Kabanata 17 : Sakal, Sakali
Isla Traquilo
"Atlas." mahinang tawag ni Winter habang lumilinga linga pa ito sa paligid.
Napatingin si Atlas kay Winter, napangiti siya ng lihim dahil ngayon lang hindi nakasuot ng shades si Winter at wala rin itong suot na bandana.
"Bakit?" tanong ni Atlas kay Winter.
Napatitig si Winter at napangiti kay Atlas na ikinatitig ng lalaki. Dahil sa ilang buwan na pamamalagi ni Winter sa bansa ngayon lang muli nasilayan ni Atlas ang tunay at magandang ngiti ni Winter.
"Samahan mo ako." mahinang sabi ni Winter.
"Saan?" tanong ni Atlas.
Nasa balcony si Atlas ng ikalawang palapag para bantayan si Winter. Ganoon ang routine ni Atlas kapag umaalis si Damian, pero ngayon lang lumabas si Winter kapag wala si Damian, sa tinagal tagal na nito sa bansa.
"Sa dagat, magsu-swimming ako." mahinang sabi ni Winter.
"Alam ba ni Damian? Nagpaalam ka ba?" tanong ni Atlas.
"Oo pero ang alam niya diyan lang sa dalampasigan. Pero ang gusto ko sa dalampasigan ng El Paradiso." sabi ni Winter.
"Aissst, hindi puwede at baka saktan ka na naman ng asawa mo." seryosong sabi ni Atlas.
"Wala si Babe, nasa Manila at bukas pa ang uwi nun" sabi ni Winter.
"Paano kung malaman niya?" tanong ni Atlas pero hindi nakaligtas ang tawag pa rin ni Winter sa asawa nito na Babe
"Bakit sasabihin mo ba?" napalakas na tanong ni Winter.
"Kung oo." nakangising sabi ni Atlas.
"Ganoon? Aisssst, gusto ko pa naman makita sila Mama at Papa, ilang buwan na ako dito hindi pa ako nagpapakita sa kanila." sabi ni Winter.
Nakatitig lang si Atlas kay Winter, mukhang okay si Winter ngayon. Hindi nga ito nakasuot ng longsleeve kaya tingin ni Atlas pinaghandaan ng dalaga ang araw na ito. At nakakasiguro siyang sumunod ito sa mga utos ni Damian sa nakalipas na linggo na halos hindi nga ito lumabas ng kuwarto, kaya wala itong pasa ngayon.
Napangisi pa ng lihim si Atlas dahil ang kuwartong iyon ay maraming puwedeng gawin ang dalawa sa loob ng maraming araw na sumunod nga si Winter sa lahat ng gusto ni Damian.
"Okay. Hihintayin kita sa kotse." sabi ni Atlas.
"Hahaha, handa na ako." natawang sabi ni Winter na ikinatitig lalo ni Atlas ng tumawa si Winter at masilayan niya muli ang ganda ng mukha nito sa pagngiti na walang nakatalukbong na bandana sa mukha nito.
"Okay." sabi ni Atlas.
"Ito kunin mo." sabi ni Winter sabay abot ng bag niya kay Atlas.
"Bakit ang bigat?" tanong ni Atlas kay Winter ng kunin ang bag ni Winter.
"Hahaha, mag-eenjoy ako sa buhangin ng El Paradiso. May blanket diyan na malaki at ilalatag ko sa buhanginan habang nag sa-sunbathing ako." sabi ni Winter.
"Aissst, oh sige halika na." sabi ni Atlas.
Tumayo si Atlas mula sa silya pero nagulat ito ng bigla siyang kurutin ni Winter sa pisnge na tila pinanggigilan siya nito kaya napakunot ang noo niya.
"Buntis ka ba?" tanong ni Atlas kay Winter.
"Hahahaha, sana nga." masayang sabi ni Winter at nauna itong bumaba.
Napasunod ng tingin si Atlas. Payat si Winter at tila nga malaki ang nabawas na timbang sa babae pero kumorte ang katawan nito na tila hind inga ito nanganak. Nakasuot si Winter ng fitted jeans at na binagayan ng t-shirt na fitted kaya kita ang hubog ng katawan nito.
"Malamang buntis may asawa eh." nailing na sabi ni Atlas sa isip habang sinusundan nito ng tingin si Winter.
"Bilisan mo." sabi ni Winter kay Atlas.
"Maam saan po kayo pupunta?" tanong ni Yumi ng masilayan ang amo sa unang pagkakataon na wala itong taklob sa mukha.
