Kabanata 1 : You
Estimated Ages for this Novel:
Atlas Cheung 32
Autumn Valiente 30
Heaven Lopez 26
Aqua Cheung 25
Blaze Cheung 25
Bullet Valencia 24
Ciao Montemayor 20
Malic Wine Lopez Jr. 20
Ion Valiente 20
Shadow Montemayor 19
Rhythm Gonzalez 19
Dennis Matias "Dim" Lopez III 18
Orion Ash Valiente Jr 16
..................................
Isla Traquilo
"Nandiyan na sila Sir Damian, magsiayos na kayo." sabi ni Yumi sa mga katulong ng makita ang pagpasok sa gate ng itim na magarang sasakyan at huminto ito mismo sa harap pintuan ng bahay.
Bumaba mula roon si Damian at ang asawa nitong si Winter at pasimpleng natinginan ang mga katulong ng makita ang isang batang lalaki na ngayon lang nila nakita.
"Mommy, can I play now?" sabi ng isang batang lalaki na ikinatingin ng mga katulong dito sa pagpasok ng bahay.
"Yes, baby." sabi ni Winter sa anak.
"Good morning Maam."sabay-sabay na sabi ng mga katulong habang nakayuko ang mga ito sa pagsalubong kay Winter.
Napangiti si Winter mahigit pitong taon din siya nawala sa lugar na iyon, pitong taon mula ng mamatay ang lolo at lola niya pati na rin ng kapatid niyang si Run.
"Umakyat na muna tayo." seryosong sabi ni Damian kay Winter na ikinatango ni Winter sa asawa.
"Daddy..." sabi ng batang lalaki kay Damian.
"Yes Errol?" tanong ni Damian sa anak na si Errol.
"Puwede bang mahiram si mommy. Pupunta lang kami sa garden." sabi ni Errol sa ama na ikinangiti lang ni Damian pero ikinatingin sa isa't isa ng mga katulong.
"Sure." sabi ni Damian kay Errol.
"Mommy halika, ituro mo sa akin ang garden." sabi ni Errol kay Winter.
"Sige, pero huwag mo akong hilahin at baka madapa tayong dalawa." natatawang sabi ni Winter.
Pumunta ang mag-ina sa garden, at ng makalayo ang dalawa binalingan ni Damian si Yumi.
"Nasaan siya?" tanong ni Damian kay Yumi.
"Nasa security house po." sabi ni Yumi.
"Patawagin mo at papuntahin sa opisina ko." sabi ni Damian.
"Yes Sir." sabi ni Yumi kay Damian.
.............
Garden
"OOpppsss, may tao." sabi ni Errol ng makita ang lalaking kasalubong nila.
Napatingin si Winter sa tinutukoy ni Errol. Napakunot ang noo niya dahil hindi niya inaasahan na nasa bahay nila ito ngayon. Pitong taon ang lumipas at ang alam niya pagkapanganak niya kay Errol umalis na rin ito.
"Good morning, Maam." sabi ni Atlas ng makita si Winter at ang anak nito na si Errol.
Tumango lang si Winter at napatitig kay Atlas. Nakatingin lang sa kanya si Atlas wala na ang bakas ng dating paghanga nito sa kanya. Ang alam ni Winter ikinasal uli si Atlas matapos makipaghiwalay kay Chhaya. Namamahala si Atlas ng Cheung Hotel ngayon, ang kapalit ng lahat ng pagiging bodyguard nito sa kanya.
"Mommy sino siya?" tanong ni Errol sa ina.
"Si Atlas Cheung, ang tito mo." sabi ni Winter kay Errol.
"Hindi mo ako tito. Bodyguard ako ng mommy mo." seryosong sabi ni Atlas na ikinalunok ni Winter ng makita ang ibang Atlas habang wala itong emosyon na nakatitig sa kanya.
"Maam pinapatawag po kayo ni Sir." sabi ni Yumi kay Winter.
"Okay." sabi ni Winter kay Yumi.
"Atlas pinapatawag ka rin ni Sir sa opisina niya, hintayin mo daw siya doon." sabi ni Yumi kay Atlas na ikinatango nito.
"Mommy halika na." sabi ni Errol sabay hawak sa bisig ni Winter.
"Aray." napangiwing sabi ni Winter.
