Kabanata 23 : Treat
Island Mall
"Muddy halika na, magmeryenda na tayo." nakangiting sabi ni Kim kay Muddy.
"Wala nga akong pera, hahaha ang kulit mo." natatawang sabi ni Muddy sa kaibigan.
"Meron ako, nakadelihensya na naman ako." nakangiting sabi ni Kim.
Tiningnan ni Muddy si Kim, alam niyang marami itong kalokohan pagdating sa pera. Hindi naman malikot ang kamay ni Kim iyon nga lang nang uutak ito sa natipuhan nitong tao na sa alam ni Kim na madaling utakan.
"Kanino naman galing iyan?" tanong ni Muddy.
"Basta, sa malinis na paraan ko ito nakuha. Kaya halika na at kumain. Nagugutom na ako." sabi ni Kim.
"Saan naman tayo kakain?" tanong ni Muddy.
"Sa paborito nating halo-halo resto. Afford natin ngayon iyon may pambili pa tayo ng tinapay." nakangiting sabi ni Kim.
"Sige." nakangiting sabi ni Muddy.
.................
"Nakabili ka?" tanong ni Wine ng makita si Ion na may bitbit ng paper bag na may pangalan ng Island Mall.
"Oo, kaso ang mahal six hundred pesos." nakangising sabi ni Ion.
"Six hundred pesos? Ano iyan hindi nababasag?" gulat na sabi ni Elle kay Ion.
"Aisssst, nakita ko na naman ang kaibigan ni Muddy. At hiningian ako ng three hundred pesos kasi ayaw niya itong ibigay. Tapos siyempre binayaran ko ito na three hundred pesos na halaga sa cashier." sabi ni Ion.
"Hahaha, nautakan ka na naman niya." natatawang sabi ni Wine kay Ion.
"Kaysa naman libo ang magastos ni Mommy sa mga plato niya." sabi ni Ion.
"Namimihasa na ang babaeng iyon, baka kapag hindi ka kumilos gawin ka niyang bangko." sabi ni Elle.
Napatingin si Ion sa pinsan, may point nga ito dahil pangalawang beses na siyang kinuhanan ng pera ni Kim.
"Ingat ka maraming magnanakaw ngayon. At dalawa ang katauhan nila, isang manggagantso at isang palihim magnakaw." sabi ni Elle kay Ion.
..................
Island Creams
"Dito ka muna at oorder na ako." sabi ni Kim.
"Ako na. Nakakahiya naman sayo, umupo ka na lang diyan." sabi ni Muddy kay Kim.
"Okay, mahirap din ang pagkuha ko ng pera." natawang sabi ni Kim na hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na madali niyang naloloko si Ion.
"Relax ka lang diyan." sabi ni Muddy.
Iniwan ni Muddy si Kim sa mesa nila na nakapuwesto sa gilid, na may couch na upuan. Ang paborito nilang upuan ni Kim. Dahil wala naman silang sala sa mga bahay nila kaya sa mall lang sila ng kainan nakakaupo sa ganoon.
Pumunta si Muddy sa counter para umorder ng madaanan niya ang lagayan ng mga utensils. Lumapit si Muddy at napangiti siya ng makita ang design ng kutsara at tinidor ng naturang Ice Cream Resto. Ang hawakan kasi ng kutsara at tinidor ay hugis apa at alam niyang mahal iyon at pinasadya para sa naturang business na iyon. At wala kang makikitang ganoong klase na ipinagbebenta sa mall.
Hinawakan ni Muddy ang kutsara, mahilig talaga siya sa mga gamit sa kusina. At partikular doon ang kutsara, tinidor, baso at plato dahil nasasarapan siyang kumain kapag maganda ang gamit niya kapag kumakain. Isa pa may mga collection siya ng mga kutsara sa bahay nila, iyon nga lang....
"Okay naman siguro kumuha ng isang pares." sabi ni Muddy sa sarili.
Kumuha si Muddy ng tatlong pares ng spoon at fork at inilagay iyon sa tray saka nagtungo sa counter.
..............
"Pare, mag papa-icecream ka ba?" tanong ni Francis kay Dash ng magtungo sila sa isang ice cream resto sa Island Mall.
