Kabanata 10 : Sad Stories

(Play the theme song for this chapter)

Island Mall

"Binilhan kita ng popcorn at cola." nakangiting sabi ni Atlas kay Winter.

"Salamat." sabi ni Winter.

Nasa loob na sila ng sinehan habang nakaupo ang dalawa sa likod ng limang babaeng kasama ni Winter.

Nakuha pang bilhan ni Atlas si Winter ng popcorn at softdrinks dahil si Winter ang nagbayad ng pang sine nila kasama ng limang babae.

"Love story." sabi ni Atlas kay Winter ng nagdilim na ang sinehan hudyat na magsisimula na ang palabas.

"Oo." sabi ni Winter sabay kuha sa popcorn at kinain naman iyon ng dalaga na ikinangiti ni Atlas.

"Tungkol saan?" tanong ni Atlas para magsimula ang pag-uusap nila ni Winter.

"Tungkol sa babaeng naghahanap ng true love." pormal na sabi ni Winter.

"Hahaha." natawang sabi ni Atlas dahil kung iisipin ngayon lang siya nakapanood ng love story na pelikula dahil ayaw niya ang mga ganoong klaseng tema.

Napatingin si Winter kay Atlas kaya natigil sa pagtawa si Atlas sabay baling nito sa big screen.

"Hindi ko naman pinilit na sumama ka." sabi ni Winter.

"Pero niyaya mo ako kaya... opportunity ko ito para maka-date ka." nakangiting sabi ni Atlas.

"Alam mo bang bawal ako manood ng sine na lalaki ang kasama ko. Iyon ay isa sa patakaran ng mga Cheung para sa mga babaeng kapamilya at wala pang asawa." sabi ni Winter kay Atlas.

"Whoah! Ang suwerte ko pala sinuway mo ang utos para makasama ako." nakangiting sabi ni Atlas sabay tingin kay Winter na nakatingin sa kanya at halata ang inis sa mukha nito.

"Huh! Sinama kita kasi ayoko naman mawalan ka ng trabaho. Kung nasa loob ka makakatago ka pa." sabi ni Winter.

"Thank you. Alam mo ba na ang concern ay isa sa pakiramdam para mabuo ang pagmamahal?" sabi ni Atlas kay Winter.

"Hindi rin." sabi ni Winter na napangiwi pa at napailing sa sinabi ni Atlas.

"Oo kaya." sabi ni Atlas at iniunat nito ang kamay para sa pagtatangkang akbayan si Winter.

Napatingin si Winter sa kamay ni Atlas at napaismid ito sa ginawang pag-unat nito.

"Aiisssst, huwag kang maingay ha. Magsisimula na." sabi ni Winter at nagpokus na ito sa big screen.

"Okay." sabi ni Atlas at inakbayan nito si Winter na hindi naman umangal kaya napangiti ang binata.

Nagsimula ang pelikula habang nakatingin lang si Atlas kay Winter. Seryoso ang dalaga nanonood habang kumakain ito ng popcorn at panaka-nakang umiinom ng cola.

Nakapokus lang si Winter sa pinapanood pero alam niyang nakatitig sa kanya si Atlas na hindi man lang ito lumingon o ibaling ang mukha sa ibang direksyo.

Pero hindi naman naiilang si Winter dahil sanay siyang tinititigan ng mga lalaki lalo na ang ginagawa ni Atlas.

Napahingang malalim si Atlas habang pinagmamasdan si Winter, maganda ang babaeng katabi niya at ito ang tipo ng mukhang hindi mo pagsasawaan titigan. May dimples din ito na nakakaakit pagmasdan na namana nito sa ina nitong si Ellie.

"Nilalamig ka?" tanong ni Atlas habang nakatitig kay Winter.

"Hindi." umiling na sabi ni Winter na hindi nilingon si Atlas.

"Gusto mo pa ng cola?" tanong ni Atlas kay Winter.

"NO thanks." sabi ni Winter.

Kumuha si Atlas ng popcorn niya at sinubuan nito si Winter na agad naman kinain ng dalaga. Napangiti si Atlas dahil si Winter ang tipo ng babaeng hindi mo alam kung ano ang nararamdaman. Dahil kahit inis ito sa kanya nakukuha nitong halikan siya at gawin ang mga bagay na parang ordinaryo lang sa dalaga.

Inilapit ni Atlas ang straw ng cola niya na hindi pa naman niya nahihigop dahil kuntento na siyang titigan ang dalaga. Na kung tutuusin si Winter ang dahilan kung bakit nga nagbago ang lahat ng plano.

