Kabanata 11 : Deal

Author's Note: 


Salamat sa patuloy na pagbabasa at inuulit ko po iba-iba tayo ng kagustuhan at ayoko pong inuulit ang paraan ng iisang pakiramdam sa novel ko... hanggat maaari iniiwasan ko ang magkakatulad. Dahil bilang isang reader rin, ayoko po ng paulit-ulit.

Ito ang gusto ko kaya kung ayaw mo please huwag  ka na lang magbasa at matutong rumespeto.

Ang nobelang ginagawa ko ay para sa mga taong GUSTO lang po magbasa.

At tama, marami po nagandahan sa unang generation, at pangalawa at marami pong salamat... kung iisipin niyo iba iba po ang buhay ng tao at nais kong maging bukas sa iba't ibang buhay na iyon.

I love 3rd generation dahil mapupusok sila tulad ko. Meowwww🐱 hahaha 😂🤣

Stay happy and positive 😊

.........

Cheung Hotel

"Please naman po huwag naman kayo magback out." sabi ni Chhaya kay Mr Oliveros ng tawagan siya nito.

"Masyado ng mahina ang pundasyon ng Hotel, di tulad dati. Kaunti na rin ang mga establishment na nakatayo sa baba kaya sabi ng mga kasosyo ko, sa ibang hotel sila dalhin para maiba naman at marelax sila." sabi ni Mr Oliveros.

Napaisip si Chhaya, isa si Mr Oliveros sa matagal ng kliyente ng Cheung Hotel. Ang mga kliyente nitong mga foreighners, at kasosyo sa negosyo ay sa Cheung hotel dinadala ng lalaki at dahil nga kaunti na lang ang mga puwedeng puntahan sa hotel wala ng masyadong napupuntahan ang mga kliyente.

Paano ba naman nagsara na nga ang bar sa CH2 bldg, nagsara pa ang spa na siyang dinadayo ng mga turista. At ang latest pinull out ng Franxie Resto ang kontrata nito.

Ang Franxie ay pag-aari ng mga Valiente at matagal na itong nakatayo roon, kilala ang restaurant sa buong bansa lalo na sa mayayaman kahit nga mahal ang presyo sa naturang kainan maraming pumupunta rito. Tourist spot na nga itong maitatawag.

"Mr Oliveros baka po puwede pa natin pag-usapan." sabi ni Chhaya.

Pumunta si Atlas noong nakaraang araw sa Cheung Hotel, pero umalis din ito agad ng tumawag si Yumi ang katulong ni Damian.

"May bago kasing bukas ng Motel inn. Nasa gitnang bayan ito at bukod sa magandang ambiance ng lugar. Marami ang gusto makapasok doon na turista." sabi ni Mr Oliveros.

"Motel Inn?" kunot noon a tanong ni Chhaya..

"Hahaha, alam mo Miss Lopez isa sa kahinaan mo kaya umaalis ang mga datihang kliyente ng mga Cheung ay dahil hindi ka marunong magmasid kung ano ang nangyayari sa paligid mo." natawang sabi ni Mr Oliveros.

Tila naman napahiya si Chhaya sa sinabi ng matandang lalaki na kaedaran ng lolo niyang si Dennis Lopez.

"Ganoon po ba?" sabi ni Chhaya.

"May isang Motel Inn na kabubukas lang. Ito ay naka-locate sa loob ng Valiente empire kung saan marami ang nag-aasam na makapasok sa kaharian na iyon.

Bakit hindi? Alam natin na may Casa doon, bar, luxury cars na tila collection na ng may-ari na mahahalintulad na sa isang museum, may napakalaking swimming pool, malapit sa dagat, may restaurant. Lahat naroroon na.

Bubuksan ang Emperyo para sa lahat at ang motel na ginawa ni Autumn Valiente ang siyang pass ng mga tao para masilayan ang loob ng palasyo nila." sabi ni Mr Oliveros.