Madalas si Dash sa El Paradiso at lagi nitong kasama si Francis. Tulad ngayon na nasa Island Mall sila na tila nag-iinspeksyon lang naman si Dash ng mga tauhan dahil wala naman itong ginawa kundi mag-ikot. Kahit nga humawak ng items sa loob ng department store hindi nito ginawa.
"Oo." sabi ni Dash habang nakatingin sa isang babaeng nasa utensils part ng naturang restaurant.
"Okay, basta gusto ko halo-halo na may triple icecream sa ibabaw." sabi ni Francis.
"Sige kahit ano." sabi ni Dash na hindi tinatanggal ang mata sa naturang babae.
Napatingin si Francis kay Dash. Nakilala lang niya ito sa Manila, at naging magkaibigan sila. Niyaya ni Dash si Francis na magtungo ng isla Verde dahil nga sa ginagawang construction site doon kung saan si Francis ang pinalad na napiling head ng Laborers dahil matagal na itong construction worker at humawak na ng malalaking pampublikong construction site sa Manila. Kaya bilang ganti kay Dash, pinili niya ito bilang isa sa tauhan niya na kung tutuusin mukha pa nga siyang alalay ni Dash.
Bukod doon wala ng alam si Francis tungkol sa binata. Mabait naman si Dash katunayan, ang sinasahod nito ay halos ibigay nito sa mga laborers na may mga problema. Wala siyang alam na pamilya ni Dash, pero alam niyang mahirap ito dahil sa isang squatters area siya dinala ni Dash ng buyuin ni Francis na kung saan ang bahay ng binata.
"Umupo ka na, ako na ang oorder." sabi ni Dash kay Francis.
"Okay." sabi ni Francis kay Dash.
Iniwan ni Dash si Francis at pumunta ito sa counter kung saan nakita niyang pumila ang babae.
Pagdating sa counter, pasimpleng tiningnan ni Dash ang tray ng babae tatlong pares ng kutsara at tinidor ang nakalapag doon. Kaya napatingin siya sa upuan nito na nakita niya kanina kung saan ito nanggaling.
"Dalawa lang sila, pero tatlong pares ang kinuha niya." sabi ni Dash sa isip habang nakatingin sa tray ng babae.
"Thank you." sabi ni Muddy ng makaorder ito. Napalingon ito ng may laman na ang tray niya at di sinasadya napadako ang tingin niya sa lalaking nasa ikatlong pila mula sa counter.
Nakasuot ito ng shades at nakasumbrero. Matangkad ang lalaki at maputi ito. Nakasuot ng t-shirt na black at nakamaong na pantalon na may butas sa tuhod. Nakatsinelas lang ang lalaki at kita ang maputing paa nito na tila pangmayaman sa ganda. Dahil mukhang malambot iyon isabay pa na makinis at mamula-mula ang paa ng lalaki.
Nakatingin lang sa harapan si Dash alam niyang tinititigan siya ni Muddy, pero alam din ng binata na marami siyang kamukha kapag ganoon ang style niya manamit. Tipikal na Chinese ang dating niya kaya alam niyang hindi siya makikilala ng dalaga.
"Ang puti naman nito parang babae." napalakas na bulong na sabi ni Muddy bago ito umalis na ikinangiti ni Dash.
Ilang minuto ang lumipas ng makaorder si Dash at pumunta ito sa mesa nila ni Francis.
"Ang mahal nito." sabi ni Francis kay Dash ng makita ni Francis ang presyo ng halo-halo na may tatlong scoop ng ice cream.
"Mura lang iyan, sige kumain lang tayo. Mamaya may bayad na iyan." birong sabi ni Dash kay Francis.
Napatingin si Dash kay Francis, nakilala niya ito sa isang construction site sa Manila kung saan ito ang head ng mga laborers doon, mabait ito at hindi tulad ng ibang head na mayayabang. Inalam ni Dash ang katauhan ni Francis at alam niyang may pamilya na ito pero hiwalay sa asawa may isang anak pero nagsosolo si Francis sa buhay.
