Epilogue : Valiente Babies
El Casa
"Si Autumn?" tanong ni Chhaya kay Jessie.
"Maam Cha?" gulat na sabi ni Jessie ng makita si Chhaya sa harapan ng mesa niya.
"May tao ba sa loob?" seryosong sabi ni Chhaya.
"Wala po. Pero Maam ang tagal niyong hindi nagpakita." sabi ni Jessie.
"May inasikaso ako." seryosong sabi ni Chhaya.
"Anak mo?" tanong ni Jessie ng makita ang sanggol na hawak ni Chhaya.
"Anak namin ni Autumn. Papasok na ako." sabi ni Chhaya at hindi na nito nakuhang hintayin makapagsalita si Jessie.
...............
"Busy ako." seryosong sabi ni Autumn habang nakayuko ito sa mesa at nagbabasa ng mga papeles.
"Busy? Puwede ba humingi ng kaunting oras?" tanong ni Chhaya na nagpaangat ng ulo ni Autumn.
Napakunot ang noo ni Autumn ng masilayang ang dating nobya.
"Hindi mo ba kami sasalubungin?" tanong ni Chhaya habang bitbit nito ang isang sanggol na lalaki.
"Sino iyan?" tanong ni Autumn.
"Anak natin." seryosong sabi ni Chhaya.
"Anak?' sabi ni Autumn.
"Si Amon." nakangiting sabi ni Chhaya.
"Anak natin?" di makapaniwalang sabi ni Autumn.
"Oo, kamukha mo di ba?" nakangiting sabi ni Chhaya.
Napangiti si Autumn. Tumayo ito at sinalubong si Chhaya at ang sanggol na hawak nito.
"Umalis ako, baka kasi hindi mo matanggap." sabi ni Chhaya.
"Bakit naman hindi?" sabi ni Autumn.
"Baka ayaw mo." sabi ni Chhaya.
"Gusto ko." sabi ni Autumn sabay yakap kay Chhaya.
Napangiti si Chhaya habang yakap sila ni Autumn.
"Masaya ka ba?" tanong ni Chhaya.
"Oo." nakangiting sabi ni Autumn.
"Mabuti." sabi ni Chhaya na napangiti sa reaksyon ni Autumn.
"Saan ka nanganak? Bakit hindi mo sinabi na buntis ka na pala." sabi ni Autumn.
"Natakot ako baka, hindi mo kami tanggapin." sabi ni Chhaya.
"Tanggap ko. Masaya nga ako at may anak na ako." sabi ni Autumn habang yakap nito si Chhaya at ang sanggol.
"Puwede ba uli akong bumalik?" tanong ni Chhaya.
"Oo naman. Magpapakasal na tayo." masayang sabi niAutumn.
"Talaga?" gulat na sabi ni Chhaya na hindi niya inaasahan na kasal talaga ang sasabihin ni Autumn.
"Oo naman. Hindi ko naman hahayaan na may bastardo akong isilang." sabi ni Autumn na ikinalunok ni Chhaya.
"Okay." sabi ni Chhaya na nakaramdam ng kaba pero winaksi iyon sa isip niya.
"Ihahanda ko agad ang kasal." sabi ni Autumn na ikinatango lang ni Chhaya dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa desisyon ni Autumn.
.................
Cave House
"Kuya bilis." sabi ni Elle kay Ash ng puntahan nito sa kuwarto si Ash.
"Bakit?" sabi ni Ash.
"Aurora Sacramento." sabi ni Elle.
"Aurora Sacramento?" kunot noo na tanong ni Ash.
"Ang panglan ni Diez. Aurora Sacramento." sabi ni Elle.
"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ni Ash na hindi niya alam na inaalam pa pala ng kapatid ang gusto niyang malaman,
"Nag-aral si Diez sa public school at siya din ang isa sa sumayaw noong may party. Remember, iyong batang magaling sumayaw.
At nakita ko iyong old invitation at napansin ko ang pangalan na ito sa mga sumayaw. Inalam ko kaya nagtanong ako sa University, walang ganitong pangalan kaya nagtungo ako sa public school sa ikalawang bayan at sakto kilala siya ng isa sa PE teacher dahil madalas isali sa contest si Diez o Aurora." sabi ni Elle.
"Tirahan?" tanong ni Ash.
"May nakapagsabi sa akin. Nasa Manila sila ng kapatid niya at ang parents niya ay nasa isla Verde kung saan sila lumipat ng umalis si Diez sa El Paradiso." sabi ni Elle.
"Manila? Saan sa Manila?" tanong ni Ash
"Sa New Manila, iyong ang sabi ng napagtanungan ko." sabi ni Elle.
"Pupunta ako ng Manila." sabi ni Ash.
"Sandali." sabi ni Elle ng pigilan si Ash.
"Bakit?" tanong ni Ash.
"Anong gagawin mo?" sabi ni Elle.
"Kukunin ko ang anak ko, kapag nakita ko siya." sabi ni Ash na tila nabuhayan ito ng dugo.
"Sandali, paano kung hindi naman pala siya nanganak." sabi ni Elle.
