THIRTY

"It's already all over social media." Humugot ng malalim na paghinga si Maui. "Of all people, it didn't even cross my mind, not even once, that you will do this to us."

"Hindi talaga ako, maniwala ka sa 'kin," paki-usap ko. "Mismong ako ay nagulat kung paanong napunta ang design sa Bermudez."

"If it's not you, then who?" Nagsalubong ang mga kilay niya.

"H-hindi ko alam. Wala...wala akong idea. Hindi ko pa n-nakausap 'yong...'yong manager ng project na 'yon." Nagkandautal-utal ako sa pagsasalita, dulot ng takot sa galit na ekspresiyon ni Maui, at sa kaalamang tila hindi siya naniniwala na wala akong kinalaman sa nangyari.

"I don't think I could trust you now," matigas na sabi niya.

"Pero ang sabi mo sa 'kin, may tiwala ka sa 'kin," halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salita gawa ng pagtitimpi ko na mapaluha. "Na kahit anong gawin ko, hindi ka nangangamba dahil may tiwala ka."

"But that was before." Tumitig siya sa akin, may diin ang bawat salita. "Magkano, Florence? How much did it cost for you to betray not just me but my family?"

Natigilan ako sa narinig ko mula sa kanya. Tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sa 'kin?"

Nakita ko ang bahagyang paglambot ng ekspresyon ng mukha niya. Hinihintay ko siyang magsalita, pero wala siyang sinabi.

"Sana lang talaga may natanggap akong malaking halaga sa nangyaring 'to." Pinalis ko ng likod ng aking kamay ang mga luha ko. "Para naman deserve ko 'yang galit mo."

Tinalikuran ko na siya bago pa ako tuluyang mapahagulgol sa harapan niya. Dumiretso ako sa sakayan ng bus habang pigil na pigil pa na mapa-iyak.

Ano bang nangyari? Bakit naging kasalanan ko na ito? Samantalang ako mismo ay nagulantang sa mga naganap.

Ang mas masakit, ang pinaka-unang tao na alam kong maniniwala, ay siya pang unang tumalikod sa akin. Naiintindihan ko na dismayado siya. Pero para akusahan niya ako na tumanggap ako ng malaking halaga kapalit ng pagsabotahe sa plano ng LDC, sobrang sakit sa kalooban. Parang pinipiga ang puso ko.

Sumakay ako sa humintong bus sa tapat ko. Ni hindi man lang ako pinigilan ni Maui. Hinayaan niya lang talaga akong makalayo, na umuwi nang mag-isa. Nauunawan ko, galit lang siya. Marahil bukas, huhupa rin iyon at mas makapag-uusap kami ng maayos. Baka pakikinggan niya na ako. Baka maniniwala na siya sa akin.

***

"Okay ka na ba, Florence?"

Napalingon ako sa nagsalita habang naglalakad ako sa hallway. Si Ms. Vicky pala.

Huminto ako sa paglalakad upang magkapantay kami, bago ko sinagot ang tanong niya. "Good morning po. O-okay naman na po."

"Bakit ka ba nahimatay kahapon? May sakit ka ba?" tanong niyang walang kangiti-ngiti, bagamat bakas sa boses ang concern. Marahil talagang ganito lamang siya.

"W-wala po." Umiling ako. "P-pero puwede ko po kaya kayong maka-usap?"

Saglit niya akong tinitigan, wari'y inaarok kung ano nga kaya iyong sasabihin ko. "Sige, doon tayo sa opisina ko."

Sa pagkakataong ito ay nauna na siyang lumakad at sumunod ako. Pagdating namin sa opisina niya ay kagyat siyang nagpahanda ng kape at ham and cheese croissant kahit na tumanggi ako.

"Tungkol ba saan itong sasabihin mo?" tanong niya nang maidulot na ang mga pagkain sa harap namin, sabay dugtong na, "Kumain ka diyan para hindi ka hinihimatay."

