Kabanata 12 : Bakod


Atlas House

Kanina pa pinagmamasdan ni Winter ang bahay ni Atlas. Luma na iyon pero gawa sa bato na halatang may kaya o sinasabi ang nakatira doon dati. Maganda naman ang lugar kahit may kalumaan. Dalawang palapag lamang iyon na tipikal sa mga lumang bahay sa Isla.

Matatawag nga na ancestral house o maihahambing sa mga lumang bahay sa Vigan. Malamig sa loob ng bahay kahit walang aircon ang bahay.

"Kain na tayo." sabi ni Atlas habang kanina pa pinagmamasdan si Atlas.

"Okay." sabi ni Winter at umupo ito sa hapag kainan.

"Tinolang manok." sabi ni Atlas kay Winter.

"Mukhang masarap." sabi ni Winter.

Napapikit ang dalaga at nilanghap ang amoy ng tinola.

"Native chicken ang ginamit ko. Sana magustuhan mo." sabi ni Atlas habang pinagsisilbihan si Winter.

"Mapapadami ang kain ko. Kanina pa ako gutom." sabi ni Winter.

"Okay lang. Marami akong nilutong tinola saka marami din akong nilutong kanin." sabi ni Atlas.

Napangiti si Winter at nagsimula itong humigop ng sabaw na inihanda ni Atlas sa mangkok niya.

"Ang sarap naman." nakangiting sabi ni Winter.

Gutom si WInter pero alam niyang masarap talaga ang luto ni Atlas. Bukod sa ngayon lang siya nakatikim ng ganoong putahe. Maraming luya ang tinola nito kaya lasa mo ang sarap na nanunuot sa manok at sa sabaw.

"Talaga." sabi ni Atlas.

"OO, ang galing mo magluto." sabi ni Winter.

"Salamat." sabi ni Atlas.

"Sabi nila kapag marunong daw magluto puwede ng mag-asawa." birong sabi ni Winter.

"Ikaw na lang naman ang hinihintay ko." sabi ni Atlas habang nilalagyan nito ng ulam si Winter sa plato.

"Hahaha, si Snowman ang hinihintay ko. At saka bente dos na ako, ang sabi ni lolo kapag nakagraduate na ako, ,saka niya ipapakilala sa akin ang mapapangasawa ko." sabi ni Winter na ikinatitig ni Atlas kay Winter.

"Kumain na tayo." sabi ni Atlas.

Tumingin si Winter kay Atlas ng kumain na ang binata ng tahimik kaya kumain na rin siya. Ilang sandali pa ng biglang nag-brownout na ikinasigaw ni Winter.

"Multo!" sigaw ni Winter na hindi gumagalaw sa upuan niya.

"Atlas!" sigaw ni Winter ng hindi man lang nagsalita si Atlas sa dilim.

"Huwag mo akong takutin ha." sabi ni Winter sabay hawak sa mesa at nagawa pa nitong itaas ang mga paa sa upuan sa takot na may kumalabit sa paa niya.

Tumayo si Atlas para kumuha ng kandila at ng masanay ang mata niya sa dilim. Sinindihan niya iyon at inilapag sa mesa.

Napatingin si Winter kay Atlas ng biglang ngumiti ang binata na ikinatitig ni Winter dito.

"Pagkakataon nga naman. Candlelight dinner." nakangiting sabi ni Atlas kay Winter.

"Date?" sabi ni Winter.

"Oo. Umaayon sa akin ang lahat, kaya positibo akong magkakagusto ka sa akin." sabi ni Atlas at naupo ito katabi ni Winter.

"Tama... ahh I mean. Tama na diyan ka umupo sa tabi ko kasi natatakot ako." sabi ni Winter.

Napangiti si Atlas at hinawakan nito ang mga paa ni Winter at binaba iyon.

"Natatakot ako baka may kumalabit sa akin. Alam mo iyong pelikula na may kadena sa paa at kamay habang kinakaladkad ang bolang bakal." sabi ni Winter na ikinangiti ni Atlas.

"Okay, ganito na lang. Isampay mo ang mga binti mo sa hita ko para kung sakaling may kakalabit sa paa natin. Mauuna akong kalabitin." nakangiting sabi ni Atlas.

Nakatingin lang si Winter ng itinaas ni Atlas ang mga hita niya at isampay iyon sa hita ng binata.

"Okay na?" tanong ni Atlas.

"Oo." sabi ni Winter.

