THIRTY-SIX

"Bakit po tayo nandito?"

Nagulat ako nang huminto ang kotseng sinasakyan namin ni Sir Frank sa harap ng gusali kung saan naroon ang opisina ng Bermudez Builders.

"You will know." Ngumiti siya. Kinabahan naman ako. Ganoon pa man ay tumuloy pa rin kami. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin na dito ang tungo namin. Basta sabi lang ay may pupuntahan. Akala ko naman ay kakain lang sa labas o may papasyalan. Madalas kasi ay ganoon siya kapag nagyayaya, hindi sasabihin kung saan para surprise daw.

Sa isang conference room kami dumiretso. Naroon at naghihintay ang dati kong boss na si Ms. Vicky at si Sir NMB na VP for Engineering.

"G-good afternoon po." Ako na ang naunang bumati pagkakita ko sa kanila. Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Sir Frank sa likod ko upang igiya ako patungo sa upuan.

"Good afternoon, Ms. Catacutan, Mr. Ledesma," si Ms. Vicky ang sumagot sa amin. "Please have a seat."

Nang magkakaharap na kami sa lamesa ay si Sir NMB na ang nagsimula ng pagpupulong. "First of all, Ms. Catacutan, please accept our sincerest apologies for firing you out without proper notice and due process. We acknowledge that what we did is a bad move and a mistake on our part, in an attempt to do a damage control."

"T-tapos na po 'yon, ang importante po ay nalaman na natin kung sino po ang may sala," wika ko.

"Mr. Mariano is a friend of mine, I never thought na gagawin niya 'yon, but yes, it was proven in the proceedings that he's the one behind what happened," tugon ni Sir NMB. "Again, our sincerest apologies to you."

"And also, to compensate for the damages, Florence, we are issuing you this check." Isang envelope ang iniabot sa akin ni Ms. Vicky. "The amount is your computed salary from the time we terminated your contract up until the case was resolved."

"That also includes the allowances and other monetary benefits you're supposed to receive within that period. Everything is free of tax except your salary," paliwanag pa ni Ms. Vicky. "The computation is also inside that envelope. If you have further questions, you could call our HR up."

Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang amount na nasa cheke. Higit dalawang milyon! Nang mag-angat ako ng tingin ay naglipat-lipat iyon sa mga kasama ko sa pagpupulong. "Ang laki naman po nito."

"I personally think na kulang pa nga 'yan," ani Sir Frank. "But anyway, it's the amount we all compromised for."

Kulang? Ngayon nga lang ako naka-hawak ng ganito kalaking halaga sa tanang buhay ko.

"O-okay na po 'to, Sir. Hindi ko nga po alam kung paano ko 'to tatanggapin," hindi pa rin makapaniwalang sambit ko.

"I told you." Tumingin si Sir Frank kina Sir NMB at Ms. Vicky. "My future wife right here is very unassuming."

Kung nabigla ako sa halagang natanggap ko, ikinagulat ko rin na tinawag niya akong "future wife" sa harap ng ibang tao. Nakita kong napangiti si Ms. Vicky - na hindi ko yata nakitang naka-ngiti ni minsan noong nagta-trabaho pa ako dito.

"Ang gusto ko pong malaman ay kung anong eksaktong nangyari," sabi ko sa kanila.

"Well, apparently, Mr. Mariano couldn't come up with a plan in time with the media launch, despite that he was given the best people as team members," salaysay ni Sir NMB. "So, he connived with Ms. Carbonel to get LDC's design. If in case LDC won't react, he could get away with it. If in case LDC would appeal, Alam nilang ikaw ang mapagbibintangan."

"Pero bakit po gagawin ni Kimverly 'yon?" tanong ko. Ang sinasabi nilang Ms. Carbonel ay si Kimverly nga.

"There's no money involved, in all fairness to Ms. Carbonel," sagot ni Ms. Vicky. "Maybe, she did it out of love for Mr. Mariano. Because, reportedly, they are a couple. Pero bandang huli, out of conscience, umamin din si Ms. Carbonel na siya ang nag-leak ng design model."

Tumango-tango ako. Tama ang kuwento ni Eya sa akin noon. Nagtanong pa ako ng iba pang mga bagay tungkol sa nangyari, at matiyaga naman nilang sinasagot ang mga iyon.

"There's also one person who believed you couldn't do such a thing," sabi pa ni Ms. Vicky. "She actively participated in the investigation."

"Sino po?" Nagtaka ako.

"Ms. Yulia Vergara," tugon ni Ms. Vicky.

