Kabanata 14 : Isandaan


Months later

"Hoy anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Ciao kay Wine habang kasama nito si Ion, Rhythm at Shadow.

"Huwag kang maingay, may minamatiyagan kaming magagandang dilag." sabi ni Shadow kay Ciao.

"Loko kayo, pinagalitan na kayo dati noong nilandi niyo iyong babae sa isang convenient store." sabi ni Ciao habang nakikisilip ito sa mga kaibigan.

Nasa isang kainan sila sa ikalawang bayan, matapos kasi mag-uwian naisipan ng magkakaibigan na maglakad  pauwi, tutal naman lahat ng bahay nila ay nasa ikalawang bayan.

"Huwag ka ngang magulo diyan. Kung gusto mo umuwi ka na." sabi ni Shadow habang nasa unahan si Wine at kumukuha ng tiyempo para mahalikan ang babaeng natipuhan nito.

"Loko kayo, alam ko na ang gagawin niyo." sabi ni Ciao.

"Huwag ka sabing maingay." sabi ni Ion sabay takip sa bibig ni Ciao.

Nagpumiglas si Ciao, lalo na ng makita niyang si Ash ang pinangsalang ng mga ito, na ngayon ay nakaupo malapit sa mga babae. At hindi lang iisang babae kundi apat na babae iyon.

"Hoy, bakit si Ash ang inilagay niyo doon. Lagot kayo kay Autumn." sabi ni Ciao sa mga kasama.

"Aiissst, umalis ka na nga. Panggulo ka." sabi ni Shadow sabay harang kay Ciao para hindi nito makita ang ginagawa ni Ash.

"Aiisssst, makikitingin ako." sabi ni Ciao.

"Shhhh. Huwag kayo maingay, si Wine na." sabi ni Rhythm na kanina pa nakatutok sa ginagawa ni Ash.

Nadaanan nila ang kainan na iyon kung saan madalas tambayan at kainan ng mga estudyanteng mahirap sa University. Mga iskolar ang mga ito at hindi nila lubos maisip na may maganda pala sa lugar na iyon ng mahihirap.

"Go Wine." sabi ni Shadow kay Wine.

"Kapag nauto ko ang apat at hinalikan ako, tig iisang daan kayo ha." sabi ni Wine.

"Oo ba." sabi ni Ion kay Wine. Nakasama si Ion sa lakad ng mga ito, dahil hindi pumasok si Adira sa school na madalas ni Ion kasama papasok at pauwi.

"Game." sabi ni Wine.

Naglakad si Wine sa bandang gilid kung saan nakita nito si Ash na nasa katabing mesa ng mga babae.

"Anong ginagawa ni Ash doon?" tanong ni Ciao kay Rhythm.

"Hahaha, kukunin niya iyong cellphone ng babaeng malapit sa kanya." natawang sabi ni Rhythm.

"Bakit niya gagawin iyon?" tanong ni Ciao.

"Para makita natin ang pinaggagawa ng apat na magagandang babaeng iyan." sabi ni Shadow.

"Loko kayo." sabi ni Ciao.

"Kung ayaw mo umalis ka." sabi ni Shadow kay Ciao.

Hinarangan muli ni Shadow si Ciao pero nagpumiglas ito, at nakitingin din sa ginagawa ni Ash at kay Wine  na paparating sa mga babae.

"Si Wine bakit nandoon?" sabi ni Ciao.

"Narinig mo di ba? Nagpustahan kami kapag ang apat na babaeng iyon ay hinalikan siya sa labi may isang daan siya sa amin... each." sabi ni Shadow.

"Okay sige patingin ako. Pupusta ako mahuhuli kayo..

.... hahahaha." natawang sabi ni Ciao na ikinatingin nila Rhythm at Ion kay Ciao.

"Ikaw ba pumunta dito para mambuweset?" sabi ni Rhythm kay Ciao.

"Hindi naman, pero kapag nahuli ang dalawang lokong iyan. Bigyan niyo akong tatlo, ng limandaan... EACH." sabi ni Ciao.

"Aiissst, si Wine iyan at hindi iyan mahuhuli kung hindi mo isusumbong." sabi ni Ion.

"Okay." sabi ni Ciao at nakisilip ito.

Nasa gilid ng kainan ang apat, kung saan hindi sila pansin sa dami ng tao sa kainan.

..................
Nang makalapit si Wine sa apat na babae napangiti ito.

"Hi." nakangiting sabi ni Wine sa apat na babae na nasa edad kinse hanggang disisyete.

"Hi." sabi ng isang babae kay Wine.

Napangisi si Wine, at pinagmasdan nito ang apat. Ang dalawa ay magkamukha at hindi maitatangging kambal ang dalawa.

