TWENTY-SIX
"We're going to have a media launch by next month of our upcoming projects, Florence. Please make a comprehensive report about Project Sapphire." Walang ngiti sa mukha at seryoso ang aking boss na Ms. Vicky. Ganito talaga siya, at sa mahigit isang taon kong pagta-trabaho sa ilalim ng superbisyon niya ay mukhang nasanay na rin ako.
Sa isang realty corporation pa rin ang naging trabaho ko, sa Bermudez Builders. Mga nasa limang taon pa lamang sila sa industriya kaya sunod-sunod ang mga proyektong naka-line up upang mas ma-build up nila ang kanilang pangalan sa larangan ng real estate development.
Ang Project Sapphire ay ang proyektong naka-atang sa mga balikat ko bilang Project Manager. Isa itong low-cost condominium building na may dalawang tower, at sa inisyal na plano ay aabutin ito ng hanggang 30th floor. Partnership ito ng kumpanya sa isang Local Government Unit na ang proyekto ay murang condo units para sa mga working class na mamamayan nito. May dalawa pang buildings na gagawin sa ilalim pa rin ng Project Sapphire.
Matapos ang pag-uusap namin ni Ms. Vicky ay lumabas na ako ng opisina niya. Naisipan kong mag-kape muna sa café sa ground floor. Habang hinihintay ang order na mocha frappe at blueberry cheesecake ay nag-check ako ng Messenger. May chat sa akin si Eya na dati kong kasamahan sa Accounting Department.
Mamsh! Kumusta? Miss ka na namin lalo. Dati nakakababa ka pa dito sa min ngayon wala na talaga. Final fitting na ng mga dress natin sa sabado para sa kasal ni Gino at Kath next month.
Nag-type ako ng reply, Miss ko na din kayo. Sobra. Iba ang environment dito sa Bermudez. Parang ang bilis lagi ng pace ng mga tao. Tipong walang time kahit man lang mag-chikahan over coffee sa pantry. Sabi ko nga sa yo dati, nung una baka nasa adjustment period pa lang ako, pero hindi pala. Ganito pala talaga culture dito.
Hindi ko naiwasang maghinga ng saloobin kay Eya. Kapag sinabi ko ito kay Maui, sasabihin noon na bumalik na lang ako sa LDC o sa kahit anong kumpanya na pagma-may-ari ng kanilang angkan. Ayoko na ng ganoon dahil magkakaroon pa kami ng pagkakataon ni Sir Frank na magkasama sa mga company events.
Palagay ko ay epektibo naman ang ginawa kong paglayo dahil hindi na sumasagi sa isip ko si Sir Frank, at tila nawala na rin ang kung anumang nararamdaman ko sa kanya. Kay Maui ko na iniuukol ang lahat ng pagmamahal at panahon na kaya kong ibigay.
Sumagot si Eya, Sabi nga ng mga bossing natin LDC is the place to be haha. Sabay ka naman sa min sa fitting hehe.
Oo ba. Anong oras ba kayo pupunta don sa couturier? Ganon time na rin ako pupunta para magkita-kita naman tayo, mensahe ko.
Pagtanaw ko sa labas ng coffee shop, natanaw kong naglalakad si Kimverly, mukhang galing siya sa loob ng building kung nasaan ang opisina namin. Tinitigan ko pang mabuti. Siya nga! Patungo na siya sa glass door, papalabas na.
Tinawagan ko siya via Messenger, pero tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad. Baka naka-silent ang phone at nasa loob ng dalang bag. Hinihintay ko siyang mapalingon sa gawi ng kinauupuan ko pero hindi na nangyari iyon hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng building.
Hindi bale, ime-message ko na lang siya at baka magkita rin kami sa gown-fitting sa Sabado, imbitado rin kasi siya sa kasal ni Kathryn at Gino.
Matapos mag-kape ay bumalik na rin ako sa opisina namin. Marami pang trabaho ang naghihintay sa akin.
***
"Florence!"
Masayang sinalubong ako nina Eya, Cheska at Alina na mga kasamahan ko sa Accounting Department noon. Nagyakapan kaming tatlo pagkakita sa isa't isa. Sobrang na-miss ko na itong mga kasama ko sa una kong departamento sa LDC.
