Kabanata 18 : Selos
Days later
Island Mall
"Sandali lang." sabi ni Winter sa kasamang lalaki.
Lumingon si Winter sa paligid ng makitang walang tao saka nito hinawakan sa kamay ang lalaking inireto ng mga pinsan sa kanya.
"Clear." nakangiting sabi ni Winter sa lalaki.
Nasa Island mall si Winter ng araw na iyon para sana makipag date kay Jonas ang lalaking inireto ng mga pinsan niya kapalit ng pagtanggal ng code sa cellphone na napulot ni Blaze.
"Saan mo gusto pumunta?" tanong ng lalaki kay Winter.
"Sa..." udlot na sabi ni Winter ng makita niya si Atlas na kasama ang mga kasamahan nitong lalaki kaya nagmamadaling tinulak ni Winter ang lalaking ka-date at agad itong nagkubli sa mga gilid ng isang kilalang fast food chain ng mall na iyon.
"Pare jowa mo." sabi ng isang lalaki kay Atlas na ikinangiti ni Atlas ng makitang nag-iisa si Winter na nakatayo ng gilid ng isang kainan.
Pero ilang sandali pa ng makita ni Atlas ang isang lalaking hinawakan si Winter pero agad iyon tinulak ni Winter.
"Sandali lang." tiim bagang na sabi ni Atlas at agad nitong pinuntahan si Winter at ang lalaki.
"Ano ba lumayo ka muna." sabi ni Winter kay Jonas ng hawakan siya nito.
"Ano bang pakulo o gimik ang ginagawa mo?" sabi ni Jonas kay Winter.
"Hindi ito gimik, lumayo ka muna. Tapos mamaya mag date na tayo" sabi ni Winter kay Jonas pero hindi nakinig ang lalaki kay Winter.
"Bakit?" sabi ni Jonas.
"Kasi may nobyo siya." galit na sabi ni Atlas sabay tulak kay Jonas.
"Atlas, hi." sabi ni Winter at niyakap nito si Atlas.
"Huh! Nobyo mo." sabi ni Jonas.
"Hindi. Pinsan ko siya." sabi ni Winter na ikinatiim ng bagang ni Atlas.
"...Cheung." nakangiting sabi ni Winter sabay turo sa apelyedo ni Atlas na nasa uniporme nito.
"Hahaha, pinsan." sabi ni Jonas sabay lahad ng kamay kay Atlas.
"Aiissst, bakit kasi ito lang ang mall sa islang ito." sabi ni Winter sa isip ng makita ang tinitimping galit sa mukha ni Atlas.
"Umalis ka na." sabi ni Atlas kay Jonas.
"Ide-date ko lang si Winter. Mga pinsan din kasi niya ang nagreto sa aming dalawa. Baka mag-click kami." sabi ni Jonas kay Atlas.
"Ayaw mo umalis?" pigil sa galit na sabi ni Atlas kay Jonas
"Aalis na siya." sabi ni Winter sabay hila kay Atlas palayo kay Jonas.
HInatak ni Winter si Atlas at iginiya ito escalator papataas ng ikalawang palapag ng mall. Nang nasa taas na ang dalawa hinawakan ni Atlas ang braso ni Winter na ikinatingin ni Winter sa binata.
"Nakikipag date ka na naman?" pigil sa galit na sabi ni Atlas.
"Hindi. Ang totoo niyan bayad nila Heaven iyon sa pagtulong ko sa kanila." sabi ni Winter.
"Ang gandang bayad? Date talaga?" mapanuyang sabi ni Atlas sa dalaga.
"Atlas, pagbigyan mo na ako. Dalawang buwan na lang ipapakilala na ni lolo Ralph ang mapapangasawa ko." sabi ni Winter kay Atlas.
"Aray!" biglang sabi ni Winter ng higpitan ni Atlas ang pagkakahawak sa braso niya.
"Ayoko. At hindi ka magpapakasal sa iba." sabi ni Atlas kay Winter.
"Atlas, dalawang buwan na lang. Mag-aasawa na ako at ayokong bigyan ng sama ng loob si lolo." sabi ni Winter.
