Kabanata 10 : Infinity

Infinity Room

"Whoah." sabi ni Ion ng makapasok sa kauna-unahang pagkakataon sa inifinty room na may rason.

May rason dahil kadalasan sila naroroon mula ng mag kinse anyos sila para maaliw pero kakaiba ngayong gabi dahil mukhang iba ang mangyayari.

"Movie Theatre ba ito?" masayang tanong ni Rhythm ng makita ang isang tila sinehang ayos ng kuwarto.

"Parang kakaiba ang pananabik na nararamdaman ko." sabi ni Shadow na naunang umupo at puwesto ito sa ikalawang hanay ng upuan.

Nakamasid lang si Wine sa kuwarto. Ito ang kauna-unahang nakapasok sila ng grupo niya sa naturang kuwarto na iba ang ayos. Kalimitan kasi isa lamang iyon tila bar na may malaking espasyo at nakaikot ang isang malaking pabilog na sofa kung saan ginagawa ang mga bagay na gusto ng mga lalaki ang... sex.

Pinagmasdan ni Ciao ang kuwarto, ito ang unang araw niya na nakapunta doon na iba ang pakiramdam niya. Pula ang kulay ng ilaw na tila kakaiba ang dating sa madilim na paligid. May malaking salamin sa harapan na hindi niya alam kung paraan saan.

Tila iyon isang aquarium na malaki. Nag-iba rin ang ayos ng infinity room may pabilog na sofa na lahat ay nakaharap sa malaking salamin at dalawang hanay na half circle na may kalakihang sofa na malaki ang agwat sa hanay.

Nakapalibot ang bar counter sa naturang kuwarto, may malaking salamin sa ceiling na nagbibigay ng karagdagang espasyo sa malaki ng kuwarto. May nakahanda ring pagkain at ang nakaagaw ng pansin sa kanila ay ang mask na nasa center table.

"Aiissst, nandito na kayo." nakangising sabi ni Ash.

Nakatayo pa ang ibang kaibigan ng madatnan ni Ash kaya nauna siyang puwesto at napatingin ang mga kaibigan ng suutin ni Ash ang mask.

"Tingin mo si zorro ka?" nakangising birong sabi ni Wine kay Ash sabay upo sa gilid na parte ng upuan sa ikalawang hanay kung saan unang umupo si Shadow.

"Suutin niyo ito dahil simula ngayon kasali na tayo sa negosyong ito." sabi ni Ash sabay bato ng itim na telang mask kay Wine.

"Ano ba ito?" sabi ni Wine sabay tingin sa mask.

Mamahaling tela iyon, alam ni Wine kahit hindi siya nagsusuot ng ganoong tela. Dahil ang ama niyang si Malic ay mamahaling tela lang at damit ang sinusuot.

"Suutin na lang natin para masaya." nakangising sabi ni Ion na kanina pa nakakaramdam ng kasiyahan.

Umupo si Ion katabi ni Wine at nagsiupuan na rin ang iba. Ilang minuto lang ng dumating magkakasabay sila Autumn kasama nito ang apat na pinsan nito.

"Hahahaha." natawang bungad ni Bullet ng makita ang mga mas batang kagrupo na nakasuot ng mask.

"Hahaha, parang ang daming Zorro. Nasaan ang mga espada niyo?" natawa ring sabi ni Blaze.

"Nakahanda na." nakangising birong sabi ni Wine na ikinatawa ng lahat ng tumayo pa ito at hawakan ang pundilyo ng pantalon nito.

"Hahaha, dapat lang at hindi lang ay gagamitin niyo pati ang tamang pagkilatis sa panonoorin natin." sabi ni Heaven.

"Manonood lang talaga tayo?" sabi ni Dim na first time makapunta sa Infinty.

"Bakit ka nandito?" tanong ni Heaven sa bunsong kapatid ng mabosesan ito at ng bilangin niya kompleto ang mga batang kagrupo na nakaupo na.

"Hahaha, may invitation ako." natawang sabi ni Dim sabay bunot ng card na galing sa Casa.