"Isa pa, susubuan kita habang ang kamay mo ay nasa mesa lang." sabi ni Atlas.

Napangisi si Winter sa sinabi ni Atlas dahil may naisip siyang kakaiba.

"Puwede bang sa loob na lang ng t-shirt mo ang kamay ko para hindi ako kalabitin sa kamay?" sabi ni Winter.

Napatingin si Atlas kay Winter at napangiti ito.

"Okay lang." sabi ni Atlas.

Inilagay ni Atlas ang kamay ni Winter sa loob ng damit niya. At nang maipasok ang kamay ni Winter agad nitong kinapa ang abs ni Atlas na ikinangisi ng binata.

"Ang tigas talaga." naibulalas na sabi ni Winter na ikinatawa ni Atlas.

"Hahaha, matigas ba sobra?" natawang sabi ni Atlas na ikinapula ng mukha ni Winter.

"Huwag kang tatawa ang init ng mukha ko." sabi ni Winter ng maramdamang namumula ang mukha niya.

"Hindi na ako tatawa." pigil sa tawang sabi ni Atlas.

"Dapat lang kundi aalisin ko ang mga kamay ko at hindi ko na kakapain itong dibdib mo at abs mo." sabi ni Winter

"Hahaha, utang na loob ko pa." natawang sabi ni Atlas sa isip.

"Okay sige. Kumain na tayo." napangising sabi ni Atlas kay Winter.

Sinimulang pakainin ni Atlas si Winter habang hinahaplos nito ang abs niya na tila curious nga ito sa katawan niya.

"After nito, ihatid mo na ako. Kasi baka hanapin na ako." sabi ni Winter.

"Okay." sabi ni Atlas.

Ilag minuto rin ng natapos ang dalawa sa pagkain at tumayo na si Atlas para magligpit. Habang nakatingin lang si Winter na alam naman ng binata na walang alam ang dalaga sa gawaing bahay.

Okay lang. Ikaw na lang, kasi... hindi ako marunong. Nandidiri ako magligpit." sabi ni Winter kay Atlas.

"Okay lang diyan ka lang sa mesa at panoorin mo na lang ako." nakangiting sabi ni Atlas.

Tumayo si Atlas at nagsimula itong magligpit. Naghugas din ito ng mga plato habang pinagmamasdan lang ni Winter.

Ilang sandali lang ng matapos si Atlas napatingin ito kay Winter na hindi na nakuhag magsalita.

Napangiti ang binata ng sa paglingon nito nakita nito si Winter na nakayuko sa mesa at natutulog na.

"Aiisssst. Alas dos y media na. Iuuwi na kita at baka magalit sila sa akin." sabi ni Atlas.

Binuhat ni Atlas si Winter at dinala muna ito sa kuwarto. Saka nagpalit ng damit ang binata dahil naka-uniporme pa siya ng pangsundalo.

Matapos magbihis bumaba muna si Atlas at hinanda nito ang lumang kotse niya na galing pa kay Kenneth, na lolo niya. Umakyat muli ito at kinuha si Winter saka ito binaba at pinasok sa kotse.

Nang ikakandado na ni Atlas ang bahay, ng biglang may magsalita sa likuran niya na ikinatingin ng binata.

"Kasama mo siya? Hindi ba dapat si Chhaya?"

"Huh! Nasa ama na niya si Chhaya." sabi ni Atlas.

"Hindi mo makukuha ang gusto mo Atlas hanggat wala kang pera. Mag-isip ka, niloloko mo lang ang sarili mo at nagpapauto sa babaeng iyan."

"Ako ng bahala sa buhay ko." sabi ni Atlas

"Ibinigay mo kay Run ang lahat na dapat sayo. May sakit si Run. Tingin mo ang ikalawang kontrata ni Ralph ay paghahatian ng kambal ang yaman nito.

Malabo iyon Atlas. Mag-isip ka, huwag mo hayaan na habang buhay anino ka lang ng mga Cheung tulad namin."

"Hindi ako anino na kahit na sino." sabi ni Atlas.

"Makinig ka anak, kayo ni Chhaya ang bagay at alam ni Chhaya iyon. Kunin mo ang kayamanan na dapat sayo at makukuha mo ang lahat. Tulad ng ginawa ni Orion." sabi ng lalaki kay Atlas.