"Si Yulia!" nasambit ko. Mula noong umalis ako patungo sa Dubai ay nawalan na rin ako ng balita sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung saan ko siya hahanapin. Hindi ko siya makita sa kahit anong social networking site. Wala naman kasi akong ibang naging kaibigan dito sa Bermudez bukod sa kanya kaya wala rin akong mapagtanungan.

"N-nandito po ba siya ngayon?" tanong ko pa.

"Unfortunately, she died in a road accident a few months ago," malungkot na sabi ni Ms. Vicky.

"Ha?!" Kasabay ng nakagugulantang na balitang iyon ay bumagsak ang mga balikat ko.

***

"You remember the news way back? When a ten-wheeler truck crashed into several cars, public utility jeepneys, and a motorcycle?" Naramdaman kong lumapat sa balikat ko ang kamay ni Sir Frank. "Unfortunately, it was Ms. Vergara's motorcycle."

Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa puntod ni Yulia. "Oo, n-nabalitaan ko 'yon noong nasa Dubai pa 'ko. Pero hindi ko alam na isa siya sa mga namatay doon."

Nagtirik ako ng kandila at nag-alay ng mga bulaklak. "Sorry, Yulia. Nanghihinayang ako kasi 'di tayo nabigyan ng chance na magkasama nang matagal at maging mas malalim pa ang pagkakaibigan. Pero alam ko noon pa na mabuti kang tao. Maraming, maraming salamat."

Lumingon ako kay Sir Frank, "S-saan po ba nakakulong si Kimverly?"

Napatitig siya sa akin. "Gusto mong pumunta?"

Tumango ako. "Oo sana."

"Alright, we'll go there." Masuyo siyang ngumiti.

"Kahit ako na lang po, basta malaman ko lang kung saan," sabi ko naman. "Nahihiya na po ako sa inyo, eh. Mula yata noong dumating ako, sinamahan niyo na 'ko sa lahat. Naaabala na po kayo."

"Who told you?" Ngumisi siya. "Pabor na pabor nga sa 'kin."

"Pero Sir..."

"Ssshh..." awat niya sa sasabihin ko. "Kailan mo ba ihihinto 'yang pagtawag mo sa 'kin ng "Sir"? Hindi mo na 'ko boss, Florence."

"Sorry, nakasanayan na po kasi." Alanganing napangiti ako. "Parang ang awkward po kasi kung first name lang."

"Sige, kung ayaw mo ng Frank, "baby" na lang." Kumindat siya.

"Hala siya." Natawa ako. "Tama na po, Sir, baka nagki-cringe na sa atin 'to si Yulia. Dito pa po talaga tayo nag-ganyanan sa harap ng puntod niya."

Tumawa rin siya. "Eh, magpaalam ka na. Then let's go to Kimverly afterwards."

Muli ay bumaling ako sa himlayan ni Yulia at umusal ng maikling panalangin sa isip ko. Matapos ay lumakad na kami ni Sir Frank patungo sa kinapaparadahan ng kotse niya.

***

"Florence..."

Bumalatay ang gulat sa mukha ni Kimverly nang makita niya ako sa visitor's area. Tila nahihintakutan siyang lumapit sa akin kaya nginitian ko siya. Saka lang siya naupo sa katapat na upuan.

"K-kailan ka pa dumating?" tanong niya.

"Magti-three weeks na rin akong nandito," tugon ko.

"Ikaw lang mag-isa?" Tumingin pa siya sa paligid.

"Nasa labas si Sir Frank. Doon na lang daw siya maghihintay," paliwanag ko. "Sinamahan niya kasi ako papunta dito."

"Mabuti naman. Nahihiya ako sa kanya, nahihiya ako sa lahat," pagtatapat niya. "Lalong-lalo na sa 'yo."

Ginagap niya ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa, matapos ay napasubsob siya doon at tuluyan nang humagulgol. "Sana...sana mapatawad mo 'ko, Florence."

"Kim..." Hinaplos ko ang buhok niya. "Tahan na."

Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa akin. "H-hindi ka ba galit sa akin?"

"Hindi ko alam kung nagalit nga ba ako." Kasabay noon ay inalala ko kung anong naramdaman ko noong unang ibinalita ni Eya sa akin na may kinalaman nga si Kimverly sa nangyaring leakage. "Nadismaya ako. Kasi itinuring kitang kaibigan. Nasaktan, kasi hindi ko akalain na sa lahat ng tao sa LDC, ikaw ang gagawa no'n sa akin."

Lalo siyang napa-iyak. "Patawarin mo 'ko. Dahil sa 'kin kaya nasira ang relasyon niyo ni Sir Maui. Buong akala niya ay ikaw talaga ang nagbigay ng disenyo sa kalaban."