"Puwede bang makishare ng mesa. Wala na kasing puwesto." sabi ni Wine

Napangiti ang apat na babae kay Wine.

"Okay maupo ka." sabi ng isang babae na malapit sa mesa ni Ash.

"Anong name mo?" sabi ng isang babae .

"Wine." sabi ni Wine.

"Nice. Ilang taon ka na?" tanong ng ikatlong babae na nasa bandang kaliwa ni Wine.

"Kinse." sabi ni Wine na kung tutuusin magtetrese pa lang siya pero dahil matangkad siya at ang katawan niya ay pang kinse anyos kaya madali niya mapaniwala ang lahat

"Kasing edad ko." sabi ng babae na ikinangiti ni Wine.

Napatingin si Wine sa kambal hindi ito nagsasalita kaya nginitian niya ang mga ito.

"Kilala kita." sabi ng isa sa kambal na medyo mataray ang awra.

"Talaga?" sabi ni Wine.

"Oo, anak ka ni Malic Lopez at kaibigan ni Tito Orion." sabi ng isa sa kambal na ikinatitig ni Wine sa babae.

"Wow, nakakataba naman ng puso dahil kilala mo ako." sabi ni Wine.

"Anong gusto mo?" tanong ng isang kambal na tipong tahimik.

"Makipagkaibigan sa inyong apat." nakangiting sabi ni Wine.

"Okay. Iyon lang pala.

Ako nga pala si Louise, ang kakambal ko si Althea, ito si Faith at ito naman si Shimmer." sabi ni Louise.

Pinagmasdan ni Wine ang apat, ng biglang mapangisi siya ng makitang hindi naman mahirap ang apat dahil ang mga suot nito ay mamahalin at halatang may class ang pananalita ng mga ito. Ang ipinagtataka ni Wine kung bakit nasa pangkaraniwang kainan ang apat na babae.

"Masarap ba ang pagkain dito?" tanong ni Wine sa apat.

"Oo, pero I doubt it, kung magugustuhan mo." sabi ni Shimmer. Na tila nakikilala niya ang batang lalaki na nasa harapan nila pero hindi kasi siya matandain kung saan niya ito unang nakita.

"Mahilig ako kumain sa karinderia." sabi ni Wine.

"Talaga?" sabi ni Faith

"OO." sabi ni Wine.

"Sige nga kainin mo itong tuyo." sabi ni Shimmer.

Tiningnan ni Wine ang mga pagkain na nasa mesa, napangisi siya dahil pagkaing mahirap ang mga binili ng apat na nasa harapan niya na lalo niyang ipinagtaka.

"Kapag kinain ko iyan anong kapalit?" tanong ni Wine.

"Halikan niyo siya."

Napatingin ang apat sa batang nagsalita na saktong tumalikod si Ash kaya hindi nakita ng apat kung sino ang nagsalita.

"Hahaha, halikan niyo daw ako." natawang sabi ni Wine.

"Hindi naman kami ganoon kadali magbibigay ng kiss kung kani-kanino." sabi ni Louise kay Wine.

"Okay kapag kinain ko lahat ng ibibigay niyo. Okay na ba?" sabi ni Wine.

Nagkatinginan ang apat at napangisi ang mga ito.

"Tingin mo madali mong makukuha ang halik mula sa amin?" sabi ni Shimmer.

"Ganito na lang. Maglalapag ako tapos maglalapag din kayo ng pagkain." sabi ni Wine.

Nagkatinginan muli ang apat sa isa't isa,na halatang nag-uusap ang mga ito sa mga mata.

"Game ako." sabi ni Faith.

"Okay kayong tatlo?" sabi ni Wine.

"Okay game." sabi ng tatlo.

Unang inilapag ang tuyo kay Wine na agad nitong nakain. Naglapag ng itlog na maalat si Wine at nakain iyon ng apat.

Sumunod naglapag ang apat na babae ng ginisang sardinas na kinain ni Wine. Naglapag si Wine ng dinuguan at kinain iyon ng apat.

Naglapag muli ang apat ng ginataang santol na kinain ni Wine.

"Ito ang huli ko." sabi ni Wine at naglapag ito ng balut na may sisiw na ikinatingin ng apat.

Inilapag ni Wine ang balut na binili niya sa karinderya. Binuksan niya iyon sa harap ng apat na babae.

Napangiwi ang apat ng makita pa ang mata at may buhok pa sa katawan na laman ng balut.

"Wait, ganito na lang. Kapag nakain mo ang apat pati iyong sisiw niyan, kung sisiw man iyan. At naubos mo lahat isang halik sa labi. Bibigyan ka namin bawat isa sa amin." sabi ni Faith.

"Sure?" tanong ni Wine.

