TWENTY-THREE
Pag-uwi sa bahay ay tila nakalutang pa rin ako sa alapaap. Totoo na ito. May boyfriend na ako. Diyos ko po. Hindi na ako NBSB. At ang pinaka-masayang bahagi ay ang unang naging kasintahan ko ay ang lalaking hinahangaan ko ng matagal nang panahon.
Pakiramdam ko ay nakangiti ako nang makatulog at tila ba nanaginip pa ako ng kasalan. Sus maryosep! Hindi ko lang sigurado kung ako ba iyong ikinakasal sa panaginip ko, basta lahat ay kulay pink mula suot ng mga babaeng nasa simbahan, mga disenyong bulaklak, at iba pang detalye. Hindi ko nga lang nakita ang sarili ko.
Nagising lang ako sa tunog ng nagri-ring kong cellphone. Dinampot ko iyon at nang tingnan ay si Maui. Video call!
Hala. Teka. Wala pa akong kaayos-ayos. Bumalikwas ako ng bangon. Mamaya ko na lang kaya sagutin? Maghihilamos lang ako, magsusuklay, magpupulbo...
Natapos ang pagri-ring. Natatarantang tumakbo ako sa CR at naghilamos ng mukha. Narinig kong muli ang pagri-ring ng cellphone. Mabilis kong pinunasan ang mukha ko ng tuwalyang naka-hanger sa likod ng pinto ng CR.
Patakbo akong lumabas ng CR, kaso nadulas ako sa rug na nasa paanan ng kama. Buti na lang, naitukod ko agad ang braso ko sa gilid ng kama kaya hindi masakit ang bagsak ko.
"Sweetheart..."
Boses iyon ni Maui. Hala! Napatingin ako sa nilapagan ng kamay ko, iyong cellphone ko pala na nakapatong doon. Aksidenteng nasagot ko ang video call niya.
Disaster!
Wala na akong choice kundi magpakita. Dinampot ko ang cellphone habang nakaupo pa rin ako sa sahig.
"Good morning," nakangiting pagbati niya nang makita ang mukha ko sa screen. Nakahiga pa siya at kita pa sa background ang mga unan na puti ang punda. Natulala ako sa kaguwapuhang nakatambad sa akin, na ni hindi nabawasan kahit halatang bagong gising.
Boyfriend ko na talaga itong lalaking ito?
"Sweetie." Nakangiti pa rin siya. "Are you okay?"
"Nahulog ako," wala sa loob na sumbong ko.
"Saan?"
"Sa 'yo."
Tumawa siya. "You got me there."
Natawa na lang din tuloy ako nang ma-realize ang sinabi ko. Lutang pa talaga ako, sa totoo lang. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko tapos ang guwapo pa nitong nasa screen ng cellphone ko.
Nakita kong bumago siya ng puwesto at dumapa sa kama. Wala pala siyang damit pang-itaas. Kanina kasi ay natatakpan ng kumot kaya hindi ko agad napansin.
"Bakit para kang natutulala?" malambing niyang tanong. "Is there something bothering you? O baka nagising kita?"
Umiling ako. "'Di lang ako makapaniwala."
"Na?"
"Na...tayo na. Couple na tayo," pag-amin ko. "Ang totoo kasi, ito, sasabihin ko na, ha. Hindi naman na siguro nakakahiya kasi tayo na."
"Okay, what is it?" Tumaas ang dalawang kilay niya sa pag-aabang sa sasabihin ko.
"M-matagal na talaga 'kong may crush sa 'yo." Akala ko ay hindi na nakahihiyang banggitin iyon, pero matapos kong magsalita ay napayuko ako.
"Why didn't you tell me?" Nag-angat akong muli ng tingin nang magsalita siya.
Mabilis akong napa-iling. "Nakakahiya. Hindi ko talaga magagawa 'yon. Tapos, suplado ka pa noon."
"What?" Tawang-tawa siya. "But really, do you see me that way before?"
