Kabanata 18 : Beetle

El Paradiso
Private Cottages

"Sandali, tumabi kayo." sabi ni Winter sa mga pinsan.

"Bakit? Nagsuswimming ka lang naman." sabi ni Aqua kay Winter ng makitang tila hindi mapakali si Winter ng makita nito si Damian.

"Oo nga at yayayain ko ang asawa ko." sabi ni Winter at lumangoy ito papuntang pampang.

Nakatingin lang si Damian ng makita ang suot ng asawa. Napangiti ito ng masilayan ang ganda nito na una niyang nakita ng buo. Pero iba ang selos na nararamdaman ni Damian ngayon ng makita ang mga lalaking nakapalibot kay Winter kahit sabihin mga pinsan ito ng asawa niya.

"Hello." nakangiting sabi ni Winter kay Damian ng makaahon ito sa dagat.

Napalunok si Damian, iba pa rin ang dating sa kanya ng asawa niya. Maputi si Winter, makinis, at ang balat nito ay halatang malambot. Kung tutuusin kahit treanta anyos na ang asawa niya bata pa rin ang katawan nito na tila nga nasa bente hanggang bente singko pa lang.

Malaki ang hinaharap na Winter, perpekto ang kurbada nito, may matambok na puwetan at nakapagdagdag pa sa magandang awra kay Winter ang birthmark nito sa likuran na tila tattoo iyon.

Nakatitig lang si Atlas kay Winter ng umahon ito sa dagat, halos lahat ng lalaki sa parteng iyon nakatingin sa dalaga. Nakakaakit ang katawan nito at halatang malambot at kay sarap yakapin.

"Bakit ka nandito? At bakit ganyan ang suot mo?" sabi ni Damian sabay haplos sa likuran ni Winter.

Nakamasid lang ang mga lalaki sa grupo lalo na ang mga pinsan ni Winter ng makalapit ito kay Damian. Napangisi pa ang mga ito ng haplusin ni Damian ang likuran ni Winter at nagawa pa ni Damian isuksuk ng bahagya ang kamay nito sa likuran bahagi ng pang-ibabang swimsuit ni Winter.

Napapikit si Winter at napayakap ito kay Damian saka nito inilapat ang mukha sa dibdib ng asawa.

"Akala ko bukas pa ang dating mo. Nag-swimming lang naman ako." mahinang sabi ni Winter habang pinakikiramdaman nito ang kamay ni Damian na nasa bahaging puwetan niya.

Napaiwas ng tingin si Atlas sa ginagawa ni Damian kay Winter. Alam ni Atlas strategy iyon ni Damian para tatakan si Winter at sabihin sa lahat na kanya ito. Lalo na at nais inggitin ni Damian ang mga kalalakihang nandodoon, dahil sino ba naman ang hindi maaakit kay Winter sa katawan nito.

"Ang sabi ko sayo, huwag mong ipapakita sa iba ito." sabi ni Damian.

Napapikit si Winter ng bahagya hawakan ni Damian ang puwetan niya, habang ang isang kamay ni Damian ay nakayakap sa kanya at nagtungo iyon sa dibdib niya.

"Namiss ko magswimming." sabi ni Winter sabay yakap ng mahigpit kay Damian.

Napangiti si Damian alam niyang bumibigay si Winter sa haplos niya, pero ilang sandali lang ng may maalala siya kaya nahawakan niya ng mahigpit si Winter na ikinaigik nito.

"Damian, maraming tao."sabi ni Winter kay Damian ng halos mapipi siya sa pagkakayakap ni Damian sa kanya.

"Uuwi na tayo." seryosong sabi ni Damian.

"Gusto ko makita sila mama." mahinang sabi ni Winter.

"Saka na." sabi ni Damian.

"Babe, please." sabi ni Winter.

"Uuwi na tayo." seryosong sabi ni Damian sabay higpit pa sa pagkakayakap kay Winter.

"Hindi ako makahinga." sabi ni Winter kay Damian.

"Kaya nga uuwi na tayo." sabi ni Damian.

"Gusto ko sila makita at baka hindi ko na sila makita uli." napaluhang sabi ni Winter pero pinipigil nitong makita ng lahat ang luhang iyon, kaya isiniksik nito ang ulo sa dibdib ni Damian.

Napatiim ng bagang si Atlas ng makita ang ginawa ni Winter alam niyang umiiyak ito at ayaw nitong ipakita sa lahat.