Hindi ko alam kung matatawa ako sa huling pangungusap niya, seryoso kasi siya nang sabihin iyon. Pero sinimulan ko na ang pakay ko, "T-tungkol po sa Project Emerald, Ma'am."

"Hindi ba't Sapphire ang naka-assign sa 'yo?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Oo nga po. Nagtataka lang po kasi ako. Alam niyo naman po na galing ako sa Ledesma, 'di po ba?" wika ko. "At...at 'yong design po kahapon na ipinakita ng Emerald ay design din po ng resort na itinatayo ng LDC, sa ibang lugar nga lang po. Hindi sa Boracay, pero parehas na parehas po."

Nakita kong nagsalubong naman ngayon ang mga kilay niya, bagamat alam kong nakuha ko ang interes niya.

"May pruweba ka ba na sa mga Ledesma ang orihinal na disenyo?" tanong niya.

"Ang totoo ay wala po," pag-amin ko. "Lahat ng files at working papers ay iniwan at s-in-urrender ko po sa LDC kasabay ng pag-alis ko doon. Ang tanging puwede ko lang po sabihin ay ongoing na ang construction no'n, hindi tulad ng sa Emerald na wala pang physical na resort. Pero alam ko pong hindi rin sapat na patunay 'yon."

"Ang sinasabi mo ay kinuha ni Mr. Mariano itong disenyo ng LDC?" Humigop ng kape si Ms. Vicky.

"Hindi ko po sinasabing siya. Sa totoo lang po ay hindi ko rin po alam kung ano talagang nangyari." Napa-iling ako.

"Ikaw lang naman ang direktang may kaugnayan sa Ledesma." Tumitig siya sa akin.

"Totoo po. Kaya nga po ako ang tinitingnan ng LDC ngayon na sumabotahe ng design ng resort nila." Tumuwid ako ng upo at sinalubong ang tingin niya. "Pero higit po sa malinis ko ang pangalan ko, hindi po ba at hindi rin magiging maganda para sa imahe ng Bermudez na maparatangang nangongopya ng disenyo ng ibang kumpanya?"

Tumango-tango si Ms. Vicky. "Pero mahihirapan tayong patunayan 'yang sinasabi mo. I suggest na mag-meeting kayo ni Mr. Mariano to iron this out."

Tumango ako. "I agree po Ma'am. Salamat po. Gusto ko rin po talaga siyang maka-usap."

Hindi ko alam kung naniniwala si Ms. Vicky sa sinasabi ko. Wala kasi siyang kaemo-emosyon, hindi man lang nagulat o nagalit.

Nang matapos ang pag-uusap namin ay tulala akong naglakad sa hallway pabalik sa opisina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Maui mula nang magkasagutan kami kahapon.

Na-excite ako nang mag-ring ang cellphone ko. Akala ko ay si Maui na iyon dahil kahapon ko pa rin hinihintay ang tawag niya. Pero hindi, si Sir Frank.

Patay ako.

Malamang, mas masasakit na salita ang maririnig ko mula sa kanya. Kung mayroon mang mas higit na dapat magalit sa akin, siya iyon, dahil sa kanya nagsimula ang ideya ng pagbuo ng resort.

Ang tagal kong nakatitig sa nagri-ring kong cellphone habang kinukuwestiyon ang sarili kung bakit kailangan kong umani ng galit para sa isang isang bagay na hindi ko naman ginawa.

Natapos na lang ang tawag, hanggang sa nag-ring na lang ulit iyon.

Kailangang kong harapin ito. Wala akong ginawang masama.

"Florence," banggit ni Sir Frank sa pangalan ko nang sagutin ko ang tawag.

"Sir, alam kong nakarating na po sa inyo 'yong nangyari. Magpapaliwanag po ako," sabi ko agad, ngunit mabilis niya ring pinutol ang sinasabi ko.