"Hindi lang ako. Lahat yata ng tao sa LDC. Pero lagi kong sinasabi sa kanila na naniniwala akong mabait ka talaga deep inside, kahit ang totoo ay parang bias lang talaga 'ko sa 'yo kasi, 'yon nga..." Mabilis kong pinutol din ang sinasabi ko dahil naroon pa rin ang hiya na aminin nang paulit-ulit ang pagkakaroon ko ng gusto sa kanya noon pa. "Hindi ka ba aware sa...sa perception nila sa 'yo?"
"Maybe I know, but I didn't care at all." Sumeryoso siya. "You know, I just feel like existing for no reason, but not until you came."
Napangiti ako. Tila kasi hinaplos ang puso ko nang sabihin niya ang huling pangungusap. Alam ko naman na kung anong pinagdaanan niya sa nauna niyang relasyon, at natutuwa akong malaman na isa ako sa mga dahilan kung bakit nagawa niyang maging masaya muli.
"I've told you before, your smile will always light my way," pagpapatuloy niya. "You are a sunshine in the dark, Sweetheart. I'm happy to know that you have always believed in me from afar, when no one did."
Sasagot pa lang sana ako pero may sasabihin pa pala siya, "I love you."
Napatitig ako sa mukha niya sa screen at nanlaki ang mga mata ko.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. "Why are you surprised? Of course, I do love you, Florence."
"P-parang hindi ako makahinga. Teka lang." Ito na yata ang pinaka-nakakakilig na sandali sa buhay ko. I love you daw! Diyos ko po, Lord! Hindi ko talaga inakala na ang unang "I love you" na maririnig kong mula sa isang kasintahan ay kay Maui magmumula. Salamat talaga, Lord. Salamat din, universe!
Natatawa siya sa reaksiyon ko. "You want a kiss so I could share you the air I breathe?"
Umawang ang mga labi ko at naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig. Ano ba naman ang mga sinasabi ng lalaking ito? Kaaga-agang magpakilig!
"You're so adorable. Really." Nakatitig siya sa akin. "If you have any plans today, I have one favor."
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Cancel all of 'em and meet me, Sweetie." May paki-usap sa mga mata niya. "Please."
Ngumiti ako bilang pagpayag sa gusto niya. "Sige, magkita tayo."
***
You missed a call from Frank Ledesma.
Tumingin ako sa notification na sumulpot sa screen ng cellphone ko. Nakabihis na ako at naka-ayos, hinihintay ko na lang si Maui na dumating para sa usapang magkikita kami ngayong tanghali, na ayon sa kanya ay lunch date daw.
Pinindot ko iyong notification at nakita ko na may iba pa palang mga tawag si Sir Frank sa Messenger ko. Nang tignan ko ang mga oras ay kasabay din ng video call namin ni Maui. Itong huling tawag niya ay nakalagpas sa akin dahil abala ako sa paghahanda para sa pagkikita namin ng boyfriend ko.
Boyfriend! OMG, totoo na talaga ito.
Ganoon pa man ay nag-message pa rin ako kay Sir Frank. Hindi naman kasi niya ginagawa ito na tumatawag nang maka-ilang ulit kapag hindi ko nasasagot ang tawag niya. Napa-isip tuloy ako na baka may urgent na kailangang gawin na may kinalaman sa trabaho.
Sir, good AM. Sorry po at na-miss ko itong mga calls niyo. Bakit po?
Hindi nagtagal ay nag-reply siya. Can I call now?
Mukhang importante. Sumagot ako ng, Sige po Sir.
Nag-ring ang Messenger ko. Tumatawag na nga si Sir Frank, sinagot ko iyon. "Hello, Sir. Sorry, may kasabay lang din po kasi na call no'ng tumatawag po kayo kanina. Bakit po?"
"Mom is gone, Florence."
Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Narinig ko ang mahinang pagsinghot niya sa kabilang linya at alam ko na sa mga sandaling iyon na umiiyak siya. Ilang saglit na tahimik lang kami parehas. Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Binalot ako ng kalungkutan dahil hindi ko man siya personal na nakita ay inabutan pa namin siyang buhay ni Sir Frank noong madaling-araw na umuwi kami mula sa Siargao. Ilang araw pa lang ang nakararaan mula noon. Napakabilis.