Mabait na kaibigan si Francis, ito nga ang tipo ng tao na masikap sa buhay pero nahihirapan umangat. Iyong tipong kayod kalabaw pero hindi dapuan ng suwerte sa buhay. Mga bagay at sitwasyon na nakita ni Dash ngayong nasa ibaba siya ng buhay.
"Aissst, libre mo ito kaya alam kong kusang loob itong ibinigay mo." natawang sabi ni Francis na ikinangiti ni Dash.
Nag-usap pa ang dalawang lalaki pero ang mata ni Dash ay nasa kabilang mesa sa di kalayuan sa kanila ni Francis habang pinagmamasdan si Muddy.
...........
"Wow, ang sarap.' sabi ni Kim kay Muddy kinuha nito ang halo-halo na may isang scoop na icecream saka isang mango pie.
"Napagkasya ko ang three hundred mo." nakangiting sabi ni Muddy
"Alam ko naman na kaya mong pagkasyahin iyon, nanay." birong sabi ni Kim.
Napatingin si Kim sa tray at nagtaka ito dahil tatlo ang pares na kutsara at tinidor na kinuha ni Muddy.
"Kanino iyang isang pares?" tanong ni Kim kay Muddy.
Napangiti si Muddy at kinuha nito ang tissue. Luminga sa paligid at ng makitang malayo sila sa cctv camera at wala naman silang katabing customer, bukod pa diyan busy ang mga empleyado. Agad ipinupulot ni Muddy ang tissue sa isang pares ng kubyertos at dahan-dahan nitong inilagay sa bag nito.
"Uyyyy, baka mahuli ka." sabi ni Kim kay Muddy.
Napangiti si Muddy habang inaayos nito ang nakuha sa loob ng bag, pinulupot niya pa iyon sa panyo niya para hindi makita at inilalim sa bag niya na may kalakihan.
"Hindi iyan. Marami na akong ganito at hindi ko palalagpasin ang collection ko." sabi ni Muddy.
Napatingin si Kim sa kaibigan, ang totoo kleptomaniac talaga si Muddy. At ang madalas nitong puntiryahin ay ang mga kutsara at tinidor sa mall. Naeengganyo kasi si Muddy sa mga hawakan na may iba't ibang design minsan pa nga iyong may kulay.
Sakit na ni Muddy ang pagka klepto nito, at wala naman magagawa si Kim dahil kahit mayaman nagkakaroon ng ganoong klaseng sakit. Iyon nga lang mahirap si Muddy kaya ang pangit tingnan dahil wala naman nagbabayad sa mga kinukuha nito.
"Isauli mo muna kaya, parang kinabahan akong bigla." sabi ni Kim.
Ang totoo ilang beses na niyang nakita si Muddy sa ganoong sitwasyon, at okay lang naman sa kanya pero iba ang pakiramdam ni Kim ngayon na tila may tumadyak sa dibdib niya.
"Hahaha, kinabahan ka kasi..." sabi ni Muddy sabay nguso sa entrance ng Ice Cream Resto.
Napatingin si Kim at nanlaki ang mga mata nito ng makita si Ion kasama sila Wine at Elle.
"Hala, bakit siya nandito?" sabi ni Kim.
"Kasi nanggantso ka." natawang sabi ni Muddy ng sunod-sunod na sumubo si Kim ng ice cream nito.
...............
Napakunot ang noo ni Dash ng makita ang ginawa ni Muddy sa ninakaw nitong kutsara at tinidor.
"Sino bang tinitingnan mo?" tanong ni Francis ng sundan ng tingin ang tinitingnan ni Dash.
"Wala lang." sabi ni Dash pero nakatitig ito sa kamay ni Muddy na tila iyon magalaw na ikinatiim ng bagang niya.
Nang biglang may naalala si Dash na pumasok sa isip niya, isang batang babae na magalaw din ang kamay kapag kausap niya.
"Hindi kaya siya rin ang batang iyon." sabi ni Dash sa isip.
..............
"Bilisan natin." sabi ni Kim kay Muddy.
"Hahaha, mabulunan ka niyan." sabi ni Muddy.
"Hindi iyan." sabi ni Kim habang sunod-sunod na sumubo ito ng halo-halo na nakatingin pa kay Ion.
...................