Tiningnan ni Atlas si Winter napakunot ang noo nito ng makita ang pasa sa bisig ng babae, na agad tinakpan ni Winter.
"Sorry mommy." sabi ni Errol.
"Okay lang. Umakyat na tayo sa kuwarto." sabi ni Winter at iginiya nito si Errol papasok ng bahay.
..............................................
Island Mall
Burger Chain
"Maam, ano pong order nila?" tanong ni Wine sa customer na nakatingin lang sa kanya mula pa kaninang pumila ito
"Isang burger with ham and bacon. Lots of cheese, large fries, cola and.... You." sabi ng babae.
"Sorry maam hindi ako available." napangiting sabi ni Wine.
Busy siya at lagi naman. Working student kasi si Wine, kahit ayaw ng tatay niya nagpumilit siyang pumasok sa isang burger restaurant sa Island Mall.
Mula kasi ng magdisiotso si Wine nagtatrabaho na siya, at ang baon niya ay galing sa sarili niyang bulsa.
Hindi na nga siya humihinge kahit pang project niya sa University sa magulang niya dahil siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mabili, magawa at makapagpasa ng project na sa sariling bulsa niya galing.
"Burger with ham and bacon, LOTS of CHEESE, large fries, cola and YOU." sabi muli ng customer na ikinangisi ni Wine.
Madalas siyang lapitan ng mga babae pero nawalan siya ng oras mula ng magtrabaho siya. May naikakama naman siya pero madalang lang, magastos kasi kapag may nobya. Isama pa na siya ang tipo ng lalaking hindi humihinge ng pang-date sa magulang.
Hindi rin niya sinasabi ang totoong status niya sa buhay, simple lang siya sa mata ng lahat at pili lang nakakakilala kung sino siya. Tulad sa pinapasukan niya ngayon, tanging ang manager lang niya ang nakakakilala kung sino si Wine.
"Okay, except YOU." nakangising sabi ni Wine.
Napatingin lang siya sa babae, nakasuot ito ng shades, nakabeach hat na lihim niyang ikinatawa dahil malaki ang beach hat nito na halos umatras ang nakapila sa likuran nito at ang katabi sa pila na kabilang counter sa pagsanggi ng naturag sombrero sa ulo nito na tila wala pakialam ang babae kung naiinis na ang mga katabi nito sa pila.
Matangkad ang babae, at napatawa uli si Wine ng lihim dahil nakasuot ito ng longsleeve kahit sa tag init na panahon, pinartneran ng fitted jeans at ang buhok nito ay hindi niya ba alam kung sadyang kinulot dahil halos tumakip din iyon sa mukha ng babae.
"Ayoko kapag walang You." sabi ng customer kay Wine na ikinangisi ng binata.
"Maam, mahaba na po iyong pila sa gilid muna po kayo." nakangiting sabi ni Wine pero hindi umalis ang babae sa pila na halos domoble na sa haba kaysa sa magkabilaang counter sa dami ng nakapila sa kanya.
Tama, nakapila sa kanya ang halos lahat na babaeng costumer sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa kanya lagi pumipila.Tambak siya lagi ng costumer kaya pagod siya, na kung tutuusin wala naman pila ang magkabilaang lane ng counter.
"Okay, mamaya na iyong you. Okay po ba?" nakangiting sabi ni Wine sa customer.
"NO, gusto ko ibigay mo sa akin ngayon ang You." sabi ng customer na kanina pa naiirita na ikinatawa ni Wine ng lihim.
"Bugnutin na customer" sabi ni Wine sa isip ng makitang nagtatap ng daliri ang babaeng customer sa counter top
"Gusto mo ng you. Wait lang." sabi ni Wine at kumuha ito ng pen.
"....akin na ang kamay mo." sabi ni Wine na agad binigay ng babaeng customer.
Inilahad ng babae ang kamay nito at nanlaki ang mga mata ng customer ng magsulat si Wine ng malakaing letter U sa palad niya at hindi ballpen ang ginamit nito kundi pentelpen.
"Okay. U." nakangising sabi ni Wine.
"Aiissssst," inis na sabi ni customer at kiniskis nito ang kamay ng tissue na nasa counter top.
Napangiti si Wine ng halos mamula ang palad ng babae sa pagkiskis nito para matanggal ang tinta, pero dahil madikit ang tinta ng pentel pen niya kaya ayaw iyon matanggal sa palad nito na lalong ikinapadyak ng babae.
