Kabanata 24 : Sensor
"Sir may problema po ba?" tanong ng guard kay Dash.
Napatingin si Dash sa guard at bumalik ang tingin nito kay Muddy na nakayakap sa kanya habang ang mukha nito ay nakasuuksuk sa dibdib niya.
"Kapag ginawa mong isumbong ako, mawawala ako sa University."mahinang sabi ni Muddy kay Dash.
"Kakausapin ko iyong manager niyo." sabi ni Dash sa guard na hindi pinansin si Muddy.
"Okay Sir." sabi ng guard kay Dash.
Napatingin si Muddy kay Dash habang nakayakap ito sa binata.
"Akin na lang, hindi na ako kukuha dito. Basta ibalato mo na lang ito sa akin." sabi ni Muddy kay Dash.
Yumuko si Dash at inilapit nito ang mukha kay Muddy saka muling nagsalita.
"Sasama ka sa akin sa opisina ng manager." sabi ni Dash at hinawakan nito si Muddy na ikinaputla ni Muddy.
"Dash." napaluhang sabi ni Muddy at niyakap nito si Dash.
"Masama ang ginagawa mo." sabi ni Dash.
"Sorry na, hindi ko mapigilan kapag hindi ko ito nakuha. Hindi ako makakakain at magkakasakit ako." naluluhang sabi ni Muddy na ikinatitig ni Dash sa dalaga.
...............
"Ang tagal naman ni Muddy. Ano iyon nalunod sa isang basong tubig." sabi ni Kim kay Ion habang hawak nito ang isang daang piso sa kamay nito.
Napangiti si Wine ng makita ang mukha ni Ion na hindi maipinta habang nakatitig kay Kim. Takot si Ion sa demanda o kahit ang pagtapak sa presinto ay ayaw nito. Makakita nga lang ng pulis ang kaibigan o traffic enforcer naiirita na ito dahil pakiramdam ni Ion sisitahin na ito.
"Ang tagal ni Muddy." sabi ni Kim sabay tingin kay Ion na kanina pa nakatitig sa kanya ng masama.
"....puntahan mo. Tingnan mo kung nasaan na." sabi ni Kim kay Ion na ikinatawa ni Wine.
"Hahaha, pare inuutusan ka." sabi ni Wine kay Ion. Habang sinubuan ni Wine si Elle na nakatingin lang naman kay Wine dahil nag-iisip naman si Elle kung paano nabubuhay si Wine na kaunti ang pera nito.
"Try mo kaya ikaw gumawa at puntahan si Muddy, tutal kaibigan mo iyon." napipikong sabi ni Ion kay Kim.
"Pahingeng isandaan." sabi ni Kim na ikinatiim ng bagang ni Ion sa pagkapikon.
"Binigyan na nga kita, ayan oh nasa palad mo at kanina mo pa hawak." sabi ni Ion kay Kim.
"Iba ito, iyong isandaan na hinihinge ko. Pambili ko ng slice ng cake may nagustuhan ako doon. Mango cake kaso isandaang piso ang presyo. Hindi ko afford kaya pahingeng pera." sabi ni Kim na ikinatawa ni Wine at ikinakunot ng noo ni Ion.
"Ano ako sugar daddy mo?" inis na sabi ni Ion kay Kim.
"Hindi, kasi..." sabi ni Kim sabay hawak sa mukha ni Ion sabay pisil sa pisnge ng binata.
".....ang cute mo para maging sugar dady. Kung gusto mo tayo na lang dalawa pero ililibre mo ako lagi." sabi ni Kim kay Ion.
"Hahaha. Pare instant gf sakto hindi ka pinapansin ni Harmony." sabi ni Wine kay Ion.
Napangisi si Ion at tinitigan nito si Kim sabay hawak sa mukha ni Kim at inilapit iyon sa mukha niya.
"Papayag ako tutal IKAW ang nag-alok, pero babayaran mo ako." nakangising sabi ni Ion kay Kim.
"Sige babayaran kita ng isandaan pero babayaran mo ako ng dalawang daan kada pagkikita natin." nakangiting sabi ni Kim.
"Hahaha." na ikinatawa lalo ni Wine pero nahinto ang pagtawa ni Wine ng tumingin ito kay Elle na nakakunot ang noo habang nakatitig sa kanya.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Wine kay Elle.
"May crush ka sa kanya?" seryosong tanong ni Elle.
"Ha?" kunot noo na tanong ni Wine.
"Masyado kang masaya sa babaeng iyan. Crush mo siya?" sabi ni Elle kay Wine na halatang nagseselos ito.