Napatingin si Heaven kay Autumn na seryoso lang nakamasid sa mga nakaupong kabataan.

"Sinama mo siya ng hindi ako sinabihan?" sabi ni Heaven.

"Wala tayong gagawin na kakaiba, mamimili lang tayo." sabi ni Autumn.

Ngayon ang sisimulan ang pamimili ng escort na siyang dadalhin sa Las Vegas. Naantala kasi ang pagpili noong nakaraan araw dahil sa permit na hindi pinayagan ng ina ni Autumn na si Ellie pero kalaunan nakumbinsi ito ng binata.

"Ano ba iyan?" sabay-sabay na sabi at angal ng grupo ni Wine.

"Ang nasa salamin na iyan ang magsisilbing monitor kung sino sa tingin niya ang babaeng puwede ipasok bilang escort." sabi ni Autumn.

"Aiisssst, hindi ko binalak maging recruitment department ng El Casa ang gusto ko kapag pinasok ko na ang business na ito. Isa ako sa magiging mentor ng mga babae." sabi ni Shadow kay Autumn.

"Tama, magiging "mentor" ka nila. Pero bilang mentor kailangan mo pumili para makabenta ka. Ang pipilin nating babae ay magdadala sa Casa ng pera. Magiging babae siya ng lahat at mahahawakan natin siya sa pamamagitan.... kung paano natin siyao sila "haplusin"." sabi ni Autumn.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ciao sa pinsan.

"Pipili tayo ng babae, na paglalaruan niyo at sisiguraduhin na hindi siya bibitaw sa Casa dahil siya ang magbibigay ng pera sa atin. Isa itong maselan na laro kung saan makikita natin kung hanggang saan ang itatagal ng babae... sayo." sabi ni Autumn sa lahat pero nakatingin ito kay Wine.

"Ayoko." sabi ni Wine.

Napatingin ang lahat kay Wine sa sinabi nito na ikinangisi ni Autumn.

"Bakit?" tanong ni Autumn.

"Alam ko ang ibig mong sabihin, ang babaeng gagawin natin escort ay siya nating ibubugaw. Hahawakan at paglalaruan sa kama para mahibang sa atin at hindi umalis." sabi ni Wine.

"Tama." sabi ni Autumn.

"Ganyan ba ang epekto ng pagkawala ni Ate Cha sayo?" sabi ni Wine na ikinatiim ng bagang ni Autumn.

"Kung ayaw mo... bukas ang pinto. Lumayas ka." sarkastikong sabi ni Autumn kay Wine.

"Aiisssst, huwag kayo magtalo at mag-away. Negosyo lang ito. Pipili lang tayo at kung ayaw mo Wine, may choice ka naman basta pumili ka ng kikita tayo." sabi ni Aqua kay Wine.

"Okay, iyon lang pala." sabi ni Wine saka ito napangisi.

"Haist! Simulan na natin." sabi ni Blaze.

Umupo ang limang lalaki sa unahan. May pinindot si Autumn na button at sa ilang sandali lang nagsipasukan ang mga babae na naka bikini at bra lang na ikinahiyaw ng mga kagrupo ni Wine.

"Shit ang lulusog." sigaw ni Ion ng makita ang sampung babae na unang sumalang.

"Pero teka bakit naka Zorro din sila?" tanong ni Rhythm sa limang lalaki na nasa unahan.

"Dahil pipili kayo mula sa pagitan ng salamin... sa mga babae sa loob kung sino sa tingin niyo ang puwede makapasa." sabi ni Heaven

"Magagamit niyo ang talas ng isip at pakiramdam niyo, kung sino ang tatagal sa atin." sabi ni Aqua.

"Bet ko iyong number 10." sabi ni Ash na kanina pa nakamasid sa huling pumasok.

Matangkad ang babae at mahaba ang legs nito at sa lahat ito lamang ang lagpas tenga ang buhok.

"Type ko nga iyon eh." sabi ni Dim na kanina pa rin nakamasid sa babae dahil kalmado ito. Isama pa na iba ang dating ng babae na tila naging sexy pa ito habang suot ang mask.