"Marunong siya magtago." sabi ni Atlas sa isip ng makitang tila natural na lambingan ang nangyayari sa mag-asawa. At kung hindi mo nga kilala ang totoong nangyayari sa dalawa masasabi mong nakakainggit ang lambingan ng mga ito.

"Makikita mo pa sila sa ibang araw." sabi ni Damian.

"Paano kung hindi na?" umiiyak na sabi ni Winter sa dibdib ni Damian.

"Bakit naman hindi na?" seryosong sabi ni Damian habang ramdam nito ang luha ng asawa na tumatagos sa polo niyang suot papunta sa dibdib niya.

"Please, babe." sabi ni Winter.

"Saka na." sabi ni Damian.

"Damian."

Napatingin ang lahat ng marinig ang seryoso at malalim na boses na iyon.

"Kuya." napangiting sabi ni Winter na pasimpleng pinunasan ang luha nito ng makita si Autumn.

Kumalas sa pagkakayakap si Winter kay Damian at nagmamadali itong niyakap si Autumn. Nakatingin ang grupo sa kambal na ngayon lang nagkita.

Napatingin muna si Autumn sa mga kaharap na lalaki, kagrupo, pinsan at mga kaibigan bago nito tingnan si Winter.

"Kamusta?" seryosong sabi ni Autumn sa kakambal.

"Okay ako.

....Masaya." nakangiting sabi ni Winter pero lumuha ito at maya-maya biglang napahagulhol ng malakas si Winter kay Autumn na ikinatiim ng bagang ng binata.

"Talaga?" sabi ni Autumn kay Winter.

"Oo. Mabait si Damian, iyong anak naming si Errol nasa bahay." nakangiting sabi ni Winter pero lumuluha ito na hindi niya mapigilan.

"Tears of joy?" seryosong tanong ni Autumn kay Winter.

Tumingin si Winter kay Autumn, at tumitig ito sa kakambal saka nagsalita.

"Oo, tears of joy.

Ikaw, ngumiti ka naman, ngayon lang tayo nagkita. Ibigay mo naman sa kakambal mo iyong pinakamaganda mong ngiti na ibinibigay mo sa akin noong mga bata pa tayo....

...na tayo pa lang dalawa." nakangiting sabi ni Winter na pinigil ang pag-alpas ng marami pang luha.

Tinitigan ni Autumn si Winter, kamukha pa rin naman ito ng mama nila. Gumanda nga ito lalo pero bakas ang lungkot sa mga mata nito na pilit nitong itinatago.

"Ngumiti ka naman, kuya." nakangiting sabi ni Winter pero lalo dumami ang binagsak na luha ni Winter.

Tumalikod si Autumn sa lahat at pinaharap nito si Winter saka ito mahinang nagsalita.

"Ang ngiti ko, sayo ko lang ibibigay. Tulad ng dati, na tayo pa lang dalawa at walang mga tao sa paligid natin.

Namiss kita twin sis. Sorry." sabi ni Autumn kay Winter na ikinaiyak ni Winter.

Sa kauna-unahang pagkakataon ngumiti si Autumn habang nakatitig sa kakambal. Napangiti si Winter ng masilayan ang ngiti ng kakambal niya. Alam ni Winter na mahirap din ang dinanas ni Autumn at wala man lang siya sa tabi nito.

Mula sa taas ng Cheung Hotel kung saan tanaw ni Chhaya ang lahat gamit ang binocular nakita niya ang unang ngiti ni Autumn matapos niyang ikasal kay Atlas. Ang unang ngiting ipinagdamot sa kanya dati ng binata ng una niya itong nakilala. Ngiting pinaghirapan ni Chhaya makuha dati, pero ngayon sa kakambal ni Autumn na si Winter muli nitong inalay at nasilayan.

"I miss you, kuya." umiiyak na parang bata na sabi ni Winter at niyakap nito si Autumn ng ibigay sa kanya ang ngiting hinahanap-hanap niya.

Niyakap ni Autumn ng mahigpit s Winter, nanginginig ang kapatid niya at alam niya kung bakit.

Silang dalawa ni Winter ang magkasama simula ng isilang sila, simula ng itago sila at simula ng malaman nila ang lahat. Silang dalawa ang nakakaalam kung gaano kasakit o paano masaktan ang isa't isa pero hindi niya ito nakuha ng dahil sa babaeng nilaanan niya ng oras at nauwi rin sa wala.