"Kakausapin ko siya, dahil hindi ako papayag.' sabi ni Atlas.
"Nasa bansa na siya. Matanda na siya Atlas, huwag mo na siyang guluhin. Ayoko naman na iisipin pa niya kaming mga apo niya sa tuhod. Marami na siyang naging problema sa pamilya ko. Huwag ka ng dumagdag." sabi ni Winter.
"Bakit hindi mo ako ipaglaban? Bakit naman ang mama mo napaglaban niya ang papa mo?" sabi ni Atlas.
"Iba sila... ako kasi.. ahhmmm." sabi ni Winter.
"Wala kang nararamdaman sa akin? Tama ba ako? Kaya ayaw mo rin sabihin sa lolo mo." sabi ni Atlas kay Winter.
"Sa wala akong nararamdaman sayo. Anong magagawa ko? Kaya susundin ko na lang si lolo Ralph para hindi na siya malungkot. Kumbaga doon na ako sa ikasisiya ng lolo ko." sabi ni Winter ng higpitan ni Atlas ang pagkakahawak pa lalo sa braso niya.
"Aray ko naman." naiiyak na sabi ni Winter kay Atlas.
"Mas naiisip mo ang lolo mo, kaysa sa nararamdaman ko." sabi ni Atlas.
"Bakit madali na ba ang buhay mo? Si lolo nasa katandaan na iyon.' sabi ni Winter ng bigla napaigik sa lalong paghigpit ng kamay ni Atlas sa braso niya.
"Masakit na." sabi ni Winter kay Atlas.
"Nasasaktan din ako eh. Bakit hindi mo maramdaman?" sabi ni Atlas kay Winter.
"Kasi mas mahal ko ang lolo ko." mahinang sabi ni Winter na ikinaigik nito ng halos mabali ang braso niya sa pagkakahawak ni Atlas.
"Hindi kita mahal, at hindi ko naman kasalanan kung wala talaga akong nararamdaman sayo." sabi ni Winter na bigla itong napaluha sa sakit ng pagkakahawak ni Atlas sa braso niya.
Napatitig si Atlas kay Winter ng lumandas ang luha sa mga mata ito.
"Tingin mo magiging masaya ka sa taong pakakasalan mo?" tanong ni Atlas habang nakatitig sa mukha ni Winter.
"Hindi ko sure... basta ang sigurado ko mapapasaya ko ang lolo ko... ang pamilya at makukuha ni Run ang lahat. Not bad, kung para sa kaligayahan ng pamilya ko.
Masama ba ako kung naging mabuti akong apo, anak at kapatid?" sabi ni Winter kay Atlas.
"Pagsisisihan mo ito." sabi ni Atlas.
"Atlas." sabi ni Winter ng bitawan siya ni Atlas.
"Pinakawalan ko ang lahat para sayo. Pero itatapon mo rin pala ako.' sabi ni Atlas.
"Hindi kita tinapon kasi hindi naman tayo." sabi ni Winter.
"Okay, alam ko naman iyon." sabi ni Atlas.
Tinlikuran ni Atlas si Winter pero hinabol ito ni Winter at niyakap patalikod.
"Pinsan, huwag ka ng magalit. Hayaan mo sasaya ka rin sa iba. At salamat dahil sayo naudlot ang lahat ng dapat mangyari." sabi ni Winter.
"Tama, sasaya din ako." sabi ni Atlas at inalis nito ang kamay ni Winter saka nito iniwan ang dalaga.
"Malilimutan mo rin ako, tulad ng ibang lalaking nahumaling sa ganda ko.... Pinsan." sabi ni Winter sabay tingin sa braso niyang namumula.
"Aisssst, masakit iyon.' sabi ni Winter sabay haplos sa braso nito.
....................
Rod's Cottage
"Lolo." sabi ni Elle sabay yakap kay Ralph na nasa wheelchair
"Kamusta apo?" sabi ni Ralph kay Elle.
"Mabuti po. Gusto mo po ng gatas?" tanong ni Elle sa lolo nito.