"Ang tagal naman." sabi ng nakapila kay Wine na customer
"Maam lipat muna po kayo sa kabila." nakangiting sabi ni Wine sa ibang customer.
Na kung susumahin siya na lang naman ang may pila sa counter at ipinagtataka niya sa araw-araw.
"Dito na lang, maghihintay kami." sabi ng customer.
Napangisi si Wine, iyon ang laging sinasabi sa kanya ng mga customer kapag natatagalan siya sa counter.
"Wine, ako na diyan. Magserve ka na lang." sabi ng manager ni Wine na ikinangiti ni Wine.
Mabait ang manager niyang babae nasa edad trenta, married at may isang anak. Alam nito kung sino siya pero lihim lang nila iyon dahil ayaw niyang ipaalam sa iba na anak mayaman siya.
"Ayoko." diin na sabi ng customer ng marinig ang sabi ng manager kay Wine.
Napatingin si Wine sa customer at napalunok ito ng may maalala sa salitang iyon na kaparehas ng pagbagsak nito ng salita kapag naiinis na.
"I said I want burger with ham and bacon, with lots of Cheese, large fries and YOU." sabi ng customer na may pagpadyak pa sa paa nito sabay wigwig ng ulo nito na ikinatawa ni Wine dahil naiirita na ang mga katabi nito sa pila sa pagtama ng beach hat nito sa mga katabi.
"Sorry I'm not available." nakangising sabi ni Wine sa customer ng magulat siya ng bigla itong umupo sa sahig at tinapon nito ang beach hat nito sabay bato ng mamahaling bag nito na ikinatingin ng lahat dito.
"I want YOU." sigaw na sabi ng customer sabay bato sa loob ng counter ng mamahaling shades nito na tumama pa sa dispenser ng mga cola,.
Tinitigan ni Wine ang babaeng customer. Morena ito, singkit ang mata.
Nang napalunok si Wine ng muling makita ang babaeng umalis na lamang matapos mamatay ang lolo, lola at ang kapatid nito.
"I want burger with ham and bacon with lots of CHEESE, large fries and YOU. Huwahhhhh!" malakas na pagpalahaw na sabi ng customer sabay padyak ng mga paa nito sa sahig na ikinatingin ng lahat ng tao sa babae.
"Shit, ang laki mo na nagwawala ka pa." sabi ni Wine.
Kinuha ni Wine ang shades na binato ng babae sa loob ng counter at inilagay sa bulsa niya. Mabilis itong lumabas ng counter at binuhat ang babae saka pulot sa bag at beach hat nito.
"I want burger..." umiiyak na sabi ng babae.
"Cheesecake naman." sabi ni Wine habang buhat nito si Elle papunta sa bakanteng upuan sa burger resto na iyon.
"Hello." nakangiti ng sabi ni Elle habang buhat na siya ni Wine.
"Kailan ka dumating?" tanong ni Wine habang nakatitig kay Elle na nakangiti sa kanya.
"Kagabi." nakangiting sabi ni Elle at niyakap nito ang kamay sa leeg ni Wine.
"Sinong kasama mo?" tanong ni Wine ng maiupo ng maayos si Elle sa sofa, sa sulok na bahagi ng resto.
"Sila kuya." sabi ni Elle kay Wine habang inaayos ni Elle ang damit nito.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ni Wine.
Tinitigan ni Elle si Wine. Lalong tumangkad si Wine. Lumapad ang dibdib nito at hindi na siya mabibigla kung maganda ang itinatago nitong katawan. Guwapo ito na tila nakangiti lagi ang mga mata. Sunog pa rin sa araw ang balat na hindi niya alam kung babalik pa ba iyon sa dating kulay.
Nakasuot ito ng uniporme ng resto, at kakaiba ito sa lahat ng empleyado. Mukha ngang boss si Wine kung titingnan. Iba kasi ang tindig nito, lalaking lalaki at kapag ngumiti ito tila gagawa ng kapilyuhan.
"Naamoy kita." nakangiting sabi ni Elle na ikinangisi ni Wine.
Ang totoo, bago pa siya bumaba ng eroplano tinawagan na niya ang pinsan niyang si Ion at mula dito tinanong niya kung nasaan si Wine. Ayaw pa nga sabihin ni Ion pero sinuhulan niya ito.
