Kabanata 2 : Heart Broken

Author's NOTE:

Sana magustuhan niyo, comment lang... malaking tulong sa novel... 😊

Ikalawang Bayan, El Paradiso


"Palabas na po sila ng gubat Sir." sabi ni Glenn kay Orion.

Napalingon ang lahat ng makita karga ni Autumn si Elle, puro lupa ang mukha nito na nagputik sa mukha ni Elle. Napakunot pa ang noo ni Orion ng makita ang bunsong anak na nakasuot ng malaking t-shirt at mukha iyon basahan.

Napangisi si Malic ng makita ang anak na nakasuot ng fitted na damit. Nasa likuran ni Autumn ang batang lalaki kasama si Ion at Shadow habang naghaharutan ang mga ito.

Hawak sa kamay ni Autumn ang isa pa niyang anak na si Chhaya habang nakatingin kay Autumn na seryosong kinakausap ang karga nitong bunsong kapatid na hindi naman tumitingin dito.

"Tatay!" sigaw ni Wine ng makita si Malic na naghihintay sa magara nitong sasakyan.

Napatingin ang mga pulis kay Malic at kay Wine, hindi mo kasi aakalain na mag-ama ang dalawa. Bukod kasi sa malinis manamit si Malic, maputi ang balat nito at halatang mayaman. Hindi tulad ni Wine na bukod sa sunog ang balat sa araw, madumi ang damit nito. Isama pa na ang tsinelas nito kumpara sa mga kasama nitong mga bata ay mumurahin lang.

"Bakit ganyan ang suot mo?" seryosong sabi ni Orion kay Elle habang karga ni Autumn sabay baling sa suot ni Wine.

Napatigil ang lahat ng makita ang bumakas na pagkaseryoso sa mukha ni Orion isama pa na kamukha ito ni Autumn kaya dalawang mukha ang nakaka- intimidate tingnan na tila hindi mo hahangarin na titigan ka ng dalawang lalaking magkaharap ngayon.

"Sumagot ka." seryosong sabi ni Autumn sa batang karga na si Elle.

Nakatingin si Elle kay Autumn at tumulo ang luha sa inosenteng mukha nito sabay singhot pabalik ng sipon nito.

"Bakit ang dungis mo?" tanong muli ni Orion kay Elle habang nakatingin lang at lumuluha ang bata.

"Sumagot ka ah." sabi ni Autumn kay Elle.

"Ka...kasi, humiga ako sa lupa." umiiyak na sabi ni Elle.

"Bakit ka humiga?" tanong ni Orion sabay baling kay Chhaya na kasama na naman ni Autumn, na halos hindi maghiwalay ang dalawa sa loob ng mahigit dalawang taon mula ng sabihin ng mga ito na may relasyon ang dalawa.

"Ka....kasi iniwan ako ni Wine. Ayoko iwan." umiiyak na sabi ni Elle na halata ang takot nito kay Orion at Autumn na ngayon ay nakatingin sa kanya.

"Iyong damit mo bakit ganyan?" tanong ni Orion sabay tingin kay Wine at kasama nitong sila Ion at Shadow na umiwas ng mga tingin sa kanya, bukod kay Wine na nakatitig sa kanya sa ginagawa niyang pakikipag-usap kay Elle.

"Ka...kasi...kasi hubad ako." nabubulol na sabi ni Elle.

Napangiti si Aquila, nabubulol ang anak ni Orion kapag nalilito na ito sa isasagot o kapag natatakot na ito.

"Bakit ka naghubad? Kaninong damit iyan?" tanong ni Orion na napalakas ang boses.

"Huwahhhhhh!" malakas na palahaw ni Elle na ikinatingin ng mga sundalo dito kasama sila Atlas at na nakabantay kay Winter.

"Aiisssst, hindi ka titigil." seryosong sabi ni Orion.

Pinigilan ni Elle ang umiyak at sumisigok na ito habang ang mga mata ay hilam sa luhang lumalandas sa pisnge nito.

"Kaninong damit ang suot mo?" tanong ni Orion kay Elle.

"Sa akin." seryosong sabi ni Wine kaya napatingin ang lahat sa batang lalaki.

"Hinuburan mo siya?" tiim bagang na tanong ni Orion kay Wine habang nakatingin lang si Malic sa isasagot ng anak na si Wine.

"Hindi niya ako hubad.... Ako hubad sarili ko." umiiyak na sabi ni Elle na tila bumalik ito sa limang taong gulang magsalita.

"Aiisssst, bakit ka naghubad?" asar na sabi ni Orion at kinuha nito si Elle sa pagkakarga ni Autumn.

"Huwahhhhhh Wine pulis!!!" sigaw ni Elle na ikinatawa ng mga pulis ng magwala si Elle ng kunin ni Orion.

