Kabanata 22 : Human Bank
St Therese University
"Hi Elle." bungad na bati ng kaklase ni Elle ng makita ang dalagita sa parking lot.
"Hi." nakangiting sabi ni Elle ng kabababa lang nito ng kotse.
"Elle." sabi ni Wine ng bumaba ito mula sa driver's seat kung saan sakay nito si Elle sa kotse niya na naunang bumaba kahit hindi pa ni Wine pinagbubuksan ng pintuan.
"Kaklase ko sa Francis." sabi ni Elle kay Wine.
Tinitigan ni Wine ang lalaki at napangisi ito saka nagsalita.
"Wine, nobyo ni Elle." nakangising sabi ni Wine sa lalaking bumati kay Elle.
"Ah, okay." sabi ni Francis kay Wine.
"Mabait siya, binibigyan niya ako lagi ng chocolates." sabi ni Elle kay Wine sabay nguso kay Francis.
Tinakpan ni Wine ang nguso ni Elle at tinitigan ang nobya.
"Huwag kang ngunguso at baka halikan ka, at huwag ka ng tatanggap ng galing sa iba." sabi ni Wine kay Elle na ikinatawa ni Francis.
"Okay, pero masarap ang chocolate niya. Imported na Belgian and swiss chocolate." sabi ni Elle.
"Ako ang magbibigay sayo ng mas masarap. Katunayan dala ko siya." sabi ni Wine.
"Talaga?" sabi ni Elle na tila nasabik ito makita ang ibibigay ni Wine
Napatingin si Wine kay Francis, nakatayo pa rin ito sa motor nito habang nakatingin kay Elle na halatang hinihintay ng binatilyo ang nobya niya.
"Sandali, huwag kang titingin sa kanya at kukunin ko lang ang chocolates." sabi ni Wine.
"Okay." nakangiting sabi ni Elle habang nakatalikod nga ito kay Francis na ikinangiti ng kaklase ni Elle.
Pumasok muli si Wine sa kotse nito at kinuha ang chocolates. Nang makuha iyon agad nito muling sinara ang pintuan ng kotse at napangiti kay Elle.
"Akin na." nakangiting sabi ni Elle ng lumabas muli ng kotse si Wine.
Inilahad ni Wine ang chocolates at natawa si Francis ng makita ang ibinigay ni Wine
"Hany, nips at Goya." sabi ni Elle ng abutin at basahin ang mga tatak ng chocolates.
"Yes, tatak pinoy. Masarap ito pinoy na pinoy ang lasa." nakangiting sabi ni Wine kay Elle.
"Mura?" tanong ni Elle.
"Kahit mura iyan, ang mahalaga galing sa puso ko at nakatulong ka pa sa kapwa mo pinoy." sabi ni Wine.
"Okay. Sabagay pare-pareho lang naman na chocolates ang bigay mo at bigay niya, pare-parehong nakaka-diabetes." sabi ni Elle sabay tago ng chocolates na bigay ni Wine at ngumiti ito.
"Ayos ba?" nakangiting sabi ni Wine sa nobya.
"Oo, kahit ano pa ang ibigay mo ay tatanggapin ko dahil ang mahalaga galing iyon sa taong mahal ko at mahal ako." nakangiting sabi ni Elle kay Wine.
"I love you." sabi ni Wine sabay yuko nito at halik sa labi ni Elle.
"I love you, too Grape Wine." nakangiting sabi ni Elle sabay tingkayad at siya naman ang humalik kay Wine.
Niyakap ni Elle si Wine at pumikit ito ng magtagpo ang mga labi nila ng nobyo. Tinaas ni Wine ang kamay kay Francis at ng F**c sign ito na ikinangisi ni Francis.
...............
El Paradiso
Island Mall
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Kim kay Muddy ng yayain siya nito sa mall matapos ang klase nila.
"Mag-iikot lang." sabi ni Muddy kay Kim.
"Mag-iikot lang? Manlibre ka naman, ang balita ko top 1 ka na naman sa klase niyo." sabi ni Kim.
"Wala nga akong pera kaya window shopping lang ang gagawin natin at magpapalamig." Natatawang sabi ni Muddy.
"Grabe." sabi ni Kim.
