TWENTY-FOUR

"Sir, sigurado po ba kayong dito? Parang party po 'to, ah," sabi ko kay Sir Frank. Noong makarating kasi kami sa floor kung saan namin imi-meet iyong sinasabi niyang kaibigan na may proposal, sinalubong kami ng malakas na sound system at kadiliman na ang tanging liwanag ay ang mga strobe lights na may iba't ibang kulay.

"Frank's here, guys!" Isang lalaki ang nagsalita nang makita kami.

Lumapit sa direksyon namin ang mga taong naroon. Mabilis kong binilang sa utak ko ang mga tao doon, nasa pitong lalaki kasama iyong nagsalita kanina, at sampung babae. Pamilyar ang mga mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay mga model at beauty queen ang ilan sa kanila.

Bahagya akong napahakbang paatras nang halos dumugin nila si Sir Frank. Halatang excited sila na makita ito. Dalawa sa mga babae na naka-suot ng bodysuit with leopard prints at black boots ang umangkla agad sa magkabilang braso ni Sir.

"We missed you, Bro!"

"Long time!"

"By the way, we heard what happened. Condolence, Buddy."

Sunod-sunod ang kumakausap sa kanya. Parang gusto ko na lang maunang umuwi na, tutal naman ay mukhang hindi na ako kailangan dito.

"Thanks, guys," wika ni Sir Frank sa malakas na boses. Halos pasigaw kung magsalita ang mga tao dahil malakas ang sound system.

Muling nagsalita si Sir Frank, "And you, Jacob, you should have just told me the truth. Damn your proposal. Isinama ko pa tuloy si Florence."

Saka lang yata napansin ng mga kaharap namin na nakatayo ako sa tabi ni Sir Frank noong banggitin niya ang pangalan ko. Lumingon sila sa akin at hindi nakaligtas sa paningin ko na isa doon sa mga babaeng naka-body suit ay sinulyapan ako mula ulo hanggang paa. Naliliitan yata sa akin. Actually, matatangkad kasi silang lahat kaya nagmukha akong unano sa height kong 5'4".

"She can join us!" bulalas ng lalaki na tinawag ni Sir na "Jacob". Nang tingnan ko ay matangkad na lalaki na bumbayin ang mukha. "Welcome, Ms. Florence."

Alanganing napangiti ako. "Salamat."

"We know what you're going through, so we arranged this for you." Hindi pa rin bumibitaw sa pagkakakapit sa braso ni Sir iyong babaeng tumingin sa akin from head to foot. "To help you relax and have fun."

Napa-isip ako. Nare-relax talaga sila sa ganitong environment?

Nang sumulyap ako kay Sir Frank ay nakatingin pala siya sa akin. Ngumiti na lang ako para ipakita sa kanyang nauunawaan ko naman na wala rin siyang alam sa ganap ngayong gabi. Nasa mata niya kasi na para bang nagi-guilty.

Ngumiti siya sa akin pabalik na may kalakip na pasasalamat.

***

"Try this one." May inilagay si Sir Frank sa plato ko na ilang piraso ng Burrata Crostini with Prosciutto di Parma. Napakahaba ng pangalan, pero parang tinapay lang naman iyon na hiniwa ng maliliit, pinatungan ng karne na nahahawig sa ham, at may keso.

"Thank you," sabi ko sa kanya.

"Ito pa." May kinuha na naman siyang pagkain, at mayroon pa, at mayroon pa ulit. Halos mapuno na ang plato ko.

"O-okay na po, Sir. Ako na lang po. Wala pa nga pong laman 'yang sa inyo." Ako naman ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya. Binawasan ko rin ang mga nasa plate ko at ibinigay sa kanya. "A'yan pa po, Sir."

Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya kahit maingay ang paligid. Nang bumaling ako sa kanya ay nagtama ang mga paningin namin. Ngumiti siya, pero kung hindi ako nagkakamali ay may kalakip na lungkot iyon.

Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at nagsalita, "Anong oras ka susunduin ni Maui?"

Akala ko, matapos niyang nagtanong ay ilalayo na niya ang kanyang mukha mula sa akin, pero hindi siya kumilos kaya halos magkadikit na ang mga pisngi namin. Hinihintay niya yata akong sumagot sa tapat din ng tainga niya na malapit naman sa mga labi ko.