"Hindi magtatago ang babaeng iyon kung walang bunga. Hindi lilipat ang magulang nun, kung walang iniiwasan at hindi lalayo ang Diez na iyon kung walang anak si Ash." nakangising sabi ni Ash.
"Kapag nakuha, saan mo dadalhin?" tanong ni Elle.
"Siyempre dito sa bahay." sabi ni Ash na ikinatawa ni Elle.
"Hahaha! Loko ka ba? Lagot ka kay Papa." sabi ni Elle.
"Alam ko na, ipapaampon ko muna kay Ate Winter. Sakto nasa Amerika na siya. Akuin na muna niyang anak niya." nakangising sabi ni Ash.
"Aissst loko ka." sabi ni Elle.
"Hahaha, sige na aalis na ako at baka tumakas pa iyon." sabi ni Ash at nagmamadali itong lumabas ng kuwarto.
"Grabe, parang taguang singsing lang." naiiling na sabi ni Elle.
...................
"Papa, si Amon anak namin ni Cha." nakangiting sabi ni Autumn ng bumisita ang mga ito sa Cave House.
Napatingin sila Orion at Ellie sa isa't isa pero napangiti ang mga ito.
"Hello po." sabi ni Cha sa mag-asawa.
"Mabuti hindi mo tinago." nakangiting sabi ni Ellie sabay kuha sa sanggol na lalaki.
"Bakit ko naman po gagawin iyon?" tanong ni Cha.
"Maraming dahilan pero ayoko ng isipin. Dahil masaya na akong nakita ang apo ko." sabi ni Ellie sabay karga sa sanggol.
"Papa, Mama magpapakasal kami kahit sa huwes muna para may tatay na ang anak ko." sabi ni Autumn.
"Okay." nakangiting sabi ni Orion habang nilalaro nito ang sanggol na buhat ni Ellie.
..............
Makalipas ang ilang araw ikinasal sila Autumn at Chhaya sa munisipyo, at si Ellie mismo ang nagkasal sa mga ito bilang alcalde ng isla.
"Si Ash?" mahinang tanong ni Wine kay Elle.
"Nasa Amerika." bulong ni Elle kay Wine.
"Bakit?" tanong ni Wine.
"Nakuha na niya ang anak niya at pinaampon niya kay Ate Winter." sabi ni Elle.
"Ha?" gulat na tanong ni Wine.
"Shhh, huwag ka maingay ikaw, ako at si ate Winter lang ang nakakaalam. Palalabasin ni Ate Winter na anak niya ang sanggol." sabi ni Elle.
"Bakit? Kawawa naman si Diez?" sabi ni Wine.
"Bata pa si Diez at may family problem sila mas nakakatakot kapag pinagbenta niya ang anak nila ni Kuya so si Ate muna ang tatayong nanay." sabi ni Elle.
"Aisssst, gulo ang ginagawa niyo." sabi ni Wine.
Nasa Franxie Resto sila habang ginaganap ang isang munting salo-salo ng pamilya at grupo sa kasal nila Autumn at Chhaya.
"Malalaman din ng lahat kapag nakapagtapos na si Kuya Ash ng pag-aaral. Ang mahalaga nakikita niya ang bata." sabi ni Elle.
"Paano iyong nanay? Kawawa si Diez." sabi ni Wine.
"Makikita rin ni Diez ang anak niya kapag sinabi na ni Kuya Ash." nakangiting sabi ni Elle.
"Aissst, anong itsura ng bata." sabi ni Wine.
"Baby boy kamukha ni Kuya." nakangiting sabi ni Elle.
"Single?" tanong ni Wine.
"Oo at confirmed naman iyon sa hospital. Walang kasama ang bata." sabi ni Elle.
"Okay, mahirap na. May lahi pa naman kayong kambal. Kaya kapag nabuntis ka, ikukulong kita at baka nakawin ang isa or baka itago mo rin sa akin." nakangising sabi ni Wine.
"Hindi ko gagawin iyon." nakangiting sabi ni Elle sabay yakap kay Wine.
....................
Isla Traquilo
"Atlas, si Winter tingnan mo." masayang sabi ni Yumi kay Atlas habang nasa dining area ang lalaki.
"Bakit?"tanong ni Atlas.
"May anak na siya. CS, pero tingnan mo ang bata ang laki." sabi ni Yumi na ikinakunot ng noo ni Atlas.
"Anak niya? Ang bilis naman." sabi ni Atlas.
"CS kasi baka limang buwan lang ang bata. O baka kaya lumipad sa ibang bansa dahil buntis na." sabi ni Yumi.
"Kanino naman?" tanong ni Atlas.
"Madalas siya sa minahan baka taga minahan." natawang sabi ni Yumi.
PInagmasdan ni Atlas ang picture ni Winter at ang bata, hawig iyon sa mga Valiente.
"Masaya na siya, uuwi na siya." sabi ni Atlas sa isip ng makita ang saya sa mukha ni Winter habang nakatingin sa sanggol.
END
June 8, 2021 9.57pm
FifthStreet1883
Salamat sa lahat ng readers
Next
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top