"Kakainom ko lang."nakangiting sabi ni Ralph.
Nasa private cottages ng araw na iyon ang mga anak ni Orion at ganoon din ang mga kaibigan nito na nakagawian ng naroroon kapag holiday.
"Ikaw po lola? Gusto mo po ng gatas?" tanong ni Elle kay Menchie na nasa wheelchair na rin.
"Nakainom na rin ako." sabi ni Menchi sa apo.
"Okay po ba kayo dito? Hindi po ba mainit?" tanong ni Elle.
"Hindi naman." sabi ni Menchi kay Elle.
"Mabuti naman. Puwede po ba maglalaro lang ako. Maiiwan ko muna kayo?" tanong ni Elle.
Napangiti si Ralph at Menchie sa bunsong apo dahil naroroon naman sila Rod at Ella at nagawa pang magdalawang isip ng bata kung iiwan ba sila nito.
"O sige apo. Maglaro ka muna." sabi ni Ralph kay Elle.
"Okay, huwag kayong tatayo kasi lalagutok ang mga tuhod niyo at madadapa po kayo.' sabi ni Elle.
"Hahaha, oo naman." sabi ni Menchie.
"Okay, babay." sabi ni Elle at tumakbo ito palabas ng cottage ni Rod.
...................
Dalampasigan
"Wine dito." sigaw ng mga kaibigan nito habang nagtatakbuhan ang mga ito sa buhanginan malapit sa dalampasigan.
"Wine, chicks." sigaw ni Rhythm ng makita ang papalapit na mga babae.
Agad na humiga sila Wine, Ion at Shadow sa buhanginan na sakto sa pagdaan ng mga babaeng nakaswimusit.
"Ang kinis ng kuyukot." tumatawang sabi ni Shadow na ikinatawa ng mga kaibigan nito.
"Isa pa." sabi ni Ion ng makita ang paparaan na mga babae.
Agad umusog ang mga ito at nagkunwaring natutulog sa pagdaan ng mga babae.
"Grabe ang tambok." tumatawang sabi ni Ion na ikinatawa ng mga ito.
"Hahaha, mas maganda sa side na ito," sabi ni Wine at umusog ito ng may papadaan na babae.
Nakatingin lang ang mga kaibigan ni Wine sa gaagwin nito. At saktong nasa harap na ni Wine ang babae ng ilatag niya ang mga paa na ikinatalisod ng dalaga at sakto iyon sa katawan ni Wine bumagsak.
"Walastik ang galing mag-isip." sabi ni Rhythm ng saktong mahawakan ni Wine ang dibdib ng dalaga habang nakalantad ang makikinis at mapuputi nitong mga hita na pasimpleng hinawakan ni Wine ng tulungan ito tumayo.
"Grabe tsansing." sabi ni Shadow sa ginawa ni Wine.
"Okay ka lang?" tanong ni Wine sa babae.
"Okay lang ako. Eh ikaw?" tanong ng dalaga kay Wine sabay haplos ng buhok ni Wine na may buhangin.
Napangisi si Wine at humiyaw ang mga kaibigan nito sa ginawa ng babae dito. Nakuha pa ni Wine magthumbs up sa likuran kung nasaan ang mga kaibigan nito na ikinahiyaw ng mga batang lalaki.
"Okay lang." sabi ni Wine sa babae.
"Kung wala ka diyan baka sa buhangin ako nadapa. Masakit iyon at baka nasugatan pa ako." sabi ng babae.
"Ah ganoon ba. So ang suwerte mo pala." sabi ni Wine sa babae.
"Wine."
Napatingin si Wine at mga kaibigan nito ng marinig si Elle.
"Hello, cheesecake." nakangiting sabi ni Wine at iniwan nito ang babae.
"Kapatid mo?" tanong ng babae kay Wine.
"Nobya niya ako." nanlalaking mata na sabi ni Elle na ikinatawa ng mga kaibigan ni Wine at ikinangisi nito
Nakuha pa ni Elle mamaywang at itaas ang mukha sa babae na ikinangiti ng babae dahil ang cute ni Elle habang ginagawa iyon.