"Kay Autumn." sabi ni Chhaya sa isip.

"...kinakalaban niya ako." napapikit na sabi ni Chhaya.

"Nanghihinayang ako, dahil sa una at huling pagkakamali ni Ralph naibigay niya sa maling tao ang hotel na minana pa niya sa ninuno niya. Babagsak ito katulad ng pagkamatay niya. Marami ang nagsasabi na isang maling desisyon ang ginawa ni Ralph dala ng katandaan at ito ang unang pagkakataon nagkamali siya... ng ibigay sa inyo ni Atlas ang Hotel. Tinalikuran niya ang buong pamilya niya para sa mga ampon niya." sabi ni Mr Oliveros na ikinalunok ni Chhaya.

Sa telepono lamang sila nag-uusap at boses lamang ni Mr Oliveros ang naririnig ni Chhaya pero tumagos iyon sa puso niya na tila punyal dahil tama ang matandang lalaki

Bumibilang na lang siya ng taon sa tuluyang paglaho ng hotel na iyon. Na kung dati maraming bakasyunista kahit hindi peak season ngayon halos langawin ito.

Nagtanggal na nga siya ng ibang trabahador dahil kahit si Atlas hindi mahawakan ang hotel ng maayos, na tila sinadya ni Ralph na hindi nila pakinabangan ang Cheung Hote kahit ibinigay ito sa kanila.

"Ginagawa ko naman po ang lahat." sabi ni Chhaya na pumiyok ang boses.

Napabuntung hininga si Mr Oliveros at muli ito nagsalita.

"Alam ko. Pero negosyante rin ako na kailangan mag-invest sa maganda." sabi ni Mr Oliveros.

"Pagbigyan niyo sana ang hotel... para po sa Cheung Hotel." sabi ni Chhaya.

"Haissst. O, sige ganito na lang tutal malaki ang naitulong ng hotel sa negosyo ko. Bibigyan kita ng pagkakataon, ihain mo ang proposal mo at ihahambing ko sa proposal ng iba." sabi ni Mr Oliveros

"Talaga po?" sabi ni Chhaya.

"Oo. Isa pa pala. Payo ko lang sayo." sabi ni Mr Oliveros.

"Ano po iyon?" sabi ni Chhaya.

"Sa negosyo hindi mo kailangan magmakaawa para kumita. Ang mga negosyante ay hindi nadadala sa awa.

Ang dapat mo ipakita ay ang galing mo lalo na sa panahon na alam mong dehado ka o malulugi ka na. Sa mundo nating mga negosyante, kailangan gawa hindi awa. Kailangan ng kilos at aksyon sa problema hindi iyong dadagdagan mo ang problema sa pamamagitan ng maling pananaw o negatibong damdamin mo." sabi ni Mr Oliveros.

"Okay po. Salamat." sabi ni Chhaya.

"Tinuruan ako ni Mr Ralph dati, noong panahong nagsisimula pa lang ako at naghahanap ng hotel para sa mga kliyente ko. Binigyan niya ako ng discount pero ang kapalit nun, magbibigay ako ng maraming kliyente sa kanya. Ganoon sa atin, kailangan ipakita mo sa nagturo sayo na epektibong estudyante ka." sabi ni Mr Oliveros.

"Susundin ko po at ipapakita ko makukuha ko ang pag-sang ayon niyo." sabi ni Chhaya.

"Aasahan ko. Paano may meeting pa ako." sabi ni Mr Oliveros.

"Sige po, salamat po uli." sabi ni Chhaya bago ibaba ng kausap ang tawag nito.

.....................

El Casa.

"Sir, nagpatawag ng meeting si Mr Oliveros. Mukhang nagdadalawang isip siya sa proposal niyo." sabi ni Jessie kay Autumn.