"H-hindi ko alam kung anong...anong oras siya darating. Pero p-papunta na raw siya." Hindi ko napigilan ang panginiginig ng tinig ko habang nasasamyo ang pabango niya. Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko.

"I wish you could stay longer, but I think this is not your crowd." Pakiramdam ko ay nanlalambot ako sa mabining pagtama ng hininga niya sa punong-tainga ko. "Sorry again."

Buti naintindihan ko pa ang sinasabi niya, at buti ay nakasagot pa ako kahit grabe na ang pagtahip ng dibdib ko. "O-okay...okay lang. H-hindi mo naman alam."

Sa wakas ay lumayo siya sa akin. Napahugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko talaga maintindihan itong reaksiyon ng katawan ko. Hindi naman din ako umiinom ng alak na tulad niya at ng iba pang mga tao sa party dahil hindi naman talaga ako umiinom. Nahiya nga ako kasi nagsdaya pa talagang magpa-timpla ng juice iyong party host para sa akin.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa babaeng nakaupo sa tapat ng couch kung saan kami magkatabi ni Sir Frank. Ito iyong tumingin sa akin kanina mula ulo hanggang paa, na sa pagkakaalala ko ay Danielle ang pangalan noong ipakilala sa akin. Nakatingin siya sa amin ni Sir Frank, pero nang mahuli ko ay umiwas siya ng tingin.

Umilaw ang screen ng cellphone na hawak ko. Nag-message si Maui, nasa ibaba na siya ng building. Sinabi ko iyon kay Sir Frank.

"Ihahatid na kita pababa." Nauna na siyang tumayo at inilahad ang kamay para alalayan ako. Ngunit imbis na doon ako humawak, kumapit na lang ako sa braso niya, malapit sa pulso. Natatakot kasi ako sa nararamdaman ko kung magkaka-daiti pa ang mga palad namin.

Nagpaalam kami sa nga tao sa party na ang iba ay maligalig nang nagsasayaw sa floor at sa pole.

"Aalis na kayo?" tanong ni Jacob sa amin.

"Hindi, siya lang." Bahagyang sumulyap sa akin si Sir Frank. "The boyfriend is waiting downstairs."

"Boyfriend?" Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Jacob. "I thought..."

Umiling si Sir Frank at tinapik na lang ang balikat ng kaibigan. Tila nagkaintindihan na sila doon.

Nagpasalamat ako kay Jacob at sa iba pa naming kaharap. "Pakisabi na lang din do'n sa iba, thank you."

"Sure, sure."

"Inihatid niyo pa ako, Sir. Salamat po," wika ko kay Sir Frank noong nasa loob kami ng elevator, pababa na kami noon sa ground floor ng building.

"Had I known. Loko 'yon si Jacob. Akala ko naman work-related talaga 'tong appointment. But still, file this as your overtime," aniya.

"Makakapag-enjoy na po kayo, Sir. Sorry, hindi po talaga ako party-goer." Hindi ko na pinansin ang bilin niya tungkol sa OT. "Inasikaso niyo pa po tuloy ako do'n."

"I don't see you as a burden, Florence. Don't ever think that way," seryosong turan niya.

Bumukas ang elevator. Mula sa mga glass panels ay nakita ko na agad sa labas ng building si Maui. Nakatayo at nakasandal sa nakaparada niyang kotse. Nakatutok siya sa kanyang cellphone at marahil ay mine-message ako.

Hanggang sa kinatatayuan ni Maui ako inihatid ni Sir Frank. Nagbatian ang dalawa pagkakita sa isa't isa.

"Pa'no ka mamaya?" tanong ni Maui kay Sir. "You're staying here for the night?"

"Yeah. Or anywhere else." Nang banggitin ni Sir Frank ang mga katagang iyon ay tila nananadya namang pumasok sa isip ko ang mukha ni Danielle. "No need to worry."

Florence, ano namang pakialam mo kung saan o kung sinong kasama niyang magpalipas ng gabi? Kinastigo ako ng isang bahagi ng isip ko. Hindi tama na nag-iisip ako ng kung ano-ano o nakararamdam ng mga damdamin na hindi laan kay Maui.

