Kabanata 20 : Putik
Plagiarism is a CRIME
Do NOT Copy!!!
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
Ikalawang Bayan
"Dito tayo maglalakad sa park na ito. Mag-eehersisyo tayo para healthy ang lifestyle natin at macho tayo paglaki." sabi ni Ash kay Run.
"Langya, sana sinabi mo para naka-jogging pants ako." sabi ni Run kay Ash na kaya pala nagtataka siya at nakasuot ng pang-jogging si Ash. Ang akala ni Run trip lang nito dahil ganoon si Ash kapag nagtrip sa buhay.
"Hahaha, okay na iyang suot mo. Mahilig ka kasi sa pormal attire kulang na lang kurbata." natatawang sabi ni Ash kay Run.
"Asar." sabi ni Run.
"Hahaha. Idaan mo na lang sa pangalan mo.... R U N. RUN!
.... kaya halika na tumakbo na tayo para makarami ng magagandang tanawin na makikita." sabi ni Ash sabay jogging nito.
"Grabe talaga." sabi ni Run sa isip.
Nakasuot kasi si Run ng short na khaki at plain blue t-shirt na tila siya pupunta sa mall. Isama pa na nakasuot siya ng sapatos na white sneakers.
"Bilisan mo Run, para lumakas ka. Nasobrahan ka lang sa lamig kaya ang puti mo masyado." sabi ni Ash habang tumatakbo na ito.
"Hindi ka man lang mag-wawarm up?" sabi ni Run kay Ash.
"Nakapag warm up na ako." sabi ni Ash.
"Talaga naman." sabi ni Run.
"Mag-jogging ka na para naman lumakas ka." sabi ni Ash ng makalayo ito kay Run.
"Oo." sigaw ni Run.
Naiwan si Run ng makita niyang umalis na si Ash at alam niyang ilang oras ito tatakbo.
"Parang binata umasta. Aissst, nagmamadali lumaki." sabi ni Run sa sarili, habang pinagmamasdan ang kapatid mula sa malayo na nakikipag-usap sa mga dalagang nadadaanan nito, na alam niyang technique lang ng kapatid ang pagiging bata nito para makipag-usap sa magagandang babae.
"Maka-jogging na nga ng iwas sakit." nakangising sabi ni Run at nagsimula itong isuot ang headset na lagi niyang dala saka nagjogging.
................
Minutes Later
"Sago gulaman, kikiam, fishball kayo diyan!" sigaw ni Muddy na kanina pa sa initan pero matumal ang benta sa araw na iyon kahit marami naman tao.
"Aiissst, masakit na ang ulo ko. Kung di ko lang kailangan ng pera uuwi na ako." sabi ni Muddy sa isip.
Kanina pa si Muddy nilalamig kahit kasikatan na ng araw ng umagang iyon. Maaga na nga siya pumunta ng park sa ikalawang bayan na siyang dinadayo ng mga turista.
Ang gusto sana ni Muddy pumunta sa unang bayan na mas maraming turista dahil naroroon ang dinadayong pasyalan na kuweba, ang malapalasyong gusali ng mga Valiente at ang Cheung Hotel na kahit may kalaban na sa isla mas marami pa rin na turista na nais pumunta doon.
"Sana naman may bumili Lord ng mga paninda ko, para makauwi na ako." mahinang sabi ni Muddy maka 300 pesos lang siya okay na kaso singkuwenta pa lang yata ang pera niya.
"Aiisssst, mukhang mayayaman kasi ang nagjojoging ngayon mga tipong ayaw kumain ng street foods." sabi ni Muddy.
Napahinto ito sa isang bench ng park sa gitna ng maraming tao para mas makita siya at mapansin ng lahat.
"Habang naghihintay ako na may bumili sa paninda ko, mag-babasa muna ako." sabi ni Muddy.
Kinuha nito ang libro sa lumang bag niya at napangiti pa ito ng makita ang librong paborito niya. Nilagyan pa niya iyon ng plastic cover para hindi masira.
"The Prince and I." nakangiting sabi ni Muddy sa sarili.
