THREE

"Umupo ka, Florence." Itinuro niya ang upuan sa tapat niya. Sinunod ko siya kahit kinakabahan ako.

"Are you scared of me?" tanong niya. Nahalata niya na yata na kabado ako.

Hindi ako nakasagot.

"Tinatanong kita." Medyo lumakas ang boses niya kaya mabilis akong napa-sagot ng "hindi po".

Umiling ako. "Kinakabahan lang po siguro ako."

"Bakit?" Parang natawa pa siya sa pag-amin ko.

"F-first time ko po," nabubulol pang tugon ko.

Ngumisi siya nang makahulugan. "Sabagay, nakaka-kaba nga 'pag first time."

"First time ko po sa ganitong klaseng trabaho," dugtong ko habang nagtataka kung bakit ganoon ang ngiti niya sa mga salitang "first time".

"Ilang taon ka na ba?" tanong niya. "Well, if you don't mind."

"Twenty-six po," sagot ko habang napapa-isip kung bakit kailangan pa niyang itanong.

"Talaga? Hindi ka mukhang twenty-six," sabi naman niya. "I thought you were younger."

Magpapasalamat sana ako dahil compliment naman iyon na maituturing, pero naunahan niya akong magsalita.

"May boyfriend ka?" tanong niya.

"Po?" Nagkamali yata ako ng dinig.

"Boyfriend," ulit niya.

"B-bakit niyo po gustong malaman?" Nagtaka ako kaya ako naman ang nagtanong.

Natawa siya. "Baka kasi may mga pagkakataon na kailangan nating mag-overtime. So, kung may susundong boyfriend sa 'yo, kailangan niyang maghintay. Ngayon pa lang sabihan mo na siya."

Ah, okay. Akala ko gusto niyang malaman kung single ba ako.

Ano namang paki niya kung single ka o hindi? Assumera! sabi ng isang bahagi ng isip ko.

"Wala po akong boyfriend." Inamin ko na, at mas lalo siyang natawa. Hindi ko alam kung bakit.

"'Yon naman pala." Ngumiti siya. "Gusto kong malaman kung bakit ka lumipat dito. Sabi mo kanina ay galing ka sa Accounting."

"Ahh...eh, 'yong totoo po, Sir, una pong dahilan talaga ay salary." Naisip ko na kailangang maging honest.

"Okay lang 'yan." Aniya nang siguro ay mapaghalataan niyang nahihiya akong aminin ang totoo. "May pinag-aaral ka bang kapatid?"

"Wala naman po. Solong anak lang po ako," wika ko. "Pero may hinuhulugan po akong bahay na ni-loan ko po sa Pag-IBIG."

"I see." Tumango-tango siya. "Anyway, in the next days we'll get to know each other better. You see, we're both new here, so I expect you to go out of your way to familiarize yourself with the work-around, since I'll be relying on you most of the time."

"I understand, Sir," determinado kong sagot. Iyon naman talaga ang balak kong gawin.

"Second, I expect you to come earlier than I do." Tumitig siya sa akin. "Ikaw ang una kong gustong makita sa pagsisimula ng araw ko."

Natigilan ako.

Umiwas ako ng tingin, para kasing hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Alam kong wala namang ibang ibig sabihin iyong huling pangungusap niya. Natural naman iyon dahil baka may kailanganin siya sa akin, tapos wala pa ako sa opisina. Pero sa hindi ko malamang dahilan, biglang sumikdo ang dibdib ko dahil doon.

"Okay po," sagot ko na lang.

"I hope we'll have a smooth working relationship, Florence," pahayag niya. "At sa pangalan na lang kita tatawagin, ha. Masyadong pormal ang Ms. Catacutan. Isa pa, hindi bagay sa 'yo ang apelyido mo."

Bumalik ang tingin ko sa kanya pero wala akong nasabi. Nagulat kasi ako sa komento niyang iyon. Pero siguro, kailangan ko nang masanay dahil mukhang walang pasintabi kung magsalita itong bago kong boss.

"'Yon lang naman muna," nagsalita ulit siya. "Ikaw, may tanong ka ba?"

"W-wala naman na po." Sinabayan ko iyon ng pag-iling."

"Alright, you may go. Pakitawag si Celine paglabas mo at papuntahin mo rin dito."

"Okay po."

Naglalakad na ako papunta sa pinto nang tawagin niya ako. Huminto ako at humarap sa kanya.

"Also, when I say lock the door, you just do it. Ayoko lang kasi na may maka-abala sa usapan natin. Expect that I'll be doing that also in my other meetings to come," pahayag niya. "Or when I'm doing something that requires my full concentration. So just call me up from the outside before letting someone in. Is that clear, Florence?"