Samantalang napangiti si Wine. Hindi akalain ni Wine na ganito pa rin ang reaksyon ni Elle kapag nakita siya, iyong tipong ayaw humiwalay sa kanya.
"Hindi ka man lang tumawag sa loob ng pitong taon." sabi ni Wine kay Elle.
"Miss mo ako?" nakangiting sabi ni Elle habang titig na titig ito kay Wine.
"Oo naman." sabi ni Wine.
"Hindi na ako baby." sabi ni Elle.
"Hahahaha, naglupasay ka nga sa pila kanina." sabi ni Wine ng maalala ang pag-upo ni Elle sa tiles na sahig kanina.
"Kasi ayaw mo ibigay iyong, you." sabi ni Elle.
"Ang akala ko kung sino." sabi ni Wine.
"Hindi mo na ako nakikilala?" sabi ni Elle kay Wine.
"Tumangkad ka, saka nagkalaman ka." sabi ni Wine ng makitang dalaga na ang hubog ng katawan ni Elle.
"Nagpupunta kami ni kuya Ash sa gym lagi. Saka kumakain ako ng gulay. Si Kuya Autumn ang madalas magluto sa amin, saka may doctor kami. Hindi rin ako pinapakain nila kuya ng junkfoods. Kaya tumatakas ako kapag gusto ko kumain, tulad ngayon." nakangiting sabi ni Elle.
Napangiti si Wine, halatang isip bata pa rin si Elle kahit na nga ba hindi na ito bulol, halatang alaga ito ng mga kuya nito sa paraan ng pagkukuwento nito sa mga ito.
"Si Ash? Kasama mo ba siya ngayon?" tanong ni Wine.
"Oo, nagyoyosi lang sa parking lot." sabi ni Elle.
Napatitig si Elle kay Wine, namiss niya ito. Hindi naman niya ito matawagan dahil pinagbawalan sila. Saka ang kuya Autumn niya ang nasusunod sa bahay. Para nga itong Papa nila, isama pa na naging istrikto ito lalo sa kanya.
"Gumuwapo ba lalo?" nakangiting sabi ni Wine ng titig na titig sa kanya si Elle.
"Oo." nakangiting sabi ni Elle.
"Salamat." nakangising sabi ni Wine.
"Ako?" tanong ni Elle.
"Gumuwapo din? Hindi." seryosong sabi ni Wine na ikinakunot ng noo ni Elle.
"Hindi. Ang ibig kong sabihin gumanda ba ako?" inis na sabi ni Elle na ikinangiti ni Wine dahil pikon pa rin ito.
"Hmmnn." sabi ni Wine sabay haplos sa mukha ni Elle.
"Ano maganda ba ako?" tanong ni Elle.
"Hahaha, atat." natawang sabi ni Wine.
"Asar naman. Oo o hindi lang ang isasagot mo." naiinip na sabi ni Elle.
"Hahaha. Oo." sabi ni Wine sabay dampi ng halik sa labi ni Elle.
"Okay dahil diyan...." sabi ni Elle sabay abot sa bag nito at binuksan iyon
Nakatingin lang si Wine ng may kunin si Elle sa bag nito. At ilang sandali lang ngumiti ito at tumingin sa kanya.
"Masaya ako dahil nakita kita uli, nag-aral ako para magawa ito at maibigay sayo." sabi ni Elle.
Ibinigay ni Elle ang box na tila tasa ang laman kaya napangisi si Wine. Kinuha iyon ni Wine at tumingin kay Elle.
"Maraming ganito sa talipapa, dapat sa bayan ka na lang bumili ng tasa nakatulong ka pa." birong sabi ni Wine habang hawak nito ang box.
Napangiti lang si Elle at ng buksan iyon ni Wine nagulat ito sa nabungaran. Isa iyon nililok na mukha niya sa kahoy at kamukha niya talaga iyon.
"Maganda ba?" nakangiting sabi ni Elle.
"Ikaw gumawa nito?" tanong ni Wine.
"Oo, nag-aral ako maglilok. Noong unang taon ko kasi sa Amerika lagi ako umiiyak, namimiss ko sila mama at papa at bukod doon namimiss kita. Nalulungkot din ako sa pagkawala nila kuya Run kaya isang araw kinutkut ko iyong pader sa kuwarto ko." sabi ni Elle.
"Hahaha, ano ka daga?" natawang sabi ni Wine.
"Aisssst, totoo iyon. Tapos hanggang maalala ko iyong puno na sinugatan mo. Kaya sumubok ako sa puno maglilok ng kaunting mukha.
Noong una ang panget puro sugat lang ang puno. Pero araw-araw kong ginawa, nakaraming puno din ako. Galit na nga si Kuya Autumn at para na naman siyang monster ng makita na ang mga puno sa garden sa mansion ni lolo Ralph puro sugat." napatawang sabi ni Elle.
Napangiti si Wine, pero nalungkot siya sa panahon na malungkot si Elle at wala itong kausap.
"....hanggang iyan naperfect ko ang mukha mo sa kahoy na iyan." sabi ni Elle.
"Salamat." sabi ni Wine.
Tiningnan nito ang kapirasong kahoy na may ukit ng mukha niya.
"Nagbago na ang mukha mo ng kaunti. Pero ang mukhang nasa kahoy, ang batang una kong minahal." napaluhang sabi ni Elle na ikinatitig ni Wine sa dalagita.
"Bakit ka umiiyak?" sabi ni Wine.
"Mahal mo pa ba ako?" lumuluhang sabi ni Elle.
"Oo naman." sabi ni Wine at niyakap nito si Elle.
"Natatakot ako, baka matulad tayo kay kuya at ate." sabi ni Elle.
"Hindi mangyayari iyon." sabi ni Wine.
"Elle."
Napatingin sila Wine at Elle. Tinitigan ni Wine ang nagsalita, matangkad itong lalaki, may kahabaan ang buhok at tila sadyang ginulo iyon.
Nang bigla si Wine napangisi ng makilala ito dahil kamukha ito ni Elle, ni Autumn o ng isang Valiente.
"Pare, kakarating lang namin, mukhang nakakailan yakap ka na." sabi ni Ash sabay lapit kay Wine at Elle.
"Ash, kamusta?" sabi ni Wine.
"Binata na ako, at puwede na ako sa infinity" pilyong sabi ni Ash.
"Hahaha, ang laki ng pinagbago mo." sabi ni Wine.
"Hahaha, hindi na ako bubulyihin ng apat na pinsan ko." natawang sabi ni Ash.
"Hahahaha, mukhang pinaghandaan mo ha." sabi ni Wine.
"Oo naman." sabi ni Ash at naupo ito sa tabi ni Elle.
"Nakarami ka na?" tanong ni Wine.
"Oo. Ikaw?" makahulugang usapan ng dalawa.
Napatingin si Wine kay Elle na tila wala itong alam sa pinag-uusapan nila.
"Okay lang." sabi ni Wine na hindi naman nagreact si Elle.
"Hahaha, okay lang. Anong okay lang? Utot mo, nakakausap ko si Ion at ang sabi niya madalas kayo sa infinity room sa emperyo." sabi ni Ash.
Namilog ang mga mata ni Elle kaya agad na sinipa ni Wine si Ash sa ilalim ng mesa.
"Aray." sabi ni Ash ng sipain ito ng bahagya ni Wine.
"May gagawin pa ako, nakatingin na ang manager ko." iwas na sabi ni Wine.
"Ganoon ba? Okay" sabi ni Ash.
"Huwag ka ng umorder at bawal sayo ang junkfoods." sabi ni Wine kay Elle na hindi na ito pinagsalita at baka magselos pa ito.
Tumayo si Wine at niyakap nito si Elle at tinapik sa balikat si Ash.
"Magtatrabaho na ako." sabi ni Wine at nagmamadali itong umalis.
"Loko iyon ha." tumatawang sabi ni Ash na halatang umiiwas si Wine na ikinasingkit ng mga mata ni Elle habang nakatitig sa likuran ng papalayong si Wine.
"Madalas siya sa infinity. Ano bang meron doon?" sabi ni Elle.
"Hahaha." tawa ni Ash dahil wala pang alam si Elle sa nangyayari sa Infinity o sa Bar ng Emperyo dahil bata pa ito at walang muwang ng umalis sila ng bansa
✍️✍️✍️✍️✍️✍️
May 13, 2021 11.53am
FifthStreet1883
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top