"Aiissssst, akin iyon. Kulang na lang sinturon at ibibigay ko sa kanya ang sinturon ko para na siyang... hmmmnnn." sabi ni Shadow habang nakatitig sa katawan ng babae.

"Nauna ako." Inis na sabi ni Ash.

"Hahaha, may iba pa." sabi ni Blaze.

"Nakapili na ako. Pass na ako sa iba." sabi ni Ash.

"Hahaha, stick to one. Mana sa kuya ha." birong sabi ni Bullet kay Ash na ikinatawa ng lahat.

"Wala na ba kayong nakikitang iba?" tanong ni Autumn na hindi pinansin ang biro ni Bullet

"Akin iyong madoga." natawang sabi ni Shadow na ikinatawa ng lahat.

"Langya ka baka malugi tayo diyan agad, isang gamit lang lumawlaw na." tumatawang sabi ni Ion.

"Hahaha, okay lang basta ako unang gagamit." natawang sabi ni Shadow.

"Wala na?" tanong ni Autumn.

"Kayo naman pumili, wala ako makita." sabi ni Ciao na ayaw ng ganoong pilian dahil hindi siya kampante kapag hindi nakikita ang kabuuang mukha at nakakausap ang tao.

"Next." sabi ni Autumn.

Lumabas ang sampung babae at pumasok sa muli sa aquarium room ang sampung babae na lalong ikinahiyaw ng lahat.

"Disi syete." mabilis na sabi ni Shadow ng makita ang numero ng babae na nakasabit sa gilid ng panty nito na tila nasa pageant ang mga babae.

"Langya Shadow nakadalawa ka na." sabi ni Dim kay Shadow.

"Kahit sampu kaya ko." tumatawang sabi ni Shadow.

"Hahaha, akin iyong disiotso." sabi ni Ion.

"Langya ang taba naman Ion." sabi ni Rhythm kay Ion.

"Aissst, maganda ang malaman. Huggable baby." natawang sabi ni Ion.

"Bente ako." sabi ni Rhythm ng makita ang petit na babae pero mahubog ang katawan nun.

"Pass uli." sabi ni Ciao.

"Wine?" tanong ni Bullet kay Wine na kanina pa tahimik.

"Pass.' sabi ni Wine.

"Next.' sabi ni Autumn at lumabas ang sampu at pumasok muli ang ikatlong sampu.

"Shit akin iyon bente dos." sabi ni Ciao ng makita ang matangkad na babae at maputi iyon mahubog din ang katawan at nakaagaw ng pansin kay Ciao ang tiyan ng babae na makinis at tila kay lambot tingnan.

"Hahahaha, mag Morena ka naman." sabi ni Shadow sa pinsan na si Ciao.

"Pass na ako, iyan na ang akin." sabi ni Ciao type niya ang mapuputing babae, kakaiba kasi ang dating sa kanya lalo na kapag nakita niya ang tiyan na gusto niyang parte sa babae na hindi alam ng grupo.

"Bente syete sa akin." sabi ni Dim na makita ang mahabang buhok ng babae at tumabing iyon sa dibdib ng babae.

Nakakaakit kay Dim ang babaeng may mahaba at magandang buhok kaya iyon ang nakita niya sa babae na ngayon lang niya nakita sa trentang babaeng dumaan. Bet niya sana kanina ang pang sampu na pinili ni Ash, pero hindi na siya nakipag-agawan dahil maiksi ang buhok nun.

"Wine?" tanong ni Heaven na kanina pa hindi kumukibo si Wine.

"Aissst." sabi ni Wine tumayo ito na ikinatingin ng iba.

"Bakit?" tanong ni Blaze ng tumayo si Wine.

"Pass ako." sabi ni Wine.

"May kasunod pa." sabi ni Bullet kay Wine ng tumalikod ito at akmang lalabas.

"Hindi ko trip ang ganitong klaseng negosyo, mas gusto ko pang magtinda ng mangga sa palengke." sabi ni Wine.