"Talaga nobya ka niya? Ilang taon na ba kayo magkasintahan?" nakangiting sabi ng babae kay Elle.
"Oo nobya niya ako at mag..." udlot na sabi ni Elle sabay pikit nito.
"Ano?" natatawang sabi ng babae ng pumikit pa si Elle.
"Ganito na kami." sabi ni Elle sabay lahad ng daliri nito na dalawa na ikinatawa ng mga kaibigan ni Wine at ng babae.
"Talaga two na kayo. Taon ba iyan o kayo iyang dalawa?" tanong ng babae kay Elle na tila naaaliw itong kausapin si Elle.
"Taon." taas noo na sabi ni Elle na ikinatawa lalo ng mga kaibigan ni Wine.
"Baby ka pa ha." sabi ng babae.
"Opo, ganito pa lang po ako." sabi ni Elle sabay lahad ng pitong daliri nito.
"Bawal pa sayo ang magjowa." sabi ng babae kay Elle.
Napatingin si Elle sa babae ng balingan ng tingin ng babae si Wine.
"Salamat uli." sabi ng babae at niyakap nito si Wine na halos mangudngud ang ulo ni Wine sa malusog na dibdib ng dalaga.
"Wine!!!" umiiyak na sigaw ni Elle.
At nagulat ang lahat ng naglupasay si Elle sa buhangin at humiga ito kaya naitulak ni Wine ang babaeng yumakap sa kanya.
"Shhhh. Tahan na." sabi ni Wine at napatingin ito sa bahaging cottage ng lolo ni Elle sa takot na makitang umiiyak ang batang babae.
"Akap mo siya. Dede ka pa sa kanya." umiiyak na sabi ni Elle na halos mawala sa ayos ang buhangin sa pagwawala nito.
"Hahaha, huwag ka kasi dumede Wine." tumatawang sabi ni Rhythm na ikinatawa ng lahat.
"Aiisssst, hindi ako ang unang yumakap at hindi ako dumedede.
Tumahan ka na." sabi ni Wine kay Elle habang nagwawala ito sa buhangin.
"Lagot ka na naman." sabi ni Ion kay Wine..
"Shhh." sabi ni Wine sabay yakap kay Elle at kinarga ito.
"Away ko siya." sigaw na nagwawalang si Elle habang karga na ito ni Wine.
"Hindi mo siya kailangan awayin. Iuuwi na kita." sabi ni Wine kay Elle.
"Kalmot ko siya sa mukha. Arghhh." sigaw ni Elle na ikinatawa ng mga kaibigan ni Wine at ng babae.
"Uuwi na tayo." sabi ni Wine kay Elle at dinala ito sa malayo para hindi na ni Elle makita ang babae.
"Kagat ko siya sa leeg." nagwawalang sigaw ni Elle habang nakatingin sa babae na natatawa sa reaksyon niya.
"Bad iyon." sabi ni Wine kay Elle.
"Ikaw nga dede sa kanya. Ako naman kagat ko siya." sabi ni Elle sabay pagpupumiglas nito kay Wine habang karga siya nito
"Hindi ako dumedede sa kanya." ulit na pagpapaliwanag na sabi ni Wine habang karga si Elle papalayo sa mga kaibigan at babae.
"Lalaki din ang dede ko!!!!!" malakas na sigaw ni Elle na ikinatawa ng mga kaibigan ni Wine.
"Tumahan ka na at baka marinig tayo ng pamilya mo. At baka.... Baka hindi na naman kita makita uli." sabi ni Wine kay Elle.
"Hindi ako titigil hanggang dumedede ka sa iba!!!!" sigaw ni Elle na abot hanggang kala Ion ang sigaw nito na ikinatawa ng mga ito.
"Hahahahaha. Lagot ka na naman Malic Junior!" sigaw ni Ion kay Wine.
"Kalmot kita!!!!" nanggigigil na sigaw ni Elle sa babae na lalong ikinatawa ng lahat.
✍️✍️✍️✍️
May 1, 2021 10.42pm
FifthStreet1883
Good night
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top