Kumuha si Winter ng popcorn at sinubo iyon kay Atlas na ikinagulat ng binata, pero sinubo niya iyon habang nakapokus pa rin si Winter sa screen ng sinehan.

Ang akala ni Atlas nagkamali lang si Winter pero sinubuan siya uli nito at pinainom sa mismong cola nito.

"Okay lang?" tanong ni Atlas ng ilapit ni Winter ang straw ng cola nito sa kanya.

Tumingin si Winter kay Atlas at napangiti ito na ikinatitig ng binata sa dalaga.

"Oo naman." nakangiting sabi ni Winter kaya napalunok muna si Atlas saka humigop sa cola ni Winter na nakatuon muli ang paningin sa pinapanood nito.

Nakatitig na muli si Atlas sa mukha ng dalaga habang nagsusubuan sila ni Winter na tila magkasintahan nga sila kung susuriin.

Nang ilang sandali pa ng biglang tumulo ang luha ni Winter kaya automatic na pinunasan iyon ni Atlas. Napangiti pa ang binata ng maramdaman ang malambot na mukha ng dalaga sa pagpahid ng daliri niya sa mukha nito.

"Bakit malungkot?" naiyak na sabi ni Winter at umiyak ito.

Napatingin si Atlas sa big screen at napakunot ang noo nito ng makitang namatay ang babae sa huling parte ng pelikula na hindi niya namalayan na tapos na pala dahil buong oras nakatitig lang siya kay Winter.

"Bakit ang pangit ng ending?" umiiyak na sabi ni Winter at hinawakan nito ang mukha saka umiyak ng malakas.

Napatingin ang mga tao kay Winter at ang limang babaeng kasama niya pero hindi iyon alintana ng dalaga dahil ayaw niya ng sad ending at mukhang naloko siya ng palabas.

"Shhhh. Pelikula lang naman iyan." pag-aalo ni Atlas na ngayon lang nakitang emosyonal si Winter.

"Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi ako makakatulog nito.

Alam mo bang isang buwan... isang buwan kong hindi malilimutan ang pelikulang ito. Kaya hindi ako nanonood ng sad ending na pelikula kasi hindi ako makatulog." umiiyak na sabi ni Winter na ikinatawa ng mga nakarinig sa dalaga.

"Uuwi na tayo. Nagsitayuan na ang lahat." sabi ni Atlas.

"Hindi ko kaya." humagolhol na sabi ni Winter na ikinatitig ni Atlas kay Winter.

"Shhh, mawawala rin iyan sa isip mo." sabi ni Atlas.

"Hindi!" umiiyak na sabi ni Winter na halos nakaalis na ang mga manonood at sila na lamang ni Atlas at ang limang babae ang natira.

"Manood na lang tayo uli." sabi ni Atlas kay Winter.

"Bakit sad ending iyon?" umiiyak na sabi ni Winter na hindi niya matanggap na namatay ang babae sa kuwento.

"Shhhh. Tama na ang pag-iyak mo. Hindi naman totoong buhay iyon." sabi ni Atlas pero nagulat ito ng yakapin siya ni Winter at humahagolhol nga ito na parang namatayan ito sa pag-iyak nito.

"Win, tapos na. Pelikula lang iyon." sabi ni Cleofe kay Winter.

"Hindi niyo kasi nauunawaan...

... kapag nanonood ako ng sad ending hindi ako nakakatulog saka ang sakit dito." sabi ni Winter sabay turo sa dibdib.

"....at dito." sabi ni Winter sabay turo sa ulo niya.

"Manonood tayo ng iba para mawala siya sa isip mo." sabi ni Atlas at niyakap nito si Winter.

"Manonood tayo?" tanong ni Winter habang hilam ng luha ang mga mata nito na lumalandas sa pisnge ng dalaga.

"Oo." masuyong sabi ni Atlas.

"Iyong masaya?" umiiyak na sabi ni Winter.

"Oo." sabi ni Atlas.

"May pera ka ba?" umiiyak na tanong ni Winter.

"Oo." sabi ni Atlas.

"Magkano?" umiiyak na sabi ni Winter.

"Isang libo." sabi ni Atlas na ikinaiyak lalo ni Winter.

"Isang libo." napahagulhol na sabi ni Winter at niyakap nito si Atlas na tila naaawa siya dito.

Isa sa dahilan kung bakit ayaw ni Winter manood ng sad ending dahil lumalabas ang pagiging emosyonal niya sa lahat ng bagay. At isa na doon, ang malaman na isang libo lang ang pera ni Atlas tapos nagawa pa nitong ilibre siya.

Napangiti si Atlas sa reaksyon ni Winter at natawa naman ang limang babae.