Nahiya tuloy ako na naisip ko kanina na baka manyakin niya ako, kaya niya ipinasasara iyong pintuan.

At ito na naman ang kontrabidang bahagi ng aking isipan, Wow, ganda ka?

Tumango ako. "Yes, Sir."

***

"Tara, Florence, were going out for lunch," niyaya ako ni Kathryn.

"Naku, sorry, may baon ako," tugon ko. "Lalabas kayong lahat?"

"Yup. Wala na kasing nakakapag-baon sa 'min," si Nadine ang sumagot sa akin. "You know, in a hurry every morning."

"Ah, sige, sa pantry na lang ako." Ngumiti ako para iparating sa kanila na okay lang naman ako.

"Okay, see you later na lang," paalam ni Kathryn at lumabas na nga sila. Naiwan akong mag-isa sa office.

Napatingin ako sa saradong pinto ni Sir Frank. Wala kayang balak mag-lunch iyon? Katukin ko ba at yayain? Kaso baka naman nagpapahinga, mapagalitan pa ako.

Paano ba ang tamang approach sa ganito?

Ay, bahala na. Lumapit ako sa pinto at kumatok. Kung mapagalitan, eh 'di mapagalitan. Hindi ko na lang uulitin sa susunod.

"Sir..." tawag ko habang kumakatok. "Sir Frank..."

"Come in." Narinig kong sabi niya mula sa loob.

Binuksan ko ang pinto pero sumilip lang ako. "S-Sir, lunch na po."

Sumenyas siya na pumasok ako at lumapit sa kanya. Tumalima naman ako.

"Saan kayo magla-lunch?" tanong niya.

"Lumabas po sila, Sir. Ako po kasi, may baon," sagot ko at naisipan ko ring alukin siya, "Kayo po? Gusto niyo po ba magpa-order?"

"No need." Umiling siya. "I'm on this meal plan service and they deliver my meals everyday."

Tumango ako habang nag-iisip kung ano bang gagawin. "Parating na po ba?"

"Yeah. Jonel picked it up in the building lobby." Nag-de-kuwatro siya ng upo. Napapansin ko na mukhang mannerism niya iyon.

"Okay po. S-sige, Sir. Mauna na po ako kumain," paalam ko. "Ahh...bababa na lang po ako sa pantry sa 22nd floor."

"You know what, why don't you have lunch with me?" biglang tanong niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya.

***

"So, nagba-baon ka lagi?" tanong ni Sir Frank sa akin.

"Ah, opo. Mas matipid po kasi saka ipinagluluto talaga ako ng Mama ko," sagot ko habang nag-i-slice ng baon kong chicken tonkatsu.

Naisipan kong alukin siya, "Kuha po kayo, Sir."

"Sige lang. Thanks." Tumanggi siya. Napa-sulyap ako sa kinakain niya. Hindi ko alam kung ano iyon basta dilaw iyong kanin at iyong ulam na manok parang nilaga lang pero walang sabaw. Siguro may sinusunod na diet ito si Sir.

May sariling pantry pala dito sa loob ng OVPEA, doon kami sabay na kumain ni Sir. Dahil nga umalis lahat ng kasama namin, at si Kuya Jonel din ay sa labas kumain pagka-hatid ng pagkain ni Sir Frank, kaming dalawa lang ang naroon.

Tahimik lang kaming kumakain. Hindi ko rin kasi alam kung anong sasabihin ko, saka sa totoo lang medyo naiilang ako. Kahit na ba boss ko naman si Sir Frank at dapat masanay na akong kasama siya, ang posisyon niya dito sa kumpanya ay pangatlo na sa pinaka-mataas. Pagkatapos ng VP ay Presidente, at ang susunod ay CEO na. Tapos ay parehas pa niyang tiyuhin ang mga iyon.

"So, what made you stay here in this company for three years?" biglang tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot agad kasi nagulat ako. "Ahmm...masaya lang po talaga ako. Challenging po 'yong work, pero masaya po, kasi para po kaming pamilya doon sa Accounting."

"Ano 'yon, pagpasok mo dito, doon ka agad na-assign?" tanong niya.

"Yes po." Tumango ako.

"First job?" tanong pa niya.

"Hindi po." Nagkuwento na ako, "Ang una ko pong naging trabaho ay Data Analyst. Kaso, na-acquire po 'yong company namin ng iba pang company na mas malaki, then hindi naging smooth 'yong transition kaya ang dami pong naging floating status at isa na po ako doon."