"Sir, nasaan po kayo?" iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Nais ko siyang puntahan at damayan sa pinagdadaanan niya ngayon.
"I'm on my way home with her remains." Bakas ang matinding lungkot sa tinig niya. "Ang hirap, Florence. I was not there by her side in her last moments, in her last breath. And now, I still can't believe that this is her ashes inside the urn I'm carrying."
"Sir..."
Naudlot ang sasabihin ko nang may kumatok sa pinto. Si Maui na siguro ito. Nawala nang saglit sa isip ko ang lakad namin ngayong tanghali dahil sa malungkot na balitang hatid ni Sir Frank.
"Florence?" untag ni Sir Frank sa akin. May sinasabi kasi siya pero hindi ko na naintindihan dahil napatingin ako sa pintuan.
"Sir, sorry, may kumakatok lang po. Sandali lang po. 'Wag niyo po ibaba," sabi ko
"I'll just call again, Florence. Thank you."
Sasagot pa sana ako ngunit tinapos na niya ang tawag. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Hindi ako nagkamali, si Maui na nga ang dumating.
"Ready, Sweetheart?" bungad niya pagkakita sa akin. "Is Tita there?"
Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan upang patuluyin siya. "Si Mama? Naliligo lang."
"Does she already know about us?" Naupo siya sa sofa at ako naman ay tumabi sa kanya.
"Oo. Sinabi ko kaninang umaga. Sinabi ko rin na dadaan ka dito ngayon," tugon ko.
"Is she mad?" Muli siyang nagtanong.
"Mad? Hindi." Umiling ako. Medyo nagtaka pa ako kung bakit naitanong niya iyon.
"Then why do you seem bothered?" May pag-aalala sa kanyang mukha. Nahalata pala niya na balisa ako.
"Maui, kasi...'di ba nabanggit ko sa 'yo no'ng pauwi na tayo kagabi na nasa ospital 'yong mommy ni Sir Frank?" Napahawak pa ako sa bisig niya at siya naman ay napatingin sa kamay kong naroon. "W-wala na siya."
"You mean...?" Ang ekspresyon ng mukha ay nabahiran ng pagka-bigla.
Tumango ako ng sunod-sunod. "Katatawag lang ngayon ni Sir Frank sa 'kin, bago ka dumating."
"Where is he now? Gusto mo ba siyang puntahan?" Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong pa rin sa braso niya.
"Oo sana."
***
Sa bahay ni Sir Frank sa Tagaytay kami nakarating ni Maui. Hindi ko alam ang tungkol sa lugar na ito, salamat na lang at nakarating na rin pala si Maui rito ng ilang beses. Nakutuban ko lang na dito dadalhin ni Sir ang mga labiˊ ng kanyang ina at hindi doon sa penthouse niya dahil ito naman ang talagang tahanan nila. Hindi na rin kasi ma-contact si Sir Frank sa kanyang Messenger at sa mismong numero niya.
Hindi naman kami nagkamali dahil naroon nga si Sir. Malugod naman niya kaming tinanggap, bagamat kahit napangiti siya nang makita kaming dalawa ni Maui, bakas sa kanyang mukha ang bigat na dinadala.
Kahit naparito kami para makiramay, hindi ko maiwasang mamangha sa gara ng bahay nina Sir Frank. Sobrang laki nito para sa kanilang dalawa ng mom niya, at mas lalo ngayon na mag-isa na lamang siya. Nakalulungkot isipin. Pagpasok sa dual front door na palagay ko ay gawa sa narra o molave, bubungad ang grand staircase na nasa kaliwa at kanang bahagi, at nagtatagpo ang mga ito sa ikalawang palapag ng bahay. Ang handrail ng hagdan ay kakulay ng pinto habang ginto naman ang mga balustre. Ang mga baitang naman ay kulay-krema at ganoon din ang mga pader.