"Hahaha, ganoon talaga minsan kailangan natin utakan ang mga mayayaman. Gamitin natin ang aircon nila and the same time magsaya sa mga nakikita natin na libre." sabi ni Muddy.
"Aisssst, nakakatamad umikot ng mall, lalo na alam mo kahit pagkain hindi mo mabili." napabuntung hiningang sabi ni Kim.
"Matuto ka makuntento kung anong meron ka." natatawang sabi ni Muddy.
"Kahit man lang sana tig sasampung pisong ice cream." sabi ni Kim.
"Wala nga akong pera. Sa Friday pa ang bigayan ng allowance ko. Iyong pera ko naman last week na nakuha, binili ko ng gamot ni nanay." sabi ni Muddy.
"Ganoon ba? Aissst, wala rin kasi akong pera. Ang allowance ko binili ko ng project sa school." sabi ni Kim.
"Kaya nga magtiis tayo kung anong meron lang tayo at iyon ay magkaroon ng mata para mabusog sa nakikita. Hahaha." natawang sabi ni Muddy.
"Okay," sabi ni Kim.
"Doon tayo sa mga plato mag window shopping." sabi ni Muddy.
"Ano ba iyan? Ang daming puwedeng puntahan doon sa mga plato pa." sabi ni Kim.
"Alam mo naman na mahilig ako sa plato." nakangiting sabi ni Muddy.
"Alam ko naman, na para ka ng nanay na ang hilig ay tumingin ng mga gamit sa kusina." sabi ni Kim.
"Hahaha, maganda kasi na kakain ka na maganda ang plato mo. Nakakagana kumain kapag ganoon." sabi ni Muddy.
"Aiissst, sige na nga." sabi ni Kim at pumunta nga ang magkaibigan sa section ng glasswares ng department store.
.................
"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Wine kay Ion ng samahan nito ang kaibigan ng araw na iyon. Kasama din nila si Elle na kumakain ng goya na ibinigay ni Wine kaninang pagpasok nila sa school..
"May pinapahanap si Mommy." sabi ni Ion.
"Ano naman iyon?" sabi ni Wine.
"Nabasag ko kasi ang plato niya at ang gusto niya maghanap ako ng kaparehas nun at dito lang daw niya nabili iyon." sabi ni Ion.
"Hahaha, ano ba iyang mommy mo? Plato lang kailangan may kapalit pa." sabi ni Wine.
"Alam mo naman iyon si Mommy, ang plato niya ay magkakapareho at ayaw niya ng may naiiba. At may bilang iyon ayaw niya ng makukulangan." sabi ni Ion.
"Hahaha, paano kung out of stock na. O di naman kaya lumang design na, na wala na sa merkado." sabi ni Wine.
"Bibili si mommy ng bagong set at kapag bumili iyon pati pitsel, baso, kutsara, tinidor, platito, table knife ay dapat magkakapareho at kapag ganoon magtatanong si daddy kung sino ang may sala. At ayoko naman na ako ang ituro ni mommy kasi panigurado kaltas sa allowance ko iyon." sabi ni Ion.
"Hahaha, ang mommy at daddy mo parang si nanay. Kaso nga lang si nanay naman dapat mabasag muna lahat bago siya bumili ng bago at malas ka kapag sayo ang nabasag kasi kakain ka sa platito." natawang sabi ni Wine.
"Si mommy akala mo lang sa unang tingin ay nagtatapon ng pera pero kung makakasama mo siya mas kuripot pa siya sa nanay mo. Ang pera niya ay hindi niya ginagastos at kay daddy siya humihinge lagi." sabi ni Ion.
"Talaga wala sa mukha ni Tita Athena." sabi ni Wine.
"Ang sabi nga daddy may dolyares iyan si Mommy noong nagtrabaho iyan sa Amerika ng kung ano-ano at hanggang ngayon nasa vault lang ni mommy nakatago." sabi ni Ion.
"Ang utak." sabi ni Wine sabay tingin kay Elle na kanina pa walang imik at kumakain lang ng chocolate na tila nagustuhan naman nito ang lasa dahil iyon ang lagi nitong nilalantakan.
"Oo, kaya bibili na ako ng platong katulad nun." sabi ni Ion.
"Sige, pero hintayin ka namin sa kabilang side ni Elle." sabi ni Wine.
"Okay." sabi ni Ion.
"Bye Ion. Ingat ka baka makabasag ka." sabi ni Elle sa pinsan.