"Hi, Sir!" bati ni Eya kay Maui na nakatayo sa likuran ko.
"Kami muna ha-hug kay Florence, Sir. Lagi na lang po kayo, eh," biro naman ni Eya. Narinig ko ang pagtawa ni Maui.
Imbitado rin si Maui sa kasalan, bilang isa sa principal sponsors, kaya hindi kami partner sa pag-rampa sa isle dahil bridesmaid naman ako.
"Good afternoon, this way po tayo." Isang staff ang lumapit sa amin at iginiya kami sa kung saang direksyon kami dapat pumunta para sa fitting.
"Saglit lang, ha. Dito muna kami," paalam ko kay Maui. Unang fitting pa lang kasi last month ay okay naman na ang suit niya kaya hindi na kailangang mag-fit ulit. Palagay ko ay mas komplikado at detalyado talaga ang kasuotan ng mga babae.
"Sure." Ngumiti siya. "I'll just be waiting in Mark's office."
Ang tinutukoy niyang Mark ay si Mark Tallano na siyang Head Couturier at CEO ng House of Tallano, ang official atelier ng Gino-Kathryn wedding. Kilala siya ni Maui, at katunayan, lingid sa kaalaman ng lahat, sinagot ni Maui ang kabayaran para sa serbisyo ni Mark bilang regalo sa kasal ng dalawa.
"Going strong kayo ni Sir, ah," may panunudyo sa tinig ni Eya habang naglalakad kami kasunod ng staff.
Kiming napa-ngiti ako. "Sobrang bait ni Maui. Kahit sino sigurong babae ay mag-i-stay sa kanya. Nagkataon lang na ako ang masuwerte."
"Sana all!" Siniko ako ni Cheska. "Pero alam mo, ikaw rin naman ang nakapagpabago sa kanya, kaya deserve mo 'yan."
Sa isang maluwag na silid kami dinala ng staff. May tatlong mannequin na nakatayo sa isang panig na naka-suot ng pink maxi infinity dress. Sa isang bahagi ay may floor-to-ceiling mylar mirror, iyong madalas na nakikita sa mga dance studios.
"'Kala nga namin babalik sa dati 'yan si Sir na magiging suplado na naman no'ng nag-resign ka, buti naman hindi!" ani Alina. "Pero bakit ka nga talaga nag-resign, Mamsh?"
Napalingon ako sa kanya. Hindi namin napag-usapan ang totoong dahilan noong umalis ako sa LDC, basta isang lunch na nakisabay ako sa kanila, sinabi ko na lang sa kanilang lahat noon na dalawang linggo na lang ang nalalabi sa pananatili ko sa kumpanya. Isang buwan din kasi akong nag-render pa ng serbisyo mula noong nag-sumite ako ng resignation letter ko kay Sir Frank.
Nanatili ang komunikasyon ko sa mga nakasama ko sa Accounting Department at sa OVPEA kahit wala na ako sa LDC, pero kung magpaunlak man ako sa mga imbitasyon nila ng pagkikita ay sobrang bihira dahil sa pag-iwas ko na rin na makatagpong muli si Sir Frank.
"Career move lang talaga," iyon ang sinabi kong dahilan.
"'Kala ko dahil ayaw niyo ni Sir Maui na magkasama sa isang workplace," sapantaha ni Eya. "Sabi nga kasi, hindi raw healthy 'yon."
"Oo nga. O kaya, baka ayaw ni Sir Maui na kasama mo si Sir Frank sa opisina," wika naman ni Cheska. "'Di ba, once upon a time eh nagka-gusto rin siya sa 'yo?"
"Hala. 'Yan ba ang usap-usapan sa LDC?" Muli tuloy sumagi sa isip ko ang Board Meeting kung saan inanunsiyo ni Sir Frank ang tungkol sa nararamdaman niya para sa akin.
"'Yong iba, 'yan talaga ang iniisip," pagtatapat ni Cheska. "Na baka ayaw ni Sir Maui na kasama mo si Sir Frank sa iisang opisina."
