Kabanata 15 : Cross Plan

AUTHOR'S NOTE:

Hinabaan ko na...
kung bitin pa rin itulog na natin 🤣😂
Salamat sa lahat ng readers...

Ikalawang Bayan

"Elle." mahinang sabi ni Wine.

Nagmamadali nitong pinulot ang wallet ni Elle at binulsa ito kasama ng pera niyang napanalunan sa pustahan ng grupo.

"Saan ka pupunta?" sigaw na tanong ni Rhythm ng nagmamadaling naglakad si Wine patungo sa dinaanan ni Elle.

"Susundan ko si Elle." sabi ni Wine.

"Huwag nandiyan si Papa." sigaw ni Ash pero hindi na narinig ni Wine.

"Lagot ka rin." natatawang sabi ni Shadow kay Ash habang hawak nito ang cellphone ng ninakaw nito.

"Asar." sabi ni Ash.

"Hoy anong ginagawa niyo diyan." sigaw ni Blaze ng makita ang grupo ng mga batang kagrupo nila ng madaanan ang mga ito sa ikalawang bayan.

Napalingon si Ash at ang iba ng marinig si Blaze. Nakasakay sa magarang kotse ang lalaki at kahit hindi sabihin, mayaman ang itsura ni Blaze sa porma at kilos nito pati na rin sa pagsasalita na may kayabangan.

"Wala." sabi ni Ash ng nagkatinginan lang ang grupo nito

"Mukha mo Ash. Lagot ka sa Papa mo. Hindi ba, bawal kang gumala." sabi ni Blaze habang nakuha pa nitong magsindi ng sigarilyo.

"Huwag mo akong isusumbong. Sayo na lang ito." sabi ni Ash kay Blaze.

"Ano iyan?" kunot noo na tanong ni Blaze sa pinsan.

Lumapit si Ash at mabilis nitong binato sa loob ng kotse ni Blaze ang cellphone na ninakaw ni Ash mula sa isa sa mga babae.

"Lagot ka." natatawang sabi ni Shadow kay Blaze at nagsitakbuhan ang apat na kabataan.

"Hoy! Magsiuwi na kayo!" sigaw ni Blaze sa apat pero nagtakbuhan ng tuluyang ang mga ito.

"Aiiissst, Ano naman kaya ito?" sabi ni Blaze. Kinuha nito ang cellphone na binato ni Ash.

Napangisi si Blaze ng makita na pink ang kulay ng cellphone at may pin code iyon.

"Langyang pinsang kong iyon may pinagmanahan. Magnanakaw tulad ng ama." naiiling na sabi ni Blaze sabay lagay ng cellphone sa bulsa nito.

.............

Parking lot

"Bakit umiiyak ang baby ko?" sabi ni Orion ng patakbong lumapit si Elle at namumula na naman ang ilong nito sa pag-iyak.

"Ayoko na ng mahirap, kasi manloloko." umiiyak na sabi ni Elle na ikinakunot ng noo ni Orion.

"Ano uli iyon, bunso?" tanong ni Orion kay Elle sabay karga dito.

"Si Wine hinalikan niya iyong apat na babae sa kainan. Tapos binigyan siya ng ube nila Shadow." umiiyak na sabi ni Elle.

Napatingin si Orion kay Elle, may halak na ang iyak nito at tumutulo na ang sipon sa pag-iyak. Kaya napatiim ng bagang si Orion ng makitang tila nasaktan ang anak sa nakita nito na kung ano. Pero halatang hindi pa iyon alam ng inosenteng bata kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman nito.

"Shhhh, nandito si Papa." sabi ni Orion at niyakap nito si Elle na muling magsalita ito.

"Bigay ko sa kanya wallet ko." umiiyak na sabi ni Elle sabay iyak ng malakas at niyakap nito si Orion ng mahigpit sa leeg.

"Kanina pa po siya umiiyak Sir. Hindi naman po niya sinasabi ang dahilan." sabi ni Len habang nakatingin sa alaga na hindi maampat ang luha nito sa pag-iyak. Sumisinok na rin ito na tila hindi makahinga.