"Nandiyan na sila Papa." sigaw ni Ash na kararating lang.

"Ash." sabi ni Winter.

Napatingin si Ash at nanlaki ang mga mata nito ng makita si Winter.

"Uyyyyy, ate." gulat na sabi ni Ash sabay takbo nito kay Winter at niyakap ito.

"Aray, dahan-dahan naman. Mahuhubaran ako sayo." sabi ni Winter na halos kargahin siya ni Ash

"Shit ang sexy mo." sabi ni Ash sabay palo sa tiyan ni Winter.

"Talaga?" sabi ni Winter.

"Oo." sabi ni Ash pero napatingin ito kay Damian at napakunot ang noo nito.

Napatingin si Winter kay Ash ng tumingin ito kay Damian kaya humiwalay ito kay Ash at nilapitan si Damian.

"Ang asawa ko." nakangiting proud na sabi ni Winter sabay yakap kay Damian na nakatingin lang kay Ash.

"May nag ring a bell ba sa utak mo?" nakangising sabi ni Ash kay Damian.

Napangiti lang si Damian kay Ash sa sinabi nito.

"Wala naman." sabi ni Damian.

"Mabuti." sabi ni Ash at bumaling ito sa grupo.

"Guys, kompleto tayo... mag-inuman tayo." sigaw ni Ash sa grupo.

"Iyan ang hinhintay namin!" sigaw ni Shadow kay Ash.

"Lahat iinom." sabi ni Ash at mula sa likuran nito kinuha nito ang bote ng alak.

"Handang handa." sabi ni Rhythm.

"Hahaha, natsambahan lang na nandito si Ate." sabi ni Ash.

"Si Elle?' tanong ni Autumn sa grupo.

Nagkatinginan ang grupo at natawa ang mga ito.

"Si Elle kasama si Wine at mukhang may LQ." sabi ni Aqua.

"Anong mukha? May LQ talaga." sabi ni Blaze.

"Nasaan sila?" tanong ni Autumn.

"Sa duyan sa malapit sa cottage nila lola Marie." sabi ni Dim kay Autumn.

"Mauna na kayo." sabi ni Autumn.

"Insan, hayaan mo na muna ang dalawang iyon. Walang gagawin si Wine kay Elle." sabi ni Heaven kay Autumn.

"Paano kung meron?" tanong ni Autumn kay Heaven.

"Maniwala ka, dahil break na ang dalawa. Hahahaha." natawang sabi ni Heaven na ikinatawa ng lahat.

Napatingin si Autumn sa grupo, alam niyang puro kalokohan ang mga ito kaya ang iwan si Elle sa iba ay hindi na niya papayagan at baka matulad ito kay Winter.

"Pabayaan mo na sila nandoon naman si Lola Marie at hayaan mo kapag may ginawa si Wine kami ng bahala." sabi ni Bullet kay Autumn.

"Halika na." sabi ni Heaven kay Autumn at inakbayan ng mga ito si Autumn.

"Halika na Winter." sabi ni Aqua at hinila nito si Winter mula kay Damian.

"Kami na ang bahala sa mga pinsan namin." sabi ni Blaze at inakbayan ng mga ito si Winter at Autumn.

"Inuman na." sabi ni Ash sabay tapon sa mga kasama ng alak.

"Aisssst, sayang." sabi ni Ion kay Ash.

"Maraming ganito sa cottage ni lolo Ramon." natatawang sabi ni Ash.

"Aiisssst lagot ka kay lolo nanguha ka na naman ng alak niya." sigaw ni Ion na halos isaboy ni Ash ang alak sa kanila.

"Ngumanga na lang kayo." tumatawang sabi ni Ash.

"Sayang akin na lang." sabi ni Shadow ng malasahan ang alak at masarap iyon.

"Hahaha, kunin niyo sa akin." tumatawang sabi ni Ash at nagtakbuhan ang mga ito papunta sa cottage.

"Bakit mo siya dinala dito?" tanong ni Damian kay Atlas habang pinagmamasdan ng mga ito ang grupo paalis kasama si Winter.

"Kailangan niya ma-refresh at maging masaya kahit minsan." sabi ni Atlas habang nakatingin kay Winter akbay nila Blaze at Aqua na nagtatawanan.