"M-medyo ang awkward nga isipin." Natawa na lang ako. "Pero ang totoo talaga, walang kinalaman si Maui sa naging desisyon ko, o kahit si Sir Frank."
Napalunok ako sa huling sinabi ko. Alam ko kasi sa sarili kong hindi totoo iyon. Siya pa nga ang pangunahing dahilan ng pag-alis ko.
"Ang haba rin ng hair nito, eh." Hinagod ni Eya ang buhok ko. "Mamsh, prayer reveal naman diyan. Ang hirap maka-isa man lang, sa 'yo dala-dalawa pa."
Nagkatawanan kaming apat.
"Sira ka talaga." Napa-iling na lang ako.
Unang nagsukat si Alina kaya naiwan kami nina Cheska at Eya sa mahabang maroon sofa na bahagi ng waiting area ng silid na iyon. Patuloy kaming nagkuwentuhan ng mga bagay na patungkol sa opisina at ganoon din sa bago kong trabaho.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang bumukas ang pinto. Napalingon ako, si Kimverly at Nadine ang dumating.
"Florence!" Mabilis na lumapit sa kinauupuan namin si Nadine habang nakasunod naman sa kanya si Kimverly. Bumati rin sila kina Eya na naging kakilala na nila dahil sa akin at kay Gino.
"'Uy, Kimverly, nag-message ako sa 'yo noong isang araw yata 'yon." Bumaling ako sa kanya habang kausap nina Eya at Cheska si Nadine.
"Talaga? 'Di ko yata nabasa, Mamsh." Umiling siya. "'Di rin kasi ako masyadong ma-social media ngayon, ang toxic, eh. Mga warla-warla sa pulitika, ayoko ng gano'n!"
Natawa ako sa reaksiyon niya na ipinaikot pa paitaas ang kanyang mga eyeballs. "Eh, kaya rin ako nag-message kasi nakita kita sa building kung sa'n ako nagta-trabaho, sa Bermudez. Anong ginagawa mo do'n?"
"Huh? Ako?" Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. "Hindi ko nga alam kung sa'n 'yong work mo, Mamsh."
Kumunot ang noo ko. Sigurado kasi ako na siya iyong nakita ko. "H-hindi ikaw 'yon? P-pero ang tagal kong tinitigan. Hindi nga lang kita masundan kasi nasa loob ako ng coffee shop."
"Baka kamukha ko lang." Tumawa siya. "Alam mo naman 'tong fez ko, generic!"
"B-baka nga." Tumawa na lang din ako ngunit sa loob-loob ko ay nagtataka pa rin. Sinubukan ko na lang ibahin ang usapan. "Kumusta ka naman?"
"Okay lang naman, pero real talk lang, Mamsh, ang hirap talaga mag-EA kay Sir Frank. Perfectionist! Ang daming demands sa trabaho." Ngumuso siya. "Pa'no ka nakatagal do'n?"
Doon ako talagang natawa. "Higit one year ka na sa kanya. Mas matagal ka na nga kaysa sa tenure ko noon."
Nang umalis kasi ako sa LDC ay si Kimverly ang inirekomenda ko kay Sir Frank na i-hire sa iniwan kong posisyon. Iniisip ko kasi na una, promotion iyon para sa kanya, given na ang tagal na niyang tengga sa posisyon niya sa OVPEA, nauna pa nga yata siya sa akin sa LDC mismo. Pangalawa, dahil nga matagal na siya sa kumpanya, alam kong siya ang pinaka-puwedeng pagkatiwalaan ni Sir na alam na rin ang pasikot-sikot at galawan sa opisina.
Natigil kami sa pag-uusap nang lumabas si Alina mula sa fitting room kasama ang couturier.
"Take a look," masiglang wika ng couturier habang inaayos ang bandang bewang ng suot ni Alina.
"Okay ba?" tanong ni Alina sa aming lahat.
"Ang ganda mo diyan, Mamsh! Bet!" Napa-palakpak pa si Eya. "Sana ganyan din ang bagsak ng damit na 'yan sa 'kin!"
Napangiti ako. Totoo ang sinabi ni Eya, bagay na bagay kay Alina ang pink maxi dress na isinukat niya. Katulad iyon ng naka-suot doon sa manikin na nakita ko kanina pagpasok ko.