Pero natahimik ang mga ito ng tingnan ni Orion ng matalim ang mga ito.

"Tumigil ka." seryoso sabi ni Orion na ikinatigil ni Elle.

"Basa kasi ang damit niya, kaya nagpalit kami." sabi ni Wine habang nakatingin kay Elle na halos hindi na makahinga sa pag-iyak.

"Nakita mo siya noong naghubad siya?" tanong ni Orion na ikinalunok ni Wine.

"Siyempre nakita niya ako... may mata siya eh." umiiyak na sabi ni Elle na ikinatawa ng mga pulis at mga batang kasamahan ni Autumn.

"Asar." sabi ni Orion at tiningnan nito si Elle.

Hinawakan ni Elle ang bibig para hindi lumabas ang iyak na pinipigilan.

"Uuwi na tayo." sabi ni Orion pero tumingin ito sa paligid.

"Si Ash?" sabi ni Orion kay Glenn.

"Hinahanap na po sa loob ng gubat." sabi ni Glenn.

"Sa ilog siya pumunta tito Orion, kasama si Ciao at saka ng jowa ni Ash." sabi ni Ion na ikinatingin ng grupo ni Orion kay Ion.

"May jowa na si Ash?" tanong ni Aquila sa anak.

"Opo, matangkad na babae. Akala nga namin maliit lang kasi maliit iyong mukha, cute kaso..." sabi ni Ion.

"Kaso?" tanong ni Aquila.

"....break na sila ni Ash, hahaha." natawang sabi ni Shadow.

"Lokong bata iyon." sabi ni Orion.

Napatingin si Orion sa parte ng gubat kung saan puwede lumabas sila Ash.

"Naunahan pa magkajowa si Ciao." natatawang sabi ni Shadow na ikinatingin ng ama nitong si Martein at tiyuhin nitong si Kloud na tatay ni Ciao.

"Ikaw, umuwi ka na. Hinahanap ka na ng lola mo." sabi ni Martein kay Shadow.

"Mamaya na dady kasi titingnan ko pa ang bebot ni Ash, broken hearted iyon ngayon." natatawang sabi ni Shadow.

"Sayang ang ganda pa naman," sabi ni Ion.

"Jowain mo." sabi ni Shadow na ikinatingin ng grupo ni Orion sa isa't isa sa paraan ng pag-uusap ng mga ito.

....................

"Saan ka pupunta?" tanong ni Atlas kay Winter ng lumabas ito ng kotse.

"Sa pamilya ko. Puwede naman siguro makisali sa kanila." iritableng sabi ni Winter.

"Bumalik ka sa loob at baka magkagulo diyan." sabi ni Atlas.

"Hahaha, maraming pulis. Hindi mo nakikita? Bukod sa mga sundalo at pulis. Hindi mo napapansin maraming bodyguard." sabi ni Winter.

"Alam ko, pero armado ang mga pugang rebelde sa kabilang probinsya. At wala magagawa ang mga iyan kapag pinaputukan na." sabi ni Atlas sabay harang sa daraanan ni Winter.

"Hahaha. Ikaw ang dami mong puwedeng gawin. Huwag mong ipokus sa akin ang trabaho mo." inis na sabi ni Winter sabay pasimpleng amoy kay Atlas.

"Amoy pawis." mahinang sabi ni Winter pero napangisi ito dahil humalo ang pabango ni Atlas sa pawis nito na iba ang dating sa kanya.

Inilagay ni Atlas ang dalawang kamay sa gilid ni Winter bilang harang, nakatungkod ito sa kotse kaya napagitna si Winter.

"Lumayo ka, hindi ako makahinga." sabi ni Winter kay Atlas.

Pinagmasdan ni Winter si Atlas, hindi mo maitatangging dugong Cheung ang binata kahit sabihin pa na adopted lang ang lolo nito, ng kapatid ni Ralph Cheung.

Minsan nga nag-iisip si Winter na dugong Cheung talaga ang binata dahil singkit ang mga mata nito at kahit sundalo ito, maputi ang balat ng binata.

Sa mag kasamahan nga ni Atlas, namumukod tangi itong maputi isama pa na mukha itong espiya ng mga tsino.

Napangisi si Atlas ng titigan si Winter, nagkalaman ang dalaga. Hindi naman nagbago ang mukha nito na mas lalo ngang gumanda at kamukhang-kamukha na ito lalo ni Ellie ang ina ni Winter. Tumangkad din ito, makinis, maputi at maganda ang hubog ng katawan. May isa lang na namana nito sa mga Valiente ang pagsasalita nito na may kaangasan.

"Hindi ka puwede lumabas sa kotse mo." sabi ni Atlas.