Sa di kalayuan napakunot ang noo ni Run sa batang nasa gitna ng park, mainit ang araw at wari'y wala itong pakialam kung nasa katirikan ng araw ito nakaupo. May dala itong side car na bike na malaki para sa batang babae kung saan naroroon ang paninda nitong fishball, kikiam at may gulaman pa.
Nagtaka din si Run dahil ang ganoong edad ay marunong ng mag-operate ng tangke ng gas o kalan kung saan nakasalang ang tinitinda nito. Napalunok si Run sa maaring maging dulot kapag naaksidente ang bata na kung hindi matapunan ng mantika baka masabugan ito ng ganoong uri ng tangke ng lutuan.
"Kilala ko siya." sabi ni Run sa sarili ng titigan pa ang bata.
Napatigil kasi siya sa pagtakbo ng makita ang batang babae, nagbabasa kasi ito ng libro habang nagtitinda.
Marahan na lumakad si Run sa batang babae at ng makalapit siya napangiti ang batang lalaki ng maalala kung saan nakita ang bata, dahil sa boses nito na tila karakter ito sa librong binabasa.
Isama pa na ang binabasa nito ay libro kung saan siya sumingit sa pagbabasa, na kung saan si Run ang bumabasa para sa karakter na lalaki.
"Malinis pa at hindi kusot ang libro, marunong siya mag-alaga ng gamit." sabi ni Run sa isip ng mapansin nan aka plastic cover pa ang libro. Dumungaw siya sa binabasa ng bata at napangiti siya uli ng makita na sa bawat pahina ay nakasulat ang salitang
"Muddy loves the boy at the bookstore.
....Talaga lang ha." napangising sabi ni Run sa isip.
"Tama nga si Ash may makikita ako sa lugar na ito." sabi pa ni Run sa isip.
Hindi siya napapansin ng bata dahil sa malakas na pagbabasa nito kaya pumuwesto siya sa tinda nito at saka kumatok doon.
"Pagbilan." seryosong sabi ni Run pero hindi napansin ng batang babae na malakas na nagbabasa na may arte pa.
"Pagbilan." sabi ni Run pero nanatiling nakayuko ang batang babae.
"Bata, pagbilan!" sigaw ni Run.
Napatingala ang bata at nagulat si Run ng makitang namumula ito kahit morena ang balat ng batang babae. Muli niyang nakita ang mata nito na tila manika dahil ang pilik mata nito ay mahahaba tulad sa magandang manika.
"Ano iyon?" sabi ni Muddy ng makita si Run. Tumayo siya mula sa bench at lumapit sa sidecar niya.
"This one. How much?" seryosong sabi ni Run.
"Inglisero?" mahinang sabi ni Muddy sa isip.
"Two for one peso." sabi ni Muddy ng ituro ni Run ang fishball.
Tiningnan ni Run ang ibang tinda ni Muddy, may bilog na kulay orange at may mahabang brown na napailing pa siya dahil tila iyon parang tae ng maliit na aso.
"Kikiam iyan, mukha lang tae." sabi ni Muddy ng mabasa ang nasa mukha ni Run.
Napakunot ang noo ni Run, ng mabasa ni Muddy ang nasa isip niya.
"Lahat kasi ng mayayaman na tulad mo ang akala nila tae iyan." sabi ni Muddy kay Run.
"Magkano lahat." sabi ni Run kay Muddy.
"Ha?" sabi ni Muddy.
"Hahaha, nagtagalog na nga ako saka mo ako hindi naunawaan." sabi ni Run.
Tinitigan ni Muddy ang batang nasa harapan niya, tsinito ito at matangkad sa edad nito, na pangkaraniwang naman na nakikita niya sa mayayaman. Dahil siguro kompleto ang vitamins ng mga ito kaya madaling tumangkad.
Hindi tulad ni Muddy kakasix lang niya pero maliit siya. Iyon nga lang nagagawa niya ang lahat ng kaya ng mas matanda sa kanya na kahit imposible sa edad niya.
"Ano uli iyon?" sabi ni Muddy.
"Magkano lahat?" tanong ni Run.
"Bibilhin mo?" tanong ni Muddy.
"Oo, para makauwi ka na. Mukhang may sakit ka." sabi ni Run.
"Baka itapon mo lang kapag binili mo. Kasi ayoko ng ganoon. Ang gusto ko kapag bumibili ang tao sa akin masasarapan sila kainin." sabi ni Muddy.