"Kaya ka nag-apply dito?" tanong niya.

"Opo. Suwerte naman po na natanggap agad ako. Saka pa lang po ako nag-resign formally sa dati kong company. Doon pa lang din po nila ako in-offer-an ng permanent post. Hindi ko na po tinanggap kasi magsisimula na po ako dito," pagbabahagi ko pa.

"I see." Tumango-tango siya. "So, 'yong officemates mo sa previous mong department ang pupuntahan mo sana sa 22nd?"

"Ah, eh sana po," tugon ko. "P-pero okay lang naman po. Kung bumaba ako do'n, maiiwan ko po kayo mag-isa dito."

Ngumiti siya. "Eh, si Maui, kumusta naman sa inyo?"

"Po?" Narinig ko naman ang sinabi niya, nagulat lang talaga ako pagkarinig sa pangalan na iyon.

"'Di ba, siya ang VP for Finance?" pag-uusisa niya. "Sa hierarchy, siya ang pinaka-head mo, ninyo."

"Bihira po kasi namin makahalubilo si Sir Maui," sagot ko. "M-medyo tahimik lang po kasi siya, pero mabait naman po."

"Talaga?" Sa tono ng boses niya, mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit. Ayoko naman itanong.

At hindi ko rin alam kung anong isasagot sa sinabi niya.

"Ah, Sir, magka-kape po ako," sabi ko sa kanya nang matapos akong kumain. "Gusto niyo po?"

"Kape pagkatapos kumain?" Parang hindi siya makapaniwala.

Tumango ako. "Eh, opo. Masarap po mag-kape kapag busog."

"Damn. Mas masarap mag-yosi," natatawa niyang sambit.

"Hindi po ako naninigarilyo, Sir," sagot ko naman.

"Mukha namang hindi talaga. You seem like a good girl." Nakatitig siya sa akin. "Sige nga, pa-try niyang kape mo."

"Okay po." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para magsalang sa coffee maker. Pagpasok ko pa lang kanina sa pantry na ito ay nakita ko na agad iyon. Pakiramdam ko nag-korteng puso ang mga mata ko pagkakita sa kape at coffee maker - dahil coffee is life.

"'Yong timpla mo na, please," pahabol na sabi niya.

Buti na lang nakatalikod ako sa kanya, kung hindi, nakita niya kung paano ako natigilan sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salita. Parang hindi ko siya boss - para ngang ibang tao siya. Pagka-lambing ng bigkas.

"Sige po," tugon kong hindi pa rin bumabaling ng tingin sa kanya.

Pagbalik ko sa mesa ay dala ko na ang dalawang tasa ng kape na nakapatong sa saucer.

"Bango, ah," komento niya nang ilapag ko ang tasa na para sa kanya. "Thanks."

Nginitian ko lang siya at bahagya akong tumango. Umupo ako sa katapat na upuan.

"Ang sarap." Kakaupo ko pa lang nang magsalita siya. "Masarap gumising sa ganito kapag may hang-over ka."

"T-thank you po." Napa-ngiti ako nang alanganin. Natuwa naman ako na nagustuhan niya, pero nakaramdam din ng hiya.

"Salamat din. Nakaligtas ako sa isang stick ng yosi dahil sa kape mo." Naiiling siya pero nangingiti rin.

Nginitian ko na lang din siya bago ko hinigop ang kape ko.

***

Lumabas si Sir Frank mula sa loob ng opisina niya. May bitbit na laptop bag. Mukhang pauwi na. Nakauwi na rin ang halos lahat sa opisina dahil mag-a-alas sais na iyon ng hapon. Kami na lang ni Kimverly ang natira. Sinadya kong magpa-iwan, baka kasi may kailangan pa si Sir Frank sa akin. Saka pinag-aaralan ko rin ang mga files na ibinigay sa akin ni Miss Celine.

Huminto si Sir sa tapat ng lamesa ko. "Florence, anong schedule ko bukas?"

"Sir, bukas po ng morning, 10:00 A.M., may meeting po kayo with Mr. Cordero, and sa afternoon po, 2:00 P.M. ay with Mr. Chan naman po," sagot ko.

"Dito naman lahat 'yan, 'di ba?" tanong niya ulit.

Tumango ako. "Opo."

"Okay." Parang napapa-isip siya. "Kailan 'yong Virtual Anniversary Celebration?"

"Sa Friday pa po," sagot ko.

"Sige." Bahagya siyang tumango. "See you tomorrow, Florence."

"Ingat po," paalala ko. Kusa na lang lumabas iyon sa bibig ko.