"Grape Wine, ayoko ng halo-halo." sabi ni Elle kay Wine ng makita ang halo-halo.
Napatingin si Wine kay Elle, nagkaroon ito ng trauma sa halo-halo ng muntikan na itong mabulunan noong first date nila noong mga bata pa sila.
Nasa Ice Cream Resto sila matapos makabili si Ion ng plato ng Mommy nito at dahil mainit ang ulo ni Ion kaya nagyaya ito kumain ng icecream na madalas gawin ng kaibigan kapag bad trip ito sa buhay.
"Oo, ice cream lang ang kakainin nating dalawa." sabi ni Wine sabay yakap sa baywang ni Elle.
"Ayoko din ng mga nuts baka mabulunan uli ako." malambing na sabi ni Elle kay Wine.
"Oo. So anong gusto mo?" masuyong mtanong ni Wine sa nobya.
Tumingin si Elle kay Wine at ngumiti ito.
"Ikaw." nakangiting sabi ni Elle sabay yakap kay Wine habang nakatingala ito sa nobyo.
"Talaga?" nakangiting sabi ni Wine.
"Oo, tapos puwede ka bang lagyan ng Cherry then kakainin ko." kinikilig na sabi ni Elle.
Napatingin si Ion sa magkasintahan, ilang taon na magkasama ang mga ito. Ang akala nga nila lilipas ang lambingan ng dalawa pero mukhang lumalala pa lalo ang kakornihan ng dalawa.
"Inggit siya." napangiting sabi ni Elle kay Wine sabay turo sa pinsang si Ion na nakakunot ang noo sa kanila.
"Hahaha, badtrip iyan. Huwag mo ng inisin at baka hindi tayo ilibre." natatawang sabi ni Wine kay Elle.
"Wala kang pera?" tanong ni Elle kay Wine.
"Wala." nakangiting sabi ni Wine kay Elle.
"Sige palibre tayo. Magbebehave ako." nakangiting sabi ni Elle sabay yakap na may panggigigil kay Wine.
"Aisssst." napailing pa lalo na sabi ni Ion ng magyakapan pa ang matalik na kaibigan at ang pinsan niya sa mismong harapan niya.
Umiwas si Ion ng tingin sa magkasintahan pero sa pagbaling ni Ion ng tingin sa iba nahagip ng mga mata niya ang salarin ng pagkainis niya sa araw na iyon.
"Wine, ikaw munang bahala babayaran kita. Uupo na ako." sabi ni Ion kay Wine.
"Bakit?" sabi ni Wine na sa lahat ng ayaw niya ang makita ni Elle ang wallet niya dahil may laman iyon at hindi siya makakapagkunwaring wala siyang pera.
"Basta, dodoblehin ko ang bayad ko sayo. May gagantihan lang ako." sabi ni Ion at mabilis itong iniwan sila Wine at Elle.
Napatingin si Elle kay Wine ng makita ang inaakalang problemado sa mukha ng nobyo dahil sa pag-aakalang walang pera si Wine na pambayad sa order nila.
"Ako na magbabayad.' sabi ni Elle kay Wine habang nakatitig kay Wine.
Napatingin si Wine kay Elle, iyon naman ang ayaw ng binata ang gumastos si Elle para sa kanilang dalawa kaya napangiti ang binata.
"Ako na." sabi ni Wine.
Nakatingin lang si Elle kay Wine ng pumila sila sa counter. Umorder ang binata ng special icecream at ng magbabayad na ito kinuha ng binata ang wallet nito sa likod ng pantalon.
Nakatingin lang si Elle kay Wine at naawa siya dito ng makita ang lumang wallet ni Wine, sira na iyon at marami ng punit at kulubot.
"Wala siyang pera. Kahit pambili ng wallet wala siya." naaawang sabi ni Elle sa isip habang nakatitig sa wallet ni Wine.
Napangiti si Wine sa isip ng makita ang naaawang mukha ni Elle habang nakatingin sa wallet niya pero ang totoo. Front lang ni Wine ang ganoong wallet at kung titingnan ang loob nun, lilibuhin ang laman nun. Dahil ang suweldo niya sa pagiging working student ay parang hindi naman niya nagagalaw dahil binibigyan siya ng tatay niyang si Malic ng allowance kahit tumatanggi siya.
