TWENTY-NINE
Napalingon ako kay Sir Frank nang hawakan niya ako sa braso habang patuloy kami sa paglalakad.
"You got nice..." sinadya niyang bitinin ang sinasabi niya at bumaba ang tingin niya sa suot ko. Pagtingin niyang muli sa mukha ko ay isang pilyong ngiti ang nakapagkit sa mga labi niya.
"Dress?" Kumunot ang noo ko, hindi ko gets.
Tumawa siya imbis na sagutin ang tanong ko. "That garter seems to fit your leg perfectly."
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Nagsalita siya sa mahinang boses, "Dapat nga labi ang ginagamit do'n."
"H-ha? Labi?" ulit ko pa.
Tumango siya. "Yup. I could have placed the garter between my lips or my teeth then wore it on your leg that way."
"Ano po?" Nagulat ako. "Totoo ba 'yan?"
"Oo, kahit itanong mo pa sa iba." Tumaas-baba ang mga kilay niya habang isang nakaguhit ang isang mapanuksong ngiti sa kanyang mga labi. "Kaso kung ginawa ko 'yon baka 'di mo kayanin."
Napa-iling na lang ako at nagpatuloy na sa paglakad. "Puro po kayo kalokohan, Sir."
Hindi siya bumibitaw sa braso ko. "Totoo nga 'yon."
Nakarating na kami sa mesa na inookupa namin ni Maui kasama sina Cheska at Eya kaya hindi na ako sumagot. Tumayo pa si Maui mula sa kinauupuan niya upang salubungin kami.
"Okay, so I'm respectfully returning you now to the one who owns you," ani Sir Frank bago bumitaw sa pagkakahawak sa braso ko. Narinig ko pa ang bahagyang pagtawa niya na tila ibig palabasing huwag seryosohin ang sinabi niya.
Tinapik pa niya ang balikat ni Maui. "Thank you, Buddy. If there's someone who's a good sport, it's you."
Ngumiti si Maui. "No need to explain, it's just some sort of a game."
"Yeah." Tumango si Sir Frank at nagpaalam na, "I'm going back to my seat."
Nang tumalikod na si Sir Frank ay bumalik na rin kami ni Maui sa kanya-kanya naming upuan.
***
Sweetheart...
Nag-message sa akin si Maui habang nakatambay ako sa balkonahe. Pasado alas-nueve na rin ng gabi natapos ang selebrasyon, at dahil na rin siguro sa pagod ay nakatulog na ang lahat - maliban sa akin.
Nagta-type pa lang ako ng reply ay may message ulit siya.
If you're asleep already then it's okay.
Di lang talaga ko makatulog hehe. Sweet dreams and dream of me too. Love you.
Magkasunod na mensahe niya iyon.
Sweetheart! Di din ako makatulog! Haha. sagot ko sa PM niya.
You in the bed already? tanong naman niya.
Hindi. Nandito ko sa terrace ng villa namin. reply ko.
Let's swim? paanyaya niya.
Naisip ko na magandang ideya iyon dahil kapag napagod sa swimming ay mas madali nang makakatulog. Isa pa ay hindi siya nakasama sa amin nina Eya kanina noong naglangoy kami.
Tara? Kaso parang nakakatakot na yung dagat haha lakas na ng alon. tugon ko.
Let's try the infinity pool instead. suhestiyon niya.
Nagkasundo kami na doon na magkita sa pool area sa halip na daanan pa niya ako sa villa na tinutuluyan namin. Mas malapit kasi iyong pool sa lugar niya.
Pagdating ko doon ay naroon na nga siya. Naka-grey muscle shirt siya na maluwag sa bandang kili-kili at black na board shorts. Nakasandal ang kanyang likod sa reclining chair sa tabi ng pool habang nakapa-unan ang kanyang mga kamay sa kanyang ulo. Nang lumingon siya sa gawi ko at nakitang parating na ako ay umalis siya sa pagkakasandal at umupo na lamang patagilid upang bigyan ako ng espasyo sa tabi niya.