"Hindi ah." sabi ni Wine na tila nagbago ang awra ni Elle kaya natahimik siya sa pagtawa.
"Grabe ka makatawa sa babaeng iyan. Kaya sure ako crush mo siya." nagseselos na sabi ni Elle.
"Hindi." sabi ni Wine.
"Anong hindi? Nakatitig ako sayo mula ng umupo tayo pero nakatingin ka naman sa kanya at masayang masaya ka kay Kim." inis na sabi ni Elle kay Wine.
Napatingin si Wine kay Kim at Ion na nakatingin kay Elle. Sumenyas pa si Ion na lagot na naman siya.
"Natutuwa kasi ako sa kanilang dalawa." sabi ni Wine kay Elle sabay turo kay Ion at kim.
"Bakit sa akin, hindi ka natutuwa? Ah siguro nga hindi ka natutuwa sa akin, kaya hindi ka makatingin." sabi ni Elle kay Wine.
"Wala naman ako sinasabi." sabi ni Wine na tila sa kanila na ang atensyon at hindi na kay Ion at Kim.
"Hindi mo naman kailangan sabihin kasi nakikita ko naman. May mata ako at kahit maliit ang mata ko nakikita kita." sabi ni Elle kay Wine.
"Aisssst, nagseselos ka na naman." sabi ni Wine kay Elle.
"Oo. At nabubuweset ako kaya bahala ka diyan." sabi ni Elle sabay tayo nito.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Wine kay Elle.
Tiningnan ni Elle si Kim at ngumuso ito na halatang nagseselos nga ito
"Asar, siguro gusto mo siya kasi bagay kayo ... wala kayong pera pareho." inis na sabi ni Elle kay Wine sabay alis nito.
"Uyyy sandali." sabi ni Wine na hindi na nilingon sila Ion at Kim at sinundan na si Elle.
"Ikaw kasi." sabi ni Ion kay Kim.
"Ikaw kaya, kung binibigay mo ang gusto ko sana hindi tatawa ang kaibigan mo." sabi ni Kim.
"Aissst, mukha kang pera." sabi ni Ion.
"Pahinge na ako ng isang daan." sabi ni Kim sabay lapad ng kamay nito sa harap ni Ion na hawak pa rin ang mukha nito.
................
"Dash." sabi ni Muddy kay Dash habang tapos ng kausapin ni Dash ang manager sa opisina ng Ice Cream Resto.
"Sayo na iyan, binayaran ko na." sabi ni Dash kay Muddy.
"Ano?" sabi ni Muddy habang nakalapag sa mesa ng manager ang kinuha niyang kutsara at tinidor.
"Iuwi mo na." seryosong sabi ni Dash.
"Talaga? Akin na ito?" sabi ni Muddy sabay kuha muli sa mg kubyertos.
"Oo." sabi ni Dash at tumayo na ito para lumabas ng opisina ng manager.
Sinundan ni Muddy si Dash at hinawakan ang braso nito.
"Salamat." nakangiting sabi ni Muddy.
Napatingin si Dash kay Muddy at napangisi ito. Kinausap ng binata ang manager ng resto, na sa una hindi ito pumayag sa paghinge ni Muddy ng kubyertos, pero nagpakilala si Dash at pinatawagan niya si Ash sa manager. Kaya sa huli pumayag ang manager ng resto ng makausap nito si Ash.
"Mag-ingat ka sa susunod o di naman kaya.. sana hindi mo na ulitin." sabi ni Dash kay Muddy.
"Oo." sabi ni Muddy at iniwan na siya ni Dash.
.....................
"Bili mo pa ako ng isang ube cake." sabi ni Kim kay Ion ng nasa counter sila at nauto na naman niya si Ion.
"Ang dami naman, sabi mo isang daang piso lang." sabi ni Ion.
"Dali na, para hindi kita awayin." nakangising sabi ni Kim na tila siya may bangko kapag kasama si Ion.
Napatingin si Ion sa mga binili ni Kim isang libo din ang total ng iba't ibang klaseng slice ng cake.
"Oo na, tapos huwag ka ng magpapakita sa akin." sabi ni Ion.
"Hindi naman ako nagpapakita sayo. Ikaw nga ang lumapit kanina sa akin." sabi ni Kim kay Ion.
Napapikit si Ion hindi siya manalo-nalo sa kadaldalan ng babaeng kasama.