Samantalang sa di kalayuan nakamasid ang grupo ni Wine kay Orion at Elle.

"Nandiyan si tito Orion." sabi ni Ion sabay hila kay Wine.

"Bitawan mo nga ako." inis na sabi ni Wine dahil gusto niyang lapitan si Elle.

"Huwag ka ngang magulo Wine. Karga siya ni Tito Orion, at kilala mo naman siya kung paano ni Tito Orion protektahan ang pamilya niya." sabi ni Ciao.

"Saka ikaw naman ang may kasalanan ng pag-iyak ni Elle." sabi ni Ion na kahit ayaw niyang sisihin si Wine. Iyon ang kailangan para mahimasmasan ito sa paglapit sa mag-ama.

Kinuha ni Wine ang wallet ni Elle sa bulsa niya at tiningnan iyon. Binuksan ito ni Wine at napabuntung hininga ito ng makita ang bagong isandaang piso ni Elle.

"Saka mo na lang kausapin si Elle." sabi ni Rhythm kay Wine.

"Tama... kasi ganyan naman ang mga babae.

Saka alam mo naman na bunso si Elle. Nasa kanya ang atensyon, na kahit kaming mga pinsan niya ayaw niyang may ibang kausap kapag kausap siya." sabi ni Ciao.

"Oo, Wine. Malilimutan din ni Elle iyan." sabi ni Ion.

"Walang pasok bukas. Sa Monday ko pa siya makikita." sabi ni Wine.

Nasa likod sila ng puno malapit sa pinag parking nila Orion kaya hindi sila nakikita ng mga ito.

"Mas okay iyong matagal mo siyang hindi makikita, para mas malilimutan ni Elle ang ginawa mo." sabi ni Rhythm kay Wine.

"Binigyan mo kasi ng atensyon si Elle kaya ang akala niya, nakapokus ka sa kanya lang." sabi ni Ciao kay Wine.

"Tama." sabi ni Ion kay Wine.

Nakatingin lang si Wine kay Elle umiiyak pa rin ito habang karga ni Orion at kinakausap. Nakayakap si Elle sa leeg ng ama habang nakahilig ang ulo nito sa balikat ni Orion.

"Bahala na." sabi ni Wine at nagmamadali itong naglakad papunta kay Orion at Elle.

"Aiiisssst, Wine." sabi ni Ion kay Wine ng nagmamadali itong umalis.

"Ang kulit talaga ni Wine." sabi ni Ciao sa mga kaibigan.

"Ganoon talaga siya." sabi ni Shadow habang nakatingin kay Elle na namumula ang mukha sa pag-iyak.

Napatingin si Orion ng maramdaman ang papalapit kaya agad itong lumingon. Napangisi ito ng makita si Wine na nakatingin kay Elle.

"Elle, sorry na." sabi ni Wine kay Elle.

Hindi umimik si Elle na umiiyak. Napayakap pa ito ng mahigpit kay Orion na ikinatitig ni Wine sa batang babae.

"Umuwi ka na." sabi ni Orion kay Wine.

"Sorry na Elle." sabi ni Wine kay Elle.

"Ayoko." umiiyak na sabi ni Elle kay Wine.

"Hindi ko na uulitin." sabi ni Wine.

"Umuwi ka na, kung ayaw mong ipadala kita sa mga bodyguard pabalik sa bahay niyo." sabi ni Orion kay Wine.

"Cheesecake, sorry na." sabi ni Wine kay Elle.

Napangisi si Orion sa tawag ni Wine sa bunsong anak akmang magsasalita siya ng biglang magsalita si elle.

"Panis na ang cheesecake. Hindi mo kasi inilagay sa ref." umiiyak na sabi ni Elle na ikinatingin ni Orion sa pagsagot nito.

"Langya dinaig pa kami ni Garlic." sabi ni Orion sa isip.