"Sweetie..." Noong nakatayo na ako sa harap niya ay kinuha niya ang kamay ko kaya nang maupo ako sa tabi niya ay hawak niya pa rin iyon. "Bakit 'di ka makatulog?"
Umiling ako. "Ewan ko ba, namamahay yata ako."
"Pero bakit bigla kang natahimik kanina?" tanong niya sa akin.
"Kanina?" ulit ko.
"Yeah, after that garter segment." Nilalaro niya ang kamay ko sa pamamagitan ng pagpisil-pisil dito.
"N-nahiya lang kasi ako," pag-amin ko. "Saka 'kala ko galit ka sa 'kin. Hindi ko alam kung paano kita kakausapin."
"Bakit naman ako magagalit?" may pagtataka sa kanyang mukha.
"Ewan ko...feeling ko kasi hindi tama 'yong kanina. Baka kasi galit ka sa akin dahil pumayag ako." Hindi ko rin malaman kung anong paliwanag ang gagawin ko.
Mabilis na umiling siya. "No. I understand what it's for. I'm not mad at you."
"M-mabuti naman." Ngumiti ako.
Inakbayan niya ako palapit sa kanya. "Here, come close."
Umusog pa ako upang lalong mapalapit sa kanya. Naramdaman ko ang bahagyang paghaplos ng kamay niya sa braso ko.
"But did you feel violated earlier?" tanong niya. "Because if you did then I shouldn't just sit down on it."
Mabilis akong umiling. "Hindi. Hindi naman. Medyo awkward lang talaga...siguro mas hindi awkward kung ikaw 'yon dahil ikaw ang boyfriend ko."
"I love you, Florence." Tumitig siya sa akin. "Whatever you do, you have my trust."
Pinagmasdan ko siya ng buong puso ko. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin, kadalasan kasi, pakiramdam ko ay hindi ko masyadong nasasabi o naipapakita kung gaano ko siya kamahal. May mga pagkakataon na nauunahan ako ng hiya kahit magkasintahan na kami. Siguro, ganito talaga dahil unang nobyo ko nga siya.
Pero nang mga sandaling iyon ay nais kong malaman niya kung ano ang nasasaloob ko. "Mahal din kita. Sobra. Pangarap lang kita noon. Isipin mo, ngayon, araw-araw natutupad ang pangarap ko."
Ngumiti siya. "I'll make it up for all the days you were still dreaming, by making sure that you're always happy, Sweetheart."
Napangiti rin ako. Punong-puno ng pagmamahal ang puso ko habang nakatunghay sa maamo niyang mukha. "Then you're doing a good job."
"Really?" Malumanay na pinisil niya ang baba ko.
Tumango ako at humilig sa balikat niya. "Oo. Dahil araw-araw akong masaya sa 'yo."
Naramdaman ko ang paghigpit ng akbay niya sa akin, at maya-maya ay ang paghalik niya sa ulo ko na may kalakip na pagsamyo. Ilang saglit kaming nanatili sa ganoong posisyon.
"Swimming na tayo?" tanong ko sa kanya, bagamat hindi naman ako kumilos sa pagkakahilig sa balikat niya.
"Hmmm...you wanna swim but you're not moving," puna niya na natatawa.
"Ay, sorry, napasarap." Tumuwid na ako ng upo. "Game na!"
Lalo pa siyang natawa. "Let's go."
***
"Friends from the media, the advertising sector, the vloggers' community, and all of our guests today, we welcome you to the Media Launch Day of Bermudez Builders."
Nagsalita ang host para sa hudyat ng pagsisimula ng media launch ng hapong iyon. Puno ang conference room mula sa mga inimbitahang bisita at hanggang sa mga importanteng pangalan sa kumpanya.
"Ma'am Florence, hindi po ba kayo ang magpe-present para sa Project Sapphire?" tanong ng isa sa mga kasama ko sa proyekto na si Yulia.
Umiling ako. "Nag-change ng plan ang management na si ABB at NMB na lang ang haharap sa press people."