"Save it. We'd like to talk to you. I hope you could come over here tomorrow," walang paligoy-ligoy niyang sabi.

"Sir, handa naman po ako humarap sa inyo," tugon ko. "Pero hihingi lang po sana ako ng konting time din na ma-settle ko po itong sa side muna ng pinagta-trabahuan ko. Para pagharap ko po sa inyo, mas handa na po ako sa mga sasabihin ko. Sana maintindihan niyo po."

"Okay, then." Hindi ko inasahan na agad siyang papayag. "Kailan ka puwede?"

"P-puwede pong tawagan ko po kayo?" Paki-usap ko. "Kung kailan po?"

"No, give me a day," aniya. "Next week, perhaps?"

"S-sige po, next week." Napilitan akong pumayag dahil baka isipin niya na nagdadahilan lang ako para maka-iwas.

"Okay, I'll call again for the exact date and time," seryoso niyang turan. "Bye."

"Bye."

Tinapos na niya ang tawag. Nanatiling nakatitig ako sa screen ng telepono ko. Hindi ako makapaniwala na iyon lang ang sinabi ni Sir Frank sa akin. Inaasahan ko na susumbatan niya ako, pero baka kapag kaharap ko na siya, saka niya gagawin iyon. Baka nagpipigil lang muna siya ngayon.

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Hindi ko lubos maisip kung paano ako nasadlak sa sitwasyon na ito. Pero alam ko, katulad ng iba ko pang mga pinagdaanan sa buhay, malalagpasan ko rin ito.

***

"Sa wakas, sinagot mo rin ang tawag ko." Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong tinawagan si Maui ngayong araw na ito sa lahat ng linya ng komunikasyon na mayroon siya. Hindi na ako makapag-focus sa trabaho. Walang laman ang isip ko kundi siya.

"Stop bothering me, Florence," pagtataboy niya sa akin. "You know how busy I am."

"Alam ko." Nasaktan man sa sinabi niya ay hindi ako nagpatinag. "Pero kahit gaano ka ka-abala nahahanapan mo ng oras 'yong tayo, 'yong sa atin."

"You seriously think there is still an us?" May galit sa tinig niya.

Nagitla ako sa narinig ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Pinigilan ko ang pag-iyak ko dahil nasa opisina pa ako noon at nakaupo sa harap ng aking desktop computer. "Maui, teka, 'wag naman...'wag naman ganyan."

"I thought it's already clear to you that on that day you walked away from me, we're over," matigas na sabi niya.

"Hindi, hindi." Umiling ako nang umiling kahit hindi niya ako nakikita. "Hindi gano'n. N-nabigla lang ako no'n. Please 'wag mo naman gawin 'to."

"I can't be with someone I couldn't trust." Pinal na ang tono ng pananalita niya. "I'm so disappointed with you. All of us are."

"P-pero wala akong kinalaman sa nangyaring leakage," patuloy akong nagmakaawa sa kanya. "Maui, please maniwala ka naman sa 'kin. Ikaw na lang ang inaasahan kong maniniwala sa 'kin."

"I just can't. Because no matter how I try to analyze the situation, it all boils down to you being a traitor to the company who once trusted you," sumbat niya. "A company owned by my family, my clan. And you failed us. All of us."

Hindi ko na napigilan ang mapa-iyak. "Maui..."

"Please, don't call me again." Iyon na ang huling mga katagang sinabi niya bago niya tuluyang tinapos ang tawag.

Napasubsob ako sa lamesa ko. Iyon na ba iyon? Sa ganito lang magtatapos ang relasyon namin?

Kailan lang iyong nanggaling kami sa Ilocos. Sobrang saya namin noon. Ni wala sa hinagap ko na mangyayari ito, ni hindi ko nga naisip na maghihiwalay pa kami.