Naalala ko tuloy ang panaginip ko noong bago palang kami ni Maui, isang kasalang ang lahat ay halos kulay pink. Ito pala iyon. Ang kasal nina Gino at Kathryn. Pink at beige ang motif ng kasal nila.
Sa wakas, matapos ang tatlong taon na pagsasama sa iisang bubong, ay mababasbasan na ng simbahan ang kanilang pagmamahalan.
***
"Ready?"
Ngumiti ako at tumango sa tanong na iyon ni Maui. "Mahaba lang talaga 'tong magiging biyahe natin."
"No problem with that." Tinulungan niya akong ilagay sa compartment ng kotse ang dala kong mga gamit.
"Sigurado kang wala ka nang nakalimutan?" tanong ko sa kanya.
"Nothing." Umiling siya. "How about you?"
"Wala, dala ko na lahat." Hawak ko ang damit niya at damit kong isusuot namin sa kasal nina Gino at Kathryn. Naka-hanger iyon upang hindi malukot. "Doon na lang natin 'to isabit sa upuan sa likod."
"Yeah, you could hang them there. By the way, thanks for ironing it for me." Nagulat ako nang bigla niya akong dampian ng mabilis na halik sa pisngi. Palagian naman niyang ginagawa iyon, kapag nagpapasalamat, o kapag natuwa lang talaga siya sa isang bagay na ginawa o sinabi ko.
Pero kahit madalas niyang ginagawa iyon, at kahit marahil ay simpleng gawi lamang, iba ang dulot noon sa puso ko. Sa nakalipas na magdadalawang-taon nang relasyon namin, narito pa rin lagi sa dibdib ko ang kilig na tulad noong mga panahong hinahangaan ko pa lamang siya mula sa malayo.
"Sorry kung mas gusto kong mag-land travel kaysa sumakay sa chopper ng LDC," paliwanag ko habang isinasara naman niya ang compartment. "Nahihiya rin kasi ako, bukod sa hindi naman official business ang pupuntahan natin ay takot nga rin talaga 'ko sa chopper na 'yon."
Ipinagbukas niya ako ng pinto ng kotse. "Anything you prefer is fine with me, Sweetheart."
"Saka baka kabugin pa natin 'yong bride at groom kung darating tayo sa Ilocos na nakasakay doon." Nangiti ako. "Masyadong ma-eksena."
Tumawa siya. "We can land somewhere else if you're not comfortable to land in Del Fuentes."
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Ang Del Fuentes Luxury Resort na matatagpuan sa Ilocos Norte ay isang kilalang tourist destination, bagamat ang kadalasang pumupunta roon ay mga kilalang tao. Mahal kasi ang rate ng accommodation nila at maging ang mga serbisyo, ang branding kasi sa resort ay elite at world class.
Umaandar na ang saskayan nang magtanong ako kay Maui, "Matutuloy ba ang pag-acquire ng LDC sa Del Fuentes?"
"Yup, it's true," tugon ni Maui habang nagmamaneho at nakatuon ang mga mata sa kalsada. "They've lost a lot during the surge of the pandemic, and up until now, they're struggling to keep the resort operational. Frank proposed the buy-out to the Board and they agreed."
Tumango-tango ako. "At least, hindi tuluyang maisasara 'yong resort. Kawawa rin kasi 'yong mga empleyado na mawawalan ng trabaho."
"Tama ka." Saglit na bumaling siya sa akin at ngumiti bago muling itunuon ang mga mata sa dinadaanan namin. "So, Frank also thought of giving Gino and Kath free use of the venue as his wedding gift to them. Plus, they would stay there for several days there for their...you know, honeymoon."
Tumango-tango ako. Kaya pala kahit napakalayo ng Ilocos Norte ay doon gaganapin ang kasal. Ang akala ko ay isa kina Gino at Kathryn ang tiga-roon.
Pero ibig sabihin ay imbitado rin si Sir Frank sa kasal? Bakit parang hindi ko siya nakikita sa ilang beses na nag-fit ako ng damit sa atelier?
Hindi lang siguro nagkakataon na makasabay namin siya.