"Ganoon ba?" sabi ni Run na ang totoo hindi siya kumakain ng benebenta nito dahil bawal din sa kanya kahit gustuhin niya kumain kaya napaisip siya sa puwedeng gawin.
"Oo, kasi pagkain din iyan." sabi ni Muddy.
Napatingin si Muddy kay Run habang nakatitig dito. Halatang nag-iisip ang batang nasa harap niya dahil sa pagkunot ng noo nito.
Nang ilang sandali napangiti si Muddy ng masiguro kung sino ang nasa harap niya.
"Hindi muna ako magpapahalatang kilala ko siya." nakangiting sabi ni Muddy sa isip habang titig na titig ito kay Run.
"Ahhhmm." tikhim ni Run ng mapansing nakatitig ang batang babae sa kanya.
"Yes?" nautal na sabi ni Muddy na halatang napahiya ito ng mahuli ang pagtitig niya kay Run.
"Kaunti lang naman ang nasa tray mo. Kung gusto magpapila tayo dito ng mga batang kalye tapos ipamigay natin." sabi ni Run.
"Hindi puwede... kasi baka, kapag nalaman nila kung magkano ang kinikita ko. Iba ang pakahulugan nila sa pagbili mo....ang ibig kong sabihin.." udlot na sabi ni Muddy.
"Nanakawan ka nila.
Kukunin nila ang kinita mo matapos mo sila pakainin? Tama ba?" sabi ni Run.
"Parang ganoon na nga." sabi ni Muddy.
"Ipapahatid kita sa inyo saka, bawal kang magtinda ng ganitong kadelikado dahil bata ka pa at maliit. Puwede kang hulihin at dalhin sa munisipyo." sabi ni Run.
"Huwag mo akong isumbong, wala kasi ako ibang alam na kikitain. Nagtinda na ako ng bananacue kaso mahal ang puhunan sa saging, asukal at mantika isama mon a tin ang stick." sabi ni Muddy.
"Ako ng bahala." sabi ni Run.
"Wala akong ibang mapagkukunan ng pera." sabi ni Muddy
"Trust me, ako ng bahala." sabi ni Run at kinuha nito ang cellphone at may tinawagan ito.
Lumayo ng bahagya si Run kay Muddy kaya hindi nito narinig ang sinasabi ni Run sa kausap.
Ilang minuto rin ng matapos sa pakikipag-usap ni Run ng balingan muli nito si Muddy.
Kumuha si Run ng pera sa pitaka nito at nagulat si Muddy dahil sa ganoong edad marami itong pera at lilibuhin iyon, ng palihim niyang sinilip habang binubuksan ni Run ang pitaka nito.
Napangisi si Run, matalas ang pakiramdam niya at alam niya na nakatingin si Muddy.
"Tatlong libo. Okay na ba iyan?" tanong ni Run.
"Ang laki, limandaan lang ang puhunan ko." sabi ni Muddy.
"Okay na iyan. Kukunin ko lahat ng paninda mo. Tapos may maghahatid sayo sa bahay niyo. May magbibigay sa mga bata ng tinitinda mo para hindi ka nila pag-intresan nakawan." sabi ni Run
"Okay lang bang hindi ako tumanggi?" nahihiyang sabi ni Muddy na ikinatawa ni Run.
Gusto man ni Muddy tumanggi , lulunukin niya ang kahihiyan para makauwi na siya dahil masama na ang pakiramdam niya.
"Hahaha, ayos ang tanong mo. Oo ba." sabi ni Run.
"Salamat. Makakauwi na ako, masakit kasi ang ulo ko." sabi ni Muddy na pilit napangiti kay Run.
"May gamot ka bang iniinom?" tanong ni Run.
"Meron." sabi ni Muddy.
"Okay." sabi ni Run.
"Salamat uli." sabi ni Muddy.
"HIntayin natin ang inutusan ko maghatid sayo at magbigay ng mga paninda mo." sabi ni Run.
"Sige." sabi ni Muddy.
"May mababasa ba diyan sa bag mo habang naghihintay tayo?" sabi ni Run at naupo ito sa bench kung saan nakaupo si Muddy kanina.
