Kabanata 22 : Damian

Island Mall

"Ang init naman." sabi ni Winter sa sarili.

Nasa mall siya ng araw na iyon para tumingin ng design para sa graduation party nila ni Autumn. Busy kasi ang kakambal niya at ang parents nila kaya nagprisinta si Winter na siya na lang ang tumingin at mamili ng design.

"Hay sa wakas nasa loob na rin. Ayoko talaga ng mainit na para akong nasusunog." sabi muli ni Winter sa isip

Nang nasa loob na si Winter ng mall nakita niya ang grupo ng sundalo kung saan ang mga ito nakapuwesto. Madadaanan niya ang mga iyon dahil malapit doon ang pupuntahan niyang party planner. Malayo naman ang ilalakad niya kung iikot pa siya. Kaya kaysa mapagod nagdesisyon si Winter maglakad sa gawing iyon

Mula ng pumasok si Winter sa mall kanina pa sinusundan ng tingin ni Atlas ang dalaga nagsosolo ito at tulad ng dati kampante ito naglalakad na tila pag aari nito ang buong isla

"Pare, pinsan mo." tudyo ng mga sundalo kay Atlas na nakatayo lang at nagmamasid sa paligid.

Papalapit na si Winter at hindi ito tumitingin sa puwesto nila pero si Atlas nakatutok lang ang tingin sa dalaga. Nakasuot si Winter ng fitted jeans at top na blouse na hakab ang korte ng katawan nito

"Pare ang sexy." tudyo pa ng iba kay Atlas.

"Kaya patay na patay si Pareng Atlas maganda na sexy pa. Bukod doon mayaman pa." sabi ng isang sundalo sa mga kasamahang sundalo.

"Nakatingin siya, nakakainis kung makatingin parangmay kasalanan ako." sabi ni Winter sa isip habang pasimpleng iwinestra ang mata nito sa direksyon ng mga sundalo.

"Papalapit na ako, huwag kang titingin Winter at baka masalubond mo ang mga mata niya." sabi ni Winter sa isip habang papalakad patungo sa grupo ng mga sundalo.

Nakatitig lang si Atlas kay Winter nakataas ang noo nito na tila wala nga ito nakikita kaya napangisi si Atlas.

"Nakaka stiff neck naman." sabi ni Winter sa isip dahil nangangawit na ang leeg niya sa posisyon ng leeg niya.

Ilang sandali lang napangisi si Atlas ng makita ang dadaanan ni Winter.

Sa paglalakad ni Winter at sa atensyon nitong hindi mapatingin sa gawi ni Atlas hindi nito nakita ang nasa lapag kaya napasigaw ito.

"Ahhh!" malakas na sigaw ni Winter kasabay ng pagngudngud nito sa tiles ng mall na tila siya batang nadapa sa kalsada habang naglalaro.

"Shit Pare nadapa." gulat na sabi ng mga kasamahan ni Atlas na ikinangisi lang ni Atlas.

Hindi nilapitan ni Atlas si Winter pero nagtaka ito dahil hindi kumikilos ang dalaga kaya naghintay pa siya ng ilang sandali

"Nakakahiya." umiiyak na sabi ni Winter sa isip.

"Pare nahimatay yata" sabi ng kasamahan ni Atlas habang nakatitig lang ito sa dalaga

"Hindi ako tatayo." nahihiyang umiiyak na sabi ni Winter sa isip.

"Pare ako na ang lalapit para tulungan siya."sabi ng kasamahan ni Atlas ng makitang pinagtitinginan na ng mga dumadaan ang dalaga.

Kaunti pa lang naman ang tao sa mall dahil kabubukas pa lang Island Mall ng mga oras na iyon.

"Tatayo na ako tapos tatakbo na ako kahit masakit ang binti ko." umiiyak sa kahihiyan na sabi ni Winter sa isip.

Nagbilang si Winter ng tatlo para makabangon at makabuwelo tumakbo pero sa pagbilang ng dalaga ng tatlo.

Akmang lalapit na si Atlas ng biglang tumayo si Winter at tumakbo ito. Pero sa pagtakbo ni Winter biglang tumigil ang dalaga at muli itong nadapa na ikinagulat ng lahat.

"Ouch." daing na sabi ni Winter ng mapaluhod siya sa sakit ng tuhod at binti niya.

"Shit." sabj ni Atlas at nagmamadali itong pinuntahan si Winter.

"Ang sakit." sabi ni Winter sa isip na hindi lang kahihiyan ang nararamdaman niya kundi ang sakit ng binti, paa at tuhod niya.

"Masakit?" tanong ni Atlas.