"Ahhmmmm, sa dalampasigan." sabi ni Winter sabay tingin kay Atlas.
"Baka po hanapin kayo ni Sir Damian." sabi ni Yumi kay Winter.
"Nagpaalam ako." sabi ni Winter kay Yumi.
Napatitig si Yumi sa among babae, nag-mature lang ang mukha ni Winter pero gumanda ito lalo.
"Okay po." sabi ni Yumi.
"Hahaha, ang ganda mo." sabi ni Winter sabay halik sa pisnge ni Yumi bago tuluyan lumabas ng pintuan.
"Hala, masaya siya. At gumanda siya lalo kaya siguro laging pinagtatalukbong ni Sir Damian.
Aiissst, delikado si Sir kahit trenta na si Maam Winter mukhang bente singko lang.
Patay tayo nito kapag may lumapit na lalaki diyan." sabi ni Yumi kay Atlas na ikinatitig lang ni Atlas sa papalayong si Winter.
"Singaw bilis." masayang sigaw ni Winter kay Atlas.
"Masaya nga siya, baka buntis." sabi ni Yumi kay Atlas.
"Siguro." sabi ni Atlas at sinundan na nito si Winter.
"Sa likuran ka sumakay." sabi ni Atlas ng makita si Winter na nasa tabi niya sumakay kung saan si Atlas ang driver.
"Ayoko doon, hindi ko makikita ang unahan." sabi ni Winter sabay lagay ng seatbelt nito.
"Baka makita ka ng ibang bodyguard at isumbong ka." sabi ni Atlas,
"Hindi nila ako isusumbong kasi maganda ako." sabi ni Winter.
"Bahala ka. Sabi mo eh." sabi ni Atlas,
"Hindi ako maganda?" tanong ni Winter kay Atlas.
"Okay lang. Hindi tulad ng dati." sabi ni Atlas.
"Ah! Okay." sabi ni Winter at umupo na ito ng maayos.
"Madali lang tayo doon." sabi ni Atlas.
"Oo." sabi ni Winter.
...............
El Paradiso
Private Cottages
"Flowers." sabi ni Wine kay Elle habang nakaupo sa duyan si Elle at nagbabasa ng libro nito.
"Ang sweet, nakalagay uli sa paso." sabi ni Elle.
"Para hindi mamatay at forever mong aalagaan ang pagmamahalan natin." nakangiting sabi ni Wine sabay tabi sa malaking duyan na nasa ilalim ng dalawang puno.
"Grabe isang linggo ng nanliligaw si Wine. Sagutin mo na." sabi ni Rhythm kay Elle habang nasa upuan ito kasama ng iba at nag-iinuman kahit maaga pa lang.
"Saka na." kinikilig na sabi ni Elle habang hawak nito ang maliit na paso na may tanim na red rose.
"Grabe mamumulubi si Wine sa ginagawa mo." sabi ni Dim kay Elle.
"Bakit naman?" tanong ni Elle.
"Alam mo bang mahal ang bulaklak na nasa paso at hindi lang iyan pangkaraniwang rose, galing pa iyan sa ibang bansa at binili niya sa flower shop nila Ciao." sabi ni Shadow kay Elle.
"Wala na siyang pera?" mahinang tanong ni Elle.
"Wala na. At bahala ka ikaw din baka tuyo na ang ipakain niya sayo. Hindi na iyan makakaipon sa future niyo." sabi ni Rhythm na natatawa dahil alam pa rin ni Elle na mahirap si Wine.
"Sige last na ito." nalungkot na sabi ni Elle.
Binato ni Wine si Shadow ng maliit na bato ng makitang nalungkot si Elle sa sinabi nito.
"Bibigyan pa rin kita." masuyong sabi ni Shadow at humiga ito sa duyan katabi si Elle.
"Wala ka ng pera, paano na kapag nagkaroon tayo ng baby?" sabi ni Elle kay Wine.
"Nice, baby agad." tumatawang sabi ni Dim.
"Ikaw na Wine Boy." tudyong sabi ni Shadow.
"Bata ka pa, at si Wine maraming babae iyan." nakangising sabi ni Ciao sa pinsang si Elle.
"Uyyy tumigil ka at baka maniwala sayo." sabi ni Wine kay Ciao na tumatawa ng makitang tumitig si Elle kay Wine.
"May babae ka?"seryosong tanong ni Elle.
"Wala."sabi ni Wine.
"Sige wala.... kasi hindi ko nakikita, at kapag nakita ko kukunin ko ang baril mo at bbarilin ko siya....