"Okay." nakangiting sabi ni Ion sa pinsan na si Elle na hindi na mahiwalay sa isa't isa ni Wine.
.................
"Kim dito lang ako sa kabila." sabi ni Muddy.
"Sige dito lang ako, alam mo naman na takot ako makabasag." sabi ni Kim.
"Okay." nakangiting sabi ni Muddy at iniwan nito si Kim.
Nagpalinga-linga si Kim, sa lahat ng ayaw niyang puntahan sa department store ay ang section ng glasswares dahil clumsy siya sa mga ganoong bagay. Pero sa paglingon niya nakuha ng atensyon niya ang isang design ng plato at sa kuryusidad niya lumapit siya doon para tingnan.
"Ang cute, ethnic design. Kakaiba ito." sabi ni Kim sa sarili habang tinitingnan ang plato na halatang mamahalin dahil ang desenyo nun ay halatang pinaghirapan isama pa na makapal ang pagkakayari ng plato.
Samantalang kanina pa tinitingnan ni Ion ang mga plato na nadadaanan niya, habang nasa di kalayuan lang sila Wine kung saan mga kubrekama naman ang tinitingnan ng mga ito na nasa katabing section lang ng mga glasswares.
"Aissst, saan ko naman kaya mahahanap iyon?" sabi ni Ion na hinahanap ang kaparehas na plato ng mommy niya.
Napalingon si Kim ng may maramdamang tao na huminto sa tabi niya at sa paglingon niya napangiti ito ng makita si Ion.
"Pssst." nakangiting sitsit ni Kim habang nakaupo ito at tinitingnan ang plato na nasa bandang baba nakadisplay.
Napatingin si Ion sa sumitsit at napangisi ito ng makita si Kim.
"Psst ka rin." nakangising sabi ni Ion.
"Anong hanap mo?" tanong ni Kim.
"Wala ka na doon." nakangisi pa ring sabi ni Ion ng akmang aalis ito ng magsalita si Kim.
"May pera ka ba diyan?" tanong ni Kim na ikinatawa ni Ion.
"Hahaha. Bakit hihingi ka?" nakangising sabi ni Ion.
"Oo, pangmeryenda." nakangiting sabi ni Kim na ikinailing ni Ion.
Hindi niya kilala ang babaeng kaharap ng personal nakilala lang niya ito sa bar ng matapakan nito ang sapatos niya. Madalas naman niya itong makita na kasama ni Muddy pero wala na siyang alam tungkol dito.
"Makapal din ang mukha mo 'no?" mapanuyang sabi ni Ion.
"Oo alam ko naman iyon kaya..... Pahingeng isangdaan piso. One hundred lang." nakangiting sabi ni Kim.
"Hahaha, sa tingin mo bibigyan kita?" mapanuyang sabi ni Ion.
"Oo." nakangiting sabi ni Kim.
Napatitig si Ion kay Kim. Maliit lang din si Kim pero mas maliit si Muddy dito, bata pa ang babaeng kaharap ni Ion na nasa edad labing apat. Pero kung magsalita ito para niyang kasing edad na bente.
Bukod doon bastos, at walang class ang paraan ng pagsasalita ni Kim na parang sa squatters area nakatira.
"Mukha mo." sabi ni Ion.
Tumayo si Kim at tumingala ito kay Ion. Nakatingin lang si Ion sa dalagita at ng ngumiti ito napakunot ang noo ng binata.
"Kapag hindi mo ako binigyan...." sabi ni Kim sabay kuha ng pinggang na nakapa nito kahit nakatalikod ito.
Napatingin si Ion sa platong nadampot ni Kim ng bigla siyang napalunok dahil katulad iyon ng plato ng mommy niya.
"...babasagin ko ito at ituturo kita." sabi ni Kim kay Ion.
"Sandali, akin na ang plato." sabi ni Ion.
"Pahinge munang isang daan piso." sabi ni Kim.
"Aiisssst, hindi sayo ang plato kaya ibigay mo sa akin." sabi ni Ion.
"Bakit ko naman ibibigay sayo?" sabi ni Kim.
"Aiissst, iyan ang hinahanap kong plato. Pero kung ayaw mong ibigay, sayo na at kukuha na lang ako ng iba." sabi ni Ion.