Umiling ako. "Pero dahil sa nangyari, nakita ko kung sino ang mga totoong nagmamahal sa 'kin."

Hindi ko alam kung bakit pero tila nagulat siya sa sagot ko.

"Kaya sana mahanap mo rin balang-araw 'yong magmamahal sa 'yo ng totoo. 'Yong igigiya ka sa kabutihan at hindi sa paggawa ng masama. 'Yong aalagaan ka, po-protektahan. Hindi 'yong siya pa mismo ang magpapahamak sa 'yo," sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya kahit hilam pa rin sa luha ang mga mata. "Ngayon alam ko na rin kung bakit maraming nagmamahal sa 'yo."

Nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa kanya.

"Kasi napaka-buti ng puso mo. Mas lalo tuloy akong nanliliit, nahihiya ngayon, dahil ikaw pa ang...ang naperwisyo sa ginawa ko." Humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko.

"Hindi. Okay lang ako. Ang pinaka-naapektuhan ay ikaw kasi ikaw ang nandito," wika ko na ang tinutukoy ay ang pagkaka-kulong niya.

"Okay lang din ako dito. Ang importante sa akin ay ang mapatawad mo 'ko." Napa-hikbi siya.

Tumango ako at ngumiti. Naintindihan ni Kimverly ang sagot ko sa paghingi niya ng tawad. Tumayo siya upang lumipat sa tabi ko. Nang maka-upo ay niyakap niya ako nang mahigpit. "Thank you, Florence. Thank you. Haharapin ko 'tong consequence ng ginawa ko nang mas may luwag sa dibdib kasi nakapag-usap na tayo nang ganito. Salamat talaga."

Niyakap ko siya pabalik at doon siya lumuha nang lumuha sa balikat ko. Hinayaan ko lang na gawin niya iyon hanggang sa pakiramdam niya ay tuluyan niya nang mapalaya lahat ng sakit at pagsisisi na nasa kanyang puso.

***

"Naku po, ito na naman ang chopper na 'to." Napa-antanda ako ng krus nang makita ang sasakyang-panghimpapawid na iyon.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Frank dahil sa reaksiyon ko. "Sige, sa'n mo mas gustong sumakay? Diyan o sa 'kin?"

"Ano po?" Nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya.

"Wala. Sabi ko, I love you." Kinindatan niya ako. "Come on, get inside now."

Inalalayan niya ako upang makasampa sa chopper. Tapos ay sumunod na rin siya at naupo sa tabi ko.

Napahugot ako ng malalim na paghinga nang magsimulang suma-himpapawid ang chopper.

Life is short to live in fear.

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Maui noong nag-usap kami. Napagtanto ko na hindi lang iyon sa pag-ibig maaaring i-apply kundi sa lahat ng aspeto ng buhay.

"Close your eyes if you don't wanna see it," mahinang sabi ni Sir Frank sa likod ko. Nakatingin kasi ako sa kabilang direksiyon, tinatanaw ang bughaw na langit at mga ulap.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. "Maganda naman 'yong langit."

"Well, I thought you would like to lie down on my shoulder," malambing niyang sabi. "Just like before."

Napa-ngiti ako. Ilang beses ngang nangyari iyong nakatulog ako sa balikat niya - nang hindi sinasadya.

"Uhmmm...Sir, may tanong po pala ako," kapagkuwan ay panimula ko.

"'Pag nasagot ko ba ng tama, may premyong kiss?" Ngumiti siya nang mapanukso.

"Hala, Sir. Hindi, seryoso po 'to," wika ko bagamat natatawa rin ako sa sinabi niya.

"Okay, shoot. What is it?" Tumitig siya sa akin.

"Alam ko po na LDC mismo ang nag-kaso kina Kimverly at Mr. Mariano. Pero paano po 'yong part ko doon sa resolution ng case? 'Yong statement ko po? Hindi na po ba kinailangan 'yon?" Sinalubong ko ang tingin niya.

"Hmmm...it's important, of course. I took care of it, don't worry," paniniyak niya sa akin.

"Bakit po walang nakakarating sa akin na balita habang umuusad po 'yong kaso?" muli kong tanong.

"Honestly, I don't know. Maybe Mama doesn't want to add up to your stress while you're away," tugon niya.

"Alam ni Mama lahat ng nangyayari?" Nagulat ako nang malaman iyon.

Umiwas siya ng tingin na tila ba nahihiya at ayaw na sanang sabihin sa akin ang bagay na iyon. "I keep your family updated from time to time."