"May Wine naman, masarap pa rin iyon. Hindi sasakit ang tiyan natin kasi may Grape Wine." sabi ni Wine na ikinatingin naman ni Orion kay Wine.

"Langya may pa grape grape wine pang nalalaman ang dalawang ito." sabi ni Orion sa isip.

"Ayaw ko." sabi ni Elle kay Wine.

"Hati na lang tayo sa napanalunan ko." sabi ni Wine sabay kuha sa apat na daan na binigay ng mga kaibigan nito.

Inilagay ni Wine ang dalawang daan sa wallet ni Elle habang naroroon pa ang isandaang piso nito.

"Ayaw ko. Baka kapag wala ka na naman pera hahalikan mo na naman ang mga babae mo." umiiyak na sabi ni Elle.

"Hala! Kay babata pa." sabi ni Orion sa isip sa sinabi ni Elle.

"Hindi na." sabi ni Wine.

"Ayoko.' sabi ni Elle.

"Cheesecake." sabi ni Wine.

"Uwi na tayo Papa." umiiyak na sabi ni Elle kay Orion.

Napatingin si Orion kay Wine at napangisi ito.

"Uuwi na kami siya nagsabi." sabi ni Orion kay Wine.

Tinalikuran ni Orion si Wine habang binago ni Elle ang pagkakahiga nito patalikod kay Wine na halatang nagtatampo nga ito sa batang lalaki na ikinangisi ni Orion.

"Cheesecake sorry na." sabi ni Wine

Nang akmang pasakay na si Orion ng muli itong lumingon kay Wine at seryoso itong nagsalita.

"Pasalamat ka anak ka ni Malic at isa kang Lopez. Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sayo. Pero hindi ako papayag na paiyakin mo uli ang anak ko. Last mo na ito, Wine." seryosong sabi ni Orion kay Wine bago nito isinara ang pintuan ng kotse nito.

"Asar." sabi ni Wine ng makaalis ang kotse ni Orion.

Tiningnan ni Wine ang wallet ni Ellie at ang perang napanalunan at sa inis nito pinunit iyon ni Wine.

"Asar!!!!" sigaw sa inis na sabi ni Wine sabay bato ng perang pinunit nito.

.......................

El Casa

"Pumila na kayo." sabi ni Chhaya sa mga entertainers na babae.

Nasa Training room siya ng araw na iyon para sa rehearsal na mga ito. Darating kasi ang employer na kukuha sa mga entertainers na hawak niya.

"Miss Cha."

Napalingon si Chayya ng tawagin siya ng isang entertainer. Napangiti siya kaya muling nagsalita ang babae.

"Pinabibigay po." sabi ng babae.

Kinuha ni Chhaya ang papel at ng makita at Mabasa iyon, napangiti ito.

"Kanino galing?" tanong ni Cleofe ang isa sa naging kaibigang entertainer ni Chhaya.

"Kay Atlas." sabi ni Chhaya.

"Atlas?" kunot noo na tanong ni Cleofe ng may maalala sa pangalan.

"Wala." sabi ni Chhaya at napangiti ito.

"...pumila na kayo." sabi ni Chhaya sa lahat.

"Atlas? Di ba, Atlas din ang pangalan ng jowa ni Win." bulong na sabi ni Elsa kay Cleofe.

Napatingin si Cleofe kay Elsa at napatango ito.

"Oo nga siya nga iyong nasa dulo ng isip ko na Atlas ang pangalan." sabi ni Cleofe.

"Bakit siya sinulatan ni Atlas?" tanong ni Elsa.

"Baka magkakaibigan sila. Ganoon naman sa mga mayayaman may mga common friends." kibit balikat na sabi ni Cleofe.

"Ang sweet ng friends, mabangong papel pa ang ginamit sa pagsusulatan." sabi ni Elsa na ikinailing nito.

.................

St Therese University.

"Mamaya, pupunta ako." sabi ni Winter.

"Sabi mo iyan ha?" sabi ni Mack.