"Alam ko ang ginagawa ko. Kung ako sayo tumigil ka na." sabi ni Atlas at sumakay ito ng kotse nito na hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaking tinawag siyang anak.

.......................

Cave House

6:00 am

"Mama tapos na po ako kumain." sabi ni Ash kay Ellie ng umagang iyon.

"Umuwi ka ng maaga mamaya dahil may bantay ka." sabi ni Ellie kay Ash na ikinatango lang ng batang lalaki.

"Mama si Ate Winter?" tanong ni Elle na nasa harap pa rin ng mesa at kumakain.

Napatingin si Ellie kay Orion na napatingin din sa kanya.

"Wala ba siya sa kuwarto niya?" tanong ni Ellie kay Elle.

"Wala po." sabi ni Elle.

"Naku! Baka nagtanan na." sabi ni Ash na ikinatingin ni Orion sa bunsong anak na lalaki.

"Hello guys." bungad na sabi ni Winter ng pumasok ito sa dining.

"Saan ka natulog?" seryosong tanong ni Orion kay Winter.

"Sa Emperio House." sabi ni Winter.

Nagising si Winter ng alas kuwatro kanina ng madaling araw at kung tutuusin dalawang oras pa lang ang tulog niya. Pero okay lang, dahil mas mahirap kapag nagalit ang Papa niya kapag nalaman na madaling araw na siya dumating ng bahay.

"Ang kuya mo?" tanong ni Orion.

"Natutulog pa ng iwan ko." sabi ni Winter.

Nagpapasalamat siya at hindi siya sinita ni Autumn dahil tulog din naman ito ng dumating sila ni Atlas sa Valiente Empire kaya lusot siya sa paninita ng lahat.

"Kumain ka na." sabi ni Orion kay Winter.

"Okay." nakangiting sabi ni Winter.

"Ate, hatid mo po ako sa Universiy." sabi ni Elle kay Winter.

"Ha?" sabi ni Winter.

Napatingin si Winter kay Elle, ang balak kasi ni Winter ay matulog lang maghapon tutal wala naman siya pasok.

Kakatransfer lang ni Winter sa University at kaunti na lang naman ang subject na kinukuha niya para maka-graduate siya sa kolehiyo.

"Ayaw mo po?" tanong ni Elle kay Winter.

Napatingin si Winter kay Orion na alam niyang tinitingnan siya at sinusuri ng ama kaya napangiti siya at tiningnan nito si Elle.

"Okay sige. Ihahatid kita." sabi ni Winter.

"Kahit inaantok pa ako." sabi ni Winter sa isip.

"Okay, halika na tapos na po ako kumain." sabi ni Elle.

"Magsipilyo ka muna." sabi ni Winter habang umupo ito sa mesa dahil kakain pa lang siya.

"Okay three minutes." sabi ni Elle at masaya itong pumunta ng banyo para magsipilyo.

"Ate, wait ka namin sa kotse." sabi ni Ash kay Winter.

"Okay... pero wait madali lang ako kumain, sa sala mo na ako hintayin." nakangiting sabi ni Winter kay Ash.

"Mama pahinge po ng hotdog saka tinapay." sabi ni Elle kay Ellie ng makalabas ang batang babae ng banyo para magsipiliyo.

"Kakain ka pa ba sa kotse? May baon ka na sa lunchbox mo." sabi ni Ellie sa bunsong anak.

"Pahingi po ako." sabi ni Elle na hindi naman sinagot ang tanong ni Ellie.

"Ilan ba ang gusto mo?" tanong ni Ellie sa anak na nakalahad na ang kamay.

"Tatlo pong hotdog." sabi ni Elle.

Pinagbalot ni Ellie ang anak ng hotdog at pinabaunan niya pa ito ng ham at sandwich. Nakatingin lang si Orion sa mag-iina niya, nakayuko si Winter at halatang naaantok pa ito kaya napangisi si Orion. Samantalang si Elle, masaya ang awra nito na halatang excited ito pumasok.

"Salamat po." nakangiting sabi ni Elle.

"Bunso." tawag ni Orion na ikinatingin ni Elle.

"Bakit po?" tanong ni Elle habang inilalagay na nito ang bag sa likuran.

"Kanino ka lang sasama?" tanong ni Orion kay Elle.

"Kay Papa, kay Mama, Kay Ate Winter, Kay Kuya Autumn, kay Kuya Ash, kay Yaya at kay Kuya Glenn." sabi ni Elle kay Orion.