Tumuloy kami sa salas na nasa unang palapag din ng bahay. Ang mga kulay ay naglalaro rin sa krema, ginto, at kape. May isang bahagi na gawa sa salamin mula sa sahig hanggang sa kisame, at doon ay matatanaw ang Bulkang Taal at ang lawang nakapaligid dito.
"Condolence, Sir," malungkot na sambit ko.
"Salamat. Salamat sa pagpunta niyong dalawa." Matipid na ngumiti si Sir Frank.
"Why didn't you inform the family? Us?" tanong ni Maui sa kanya. "You don't have to go through this alone. Kung hindi pa dahil kay Florence, hindi ko malalaman."
"It's okay, Mau. You don't have to worry." Tinapik pa ni Sir Frank ang balikat ni Maui.
"S-sino pong tumulong sa inyo Sir sa lahat ng arrangements?" Nakaramdam ako ng guilt. Pakiramdam ko, kaya niya ako tinatawagan kaninang umaga ay para hingin ang tulong ko.
"Sina Ivan na rin," tugon niya na ang tinutukoy ay ang mga private nurses ng kanyang mommy.
"Excuse, guys, I just need to use the restroom," nagpasintabi si Maui.
"You know the way, right?" si Sir Frank.
"Yeah, thanks." Sumulyap din si Maui sa akin bilang pagpapaalam. Bahagya ko siyang tinanguan.
Nang wala na si Maui sa aming paningin ay nagsalita ako, "Sorry, Sir."
"Saan?" pagtataka niya.
"Sabi ko kasi sa inyo noong bago po tayo maghiwalay do'n sa ospital, na sabihan niyo lang ako kung may kailangan kayo," paliwanag ko. "Pero ni hindi ko man lang nasagot 'yong mga tawag niyo kaninang umaga. Hindi ko po tuloy kayo natulungan sa mga kailangang asikasuhin."
"It's okay," mapang-unawang turan niya. "Hindi naman dahil doon kaya tumatawag ako. I just...I just wanted someone to talk to. Ikaw lang talaga 'yong naisip ko. But, hey, you don't have to feel bad about it, okay?"
Tumango ako.
"Thanks for dropping by, though I wonder why how did you know na nandito ako." Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya.
"Naisip ko lang po na hindi niyo naman po dadalhin ang...si mommy niyo po sa penthouse. Kasi dito po siya sa bahay na 'to nag-i-stay." Mabilis kong sinulyapan ang buong bahay bago ko siya muling tiningnan. "Dito po talaga 'yong tahanan niya."
Alam kong may sasabihin pa sana siya ngunit hindi niya itinuloy noong nakabalik na si Maui. Naupo ang huli sa aking tabi, habang nasa katapat na sofa naman si Sir Frank.
Saglit pa kaming nanatili ni Maui sa bahay ni Sir, pinag-uusapan ang pumanaw, na kung tawagin ni Maui ay "Tita Connie". Sa pamamagitan ng kanilang mga kuwento ay nakilala ko siya kahit ngayong siya'y lumisan na.
Bago kami umalis ni Maui ay nagbigay kami ng huling respeto sa yumao, at nag-alay ng maigsing panalangin sa tapat mismo ng urn na pinaglalagakan ng kanyang mga abo. Naka-enclose iyon sa isang parisukat na gawa sa salamin. May espesyal na lugar sa bahay na sadyang inilaan para dito. Napapaligiran iyon ng mga puting rosas.
"If you need anything, just tell us," bilin pa ni Maui noong naglalakad na kami patungo sa kung saan nakaparada ang kotse niya, na siyang gamit namin upang magtungo rito sa bahay ni Sir Frank.
Tumango si Sir Frank. "Salamat."
Nagyakap ang dalawa bago ako ipinagbukas ni Maui ng pinto ng kotse. Bago ako tumuloy sa loob ay sinulyapan ko si Sir Frank. May tanong sa kanyang mga mata. Bagamat hindi siya nagsasalita, ay naunawaan ko iyon.
Tumango ako upang kumpirmahin ang iniisip niya, ang sagot sa tanong niya.