Lalo tuloy sumidhi ang pagnanais ko na malaman kung anong totoo. Marahil, kung mapapatunayan ko sa lahat na wala talaga akong kinalaman sa nangyari, baka sakaling bumalik siya sa akin.

"Ma'am Florence."

Naramdaman kong may humagod na kamay sa likod ko. Alam kong si Yulia iyon, nabosesan ko.

Napahinto ako sa pag-iyak. Akala ko ay ako na lamang ang tao sa opisina dahil alas-otso na iyon ng gabi. Kanina pang alas-singko ng hapon nag-uwian ang mga tao, habang ako, nagpa-iwan.

"Ma'am, tahan na po. Inumin niyo na muna po 'to," aniya pa.

Napilitan akong mag-angat ng ulo at baka sabihin naman niya na siya na nga itong nagmamalasakit ay dinededma ko pa. Nakita kong may dala siyang isang basong tubig. Tumuwid ako ng upo habang patuloy na pinapalis ang mga luha sa pisngi ko.

"S-salamat, Yulia." Kinuha ko ang baso na iniaabot niya at nilagok ang laman noon. "P-pasensiya na rin, nakita mo pa akong ganito. Akala ko talaga wala nang tao dito."

"Wala po 'yon, Ma'am. Ingatan niyo rin po ang sarili niyo. Baka maulit po 'yong nangyari sa inyo noong launch," paalala niya sa akin.

Napangiti ako sa kabila ng namumugtong mga mata. "'Wag na lang sanang makarating ito sa mga kasama natin. Ayokong maapektuhan ang kahit sino sa pinagdadaanan ko."

"Oo naman po." Tumango siya. "'Wag po kayong mag-alala."

"Salamat talaga." Ramdam kong totoo naman ang concern niya para sa akin.

"Sabay na po kayo sa 'kin, Ma'am. Saan po ba kayo umuuwi?" tanong niya.

Nang sinabi ko kung saan, nakita kong nagliwanag ang mukha niya. "Nadadaanan ko po 'yan. Kaso, okay lang po ba, motor po ang gamit ko."

Medyo nagulat ako, wala kasi sa imahe niya na gumagamit ng motorsiklo sa pang-araw-araw na biyahe. Payat na babae si Yulia, kimi at mahinhin.

"O-okay lang naman." Ngumiti ako.

"Maingat po 'ko Ma'am, 'wag po kayong mag-alala," paniniguro niya.

"Mukha naman nga." Tumango-tango ako.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "Halika na po?"

"Teka, magsi-CR lang ako." Kahit gaano man kabigat ang pinagdadaanan ko, masaya akong malaman na may taong nag-aalala para sa akin sa loob ng opisinang ito.

"Sige po, hintayin ko na po kayo sa lobby, Ma'am," paalam niya.

"Sige."

***

Magkakaharap kami sa boardroom - ako, si Ms. Vicky, ang VP for Engineering na kung tawagin namin ay Sir NMB, mula sa pangalan niyang Norman Mainard Bermudez, at dalawang tao mula sa Project Emerald na si Mr. Timothy Mariano at assistant niyang si Mr. Dennis Fajardo.

Ilang araw din ang lumipas bago natuloy ang meeting na ito. Ang laging hindi available ay si Mr. Mariano na madalas ay may mga appoinment sa labas ng opisina.

"So, we're here because of Ms. Catacutan's concern," panimula ni NMB. "I suppose we all know as I told you this beforehand. It was raised to me by Ms. Dela Peña." Ang Dela Peña ay apelyido ni Ms. Vicky.

"I don't know how Ms. Catacutan could say that. Everyone in the team worked so hard, spent sleepless nights just to come up with the best concept for Emerald," agad na depensa ni Mr. Mariano sabay baling sa katabing si Mr. Fajardo, "Dennis could attest to that."

"Tama si Sir Timothy," sang-ayon ni Mr. Fajardo. "You could check our biometric records para makita kung anong oras na kami inaabot dito sa opisina para lang maka-abot sa launching ang kabuuan ng Emerald. Pinaghirapan naming lahat 'to para lang magnakaw ng design."

