Introduction : Binatilyo

Estimated Ages for this Novel:

Atlas Cheung - 24

Autumn Valiente - 22

Heaven Lopez - 18

Aqua Cheung - 17

Blaze Cheung - 17

Bullet Valencia - 16

Ciao Montemayor - 12

Malic Wine Lopez Jr. - 12

Ion Valiente - 12

Shadow Montemayor - 11

Rhythm Gonzalez - 11

Dennis Matias "Dim" Lopez IV - 10

Orion Ash Valiente Jr - 7-8

......................

✍️✍️✍️✍️✍️✍️

Ikalawang Bayan


"Langya mga pare, nandito na naman tayo?" sabi ni Aqua sa mga kaibigan.

Nang magkita-kita sa ikalawang bayan. Nauna ng dumating si Autumn na nakasandal sa magarang sasakyan nito, at si Heaven na naninigarilyo habang nakasandal sa mamahaling motor na pagmamay-ari ng binata.

"Wala sila Papa dahil may stockholders's meeting at isa pa, ang alam nila nasa University tayo para sa school activities." sabi ni Ash sa mga kasama habang bumababa ito sa motor na tinakas na naman nito sa amang si Orion.

"Langya ka Ash, sumama ka pa talaga." sabi ni Bullet sa pinsan at pinakabata sa lahat.

"Pinasama ko talaga siya." sabi ni Autumn sa mga kasama.

"Malakas ako kay Kuya Autumn." tumatawang sabi ni Ash.

"Late kami." sabi ni Wine na humahangos pang tumakbo kasama sila Ion at Shadow.

"Anong sinakyan niyo?" tanong ni Blaze sa tatlo.

"Siyempre ang mga kabayo ni Shadow." sabi ni Ion.

"Tinali namin sa mga puno bago kami pumunta sa malayong tagpuan na ito." inis na sabi ni Wine.

"Ano bang gagawin natin?" tanong ni Shadow sa mga kaibigan.

"Hahaha." natawang sabi ni Heaven na napatingin kay Autumn na nakangisi lang ng makita ang grupo .

"Ano na?" sabi ni Shadow.

"Hahaha." napatawa sila Heaven at Autumn dahil nakaporma pa ang lahat maliban kay Wine na sanay na silang nakasuot na tipikal na white shirt at pantalon na maong na butas ang style.

"Langya, anong gagawin natin?" tanong ni Rhythm na nagtataka sa pagtawa nila Autumn at Heaven.

Nakasuot pa ng polo ang mga kabataan na kagrupo nila Autumn at Heaven na tila gagala ang mga ito.

"Hahaha." lalong napatawa sila Autumn at Heaven ng makita si Rhythm dahil alam nilang tumakas ito sa mga magulang na papuntang Manila para sa concert ng mga ito.

"Aiissst." sabi ni Blaze ng tumatawa lang sila Autumn at Heaven.

Nasa kilalang parke sila sa ikalawang bayan kung saan sila nagkita-kita, doon kasi nagpatawag sila Autumn at Heaven.

"Sandali." sabi ni Autumn.

Napatingin ang grupo ng buksan ni Autumn ang likuran bahagi ng sasakyan nito at mula roon inilabas ni Autumn ang mga walis tingting, dustpan at waste plastic.

"Ano iyan?" tanong ni Aqua kay Autumn.

"Hawakan mo para malaman mo." natawang sabi ni Autumn at ibinigay nito sa mga kasamang bata ang tig-iisang walis at dustpan.

"No way." sabi ni Blaze ng mahinuha ang gagawin nila.

"Dagdag pogi points ito sa mga babes." natatawang sabi ni Heaven kay Blaze.

"Aiissst, ayoko niyan. Kahit si dady hindi ako pinahawak niyan." sabi ni Bullet kay Heaven.

"Maglilinis kayo o makukulong kayo?" sabi ni Autumn.

"Bakit naman kami makukulong?" tanong ni Ion.

"Kasi nagnakaw kayo sa isang convenient store matapos niyong landiin ang cashier." sabi ni Heaven.

"Uyyy hindi ako kasama doon." sabi ni Rhythm.

"Kasama ka dahil ikaw ang look-out at si Ion." sabi ni Autumn.

"At sinama niyo pa talaga si Ash" sabi ni Autumn.

"Hindi totoo iyan." sabi ni Ion.

"Hahaha, may cctv sa naturang convenient store at alam mong may cctv na sa bawat kalsada natin bukod na nga lang kung nasa gubat at bundok ka." sabi ni Autumn.

"Shit, si Wine nakaisip nun." sabi ni Blaze na itinuro si Wine na tahimik lang at nakatingin sa walis tingting at nagsisimula na itong magwalis.

