman siya." sabi ni Malic.

"Kukunin ko siya at itatago ko." sabi ni Wine.

"Iyan ang huwag mong gagawin at baka matulad ka kay Orion." sabi ni Malic.

"Joke lang naman iyon, tatay." natawang sabi ni Wine na alam din ang kuwentong magulang ni Elle.

"Joke lang ha. Huwag kang gagawa ng bagay na ikakagalit nila sayo, hayaan mong magustuhan ka ni Elle kung sino ka...

.... parang ako sa nanay mo." sabi ni Malic kay Wine.

"Alam ko naman po iyon. At ipinagdarasal ko po na sana hindi magbago si Elle sa akin..... na kahit minsan hindi ako makahinga sa pagiging spoiled niya." sabi ni Wine.

"Hahaha, bata pa kasi. Hayaan mo lang magsaya." sabi ni Malic.

"Opo." nakangiting sabi ni Wine.

"Oh ayan! Gawa na. Ang galing talaga ng anak ko." sabi ni Malic ng makitang gawa na ang stroller ng manika ni Elle.

"Maganda po ba?" tanong ni Wine sa ama.

"Oo naman. At ang totoo, ako sa ganyang edad mo...

... hindi ko kaya ang ginawa mong stroller. Kaya mas magaling ka pa sa akin." proud na sabi ni Malic sabay yakap kay Wine.

"Salamat tatay. Mana pa rin ako sayo, kasi mabait ka tulad ni nanay." sabi ni Wine kay Malic.

"Hahahaha, akala mo lang iyon na mabait ako. Kung alam mo lang..." natawang sabi ni Malic na ikinangiti ni Wine dahil alam naman ni Wine ang love story ng magulang niya, dahil kinukuwento iyon ng nanay niya sa kanya mula noong bata pa siya bago matulog.

...........................

Munisipyo.

"Onion, si Wine? Hanapin mo na dahil mag-uuwian na." nag-aalalang sabi ni Ellie kay Orion.

"Kaya niya iyan." panatag na sabi ni Orion kay Ellie.

"Aiisssst, alam mong nag-iisang anak lang iyon ni Venus. Kaya hanapin mo na." sabi ni Ellie.

"Okay." sabi ni Orion at ininguso nito si Elle na kanina pa tahimik.

Napatingin si Ellie kay Elle, hindi na nga nagmeryenda ang anak at kahit fresh milk na binili niya hindi nito ininom. Pinalitan na niya ito ng damit at napreskuhan naman ito kaso parang wala nga ito sa mood makipag-usap at nakatingin lang sa pagong na hinihimas nito na kanina pa rin tulog.

"Elle, maghanda na tayo. Uuwi na tayo maya-maya." sabi ni Ellie kay Elle.

"Break na kami kapag hindi siya dumating" sabi ni Elle kay Ellie.

"Baka kasi tinapos nila ang project nila sa school kasi mahalaga iyon anak." masuyong sabi ni Ellie sa bunsong anak.

"Mahalaga din naman ako. Hindi ba ako mahalaga?" sabi ni Elle kay Ellie.

"Mahalaga..." sabi ni Ellie at nilapitan nito si Elle sa upuan nito sa may mesa niya.

Lumuhod si Ellie para maabot ang mukha ni Elle. Hinawakan ni Ellie ang mukha ni Elle at muling nagsalita.

"....pero minsan kailangan mo unahin mo ang priority mo.

Priority ka niya, pero kapag hindi siya nag-aral paano naman ang future niya?" sabi ni Ellie kay Elle.

"Sabi niya babalik siya kaya dapat bumalik siya." sabi ni Elle.

"Sige hintayin natin siya. Tutal may kalahating oras pa tayo bago mag-uwian." sabi ni Ellie na ikinatango ni Elle.

Niyakap ni Ellie ang anak ng biglang tumulo ang luha ni Elle at umiyak ito pero halatang pinipigilan na nito magwala.

"Baka nagalit siya sa akin noong nagwala ako sa buhanginan." umiiyak na sabi ni Elle.

"...baka ang pangit ko habang nagwawala. Sana pala hindi ako gumulong." sabi ni Elle na ikinatawa ng malakas ni Orion kaya tiningnan ng masama ni Ellie si Orion.

"Hahaha, may poise ba dapat kapag nagwawala?" sabi pa ni Orion na ikinaiyak ni Elle pero pigil ang pag-iyak nito kaya tinapunan ng masamang tingin ni Ellie si Orion.

"Elle."

Napatingin si Elle pati na rin sila Orion at Ellie ng bumukas ang pinto ng opisina ni Ellie. Bumungad si Wine na may dalang stroller na ikinabilog ng mga mata ni Elle.

"Effort." nakangising sabi ni Orion ng makita na hindi nabibili sa mall o kahit saan ang stroller na dala ni Wine.