"Sorry, wala naman po akong sinabing nagnakaw po kayo." Sa kabila ng lamig na dulot ng aircon, pinagpapawisan pa rin ako. Pakiramdam ko ay nasa korte ako ng mga sandaling iyon. "My primary concern is that the other camp could release through their media connections that our company copied their design, and that would taint Bermudez's image. We're slowly building our name in this industry, and any negative publicity would not be good for us."

"What is your proof that it's their original design?" nanghahamong tanong ni Mr. Mariano.

"I might not have the proof, but LDC surely has." Naglipat-lipat ang tingin ko sa mga kaharap ko sa pagpupulong. "I knew that they started the conceptualization for the resort the middle of the other year. I was there at the very beginning."

"Maybe it's just coincidental that the resorts are of the same concept." Nagkibit-balikat si Mr. Mariano na tila balewala sa kanya ang sinasabi ko. "Sometimes it happens, Ms. Catacutan."

Umiling ako. "It's really the exact same thing."

"Wala sa amin ang may koneksyon sa Ledesma na 'yan para makuha sa kanila ang plano ng resort nila," si Mr. Fajardo naman ang nagsalita. "Ms. Catacutan, 'wag ka naman gumawa ng kuwento."

"Wala naman po akong mapapala kung gagawin ko 'yon." Sinubukan kong magpaka-hinahon sa kabila ng pang-aakusa ni Mr. Fajardo. "Sa totoo lang po, nagdudulot na din 'to ng stress sa akin. Hindi ko lang din po talaga matiis na manahimik lang."

"But come to think of it, maybe Dennis is right," ani Mr. Mariano. "You may be a spy of the Ledesma's to ruin Project Emerald so we'll stop doing it. Afterwards, you'll forward to them the plan and they'll make it appear as if it's their original idea."

"But I don't need to forward to them the plan, it's laid out in the media launch," katwiran ko.

"Well, whatever your motive is, one thing is for sure, you're just here to mess up with our projects." Bahagyang tumaas ang boses ni Mr. Mariano. "Gustong pabagsakin ng LDC ang Bermudez Builders dahil ito ang fastest-rising name in property development and real estate industry."

"But with all due respect to Bermudez, LDC is already a established company, and is the top name in this industry. Pasensiya na po pero hindi po kasi logical ang sinasabi niyo," eksplika ko.

"Whatever you say, Ms. Catacutan, I'm standing for my team's design. By stating that we copied the concept of your former company, you are invalidating all the hard work we put into it," matigas na sabi niya.

"I'm just after everybody's welfare. A controversy like this is the least we need." Pasimple akong nagbuga ng hangin upang ilabas ang namumuong tensyon sa kaibuturan ng aking pagkatao. Ako pa ngayon ang nabaliktad at naging espiya. Napaka-convincing pa namang magsalita ni Mr. Mariano.

"Actually, the burden of proof should be on you, Ms. Catacutan. You may not directly state it but you're accusing them of stealing the design of your previous company," nagsalita si NMB matapos pakinggan ang pagpapalitan namin ng mga katwiran ni Mr. Mariano kasama pa si Mr. Fajardo.

"Sir, as I have stated earlier, I have no physical proof with me. All the papers and files I have which is connected to LDC, I surrendered them before I resigned." May punto naman si NMB, pero ipinahayag ko pa rin ang nais kong mangyari, "But, I also hope Sir that you'll take a look at this and kindly conduct an investigation on your own."

"We will," paniniyak niya.

Sapat na iyon upang kahit paano ay makahinga ako nang maluwag, kahit na mukhang paninindigan talaga nina Mr. Mariano na sarili nilang ideya ang disenyo ng Emerald.

Lalabas din kung ano ang totoo, at kung sino ang nasa likod nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top