Napatingin si Winter at nakita niya ang nakangising mukha ni Atlas kaya lalo siya napaiyak sa kahihiyan.

Nakatitig lang si Atlas ng makita ang sakit na bumalatay sa mukha ni Winter. Umiiyak ito na alam niya na napahiya ito ng lubusan. At akmang tutulungan ito ni Atlas ng biglang tumayo si Winter. Tinalikuran nito si Atlas at naglakad itong paika pero sinundan ni Atlas si Winter at sinabayan maglakad.

"Huwag mo ako sundan. Singaw." sabi ni Winter habang pinipigilan nito umiyak.

"Bakit ka kasi nadapa?" nakangising sabi ni Atlas.

Tiningnan ni Winter si Atlas sabay paghinto nito sa paglalakad. Pinunasan nito ang luha saka ngumiting tumingin kay Atlas.

"After ng graduation ko magpapakasal na ako. May tutulong na sa akin sa oras na madapa ako uli. At sa oras na panonoorin mo ako, may bubuhat na sa akin." napangiting lumuhang sabi ni Winter na ikinatiim ng bagang ng binata.

"Talaga? So tingin mo darating na ang tunay na prinsipe mo?" sabi ni Atlas kay Winter.

"OO. At huwag ka mag alala isa kang Cheung kaya imbitado ka. Magsuot ka ng pormal at huwag ang uniporme mo na para kitang alalay." umiiyak na sabi Winter.

Tinalikuran nito si Atlas pero hinila siya ng binata at nanlaki ang mga mata ni Winter ng marahas siyang halikan ni Atlas, di tulad ng dati nitong paghalik ng masuyo.

Pagkalapat ng labi ni Atlas sa dalaga marahas nito ginalugad ang loob ng bibig nito at halos sakupin nito ang malambot na labi ng dalaga.

Napapikit si Winter sa sakit ng paghalik ni Atlas pero hindi siya nagreact. First time na may humalik sa kanya ng ganoon at pakiramdam ni Winter magsusugat ang labi niya sa ginagawa ng binata. Napaigik pa si Winter ng kagatin ni Atlas ang labi niya kaya napaiyak siya sa sakit.

Tumigil si Atlas ng marinig ang impit na pag iyak ni Winter kaya lumayo ito sa dalaga.

"Dadalo ka sa kasal ko, Singaw at makikita mo magiging masaya ako. Dahil darating na ang lalaking mamahalin ko." lumuluhang pilit na ngiti na sabi ni Winter sabay mabilis ito naglakad palayo sa binata na bumalatay ang galit sa mukha nito.

"Magkakagusto ka rin sa akin at sa araw na iyon, ikaw naman ang maghahabol." tiim bagang na sabi ni Atlas sa isip

...................

Balwarte, Ikalawang Bayan

"Anong kailangan mo at naisipan mo akong dalawin?" tanong ni Ralph ng makita nito si Atlas sa opisina niya ng hapon na iyon.

Napatingin si Atlas kay Ralph Cheung alam niyang sa Balwarte nag-oopisina ang matandang Cheung, dahil mula ng umupo si Orion sa Cheung Hotel para pamahalaan nito ang naturang hotel malimit ng pumunta doon si Ralph.

"Papayag na ako." sabi ni Atlas kay Ralph.

"Saan?" tanong ni Ralph.

"Sa alok mo." sabi ni Atlas pero napatingin ito kay Ralph ng tumawa ito ng malakas.

"Wala na ang alok ko. Tumanggi ka di ba?" sabi ni Ralph kay Atlas.

"Sa paglaho ni Run, alam ko babalik ang alok mo. At pumapayag na ako." sabi ni Atlas.

"Malakas si Run at ang akala ko rin madali lang siya maglaho pero tulad ko siya. Siguro nga paglaho ko dala ng katandaan may maiiwan ako na parang ako rin... si Run.' sabi ni Ralph.

"Alam mong may taning na siya." sabi ni Atlas.

"Oo, pero lumalaban siya at iba siya lumaban." sabi ni Ralph.

"Paano mababalik ang alok mo sa akin?" sabi ni Atlas.

"Tulad ng dati kapag naglaho si Run... iyon ay kung maglalaho nga siya." natawang sabi ni Ralph.

"Hindi mo binigay si Winter sa akin tulad ng napag-usapan. Hindi ba ako puwede umangal sayo dahil hindi ka tumupad sa usapan." sabi ni Atlas.

"Hindi dahil may isa ka pang option ang pakasalan si Chhaya.' sabi ni Ralph.

"Tapos?" sabi ni Atlas.

"Makukuha mo ang Cheung Hotel." sabi ni ralph.