Lalo naman akong napatitig sa kanya. Iyon pala ang rason kung bakit tila malapit siya kay Mama at maging kina Tita. May komunikasyon pala sila kahit wala ako.

"Don't look at me like that, future wife." Hinimas niya ang baba niya habang hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Magpapasalamat lang po ako," wika ko. "Feeling ko po kasi, hindi lang basta ina-update niyo 'yong mga kapamilya ko kundi inaalagaan niyo rin sila at 'di itinuring na iba. Ramdam ko lang po. Kasi welcome na welcome ka sa kanila, eh."

Noon lang siya tumingin sa akin. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na matitigan siya sa mas malapit. Hindi ko maitatanggi, guwapo talaga siya. Minsan din niyang pinatibok ang puso ko, niyanig ang mundo ko. Hindi nga ba at kaya ako umalis sa LDC noon ay dahil pakiramdam ko ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya?

Ang totoo ay hindi naman iyon nawala, dahil ganoon pa rin ang naramdaman ko nang makita ko siyang muli, noong nagtungo siya sa Dubai. Sadya lang napakaraming nangyari kaya hindi naging prayoridad ang pag-ibig.

Lumapag ang chopper sa designated na helipad malapit sa dalampasigan. Kahit may mga nabago na dahil may mga istruktura nang nakatayo, makikilala ng puso ko ang lugar na ito.

Nasa Siargao na kami.

"Ito na talaga 'yon. Dati, plano niyo pa lang po 'to," manghang sabi ko habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng lugar. "Ang galing."

Ang mga villa ay malalaki at tila modernong bersyon ng bahay kubo. Ang mga bubong ay gawa sa pawid, sawali, at iba pang native materials, habang ang pinaka-base naman ay konkreto. Maging ang mga dekorasyon at accents ng villa ay mga local materials din. Ang pathwalk sa pagitan ng bawat villa ay gawa naman sa kawayan at nakalatag iyon sa luntiang damo.

"Come, I'll show you something," aniya. Nagsimula kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang villa. Nahahalintulad iyon sa istilo ng bahay noon dito ni Tatay Gabriel. May balkonahe rin. Naalala ko tuloy noong gabing hinarana ako ni Sir Frank dito. Ngayon nga lang, may jacuzzi na sa espasyong iyon at hanging egg chair na pang-dalawahang tao. May mga throw pillow at cushion din iyon para mas komportable ang mauupo.

"Parang iba po 'yong itsura nito kaysa sa ibang villa na nadaanan natin. Pero ang ganda rin po."

Ngumiti siya. "Let's get inside."

Nagtataka man kung ano ang ipakikita niya sa loob ay sumama pa rin ako. Nang binubuksan niya ang pinto ay saka ko lang napansin ang wooden door sign na nakasabit doon.

Florence Ville.

Pangalan ko?

"You know that I was not allowed by the management to use your name for the whole resort, so I just named this villa after you," paliwanag niya na tila nabasa ang iniisip ko.

Nang tuluyang mabuksan ang pintuan, tumambad sa akin ang kaparehong istilo ng bahay noon ni Tatay Gabriel. Itong-ito talaga. Mas lumuwag lang ang espasyo, at nadagdagan ng ibang mga gamit. Ang disenyo ay naaayon na rin sa tropical theme ng villa. Pero ang puwesto ng sala, kusina, at pinto ng mga kuwarto ay ganoon pa rin.

"Remember that you requested to preserve Mr. Cabrera's house in the process of construction? So here it is," eksplika niya, "We just made some adjustments."

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Naaalala kong sinabi ko nga iyon noon, pero hindi ko akalaing tototohanin pa niya iyon.

"Matutuwa 'yon si Tatay kapag nakita 'to. Salamat, Sir!" masayang sabi ko.

Ngumiti siya. "Anything for you. May ipakikita pa 'ko sa 'yo."

Sumunod ako sa kanya nang lumakad siya patungo sa back door. Walang ganitong bahagi ang bahay na ito noon, marahil ay isa ito sa mga idinagdag.

Maliit na hardin ang bumungad sa amin nang buksan niya ang pintuan patungo sa likod-bahay.

"Hala, ang ganda," nasambit ko. Puno iyon ng mga sunflowers at daisies, at may pavement din na gawa sa kawayan patungo naman sa isang duyan na gawa sa kahoy.

"Naaalala ko 'yan!" Itinuro ko ang duyan na iyon. "'Yan 'yong ginawa niyo po mismo!"