"Hindi na lang kami sasama. Hihintayin ka na lang namin sa department store. Lilibot lang kami." natatawang sabi ni Cleofe kay Winter.

"Hindi kayo sasama?" umiiyak na sabi ni Winter.

"Oo." sabi ni Elsa na ikinatango pa ng tatlong kasama nila.

"Hindi kayo sasama dahil isang libo lang ang pera ni Atlas at hindi kasya sa atin." humagolhol na sabi ni Winter na ikinatawa pa lalo ng limang babae dahil totoong umiiyak si Winter na ngayon lang nila nakitang umiyak ito, dahil masayahin naman itong tao.

"Isipin mo na lang, may iba kaming pupuntahan." nakangiting sabi ni Cleofe kay Winter.

"O sige. Ang lungkot, lungkot naman." umiiyak na sabi ni Winter.

"Okay sige. Mauna na kami, tawagan mo na lang kami kapag tapos na kayo manood uli." sabi ni Elsa.

"Oo. Pero hindi ba kayo nalulungkot?" umiiyak na sabi ni Winter.

"Hindi naman masyado." sabi ni Cleofe.

"Bakit ako? Nalulungkot?" lumuluha pa rin na sabi ni Winter.

"Kailangan mo ng gamot sa lungkot. Manood ka nga uli ng masaya para mawala ang nararamdaman mong lungkot." sabi ni Elsa.

"Oo sige." sabi ni Winter at niyakap nito si Atlas na napangisi sa nangyayari kay Winter.

"Pagkakataon nga naman. Matagal ko siya makakasama." sabi ni Atlas sa isip.

"Sige ha. Babay." sabi ni Elsa at nauna ang mga itong lumabas ng sinehan.

"Halika na rin manood tayo uli ng iba." sabi ni Atlas at inalalayan nitong tumayo si Winter na umiiyak pa rin.

"Iyong masaya ha." umiiyak na sabi ni Winter kay Atlas.

"OO naman. Masaya." nakangiting sabi ni Atlas at inakbayan nito si Winter.

....................

Hours later
Ikalawang Bayan

"Insan, okay na ba?" tanong ni Heaven kay Autumn.

"Oo, pero mamaya tayo pumunta sa loob kapag nagsiuwian na ang mga empleyado sa Casa." sabi ni Autumn kay Heaven.

"Ayos." sabi ni Aqua.

"May bago ba?" tanong ni Blaze kay Autumn.

"Oo, bagong dating kanina lang umaga." sabi ni Autumn.

"Magaganda ba?" tanong ni Bullet.

"Oo. Magugustuahn niyo." napangising sabi ni Autumn sa mga pinsan.

"May dala ka bang proteksiyon?" tanong ni Heaven kay Bullet.

"Meron na sa loob. No need ng magdala kayo. Makapal iyon kaya walang tatagos na semilya para makabuo." birong natawang sabi ni Autumn na ikinatawa ng apat na pinsan nito.

Nasa labas ang lima ng Emperyo kung saan nakatambay ang magagarang sasakyan ng magpipinsan, ilang metro lamang mula sa gate ng Emperyo.

"Nandiyan ba sila tito Orion?" tanong ni Aqua kay Autumn.

"Umuwi na kanina, dahil nagwala na naman si Elle kanina paggising." natawang sabi ni Autumn.

"Hahaha, ang batang iyon napakakulit." sabi ni Blaze kay Autumn.

"Mabuti nga nangulit kanina. Ang gusto kasi ni Elle, sa Cave House matulog kaya ayon naroroon sila Papa kasama si Ash sa kabilang bahay." sabi ni Autumn.

"Okay na rin. Nakatulong si Elle sa atin." sabi ni Heaven na ikinatawa ng lima.

"Si Cha? Mabuti hindi sumama." sabi ni Blaze kay Autumn.

"Pinagpahinga ko muna, may final test sila bukas sa University." sabi ni Autumn.

"So susubok ka? Wala kang bantay ngayon." tanong ni Bullet kay Autumn.

"Depende." napangiting sabi ni Autumn na ikinatawa ng apat na pinsan nito.

....................

Hours later

"Okay ka lang?" tanong ni Atlas na pinipigilan tumawa ng makita ang namumugtong mata ni Winter.

Napatingin si Winter kay Atlas, matapos ang unang pelikula nakadalawang pelikula sila ni Atlas pero malungkot pa rin iyon kaya pakiramdam ni Winter magkakasakit na siya dala ng lungkot.

"Ayoko na." umiiyak na sabi ni Winter at bumalon ng luha ang mga mata nito na ikina-guilty ni Atlas.