Ang mga binanggit ko ay inisyal ng mga pangalan ng aming President and CEO at Vice President for Engineering. Ganito kasi ang kasanayan sa kumpanya, ang inisyal ng mga pangalan ang tawag sa mga boss.
Unang ipinrisinta sa madla ang mga gusaling gagawin sa ilalim ng Project Sapphire, siyempre ay special guest din si Mayor Keith Robles, ang alkalde na katuwang namin sa project. Dahil proyekto nga ito para sa kanyang LGU, binigyan din siya ng oportunidad na makapagsalita sa harap ng mga imbitado.
"Ang proyektong ito ay naglalayong mabigyan ang mga maralitang taga-lungsod ng karapatan na magkaroon ng sariling disenteng tahanan," wika pa ng Mayor. Medyo tunog-politiko lang talaga ang pagsasalita niya pero totoo naman iyon. Kaya malapit sa puso ko ang Project Sapphire dahil sa adbokasiyang kalakip nito.
"Libre niyo po ba itong ibibigay sa mga tao, Mayor?" may nagtanong mula sa grupo ng mga vloggers.
"Bagamat ito ay may bayad, tinitiyak ng aming lungsod na ito ay abot-kaya lamang, kayang-kaya ng isang karaniwang manggagawa, sinisiguro namin 'yan," paliwanag ni Mayor Robles. "At, ang kagandahan nito, sa oras na umalis ang may-ari ng unit, ibabalik ng aming lungsod ang mga inihulog niya sa bawat buwan. Tama po ang narinig niyo, ibabalik po."
Nagpatuloy sa pagsasalita si Mayor. Mas nakatutok sa proyektong pabahay sa kanyang nasasakupan ang talumpati niya, sa halip na sa mga katangian ng gusali tulad ng kung ilang palapag ba ito, ano ang magiging hitsura ng bawat unit at kung gaano ba kalaki.
Matapos ng oras na inilaan para sa presentasyon ng Project Sapphire ay isinunod ang paglulunsad sa isa pang proyekto para sa isang resort naman sa Boracay.
"We present to you, Project Emerald!"
Nang i-project sa screen ang prototype image ng gagawing resort, natigilan ako sa nakita ko.
Kaparehong-kapareho ng itinatayong resort sa Siargao ng LDC!
"This project will benchmark Bermudez Builders' venture in recreational venues development," paliwanag ng aming CEO and President. Hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod niyang sinabi habang titig na titig ako sa screen.
Walang iniwan sa Project F! Lahat pareh uuo mula sa kabuuang disenyo, konsepto, mga materyales na maaaring gamitin sa pagtatayo nito, mga napapaloob na pasilidad at iba pang amenities.
Alam ko, dahil kasama ako ni Sir Frank noon sa mga meeting noong kino-conceptualize na ang resort matapos aprubahan ng Board Members ng LDC ang konstruksiyon nito.
Anong nangyari?
Imposible namang katulad na katulad mag-isip ng team ng Project F ang team ng Project Emerald. Naipilig ko ang ulo ko.
"Okay ka lang, Ma'am Florence?"
Napansin pala ako ng katabi ko sa upuang si Yulia.
Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Y-yulia, sinong...sinong Project Manager niyang Emerald?"
"Po? 'Yon po, si Mr. Timothy Mariano," sagot niya sa mahinang boses upang hindi makapukaw ng atensiyon ang usapan namin. Pasimpleng itinuro niya ang direksyon ng kinauupuan ng lalaki. "Bakit po?"
"W-wala naman." Umiling ako at muling ibinaling ang tingin sa screen. Walang dalawang tao na makapag-iisip nang ganitong parehong-pareho.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga sandaling iyon. Tatayo ba ako? Sasabihin ang alam ko? Pero tiyak na gagawa ako ng eksena dito sa media launch.
Isa pa, hindi man direkta pero maaakusahan ko si Mr. Mariano na nagnakaw ng ideya kung ibubunyag kong sa LDC ang orihinal, gayong hindi pa ako sigurado kung ano talagang nangyari. Hindi ko rin lubos-maisip kung paanong napunta sa kanya ang disenyo.