May lungkot na lumambong sa kanyang mukha. Tila tumawid sa puso ko ang kalungkutang iyon. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya sa akin, hanggang sa pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
***
Batid ko na unti-unti nang nababalita sa kumpanya na may relasyon na kami ni Maui. Madalas na kaming nakikita ng mga tao na magkasama. Kung hindi man kasi isinasabay sa pagpasok ay idinadaan naman niya ako sa bahay namin pag-uwi. Ayoko sanang ganoon dahil naaabala pa siya, pero hindi ko rin naman siya mapigilan.
Panay rin ang padala niya ng mga kung anu-anong pagkain sa opisina, hindi lang para sa akin kundi pati sa buong OVPEA. Minsan nga, nahihiya na rin ako kasi baka isipin nila na over display of affection na. Pero sadyang hindi paaawat itong kasintahan ko.
Isang umaga, inagahan ko ang pagpasok dahil ito na ang araw ng pagbalik ni Sir Frank sa trabaho, matapos ng kanyang leave of absence gawa ng pagpanaw ng kanyang ina.
Pagdating ko sa opisina, nagtaka ako dahil hindi ko nakita si Ms. Celine na kahit anong aga ko ay nauuna lagi sa akin. Sa halip ay isang lalaki ang nakaupo sa mismong swivel chair ko.
Kumunot ang noo ko. Si Sir Frank ba ito? Ash grey na ulit ang buhok?
Naglakad ako palapit sa upuan ko. Pero hindi pa man ako nakalalapit nang lubusan ay pabiglang inikot niya ang silya paharap sa akin. Seryoso, napa-atras ako sa gulat. Tawa naman ng tawa ang lalaki - si Sir Frank nga.
"G-good morning, Sir, at welcome back po." Alanganing napangiti ako. "P-pero bakit po kayo nariyan?"
"Wala. Nag-uusyoso lang. Sobrang OC mo pala. Grabe lang pagkaka-salansan ng mga folders at files mo." Napapailing siya pero bakas sa mukha na namamangha.
"Mas masarap po mag-trabaho kapag maaliwalas ang paligid," wika ko.
"Akala ko mas masarap magtrabaho 'pag ako ang boss." Kumindat siya.
"Ikaw na nga po talaga 'yan, Sir. Nagbalik ka na nga talaga." Umangat ang isang sulok ng labi ko.
Humalakhak siya. Doon biglang sumagi sa isip ko na parang nakaka-miss din siya. Dalawang linggo rin na walang ganitong makulit sa paligid ko at tila ba napaka-tahimik ng opisina.
"By the way, you need to come with me later in the evening." Seryoso na siya sa pagkakataong iyon. "There's this friend who has a proposal to show me. I need you there. File it as your overtime."
Napa-isip ako kung bakit sa gabi pa. Ganoon pa man ay tumango ako. "Sige po."
Hindi pa rin siya tumatayo mula sa upuan ko kaya't ako ang nakatayo sa harap niya. Naka-de-kuwatro pa talaga siya. Balak ko na sana siyang pasimpleng biruin na baka puwede na akong umupo kaso nagsalita siya, "It's nice to see you again."
"Same here po," sagot ko.
"I hope nothing will change between us especially our working relationship." Tumitig siya sa akin. "We have good dynamics and I know that you're aware of it."
"Yes, Sir." Tumango ako.
"I'm a good sport, Florence. While it's sad that it's not me you did end up with, I'm assuring you that I won't take it personally against you," seryosong saad niya. "I'm not that kind of person."
"Alam ko po. Kaya nagpapasalamat po ako." Nginitian ko siya.
"I expected that, anyway." Sa mahinang tinig ay dinugtungan niya iyong sinabi niya kanina. Pero narinig ko pa rin iyon.
Tumayo na siya mula sa swivel chair. "Just like what I told you before, Maui is a good man. I know he would take care of you, maybe better than I could."
Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko. "So, go and be happy."
Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay bumitaw siya sa akin. Matapos ay tumalikod na siya at walang lingon-likod na naglakad patungo sa opisina niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero sa halip na maging happy nga ay may hatid na kurot sa puso ang mga huling pangungusap na binitiwan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top