"Oo na." sabi ni Ion at bumunot ito ng isang libong piso sa wallet na ikinangiti ni Kim
"Pahinge pang isang daan, pambili ng mango juice." sabi ni Kim ng makitang maraming pera si Ion.
"Aisssst. Bahala ka na nga diyan." sabi ni Ion at naglapag ito ng one thousand one hundred sa counter top at nilayasan si Kim.
"Hahaha, salamat." natawang sabi ni Kim na nakadami siyang kulimbat kay Ion.
"Aisssst." inis na sabi ni Ion habang papalabas ito ng Ice Cream Resto na iyon.
"Lagot ka sa akin, hihinge pa ako sayo." natawang sabi ni Kim sa isip.
...............
Parking
"Elle naman." sabi ni Wine ng maabutan sa parking lot si Elle.
"Ano?" sabi ni Elle.
"Tsk huwag ka na magselos." sabi ni Wine.
"Gusto mo siya?" sabi ni Elle na hindi niya mapigilan magselos kapag may tinitingnan si Wine.
"Hindi." sabi ni Wine pero hindi siya pinansin ni Elle.
"Uuwi na ako." sabi ni Elle.
"Bati na muna tayo dahil ayoko iuwi ka na galit ka sa akin." sabi ni Wine.
"Babaero ka kasi." sabi ni Elle.
Napahawak sa ulo niya si Wine ni hindi na nga siya tumitingin sa ibang babae mula ng makasama niya uli si Elle.
"Ano galit ka sa akin? Nagtitimpi ka ng galit?" sabi ni Elle.
"Aissst, bati na tayo." sabi ni Wine sabay yakap kay Elle.
"Mahal mo si Kim?" tanong ni Elle.
"Hindi," sabi ni Wine.
"Gusto mo siya at masaya ka sa kanya." sabi ni Elle.
"Hindi nga, natatawa lang ako sa KANILA ni ION." diin na sabi ni Wine sabay halik sa labi ni Elle.
Sinuyo ni Wine ang labi ni Elle at ng hindi ito tumugon masuyo niya iyon kinagat.
Napapikit si Elle at kinawit nito ang kamay sa batok ni Wine saka ito gumanti ng halik sa nobyo ng bahagya nitong kagatin ang labi niya.
"Okay na?" tanong ni Wine kay Elle na bumitaw agad ang binata sa halik dahil ayaw niyang bumigay naman si Elle sa halik niya.
"Unti. Okay ng unti at ang unti ng kiss mo. Nakakabitin." sabi ni Elle na ikinatawa ni Wine.
"Hahaha. Mag joyride na lang tayo para mawala ang selos mo." nakangiting sabi ni Wine na ikinangiti ni Elle.
...................
"Saan ka galing?" tanong ni Kim kay Muddy ng bumalik ito sa upuan nila
"Diyan lang." sabi ni Muddy na napatingin sa mesa na puno ng iba't ibang klaseng slice ng cake.
"Bigay sa akin ni Mr Valiente." sabi ni Kim ng makitang nagatingin si Muddy sa mesa nila.
"Kay Ion? "tanong ni Muddy.
"Oo, alangan naman sa ibang Valiente. Eh sa lahat ng Valiente boys si Ion ang madaling mauto." natawang sabi ni Kim.
"Aisssst, loko ka. Baka iniipon lang nun ang binibigay sayo at kapag naningil iyon. Patay ka." sabi ni Muddy na ikinatingin ni Kim sa kanya.
"Ano naman ang hihingin niyang kapalit?" kinabahang sabi ni Kim.
"Mayaman si Ion at ang tipo niya ay hindi nagpapaloko at hindi nagbibigay ng walang kapalit. Karamihan sa kanila ay iniipon ang binibigay sa iba saka ito maniningil ng mahal." sabi ni Muddy.
"Eh ano nga ang hihingin niyang kapalit kung sakali" tanong ni Kim.
"Puri mo. Hahahaha." natawang sabi ni Muddy ng makitang namula si Kim.
"Subukan niya, kagatin ko ang hotdog niya." sabi ni Kim.
"Hahahaha, ang baboy mo." natawang sabi ni Muddy.
"Hahaha, kumain na tayo at marami pang darating na pagkain sigurado iyon." sabi ni Kim kay Muddy,
Samantalang nakatitig lang si Dash kay Muddy habang kasama nito ang kaibigang si Kim.
"Pare alis na tayo."sabi ni Francis kay Dash.
"Sige." sabi ni Dash.
Tumayo ito at muling binalingan ng tingin si Muddy na nakikipagtawanan kay Kim.
.....
May 22, 2021 3.17pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top