"Oo." sabi ni Faith na ikinatango ng mga babae.

"Madali akong kausap." sabi ni Wine.

Tiningnan ng apat na babae si Wine habang nanonood mula sa malayo ang mga kaibigan ni Wine.

Samantalang nakuha na ni Ash at nabulsa ang cellphone ng katabi niya habang busy ang mga ito kanina pa sa pambibilog ni Wine sa mga ito.  Tumayo si Ash at nagtungo ito sa mga kagrupo.

Binuksan ni Wine ang apat na balut na ikinatakip ng ilong ng apat na babae.

Napangiti si Wine ng kinain niya ang unang balut habang nakatingin sa apat na babae na tila nasusuka ang mga ito.

"Kaya mo?" tanong ni Louise kay Wine. Alam ni Louise na mayaman si Wine at hindi niya inaasahan na kumakain ito ng balut.

"OO naman." sabi ni Wine at kinain nito ang pangalawang balut.

Pinagmasdan ng apat si Wine, nakapantalon ito na uniporme ng highschool. Dark brown ang kulay nun pero ang suot ni Wine ay kupas na. Naka t-shirt na lang ito na maluwag na ang kuwelyo. Nakasampay ang puting polo na uniform ni Wine sa balikat nito at kahit maputi iyon halatang matagal ng gamit iyon.

"Hindi ka nasusuka?" tanong ni Shimmer.

"Hindi." sabi ni Wine sabay kain sa pangatlong balut.

"...pero nauutot na ako." sabi ni Wine sa isip na natatawa pa ito.

"Kaya mo pa?" tanong ni Louise habang nakatingin lang ang kakambal nito kay Wine na halatang nandidiri ito.

"Kaya." sabi ni Wine.

"....pero lagot kayo kapag nakahalik na ako, dahil ang utot ko ay sasambulat sa inyong apat," natatawang sabi ni Wine sa isip.

"Tapos na siya." sabi ni Faith na ikinatingin ng apat sa isa't isa.

"Panalo ako." sabi ni Wine na nakuha pang uminom ng tubig.

"Ang galing mo naman." sabi ni Louise kay Wine.

"Puwede ko na bang makuha ang mga halik niyo?" sabi ni Wine.

"Oo, madali naman kami kausap." sabi ni Shimmer.

..................

"Bilis cellphone picturan natin si Wine." sabi ni Shadow at inilabas ng mga ito ang cellphone kung saan nakavideo mode si Ion.

"Ipakita natin sa mga gurang nating kagrupo." natatawang sabi ni Rhythm.

"Ako din magvivideo para may ebidensyang binata na si Wine." natawang sabi ni Ciao na ipinorma na ang cellphone at nakuha pang i-zoom para kita talaga si Wine at ang apat na babae.

................

"Ako muna." sabi ni Faith at lumapit ito kay Wine.

Umupo si Faith sa tabi ni Wine at tumitig sa binata. Napangiti pa si Faith dahil guwapo ang lalaking nasa harap niya.

"Ako hahalik o ikaw?" nakangising sabi ni Wine.

"Ikaw. Nakakahiya naman kapag ako." namulang sabi ni Faith.

"Okay." sabi ni Wine.

Inilapit ni Wine ang labi sa babae at nagulat ang apat na babae ng ibuka ni Wine ang labi nito.

Pagdampi ng labi ni Wine bahagyang nitong kinagat ang labi ni Faith na ikinapikit ng dalaga at ikinalunok ng tatlong babae.

"Shit ang suwerte ni Wine." sabi ni Rhythm sa malayo, ng makita sa video ang ginagawa ni Wine.

"Next. Ako na ang lalapit." sabi ni Wine ng iwan si Faith na nakapikit pa matapos niyang halikan at kagatin ang lower lip nito.

Lumapit si Wine kay Shimmer at bahagya itong yumuko sa dalagang nakaupo.

Pagyuko ni Wine hinawakan nito ang batok ni Shimmer at minasahe iyon saka nito dinampian ng halik si Shimmer.

Ilang segundo lang. Ang akala ng apat na babae tapos na ang paghalik ni Wine pero dinilaan nito ng bahagya ang labi ni Shimmer saka muling dinampian ng halik na ikinalunok ni Shimmer.

"Ikaw naman." nakangiting sabi ni Wine kay Louise na halatang kinakabahan ang babae.

Nakatitig lang si Louise kay Wine. Nang yumuko si Wine hinawakan nito ang baba ni Louise at napasighap ang dalaga ng lasahan ni Wine ang lower at upper lip ni Louise na ikanapula nito.

"Sweet." nakangiting sabi ni Wine ng bitawan si Louise.

"Ako na ba?" kinakabahan sabi ni Althea.

"Yes darling." sabi ni Wine.