"After ng school, anong gagawin mo?" tanong ni Orion kay Elle habang nakangiti lang si Ellie sa mag-ama niya.

"After ng school?... Ahmmm maghihintay po ng sundo." sabi ni Elle.

"Very good." nakangiting sabi ni Orion.

"Papa?" sabi ni Elle.

"Yes?" sabi ni Orion.

"Kiss." sabi ni Elle sabay nguso ng labi nito na ikinatawa ni Ellie na halatang nilalambing ni Elle si Orion dahil sa ginawa nitong pagsama kay Wine.

Lumapit si Orion sa bunsong anak at hinalikan ito sa labi saka ito kinarga.

"Baby ka pa. Kay Papa ka lang muna at sa akin ka lang susunod. Okay?" sabi ni Orion.

"Okay." nakangiting sabi ni Elle.

"Hindi ka na ba nangangati sa kinain mo kahapon?" tanong ni Orion habang tinitingnan ang mga pantal sa katawan ni Elle sa pagkain nito ng binagoongan kahapon sa bahay nila Wine.

"Hindi na po." sabi ni Elle.

"Uminom na siya ng gamot saka may cream na ang katawan niya. Pinahidan ko kanina." sabi ni Ellie.

"Okay." sabi ni Orion kay Ellie.

"Elle alis na tayo." sabi ni Winter habang hawak nito sa kamay si Ash.

Nagmadali kumain si Winter dahil ayaw niyang magpaiwan na kasama ang ama dahil tiyak mahabang tanungan ang mangyayari hanggang mabuko siya nito.

"Papa, pasok na po kami." Sabi ni Elle at niyakap ng mga kamay nito ang leeg ni Orion at hinalikan ang ama sa labi.

"Ang sweet naman, wala ba ko?"tanong ni Ellie.

"Meron po." Sabi ni Elle sabay yakap sa mga magulang nito.

.....................

St Therese University

Minutes later

"Elle." tawag ni Wine ng makita si Elle na nakaupo sa bench ng school ng umagang iyon at naghihintay pumila papuntang room nito.

"Hi! Wine. May bibigay ako sayo." nakangiting sabi ni Elle.

"Ano iyon?" tanong ni Wine habang kinakawayan ito ni Ion kasama si Adira.

"Sayo na lang ito hotdog saka sandwich." sabi ni Elle sabay kuha ng binabalot na hotdog at sandwich.

"Hala! Baka wala kang baon?" sabi ni Wine.

"Marami akong baon. Tanggapin mo iyan kasi masaya ako kahapon sa paglalaro natin. Tatlong hotdog iyan, ibig sabihin I love you" nakangiting sabi ni Elle.

"Mahal mo talaga ako?" tanong ni Wine.

"Oo kasi pinapasaya mo ako." nakangiting sabi ni Elle.

Napangiti si Wine. Pero ilang segundo lang ng mapansin nito ang leeg ni Elle na namumula.

"May rushes ka?" tanong ni Wine sabay hawak sa leeg ni Elle.

"Iyong bagoong kahapon bawal sa akin iyon kaso masarap kaya kumain ako." nakangiting sabi ni Elle.

"Ganoon ba? Sorry." sabi ni Wine.

"Okay lang." sabi ni Elle.

"Wine! Si Tito Orion." sigaw ni Ion na ikinatingin ni Wine.

"Umalis ka na. Bilis." sabi ni Elle kay Wine ng makita ang sasakyan ni Orion na ipinagtaka ni Elle dahil kararating lang niya sa school.

"Okay babay." sabi ni Wine at dinampian nito ng halik sa noo si Elle.

Nagmamadaling umalis si Wine habang nakatingin lang si Elle sa kotse ng ama nito.

"Naku! nakabantay na si Tito Orion. Lagot ka ngayon Wine." sabi ni Ion ng makalapit si Wine sa kanila ni Adira.

Napalingon si Wine at napatingin ito kay Elle pero ng dumapo ang tingin nito sa kotse ni Orion nagulat ito ng nakatingin din si Orion sa kanya.

"Ayaw niya kaya sa akin para kay Elle. Pero kahit na, kukunin ko si Elle at ipapakita ko ang buhay na wala sila. Ang buhay na mas masaya." sabi ni Wine sa isip, na napangiti habang tumingin muli ito kay Elle na nakangiti ng salubungin si Orion.

April 29, 2021 8.05pm

FifthStreet1883

Good night

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top