Nagtinginan ang mga kagrupo ni Wine sa isa't isa habang nakatingin lang si Autumn sa mga babae sa aquarium room. Hindi naman sila kita kahit wala silang mask dahil alam ni Wine na one-way mirror iyon

"Hintayin ko na lang kayo sa baba." sabi ni Wine ng mapatingin ito kala Ion.

"Bahala ka." sabi ni Ion kay Wine.

"Good luck sa pagpili." nakangiting sabi ni Wine at lumabas na ito ng inifinity room

"Aisssst, nandiyan lang kasi si Elle kaya siya natatakot." sabi ni Rhythm.

"Pagmamahal nga naman nakakabaliw." sabi ni Shadow na ikinatahimik ng lahat.

..................

Hallway Casa

"Wine." nakangiting tawag ni Elle ng makita si Wine sa hallway sa El Casa na nagdurugtong sa Emperyo Bar.

"Hi." nakangiting sabi ni Wine ng sumalubong kay Elle at yakapin ito.

"Sandali." sabi ni Elle na nagpumiglas sa yakap ni Wine ng maisip kung nasaan lugar sila nagtagpo ni Wine.

"Bakit?" sabi ni Wine

"Ang way na iyan ay sa Inifinity room." sabi ni Elle ng biglang nanlaki ang singkit na mata ni Elle.

"So?" tanong ni Wine na tama ang desisyon niyang umalis dahil any moment puwede sila magkita ni Elle.

"Tumira ka ba?" nanlalaking mata na sabi ni Elle

"Hahahaha, anong word iyon?" natawang sabi ni Wine na slang pa ang pagkakasabi ni Elle sa inis na bumadya sa mukha nito.

"Uyyyy, maraming babae sa waiting room sa Casa at sabi diyan sila dadalhin." sabi ni Elle.

"Hahaha, tapos?" natawang sabi ni Wine ng magsimulang mamula ang ilong ni Elle sa pinipigil na iyak nito dala ng selos.

"Ang dami nun, kaya mo iyon. Baka manuyot ka." inis na sabi ni Elle.

"Hahahaha, ang baboy ng iniisip mo." tumatawang sabi ni Wine.

"Iyong totoo?" sabi ni Elle na nagsisimula ng lumukob ang selos na nabubuo unti-unti sa kanya.

"Lumabas nga ako di ba." sabi ni Wine ng makita na nag-iiba ang timplada ni Elle.

"Ayaw mo na?" sabi ni Elle kay Wine.

"Ayaw ko na. Uuwi na nga ako hihintayin ko lang sila Ion sa baba." sabi ni Wine.

"Bakit?" tanong ni Elle.

"Hindi ko kasi kailangan ang mga ganoong bagay. Hindi ko pinangarap ang ganitong negosyo, ang gusto ko at ang pinapangarap ko... ikaw at ako sa isang simple at masayang buhay malayo sa gulo." sabi ni Wine sabay hawak sa kamay ni Elle.

"May pera ka na? Nakuha mo na ba ang ninakaw sayo ng mga pinsan ko?" tanong ni Elle na ikinatawa ni Wine dahil hanggang ngayon walang nagsasabi kay Elle na mayaman siya.

At kapag sinasabi naman nila Yummy dito ang totoo, hindi naniniwala si Elle dahil wala daw sa awra ni Wine na mayaman na ito kung ang pagbabasehan ay ang pananamit at kios niya. Idagdag pa na working student siya.

"Hindi natin kailangan iyon." nakangiting sabi ni Wine sabay akbay kay Elle.

"Ano pambili natin ng kailangan natin?" sabi ni Elle na nakatingala kay Wine.

"Magtatrabaho ako." nakangiting sabi ni Wine.

"Kaya mo?" tanong ni Elle.

"Oo naman 'no." sabi ni Wine at niyakap nito si Elle.

"Nagugutom ako,hindi pa ako kumakain. Wala pa sila Papa. Mapapakain mo ba ako?" sabi ni Elle.

"Hindi pa rin ako kumakain, kaya sakto kakain na tayo." sabi ni Wine.