Nakatingin lang si Autumn sa sekretarya niya ng bigla itong napangisi. Alam ni Autumn na isa sa loyal na kliyente ng Cheung Hotel si Mr Oliveros. Kaya malamang kinausap ito ni Chhaya para huwag magpull out ng kontrata sa Cheung Hotel.

"Okay." sabi ni Autumn.

Nakatingin lang si Jessie kay Autumn, tuwing kausap niya ang amo matipid ito sumagot kahit na alam niyang marami ang tumatakbo sa utak nito.

"Okay Sir." sabi ni Jessie at akmang aalis ito ng magsalita si Autumn.

"Sandali." seryosong sabi ni Autumn.

"Yes sir?" sabi ni Jessie.

Napatingin si Jessie kay Autumn, ilang buwan na niya itong amo at kinakabahan siya kapag sila lang dalawa ni Autumn sa opisina nito. Ang titig kasi ng binatang amo ay nakakahina ng tuhod at baka bumigay siya sa titig nito.

Nakatitig lang si Autumn kay Jessie mula ng bumalik siya mula sa Amerika hindi niya pa ito nakikita tumagal sa opisina niya o kahit makipag usap ng matagal sa kanya. Lagi nga ito nagmamadali na tila dagang nasusukol.

"Umupo ka muna." seryosong sabi ni Autumn habang nakatitig kay Jessie.

"Po?" sabi ni Jessie.

Nanatiling nakatitig si Autumn kay Jessie. Maganda ang dalaga, paano ba naman hindi ang ama niya ang pumili sa mga empleyada nila kaya nga halos lahat ng empleyada nila magaganda kahit ang iba ay may asawa na.

Napangisi si Autumn, pilyo pa rin ang ama niya at sinabayan pa ng Mama niya ng maghire din ito ng mga lalaking may itsura kaya ang kinalabasan ang mga empleyado ng Valiente Empire ay may magagandang at guwapong empleyado kabilang si.... Jessie.

"Umupo ka muna." seryosong sabi ni Autumn.

Napalunok si Jessie may nobyo siya pero kilala niya si Autumn sa usapang babae. Ang bulungan sa Casa ay nakakarating sa kanya at alam ni Jessie na wild mag-isip ang amo kahit ang galaw nito sa kama.

Napangiti si Autumn ng makita ang takot sa mukha ni Jessie, pakiramdam na gusto niya makita sa babae mula ng lokohin siya ng dating nobya niya. Takot sa kanya na isang pakiramdam na mawawala sa babae kapag nakatalik na niya at mapapalitan ng mga ungol at halinghing.

"Kailangan ko makaisip ng paraan para makatakas." sabi ni Jessie sa isip, dahil nanganganib siya.

"Sir." sabi ni Jessie.

"Hmm." sabi ni Autumn habang nakatitig lang kay Jessie.

"Kasama sa meeting si Miss Chhaya." sabi ni Jessie na ikinabago ng anyo ni Autumn.

"Whoah, nakawala din." sabi ni Jessie sa isip ng makita ang pagbabago sa anyo ni Autumn na tila nawala ito ng gana sa kanya.

"Ano?" seryosong sabi ni Autumn.

"Si Miss Chhaya at kayo po ang kasali sa meeting ni Mr Oliveros." sabi ni Jessie.

"Si Chhaya ang kahinaan niya kaya mananatili akong ligtas sa kamay ng amo ko." Nakangiting sabi ni Jessie sa isip

"Kailan ang meeting?" tanong ni Autumn.

"Bukas po." sabi ni Jessie.

"Okay." sabi ni Autumn saka ito tumungo at nagpatuloy sa pagtatrabaho.

Napangiti si Jessie, kapag ganoon ang amo puwede na siyang lumabas kaya tumalikod na siya at nagmamadaling lumabas ng opisina ni Autumn.

..................