"Iyon lang?" tanong ni Atlas.

"Dati pa man nangako na ako kay Lexa na ipapakasal ko ang magiging apo niya sa isang Cheung. At dahil maaga nawala si Lyn at kinuha naman ni Lyn si Bien kaya hindi ko natupad ang pangako ko. Dumating si Chhaya na kasunod mo kaya iyon ang huling napagkasunduan namin." sabi ni Ralph.

"Bakit hindi si Autumn? Cheung siya di ba at totoong apo mo." sabi ni Atlas.

"Valiente si Autumn at ang gusto ko apelyedong Cheung ang hahawak ng Cheung Hotel." sabi ni Ralph.

"Si Winter, isa siyang Cheung bakit ayaw mong kami na lang." sabi ni Atlas.

"Kasi ayoko pilitin ang apo ko sa bagay na ayaw niya.... At ayaw ka niya.

Sinunod ako ni Winter mula ng pagkabata niya, tulad ni Isaiah na tita niya. At may patakaran ako sa sarili ko lahat ng sumusunod sa akin ay hindi ko pipilitin sa isang bagay na ayaw niya." sabi ni Ralph.

"Pero ipapakasal mo siya sa hindi niya gusto at hindi niya pa nakikita." sabi ni Atlas.

"Tama ka, at tulad ng sinabi ko. Hindi tumanggi si Winter ng may ireto ako sa kanya, ganoon ako kamahal ng apo ko." sabi ni Ralph.

"Tuso ka." sabi ni Atlas.

"Hindi ka mautak Atlas, hindi mo magawang turuan umibig si Winter sayo. Hindi ako salungat sayo kung ikaw ang makakatuluyan ni Winter pero siya mismo ang paulit-ulit na umaayaw sayo." sabi ni Ralph.

"Pareho kayo ng apo mo....mataas, maere." sabi ni Atlas.

"Tama ka. At hindi kami bumababa sa lupa, dahil kayo ang tataas para maabot kami. At iyon ang ginawa ng lahat para abutin ang isang Cheung. Pero ikaw hindi mo kaya umangat para pumantay." sabi ni Ralph.

"Hindi ko na kailangan pumantay dahil hindi ko na siya kailangan." sabi ni Atlas.

"Okay, mukha naman nag-iba ang isip mo. Pero tingin ko nasaktan ka lang at gusto mo pa rin siyang kunin.

Tandaan mo Atlas, makukuha mo siya iyon ay kung gusto mo pa siya at kung hindi na huli ang lahat." sabi ni Ralph.

"Si Chhaya siya na ang kukunin ko." sabi ni Atlas.

"Hahaha, bahala ka. Basta ako nakamasid lang ako." sabi ni Ralph.

"Ihanda mo ang last will of testament mo at ipangalan mo sa akin dahil ang lahat ay binabago ko na." sabi ni Atlas.

"Nakahanda ang papeles ko sa lahat ng oras. Ikaw, nakahanda ka na ba para sa kasal ni Winter sa ikatlong buwan?" sabi ni Ralph na ikinatiim ng bagang ni Atlas.

"Ipapakilala ko siya sa party ng graduation nila ni Autumn at matapos nun, sisimulan na ang pag-aayos sa kasal nila. At sana makadalo ka." sabi ni Ralph.

"Huh!" sabi ni Atlas.

"Magtrabaho ka para makuha mo ang lahat... dahil iyon ang ginagawa ng lahat." sabi ni Ralph kay Atlas.

.................

Weeks later

El Casa, Autumn's Office

"Ano ito?" kunot noo na sabi ni Chhaya ng may makitang ibang envelope sa gamit ni Autumn.

Nasa opisina si Chhaya ni Autumn dahil nasa meeting ang nobyo at kailangan niya ang isang dokumento para sa kliyente na pupuntahan niya ngayong araw.

"Medical result." sabi ni Chhaya sa sarili.

Napatingin muna sa pintuan si Chhaya at ng makitang wala naman papasok sa opisina. Binuksan niya ang envelope at pahapyaw na binasa iyon.

"Medical result ni Run?" sabi Chhaya sa isip sabay mabilis na pahapyaw pang binasa ang ibang report.

"Cancer. May cancer siya, and... oh my God." sabi ni Chhaya.

Nang biglang may marinig ang dalaga na papalapit kaya agad niyang inayos sa pagkakasalansan ang gamit ni Autumn.

Bumukas ang pinto at nagkunwaring nagbabasa sa sofa si Chhaya ng papeles na dala nito.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Autumn kay Chhaya.

"Hinihintay kita, may kukunin akong papeles para sa client.

