Chapter 8

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa parking lot. Nakaupo kami sa bukas na likod ng kotse ni Aljohn.

We stayed quiet for a while, siguro ay naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita.

"Bakit?" Sinimulan ko ang usapan namin sa pagtatanong niyan. Hindi man malinaw pero base sa reaksiyon ni Linx ay mukha namang nakuha niya agad ang ibig kong ipahiwatig.

Napatungo siya, wari ba ay nahiya. "Noong ma-meet kita, hindi ko inakala na ikaw at si pink angel na nakaka-text ko ay iisa." Sandali siyang tumigil at pagkatapos ay muli siyang nagpatuloy.

"Nanliit ako sa sarili ko. Para bang hindi magkahanay ang ating mundo." Tiningnan niya ako. "Ang hirap mong abutin, Janelle."

I pointed at myself. "Ako?"

He nodded then continued. "Sino ba naman ako? Sa public school lang ako nag-aaral noon. Ikaw, sa private school. Achiever ka pa e ako puro palakol ang grades."

"Wala akong maipagmamalaki kaya lumayo ako. Kaya itinigil ko ang pakikipagkomunikasyon sa iyo kahit mahirap."

Kumibot nang bahagya ang mga labi ko sa huli niyang sinabi.

Nahirapan siya? Bakit?

"Masakit sa aking iignora ka pero kailangan. Sabi ko nga, hindi naman magiging malaking bagay iyon sa iyo. Na madali mo lang naman akong makalilimutan."

Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko pero pinipigilan ko. Hinahayaan ko lang siyang magsalita.

"Sinubukan kong pigilan ang damdamin kong nagsimula kahit noong hindi palang kita nakikita. Kaso wala e. My heart is uncontrollable. Habang tumatagal lalong tumitindi ang nararamdaman ko sa iyo hanggang dumating sa puntong napagtanto kong mahal na pala kita."

Sa pagkakataong iyon ay tumakas ang luhang pinipigilan ko kanina pa.

"Masakit tanggapin lalo na nang mabalitaan kong nagka-boyfriend ka na. Na tama nga siguro ang palagay kong madali mo akong makalilimutan."

"Nagpakalayo-layo ako at pinagbuti ko ang buhay ko para kung sakaling pagtagpuin man tayo ng tadhana ay at least may maihaharap naman ako sa iyo."

"I was already planning to find you, but it looks like destiny has its own way for me to meet you. Dito pa talaga sa concert ng Boys Like Girls tayo pinagtagpo." He chuckled. "But, one thing that makes me afraid is thinking if I'm already late."

Tinignan niya ako at naroon ang pag-aalala sa mukha niya.

I let out a smile then beamed a little. "You were never late. You're just on time."

Napapiksi siya nang ipatong ko ang isang kamay ko sa isa niyang kamay. Napatingin siya roon at pagkatapos ay umakyat ang tingin niya papunta sa mukha ko.

"Alam mo bang gustong-gusto kitang sumbatan, saktan, sigawan ngayon pero hindi ko magawa. Alam mo kung bakit?"

"Bakit?" Kung tama ang pagkakarinig ko ay gumaralgal ang tinig niya pagkasabi niya noon.

"Mas nananaig pa rin 'yong nararamdaman ko sa iyo na dala-dala ko pa rin sa loob ng mahabang panahon."

He swallowed a lump in his throat. "N-Nararamdaman?"

Magana akong tumango. "Manhid ka, Linx. Sana noong binigyan kita ng CD e alam mo na dapat na may pagtingin ako sa iyo." I looked at him. Maraming salita ang nais kong sabihin pero ipinarating na lang iyon ng aking mga mata.

"Ano naman kung sa public school ka nag-aaral? Nakabawas ba iyon ng pagkatao mo? Ano naman kung palakol ang grades mo noong highschool? Tinanong ba iyan nang in-interview ka sa trabaho mo ngayon? People who truly loves you don't look at those petty things. Mamahalin ka nila mayroon ka man o wala noon kasi ikaw iyon, eh. At ganoon kita tiningnan, Linx. Minahal na rin kita bago pa man kita makita. Minahal kita bago ko malaman kung sino ba talaga si Aljohn Dexter Innocencio at patuloy pa rin kitang minamahal hanggang ngayon. Sa buong fourteen years, akala kong one-sided love lang ito."

Bitter tears start rushing down my face but I removed those immediately with the back of my palm. "But I am happy kasi hindi tayo magiging ganito ka-successful sa buhay kung pinilit natin ang nararamdaman natin sa isa't isa noon. Kung hindi tayo pinatatag ng sakit dahil sa pag-ibig na akala natin hindi mutual ay hindi tayo magiging matatag."

"You are right, Janelle." He cupped my face kaya napakalma ako.

Hindi na ako nakapagpigil kaya dinaluhong ko siya ng yakap. Sa pagkakataong iyon ay para bang iyon ang pinakaligtas na lugar na matagal ko nang hinahanap.

We stayed at that position for I don't know how long. Basta matagal.

Mayamaya ay kumalas si Linx sa pagkakayakap sa akin. He faced me. "Janelle, I know it is improper and too fast. But can we date?"

Tiningala ko siya. "Kahit yayain mo agad ako ng kasal, hindi ako tatanggi. Labing-apat na taon mo akong pinaghintay!" I pouted while I'm shedding tears of joy.

Ginulo niya ang buhok ko. "As much as I wanted to but I want to experience courting the one and only woman that I ever loved."

Pabiro ko siyang inismiran. "Sows, if I knew marami ka ring naging girlfriend."

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong wala pa?" Seriousness can be seen in his eyes. Mukhang totoo nga.

Para bang may sariling buhay ang mga labi ko dahil ngumiti ang mga iyon.

"Oo na!" I pinch his nose.

Humilig ako sa balikat niya at sabay naming tiningnan ang nagkikislapang bituin sa kalangitan.

Wakas

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top