Chapter 1

Tanghali na nagising si Brett at naisipang bisitahin si Reid. Saktong wala naman daw itong ginagawa at okay lang naman daw kay Frankie kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa. Besides, he also wanted to get close to Frankien. Hindi puwedeng hindi. Dapat na ma-consider siyang friend ni Frankie para mahawakan niya ang baby kapag lumabas na.

He wanted Frankien to trust him, of course. Enough for Reid and Frankien to leave the baby with him in the future. Iyon ang goal. He wanted to be the best Tito.

Dumaan muna siya ng cake sa malapit na pastry shop bago dumeretso sa condo ni Reid na kaagad naman siyang sinalubong. Mahigpit na yakap dahil halos tatlong linggo rin silang hindi nagkita. It was almost three in the afternoon and Frankie was asleep.

Sa balcony, saglit silang binalot ng katahimikan. Medyo mainit at halos wala naman silang makita kung hindi mga building lang din dahil nasa pinakamataas na parte sila ng condo unit. Natawa siya nang ma-realize na nagpapahinga na nga lang siya, nasa itaas pa rin ang position niya parang trabaho niya.

"How are you the past few weeks?" Brett broke the silence. "Hindi ka naman ba nahihirapan mag-adjust sa lahat ng chances mo lately? How's your new team? Mas okay naman ba?"

"Big adjustment, but I'm more comfortable. Ang mahalaga sa team ko ngayon, safety ni Frankien. I made it clear to them also," Reid said lowly. "Laurent & Herrera's agency is handling me. They were focused on Frankien's privacy. Actually, the thing is... mas priority iyon ngayon kaysa sa 'kin and I liked it."

Brett stared at Reid, who was talking about keeping Frankien hidden, and noticed his bestfriend's happiness. Masaya naman ito sa trabaho noon pa, pero iba sa pagkakataong ito. They all saw his heartbreak from Frankien, too. Kung tutuusin, hindi nga nila inasahang magkakabalikan pa. Alam naman nila na magiging mahirap ang situwasyon at nakahanda rin naman si Reid noon na wala na ring Frankien na babalik pa.

He remembered how Reid asked him to book a plane ticket and canceled, too.

Sa tuwing naalala niya kung gaano nasaktan si Reid sa mga nangyari, akala talaga niya wala nang pag-asang magkabalikan pa ang dalawa. And knowing that Frankien also chose Reid's career over their relationship—hindi niya alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa ginawa nito, pero naiintindihan din niya.

That same minute, he remembered the group chat.

"By the way, may bigla akong naalala," aniya kay Reid na naputol ang sasabihin tungkol sa bagong project dahil sa sinabi niya. "Ano palang meron bakit kayo gumawa ng group chat? Are you guys planning to get married soon?"

Mabagal na umiling si Reid. "We haven't talked about getting married sooner. Naisip lang din naming gawin ni Frankie 'yong account since you guys are our friends. We're planning a small dinner soon for us to meet. Bakit? Ayaw mo ba?"

"No! Of course I'm okay with it. Natuwa nga ako kasi at least aside from us, meron pa kayong ibang mapagkakatiwalaan ni Frankien. I just..." Nagsalubong ang kilay ni Brett. "I just..."

"Si Harley ba?" May pag-aalala sa boses ni Reid. "Mabait 'yon si Harley, medyo palabiro lang. Huwag mo na lang din siyang pansinin kung hindi ka kumportable sa kaniya. But I assure you na she's fun. Wala lang din talaga sa hulog minsan. Frankien's words."

Yumuko si Brett at mahinang natawa dahil naalala niya ang simpleng interaction nila sa group chat, pero mas naalala niya kung paano ito makipag-away noong gradeschool sila. Kung paano nito sinipa ang legs ng kaklase niya at kung paano tinapunan ng juice ang isa pa.

"I stalked her," pag-aamin niya kay Reid. Nagsalubong ang kilay nito at naningkit ang mga mata. "I know her. The heck nagulat ako noong nakita ko 'yong profile niya and the face was so familiar."

"How?" Sumandal si Reid sa sofa habang patagilid na nakatingin sa kaniya. "Like Harley? Talaga? Kilala mo siya?"

Brett bit his lower lip and subtly smiled. "Remember the girl I was talking to you guys about? Noong grade one ako? The one who fought my bullies? Iyong pinagtanggol ako sa mga kaklase kong inaasar ako kasi I was too fat? It was her."