"Nagwawalis na ako." natatawang sabi ni Wine, na sa grupo si Wine lang ang marunong magwalis at nakahawak na ng walis.

"Shit, ayoko niyan." sabi ni Shadow na never pinagtrabaho sa rancho ng lola nitong si Joyce.

"Okay, mapapahiya ang dady mo kapag nalaman niya ang ginawa mo.

Or malamang ngayon nasa presinto na ang mga copy sa cctv." sabi ni Heaven kay Shadow.

"Asar, si Wine ang may utak nun." sabi ni Aqua.

Napatingin ang lahat kay Wine na nagdadakot na ng kalat at inilalagay na iyon sa plastic.

"Guilty siya kaya ginagawa na niya, kaya kayo gumawa na kayo kung ayaw niyong makarating sa University ang pagnanakaw niyo sa store na iyon." sabi ni Autumn sa ibang kasama.

"Aiisssst, Wine!" sigaw ni Bullet ng makalayo na si Wine at feel na feel nito ang pagwawalis ng kalsada.

"Ano ba? Madali lang ito kumpara sa halikan ang babaeng iyon na pinahalik niyo sa akin. Bad breathe siya, nakakaasar." Sabi ni Wine na tila nagbibinata na ito sa kilos at galaw nito.

"Hahaha, ikaw ang nakaisip na landiin iyon." sabi ni Aqua.

"Sumama kayo, at nakitsansing kayo sabay kuha doon sa alak." sabi ni Wine.

"Hindi ako kasama doon si Blaze ang kumuha ng alak." sabi ni Aqua.

"Uminom ka doon, at ikaw pa ang humirit na magnakaw uli." sabi ni Wine na naghubad na ng t-shirt at inilagay sa ulo nito pamandong.

"Walang hiya ka Wine, para kang street sweeper. Ikaw na lang gumawa niyan." inis na sabi ni Shadow.

"Okay lang" sabi ni Wine at ipinagpatuloy nito ang pagwawalis ng kalsada na ikinailing ng mga kaibigan nito.

"Aisssst, ayoko nito." sabi ni Rhythm at binato nito ang tingting sa semento.

"Masaya ito, minsan ko ng sinubukan ito at marami akong napahangang babae." nakangising sabi ni Wine habang nagwawalis.

"Hahahaha, imposible iyon Wine." sigaw ni Aqua at sumandal ito sa mamahaling kotse nito habng pinagmamasdan si Wine na nagwawalis.

Ginaya ng iba si Aqua at tumayo lang habang pinagmamasdan si Wine.

Nang ilang minuto pa ng may lumapit na turista kay Wine na ikinatingin ng grupo.

"Hello." sabi ng babae kay Wine.

"Hi." nakangiting sabi ni Wine at palihim itong nagthumbs up sa grupo na alam niyang nanonood sa kanya.

"Ang sipag mo naman. Kanina pa kita pinagmamasdan." sabi ng babae.

"Talaga?" sabi ni Wine sa babae na nasa edad labing tatlo hanggang labing lima.

"Oo, binilhan nga kita ng drinks." sabi ng babae at binigay nito ang drinks kay Wine na agad nitong tinanggap.

"Thanks." sabi ni Wine.

"By the way I'm Loiuse." sabi ng babae kay Wine.

"Oh! Ako si Wine." sabi ni Wine at napatingin ito sa mga kasama.

"May twin sister ako si Althea." sabi ni Loiuse.

Tinawag ni Loiuse si Althea na agad na lumapit at napangiti kay Wine.

"Sandali." sabi ni Blaze sa mga kaibigan, ng makita ang kambal na babae pero magkaiba ito ng height at katawan kahit magkamukha ang mga ito.

"Bakit?" tanong ni Bullet.

"Magawawalis na ako." sabi ni Blaze at kinuha nito ang tingting.

"Bakit ka magwawalis?" sabi ni Shadow.

"May mga papalapit pa na mga babae kay Wine." sabi ni Blaze.

Napatingin ang grupo ng makita ang mga papalapit na babae kay Wine.

Kaya nagsikuhanan ng mga tingting ang mga batang kasama ni Autumn at mabilis ang mga ito nawala sa tabi nila ni Heaven.

"Langya, iyon lang pala ang solusyon sa mga pasaway na ito para magwalis." sabi ni Heaven na ikinatawa ni Autumn ng makita ang mga kasamang bata na nagwawalis kahit hindi marunong ang mga ito kung paano gumamit ng naturang tingting.

"Hahaha, ngayon alam ko na" sabi ni Autumn na ikinatawa nila ni Heaven.

✍️✍️✍️✍️✍️✍️

April 24, 2021 9.05pm

FifthStreet1883

Good night 😴😴😴

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top