Lumapit si Wine kay Althea at hinawakan nito ang mukha ni Althea saka masuyong hinalikan, na ikinapikit din ng mata ni Althea ng maramdaman ang malambot na labi ni Wine.

"Shit naman nakaapat siya." sabi ni Shadow.

"Asar, sana tayo din." sabi ni Ion.

Paglapat ng labi ni Wine sa labi ni Althea ginalaw ni Wine ang labi niya na ikinaungol ni Althea kaya napangisi ng lihim si Wine. Nang ibinuka ng babae ang labi nito bigla itong binitawan ni Wine na ikinamulat ng mata ni Althea.

"Kiss lang ang usapan, at dampi dampi lang." nakangiting sabi ni Wine na ikinatingin ng apat na babae dito.

"Okay." sabi ni Althea.

"Salamat sa pagpapakilala natin sa isa't isa, sa mainit na pagtanggap at sa bonding." nakangiting sabi ni Wine.

Tumayo ito habang nakatingin lang ang apat na babae dito. Napangiti muli si Wine sa apat at isa-isa itong niyakap.

"Nice meeting you all." sabi ni Wine.

*pooottttt

Nagulat ang apat na umutot si Wine habang nakangiti pa ito sa apat na babae.

"Remembrance ko sa ating pagkakaibigan" natawang sabi ni Wine.

Tumalikod si Wine at muli itong umutot na ikinatawa ng malakas ni Wine.

"Yuckkkkk!" sabay-sabay na sabi ng apat na nagsitakipan ng ilong dahil ang baho ng utot ni Wine na tila tinapat pa nito ang puwetan sa kanila.

"Hahahaha. Welcome to my world." malakas na tawa at sabi ni Wine sa apat na babae habang naglalakad ito palayo sa apat.

..............

"Isandaan ko." masayang sabi ni Wine sa mga kaibigan ng makalapit ito.

"Ayos ah. May pera ka na may halik ka pa." sabi ni Ciao kay Wine.

"Hahaha, ang sarap ng labi ng apat na iyon. Ang lalambot." tumatawang sabi ni Wine.

"Grabe sana,pala ako na lang ang pumatos sa dare." sabi ni Shadow.

"Hahaha, hindi mo magagawa iyon." sabi ni Wine.

"Mas hindi niyo magagawa ito." sabi ni Ash ng ipakita ang cellphone na nakuha nito sa isa sa apat na babae.

"Patingin kami." sabi ni Rhythm kay Ash.

"Tig iisang daan din kayo." sabi ni Ash.

"Aiisssst, grabe." sabi ni Rhythm.

"Ako, hindi na ako sasali. Okay na ako sa halik." sabi ni Wine sabay kuha ng tig iisang daan sa mga kaibigan.

"Wine."

Napatingin si Wine at mga kaibigan nito ng may tumawag kay Wine.

"Elle?" nagulat na sabi ni Wine kay Elle na nakatingin sa kanya at sa perang hawak niya.

"Wala kang pera kaya hinalikan mo sila?" inosenteng tanong ni Elle sabay nguso sa apat na babaeng nasa mesa pa rin ngayon.

"Ha?" sabi ni Wine na tila hindi malaman ang isasagot ng makita ang katanungan sa maamong mukha ni Elle.

"May pera ako, bibigyan na lang kita." sabi ni Elle ng biglang tumulo ang luha nito.

"Lagot ka Wine pinaiyak mo ang kapatid ko." inis na sabi ni Ash kay Wine.

Napalunok si Wine habang nakatingin kay Elle na lumuluha at namumula na ang ilong nito sa pinipigil na paglakas ng iyak nito.

Kinuha ni Elle ang bag sa likuran nito. Binuksan iyon ni Elle at kinuha ang maliit na wallet doon.

"Iyo na lang, may ube ako diyan.

One hundred." sabi ni Elle sabay abot kay Wine ng wallet nito habang yakap ni Elle ang bag niya.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Wine na hindi kinuha ang wallet ni Elle.

"Elle halika na umuwi na tayo. Nakabili na ako ng saging." sabi ni Yaya Len.

Tumingin si Elle kay Wine at tinapon nito ang wallet sa dibdib ni Wine.

"Sa iyo na lang iyan." umiiyak na sabi ni Elle sabay takbo nito kay Yaya Len.

"Elle." sabi ni Wine na nagulat sa ginawang paghagis ni Elle sa wallet nito sa kanya.

"Tsk tsk tsk. Lagot ka." natawang sabi ni Shadow kay Wine na nakatingin lang kay Elle.

"Aissst, bakit mo pinaiyak?" inis na sabi ni Ion at Ciao kay Wine.

April 30, 2021 3.11pm

FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top