Island Mall

Kinabukasan

"Maaga yata ako." sabi ni Chhaya sa isip ng makarating sa venue ng meeting nito kay Mr Oliveros

Nakasuot si Chhaya ng isang above the knee na formal dress, nag make up din siya pero manipis lang iyon na ginagawa lang niya kapag may meeting. Hindi naman kasi siya mahilig magmake up. Nakasapatos siya na may takong na nakasanayan na niya gamitin kapag nakikipagmeeting.

"Good morning Maam." sabi ng waiter kay Chhaya.

"Chhaya Lopez." sabi ni Chhaya na ikinangiti ng waiter.

"This way maam." sabi ng lalaking waiter.

Iginiya si Chhaya sa isang reserved table. Nasa isang mamahaling restaurant siya sa Island mall kung saan gaganapin ang meeting niya kay Mr Oliveros.

"Salamat" sabi ni Chhaya sa waiter na agad naman umalis.

Napamasid si Chhaya sa lugar, kung dati madalas siyang pumunta sa mga ganoong lugar pero ngayon kapag may meeting na lang siya. Nagtitipid kasi si Chhaya, at mas naramdaman niya ang pagtitipid ngayon namamahala siya ng isang Hotel kung saan kailangan mabalanse niya ang gastos sa kinikita.

"Makakain din ako ng masarap uli." birong sabi ni Chhaya sa isip.

Kinuha ng dalaga ang cellphone habang naghihintay at nagsimula magdutdut doon.

................

"Good morning Sir." sabi ng Waiter ng bumungad si Autumn sa restaurant.

Hindi nagsalita si Autumn o kahit ngumiti sa waiter. Seryoso lamang ito at inabot ang id niya.

"This way sir." sabi ng waiter ng ibalik ang id ni Autumn na hindi man lang nagsalita.

Iginiya si Autumn ng waiter sa mesa. Sa pagalapit ni Autumn ng biglang napatingin ito sa babaeng busy sa pagdudutdut ng cellphone.

Iwinasiwas ni Autumn ang kamay sa waiter na agad naman umalis. Umupo si Autumn sa harap ni Chhaya na hindi pa rin siya napapansin.

"Asar. Dapat hindi ka na dumating." biglang sabi ni Chhaya ng makita sa business news ang mukha ni Autumn.

Inilapag ni Chhaya ang cellphone ng biglang...

"Ahhhh." malakas na sigaw ni Chhaya ng makita ang maitim na mata ni Autumn na nakatitig sa kanya habang deretsong nakaupo sa silya nito.

Nakakunot ang noo ni Autumn na tila hindi ito kumukurap sa pagkakatingin kay Chhaya

"Bakit ka nandito? May meeting ako." sabi ni Chhaya na pilit kinakalma ang sarili.

Hindi nagsalita si Autumn na hindi inaalis ang mga mata kay Chhaya kaya kahit malamig ang buga ng aircon pinapawisan si Chhaya ng malapot.

"Doon ka muna sa kabila." sabi ni Chhaya kay Autumn pero nanatili ito na tila bato na nakatitig sa kanya.

"Aiisssst, natatae ako sa tensyon." sabi ni Chhaya sa isip na hindi mapakali sa upuan.

"Ayaw mo?" tanong ni Chhaya kay Autumn na nanatiling nakatitig pa rin sa kanya.

"Aisssttt kung yelo ako kanina pa ako tunaw." sabi ni Chhaya sa isip.

"Good morning, mabuti dumating kayong dalawa." sabi ni Mr Oliveros na hindi napansin ni Chhaya na nakalapit na pala.

"Dalawa kaming... mimitingin mo?" sabi ni Chhaya kay Mr Oliveros.

"Oo, para malaman ko ang kagandahan ng bawat hotel at makapagdesisyon agad kung saan ako maglalagay ng client ko." sabi ni Mr Oliveros na naupo na sa pagitan ng dalawa.

"Okay." sabi ni Chhaya.

.......

May 17, 2021 12.42pm
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top