At mabuti na lang dumating ka. Ahmm natapos ba ng maaga ang meeting?" tanong ni Chhaya.

"May nalimutan lang ako." seryosong sabi ni Autumn at umupo ito sa puwesto nito saka kinuha ang lahat ng folder sa mesa at ipinasok iyon sa vault.

Nakatingin lang si Chhaya kay Autumn, wala itong sinasabi sa kanya na kahit na ano. Kung tutuusin pribado ang buhay ng pamilya nila sa isa't isa.

"Anong papeles ba ang kailangan mo?" tanong ni Autumn.

"Kay Delfin Santiago." sabi ni Chhaya.

Hinanap ni Autumn ang folder na sinasabi ng nobya at agad iyon ibinigay kay Chhaya.

"Halika na, sabay na tayo lumabas.' sabi ni Autumn at pinauna nitong lumabas ng pinto ng opisina niya si Chhaya.

"Okay, salamat." sabi ni Chhaya.

.....................

Atlas House

Weeks later

"Ano ito?" tanong ni Atlas sa lalaking kausap.

"Iyan ang lalaking pakakasalan ni Winter." sabi ng lalaki kay Atlas.

"Damian Salvador." sabi ni Atlas habang tinititigan ang lalaking nasa larawan.

Nasa trenta anyos ang edad, halatang mayaman, guwapo mga katangian hanap ni Winter.

"Damian Salvador ang nagmamay-ari na malalaking lupain sa Isla Traquilo. Siya ang kilalang hari ng isla na hindi makuha ni Rain Cheung." sabi ng lalaki at nagpatuloy ito.

"... kilala ang mga Cheung sa pagbili ng mga lupa na siyang ginawa ng mga ninuno ni Ralph sa unang bayan kaya ang bayan na iyon ay naging sa kanila.

Na siyang gagawin ni Ralph sa isla Traquilo. Ipapakasal niya ang apong si Winter kay Damian Salvador ng sa ganoon Cheung ang hahawak ng kabuuang lupa ng isla.

Alam natin lahat na ng makarating si Jade Gonzalez sa isla na iyon sa pamamagitan ni Venus, sinundan siya doon ni Rain. Nagkainteres si Rain Cheung sa islang iyon hanggang doon sila nanirahan at bumili ng mga lupa sa mga malilit na tao." sabi ng lalaki.

"Ngayon nais ni Ralph na kamkamin lahat iyon kahit matanda na siya sa pamamagitan ng apo niyang si Winter." sabi muli ng lalaki.

"Ang matandang iyon, pinain niya si Winter para sa sarili niyang ambisyon." sabi ni Atlas.

"Tama, pero alam mo na sumusunod si Winter sa lolo niya kaya lahat ng plano ni Ralph ay matutupad at mapapasakanya ang Isla Traquilo sa pamamagitan ng mga apo niya." sabi ng lalaki.

"Naroroon ang bahay ni Leila." sabi ni Atlas.

"Alam mong nanakaw ang titulo ng lupa. At sinabi ko na sayo dati si Autumn ang kumuha ng titulo ng minsan siyang nagawinsa naturang bahay. Nasa kamay niya iyon." sabi ng lalaki.

"Malaking bahagi ng lupa iyon na katumbas na ikaapat na bahagi ng Isla Traquilo." sabi ni Atlas.

"Tama ka uli. Kaya kailangan mo iyon kunin para mapasakamay mo ang lupa na dapat lang na nasa iyo.' sabi ng lalaki.

"Hindi ko iyon makukuha kung na kay Autumn iyon." sabi ni Atlas.

"Si Chhaya." sabi ng lalaki.

"Hindi magagawa ni Chhaya iyon." sabi ni Atlas.

"Magagawa niya iyon, dahil mahal niya ang Mama niya." sabi ng lalaki.

"Mahirap gawin ang iniisip mo." sabi ni Atlas.

"Alam mong matutulungan ka niya." sabi ng lalaki.

"Isa lang ang kailangan ko para tumapak sa lupa si Winter iyon ang makuha ang Cheung Hotel.' sabi ni Atlas.

"Mas makakaganti ka sa dalagang iyon kung kukunin mo ang dokumento ng bahay ni Leila sa isla Traquilo. " sabi ng lalaki.

"Puwede pero tatanungin kita.... Ikaw kailan ka lalabas?" nakangising sabi ni Atlas.

"Kapag nakuha mo na ang Cheung Hotel, ang lupa ni Leila at si Chhaya." sabi ng lalaki.

May 3, 2021 3.00pm

FifthStreet1883

Late... nag grocery ang nanay 😊

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top