Ang mas malaking problema ay nauna na ang Bermudez Builders na ilabas sa madla ang konsepto ng resort, dahil hindi pa naman nagpa-press release ang LDC tungkol sa project nitong resort sa Siargao.
Ang mangyayari, baka ang LDC pa ang masabihan na nanggaya ng proyekto.
Paano ba ito? Ipatitigil ko ba pansamantala ang launch? Ano bang dapat kong gawin? Hindi ako makapag-isip ng tuwid. Pawis na pawis na ang mga palad ko. Ganito ako kapag nate-tensiyon nang matindi. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.
Sa gitna ng question and answer portion tungkol sa Project Emerald ay wala sa loob na tumayo ako mula sa kinauupuan ko.
"Yes, is there anything you would like to say, Ms. Catacutan?" tanong ng aming Vice President for Engineering.
Pero bago pa man ako makasagot ay nagdilim na ang paningin ko.
***
Nagising ako sa loob ng isang kuwarto. Puting kobre-kama, puting kumot, puti ang mga dingding at kisame.
"Ospital ba 'to?" Kumunot ang noo ko.
Maliit lang ang silid, parang klinika nga lang yata ito at wala rin akong kasama sa kuwarto, bagamat may naririnig akong tila mga nag-uusap-usap sa labas.
Bumangon ako ngunit naramdaman ko na tila umikot ang paningin ko. Nasapo ko ang ulo ko habang pilit kong inaalala kung bakit ako narito.
"Ma'am, good afternoon. Gising ka na pala."
Nang mag-angat ako ng tingin ay isang babaeng naka-scrub suit ang pumasok sa kuwarto. Palagay ko ay isa siyang nurse.
"A-ano pong nangyari sa akin?" tanong ko.
"Ma'am, dinala po kayo dito ng mga kasama niyo," paliwanag niya. "Nawalan po kasi kayo ng malay noong media launch."
Napabalikwas ako nang maalala ko ang tungkol sa launch. "N-nasaan na po sila? Nasaan po ako?"
"Dito sa clinic po ng Bermudez," nakangiting tugon ng nurse.
"S-sorry, hindi ko alam, never pa akong nakapunta dito sa clinic noon." Humingi ako ng paumanhin sapagkat bahagi ito ng kumpanya ngunit hindi ko alam itong lugar o kilala man lang ang kaharap ko. "P-parang okay naman na po ako, babalik na po siguro ako sa event."
"Ma'am tapos na po 'yong event. Kasi 'yong kasama ko pong nurse na naka-standby doon ay bumalik na dito," aniya.
"Po?!" gulat na sabi ko. "G-gaano na po ba ako katagal na walang malay?"
"Actually Ma'am, mga 15 minutes din po. Kaso noong nagka-malay po kayo, nakatulog naman po kayo. Mga isang oras din po kayong nakatulog." Matiyaga niyang sinasagot ang mga tanong ko.
"Sorry, talagang 'di ko maalala na nagka-malay ako tapos nakatulog ako." Napa-iling ako. "B-bakit po kaya nangyari sa akin 'to?"
"Normal naman po ang blood pressure niyo, temperature at iba pa pong vital signs. I suggest Ma'am na magpa-laboratory test po kayo to check further. Bigyan ko po kayo ng request." Ngumiti siya. "O baka, pregnant po Ma'am?"
"Naku, malabo po." Natawa na lang ako. "Sige, salamat. Magpapa-lab test na nga lang po siguro ako."
"Okay po, prepare ko lang Ma'am," aniya.
Tumango ako. "Thank you."
Nang makalabas ng kuwarto ang nurse ay si Yulia naman ang pumasok. "Ma'am Florence, kumusta po kayo?"
"O-okay naman na." Ngumiti ako. "'Wag mong sabihin na naghintay ka lang hanggang magising ako. Sobrang abala na no'n sa 'yo."
Umiling siya. "Hindi naman po. Bumalik po ako sa launch nang maihatid po namin kayo dito. Dumaan lang po ako ulit nang matapos na para kumustahin kayo."