Mula noong nag-resign ako sa LDC ay nawalan na rin kami ng komunikasyon. Palagay ko ay mas nakabuti rin iyon, bagamat aminado akong may ilang mga araw na nagtitipa ako ng mensahe para sa kanya upang kumustahin siya, tapos ay buburahin ko lamang din at hindi ipadadala. Hanggang sa tuluyang na-overcome ko na rin ang urge na i-message siya.
Tutal naman ay hindi na rin siya nag-message o tumawag sa akin.
"Sweetheart, if you want us to stop-over for CR breaks or if you're going to buy something, please let me know," ang paalalang iyon ni Maui ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip.
"Ah...oo, oo." Tumango ako. "Ikaw rin, kung gusto mong magpahinga muna, hinto lang tayo. Pasensiya ka na kung hindi ako maka-relyebo sa pagda-drive. 'Di naman kasi ako marunong."
"I'm very willing, Sweetie," masuyo niyang sabi. "Just sit there, relax, and enjoy the long ride."
"Long ride nga talaga 'to. 12 hours sabi mo," wika ko.
Nagkatawanan kami.
"I haven't tried this kind of long travel eversince so I'm kinda' excited," masayang pagbabahagi niya. "I hope you are too."
"Oo naman. First time ko din 'to, eh." Napangiti ako. Puwede namang mag-commercial plane na lang din pero napagkasunduan namin ni Maui na subukan ang land travel.
Marami kaming napag-kuwentuhan habang nasa biyahe. Isa ito sa mga bagay na nagustuhan ko kay Maui, walang nakakainip na sandali dahil hindi kami nauubusan ng pag-uusapan.
Nag-stop over kami sa isang vintage restaurant na nasa bahagi na yata ng Tarlac para mag-early lunch.
Habang nag-i-slice ako ng Salisbury Steak ay nag-angat ako nang tingin nang mapansin kong tila ba nakatingin sa akin si Maui. At tama nga ako, naka-tunghay nga siya sa akin.
"Bakit?" nakangiting tanong ko na may kalakip na pagtataka.
"I don't know what spell it is but you're pretty in my eyes in everything that you do," tugon niya sa mahinang tinig habang nakatitig sa akin, sa paraang hindi na siya titingin pa sa iba kundi sa akin lamang.
"Hala. Gutom lang 'yan." Idinaan ko na lang sa biro bago pa ako impit na mapa-tili sa kilig sa harapan niya mismo.
"O, ito, kumain ka nito." Nilagyan ko siya sa plato niya sizzling chunky pork sisig, tapos ay ipinagsandok ko rin siya sa isang maliit na bowl ng beef bulalo. "'Yan, kumain ka ng marami para 'di nanlalabo ang paningin mo."
Tawa siya ng tawa. "You forgot that I still have a 20/20 vision when we got our eyes checked last month."
"Oo na, ako na ang malabo ang mata." Ngumuso ako. "Alam mo, hanggang ngayon, in-denial pa rin ako."
"Saan?" tanong niya.
"Sa panlalabo ng paningin ko. Eh, siyempre, buong buhay ko, malinaw naman ang mga mata ko, as in kahit malayo kaya ko pang makita kung sino 'yong parating," kuwento ko. "Ngayon, blurred na ang mga mukha. Hindi ko alam kung 'yong mga dating malinaw naman ang mata ay ganito rin ang pakiramdam."
"I guess so. Just give yourself time to adjust to it," pang-aalo niya. "Nasaan pala 'yong salamin mo?"
"Nasa bag." Sumenyas ako ng "peace" sa kamay ko. "Sorry, hindi pa talaga ako sanay na isuot 'yon."
"It's okay, just take your time," aniya. "But I also wanted to remind you na baka ikaw rin ang mahirapan, you know, since you cannot see things clearly anymore."
"Sa malayo lang naman," depensa ko pa.
Ngumiti siya. "But don't you worry, I'll be your eyesight when it's hard for you. Remember, you became the light in my darkest days when I thought everything in my life doesn't make sense anymore."
"'Uy..." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa maamo niyang mukha.
"So now, it's my turn," buong katapatang sambit niya.
Lusaw ang puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top