"Aiisssst, gusto ko pumunta sa Papa ko." inis na sabi ni Winter at siniko nito ang tiyan ni Atlas na ikinangisi lang ng binata.

"Pasok." sabi ni Atlas.

"Naks, hindi ka na nasasaktan mukhang hindi na pamporma ang abs mo." sabi ni Winter at pasimple nitong hinipo ang tiyan ni Atlas na ikinangisi ni Atlas

"Gusto mong tingnan?" tanong ni Atlas.

"Puwede?" nakangiting sabi ni Winter.

"Oo ba." sabi ni Atlas at hinila nito ang uniform pataas.

Tiningnan ni Winter ang tiyan ni Atlas ng biglang magulat ang lahat sa pagtili nito.

"Ahhhhhh! Ang tigas!" tiling sabi ni Winter na ikinalingon ng lahat dito.

"Shhhh, huwag kang maingay." sabi ni Atlas at tinakpan nito si Winter na namumula ang mukha, ng hawakan ang abs niya.

"Isa pa." natatawang sabi ni Winter.

"Bakit gusto mo tingnan?" sabi ni Atlas.

"Ang totoo curious ako sa mga lalaking may pandesal sa tiyan." sabi ni Winter.

"Iyon lang?" tanong ni Atlas.

"Oo." sabi ni Winter.

"Wala ka pa ring nararamdaman?" tanong ni Atlas.

"Wala." natatawang sabi ni Winter at inilagay nito ang kamay sa loob ng pang-itaas na uniform ni Atlas saka hinaplos ang matigas na tiyan ni Atlas.

"Mahal pa rin kita." biglang sabi ni Atlas habang nakatingin kay Winter na nakangiting hinahaplos ang tiyan niya.

Na ang totoo pinipigilan ni Atlas magreact ang katawan niya na kanina pa gustong mag-apoy kay Winter.

"Hindi pa rin kita mahal, hahahaha." natatawang sabi ni Winter na ikinatiim ng bagang ni Atlas.

"Paano mo ako mamahalin?" tanong ni Atlas.

"Siguro nga hindi kita mamahalin o wala ka talagang dating." sabi ni Winter habang nakangiti ito hinahaplos ang tiyan ni Atlas.

"Bakit?" sabi ni Atlas habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Winter.

"Kasi siguro kapag nakikita kita, pakiramdam ko kamag-anak kita.

Una, iyong itsura mo para kang Cheung na ang totoo kahawig mo ang nasa Cheung Museum na ninuno namin doon.

Pangalawa, hindi kita type kasi mahirap ka,

.... pangatlo ayoko sayo kasi wala ako nararamdaman sayo." sabi ni Winter.

"Okay." sabi ni Atlas at hinawakan nito ang kamay ni Winter sabay alis sa loob ng uniform niya.

"Okay?" tanong ni Winter pero hindi na umimik si Atlas.

..........................

Masukal na gubat,
ikalawang Bayan El Paradiso

"Dito ang daan." sabi ni Ciao kay Ash at sa babaeng walang pangalan dahil ayaw naman sabihin ng babae ang pangalan nito.

Tiningnan ni Ash ang babaeng ex jowa na niya, ang totoo nakilala lang niya ito sa daan at naging sila agad kahit hindi pa niya nakukuha ang pangalan nito.

"Dito." sabi ng babae na nauna na sa kanila maglakad.

"Hindi diyan dito." sabi ni Ash pero hindi siya pinansin ng batang babae.

"Sundan natin." sabi ni Ciao sa pinsan.

"Aiissst, kung hayaan na natin siya. Tutal naman hindi ko talaga siya kilala. Sinama ko lang siya." sabi ni Ash pero napatingin ito sa batang babaeng nauna ng naglakad sa kanila,

"Sundan natin, malay mo iyon nga ang daan." sabi ni Ciao.

"Kabisado ko dito." sabi ni Ash.

"Ang babaeng iyon ay mukhang gala, na malamang mas kabisado niya sa gubat.

At hindi mo ba naiisip baka sumama siya sayo dahil alam niyang sa gubat tayo pupunta na malamang gagala rin siya...

...at ikaw ang naging daan para makasakay sa motor papuntang gubat." sabi ni Ciao.

"Ginamit niya ako?" namimilog na mata na,sabi ni Ash.

"Puwede. Mukha naman mas may isip siya kumpara sayo." natawang sabi ni Ciao.

"Ginamit niya ako? Lagot siya sa akin." sabi ni Ash at sinundan nito ang batang babae.

Mabilis na naglakad sila Ciao at Ash at ng maabutan ang batang babae hinawakan ito ni Ash.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Ash.

"Hahahaha" natawang sabi ni Ciao ng mahinuha na hindi nga kilala ng pinsan ang babaeng ex jowa nito.

"Alaw...." nakangising sabi ng babae.