"Ikaw din," pagkasabi niya noon ay lumakad na siya. Narinig kong nag-"bye" siya kay Kimverly nang magsabi ang huli ng, "Ingat, Sir." Noong marinig kong sumara na ang pinto, nagsimula na akong magligpit ng mga gamit.

"Nagco-commute ka lang?" tanong sa akin ni Kimverly. Paglingon ko ay nakatayo na pala siya sa likod ko.

"Oo. Sabay tayo? Saan ba ang way mo?" tanong ko din sa kanya.

Sinabi niya kung taga-saan siya, at alam ko ang lugar na iyon. Sinabi ko rin kung saan ang lugar ko. "Iisa lang ang way natin."

Nakita kong natuwa siya. "Taralets! Naku, buti na lang! Naiwan na tayo ng company service, eh. Teka, teka ha, C-CR lang ako."

"Sige lang."

Paglabas niya ng office ay ipinagpatuloy ko ang pagliligpit para pagbalik niya ay ready na ako.

***

"Alam mo naman siguro na mag-pinsan si Sir Maui at si Sir Frank, 'di ba?" tanong sa akin ni Kimverly habang nag-aabang kami ng bus.

Tumango ako. "Bakit?"

"Alam mo din ba na magkagalit 'yang dalawang 'yan?" Isa pang tanong.

"Ha?" Umiling ako. "Hindi, eh."

"Sabi na nga ba, eh. Mga tiga-Accounting huli talaga sa balita. Puro kasi financial statements kaharap niyo." Tumawa siya. "I-chika ko sa 'yo."

Pinara ko ang paparating na bus. Nakatingin kasi ako sa mga papadaang sasakyan habang nakikinig kay Kimverly. Naupo kami sa pangatlong upuan mula sa harap. Pagkatapos naming magbayad sa kunduktor ay ipinagpatuloy ni Kimverly ang ikinukuwento niya kanina.

"'Yon nga, going back, magkagalit si Sir Maui at si Sir Frank." May naisip siyang itanong, "Teka, ilang taon ka na ba sa company all in all?"

"Three years," sagot ko.

"'Yon na nga, 'di mo na siguro inabutan 'yong dating Sir Maui," sabi niya na parang may inaalala.

"Bakit, ano ba siya dati?" Bigla akong naging interesado.

"Hindi siya ganyan na suplado at tahimik." Siguradong-sigurado si Kimverly sa sinasabi niya. "Mabait 'yan, pala-ngiti, basta chummy siya with everyone."

"Weh?" Parang hindi ko makita si Sir Maui na ganoon. Simula kasi nang pumasok ako sa kumpanya ay tahimik na siya at hindi halos ngumingiti. Ayokong sabihin na suplado, feeling ko mabait naman talaga siya. Baka wala lang pagkakataon na maka-bonding namin siya o makausap during company events.

"Anong nangyari? Bakit siya nag-iba?" Inusisa ko si Kimverly.

"May jowa kasi 'yan si Sir Maui," kuwento niya. "Actually, ikakasal na nga sila. Kaso, na-aksidente si jowa."

"Tapos?" Kadalasan, hindi naman ako fan ng mga chismis na ganito, pero siguro, dahil nga crush ko si Sir Maui noon pa kaya gusto ko ring may malaman pa tungkol sa kanya.

"Nabangga 'yong sinasakyang kotse. Sadly, na-tegi si jowa, hindi nakaligtas. And guess what, sino ang kasama sa sasakyan nang ma-aksidente?" May pa-blind item pa talaga itong si Kimverly with a "v".

Parang alam ko na kung sino ang tinutumbok nito. "Si Sir Frank?"

"Tumpak!" Tumuro pa siya sa akin na akala mo host ng game show. "At 'yon ang reason kung bakit warla sila hanggang ngayon."

"Sinisisi ni Sir Maui si Sir Frank sa nangyari, ganoon ba?" konklusyon ko. "Tapos ang masama, siya ang nabuhay pero 'yong girlfriend ay hindi?"

"Kasama na 'yon, saka siyempre, dahil may relasyon sila," deklara ni Kimverly.

"Huh? Sinong may relasyon?" Naguluhan ako.

"Si Sir Frank at 'yong jowa ni Sir Maui!" Nagkibit-balikat pa itong kausap ko.

"Luh. Totoo?" Nagulat ako. "Paano mo nalaman?"

"Eh, kaya nga sila nagkagalit ni Sir Maui!" pag-iinsist niya.

"Magkasama lang sa sasakyan, may relasyon na?" pagtataka ko.