Napatitig si Kim sa plato na nakuha niya iyon ang may ethnic na design at ng tingnan niya ang presyo, mahal iyon sa pangkaraniwang plato.
"Wala ng ganito, last piece na ito." sabi bigla ni Kim.
"Hahaha, ako ba ginagago mo. Imposible iyon." sabi ni Ion.
"Bahala ka, magtanong ka pa." sabi ni Kim.
"Magtatanong talaga ako." nakangising sabi ni Ion.
"Kapag nagtanong ka babasagin ko muna ito. At tandaan mo last piece na ito. Kaya kapag tama ako wala ka ng makukuhang ganitong plato." sabi ni Kim kay Ion.
Napatingin si Ion kay Kim at nanlaki ang mga mata nito ng pumuwesto si Kim na babasagin iyon.
"Sandali, kapag binasag mo iyan. Mahal iyan at wala kang pampabayad." nakangising sabi ni Ion.
"Hindi nga ako ang magbabayad kundi ikaw." sabi ni Kim.
"Paanong ako?" sabi ni Ion.
"Ituturo kita, at maniwala ka paniniwalaan nila ako kasi cute ako at inosente." sabi ni Kim.
"Hahaha. Bahala ka sa buhay mo." tumatawang sabi ni Ion
"Kapag hindi mo ako pinaniwalaan maraming mawawala sayo.
Una, ang pera mo na ipambabayad mo dito na hindi mo naman mapapakinabangan dahil basag na.
Pangalawa, ang pagkakataon na nasa sayo na, pinakawalan mo pa at...
....ang pangatlo mas malaking pera ang mawawala sayo." sabi ni Kim .
"Ang dami mong satsat." maangas na sabi ni Ion.
"Bahala ka." sabi ni Kim.
Napatingin si Ion sa paligid at wala nga siyang makitang katulad nun. Kaya napatingin siya kay Kim.
"Ano? Bibilhin mo na ba itong plato KO sa akin?" sabi ni Kim na kahit hindi sinasabi ni Ion nararamdaman niya na kailangan nito ang plato na hawak niya dahil nasa mukha ng binata ang nais na makakuha ng hawak niyang plato.
"Okay, bibigyan kita ng isang daang piso." sabi ni Ion sabay bunot ng isang daan sa pitaka. Kahit mababaw ang dahilan, pero ang plato na iyon ay isang malaking sagot sa problema niya.
"Three hundred pesos na." sabi ni Kim.
"Ano?" gulat na sabi ni Ion.
"Ang presyo ng plato ay three hundred pesos kaya bilhin mo sa akin." sabi ni Kim.
"Mukha mo. Hindi naman sayo iyan kundi sa mall at hindi mo pa nabibili iyan." sabi ni Ion.
"Sige bibilhin ko pero six hundred na ang price kapag binili mo sa akin." nakangising sabi ni Kim.
"Mukha mo." sabi ni Ion na napailing dahil ang babaeng kaharap niya ay mautak na certified manggagantso.
"Kaya nga mamili ka, bibilhin mo sa akin na hindi ko pa nabibili. O bibilhin mo ng nabili ko na at may 100% pang patong sa,
presyo." sabi ni Kim
Napangisi si Ion, sigurado na siya na manggagantso ang kaharap niya dahil inuutakan siya nito. Isama pa na wala siyang tiwala sa harabas ng pagmumukha ng dalagita, ito ang tipo ng tao na inuutakan ang customer. Mandurugas.
"Ayoko." sabi ni Ion.
"Sige bahala ka." sabi ni Kim sabay dala sa plato.
"Uyyy, saan mo dadalhin iyan." sabi ni Ion ng talikuran siya ni Kim at dalhin ang plato.
"Babayaran ko na." nakangiting sabi ni Kim.
"Asar. Mahal iyan at hindi mo afford." sabi ni Ion.
"Ibebenta ko sa nanay mo o kaya sa tatay mo." nakangising sabi ni Kim.
"Ano?" sabi ni Ion.
"Kilala ko ang tatay mo ang pangulo ng St Therese University at ang nanay mo ay may-ari ng Adira Resto House.
At mukha kasing kailangan mo talaga ang platong ito.
Teka! Huhulaan ko, siguro nabasag mo ang isang plato ng mommy mo tapos kapag hindi ka nakahanap ng katulad ng nabasag mo.