"Pauwi ka na?" tanong ko.
"Opo, Ma'am," aniya.
"Ingat ka," wika ko. "At maraming salamat. Pakisabi din sa mga kasama mong nagdala sa akin dito."
"K-kayo po? Paano po kayo uuwi?" nag-aalalang tanong niya.
"May...may sundo naman ako," tugon ko.
Tumango siya. "Sige, Ma'am. Una na po ako."
Nang makaalis si Yulia ay hinagilap ko kung nasaan nga ba ang bag ko. Nakita ko iyong nakapatong sa bedside table. Dinampot ko iyon at kinuha ang cellphone ko. Nagulat ako sa dami ng missed calls ko sa Messenger. Mga kasamahan ko noon sa LDC. Pero bakit? Iko-congratulate kaya nila ako sa successful launch ng Project Sapphire? Nabalitaan na agad nila?
Florence, we need to talk.
Si Maui iyon. Kumunot ang noo ko. Sa araw-araw at dalas naming magpalitan ng mensahe, ramdam ko na ang mood niya kahit binabasa ko lang ang message at hindi ko siya mismong nakikita. Alam ko kung kailan siya masaya, naglalambing, o medyo pagod sa trabaho.
Pero ito ang unang beses na sinabihan niya ako ng ganito.
Parang may iba. Parang may mali.
Tinawagan ko na siya. Ang tagal bago niya sinagot ang tawag, pero hindi siya nagsalita.
"S-sorry," nagkusa na akong magbukas ng usapan. "Sorry kung 'di ko nasagot mga calls mo. Nandito ako sa clinic at..."
Hindi niya na ako pinatapos magsalita. "Nandito na ako sa labas ng building niyo."
"Hala, o sige, teka, aalis na ako dito." Nagmadali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng clinic bed bitbit ang aking bag. Sa parking lot siya lagi naghihintay, kaya nagtaka ako kung bakit nag-iba yata siya ng lugar ngayon.
Nagulat pa ako nang bigla niyang tinapos ang tawag nang walang sabi-sabi. Tiningnan ko pa ang cellphone ko at baka na-lowbatt o nagloko lang pero hindi naman. Ibinaba niya talaga.
"Ma'am, teka, sigurado ka nang okay ka na?" tanong sa akin ng nurse na kumausap sa akin kanina. "Ito pala po 'yong laboratory requests."
"Maraming salamat. Mauuna na po ako," nagmamadaling paalam ko. "Salamat po ulit."
"S-sige po." Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya, marahil dahil nga nagdudumali ako. Mabilis na nilisan ko ang klinika, na nasa ground floor lang naman ng building. Dire-diretso akong lumabas sa glass door at nakita ko agad si Maui. Nakatayo siya at nakasandal sa pintuan ng kotse niya.
Ang dilim ng ekspresiyon ng mukha niya. Bahagya pa akong napa-atras nang makita ko siyang ganoon paglapit ko.
"B-bakit?" Magkahalo ang kaba at takot sa dibdib ko. "M-may problema ba?"
"Why did you do that?" Ang kanyang tinig ay nang-aakusa, halatang pinipigilan ang pagtaas ng boses ngunit dama ko ang pagpupuyos ng kalooban niya.
"Ha? Ang alin? Teka, hindi ko alam." Naguluhan ako sa sinasabi niya.
"Really, huh? You don't know?" Naningkit ang kanyang mga mata sa galit.
Umiling ako ng sunod-sunod. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Sweetheart."
"You sabotaged LDC's plan for the Siargao resort!" Pakiramdam ko, nanliit ako sa kinatatayuan ko nang muntik na niya akong dinuro, binawi niya lang agad at hindi iyon itinuloy.
"Ano?!" Nagulantang ako sa akusasyon niya.
"Yes, you just did!" Parang isang malakas na kulog sa tenga ko ang boses niya nang sabihin niya iyon.
Natulala na lang ako sa harapan niya habang pinipigil ang pagtulo ng luha ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top