.... dito...." sabi ni Elle na ikinatawa ng lahat ng hawakan ni Elle ang pundilyo ng short nito.
"Hahaha bakit diyan?" tumatawang sabi ni Dim kay Elle.
"Para walang bungang mabuo. Walang lahi na mabubuo sa iba si Wine kundi sa akin lang." sabi ni Elle.
"Hahaha, ang morbid." tumatawang sabi ni Shadow.
"Loko kayo tigilan niyo na nga si Elle." sabi ni Wine sabay bato ng buhangin sa mga kaibigan.
"Mga bata."
Napatingin ang lahat ng may tumawag at kilala ng lahat ang boses na iyon. Hinanap ni Elle ang boses at tumili ito ng napakalakas ng makita ang matagal na niyang hindi nakikita.
"Ate Winter!" sigaw ni Elle ng makita si Winter.
"Aray." sabi ni Wine ng mahulog siya sa duyan ng biglang bumangon si Elle.
"Kamusta." masayang sabi ni Winter.
"Mabuti." sabi ni Elle.
"Ikaw, kamusta ka? Ang tagal mo hindi nagpakita." sabi ni Ciao sa pinsan ng makalapit ang mga ito.
"Mabuti, buhay pa naman." sabi ni Winter.
"Hinahanap ka nila Papa at Mama." sabi ni Elle kay Winter
"Kaya nga heto na ako. Oo nga pala si Kuya Autumn? Hinahanap ba ako?" tanong ni Winter kay Elle.
"Okay lang siya at wala naman siyang sinasabi tungkol sayo." sabi ni Elle.
Napatingin si Winter sa cottage ng Mama niya, matagal na rin siya hindi nakakapunta sa lugar na iyon. At wala din siyang tawag na natatanggap kay Autumn na matagal na niyang hinihintay.
"Nandiyan ba si Kuya?" tanong ni Winter kay Elle.
"Oo, kararating lang." sabi ni Elle.
"Kakausapin ko." sabi ni Winter.
"Nasa kuwarto niya pero nakasarado at kapag ganoon alam mo naman bawal ang kumatok." sabi ni Elle kay Winter.
"Ganoon ba. Sige mamaya na lang. Maliligo lang ako." sabi ni Winter.
Napangiti si Winter at nagulat ang lahat ng maghubad si Winter sa harap ng mga binatang kagrupo.
"Holy body." sabi ni Shadow ng maghubad si Winter sa harap nila.
Napatingin si Atlas mula sa malayo kung saan hawak niya ang bag ni Winter at kabababa pa lang niya sa kotse. Naghubad si Winter ng t-shirt nito at tumambad ang sexy na katawan ng babae. Sinunod hubarin ni Winter ang jeans habang nakasuot ito ng bikini na swimsuit na ngayon lang nagawa muli ni Winter sa mismong isla nila.
"Ang sexy mo, Ate. Ganyan din ako ka-sexy. Sandali." sabi ni Elle.
"Ohhhhh!" sabay-sabay na sabi ng mga kagrupo ni Wine ng maghubad ng t-shirt si Elle na nakasuot na pala ito ng two piece-swimsuit.
Sinunod ni Elle ang cotton shorts nito at nabungaran ng lahat ang mahabang legs ng dalagita.
"Aisssst, bawal iyan." sabi ni Wine sabay mabilis na niyakap si Elle at hinarang ang katawan nito mula sa mga mata ng kaibigan
"Umalis ka diyan Wine at sayang ang view." sabi ni Rhythm kay Wine.
"Ang sexy ni Elle, batang bata ang katawan." sabi ni Shadow at nagulat ito ng sabay itong hampasin nila Ion at Ciao na pinsan ni Elle.
"Asar." sabi ni Wine at mabilis nitong hinubad ang t-shirt at pinasuot kay Elle.
"Hoy beggar, kayo na ba?" tanong ni Winter kay Wine ng makita ang ginagawang pagbibihis ni Wine kay Elle.
"Oo." sabi ni Wine kay Winter.
"Malapit na." sabi ni Elle kay Wine habang binibihisan ito ni Wine.
"Okay, good luck sa buhay na tatahakin niyo. Basta ako magpapakasarap muna ako." sabi ni Winter at tumakbo ito papuntang dagat.
"Sama kami." sabi ni Shadow at nagsitakbuhan ang mga ito papunta kay Winter.
"Ang sexy niya. Ganoon ba ako kaseksi?" tanong ni Elle ng maisuot ni Wine ang t-shirt nito sa dalagita.