Tinanaw ko pa si Sir Frank pagsakay ko sa kotse ni Maui at hindi rin siya umalis sa pagkakatayo niya doon hanggang sa siguro ay mawala na ang sasakyan namin sa paningin niya.

"Are you okay, Sweetheart?"

Ang tanong na iyon ni Maui ang nagpanumbalik sa akin sa wisyo.

"Oo, oo. Na-culture shock lang yata ako do'n," iyon na lang ang binanggit ko. Totoo rin naman iyon, pero hindi iyon ang pangunahing dahilan kung bakit tila wala ako sa sarili.

Natawa siya. "Why? What did you see?"

Pabulong na sumagot ako kahit dalawa lang naman kami sa loob ng sasakyan, "Medyo wild sila do'n."

Nagkatawanan kaming dalawa.

"Kaya nga nagpasundo na rin ako sa 'yo," sabi ko pa. "Pasensiya na at naabala pa kita. Nakakahiya rin naman kasi kay Sir Frank na magpahatid ako sa bahay namin tapos babalik siya do'n sa party, kahit na ba nag-offer siya."

"Sweetie, no worries. It's better na ako ang maghatid sa 'yo sa bahay niyo kaysa ibang tao pa," malumanay niyang turan. "Saka mukhang naka-inom na rin si Frank."

Ngumiti ako ngunit hindi na sumagot. Tumanaw na lamang ako sa labas ng bintana habang nasa isip pa rin iyong naramdaman ko kanina sa pagkakalapit namin ni Sir Frank.

Ang totoo, kahit noon pa man, minsan ay nararamdaman ko na ang hindi maipaliwanag na damdamin tungo kay Sir, binabalewala ko lang.

Kaya ganoon lang din ang dapat kong gawin ngayon.

***

"Hi."

Nag-angat ako ng tingin mula sa pagsusulat nang may magsalitang babae sa harapan ko.

"Good afternoon, Ma'am. Yes po?" Namumukhaan ko siya pero hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Mahaba ang wavy niyang blonde hair, malantik ang mga pilikmata, matangos ang ilong at pouty ang mga labi na lalo pang pinag-igting ng lipstick na pula.

"Hey, don't call me "Ma'am", just Debbie would be fine. Ito naman." Umupo siya sa ergonomic chair sa tapat ko.

Nagtaka ako kung bakit tila kilala niya ako. Pero bago pa man ako makapagtanong ay nagpaliwanag na siya, "We met at Jacob's house party for Frank a couple of weeks ago."

"H-hi! Sorry, oo nga," sabi ko na lang habang pilit kong inaalala kung sino siya doon.

"Florence, right?" nakangiti niyang tanong.

Tumango ako at ngumiti, hanggang sa naisip ko na kung sino siya. Isa siya sa mga nakasuot ng leopard print body suit doon sa party, kasama noong Danielle.

"Frank's expecting me today. Could I come in?" Napaka-giliw magsalita ng babaeng ito. Nakakatuwa.

"Inform ko lang muna siya, ha. One moment." Humawak ako sa telepono.

"Sure," turan niya.

Iniangat ko ang phone at nag-dial ng local number ni Sir Frank sa loob ng opisina niya.

"Yes, Florence?" Saglit akong natigilan nang marinig ang boses niya sa kabilang linya. Hindi naman ito ang unang beses na narinig ko ang tinig niya sa telepono, ngunit tila ba may kalakip na lambing ngayon ang kanyang baritonong boses.

"Huh...uhh...ah, si Ms. Debbie. Nandito po siya and she mentioned that you're expecting her to come today." Muntik ko nang malimutan kung anong sasabihin ko, buti at nakabawi.

"Yeah. Let her in," aniya.

"Okay po. Thank you."

Nang matapos ang tawag ay sinamahan ko si Debbie hanggang sa pinto ng opisina ni Sir Frank.

"Thanks," aniya pa bago pumasok.

"You're welcome," wika ko naman bago ako tumalikod. Naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko. Bumabalik na sa dati si Sir Frank na kaliwa't kanan ang mga idine-date, at kung sinu-sinong mga babae ang bigla na lang dumarating sa opisina namin.