Sinadya ni Atlas na manood ng dalawang magkasunuran na movie na malungkot para makasama ng matagal ang dalaga at apat na oras din ang ginugol nila ni Winter sa magkaibang pelikula.

Nakauwi na nga ang limang kasamang babae ni Winter, dahil pinauna na iyon ng dalaga. Na ikinatuwa naman ni Atlas.

Pero ngayon tila nawala ng tuluyang ang masayahing mukha ni Winter dahil namumula na ang mukha nito sa kanina pa kakaiyak.

"Isa na lang." sabi ni Atlas kay Winter.

"Ayoko na." umiiyak na sabi ni Winter.

Niyakap ni Atlas si Winter at ngayon lang ng binata naramdaman na iba nga ang dating ng malulungkot na palabas kay Winter sa kanina pa nito pag-iyak.

"Isa na lang promise maganda na. Last full show na." masuyong sabi ni Atlas.

"May pera ka pa?" lumuluhang sabi ni Winter.

"OO naman." sabi ni Atlas.

Limang daan ang isang sine sa mga pinuntahan nila ni Winter at kung susumahin dalawang libo na ang nagagastos ng binata, isama pa ang kinakain nila ni Winter sa sinehan.

Pero okay lang iyon kay Atlas dahil lagi siyang nagtitipid para sa pagkakataong ganito na minsan lang mangyari. Ang makasama ang dalaga.

"Okay. Masaya na ha." umiiyak na sabi ni Winter.

Napangiti si Atlas, hindi na naaalala ni Winter ang sinabi niyang isang libo lang ang pera niya, pati ang mga presyo ng ticket sa kalungkutan nito na kanina pa nito iniiyak, kaya para kay Atlas magandang way iyon para makasama ang dalaga ng matagal.

"Doon tayo." sabi ni Atlas.

Iginiya ni Atlas ang dalaga sa romantic comedy na palabas. Nasuwertehan din kasi ng binata na maraming pelikulang pinalabas para sa buwan na iyon at karamahin ay sad story. Pero iba ang isang ito na tiningnan niya kanina ng palihim sa cellphone niya para hindi makita ni Winter.

"Okay." sabi ni Winter at inakbayan ito ni Atlas.

Matapos ang unang sad ending story. Dinala siya ni Atlas sa dalawang pelikula kung saan ang unang pelikula ay nagkahiwalay ang babae at lalaki. At ang ikalawang pelikula ay nag-asawa ng iba ang babae at namatay ang lalaki na hindi ito nakita. Kaya pakiramdam ni Winter sobrang lungkot ng paligid niya.

"Halika na." sabi ni Atlas na matapos makakuha ng ticket.

Pagdating sa loob umupo ang dalawa sa bandang likuran sa may parteng gitna. Wala naman masyadong tao kahit last full show na iyon sa gabing iyon.

Pinaunang pinaupo ni Atlas si Winter na naupo naman. Binigyan niya ito ng botted water at chips na siya nitong tinanggap.

Inakbayan ni Atlas si Winter na inihilig ang ulo sa balikat niya kaya napangiti ang binata. Pero ng pagmasdan ni Atlas si Winter malungkot ang dalaga na halatang hindi malimutan ang mga pinanood nito kanina.

"Masaya na ito. Promise" sabi ni Atlas at hinaplos nito ang braso ni Winter habang nakahilig ito sa balikat niya.

"Kapag malungkot pa iyan. Babalik na ako ng Amerika." naluhang sabi ni Winter na ikinatingin ni Atlas kay Winter.

"Bakit naman?" sabi ni Atlas.

"Masaya ako doon, masaya ang movies doon kahit puro sci fi. Maraming pagpipilian na masasaya." sabi ni Winter.

"Masaya na ito, kaya hindi ka na babalik sa Amerika." sabi ni Atlas at niyakap nito si Winter na nakatingin na sa screen.

"Ayoko ng malungkot. Gusto ko masaya lang ako." naluhang sabi ni Winter ng maalala ang mga napanood na pelikula na ikina-guilty ni Atlas.

Hinawakan ni Atlas sa mukha si Winter at ng napatingin ito deretso sa mata niya. Nabasa niya ang kakaibang lungkot sa mga mata ng dalaga.

"Masaya lang ako dapat." umiiyak na sabi ni Winter.

"Oo, masaya na ito. Pangako." masuyong sabi ni Atlas.

Dinampian nito ng halik sa labi ni Winter at nalasahan niya ang luha nito na umagos sa mga mata nito.

"Magiging masaya ka sa akin. Promise." masuyong sabi ni Atlas at niyakap nito si Winter na umiiyak pa rin.

April 28, 2021 10.01 pm

FifthStreet1883

Good night

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top