"Alaw?" tanong ni Ash.

"Alaw.... Wala." nakangising sabi ng babae at piniksi nito ang kamay na hawak ni Ash saka ito naglakad.

"Sandali, ginamit mo ako?" inis na sabi ni Ash sa batang babae.

"Hahahahaha." napatawang sabi muli ni Ciao na talagang si Ash pa ang may ganang magalit matapos nitong ihulog sa waterfalls ang babae at hiwalayan ng ganoon kadali.

Luamapit ang batang babae kay Ash. Matangkad ito kaya bahagyang nakataas ang ulo ni Ash na isa sa kinaasaran niya, ang tumingala sa iba.

"Magpatangkad ka muna, mukhang bansot ka pa rin mula ng huli tayong nagkita." sabi ng batang babae kay Ash.

"Loko ka ha, suntukan na lang tayo." sabi ni Ash sa babae.

"Hahahaha, tama na iyan." natatawang awat ni Ciao. Na iba talaga ang mga pinsan niya na kung titingnan siya lang yata ang matino.

"Uuwi na ako." sabi ng batang babae.

Mabilis itong maglakad at iniwan sila Ash pero ilang segundo lang ng may nakita ito ng grupo ng mga lalaki kaya napabalik ito.

"Namiss mo ako?" nakangising sabi ni Ash sa babae.

"Nandito nga sila." sabi ng babae,

"Sino?" tanong ni Ciao.

"Iyong mga rebelde na puga. May mga baril sila.

Shit ayokong mahostage. Wala akong pera, baka magahasa ako o di kaya, pugutan ako ng ulo." sabi ng babae na halata ang takot sa mukha nito.

"Dito tayo." sabi ni Ash.

"Hindi ko alam ang lugar na ito, kung isla Verde lang ito kabisado ko pero Paradiso ito." sabi ni Ciao.

"Alam ko ang lugar, dahil tinuro ni Papa sa akin ang pasikot-sikot sa El Paradiso. Kaya dito tayo." sabi ni Ash.

Napasunod ang batang babae kala Ash at ng tumakbo ang mga ito tumakbo rin siya.

...................

Minutes later

"Wala pa ba sila?" tanong ni Orion kay Glenn.

"Wala pa Sir," sabi ni Glenn.

"Sir, may namataan na rebelde sa gawing gitna ng gubat." sabi ng isang pulis.

"Si Ciao, kunin niyo muna baka mamatay ang anak ko doon." kinakabahang sabi ni Kloud at napatingin ito kay Orion na seryoso lang na nakatingin sa gubat

"Papa!" sigaw ni Ash ng makalabas ang mga ito. Agad sinalubong ng mga pulis ang tatlong bata.

"Aiisssst, sabi ko huwag kang tatakas sa school." sabi ni Kloud kay Ciao.

Napatingin lang si Ciao sa mga pinsan nito na nagyaya sa kanya at napangiti sa ama. Hindi naman siya pinapagalitan nito dahil ito ang nagdesisyon na sa El Paradiso sila tumira.

"Sino siya?" tanong ni Orion kay Ash ng makita ang batang babae na humihingal.

"Ex ko." sabi ni Ash na ikinatawa ng grupo ni Orion.

"Naks may jowa na." natatawang sabi ni Malic.

"Ex ko po." diin na sabi ni Ash na lalo ikinatawa ng lahat.

Napangisi ang batang babae at tinalikuran nito ang mga nagtatawanang mayayaman na kilala sa isla.

Napatingin lang si Orion sa bata, matangkad ito at mahaba ang legs sa edad nito. Pero halata sa mukhang kaedaran lang ito ni Ash.

"Uwi na." sabi ni Elle kay Orion ng humikab ito.

Tiningnan ni Orion si Elle na umiwas ng tingin. Kakatigil lang nito umiyak dahil sa pagod. Madungis ang mukha nito na pinagsamang lupa at luha nito na ayaw naman magpapunas.

"Bye Elle." sabi ni Wine kay Elle na ikinangiti ng batang babae pero naudlot ang ngiti nito ng tumingin kay Orion na nakatitig pa rin sa kanya.

"Bye Cheesecake." nakangiting sabi ni Wine na pilit na kinakausap si Elle.

Napatingin ang lahat kay Wine sa sinabi nito. Kanina pa si Wine sa likuran ni Orion para tingnan si Elle na tahimik na habang karga ni Orion.

"Babay Wine, kiss." ngusong sabi ni Elle na ikinatawa ng lahat.

Ngumuso rin si Wine at sabay ang dalawa nag kiss sa hangin sabay ngiti ni Elle at Wine at ikinatawa ng lahat.


April 26, 202110.09am

FifthStreet1883

Module at online class na naman ang mga babies ko bagets

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top