Chapter 7

Taon ang lumipas matapos kong maranasan ang una kong pag-ibig. Naka-graduate ako sa highschool bilang valedictorian dahil mas lalo kong isinubsob ang sarili ko sa pag-aaral.

Nang mag-college ako, mas lalo ko pang dinoble ang pag-aaral ko. Sa kabila noon ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa mga pagkakataong hindi okupado ang isip ko ay muli kong naaalala si Aljohn o mas tumatak sa akin bilang si Linx. I tried my best to ignore my memories of him but those always keep on coming back.

Sinubukan kong makipag-date pero hindi nagwo-work. Ang pinakamatagal kong naging boyfriend ay one year and six months.

I've always been transparent to my last boyfriend. Pati ang nangyari sa amin ni Linx ay alam din niya. Alam na alam niya to the point na pati iyon ay napag-awayan namin nang matagal.

"Babe, siya pa rin ba?"

I just look at him with weary eyes. Para ba akong napipi. Gusto kong sumagot ng "Hindi na" pero hirap na hirap akong sabihin iyon.

He hold my hands and pressed my palms. "Babe, kalimutan mo na siya. Nandito ako. Mamahalin kita nang buong-buo. Pupunan ko ang pagmamahal na kailanma'y hindi niya naibigay ni naiparamdam sa 'yo."

Alanganin kong binitiwan ang mga kamay ni Enzo, ang boyfriend ko. Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya.

He really did his best to become the best boyfriend that a woman can ever have. Sabi nga ng mga nakakakilala sa akin, napakasuwerte ko raw.

Kaso may mali, eh. Pangalan pa rin ni Linx ang isinisigaw ng puso ko. And it would be unfair to Enzo to stick with him if my heart is beating for someone else.

And that someone else? I am never sure if he felt the same way for me too.

"I-I'm sorry." Tuluyan kong tinalikuran si Enzo at binilisan ko ang paglakad ko papalayo sa kaniya sa abot ng aking makakaya.

Oo na, sabihan n'yo na ako ng kahit ano. Gaga, tanga, o ano pa. Tanggap ko iyon. Sinubukan ko ring kumbinsihin ang sarili kong hindi na dapat ako masaktan kasi ilang taon na rin naman ang nakalipas kaso wala talaga. Nananatili pa ring sariwa ang sugat na iniwan ni Linx.

Hindi na ako nag-boyfriend pa sa buong pagka-college ko pagkatapos kong hiwalayan si Enzo. Muli kong isinubsob ang sarili ko sa pag-aaral. Sa kabutihang palad ay nagbunga naman iyon. Nagtapos akong Magnacumlaude sa kursong Bachelor of Science in Office Administration.

Madali akong natanggap bilang executive secretary sa isang sikat na mall sa Pilipinas. Maganda magpasahod kaya madali akong nakaipon at nakabibili ng nais ko.

Maganda rin itong trabaho na ito dahil marami akong paperworks at sunod-sunod na presentation na ginagawa lalo pa at sa CEO ako naka-assign. Danas na danas ko ang pagiging produktibo sa trabahong ito.

Sa kabila naman noon ay napakaluwag naman ni sir sa akin. Kapag nais kong magbakasyon o may nais akong puntahan ay hindi ako nakakapagdalawang sabi sa kaniya. Basta ba ay wala akong pending works na maiiwan habang ako ay out of office.

Katulad ngayon, papunta ako sa concert ng Boys Like Girls. Nasabik ako nang malaman kong pupunta sila ng Pilipinas. Naging parte rin naman sila ng emo phase ko labing apat na taon na ang nakaraan.

Emo phase. May nasaling na damdamin sa loob-loob ko pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Nandito ako para mag-enjoy, hindi para umiyak.

Isa ako sa mga mapapalad na nakabili ng ticket sa VIP standing. Ang saya sa pakiramdam na makahaharap ko na ang band members ng BLG. 'Yung tipong dati, tinitiyempuhan ko lang sa radyo ang mga kanta nila pero heto, nasa harap ko na sila mismo habang inaawit ang isa sa mga paborito kong kanta nila- ang Thunder.

Sa puntong iyon ay nanumbalik muli ang lahat ng nangyari ilang taon na ang nakaraan. Panigurado namang hindi lang ako kundi pati na rin ang mga um-attend sa concert dito sa New Frontier Theatre.

Inilibot ko ang mga mata ko. Nais kong tingnan isa-isa ang mga naroon at hulaan kung sila ba'y tulad kong nagkaroon din ng emo phase.

May mga taong tulad kong nakasuot lamang ng simple. May ibang naka-formal pero nakikisabay sa pagkanta. Pinakanaaliw ako ay sa ilang mga naka-in character bilang emo. Nakasuot sila ng black na damit, may makapal na eyeliner, at ang iconic na side bangs. Very nostalgic.

Akma kong ibabalik ang mga mata ko sa stage nang mapatigil iyon sa gilid. Hindi ko sigurado kung tama ang nakikita ko o namalikmata lang ba ako.

Si Linx ang naroon!

Nagrigodon ang puso ko sa pagkakataong iyon. Dinama ko ang dibdib ko. Muling nabuhay ang pamilyar na tibok na naramdaman ko rin labing apat na taon ang nakaraan. Ang tibok na ngayon lang muling nagparamdam dahil nakita kong muli si Linx.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kaniyang itsura. He has a comb over taper fade hairstyle and clean-shaven face. At ang porma niya? Wow. Propesyonal na propesyonal. Nagsusumigaw ang kaniyang authoritative and intimidating personality.

Nahigit ko ang paghinga ko nang bigla siyang tumingin sa puwesto ko. It took me two seconds to look away before I realize that we are staring at each other.

Agad kong iniwas ang tingin ko at pinilit mag-focus sa boyband na ipinunta ko rito.

Your voice was the soundtrack of my summer
Do you know you're unlike any other?
You'll always be my thunder, and I said
Your eyes are the brightest of all the colors
I don't wanna ever love another
You'll always be my thunder
So bring on the rain
And bring on the thunder

Parang kinuyumos ang puso ko sa pagkakataong iyon. Muling bumalik ang sakit at hindi ko na lang namamalayang may dumadaloy na palang luha sa mga mata ko.

I don't wanna ever love another. The lyrics hit me. Marami nang taon ang nakalipas pero isang tao lang ang itinitibok nitong puso kong abnormal.

"Panyo?"

Awtomatiko akong napaangat ng tingin nang may magsalita.

"Linx..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top