Literal na napanganga si Reid sa sinabi niya. Nanlaki pa ang mga mata nito bago napalitan ng malapad na pagngiti, pag-iling, at mahinang pagtawa.

"Wow. Small world," Reid chuckled. "And I think I believe you. Base sa personality ni Harley na nakilala ko recently, I believe you. Parang... wait. Parang once mo lang naikuwento ang tungkol sa kaniya and we were still in college, right? Wow."

He nodded because it was true. If it weren't for the group chat, he wouldn't even remember Harley anymore. Matagal na rin naman na kasi niyang ibinaon ang childhood niya sa limot dahil na rin sa pambu-bully na natanggap niya noong bata pa siya. Because yes, he was fat. Literal na malaki ang tiyan niya, mayroong double chin, at halos hirap siya physically dahil palagi siyang hinihingal.

It was one of the darkest days of his life. He had to deal with those people for years, and he couldn't even tell his parents about his struggles. His mom loved the school so much because of exclusivity but also failed to see the negative side. Galing naman siya noon sa maayos na pamilya, pero dahil sa pagiging mataba niya, pinagtatawanan siya.

And he endured everything. During high school, that was the time he started losing weight. Finally. Mahirap, pero kinaya at ginawa niya. He wanted to be the best version of himself.

"Tingin mo, naalala ka ba niya?" tanong ni Reid.

Umiling siya dahil iyon naman ang totoo. "I really don't think so. I was so different twenty years ago. At saka 'di ba? The following school year, wala na siya, eh. Hindi ko na siya nakita."

Lumapad ang ngiti ni Reid at mukhang alam na niya ang sasabihin niya. "Grabe. I don't know if I should be happy that this world is too small for us or not. I know you had a crush on her, pero... she's currently with someone."

Brett didn't say a word but stared at Reid, who looked down with a smile. Wala naman siyang naramdamang kakaiba. Besides, she was just six when he had a crush on her. Normal naman iyon noon lalo na at pinagtanggol siya. That was it and he wasn't thinking about anything after seeing her again.

It was just nice seeing her again.

Their conversation was cut short when Frankien said hi. Ipinakita nito ang platito na mayroong cake at nagpasalamat pa sa kaniya. Saglit namang nagpaalam si Reid para kumuha ng inumin ni Frankien. Bago pa nga umalis, hinalikan pa ang pisngi at tuktok ng ulo.

"Kumusta ka, Brett?" Nahihiyang ngumiti si Frankien. "Sorry, hindi na 'ko nagpaalam na kumuha ako ng cake. Nakita ko kasi sa lamesa and nagugutom na rin talaga ako."

"Para naman talaga sa 'yo 'yan," natatawang sabi niya. Bumaba rin ang tingin niya sa tiyan nito. "Ang laki na ng magiging pamangkin ko, ha? Hindi ka naman ba nahihirapan? Medyo malapit ka na rin yatang manganak, eh."

Tumango si Frankien at hinaplos ang tiyan. Napansin niyang nakangiti ito ngunit halata rin ang lungkot sa mga mata.

"Medyo malapit na. We're planning to have a baby shower! Sana wala kang flight that time para makasama ka namin," ngumiti si Frankien. "Para kahit doon man lang, makumpleto rin kayo ng friends namin ni Reid."

To lighten up the mood, Brett joked. "Aba siyempre! Imposibleng wala ako. Sabihan n'yo ko sa date para kung sakali man, makapag-leave ako. Mas importante kayo ni Reid kesa sa trabaho ko."

Malakas na natawa si Frankien sa sinabi niya. Lumabas si Reid at sumandal sa hamba ng pinto habang pinanonood ng kasintahang humalakhak na halos maiyak pa nga.

"Sabihan mo 'ko in advanced kung kelan 'yong baby shower," sabi niya kay Reid. "Para makapag-adjust ako ng flight. Hindi puwedeng wala ako kaya please, one week in advanced?" pakiusap niya kay Reid.

Naupo si Reid sa tabi ni Frankie kaya nakakuha sila ng pagkakataon para magkuwentuhan. One thing he noticed about his bestfriend's girlfriend, jolly ang personality nito. Hindi nauubusan ng kuwento at mayroong sense of humor na pati sila ni Reid, humahalakhak.