Bibili ang mommy mo ng whole set kung saan mas mahal iyon at panigurado sa daddy mo siya hihinge, na ayaw ng daddy mo. Kasi nga naman isang plato lang ang nawala bakit nga naman whole set ang papalitan niya at bibilhin. Tama ba ako?" sabi ni Kim.
"Aisssst, alam mo ikaw ang daldal mo na manggagantso ka pa." sabi ni Ion.
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo. Mamili ka na... bibilhin mo sa akin o lagot ka sa daddy mo." sabi ni Kim.
"Ang babaw mo." sabi ni Ion.
"Ganoon ang buhay mas mababaw, mas kailangan at mas mahal." sabi ni Kim.
"Sige na.Nakakairita ang kadaldalan mo." sabi ni Ion saka ito bumunot ng tatlong daang piso.
"Kaliwaan tayo." sabi ni Kim.
Napangisi si Ion at nagpalitan sila ni Kim. Ibinigay ni Ion ang pera kay Kim at ibinigay ni Kim ang plato kay Ion.
"Okay na. Magandang transaksiyon ang naganap." nakangiting sabi ni Kim.
"Asar." sabi ni Ion ng makuha ang plato at maibigay ang pera kay Kim.
"Oo nga pala mangungumpisal ako." sabi ni Kim.
"Ano iyon?" sabi ni Ion ng makuha pang ilapat ni Kim ang mga palad na tila nga magdarasal ito para mangumpisal.
"Ang platong iyan ay may basag sa likuran kaya ikaw na ang bahala na solusyunan." sabi ni Kim.
Tiningnan ni Ion ang plato at may lamat nga iyon.
"Nasanggi ko iyan, mabuti na lang makapal kaya hindi tuluyan nabasag at mukhang puwede pa naman iyan gamitin so pakibayaran na lang ang nasira ko." nakangiting sabi ni Kim.
"Asar." sabi ni Ion.
Lumapit si Kim kay Ion at tumingkayad ito na ikinatitig ni Ion kay Kim.
"Alam mo ang cute mo. Kaso kulang ka ng..." sabi ni Kim sabay turo ng bahagya sa noo ni Ion.
"....tamang pag-iisip. Pero okay lang, alam ko naman kasi maganda ako kaya nawawala ka sa ulirat kapag kausap mo ako." sabi ni Kim.
Akmang sasagutin ni Ion si Kim ng hawakan ni Kim ang mukha ng binata at ilapit iyon sa mukha ng dalagita.
"Ang cute mo, salamat sa three hundred pesos at ito ang freebie ko." sabi ni Kim sabay pagdampi ng halik sa labi ni Ion na ikinatitig ni Ion kay Kim.
Napangiti si Kim kay Ion ng ihiwalay nito ang labi sa binata saka muling nagsalita.
"Ang bastos mo, hindi ka man lang tumanggi." galit na sabi ni Kim.
"Ha?" kunot noo na tanong ni Ion.
"Bastos!" galit na sabi ni Kim.
Tumingkayad uli si Kim at inabot ang labi ni Ion sabay kagat sa labi ng binata.
"Aray!" sigaw ni Ion.
Lumayo agad si Kim kay Ion at nagulat ang binata ng pitikin pa ni Kim ang ilong niya saka nagmamadaling naglakad palayo ang dalagita.
"Babay Mr Valiente. Sa uulitin maghanda ka ng mas maraming pera." natawang sabi ni Kim at tumakbo ito at nagkubli sa mga estante para hindi siya habulin ni Ion.
"Aisssst, nakakailan na siya," sabi ni Ion sa sarili habang hawak nito ang labing dumudugo sa kagat ni Kim.
"Hahaha, may pangmeryenda na kami ni Muddy.
Ang utak mo talaga Kim. Madali makakuha ng pera sa lalaking iyon kaya may bangko na ako. Instant Human Bank. Hahahaha." tumatawang sabi ni Kim sa sarili habang naglalakad ito palayo kay Ion.
✍️✍️✍️✍️✍️
May 22, 2021 6.51am
FifthStreet1883
Salamat sa mga bumati sa bebe ko ng HBD, kahapon iyon kaya ngayon ako babawi sa UD.
Busy ako kahapon 🍧🎂🍽🎉🎈
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top