"Saan?" tanong ni Elle.

"Sa labas." nakangising sabi ni Wine.

"Okay." sabi ni Elle.

...................

Minutes later

"Ano ito?" sabi ni Elle ng dalhin siya ni Wine sa isang sidecar vendor.

"Masarap ito. Goto." sabi ni Wine habang inihanda ang goto ni Elle.

"Madumi." sabi ni Elle ng makita ang itsura ng kainan at nakatayo lamang sila habang nakapatong ang plato sa mesang nasa sidecar.

"Hindi iyan." sabi ni Wine sabay ihipng goto at isinubo kay Elle.

"Baka magkasakit tayo." sabi ni Elle na hindi pa siya kumakain sa ganoon.

"Trust me." nakangiting sabi ni Wine.

Tinitigan ni Elle si Wine at napangiti ito.

"Masarap." sabi ni Wine at una itong sumubo ng makitang nag-aalangan si Elle.

"Talaga?" tanong ni Elle.

"Oo." sabi ni Wine habang mabilis na sumubong goto.

"Sige." sabi ni Elle sabay nganga nito.

Napangiti si Wine at sinubuan nito si Elle.

"Ano?" sabi ni Wine ng maisubo ni Elle ang goto.

Nilunok ni Elle ang goto at napangiti ito.

"Oo nga." sabi ni Elle.

"Sabi ko sayo, eh." sabi ni Wine at sinubuan nito si Elle habang ang isang kamay ni Wine ay nakayakap sa baywang ni Elle.

Napangiti si Elle habang sinusubuan siya ni Wine. Masarap ang goto at ngayon lang nalaman ni Elle na ang madumi na nakikita niya na naglalako tuwing sakay siya ng kotse ay may kakaibang lasa at masarap iyon.

"Isa pa." sabi ni Elle kay Wine ng maubos niya ang isang mangkok na ikinangiti ni Wine.

"Tama na." sabi ni Wine na ayaw naman niyang pakainin ng sobra si Elle sa ganoon dahil hindi pa ito sanay at malalagot siya kapag sumakit ang tiyan nito.

"Isa pa." sabi ni Elle sabay yakap kay Wine.

"Hindi na puwede.' sabi ni Wine ng biglang ilusot ni Elle ang kamay nito sa bulsa ng pantalon niya at kinapa ang sukli niya kanina.

Napangiti pa si Elle habang ang isang kamay niya ay nasa bulsa ni Wine samantalang ang isang kamay niya ay ipinasok ni Elle sa likurang bahagi ng t-shirt ni Wine.

"Isa pa." malambing na sabi ni Elle habang hinahaplos nito ang likuran ni Wine.

"Aissst." nakangiting sabi ni Wine sabay yakap kay Elle.

"Gusto ko pa." sabi ni Elle na napapikit ito habang dinadama ng kamay niya ang balat na Wine sa likuran nito.

"Tama na." sabi Ini Wine na hindi niya alam kung para saan ang sinabi niya dahil nagrereact na siya sa ginagawang paghaplos ng mainit na kamay ni Elle.

Napangiti lamang si Elle at nagulat si Wine ng ipasok ni Elle ang mukha nito sa loob ng T-shirt niya at niyakap ang dibdib niya.

"Kuya." tawag ni Wine sa lalaking nagtitinda ng goto na tumingin naman sa kanya.

"Bakit" tanong ng tindero.

"May droga ba iyan?" birong sabi ni Wine na ikinatawa ng tindero ng makuha ang gustong pakahulugan ni Wine.

"Hahaha, wala po." natawang sabi ni tindero ng makitang nasa loob ng t-shirt ni Wine si Elle.

"Wala iyong droga, masarap lang talaga." sabi ni Elle ng tumingala ito kay Wine habang nasa loob pa ito ng t-shirt ng binata.

"Hahaha. Ganyan ka pala masarapan." natawang sabi ni Wine na ikinangiti ni Elle.

✍️✍️✍️✍️✍️✍️
May 17, 2021 6.35am
FifthStreet1883

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top