"Ako na lang magbabayad. Bumili ka na lang ng wallet mo." mahinang sabi ni Elle kay Wine na ayaw naman niya mapahiya ang nobyo.
"Okay lang kakasahod ko lang." sabi ni Wine sabay bigay ng isang libo sa counter.
"Patingin nga ng loob ng wallet mo." sabi ni Elle na ikinatingin ni Wine sa nobya.
"Bakit?" napalunok na sabi ni Wine dahil may cc at dc siya doon at gold card lahat iyon, at kapag nakita ni Elle ang mga cards niya mapagbibintangan siyang sinungaling nito at paniguradong magagalit ang nobya niya.
"Para kasi bibigay na ang wallet mo. Mamahinga na ang wallet mo sa luma." sabi ni Elle.
"Hindi na. Okay na ito." sabi ni Wine.
Hindi naman nagpumilit si Elle sa inaakalang nahihiya si Wine sa kanya at para hindi naman ma-offend ang nobyo kaya hindi na si Elle nagpumilit.
"Okay." sabi ni Elle.
..................
"Makikishare nga ng upuan." sabi ni Ion.
Kahit hindi pa sinasabi nila Kim at Muddy umupo na ito sa mismong tabi ni Kim.
"Bawal diyan." sabi ni Kim kay Ion habang ngumunguya pa ito.
Nakatitig lang si Ion kay Kim hindi kasi matanggap ng binata na naiisahan siya ng dalagitang katabi niya ngayon.
"Bakit bawal?" seryosong sabi ni Ion.
"Pahingeng one hundred pesos." biglang sabi ni Kim kay Ion.
"Hahaha, bakit naman kita ngayon bibigyan?" tanong ni Ion ng nagsisimula na naman manggantso ang babaeng katabi niya.
"Kasi kulang itong ice cream sa halo-halo ko, isang scoop lang." sabi ni Kim na ikinatawa ng lihim ni Muddy.
Makapal ang mukha ni Kim at iyon ang isang nagustuhan ni Muddy sa kaibigan. Dahil kahit makapal ang mukha nito nadadala ng kaibigan. Si Kim nga ang tipo ng taong kahit humihinge na, parang ito pa ang nagbibigay.
"Malaki ang nakuha mo sa akin, kaya bumili ka." sabi ni Ion.
"Naghati kami ni Muddy at kulang iyong binigay mo sa akin. Ang kuripot mo naman kasi, dapat kapag nagbibigay ka sa akin lakihan mo naman." sabi ni Kim na ikinangisi ni Ion at ikinatawa ni Muddy na tila nobyo ni Kim ang hinihingian nito.
"Bakit ko naman gagawin iyon? Wala naman akong responsibilidad sayo?" nakangising sabi ni Ion kay Kim.
"Meron, kasi umupo ka diyan sa tabi ko. Kapag....." udlot na sabi ni Kim at nagulat sila Muddy at Ion ng biglang isalaksak ni Kim ang lahat ng halo-halo sa bunganga nito.
"Oh shit." sabi ni Ion sabay tayo nito at pinagpag ang likod ni Kim kahit hindi pa naman ito nabubulunan.
"Sandali tubig kukuha ako." sabi ni Muddy sabay tayo nito at nagmamadaling kumuha ng tubig.
"Aray. Bastos ka talaga. Kumakain ako." inis na sabi ni Kim sabay hampas kay Ion.
Napatingin si Ion kay Kim, at napangisi ito dahil kahit marami ng nasubo si Kim nakuha pa nitong makapagsalita ng nauunawaan.
"Grabe ang bibig mo 'no? Parang bazooka kahit may lamang bala kumakana." sabi ni Ion.
"Pahingeng isandaan." sabi ni Kim.
"Para saan?" tanong ni Ion
"Sa paghampas at pananakit sa likuran ko. Child abuse iyon." sabi ni Kim.
Ha?" sabi ni Ion.
"Kapag nagsumbong ako sa pulis. Lagot ka kuya, makukulong ka. Di ba bente anyos ka na." sabi ni Kim.