At alam din ni Orion na marunong si Wine sa gawaing panlalaki dahil tinuruan ito ni Malic o di naman kaya pinatuturuan ni Malic sa mga tauhan nito si Wine sa mga simpleng gawaing panlalaki.

"Gawa ko, bati na tayo." sabi ni Wine habang tulak nito ang stroller.

Tumayo si Elle at lumapit sa stroller at napangiti ito ng makita ang dalawang manika, na babae at lalaki.

"Akin ito?" namimilog sa pananabik na sabi ni Elle.

"Oo. Sorry matagal akong dumating. Kasi ginawa ko pa itong stroller tapos pumunta pa ako ng mall para bilhin ang manika." sabi ni Wine.

"Wow! Salamat." sabi ni Elle.

Nilapag ni Elle ang hawak na pagong sa stroller at kinarga ang dalawang manika saka ito niyakap ng mahigpit.

"Kambal talaga?" nakangising sabi ni Orion na ikinatawa ni Ellie na nakuha pa ni Orion magdekuwatro habang nakatingin ng masama kay Wine.

"May isa pang akong regalo." sabi ni Wine.

"Iyan na ang baboy damo." natawang sabi ni Orion na ikinatawa ni Ellie.

"Hahaha, loko ka." natatawang sabi ni Ellie kay Orion, na talagang nagawa pa ni Orion tumayo para makita ang isa pang regalo ni Wine.

"Ano iyon?" tanong ni Elle.

"Sandali." sabi ni Wine.

Lumabas si Wine na ikinangisi ni Orion.

"Langya mukhang malaki, baka giraffe." natatawang sabi ni Orion.

"Elepante." natatawang sabi ni Ellie na ikinatawa ng mag-asawa, habang excited naman na nakaabang si Elle na nakatingin sa pintuan.

Makalipas ng ilang minuto ng pumasok si Wine at bitbit nito ang isang puting kalapati.

"Bumabalik ito kahit pakawalan mo." sabi ni Wine habang hawak nito ang kalapati na nasa hawla nito.

"Talaga?" nakangiting sabi ni Elle.

"Oo, binili ko ito kay Dim." sabi ni Wine.

"Hahaha, mali ang hula ko." natawang sabi ni Orion.

"Ang ganda naman." masayang sabi ni Elle.

Nakalagay ang kalapati sa hawla nito at maganda iyon tingnan dahil makintab ang balahibong puti ng kalapati.

"Bati na tayo?" sabi ni Wine.

"Oo." sabi ni Elle sabay tingin sa mga mata ni Wine.

"...sorry ha." sabi ni Elle na ikinatingin ni Wine at ng mag-asawa kay Elle dahil minsan lang magsorry si Elle.

"Para saan?" tanong ni Wine.

"Sa pagwawala ko. Kasi..." udlot na sabi ni Elle habang nakatitig ito kay Wine ng biglang napaluha si Elle.

"Bakit? Bati na tayo di ba." sabi ni Wine ng makitang lumuha si Elle.

"...kasi ayaw kita makita may kasama. Naiinis ako, di ko mapigilan.

Haisttt!

Ganito na lang.... Puwede bang lagyan kita ng tag sa leeg mo para alam nilang akin ka." sabi ni Elle kay Wine.

"Ano iyan aso na kailangan lagyan ng tag?" sabi ni Orion.

Hinampas ni Ellie si Orion sa sinabi nito na ikinatingin ni Orion kay Ellie.

"Kahit hindi mo naman ako lagyan ng tag sa leeg babalik ako sayo, saka hindi nila ako makukuha kasi iyong tag mo nasa puso ko." sabi ni Wine kay Elle.

"Aiissssst, tinatalo tayo." sabi ni Orion kay Ellie.

"Tumigil ka nga, hayaan mo lang. Ikaw nga hinayaan ka lang nila dady." sabi ni Ellie kay Orion.

"Iba naman tayo, sila bubot pa. Ang sa atin pinahinog ko na, kahit wala ka pa sa mundo." sabi ni Orion.

"Hahaha, bata pa sila. Malay mo hindi rin sila paglaki nila, parang si kuya Ice at Jade." sabi ni Ellie.

"Sabagay kung si Denise nga ang akala natin kay Rain." sabi ni Orion pero napatingin ito kay Wine.

"...pero babantayan ko ang batang iyan." sabi ni Orion kay Ellie.

"Sabi mo iyan ha. Nasa puso ang tag ko. Pero huwag ka ng papayakap." sabi ni Elle kay Wine.

"Oo." sabi ni Wine.

"Ako lang ang yayakapin mo." sabi ni Elle at tumakbo ito kay Wine na hindi nahila ni Orion kaya nayakap ni Elle si Wine ng mahigpit.

"Oo naman. Ikaw lang Elle." nakangiting sabi ni Wine at niyakap nito si Elle.

✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️

May 3, 2021 8.30pm

FifthStreet1883

Good night!

Salamat sa patuloy na pagsubaybay

At pagboto at sa lahat ng komento

Trending as of today 5.3.21

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top