"Malamang! Anong ginagawa nila at ba't sila magkasama, aber?" Sure na sure naman itong si Kimverly. "Ano, naki-hitch lang? Galing pa nga sila sa isang five-star hotel bago nangyari 'yon, 'no."

"Naroon ka?" tanong ko.

"Gaga! Siyempre, wala!" Natawa siya nang malakas at hindi ko alam kung bakit, nagtanong lang naman ako. "Pero 'yan ang kumakalat na usap-usapan sa opisina noon pa."

"Ah, akala ko naroon ka mismo sa hotel na pinanggalingan nila," sabi ko naman.

"Tange, hindi." Tumatawa-tawa pa rin siya bago siya sumeryoso. "Kaya nga 'di agad naka-upo 'yan si Sir Frank as VP ng External Affairs, kasi iniiwasan niya talaga si Sir Maui."

"Hindi ba dahil nasa puwesto pa rin naman kasi 'yong tatay niya, si Sir Freddie?" tanong ko.

"Ano ka ba, dapat nga matagal nang nag-retire 'yon. Eh, kaso nga wala namang papalit sa kanya dahil hindi pa napag-isipan ni Sir Frank kung uupo ba siya o hindi," paliwanag ni Kimverly.

"Eh siguro, naawa na lang itong si junakis kay pudra dahil jonda na nga, no choice na siya kaya..." Naputol ang pagsasalita niya. "Ay, Florence! Dito na pala ako."

Tumayo na siya at nagtitili, "Manong, Manong, wait, Manong! Dito na po ako! Para po!"

Huminto ang bus at nagpaalam na siya sa akin, "See you tomorrow!"

"See you!"

***

"Kumusta sa bago mong opisina, anak?" tanong ni Mama sa akin habang pinagsasaluhan namin para sa hapunan ang niluto niyang sinigang.

"Okay lang naman po. Mukhang mababait naman po ang mga tao doon." Kumuha pa ulit ako ng kanin, ang sarap kasi ng sinigang ni Mama, tamang-tama lang ang asim at alat, sabayan pa ng sawsawang patis na may sili.

"Eh 'yong bago mong boss?" tanong niya. Alam ni Mama ang lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil close talaga kami. Bukod sa kaming dalawa lang talaga ang magkasama mula pa noon, itinuturing ko rin siyang "bestest friend" ko.

"Feeling ko mabait din naman po. Walang ere, kasabay ko nga po mag-lunch kanina." Kaso naalala ko bigla iyong mga kuwento ni Kimverly saka kung paano siya nagmumura paminsan-minsan. "Pero 'di ko pa rin po masabi."

Pagkatapos kumain ay si Mama na ang naghugas ng mga pinggan. Ako naman ang naglinis ng lamesa at nag-mop na rin ng konti sa kusina.

Dahil medyo maaga pa naman at hindi pa ako inaantok, binalikan ko iyong ginagawa kong oil pastel drawing. Scenery iyon sa probinsya namin na matagal na naming hindi nauuwian ni Mama - dalampasigan na may naka-daong na mga makukulay na bangkang pangisda.

Bukod sa wala kaming pera noon para maka-uwi sa amin, alam kong iniiwasan talaga ni Mama. Kasi hanggang ngayon, dinadala pa rin niya iyong mga naging panghuhusga sa kanya noong ipinagbuntis niya ako sa edad niyang labing-walo. Ang masaklap, hindi naman siya pinanagutan ng Papa ko, na hindi ko na nga nakilala.

Habang ginagawa ko ang drawing ay mahina kong pinatutugtog ang playlist ko ng BTS sa phone.

"'Cause I-I-I'm in the stars tonight..." Napapakanta na nga. "So watch me bring the fire and set the night alight..."

Ganadong-ganado na ako nang biglang mapalitan ang tumutugtog na Dynamite ng ring tone ko. May tumatawag pala.

Unregistered number. Sino kaya ito?

Tinanggap ko ang tawag. "Good evening. Sino po sila?"

Isang baritonong boses ang sumagot sa akin. "Hi. Ako 'yong ka-chat mo sa Tinder."

"Huh?" gulat na sabi ko. "W-wala po akong Tinder. Wrong number po kayo."

Tatapusin ko na sana ang tawag nang tumawa iyong nasa kabilang linya. Pamilyar sa akin ang tunog ng pagtawa niya.

"Joke lang," natatawa pa rin niyang sabi. "Si Frank 'to."

"Sir Frank?" paniniyak ko. Baka kasi kung sinong Frank at ma-prank ako.

"Uh-huh," sumagot siya. "Listen up, I have something to tell you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top