"Oo, pero para sa akin. Mas seksi ka." nakangiting sabi ni Wine sabay yakap kay Elle.
"Hoy, lumayo nga kayo sa isa't isa." Sita ni Atlas ng makita ang ginagawa ni Wine kay Elle.
"Insan." nakangiting sabi ni Elle kay Atlas at akmang bibitaw si Elle kay Wine ng higpitan ni Wine ang yakap nito kay Elle.
"Pumapatol iyan sa kamag-anak kaya bawal ka diyan." sabi ni Wine sabay buhat kay Elle.
Napatingin si Atlas kay Wine, alam ni Atlas na tutol si Wine sa kasal nila ni Chhaya na kapatid nito.
"Babay kuya." nakangiting sabi ni Elle na niyakap pa ang mga kamay sa leeg ni Wine
"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ni Autumn ng mabungaran si Atlas mula sa balcony kung saan siya napasilip.
Napatingin si Atlas sa taas at ng makita nito si Autumn napangisi ito, dahil tulad ng nakakalap niyang balita malaki ang pinagbago ng binata. Nakakunot ang noo nito na tila gusto nito manapak ng tao.
"Nagtatrabaho." sabi ni Atlas kay Autumn.
Napakunot lalo ang noo ni Autumn sa sinabi ni Atlas.
"Nandito si Winter?" tanong ni Autumn.
"Oo." sagot ni Atlas.
"Nasaan siya?" tanong ni Autumn.
"Nasa dagat." sabi ni Atlas.
"Si Damian, nasaan?" tanong ni Autumn.
Napailing si Atlas tila lang siya tauhan ni Autumn na nakatingala sa hari habang nasa balcony si Autumn.
"Hindi niya kasama." sabi ni Atlas.
"Huh! Mabuti." nakangissing sabi ni Autumn at tinalikuran nito si Atlas.
Napakunot si Atlas ng noo sa sinabi ni Autumn. Mula ng dumating si Winter at Damian sa bansa, hindi niya nakita si Autumn na nag-attempt man lang puntahan ang kapatid.
Nagtataka si Atlas, dahil si Autumn ang tipo ng kapatid na alam ang lahat ng nangyayari sa mga kapatid nito. Isa sa pinagselosan ni Chhaya, sa binata ng nobyo pa lang nito si Autumn ang pagiging malapitin ni Autumn sa mga kapatid nito.
"Sandali." sigaw ni Atlas kay Autumn na ikinatigil sa paglalakad ni Autumn paalis sa balcony
"Bakit?" tanong ni Autumn.
"Alam mo?" sabi ni Atlas
"Ang ano?" nakangising sabi ni Autumn.
"Pinayagan mo gawin iyon sa kapatid mo?" sabi ni Atlas.
"Alin?" nakangising sabi ni Autumn.
"Alam mo ang ibig kong sabihin?" sabi ni Atlas.
"Lahat ng nakikita mo ay isang punyal na tumatama sa kanya. Huwag kang mag-alala bibigay din iyon." sabi ni Autumn saka nito tuluyang iniwan ang nagugulumihang si Atlas.
..............
Dalampasigan
"Whoahhhh!" masayang sigaw ni Winter habng nagbabatuhan sila ng bola ng mga kagrupo ni Wine.
"Sali kami!" sigaw ni Bullet ng makita ang mga kagrupong binata.
"Winter!" sigaw ni Blaze mula sa dalampasigan ng makita si Winter na nasa dagat.
"Ako nga!" sigaw ni Winter.
"Lumabas ka rin ng lungga mo!" sigaw ni Aqua.
Nagkatinginan sila Blaze at Heaven, ang akala nila may nakuhang babae ang mga batang kagrupo na madalas gawin ng mga ito. Kaya napangisi sila ng makita ang pinsan at makita ang katawan nito na tila hindi ito nanganak dahil seksi pa rin ito.
"Halika kayo dito, magsaya tayo dahil ngayon lang ito." masayang sabi ni Winter sa mga pinsan.
"Oo ba. Pakiss muna kami." tumatawang sabi ni Blaze at nagsisunuran ito sa puwesto ni Winter.
Nakamasid lang si Atlas kay Winter habang nakikipagharutan ito sa mga pinsan. Para itong bumalik sa pagkadalaga ng kargahin pa ito ni Heaven. Napailing na lamang si Atlas, close si Winter sa mga pinsan nitong lalaki at alam niyang ito lang ang mga naging kaibigan ng babae.
"Shit baka mahubaran ako." sigaw ni Winter pero tumatawa ito ng buhatin ito sa balikat ni Aqua.