Imbis na bumalik ako sa table ko ay sa pantry ako dumiretso. Napa-coffee break ako nang wala sa oras. At hindi ko alam kung pagkatapos humigop ng mainit na kape ay required bang matulala. Tumanaw ako sa labas ng glass wall na nasa tapat ko.

Ano na ba itong nangyayari sa akin? Sigurado naman akong mahal ko si Maui, pero ano ba itong nararamdaman ko kay Sir Frank? Noon, ganito rin naman na kung kani-kanino siyang babae nai-involve, pero hindi naman ako apektado. Bakit ngayon, parang naiinis ako na hindi ko mawari?

"Ba't 'di ka nagyayaya?"

Nagulat pa ako nang magsalita si Sir Frank sa likuran ko. Pero hindi ko na kinailangang lumingon dahil umupo na siya sa tabi ko.

"Florence, there are urgent reports needed by the Board the next day, so better be prepared for overtime maybe today or tomorrow. We need to work on it," seryosong sabi niya.

Nilingon ko siya. "Sige po, Sir."

"Damn those Board Members." Nagpakawala siya ng marahas na paghinga. "It's only now that they told me. Ano bang akala nila sa opisina natin? Doing nothing? Na bigla-bigla na lang silang hihingi ng importanteng reports."

"Ang isipin niyo po, Sir, ang akala nila sa opisina natin ay magagaling ang mga tao, kaya tiwala sila na mapo-produce natin agad 'yong mga report na hinihingi nila," nakangiting pang-eencourage ko sa kanya sa pag-asang baka maibsan ang init ng ulo niya.

Sa wakas ay ngumiti siya. "Hindi talaga 'ko nagkakamali kapag sa 'yo 'ko lumalapit."

"Kaya po natin 'yan, Sir," sabi ko pa.

Tumango siya. "Yeah. Thanks to you."

"Ah, Sir, si Ms. Debbie po?" naisipan kong tanungin siya dahil kararating lang ng babae ngunit ngayon ay nandito na agad si Sir Frank sa tabi ko.

"She just left, may kinuha lang siya from me," paliwanag niya.

"Ah, okay po." Tumango-tango ako.

"I'm free to date now, right?" pag-iiba niya ng usapan.

"P-po?" Ikinagulat ko ang tanong niya sa akin.

"You see, Florence, when I courted you, I was dead serious. I didn't go out with any other women," seryosong saad niya. "But now, I suppose that you don't take offense when I, you know, hook up with somebody else."

"Huh? Hindi po." Nagkasunod-sunod ang pag-iling ko. Bakit kaya niya nasabi iyon? Masyado ba akong halata? Para kasing nabasa niya ang iniisip at nararamdaman ko. "Wala po 'yon sa akin, Sir."

"Okay. Iniisip ko lang kasi na baka iniisip mo rin, that I moved on that easy after you rejected me, like it's nothing to me." Nakita ko sa mukha niya na maging siya mismo ay naguluhan sa sinasabi niya. "Na parang binasted mo 'ko pero nag-sugue na agad ako sa iba."

Nakuha ko naman ang punto niya, medyo natawa lang ako sa paraan ng pagpapaliwanag niya. "Malaya po kayong maging masaya. Hindi naman po siyempre sa akin lang iikot ang mundo niyo."

"Well, that could happen if you chose me." Kumindat siya.

Napangiti na lang ako habang naiiling dahil sa pagpapa-cute niya. "Pero, seryoso, ang selfish naman po no'n na ako ay masaya na kay Maui tapos pag-iisipan ko pa po kayo ng gano'n."

Matipid na ngumiti siya. "I see it in your eyes that you're happy with him."

Tumango ako. "Wala rin naman po akong ibang hinihiling kundi maging masaya po kayo."

Ilang sandali na nakatingin lang kami sa isa't isa. Hindi na kasi siya sumagot sa sinabi ko, at hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko pa.

Hanggang sa napangiti na lang kami sa bawat isa.

***

Alas-nueve na ng gabi ay nasa opisina pa rin ang buong OVPEA kasama si Sir Frank. Hindi nga biro ang hinihinging reports ng Board of Trustees ng kumpanya, mula sa list of marketing programs ngayong pandemya, chronology of events ng bawat project, at marami pang iba. Buti na lang ay nasa amin na ang mga data at figures, kailangan lang i-translate o i-incorporate sa isang narrative report.

"Kape muna po tayo." Ang boses ni Kuya Jonel na messenger namin ang bumasag sa katahimikan naming lahat. Nang tingnan ko siya ay may dalang tray na may lamang mga tasa ng kape.

"'Yon, o! Salamat, Kuya Jonel!" sambit ni Kimverly na nanguna na sa pagkuha.

"Si Sir Frank, tawagin mo, Florence," utos sa akin ni Ms. Celine. Nasa conference room kasi kaming lahat at sama-samang gumagawa ng kanya-kanyang task, pero si Sir Frank ay nasa opisina niya.

"Ay, opo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad tungo sa saradong opisina ni Sir.

Kumatok ako bago itinulak ang pinto at pumasok. Inabutan ko siyang nagta-type sa harap ng laptop niya.

"Sir..."

Nag-angat siya ng ulo upang tumingin sa direksyon ko. "Florence, yes?"

"Ah...Sir, nag-prepare po kasi ng kape si Kuya Jonel. Dalhin ko na lang po ba dito? Or gusto niyo po pumunta muna do'n sa conference room para makapag-break din po muna kayo?" tanong ko.

"I'll just go there. Sabay na tayo." Tumayo siya mula sa swivel chair at pinagsiklop ang laptop. "So I could check everybody's works too."

"Sige po."

Tumalikod na ako para buksan ang pinto, pero parang nagloko iyong door knob. Kahit naka-unlock na ay ayaw mahila ng pinto pabukas.

Hanggang sa naramdaman kong nasa likod ko na si Sir Frank. "Having trouble?"

"Sir, ayaw po mabuksan." Pilit kong inikot-ikot pa rin ang knob at baka sakaling bumukas ang pinto.

"Let me try," aniya. Umusog ako para bigyang-daan siya, ngunit tulad ko ay bigo rin siyang mabuksan ang pinto.

Nagkatinginan kami.

"Saglit po, tatawag po ako sa conference room." Naisip kong bigla. "Makikigamit po ako ng phone mo dito, Sir."

"Sure." Tumuro siya sa direksyon kung saan nakapatong ang landline phone. "It's there."

Naglakad ako patungo doon. Ngunit nang iangat ko ang telepono at inilagay sa tapat ng tainga ko, walang dial tone.

"Hala." Paulit-ulit ko pang pinindot iyong plunger pero wala talaga. Lumapit na rin sa akin si Sir Frank, nahalata siguro na may problema.

"Sir, sira po 'tong local line niyo," sumbong ko habang hawak ang telepono.

Kinuha niya mula sa kamay ko ang wireless phone at siya naman ang sumubok na mag-dial hanggang sa ibinaba na lang niya ang telepono.

"Use your cellphone to call anyone in the conference room," utos niya sa akin.

"Eh, Sir, nandoon po sa mesa sa conference room ang phone ko, iniwan ko," tugon ko. "'Yong cellphone niyo na lang po."

"But it's only your number that I have there, and Celine's." Napahawak si Sir Frank sa kanyang noo.

"Naku po, parang nakita kong naka-charge 'yong phone niya do'n sa table niya," nag-aalalang sabi ko. "P-pero sige po, subukan natin. Sana 'di naka-silent at marinig niya ang pag-ring hanggang sa conference room."

"Then maybe, you got no choice but to spend the night with me." Itinukod niya ang magkabilang-kamay niya sa lamesa kung saan nakapatong iyong telephone, kaya na-corner ako sa pagitan niya at ng mesa.

"H-huh? Po?" Pakiramdam ko ay tila ba may naghahabulang mga daga sa dibdib ko ng mga oras na iyon. Hindi ko sigurado kung dahil sa takot, o may iba pang dahilan.

Unti-unting gumuhit ang isang mapang-akit na ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin.

"Sir...p-puwede mo po tawagan si..."

"Ssshh..." pagputol niya sa sinasabi ko.

"Pero po..."

"One more word from you, and I swear to devour your luscious lips to shut you up," anas niya habang bumababa ang tingin sa mga labi ko.

"Mali po kasi..."

At hindi nga siya nagbibiro, dahil ang mga sasabihin ko pa sana ay nilunod na niya sa isang makapugtong-hiningang halik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top