"Oo, marami." sabi ni Muddy sabay kuha sa bag ng mga libro nito na ikinangiti ni Run ng makita ang mga binili niya kay Muddy two years ago.
"Hindi niya ba ako nakikilala?" sabi ni Run sa isip ng tila hindi nga siya nakikilala ni Muddy.
.....................
"Aisissst, nasaan na kaya si Run?" sabi ni Ash ng kanina pa siya tumatakbo pero hindi naman pala sumunod si Run.
"Kakaiba talaga, baka nasa lilim na naman iyon ng puno at nagtatago sa initan ng araw." sabi ni Ash sa isip sabay sipa sa bato na nasa sementong pinagtatakbuhan niya
"Aray!"
Napalingon si Ash pero nagulat ito ng biglang may bumato sa kanya.
"Aray ko!" sigaw ni Ash ng tumama ang bato sa braso niya at nagsugat iyon.
"Mabuti nga sayo." sabi ng batang babae.
Napangisi si Ash ng makita ang batang babae at may dala na naman itong bilao na wala ng laman.
"Mukhang magaling ka magbenta, ex." sabi ni Ash sa batang babae.
"Oo naman, kahit ano kaya kong ibenta." sabi ng batang babae
"Mahirap iyan baka sa paglaki mo iba ang ibenta mo." nakangising sabi ni Ash sa babae.
"Ano naman iyon?" sabi ng babae na hindi nakuha ang sinabi ni Ash.
"Wala, bopols ka pala. Ang akala ko alam mo lahat kasi laman ka ng kalsada." sabi ni Ash.
"Maka bopols ka feeling mo ang galing mo." sabi ng batang babae.
"Hahaha, siyempre naman magaling ako." sabi ni Ash.
"Magaling? Ikaw lang ang nagsabi nun sa sarili mo." sabi ng batang babae.
"Ikaw ex porket hiniwalayan kita hindi ka na sweet." maangas na sabi ni Ash.
"Hay naku wala kang sense kausap." sabi ng batang babae at tinalikuran nito si Ash.
"Mas wala kang sense." sigaw ni Ash pero hindi na ito nilingon ng batang babae.
.................
"Kuya Glenn pahatid po siya sa bahay niya tapos itong side car niya padala na lang din. Iyong sinabi ko po kay Papa kayo na po bahala." sabi ni Run kay Glenn ang kanang kamay ni Orion.
"Oo ako na bahala. Nasabi na rin ng Papa mo ang gagawin.' sabi ni Glenn.
"Salamat po." sabi ni Run kay Glenn at napabaling ito ng tingin kay Muddy.
"Salamat uli ha." sabi ni Muddy kay Run.
"Walang anuman. Mag-iingat ka at saka uminom ka ng gamot mo." sabi ni Run.
"Oo. Ang bait mo talaga." sabi ni Muddy.
"Hindi naman." sabi ni Run.
"Oo, Run. Mabait ka, kaya nga hindi kita nakalimutan. Saka pala iyong mga libro na ibinigay mo sa akin sa bookstore nasa bahay pa rin at inaalagaan ko. At iyong iba lagi kong dala kahit saan ako pumunta." sabi ni Muddy.
"Naaalala mo na ako?" nakangiting sabi ni Run kay Muddy.
"Oo, hindi naman kita nalimutan." nakangiting sabi ni Muddy.
"Kalimutan mo ako." sabi ni Run.
"Ha?" sabi ni Muddy.
"Ang sabi ko kalimutan mo ako." sabi ni Run.
"Bakit naman?" tanong ni Muddy.
"Para hindi mo na ako maalala." natawang sabi ni Run.
"Hindi ka naman kalimot-limot. Mabait ka kasi." nakangiting sabi ni Muddy.
"Salamat." nakangiting sabi ni Run.
"Run!" sigaw ni Ash ng makita ang kapatid.
Napatingin si Muddy at Run kay Ash ng papalapit ito.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Ash kay Run.
"Ipapahatid ko siya sa bahay nila, inaayos lang nila kuya Glenn iyon gamit ni Muddy sa van." sabi ni Run.
