Prologue

"On behalf of the entire crew, thank you for flying with us today. We wish you a safe and enjoyable onward journey. Thank you and good day," Brett said calmly.

Another landing and finally, a week to rest.

"Grabe, Capt. Parang hindi ako masasanay sa long direct flights. LAX to Manila," Johan-his co-pilot-shook his head. "Sobrang saludo talaga ako sa 'yo, Capt."

"Masasanay ka rin," Brett chuckled. "Enjoy your rest, and we'll see each other again."

Sumaludo sa kaniya si Johan. Maging ang cabin crew ay nagpasalamat sa kaniya. Kung tutuusin, siya dapat ang magpasalamat sa mga ito dahil na rin sa maayos na flight. Wala silang narinig na reklamo sa mga pasahero at nagpapasalamat pa sa kanila.

Isang buong linggong walang schedule si Brett kaya naman naisipan niyang bisitahin ang mga kaibigan niya. Habang naglalakad sa airport hila ang suitcase, nakatanggap siya ng message galing sa group chat nilang magkakaibigan. Nangangamusta ang mga ito at tinatanong kung available ba siya sa susunod na araw.

As usual, the airport was busy. Tumabi na muna siya sa gilid para mag-reply sa mga kaibigan niya para sabihing matutulog lang siya, pero manggugulo na sa condo kung sino ang available kinabukasan.

Nag-reply naman lahat na libre ang mga ito kaya mag-iisip siya kung kanino tatambay. Puwedeng kay Reid, pero baka kasi kasama nito si Frankie. Puwede rin kay Mile, pero siyempre may asawa na ito... o kaya kay Sam para maraming pagkain, pero baka kasi nag-aalaga rin ng pamangkin.

Brett shook his head upon realizing his friends were available but also unavailable. Mahirap I-explain, pero basta ganoon.

He was about to lock his phone and walk, but another notification popped. It wasn't from his friend's group chat. It was a new one, and he was invited.


Nagsalubong ang kilay niya at inisa-isa kung sino ang mga member ng group chat, pero napatitig siya sa huling pangalan. It was familiar or maybe similar to someone he knew from childhood.

Bago mag-reply, ini-stalk muna niya ang mga babae. Of course he knew Frankien. Matagal na niya itong nakikita at matagal na ring kilala dahil kay Reid. Kung tutuusin, masaya nga siya na ito ang kasama ng bestfriend niya ngayon.

He didn't know the other two-Risha and Lee. He then decided to stalk Harley. Binuksan niya ang Facebook account nito, and unlike Frankie na naka-lock ang profile, Harley was very public, and to his surprise, the woman was the same girl he met twenty years ago.

Naramdaman niya ang bilis ng tibok ng puso niya pati na rin ang pag-init ng pisngi niya. He even saw his thumb tremble.

It really was Harley, and for the first time in twenty years, he finally knew her last name. Grade one lang naman kasi siya noong nakilala niya ito, bata pa... at Harley lang ang nalaman niyang pangalan. After that school year, he never saw her again. Transferred? Maybe.

"So it's Harley Ann Senangelo," bulong niya sa sarili habang nakatitig sa profile nito. No face, but a mirror shot with a nightie. Nakita naman niya ang mukha nito sa ibang picture na nasa profile, maging sa videos na naka-post. 

The top was very seductive, but he was focused on her name. And sa twenty years, parang ngayon lang ulit bumalik sa isip niya si Harley. Ngayon lang ulit.

Bumalik siya sa group chat para basahin ang pinag-uusapan dahil notif nang notif. Nagkukuwentuhan at nagpapakilala na ang lahat. Mukhang kumportable na, pero wala pa ring chat si Harley.


Everyone was talking about something until another notification with Harley's name. He chuckled upon her response and decided to join. Gusto niyang tingnan kung naaalala pa ba siya ni Harley. Maybe not, but maybe.


Sumandal siya sa pader habang nakangiting naghihintay ng reply. A colleague even passed by.

"Grabe naman 'yong smile, Capt!" bati ng isang miyembro ng cabin crew. "Kaya naman pala kahit nagbigay ng numbers ang passenger nating artista last week, hindi pinansin. May nagpapangiti!"

Brett shook his head, but smiled. Nagpaalam na rin ito sa kaniya, ganoon din siya.

He then waited for a response and he widely smiled when Harley replied. Gusto niyang sabayan ang replies nito, kahit na parang ang sungit.

Masungit pa rin.


Harley
luh gaya gaya

Brett
Ansunget?

Frankie
hahahaahahaha

Lee
Haha chill!

Sam
Hahaha!

Brett
Hahaha
Ang init ng ulo
Akala ko ganon magpakilala.
Sorry na


Reid
bat parang bagay kayo

Brett
👹👹👹👹

Harley


"Ouch." Brett scoffed but also smiled. "But it's nice to see you again, Harley."


-
T H E X W H Y S
www.thexwhys.com


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys