TWENTY
"Mama, ngayon ka na po pupunta kay Tita Tasing?" tanong ko nang makitang bihis na siya samantalang napaka-aga pa. Alas-otso lang ng umaga.
"Oo, para makabalik din agad," tugon niya habang sinusuklay ang basa pang buhok.
"Hala. Akala ko po ba ay sasamahan kita?" Tiniklop ko ang ginamit kong kumot.
"Paano mo 'ko sasamahan, aber, eh nariyan ang boss mo?" aniya. "Ang mabuti mong gawin eh, asikasuhin 'yon. Timplahan mo ng kape o bigyan mo ng mainit na sabaw."
"Mamaya ka na po kasi pumunta." Gusto ko talagang sumama gawa ng nais ko ring makita ang mga pinsan ko doon.
"Ay, kita mo namang kung gaanong kahaba mag-istorya 'yong kapatid kong 'yon. Anong oras na naman tayo aabutin doon kung mamaya pa tayo aalis," pag-kontra ni Mama sa sinasabi ko. "Kung 'di lang kailangan kong dalhin 'yong mga order niyang leche flan."
"Daya nito ni Mama. Nag-almusal na po ba kayo?" Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa kama kung saan magkatabi kaming natulog kagabi.
"Nag-prito lang ako ng mga hotdog at itlog. Pandesal lang 'yong nandiyan, pero kung gusto mo mag-sangag, may kaning-lamig pa diyan." Binuksan niya na ang pinto, sumunod na rin ako papalabas. Inihatid ko siya hanggang sa labas.
Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina at tinignan kung ano iyong mga pagkain na sinasabi ni Mama. Konti na lang pala iyong pandesal, baka kulangin na ito kaya nag-fried rice na rin ako.
Hinihintay kong bumaba na si Sir Frank pero natapos na lang ako sa ginagawa ko hanggang sa pagsalang ng kape sa coffee maker ay wala pa rin siya. Tulog pa kaya iyon? O kailangan pa talagang sunduin?
Nag-martsa ako paakyat sa hagdan at kumatok sa kuwarto ko kung saan siya natutulog.
"Come in, future wife," sagot niya mula sa loob.
Kumunot ang noo ko habang pinipihit ang door knob. Nang mabuksan ko ang pinto ay nakita ko siyang nakaupo na sa kama ko, nakasandal sa headboard at nakataas ang isang tuhod.
"Paano niyo po nalaman na ako 'yong kumakatok?" pagtataka ko.
"So, tinatanggap mo nang future wife kita?" ang tamis ng pagkakangiti niya nang sabihin iyon.
"Ako lang naman po ang tinatawag niyo ng ganyan. Alangan naman pong si Mama." Pumasok ako at isinara ang pinto.
Tumawa siya. Sumandal ako sa saradong pintuan, at nang mapatingin ako sa kanya, naisip ko kung paanong ang guwapo pa rin niya kahit bagong-gising at bahagyang magulo pa ang buhok, mukhang may hang-over, at pambabae pa ang suot na pajama. Dahil matangkad siya ay nagmukhang tokong na nga iyon.
"I guess you're already falling for my charms with the way you look at me." Ang kaninang matamis na ngiti ay pilyo na ngayon. Napansin niya palang napatitig ako sa kanya.
Kinabahan tuloy ako pero pilit kong pinagtakpan iyon. "Wala na po talagang tatalo sa confidence level niyo, Sir. Tara na po."
"What are we going to do, huh?" Nakapagkit pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi niya.
"Kakain na po."
Tumangu-tango siya at nakita kong bahagyang binasa ng dila niya ang pang-itaas niyang labi. "So, we're going to eat each other?"
"Po?" Hindi ko na-gets iyon.
"I mean, with each other." Itinama niya iyong nauna niyang sinabi pero hindi ko alam kung bakit tila siya nagpipigil ng tawa.
"Opo. Tayong dalawa lang talaga, Sir," sagot ko. "Wala po si Mama, umalis."
"Talaga?" Tumaas-baba pa ang mga kilay niya na akala mo ay excited sa isang bagay na nakatakdang maganap. Pero bakit?
"Opo. Kaya bumangon na po kayo," sabi ko na lang sa kanya. Tumalikod na ako para buksan muli ang pintuan at lumabas na. "Kung ayaw niyo pa po, baba na lang po kayo kung kailan niyo gusto."
Hindi ko pa man nabubuksan nang tuluyan ang pintuan ay naramdaman ko nang nakatayo siya sa likuran ko.
"How come you are greeting me "good morning" in the office but not here?" tanong niya nang mabuksan ko na ang pintuan. Ipinatong niya ang kamay niya sa isang balikat ko kaya napalingon ako.
Nakangiti siya sa akin. "But anyway, seeing you first thing in the morning is already good for me."
Natigilan ako at napatitig sa kanya. Para akong nababato-balani sa ganda ng ngiti niya at natural na baritonong boses, at maging ang mga salitang binitiwan niya ay sapat para saglit na tumigil ang mundo ko.
Bakit ba ako nakararamdam ng ganitong damdamin para sa kanya, gayong hindi ko naman siya gusto? Ang gulo.
I guess you're already falling for my charms...
Napa-iling ako nang tila mag-replay sa isip ko iyong sinabi niya kanina.
"What's wrong?" Napakunot-noo siya, nagtataka sa pag-iling ko.
"Huh? Ahh...w-wala naman. Inaantok pa po kasi talaga ako. Ginawa ko lang po 'yon para magising." Naka-isip ako ng palusot.
"May alam akong pampagising, future wife." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi.
"Wala po akong tiwala diyan sa nalalaman niyo, Sir." Tumalikod ako at nagsimula nang maglakad tungo sa hagdan. Nasa likod ko siya at naririnig ko pa ang pang-asar niyang pagtawa.
Ako na ang naghila ng upuan para sa kanya nang makarating kami sa hapag. Ako na rin ang naghain dahil baka mahiya pa siya, kahit mukhang wala naman siya noon.
"Yes. Ito na naman 'yong masarap mong kape," aniya nang idulot ko sa kanya ang mainit na kape. "Natupad na 'yong sinasabi ko no'n na masarap 'to lalo 'pag may hang-over."
"May hang-over po talaga kayo?" nag-aalalang tanong ko nang maupo ako sa tapat niya. "Masakit po ang ulo niyo?"
Umiling siya. "Okay lang ako. Sorry, dahil ipinag-drive kita ng naka-inom ako. Alam kong delikado 'yong ginawa ko, pero maniwala ka, wala pa talagang epekto sa 'kin ng mga oras na pauwi tayo 'yong ininom ko."
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong seryoso na ang ekspresiyon ng mukha niya ng mga sandaling iyon.
"I'm really sorry," pagpapatuloy niya. "Sa totoo lang, hiyang-hiya ako sa ginawa ko. I promised Mama that I'll bring you home safe and in time. I'm sorry for being the careless jerk that I am."
"Uhmm...ayoko po sabihin na okay lang 'yon pero nakauwi naman po tayo ng ligtas," wika ko. "Siguro po ay 'wag na lang talagang mauulit, kasama niyo man po ako o hindi. Ingatan niyo po ang sarili niyo."
Mapait na ngumiti siya. "I should have learned from the past."
"Anong ibig niyo pong sabihin?" Kumunot ang noo ko.
"Wala pa bang nasabi si Maui sa 'yo?" Ibinalik niya sa akin ang tanong.
Nakuha ko kung ano iyong tinutukoy niya. "A-alam ko po. Nabanggit niya po 'yan sa 'kin."
"Does he blame me for what happened?" tanong niyang muli.
"Hindi niyo na po ba siya kinausap tungkol doon?" Ako naman ang nagbalik ng tanong sa kanya.
"I did." Napayuko siya. "He never said anything against me, but he changed a lot after that. So, I'm thinking if he has been just keeping all the anger to himself for the longest time. He became cold, stiff...he's not the same anymore. Well, not until these past few months which I would like to attribute to you."
Tumingin ako sa mga mata niya. "Tanggap po ni Maui na aksidente ang nangyari."
"Na mas lalong nakaka-guilty." Tumanaw siya sa malayo, sa direksiyon ng pintuan, at saka nagsimulang mag-kuwento, "Kate, his fiancee then, asked me for a favor to help him out with a surprise for Maui. But when we're on our way home, a trailer truck lost it's control and crashed on several cars, including the one we're in."
Nanatili akong nakatingin sa kanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"I still feel guilty even up to now. Because when you hold the steering wheel, everyone's lives inside that vehicle is in your hands. It's clear that I failed." Muli siyang tumingin sa akin. "At kagabi, muntik ko na namang ginawa. Sorry."
Umiling ako. "Aksidente po 'yong kay...kay Kate. Wala po kayong kasalanan. Sana patawarin niyo na po ang sarili niyo. Wala pong sama ng loob sa inyo si Sir Maui. Wala siya ni katiting na paninisi po sa inyo."
"He has always been like that. A kind, forgiving person." Napa-iling siya. "Naiisip ko tuloy na parang mas deserve niyo ang isa't isa, eh."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano iyong dumalaw na pakiramdam sa puso ko nang marinig na tila ba nais na niyang magbigay-daan sa kanyang pinsan. Panghihinayang kaya? Pero bakit?
Isang nagri-ring na cellphone ang nakapagpahinto sa usapan namin.
"S-sorry, sa akin po 'yon, Sir." Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Si Maui, tumatawag via Messenger.
"Sagutin ko lang po," pagpapaalam ko kay Sir Frank.
"Sure."
Tumayo ako at nagtungo sa sala upang sagutin ang tawag. Nahihiya naman kasi ako kung sa harap pa ni Sir Frank ko sasagutin iyon.
Nilingon ko siya noong nasa may sala na ako at nakita kong nagpatuloy na siya sa pagkain.
***
"Wow. Outdoor cinema!" Namangha ako nang makita ang isang malaking projector screen. Malapit naman sa kinatatayuan namin ay isang malapad na picnic mat ang nakalatag sa damuhan, kung saan naroon ang japanese style na lamesa at mga unan. Isang bucket na may yelo ang nakapatong sa gitna ng mababang mesa at naroon ang dalawang bote ng wine.
Naiilawan ang lugar ng mga vintage lamp posts sa paligid, at fairy lights sa punong nakayungyong sa picnic set-up. May mga talulot din ng rosas na sadyang ikinalat bilang disenyo sa paligid ng picnic mat.
"Did you like it?" tanong ni Maui sa akin.
Nagkasunod-sunod ang pagtango ko. "Oo. Ang ganda. Maraming salamat sa pag-imbita sa 'kin dito."
"Anything for you. Though I'm just glad that you appreciate simple things like this," aniya habang inaalalayan akong makaupo.
"Hindi na nga simple 'to, eh." Natawa tuloy ako nang bahagya, at siya rin.
"Ano pala ang papanoorin?" excited kong tanong.
"Squid Game," tugon niya.
"Seryoso ba?" Napatda ako. Hindi ko pa napapanood iyon pero nakikita ko sa mga FB posts kung tungkol saan ang series na binanggit niya. Parang hindi akma sa ambience ng lugar.
"Just kidding." Ngumiti siya. "You could choose. They got a list. Here."
Isang maliit na scrapbook ang iniabot niya sa akin. May mga pictures doon ng mga stills ng iba't ibang pelikula mula sa romantic hollywood classics at pinoy mainstream at indie romance movies.
"Ito na lang siguro." Itinuro ko iyong still photo ng Vince and Kath and James "Binabasa ko pa 'yong story nito dati sa FB pero hindi na 'ko nagka-chance mapanood 'tong movie."
"Sige." May tinawagan si Maui sa phone at maya-maya lang ay dumating na ang mga staff na mag-ooperate ng projector. May mga dumating din para mag-serve na ng pagkain.
Tahimik kami parehas ni Maui na nanonood nang mag-komento ako, "Ah, mag-pinsan pala diyan si Vince at James. Sa textserye kasi, mag-bestfriend sila do'n."
Sumakto pa talagang mag-pinsan, sabi iyon ng isang bahagi ng isip ko.
"Uhmm...okay lang ba 'to sa 'yo? Palitan na lang kaya natin? Baka 'di ka nag-eenjoy," suhestiyon ko.
"It's okay. I'm actually enjoying it," aniya. "Never seen Filipino movies for a long time."
"Ito na lang pong 100 Tula Para Kay Stella," patuloy akong nag-suggest. "O itong Hello, Love, Goodbye."
"Napanood mo na yata lahat 'yan, eh." Mula sa screen ay sa akin naman siya tumingin.
"P-puwede namang ulitin." Feeling ko kasi mas makaka-relate siya sa mga iyon kaysa dito sa pinapanood namin na ang babata ng mga bida.
"Ikaw ang bahala." Ngumiti siya. "Anong uunahin natin do'n sa dalawang sinabi mo?"
"'Yong kay Stella na lang muna. Maganda 'yan." Sa wakas ay pumayag siya. Nakaka-asiwa rin palang manood ng story line na halos parehas ng nagaganap sa akin sa tunay na buhay. Sa pelikula nga lang, maganda si Kath kaya natural na pag-agawan siya. Ako, ewan ko kung bakit.
Sa kalagitnaan ng panonood namin ay nagsalita si Sir Maui, "Hey, sweetheart. You seemed too carried away with what were watching."
Na-realize ko na kanina pa pala naka-awang ang mga labi ko habang nakatutok sa projector screen. Napatingin din tuloy ako sa kanya. Bumungad sa akin ang banayad niyang ngiti.
"You haven't touched your food yet," malumanay pa niyang paalala.
Sumulyap ako sa pagkaing nasa harap ko. Creamy garlic penne pasta iyon at at grilled caesar salad. Mukhang masarap ang mga nakahain pero tama si Maui, na-carried away na ako sa pinanonood namin.
"Kakain na po," pabiro ko na lang na sabi. Napangiti siya. Napansin ko rin na nasa kalahati na lang ang pagkain niya.
"Ang sarap nito, ah. Dinedma-dedma ko pa," sambit ko sa unang subo ng pasta.
Natawa si Maui. "Yeah, it is. Nagustuhan ko rin."
"Talaga? Hahanapin ko 'yong recipe nito. Parang madali lang, eh," masayang sabi ko. "Tapos, ipagluluto kita."
Lumapad ang ngiti sa mga labi niya. "Really? You know how to cook?"
"Hmm...sakto lang. Laman-tiyan na rin." Humagikgik kaming dalawa, pero hindi ko alam kung bakit si Sir Frank ang sumagi sa isip ko.
Maya-maya ay nagpatuloy na kami sa panonood at sa pagkain.
Noong nasa bahagi na ang pelikula na nagtatapat na ang mga bida sa isa't isa ng mga nararamdaman nila, pero kasal at buntis na rin noon si Stella sa ibang lalaki, namalayan ko na lang na tumutulo na ang luha ko. Noong una ko itong napanood, iniyakan ko rin ito nang ganito. Mapanakit naman kasi iyong mga batuhan ng linya. Mabilis kong pinahid iyon gamit ang likod ng aking palad, nang makita ko ang panyo na iniaabot ni Maui.
"Use this," aniya.
Kinuha ko iyon mula sa kamay niya. "Sorry, nakaka-iyak lang talaga."
Tila naaaliw na tumingin siya sa akin. "It's fine. They're great actors, anyway."
Pinunasan ko ng panyo niya ang mga natitirang luha sa pisngi ko. "Mas nakakaluha pa kasi 'yon bang mahal niyo naman 'yong isa't isa pero 'di tumutugma sa panahon, at kahit kailan, 'di na magtutugma."
"Well, they some sort of wasted time waiting for each other," seryosong saad niya. "So, that's the takeaway, you have to tell someone that you love them before it's too late."
Tumango-tango ako. "Totoo din naman 'yon. Pero kasi ilang beses naman nagtangka si Fidel na sabihin kay Stella 'yong feelings niya pero nata-timing na biglang in a relationship na naman si Stella."
"Then maybe they're not really meant to be." Marahan niyang kinuha ang panyo mula sa kamay ko at dahan-dahan pinunasan ang kaliwang pisngi ko. "There are still tears."
"Naku, salamat." Nahihiya man pero hinayaan ko na rin siya sa ginagawa niya.
Ngumiti siya. "No, thank you for coming into my life. You filled my darkest days with your light."
Napuno ng kaligayahan ang puso ko. Ang inakala ko noon na imposible, nangyayari na ngayon. Parang maiiyak na naman tuloy ako.
Hindi ko rin alam kung ano na lang ang hinihintay ko para gawin na itong official. Siguro dahil ito ang unang beses na makikipag-relasyon ako kung sakali, kaya may kaba, may alinlangan, may pangamba sa kung anuman ang maaaring mangyari.
Tamang pagkakataon. Tamang panahon. Ito siguro ang hinihintay ko.
***
"Were going back to Siargao, Florence."
Nag-angat ako ng tingin mula sa paglalagay ng mga dokumento sa lamesa ni Sir Frank nang sabihin niya iyon.
"In-approve na po ng mga Board ang resort, Sir?" Oo nga pala, Board Meeting pala kahapon. Nag-attend lang naman kasi ako noon dahil nga sa injured na paa ni Sir Frank. Pero dahil okay na siya, siya na ang um-attend kahapon.
Tumango siya.
"Congrats po!" masayang pagbati ko. "Magiging totoo na talaga 'yong mga nae-envision niyo na structure at ambiance ng resort. Hindi na plano lang o blueprint."
"But, it will not be named after you anymore," seryosong turan niya.
"Eh, okay lang po 'yon, Sir." Ngumiti ako. "Akala ko nga po ay hindi seryoso 'yon."
Tumayo siya sa kinauupuan niya. "You really don't take me seriously, do you?"
"Huh?" Napaatras ako sa kinatatayuan ko nang makita na tumigas ang ekspresiyon ng mukha niya, bagamat may lambong ng kalungkutan sa kanyang mga mata.
Naglakad siya patungo sa kinatatayuan ko. "What do I need to do? Tell me."
"Hindi ko po naiintindihan." Umiling ako.
Ngayon ay nakatayo na siya sa harapan ko. "Do you even believe that I'm into you?"
Hindi ako nakasagot. Napa-igtad ako nang hawakan niya ako sa magkabilang-braso. "Sir..."
"How do I prove myself to you?" tanong niya sa mahina at paos na boses.
"H-hindi ko po alam, Sir. K-kasi...kasi kung sasabihin ko sa inyo kung anong gusto ko, na dapat ganito at ganyan, 'di po ba parang dinidiktahan ko kayo no'n? At hindi po 'yon sincere," matapat kong wika. "Dapat ay mahalin po kayo ng isang tao bilang kayo."
Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakahawak sa akin. "I understand. Sorry. It's just kind of frustrating na parang 'di ko alam ang gagawin, o pakiramdam ko mali ang ginagawa ko."
Bahagya akong tumango bilang pagtanggap sa "sorry" niya. "Sir, palagay ko po ay walang eksaktong formula para mapa-ibig niyo ang isang tao kundi maging tapat. Maging tapat po kayo sa intensyon niyo, at higit sa lahat sa sarili niyo po."
"I am." deklara niya. "Though sometimes my guilty feelings eat me up."
"Guilty po kayo saan?" Kumunot ang noo ko.
"Kate died because I failed to protect her, and now Maui is moving on from what happened because of you." Napayuko siya. "At ito ako na imbis na hayaan ka na lang sa pinsan ko dahil ikaw ang nagpapasaya sa kanya, nakikigulo pa sa inyong dalawa."
Nanatili akong nakatitig sa kanya, hinihintay ang sunod niyang sasabihin.
"I thought about this a thousand times, thinking what I have for you will eventually pass. But it's just too strong, Florence. It's greater than the guilt I feel. It's damn larger than what I thought it is."
Tumatawid sa puso ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitiwan niya. Alam kong totoo ang sinasabi niya, dahil hindi man perpekto si Sir Frank, he is a genuine person.
"So, yeah, I'm going to make you love me for who I am."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top