Napatitig si Ion kay Kim, ng mahalatang nagsisimula itong manloko at tinawag pa talag siyang kuya.
"Ano magbibigay ka ng danyos o isusuplong kita sa pananakit sa minor na tulad ko." sabi ni Kim na ikinatitig lang ni Ion sa dalagita.
Samantalang pumunta si Muddy sa kuhanan ng pitsel na agad nakita ni Dash.
"Pare, sandali lang." sabi ni Dash at mabilis itong tumayo at sinundan si Muddy.
Napailing lang si Francis ng makilala ang pupuntahan ni Dash na babae.
"Ano ba iyan? Walang tubig." sabi ni Muddy ng mapatingin ito sa mga basong nakadisplay na puwedeng gamitin sa inuman.
"Ang ganda naman ng basong ito." sabi ni Muddy sa sarili sabay kuha sa baso.
"Bawal iyan kunin." sabi ni Dash na ikinatingin ni Muddy sa nagsalita.
"Ha?" tanong ni Muddy.
"Ang Icecream Resto na ito ay may sensor para sa mga kubyertos o gamit nila. At once na lumabas ka na may kinuha ka, babayaran mo iyon ng triple sa presyo plus may multa ka na, may kulong ka pa." sabi ni Dash habang kumukuha ito sa dispenser ng tubig
Nakatingin si Muddy kay Dash, napangiti siya ng kumuha ito ng tubig. Hindi kasi akalain ni Muddy na dispenser pala ang bahaging iyon ang akala niya lapagan lang ng pitsel at mga baso.
"Makati ba?" seryosong sabi ni Dash kay Muddy tukoy nito sa kamay ni Muddy.
Napatingin si Muddy sa sinabi ng lalaki at tinitigan ito. Nang biglang tanggalin ni Dash ang shades niya na lalong ikinatitig ni Muddy sa binatang kaharap.
"Hi, Run... ay Dash pala." nakangiting sabi ni Muddy.
"Ibalik mo na ang kapirasong bagay na iyan dahil makikita nila ang totoong ikaw. Kahit alam mong hindi mo sinasadya." sabi ni Dash.
"Ha?" sabi ni Muddy.
"Ang pagkatao ng isang tao ay makikita sa iisang bagay na siya mong unang ipinakita sa iba." sabi ni Dash.
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi nga kita maunawaan." sabi ni Muddy kay Dash.
"Okay." sabi ni Dash
Nang biglang nagulat si Muddy ng sanggain siya ni Dash at biglang may nag-alarm na ikinatingin ng guard sa kanilang dalawa.
"Ano iyon?" nagulat na sabi ni Muddy na napahawak sa braso ni Dash.
"Sensor na may ninakaw ka." seryosong sabi ni Dash.
Napatingin si Muddy kay Dash at napalunok ito. Sabay pag iwas ng tingin ng makita ang seryosong mukha ni Dash.
"Wala." sabi ni Muddy.
"Isa pa." sabi ni Dash sabay sanggi kay Muddy kaya may tumunog uli na ikinayakap ni Muddy kay Dash.
"Akin na lang iyon. Collection ko. Parang awa mo na huwag mo akong isumbong dahil siguradong kapag nalaman ng University mawawala ako sa St Therese." naiiyak na sabi ni Muddy.
"Ibalik mo na." seryosong sabi ni Dash.
"Ayoko, hindi ko kaya. Kasi akin na iyon." sabi ni Muddy. Alam ni Muddy na masama iyon pero hindi niya mapigilan at kapag binalik niya hindi siya makakatulog at makakakain.
"Ayaw mo?" sabi ni Dash ng biglang sangiin nito si Muddy na ikinayakap pa lalo ng dalagita kay Dash.
"Babayaran ko na lang. Akin na lang iyon." sabi ni Muddy kay Dash.
"Magnanakaw ka." sabi ni Dash kay Muddy.
Napatingin si Muddy kay Dash nasa mata ng binata ang mapanuring tingin.
"Akin na lang iyon." sabi ni Muddy.
"Hindi mo iyan mailalabas dito." sabi ni Dash kay Muddy.
"Akin na lang." naiiyak na sabi ni Muddy.
.....
May 22, 2021 3.14pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top