Nakita ko sa mukha niya na parang naaaliw siya sa mga reaksiyon ko. Natutuwa lang talaga kasi ako na maski ang duyan na iyon ay na-preserba. Nakapanghihinayang naman kasi kung sisirain na lang din iyon habang ginagawa ang resort, eh pinaghirapan niya iyon.

Para sa 'yo, sigaw ng isang bahagi ng isip ko.

Magkatabi kaming naupo sa nasabing duyan. Napaka-nostalgic ng pakiramdam. Parang ibinalik kaming dalawa sa panahon na nanunuyo pa lang siya sa akin. Hinarana pa nga niya ako noong gabing iyon.

Parang maiiyak ako na hindi ko maintindihan. Nakaka-overwhelm. "Thank you po. Lahat ng hiniling ko sa inyo noon tungkol po sa resort na 'to ay tinupad niyo."

"Hanggang ngayon ba naman nagdududa ka pa rin kung gaano ka kalakas sa 'kin?" Ngumiti siya.

"Minsan kasi parang 'di naman po kayo seryoso," sabi ko naman sa kanya. "Lagi na lang po kayong nagbibiro, nangungulit."

Tumawa siya. "Hindi kasi talaga ako marunong manligaw, eh. Sorry. Ang alam ko lang, lahat ng gusto mo, gagawin ko talaga."

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha. "If you walk away from me, I'll follow you wherever you may be, just to be with you again."

Tumitig siya sa akin. "As long as we're under the same sky, as long as we share the same air, Florence, I won't give up until you love me too."

"Naniniwala ka talaga na meant to be tayo?" natutulalang tanong ko. Puno ng kaligayahan ang puso ko mula sa mga tinuran niya.

"Oo," siguradong-sigurado ang sagot niya. "Hindi puwedeng pinagtagpo tayo ulit ng tadhana after ng car show na 'yon tapos, wala lang ibig sabihin 'yon? No, I'm not buying that. Tayo ang para sa isa't isa, maniwala ka."

Napangiti ako. Ibang klase ang kumpiyansa ng lalaking ito. Hindi basta-basta matitinag o mapapasuko. Naniwala nga siya na wala akong kinalaman sa design leakage kahit halos wala nang naniniwala sa akin, at napatunayan namang tama siya.

Nagulat ako nang kumilos siya at lumuhod sa isang tuhod sa harap ko. Ginagap niya ang mga kamay ko na nakapatong sa kandungan ko.

"Pumayag ka na kasing maging wifey ko." Unti-unting sumilay ang isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. "Promise, aaraw-arawin talaga kita."

"Huh? Araw-araw po na ano?" pagtataka ko.

Pinigilan niyang matawa bago sagutin ang tanong ko. "Araw-araw mamahalin."

Napanguso ako. Pakiramdam ko kasi may iba pang kahulugan iyon dahil hindi maalis-alis ang nakalolokong ngiti na nakapagkit sa mga labi niya. Natawa na talaga siya nang tuluyan dahil sa naging reaksiyon ko.

Sinubukan ko siyang tuksuhin, "Hmmm...inaalok mo 'ko ng kasal, wala ka namang singsing na dala."

"Who told you?" Mula sa pagkakaluhod ay may sinusubukan siyang dukutin sa bulsa sa likod ng pantalon niya.

Natigagal ako nang ilabas niya mula roon ang isang maliit na kahong kulay pula. "Matagal na 'kong handa. Matagal na kitang hinihintay."

Binuksan niya iyon. Isang princess cut diamond ring ang nilalaman ng kahon at ang mismong singsing ay napalilibutan ng malilit na studs na gawa rin sa diyamante.

Mula roon ay lumipat ang tingin ko sa kanyang mukha. Tumitig siya sa akin ng may buong pagmamahal at katapatan. Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon, pero iyon ang nakikita ko sa kanya. At, sigurado na ako, ganoon din ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Pakisuot mo na sa 'kin." Inilahad ko sa kanya ang kamay ko at ngumiti. "Baby."

Hindi siya makapaniwala. Muntik na nga akong natawa sa hitsura niya. "Wait. What? So...you're saying you are...?"

"Yes." Pinutol ko ang sasabihin niya. Tumango ako habang nakangiti pa rin.

"Oh...good Lord." Alam kong hindi niya maapuhap ang mga tamang salita. Isinuot niya ang singsing sa daliri ko at kinintalan ng maliliit na halik ang likod ng palad ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod, at ako naman sa pagkakaupo.

"I can't believe this." Kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap. "I love you, Baby. My wife-to-be."

Niyakap ko siya pabalik ng buong higpit. "I love you too."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top