"Oo naman. Happy birthday uli." nakangiting sabi ni Winter at hinalikan nito sa labi si Mack.

Nasa University ng araw na iyon si Winter para sa ayusin niya ang natitirang subject. Nang bigla siyang yayain ni Mack maglunch dahil birthday nito.

At ngayon kababa lang nila ng kotse ng binata, at para sa birthday gift hinalikan ni Wnter si Mack. Pero akmang gagantihan ito ng binata ng halik ng may humila kay Mack palayo kay Winter.

"Huwag mo ng gantihan." sigaw ni Atlas sabay hila kay Mack at sinapak ito.

"Atlas, ano ba?" sabi ni Winter sa binata ng suntukin nito si Mack.

"Sabi ko huwag kang magpapahalik." galit na sabi ni Atlas kay Winter.

"Hahaha, pakialam mo ba." sabi ni Winter kay Atlas.

"Bawal ka magpahalik dahil nobyo mo ako." sabi ni Atlas.

Ilang buwan din niyang sinusundan si Winter at wala itong ginawa kundi sumama sa lalaking kasama nito ngayon

"Hahaha, hindi kita nobyo. Hindi nga kita mahal." sabi ni Winter kay Atlas.

"Hahaha, langya pare. Hindi ka naman pala nobyo kung umasta ka parang iyon iyo." maangas na sabi ni Mack kay Atlas.

"Nobyo niya ako.' sabi ni Atlas kay Mack.

"Hindi ka nga mahal." natatawang sabi ni Mack kay Atlas.

Napatiim ng bagang si Atlas at akmang susuntukin nito si Mack ng hatakin ito ni Winter.

"Umalis ka na. Istorbo ka eh." sabi ni Winter kay Atlas.

Napatingin si Atlas kay Winter, ilang buwan na lang matatapos na ito sa kolehiyo at hanggang ngayon hindi niya kilala ang mapapangasawa nito.

"Alis.' sabi ni Winter kay Atlas.

"Akin ka lang." sabi ni Atlas kay Winter.

"Kay Snowman lang ako." sabi ni Winter kay Atlas.

"Hindi ka sa kanya dahil ikaw ang binigay sa akin ng lolo mo." sabi ni Atlas.

"Aiisssst, Atlas tantanan mo na nga ako. Ilang buwan na lang ang pagpapakasarap ko at pagbigyan mo na ako." sabi ni Winter kay Atlas.

"Ayaw mo sa akin?" seryosong tanong ni Atlas.

"Ayoko.' sabi ni Winter.

"Kapag hindi ka sa akin napunta. Pagsisisihan mo." sabi ni Atlas.

"Hahaha, mukha mo. Hindi kita gusto kaya hindi kita mahal." sabi ni Winter at tinabig nito si Atlas.

Mula ng umuwi siya galing Amerika nakabantay na si Atlas na kinaiinis ni Winter dahil nasasakal siya dito. Isama pa na hindi siya makagala at makapagnobyo ng gusto niya. In short hindi niya maenjoy ang pagiging single sa nalalabing buwan niya sa pagiging malaya.

"Ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang lahat, kaya ikaw din ang magiging dahilan kung paano magbabago uli ang lahat." seryosong sabi ni Atlas.

"Patay na si Kenneth ganun din si Lexa. Alam kong wala ka ng kakampi dahil kahit sila Tito SatA, hindi na itutuloy ang lahat." sabi ni Winter.

"Hindi ko sila kailangan.' sabi ni Atlas at nilapitan nito si Winter at binulungan.

"Dalawa lang ang kailangan, ko ang mawawala at ang natitira.' sabi ni Atlas.

Napatingin si Winter kay Atlas ng bigla siyang kinabahan kaya niyakap nito si Atlas.

"Okay, hindi na ako makikipagdate." sabi ni Winter kay Atlas.

"Mabuti.' sabi ni Atlas.

Niyakap ni Atlas si Winter at napangisi ito kay Mack na naiiling lamang sa ginawa ni Winter na pagyakap kay Atlas.

