Chapter 6

Pagkatapos kong ipabigay kay Linx ang pina-burn kong CD ay nag-lie low ako sa pagse-send ng personal message sa kaniya. Pinararaanan ko na lang siya ng GM. Iyon nga lang ay hindi niya nire-reply-an ni isa man doon.

Bawat araw, hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-overthink. Ano ba ang ginawa ko para magkaganiyan siya? Okay na okay pa naman kami bago kami mag-meet pero nag-iba ang lahat nang makita namin ang isa't isa.

Kung alam ko lang, sana pala hindi na lang ako nakipag-meet sa kaniya.

Alam ko sa sarili kong masyado pa akong bata para damdamin ang lahat pero malaki ang epekto ng pag-iwas o panlalamig ni Linx sa akin. Ilang beses kong tinangkang tanungin siya pero pinangungunahan ako ng hiya o takot kaya umaatras din ako sa huli.

Kung ano man ang dahilan kung bakit siya nagkaganon ay hindi ko na yata malalaman pa.

•••


Nawalan ako ng gana sa mga bagay na dati ko nang nakasanayang gawin. Ang pakikinig ng radyo ay itinigil ko na. Lagi kasing ipinapaalala noon sa akin na sa radyo kami nagkakilalang dalawa.

Masakit. Napakasakit lalo na nang tanggapin ko sa sarili kong siya ang unang tibok ng bagong sibol kong pag-ibig. Tibok na anumang pilit ko ignorahin ay lalong nagpapapansin.

Natatagpuan ko na lang ang sarili kong tahimik na umiiyak sa kuwarto at sinasarili ang aking pagdurusa. Sa bawat paghikbi ko ay kailangan kong itago upang hindi iyon mahalata ng aking mga magulang. Sa bawat pamamaga ng mga matang naging bunga ng ilang oras kong pag-iyak ay naitatago naman ng paglalagay ko ng eyeliner sa aking lower eyelid pati ng bangs na puwede ko namang iharang sa aking mukha.

Ito ang pagkakataong bawat liriko ng emo songs ay nagkaroon ng kahulugan kasi nakaka-relate na ako. Ang sakit. Kung puwede lang sanang humiling na magpapalit ng puso e sana'y akin nang ginawa.

•••

"Aljohn Dexter Innocencio." Iyan ang bungad sa akin ni Mary Grace nang magkita kami habang nagpapa-clearance.

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.

Muli siyang nagpatuloy. "Yan ang tunay na pangalan ni Linx. Taga-Sunrise village. Section Redwood sa National Highschool." Umupo siya sa tabi ko. "Tinimbre sa akin ng kakilala ko ro'n sa school."

"Ah, okay," tangi kong sagot. Tangka ko sanang idi-distract ang sarili ko sa pagse-cellphone pero pinigilan ako ni Mary Grace. Hinawakan niya ang braso ko.

"Ilabas mo 'yan."

Seryoso ko siyang tinitigan. Wala akong salitang inilabas.

"Janelle, kilala kita. Alam ko kapag hindi ka okay."

Wala pang tatlong segundo ay dinaluhong ko siya ng yakap. Kasabay ng pagragasa ng luha ko ay ang paglalabas ko ng lahat ng emosyon kong matagal kong kinipkip.

I cried out loud but I think that's still not enough to make myself okay. The more tears I shed, the more I think about those moments we shared together even though most of that time only happened through exchanging of text messages.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top