Tumagal ang kwentuhan nila hanggang sa mag-dinner kaya nagpa-deliver na lang sila ng pagkain at iyon ang pinagsaluhan. Nagsabi rin sina Mile at Sam na dadaan sa condo ni Reid pagkatapos ng mga trabaho kaya kahit papaano, magkakaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga kaibigan.

Habang naghihintay sa balcony, sumunod si Reid. Pumasok na rin daw si Frankien sa kwarto para magpahinga.

"Saan ba ang flight mo nitong mga nakaraan? In two weeks ang plano namin para sa baby shower. Hindi ka talaga puwedeng mawala. Kung hindi magtatampo talaga ako," pagbibiro ni Reid.

"Mas magulat ka kung wala ako sa milestone na 'to, sira. Sa lahat ng milestones and birthdays magkakasama tayo. Hindi puwedeng dito, wala ako. Sa US ako ngayon kaya need ko sana 'yong exact date," aniya. "Marami bang invited?"

Umiling si Reid at sumandal sa railing ng balcony. "Mas magulat ka kung marami akong ma-invite. Si Ate Reggie nga lang sa family ko and kayong tatlo. Frankien will also invite just her three friends. Pero nabanggit niya na parang kasama sa invite ang asawa ng friends niya and Harley's boyfriend."

Tumango si Brett. "That's nice. Intimate lang talaga."

Saktong dumating na sina Mile and Sam. May dalang beer ang dalawa, pero sila lang ang uminom. Reid didn't want to lalo na at ayaw ni Frankien ng amoy ng alak. Kaagad na nagsimula ang bonding sa kamustahan.

Mile's photography and videography business was a hit. Halos malalaking company at mayroong ilang artista na rin ang kumukuha para sa events. Malaki rin kasi ang naging influence ni Reid lalo na at si Mile lang din ang hina-hire nito sa mga private shoots or endorsements.

Focused naman si Sam sa mga café at italian restaurant na kabubukas lang. Pabalik-balik din ito sa ibang bansa para pag-aralan mismo ang mga pagkaing sine-serve. He even had to go to France just to train for pastries. Malapit na rin ang opening ng isang café kung saan kasosyo rin nito si Reid at nakapuwesto sa tabi ng isang malaking university.

About relationship, Mile was married for years. Reid was with Frankien and Sam had been single for years like him.

Naisip ni Brett na kung hindi siya nagkakamali, apat na taon na rin siyang single. Blythe was his college girlfriend and they dated for four years before breaking up. Two years after graduation, they decided to call it off. Hindi kasi aligned ang plans nilang dalawa. Both wanted to purse their own passions and it was they weren't on the same page. Bigla niyang naaalala ang post na nakita.

"Nakita ko pala 'yong post ni Blythe last week. She's engaged," Brett shook his head. "Gago, parang bigla akong na-pressure. Kahit girlfriend o talking stage, wala ako, eh. Tapos 'yong ex ko, ikakasal na."

Sam frowned with a smile. "Are you even looking for someone? Sabi mo nga, kahit talking stage, wala. Hindi ka na ba ulit nakipag-date?"

"No. Bigla kong naalala 'yong sinabi ng co-pilot ko. He's in a relationship and we were talking about it last time," natawa siya nang maalala. "Hindi niya alam kung paano ang gagawin. It was tiring for him. Natawa ako sa sinabi niya, eh. Imagine galing kasa 15 to 20 hour flight 'tapos pag-uwi mo, manunuyo ka pa. I think I'm not mentally ready for that."

Pare-pareho silang natawa, pero iyon ang totoo. It was one of the reasons why he couldn't enter a relationship while also achieving his goals.

"Achieve your goals muna," sabi ni Mile. "Kapag ready ka nang sumakit ang ulo after each flight then go for it. Wala rin namang masama sa talking stage if you're up to it."

Sam agreed. Even Reid nodded. Naisip din niya na kung tutuusin, wala rin namang problema sa kaniyang subukan, pero sa tindi ng schedule niya ngayon, alam niyang hindi niya mapagtutuunan ng pansin.

He tried talking to girls, pero hindi nag-work. He couldn't be there all the time. Kaya mamimili siya. Hindi puwedeng sabay sa ngayon... and he needed someone who would understand his job, too.

Ang importante, hindi siya nagmamadali. He was just twenty-six, turning twenty seven.



T H E X W H Y S

www.thexwhys.com

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #thexwhys