"Kailangan namin umuwi agad, dahil umiinit ang ulo ko kapag nakikita ko ang mga pinsan niyang nakadikit sa kanya." inis na sabi ni Damian sabay tingin kay Atlas.

"....hihintayin ko siya sa kotse ko." sabi ni Damian at tinalikuran nito si Atlas.

.................

Lopez Cottage

"Wine." sabi ni Elle habang sinusundan nito si Wine na kanina pa lakad ng lakad.

"Umuwi ka na, at hinahanap ka na sa inyo." sabi ni Wine kay Elle.

"Bati na tayo." sabi ni Elle kay Wine.

"Oo na nga, kaya umuwi ka na at malamang nandoon na ang Papa at Mama mo." sabi ni Wine.

"Sama ka." sabi ni Elle sabay hawak sa kamay ni Wine.

"Hindi na, magpapahinga muna ako." sabi ni Wine.

"Sama ka." sabi ni Elle.

"Aisssst, gusto mo makipaglaro sa kanila di ba. So pinapayagan na kita, hindi na ako sasama para hindi ka masakal at walang sumuway sayo." sabi ni Wine kay Elle.

"Galit ka eh." sabi ni Elle.

"Hindi nga. Umuwi ka na." sabi ni Wine.

"Bati na tayo." sabi ni Elle at nagulat si Wine ng biglang lumuhod si Elle at niyakap siya sa hita.

"Aiisssst, tumayo ka diyan." inis na sabi ni Wine.

"Bati na tayo." sabi ni Elle.

"Tumayo ka na at lalo ako naaasar." sabi ni Wine.

Tumingin si Elle kay Wine. Seryoso ang mukha nito na ngayon lang nangyari kaya kinabahan si Elle.

"Sige, aalis na ako." sabi ni Elle.

Tumayo si Elle at tumakbo ito palayo kay Wine. Nakatingin lang si Wine sa papalayong dalagita at napabuntung hininga ito.

"Magpakasaya ka muna." sabi ni Wine sa isip ng mawala sa paningin niya si Elle.

Tumalikod si Wine at naglakad muli ito papuntang dalampasigan.

"Galit siya. Sandali lang." sabi ni Elle sa sarili ng di niya maamo si Wine kaya imbes na umuwi ito sa cottage ni Ellie sa iba ito pumunta.

..................

Ellie's cottage

"Mama." masayang sabi ni Winter at niyakap nito si Ellie na nagulat ng makita siya.

Nasa loob na sila ng cottage ni Ellie habang nasa labas at nagsisimulang mag-inuman ang grupo.

"Sa wakas bumisita ka rin." sabi ni Orion ng makita ang anak.

"Papa." nakangiting sabi ni Winter at niyakap nito ng mahigpit ang ama.

"Kamusta?" sabi ni Ellie at napakunot ang noo nito ng hawakan si Winter

"Okay po." sabi ni Winter.

"Sigurado ka?" tanong ni Ellie sa anak ng may mapansin ito sa katawan ni Winter.

"Opo." sabi ni Winter sabay kuha ng kamay niya dahil doctor ang ina niya kaya makakahalata ito panigurado.

"Nasaan si Errol?" tanong ni Ellie sa anak.

"Nasa bahay, pero nasa labas lang si Damian." sabi ni Winter.

"Ahmm. Okay. Kumain na tayo, may handa sila Momy." sabi ni Ellie.

"Isa na lang makokompleto na tayo." biglang sabi ni Ash na ikinatingin ng lahat dito.

"Isa?" tanong ni Winter.

"Isa.... si Elle." nakangising sabi ni Ash na napabuntung hininga sa muntikang pagkakadulas.

"Si Elle? Nasaan pala si Elle?" tanong ni Orion.

"Nasa bahay daw ni lola Marie." sabi ni Ash

"Bakit siya nandoon?" tanong ni Orion.

"Dahil may LQ sila ni Wine." sabi ni Winter.

"LQ?" tanong ni Ellie.

"Si Elle, nginudngud ang babae ni Wine sa dagat kanina." natawang sabi ni Winter.

"Aisssst, pauwiin niyo iyon." seryosong sabi ni Orion.

"Papa, nandiyan lang iyon at uuwi din si Elle." sabi ni Ash.

"Siguraduhin mo lang dahil lagi mong iniiwan ang kapatid mo." sabi ni Orion kay Ash.

"Hindi naman Grabe." sabi ni Ash.

...........................

Minutes later.

Lopez Cottage

"Wine." tawag ni Elle ng makita si Wine na naglalakad sa dalampasigan.

Hindi lumingon si Wine dahil alam niyang si Elle iyon at mangungulit lang ito.

"Grape Wine." muling tawag ni Elle ng hindi siya nilingon ni Wine.

Nagpatuloy sa paglalakad si Wine ng biglang humarang si Elle sa daraanan niya. Napahinto si Wine at tinitigan nito si Elle.

"Sorry na." sabi ni Elle pero nanatiling nakatitig lang si Wine sa kanya.

"Bati na tayo." sabi ni Elle at mula sa likod ng dalagita lihim na napangiti si Wine ng bumungad sa kanya ang isang salagubang na hawak ni Elle.

"Bigay ko sayo, nakita ko sa puno." naiiyak na sabi ni Elle habang nakatingin sa salagubang na baby pa at halos hindi pa iyon makalakad na nasa palad niya.

"Anong gagawin ko diyan?" tanong ni Wine pero nakatitig ito kay Elle na lumuluha at napakaganda tingnan ang maamo nitong mukha kapag umiiyak pero kapag nagagalit naman para itong tigre.

"Pakawalan mo, kapag ayaw mo. Parang ako pakawalan mo kapag ayaw mo na." napahikbing sabi ni Elle na umalpas ang maraming luha nito

"...sorry na." humihikbing sabi ni Elle at tinitigan nito ang salagubang at inilapit sa mukha ni Wine.

"...kiss mo siya." humihikbing sabi ni Elle ng ilapit ang salagubang sa mukha ni Wine.

"Bakit ko naman ikikiss ang salagubang na iyan?" seryosong tanong ni Wine na lalong ikinaluha ni Elle.

"Baby natin. Ayaw mo?" umiiyak na sabi ni Elle ng biglang lumipad ang salagubang at nawala iyon sa palad ni Elle na lalo ikinaiyak ng dalagita,

"Nawala na siya, pati salagubang ayaw na sa akin." umiiyak na sabi ni Elle, napahawak ang dalagita sa mukha nito at humagolhol ito ng malakas.

"Aisssst, tumahan ka at baka magkasakit ka sa kakaiyak mo." sabi ni Wine at niyakap nito si Elle.

"Sorry na." umiiyak na sabi ni Elle.

"Oo na. Sorry na rin." sabi ni Wine.

Inalis ni Wine ang mga kamay ni Elle sa mukha nito at ngumiti ang binata.

"Mahal kita, ayoko lang may humawak sayong iba tulad ng nararamdaman mo kapag may humahawak sa akin. Kung nasasakal ka sa akin, mag-aadjust ako para sayo. Pero never akong papayag na may hahawak sayo, kasi... tulad mo na iyo lang ako. IKAW naman AKIN ka lang." masuyong sabi ni Wine at dinampian nito ng maliliit na halik si Elle sa mukha hanggang matuyo ang luha nito.

"Oo, hindi na ako papahawak saka mag suswimsuit." sabi ni Elle.

"Okay." nakangiting sabi ni Wine.

Tumingin sa paligid si Elle at ngumiti na ito.

"Bakit?" tanong ni Wine ng makita ang pagngiti ni Elle.

"Tayo na lang ang tao dito. So puwede na akong..." sabi ni Elle sabay hubad ng t-shirt ni Wine na suot niya kanina pa.

"Elle." sabi ni Wine pero napatitig ito kay Elle at sa katawan ng dalagita.

"Puwede na." nakangiting sabi ni Elle at niyakap nito si Wine na pigil ang paghinga.

"Ganyan ka talaga habang nagsuswimming tayo?" napalunok na sabi ni Wine ng dumikit ang halos hubad na katawan ni Elle sa kanya.

"Oo." nakangiting sabi ni Elle na halos mawala ang mga mata nito sa saya.

"Okay." nakangising sabi ni Wine at binuhat nito si Elle.

"Kiss mo ako." sabi ni Elle habang buhat siya ni Wine at nakayakap ang mga kamay niya sa batok ni Wine.

"Mamaya sa ilalim ng dagat." nakangiting sabi ni Wine habang buhat nito si Elle.

"Sige." nakangiting sabi ni Elle na ikinatawa ni Wine na tila batang excited si Elle.

......

May 19, 2021 10.20pm
FifthStreet1883
Good night

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top