"Hahaha, hindi iyan." sabi ni Aqua.
"Hahaha, walang manyakan sisipain ko kayo." tumatawang sabi ni Winter na ikinatawa ng mga pinsan nitong lalaki.
"Doon tayo." sabi ni Elle ng nasa dagat na rin ito kasama si Wine.
"Aisssst, bubuhatin ka nila ng ganoon at hindi puwede." sabi ni Wine na hindi niya hahayaan na may hahawak sa katawan ni Elle.
"Ahhhhh!" malakas na sigaw ni Elle.
"Bakit?" tanong ni Wine ng makitang naiinis si Elle.
"Nasasakal ako." sabi ni Elle kay Wine.
"Saan?" kunot noo na tanong ni Wine.
"Gusto ko maglaro. Pinipigilan mo ako." sabi ni Elle.
Napatiim ng bagang si Wine, kaya sa inis niya nasagot niya si Elle.
"Bakit, ikaw hindi ka ba nakakasakal? Yakapin nga lang ako ng babae ayaw mo di ba?" inis na sabi ni Wine
"Nasasakal ka sa akin?" gulat na sabi ni Elle.
"Oo, tapos sasabihin mo ngayon. Ikaw ang nasasakal?" sabi ni Wine.
"Gusto ko kasi makipaglaro sa kanila." Inis na sabi ni Elle
"Ayoko nga makipaglaro ka, kasi hindi rin ako nakikipaglaro sa iba." inis na sabi ni Wine.
"Cool off tayo." sabi ni Elle at tinulak nito si Wine.
"Okay." inis na sabi ni Wine at iniwan nito si Elle sa dagat.
"Umoo siya?" sabi ni Elle sa sarili ng hindi lumingon si Wine.
"Huwahhhhhhh!" malakas na iyak ni Elle na ikinatingin ng lahat ng tao dito at ikinahinto sa paglangoy pabalik ni Wine sa pampang.
"Ang sama mo makipag break sa akin." umiiyak na sabi ni Elle kay Wine.
"Ikaw ang nakipag cool-off at hindi ako." inis na sabi ni Wine at iniwan nitong tuluyan si Elle.
"Hi Wine."
Nanlaki ang mata ni Elle ng may makitang may lumapit na agad na babae kay Wine kaya mabilis itong lumangoy para maabutan si Wine.
"Hello." sabi ni Wine na palakad na ito papuntang pampang.
Pero nagulat si Wine ng biglang bumungad si Elle at sa sunod na ginawa ng dalagita.
"Akin iyan.Malandi ka hinayupak kang babae ka!" galit na sigaw ni Elle.
Nagulat ang lahat ng sabunutan ni Elle ang babae at lunurin ito.
"Shit, mapapatay mo siya." sabi ni Wine kay Elle.
"Nobyo ko ang nilalandi mo" gigil na gigil na sabi ni Elle sa babae, habang ngingudngud nito ang babae sa tubig alat.
"Elle, tama na." sigaw na sabi ni Heaven sa pinsan na halos malunod ang babae sa ginagawa ni Elle.
"Tama na." sabi ni Wine at hinila nito si Elle habang hinila ni Ion ang babae ng makalangoy ito malapit kala Wine.
"Walang lalapit kay Wine! Akin lang si Malic Wine Lopez Jr!!!!" nanlalaking mata sa galit na sabi ni Elle na ikinatingin ng lahat dito.
"Edi sayo." mahinang sabi ni Aqua kay Elle ng tumahimik ang lugar kung nasaan sila.
"Hibang." natawang sabi ni Bullet na naiiling sa ginawa ni Elle. Nauubo pa ang babaeng inatake ni Elle at halos mamutla iyon sa ginawa ng pinsan nila.
"Attack of Elle." tumatawang sabi ni Blaze.
Binalingan ni Elle si Wine at hinawakan nito ang mukha ng binata saka nagsalita.
"Bati na tayo. Wala ng cool-off. Kiss mo na ako." umiiyak na sabi ni Elle kay Wine na ikinatitig lang ni Wine kay Elle.
"Hahaha, walang kawala si Wine boy." tumatawang sabi ni Aqua.
"Loko kayo." tumatawang sabi ni Winter sinabuyan nito ng tubig ang mga pinsan.
"Lagot ka sa amin, wala kang bantay." sabi ni Heaven kay Winter at kiniliti ng mga ito si Winter.
"Winter!"
Napalingon si Winter at namutla ito ng makita si Damian na nakatayo sa buhanginan.
......
May 19, 2021 2.29pm
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top