Tiningnan ni Ash si Muddy at napangisi ito sa nakitang bata. Luma at kupas ang damit ni Muddy, at di tulad ni Wine ang suot ng batang babae ay halatang luma at basahan. Iyong tipong ibinibigay na pinaglumaan.
Isama pa na nadudumihan si Ash sa pagkamorena ng batang kaharap, na di tulad ni Elle na kahit morena, makinis ito at makintab ang balat na halatang mayaman ang kapatid. Pero ang kaharap niya na kausap ni Run ay mukhang dukyot sa paningin niya tulad ng batang nilayasan siya kanina.
"Dumadami ang pulubi sa isla. Pero sabagay ikalawang bayan ito kaya hindi malabong maraming pulubi dito." biglang sabi ni Ash na ikinapula ng mukha ni Muddy dahil nakatingin sa kanya si Ash.
"Ash." sabi ni Run.
"Aissst, iniwan mo ako para tumulong sa dukha. Matagal pa ang eleksyon at matagal pa bago ka kumandidato." sabi ni Ash kay Run.
"Bakit kailangan ba tutulong ka lang kung kakandidato ka? O kaya kung eleksyon?" sabi ni Muddy kay Ash.
"Hahaha, malay ko. Ask yourself." maangas na sabi ni Ash kay Muddy.
"Hindi. Kasi hindi naman ako politician at kakilala kita kaya kita tinulungan. At kung may nangangailangan handa pa rin akong tumulong." sabi ni Run kay Muddy.
"Oo mukha nga. Pero ang kasama mo ay iba ang takbo ng utak." sabi ni Muddy kay Run sabay tingin kay Ash.
"Aba't ang mga batang babae ngayon mga matatabil ang dila. Alam mo bata, nasa tamang kaisipan kasi ako hindi tulad ng kapatid ko at pasalamat ka nasa stage siya na...." sabi ni Ash.
"Aiissst, halika na nga." sabi ni Run kay Ash.
"Babay Run. Thank you uli." sabi ni Muddy na ikinangiti lang ni Run.
"Bakit ba mainit ang ulo mo?" tanong ni Run kay Ash na maglakad sila paalis.
"Iyong ex ko, na marunong magtinda ng biko nilayasan na naman ako habang nagsasalita ako.' sabi ni Ash.
"Hahaha, ex mo na?" natawang sabi ni Run
"Oo." sabi ni Ash
"So dapat magmove on ka na o baka naman type mo pa." natawang sabi ni Run.
"Langya hindi ko type iyon at kalahating araw ko lang naging jowa iyon." sabi ni Ash.
"Naging jowa mo dahil?" tanong ni Run.
"Nang iangkas ko siya sa motor ko." sabi ni Ash.
"Inaangkas mo dahil?" tanong ni Run habang naglalakad sila ni Ash.
"Dahil nadaanan ko siya at hinintuan kasi papunta daw siya ng gubat nun." sabi ni Ash.
"Hinuntuan mo dahil?" nakangising sabi ni Run.
"Aiissst, ako ba niloloko mo?" tanong ni Ash.
"Hindi kita niloloko.
Alam mo Ash hindi mo gagawin ang isang bagay na hindi mo gusto. So ang tingin ko gusto mo iyong babae." sabi ni Run.
"Hahaha, so ikaw gusto mo ang putik na batang tinulungan mo?" sabi ni Ash.
"Oo." nakangiting sabi ni Run at tiningnan nito si Ash.
"Talaga lang ha?" nakangising sabi ni Ash.
"Gusto ko siya at kung bibigyan ako ng pagkakataon... siya ang hahanapin ko para makasama ko." sabi ni Run.
"Hahaha, ewan ko sayo. Sa tingin ko kasi dala lang iyan ng gamot mo kaya nagbabago ang timpla mo." naiiling na sabi ni Ash.
"Tingnan na lang natin." sabi ni Run.
"Huwag mo ng tingnan dahil maraming okay. Ikaw na rin nagsabi magwawalong taong gulang pa lang tayo ka ya maraming mangyayari na mas maganda pa." sabi ni Ash.
Napangiti lang si Run sa sinabi ni Ash.
✍️✍️✍️✍️✍️
May 2, 2021 2.19pm
FifthStreet1883
Hinabaan ko na
Thank you sa mga taong patuloy na sumusubaybay
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top