THIRTY-NINE
"Condolence."
"Nakikiramay kami sa nangyari."
"Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta."
Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa nga ang pamumugto ng kanyang mga mata. Hindi ko niyaya ang asawa ko, ni hindi ko nga malalaman ang nangyari kung hindi niya sinabi sa akin. Siya ang kusang nagsabi sa akin na pumunta kami bilang respeto sa kanyang tiyuhin.
At iyon ang unang beses na nagkita kaming lahat matapos ang mga nangyari. Malungkot, dahil sa isang lamay pa kinailangang mangyari iyon
"By the way, this is Jaz, my wife." Ipinakilala ni Maui sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Artistahin talaga. Kutis-porselana, sobrang tangos ng ilong at parang anghel na bumaba sa langit.
Hindi ko magawang magalit sa kanya kahit noon pa, dahil wala naman siyang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Maui noon.
Naaalala ko, noong ikinasal kami ni Frank, nagkataong nasa America naman sila ng mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui.
"Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin ako ni Jazbel. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga.
"N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami.
"I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fitting sa moment, eh," aniya noong kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. "Maybe we could talk about those over coffee, some other time."
Tumango ako at ngumiti. Si Jazbel Navarro ito! Award-winning actress at isa sa mga pinakamagagandang aktres ng kanyang henerasyon. Niyayaya akong mag-kape! Wow lang talaga. Nakamamangha. Kung hindi lang lamay itong pinuntahan namin, yayayain ko talaga siyang mag-selfie.
Napag-usapan namin ang tungkol sa nangyaring atake sa puso kay Sir Tony. Noong unang beses ay nakaligtas pa pala ito, ngunit noong ikalawa ay tuluyan nang sumuko ang katawan nito.
Pero, nabanggit sa akin ni Frank noon pa, na bukod sa iniindang sakit sa puso, lulong talaga si Sir Tony sa sugal. Kaya sa ibang bansa ito naglalagi para sa pagpapa-rehab. Hindi ko naman na kinumpirma iyon kay Maui. Naniniwala naman ako sa asawa ko.
Matapos ang ilang oras na pananatili sa lamay at palitan ng mga istorya, nagpalaam na rin kami ni Frank kay Maui at sa kanyang pamilya. Minsan ko rin silang nakasama sa ilang pagkakataon at sa lahat ng panahon na iyon ay naging mabuti naman ang pakikitungo nila sa akin.
Isang bagay ang napagtanto ko nang makita kong muli si Maui at ang babaeng pinakasalan niya, iyon ay kung anuman ang nararamdaman ko sa kanya noon, tuluyan na ngang naglaho iyon.
"Don't look at me like that, Baby," babala ni Frank sa akin. Napansin pala niyang nakatingin ako sa kanya kahit nagmamaneho siya at nakatuon ang mga mata sa kalsada.
"I'll stop this car to make love to you right now, I'm telling you. Hindi pa naman natin nagagawa 'yon."
"Hala siya. Naiisip ko lang naman kung gaano kita kamahal," pagtatapat ko. "Sa bahay na tayo mag-ano. Promise, performance level ako ngayon."
Humagalpak siya ng tawa. "What? Since when did you learn to talk dirty like that?"
"Tingnan mo 'to, sinusubukan ko maging seductive tapos tatawanan mo 'ko." Lumabi ako. Lalo lang siyang natawa.
"You are seductive, Baby. Effortlessly seductive." Sumulyap siya sa akin bago muling tumutok sa daan. "But let's rather not talk about it now at baka hindi na ako makapagpigil na umabot tayo sa bahay."
Nagkatawanan kaming dalawa. Nasasanay na rin ako sa kapilyuhan niya, at maging sa pagiging bukas niya sa mga sekswal na usapan. Ang totoo, mas nakilala ko ang pagiging babae ko dahil sa kanya. Noon naman kasi, wala sa isip ko ang mga bagay na may kinalaman sa seksuwalidad ko.
Laging niyang ipinararamdam sa akin na maganda ako at kaakit-akit. Sa totoo lang, dahil doon ay tumaas rin ang kumpiyansa ko sa aking sarili. Alam ko na hindi dapat naka-depende sa ibang tao ang self-confidence pero hindi ko talaga maitatanggi na malaki ang naging papel ng asawa ko sa pagbuo ko nito.
Kaya talaga, susuklian ko lagi siya ng performance level. Joke lang. Siyempre, kundi ng suporta at pagmamahal sa kanya.
"'Nga pala, uuwi ba tayo agad ng bahay? 'Di ba bawal 'yon kapag galing sa patay?" Naalala ko ang pamahiin.
"Why? What's wrong with that?" Naku po, hindi pala niya alam ang tungkol doon.
"Kasi, ang sabi nila, kapag dumiretso ka sa bahay, susunod 'yong kaluluwa sa 'yo. Kaya dapat dumaan ka muna sa ibang lugar," paliwanag ko. "May baby pa naman tayo sa bahay. Mahirap na."
I gave birth five months ago to a bouncing baby girl. Ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos sa aming dalawa ni Frank - si Franchesca.
Hindi na namin isinama si Franchesca sa lamay dahil ayoko rin muna siyang ma-expose sa maraming tao bilang pag-iingat. Iniwan muna namin siya kay Mama, at iyon, wiling-wili naman siyang alagaan ang kanyang apo. Sila ni Tita Tasing.
"Fine. Wala namang mawawala if we believe, so let's pass by Á la Prochaine first." Ngumiti si Frank.
***
There's something about the way you smile at me
It takes me higher everytime
I never thought I would end up like this
Happy all the time
All the time
Pinaunlakan ni Frank ang pambubuyo ng mga crew ng restaurant, na siya mismo ang may-ari, na mag-perform sa harap ng mga customer ng gabing iyon. Kaya iyon, naroon siya ngayon sa entablado, umaawit kasabay ng pagtugtog ng gitara.
I got you now
You're all that I ever wanted
I got you now
You're all that I ever needed
Nagkatitigan kami at namalayan ko na lang na unti-unti kaming napangiti sa bawat isa. Naalala ko kasi noong unang beses niya akong inalayan ng kanta, ang lungkot noon. Sa Siargao pa iyon, eh. Noong hinarana niya ako sa bahay nina Tatay Gabriel.
I got you now
I never thought I'll find you
Here in my heart...
Ngayon, masaya na ang mga liriko ng awitin niya. At tulad nga ng sinasabi nito, hindi ko akalaing matatagpuan pa namin ulit ang isa't isa matapos ang mahabang panahon mula noong engkuwentro namin sa car show. Pero siguro nga, nakatadhanang mangyari ang lahat.
"Someday, someone will walk into your life and make you realize, why it never worked out with anybody else," pagbabahagi ni Frank matapos ang kanyang pag-awit na umani ng palakpak mula sa mga manonood. "In my case, I have stumbled a lot in love and relationships, but see where I am now, happy and contented with my wife."
Napatingin tuloy sa gawi ko ang mga tao sa resto. Sa direksiyon ko kasi si Frank nakatingin habang nagsasalita.
"I love you, Mrs. Ledesma. I got you here in my heart, always."
xxx END xxx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top