"Hindi na ako makikipagdate na makikita mo." nakangiting sabi ni Winter sa isip habang yakap si Atlas.

..................

Emperio House

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Ellie sa anak na si Elle.

"Away ako ni Wine." umiiyak na sabi ni Elle ng salubungin nito si Ellie.

Napatingin si Ellie kay Orion ng ibaba nito si Elle na agad yumakap kay Ellie.

"Paano ka inaway ni Wine?" tanong ni Ellie.

"Kuha siya babae halik niya." nabubulol na sabi ni Elle habang umiiyak ito.

"Kanina pa siya hindi tumitigil sa kakaiyak." sabi ni Orion kay Ellie.

"Nakita niya daw si Wine na kahalikan?" nagtatakang tanong ni Ellie kay Orion.

"Oo. Ang batang iyon manang-mana sa ama. Babero! At hindi lang isa ang babae kundi... apat." sabi ni Orion na ikinanlaki ng ng mata ni Ellie.

"Apat?" sabi ni Ellie na hindi makapaniwala sa sinabi ni Orion.

"Opo Mama. Iyong una kiss niya..." sabi ni Elle sabay halik sa kamay nito at kinagat pa nito ang kamay.

"Ganoon talaga?" nanalalaking mata na sabi ni Ellie kay Elle.

"Opo, iyong pangalawa. Kiss niya ganito." sabi ni Elle sabay buka ng bibig nito at hinalikan ang sarili nitong kamay.

"Ano ba yang nakita mo?" nagugulumihang sabi ni Ellie kay Elle sabay tingin kay Orion.

"Hindi pa ako tapos may dalawa pa po. Iyong pangatlo ganito." humihikbing sabi ni Elle sabay halik sa kamay at bahagya iyon hinalikan sabay dila.

"Oh my God Orion." di makapaniwalang sabi ni Ellie sa nakita ng anak, na ikinatiim ng bagang ni Orion sa reaksyon ni Ellie at sa pag-iyak ni Elle na tila naaalala nito lahat ng ginawa ni Wine na paghalik sa mga babae nito.

"May isa pa. Ganito." umiiyak na sabi ni Elle sabay halik sa kamay nito at ngumuso ito.

"Oo baby alam ko na. Gets ko." sabi ni Ellie at niyakap nito ang anak.

"Ang batang iyon madaming kalokohan at bata pa si Elle para makita iyon." sabi ni Orion kay Ellie.

"Oo gets ko rin." sabi ni Ellie sabay karga kay Elle.

"Balak kong ilipat ng school si Elle." sabi ni Orion

"Onion, malapit ng matapos ang pasukan. Bantayan na lang natin kaysa mahirapan si Elle sa ibang environment. Hindi rin magandang way iyon, sa batang tulad niya na pabago-bago ng school." sabi ni Ellie.

"Anong gagawin natin? Hayaan siya lapitan ni Wine?" sabi ni Orion.

Tiningnan ni Ellie ang bunsong anak ng mapangiti ito.

"Uuwi na si Run kasama sila lolo at lola. Si Run ang pababantayan ko kay Elle." sabi ni Ellie kay Orion na ikinakunot ng noo ni Orion.

"Uuwi na sila? Kailan?" tanong ni Orion.

"Ngayong darating na Linggo." nakangiting sabi ni Ellie.

"Mabuti at binalik din nila ang anak natin." nakangising sabi ni Orion na masaya siya at makakasama na niya si Run.

"Uwi na kuya Run?" napangiting sabi ni Elle kay Ellie ng marinig ang pangalan ni Run.

"Oo, may magbabantay na sayo." sabi ni Ellie kay Elle.

"Ako magbabantay at mag-aalaga sa kanya mama." sabi ni Elle na ikinatingin ni Ellie kay Orion.

✍️✍️✍️✍️✍️✍️

April 30, 2021 10.17pm

FifthStreet1883

Good night

😴😴😴😴

Trending as of today

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top